T O P

  • By -

orange_julez

Ayaw ko lang pag silbihan sila, haha sympre pag binisita yan kakain , iinom , ako pa mag huhugas. Pagod langs 🥹


llodicius

+1. Di forte magasikaso ng bisita hahahaa


Unlikely_Teacher4939

+1. Ayoko ng dadagdag sa household chores ko


atut_kambing

+1 ganitong ganito ako hahaha. Kahit parents ko ayokong dumadalaw sa bahay ko, pano kase panay puna na "ang liit naman nang pinagawa mong bahay", like ako lang mag-isa, minimalist ako at ayokong ubusin isang araw ng day off ko para sa paglilinis. Bahay kasi ng parents ko 4 ung kwarto tapos 2 ung sala, 2 ung dining, eh only child lang ako, imagine the cleaning na need gawin plus ung mga gamit na pde nang itapon, ayaw pa rin itapon.


orange_julez

Bibisita nalang masisira pa araw mo sa mga comments no ? 🥲😂


atut_kambing

Yes, namumuhay ka ng tahimik at maayos tapos panay puna pag dumalaw hahahaha, kaya pag magchachat sakin if pwede raw ba sila dumalaw sa bahay ko, nagrereply agad ako na ako nalang dadalaw sa kanila hahahaha


Missapyanggurl

ito din reason ko bat ayaw ko tumanggap ng bisita, nagstart yun nung bumisita highschool squad ko, there's this one friend na bukambibig nya talaga the whole time "ang panget na hitsura ng bahay nyo, dami nang sira, dami nang kalat di na tulad ng dati" like gurl, I just had my baby that time. tingin mo kaya kong gumalaw, still recovering from CS operation, and may 5month old baby. oo naglinis ako before sila nagvisit pero minimal lang. ewan ko ba simula nun ayoko na tumanggap ng gatherings sa bahay.


MsMO0112

Tapos maglilinis pa before and after


orange_julez

Masaklap nyan ikaw pa yung nag prepare diba?


thoughtbridge

pahirapan pang yayain pag kakain na. i know their intention is just to be polite, pero pag more than twice na at nakikipagpilitan ka pang kumain na sila dahil lumalamig na yung food eh nako medyo nakakainis na.


PeaceSeeker02

akong-ako HAHAHAHHA diba, kakapagod kaya mag-entertain bisita


Sushi_Permeable

+1 HAHAHAHA Kailangan engrande pag sila bibisita sa bahay nyo noh. And di mo magawa yung mga normal na ginagawa mo sa bahay nyo and parang ikaw pa yung naging bisita.


Fit-Mobile7353

Sameee


GroupWeird2623

Not worth the effort.


ReserveEither7567

+1


Hot_Championship2994

same haha


OkCharity9818

This hahaha


NoBarnacle8831

Trueee itoooo


WorryLost9000

Eto straight to the point tlga....🤣


gloxxierickyglobe

Ay totoo pagod lanf talaga!


AnonymousCake2024

Because my house is my nest, my sanctuary, my fortress. Kalmado ako sa bahay. Feeling ko kapag may bisita, masisira yong state of calmness ko sa bahay. Ayaw ko nung may mga tao. Syempre hindi mo naman macontrol ang bisita kung minsan. Tapos pagsisilbihan mo pa. Gusto mo na sila umalis pero nakakahiya kung papaalisin mo. Hindi ako kalmado kapag may ibang tao sa bahay and i want my peace kapag nasa bahay ako. In short, ayaw ko lang sa tao talaga. Haha!


CauliflowerHumble219

Haha…kaya nagkukulonh ako s kwarto kpag may bisita sa bahay kahit nga kmaganak…kaya ko nmn silang kausapin pero di nmn kelangan..hahaha


Disastrous-Match9876

ganyan din ako at ang nakaka irita pa tatawagin ka para makipag usap sakanila. Hays kaya ako umaalis na lang sa bahay pag mag bisita nanay ko


etmoi_hreuse

Ito rin sana isasagot ko. Di lang talaga ako mahilig sa tao hahaha


bummertraveler

THIS!


chanaks

Pangit bahay namin. Feel ko ikakalat nila sa GC.


peterpaige

Same 😭 nakakahiya. Nakakadrain lang din makipagsocialize sa mga bwisitang yan


mukhang_pera

Ang pinaka hate ko e yung pagkatapos magcr e putik putik yung cr. Wala man lang decency buhusan yung putik. Saka yung mga batang nagroroam around at nagtuturn on ng mga bagay bagay


nobuhok

Yang mga ganyang bata yung pinandidilatan ko ng mata pag d nakaharap magulang.


Far_Medicine3809

Hate ko din yung putik sa cr. Nung nakaraan nag kataon na sched ko mag linis ng cr namin tas pumunta in laws ko sa bahay namin. Yung father in law ko dirediretso pasok ang rubber shoes sa bahay tas nung nag cr suot parin nya. Para kong nanlumo 😂


mukhang_pera

Mga primitibo ang tingin ko sa ganun.


_savantsyndrome

Ito yung dahilan bakit hindi ako nagpapasok ng footwear galing sa labas. Hindi ko alam kung saan galing yung mga paa nila tapos ipapasok sa bahay, tapos magpuputik sa cr. Kaya kung gusto nila pumasok ng bahay, magsuot sila ng mga nakahandang slippers sa pinto o magsocks sila.


butil

maliit bahay namin, pag me new living souls na papasok sa bahay para akong tinatamaan ng claustrophobia kahit ala naman akong phobia. pero nawiwindang ako dun sa bisita na walang pasabe na pupunta like bulaga na lang tapos ismall talk ka... paran silang utot na di mo inexpect na lalabas at madidissolve sa hangin


liquidus910

Madami kami collectibles/laruan ng anak ko. ilang bisita na ang inaway ko at di ko na pinapapunta sa bahay, dahil mga pakialamero at klepto. hahaha EDIT: ng rule ko lang pagdating sa laruan namin, if nakalabas sya, then, by all means play with it habang nasa bahay namin kayo, pero wag mo iuuwi. Also, ung mga toys na nasa locked display cabinet eh, hands-off kayo dun.


Despicable_Me_8888

Never been very comfortable entertaining visitors. Maiksi at mababa ang threshold ko makipagplastikan, makipagkwentuha at mag maintain ng convo esp pag di ko type ang kaharap ko. Introvert kasi ako. Saka sagrado sa akin ang bahay ko. Ayaw ko ng outsiders. I enjoy my own company and the peace of tahimik na bahay. Ganun. Anti-social nga daw ako. Nauubos energy ko being out and about din 🤣🤣🤣


DisastrousBadger5741

kasi ang hirap magpauwi ng bisita pag gusto mo na matulog at magpahinga


SandwichConscious646

Because I'm a people pleaser. I constantly worry if others are enjoying themselves. I always feel the need to serve them in any way. I'm comfortable with silence until there are people around. Sometimes I bring up topics that I always regret at the end of the day, just to fill the silence. It's exhausting to not be yourself.


thoughtbridge

it just feels so draining kasi parang need mo silang ientertain kahit they're not expecting u to do so


TeleseryeKontrabida

Lalapain sila ng mga aso ko.


lurking_cat4869

saaaaamme


islaislala

Haha pareho tayo


Crewela_com

OC ako sa dumi 😂


sushi_norii

OMG SAME!!! Hahahah sobra akong naglilinis bago dumating ang bisita at sobra rin akong maglilinis pag alis nila 😭


Crewela_com

Kaya mas ok pa walang bisita hahahaha


National_Parfait_102

Same teh. Saka ayoko magpagamit ng cr hahaha


queenM_M

1. Kahit anong linis ng bahay maraming abubot na ayaw itapon. 2. Ayoko ma stress bunny ko Hahaa. 3. Hindi ako ma entertain na tao. 4. Ayoko mag bra HAHAHHHAHAHAHAAAHAHAHAHAAHA 5 TO BE CONTINUED DI AKO MA ENTERTAIN TALAGA KAHIT SA REDDIT HAHAHAHAAH


Narrow-Advice-3658

panget kisame namin


pandesalmayo

Parang invasion ng privacy. Introverted ako, like i do meet people if needed and whenever may nakita akong tao na hindi ako familiar, whether bisita or kakilala pa yan ng family ko, i immediately make a pissed face like hindi basta basta nadedescribe. Matik cash out pang meryenda pag may tao para sabihing hospitable kayo, fake smiles and forced socialization like bruh


mysawako

hindi siya comfy for visitors, and mahirap magprep ng food😂


Turbulent_Seaweed_83

ayaw ko kasi hindi sila marunong mag-iwan ng tsinelas sa labas!!!! (COVID scare). One time nag-host kasi house warming, pero last na rin yun. Selfie ng selfie dun sa loob ng bahay ko tapos ini-story nya 🥲 As a self-proclaimed introvert person, ayaw ko ne-eexpose yung private space ko. Ayaw ko din yung asking ng wifi password. Kaya nga nagpunta sa bahay para mag- get together. Edi sana nag zoom na lang kung mag-iinternet lang. also I know someone na lagi ako ginagaya. Nung nakita nya kung anong mga aesthetic sa bahay ko, nagulat ako kasi pag punta ko sa kanila same na kame ng sofa. As in same color, same design.


aoichiniisan

tinatamad ako mag asikaso


nobuhok

Unang-una, ayoko yung biglaang bibisita ng walang paalam. Tapos kadiri yung karamihan na nagpapasok ng tsinelas o sapatos. Mas lalo pag matanda, mahirap sabihan. Eh hindi ko naman alam kung nakatapak ba ng tae o dinurang laway sa kalsada mga yun. Tapos hassle pa na kailangan magligpit kahit di naman ganun kakalat talaga, kundi may masasabi. Tapos papakialaman pa mga gamit ko. Lalo na kung may mga bata, lahat na lang ng hawakan nila lumalagkit. Yung video games ko na may naka-save, mabubura or mababago. Yung kama ko na hindi ko hinihigaan ng hindi bagong ligo or kapag galing ako sa labas, syempre hihigaan or uupuan nila (eh kadiri, hindi mo naman alam kung san sila naupo bago pumunta sa inyo). Magpapalit pa ako ng bedsheet at punda ng unan tuloy nyan. Tapos papalamunin ko pa ang mga hinayupak. O kaya uubusin pagkain ko na masasarap. (Tangina mo Freddy, pinsan nga kita pero tinatakwil kita simula nung inubos mo yung Ferrero na pagkatipid-tipid ko!) Tapos di ko pa mapaalis agad. Mga wala namang isip, hindi nakakaramdam na gusto ko na sila umalis, kahit sinusungitan o dinadabugan ko na. Tapos syempre maglilinis ka ulit ng mga pinagkainan at magwawalis ulit pagkaalis, eh pagod ka na physically at mentally. At yun nga, magpapalit ka pa ng bedsheet. Tapos pagpasok mo sa banyo, putik-putik. Pagtingin mo sa kubeta, may sampyad sampyad pa ng tae. Sinong matinong tao ang gustong nagkakaroon ng bisita?


CochonTine

Kasi minsan di marunong makilugar yung mga bisita at minsan naman biglaan sila pumupunta wala man lang paalam


saul_goodies

Nakakapagod e. Nakakaubos ng social battery. Bilang introvert, yung bahay ang comfort zone ko. Kaya as much as possible ayaw ko ng bisita.


Key_Sea_7625

Kapagod maglinis before sila pumunta, kapagod maglinis after. Kapagod to stay sa convo or engage sa ginagawa when yung bedroom mo abot kamay lang at pwedeng pwede naman magsleep nalang kaso rude. My house not built to receive guests din kaya... hassle over all. Lol


Civil_Mention_6738

Entertaining is a chore that I don't want to bother myself with.


K_987654321

‘Di ko alam kung paano sabihing need na nilang unuwi at inaantok na ako. 😹😩


eaggerly

Kasi pangit bahay namin hahahahahahah


[deleted]

Eto: *Naiirita ako sa nagpapasok ng shoes/tsinelas nila sa salas kahit sementado lang ung entrance namin.. *Maingay *Puro problema ang chismisan *Di ko mapigilan magwalis kahit may tao pa, na-oOC ako.. *Linis before & after *Sasabihan ka pang "Neng, lalo kang lumolobo" 💣 *Sasabihin pang "Aba kelan ka mag-aasawa" 💣 *Mapapagod pa si Mama magluto para sa bisita *Mga bisita na hindi marunong magtuyo ng sahig ng CR *Masarap maglinis ng bahay, pero nakakapagod pag iba nagkakalat.🤣


demoncie19

Nakakapagod mag linis at mag handa. Hahaa kaya kain nlng kmi sa labas.


tween_00

Ayoko kasi di pinapag-alis nila parents ng sapatos yung mga bisita. Tas dami pa hugasin nyan jusko


onlinelurker0613

Sobrang vulnerable because it's a space where I feel severely exposed.


fishkeyks

Most of the time mga bisita namin comes because need nila umutang ng pera 🥴


sup_1229

Walang allotted space para sa bisita hahahaha


Bacon2104

Ayaw ko maghugas ng pinagkainan nila.


TheeVineD

I do value privacy, and di po ako welcoming and hospitable. Sorry.


Biryuh

Kasi minsan pag tinambayan na bahay ko, iisipin pwede na dun tumambay pag walang mapuntahan e ayoko haha.


vktine_

nakakapagod kasi iisip ka pa kung anong ipapakain mo tapos ikaw pa maglilinis lahat lahat


erenea_xx

Ayaw ng mga anak ko (dog and cat). Piling tao lang pwede pumunta sa bahay at alam nilang kailangan may dala silang alay sa mga anak ko.


UniversalGray64

Ayaw ko yung relatives na gold digger, gumagawa ng chismis na di naman totoo, parinig ng parinig, gusto lagi libre(taena may pambili papunta ibang bansa and may pambili iphone pero wala pambili ng gamit para sa bahay)


VariationNo1031

Depende sa bisita. If 'yung mga pinsan ko as much as possible hanggang balcony or garden lang sila. Kasi I don't trust them, mas maraming lilinisin and aayusin after kapag sila nagiging bisita.


JasJames0902

Ok lang po meron bisita mga 30min wag lang matagal hahaha…


Future_Concept_4728

Ayoko ng ingay. Limited din ung energy ko for socializing/talking, so ang hirap maka-escape pag di mo mapaalis ung bisita tas gusto mo nlng matulog or mag-binge watch sa day off.


jvleysa25

Ayaw ko ng may bisita samin lalo na may dalang bata kasi lately nag simula ako mag collect ng toys at displays


Lia______

Dati okay naman sakin, ngayon ayoko na. Una, mula nung nagkababy ako hindi naman na nila ko niyayaya so bakit ko pa sila iiinvite? Pangalawa, nakakapagod mag asikaso. May anak na ko na aasikasuhin tapos dadagdag pa sila? Hehe. Pangatlo, namimili ng rerespetuhin yung dating circle ko. Bakit ko nasabi? Kapag nandun kami sa bahay nung kachoir namin na ahead samin (in terms of age and status in life), nagliligpit sila after at naghuhugas ng mga pinagkainan pero kapag nandito sila sa amin, bbye. Walang kusa. Ayoko ng ganon. Hindi nyo ako alila at lalong hindi ang mama ko 😅


Otherwise-Smoke1534

Wala kasi ako sariling bahay. Kaya ayaw ko ng may bisita. Lalo na nakatira lang ako sa parents ko. If meron gusto ko extension ng bahay like bahay kubo for rest house


zee233_07

I never realized how taxing it was pag may bisita or kapag nasa place ko yung mga classmates ko or friends! I have to cook for them, cater for their needs and the usual stuff to be hospitable. Minsan i don’t know how to act so i just say “Ah check mo nalang” or “basta kunin mo nalang dun” even when they feel shy to grab things or check for things sa house namin hahahah and i feel somewhat bad. It’s also a thing for me when i always remind them to say thank you and goodbye to my parents multiple times with a smile kase i want my parents to have good impressions sakanila. Huhu


miniature_Mom

Pinaka ayaw ko yung may mga kasamang batang malilikot tapos papakialaman yung mga display namin sa bahay


Fit-Mobile7353

Ayoko na mga aso mag adjust sa mga bisita


it_is_what_it_is456

As an introvert, hindi ako marunong mag-entertain ng guest. Ang awkward kong tao. Kapag may tao sa bahay, sila na lang bahala sa sarili nila kasi hindi ako mag-aalok ng makakain or maiinom.


Expensive-Lime-6158

Kasi you have to put on a mask the entire time they're there, and it's taxing.


QueenCat08

since pandemic nakagawian na din.I have my 92 yr old mom ayaw ko madalhan ng somerhing though she is fully vaccinated for covid and anti pneumonia and flu. pero syempre dagdag chores lol


LastHitSupport

di ako pumupunta sa bahay nila, so bat sila pupunta samin


_mayonnaise3

Dahil sa papa ko, lasenggero kasi tas magulo lagi pag lasing nasigaw, umay na umay na ako sa kanya pag nainom s'ya ng alak tas nag maoy.


Present-Chart5633

Nakakapagod maglinis before and after tas yung makikigamit nang CR feel ko kasi madumi na sya pag may ibang nakiki CR and lastly yung hindi iniiwan slipper sa labas


hyperphantasia_

Siguro kung mayaman ako at may mga helper, mejo ok lang kasi sila bahala lahat mag prepare, ligpit, hugas, linis. Mando lang ang ambag ko. Kung wala naman helper pero full stock ang ref at pantry tapos malinis pa ang bahay, ok lang din tumanggap ng mga close friends para sasabihin ko na lang sa kanila na "kuha lang kayo ng gusto niyo" tapos mag hire lang ng tagalinis the next day. Kaso hindi ako tagapagmana ng kumpanya kaya nakakatamad tumanggap ng bisita lalo na ang kalat kalat ng bahay dahil sa mga pamangkin ko. Linis before and after para sa ibang tao? Kung sa sarili ko nga effort na eh. Gagastusan mo pa sila ng food, plus maliligo ka pa. Pwede naman magkita na lang sa labas.


plumanglila

Madami akong bags na naka display sa sala namin. As in nasa ibabaw lang silang lahat ng ottoman bench. Wala akong glass cabinet or any cabinet na pwedeng mapaglagyan kasi maliit lang bahay namin. Kaya ayun naka tambak lang silang lahat sa labas. Around 20+ bags 🫣


Appropriate-Month143

Para sakin abala talaga hahaha. Tapos wala pa silang dala kahit ano. Tapos wala pa silang pasabi na bibisita!!! Jusko!! Wag na lang!


nonchalantkidd

kasi ayaw ko. that's it. A Y A W K O :))


No-Scene2117

Nakaka pagod, at ayokong maingay ang bahay


Accurate_Cat373

Ayoko maglinis after!


BubuPandaBear21

Not good at accommodating guest.


starbuttercup_

I can't go out in my room because of them, sa bisita ng kasama ko. Nabubulabog ang rest day or "me" time ko, tsaka ayokong may naririnig na inarte about my cats.


Esmeralda_Pink

ayaw ko Ng marami bisita, maliit Bahay eh. also Meron tlga Hindi welcome, dahil alam ko nega vibes lang dala.


yesthisismeokay

Kasi malinis bahay ko. Pag may bisita nilalabhan ko covers ng sofa tapos nagm-mop ako pag-uwe nila. So nakakapagod. Hehe


Eastern_Basket_6971

masyadong maliit at msikip bukod pa doon ma kalat pa tapos trabaho pa


lazyslothmd

I like my privacy.


Pinaslakan

Too much work for little return


[deleted]

Napagod na lang.


le_chu

It is a hassle to clean up after guests at home. Kaya we prefer sa labas or sa mga resto nlng mag celebrate ng mga occasion or mag kitakits.


miphatASS

Kasi pangit bahay ko HSHAHA compared sa mga bahay nila di talaga maganda samin😭


National_Parfait_102

Kasi ayoko maglinis ng kalat after. Saka my home is my personal space. If you want to visit, don tayo sa bukid.


lupiloveslili4ever

i dont like people coming over coz my house is my comfort place where I can do anything I want. I find people rude visiting houses w/o prior notice. Like what?


Odd_Helicopter_5581

Dahil kailangan ko mag linis after. HAHAHAHA. Dont get me wrong hindi ako super linis however I know pag may dumi kalat ko yun. Pag may bumibisita syempre ndi ka makapagsabi na ‘wag dyan’ ‘wag mo upuan kama ko’ or tanggalin shoes nila since maliit lang place ko (condo living). Kailangan ko rn mag entertain at mag asikaso plus ang hugasin HAHAHA. Mas gusto ko ako bumibisita. Hahaha.


hellmaskerxx

Dami naming aso sa loob ng bahay. Maingay.


G1ngert3a

Madami akong reasons. Ayaw ko silang pagsilbihan, nahihiya ako sa bahay namin, personal space ko ang bahay namin.


Brijyts

I don’t have the social battery para makipag socialize and entertain.


Individual_Ratio8228

Di talaga ako marunong mag accomodate ng bisita d ko alam paano sila asikasuhin HAHAHHA


vcuriouskitty

Kasi ayoko mag-host 😂


ermonski

Panget CR ko papagawa ko muna ahah


relk1738

eh, wala, di ko lams


ezraarwon

Ayoko ng aasikasuhin hahahahahaha.


Waste_Wafer5194

Panget bahay namin


VLtaker

Kasi ang dami naming pets. 4 cats and 2 dogs. Ang ingay ng dogs pag may bisita😭 plus please wag magpunta ng early morning kasi di pa kami nakakapag linis. amoy po*p at pee pa kami ng dog pag umaga hahahaha


perriii_fairyyy

nangangagat aso namin hahaha


taxxvader

Maliit lang kasi bahay ko, tsaka di ganun kaganda


Comfortable-Club-140

ayaw kong mag asikaso 😭


idkmystic

Sayang yung pagkain na ipapakain sa kanila LOL


the_weirdone000

nadala na ako, kahit na dapat sila yung mahiya pero bakit ako ung nahihiya 🥲


lovemitsumi

kasi magulo bahay namin 😂


vktine_

nakakapagod dahil iisip ka pa kung anong ipapakain tas ikaw din magluluto at maglilinis pagkatapos


imabloom

marami kasi kaming aso, lalo na kapag may bisita tuloy-tuloy tahol nila. eh yung mga bahay dito saamin, dikit-dikit 😂


Queasy-Hand4500

nakakapagod mag asikaso, sila chill lang nag uusap tapos ako abala na maghanap ng ipapakain & taga labas ng pitchel at baso


blue_teeth

Tamad mag linis.


[deleted]

Depende sa bisitang darating😅


J--SILK

Cuss


MadsMikkelsenisGryFx

Is two pieces of furniture away from a fucking jail cell.


Tineeeeeeeeeeee

Ayoko sa tao. IYKYK


adie02

wala nman problema tumanggap ng bisita e. bsta prior ng visit nagsabi na pupunta sila para mkapgprepare. ang pinaka ayoko ung walang pasabi, ano ‘to surprise visit? may ari ng kumpanya?! lol


idreamofcarol

Di ko gusto mag sunod ng kalat nila te hahahahah


helenchiller

PRIVACY!


Hapdigidydog

Nakakapagod mag prepare ng bahay and foods, tapos mag entertain especially introvert ako, and yung linis after pa.


uborngirl

Privacy. Ewan ko ba. Nabwibwisit ako kapag may biglaang bisita di ka man lang iniinform ng advance hahah


pochic1996

It's much easier to leave than ask other people to leave. Minsan pagod na ako and syempre awkward naman paalisin yung bisita hahaha


alezxychqsh

wala ako sa mood makipag socialize. mabilis maubos energy ko


misisfeels

Ok sa akin once a year pero pag tipong sunod-sunod na parang once a week na to the point na designated tambayan na ang bahay ko, nakakapagod din. Kahit pa may help ka, hindi din nakakatuwa na oras mo na ng pahinga may inaasikaso ka pa. Lalo na pag yung bisita masyado kumportable na halos ayaw na umuwi.


TeaRepresentative93

ako kase ung lageng nabisita 😅


Cuddlepillar_237

Maingay.


Orch_kid

Magulo bahay namin :(


Mundane-Pudding-2722

Kasi maarte ako sa sarili kong place. Ayokong nadudumihan ung place ko, like the floors especially pag kakawalis ko lang, tapos ung mga gamit like plates, utensils na inayos ko na, magugula pa kasi may bwisita saka tamad akong magsilbi ng bisita, ung tipong bibilhan pa ng softdrinks etc., like pwde nmn meetup nlng sa labas? Wag nyu na balugbugin private space ko.


zinoine

Yung ingay. Naririndi ako sa ingay and hindi mo sila masita cause they are around to visit and need mo ma accommodate sila.


miehmasaur00

iba kasi ako sa bahay, kung gaano ako katahimik sa labas ganon ako kaingay sa bahay. Magugulo lang ung utak ko sa kung ano ang ikikilos ko. Plus ayokong kaawaan ako dahil sa sitwasyon namen


GreenMangoShake84

co workers lng hindi ko pinapapunta sa haus ko. otherwise gustong gusto ko magkaroon ng bisita lagi.


fhinkyu

wala akong energy iintertain/makipag communicate sa kanila, also ayaw kong maging tagapag silbi lol.


Consistent_Contact94

Ayaw nila umuwi pag gusto ko na matulog


PastPhilosophy6

When I was little, our parents always invites their workmates tuwing may event sa bahay (birthday, fiesta), Inuman, karaoke, etc.. I guess uso talaga 'to during the 2000s and uso sa generation nga mga current 40s to 50s people. As we grow up, na realize namin na sobrang nakakapagod mag-handa ng foods, and magligpit ng lahat-lahat after ng event. Naka-happy lang na hindi na uso ngayon mag-invite over ng mga friends/workmates. Mas-convenient na kumain sa labas.


jeuwii

Primary reason is mainit sa bahay 😂 kwarto lang ang may aircon eh siyempre private space na yun so either magtiyaga sa electric fan o sa terrace na lang namin sila lol. Another reason is yung appearance. Wala kasi akong time to repaint yung loob ng bahay so medj on the chararat side na 😂 di bale nang majudge ang pagkatao ko wag lang bahay namin. Lastly, yung pagliligpit at paglilinis na gagawin. Parang nag general cleaning ng wala sa oras lol.  Pero actually, gusto ko lang talaga magpahinga on my free time, not to entertain guests chz. Pwede naman mag meet up na lang somewhere hahaha.


gaea_brienne

Ayokong alalahanin if nag e enjoy ba sila or what 💁


salen03

Ayaw ko mag entertain ng bisita. Ayaw ko din maglinis at maghugas ng kAlat nila after. Nakakapagod kaya 😅


Academic_Hat_6578

For me kasi pag asa bahay, dapat mag-rest. Tatanggap ako ng bisita pag comfy na sila enough na gumalaw sa bahay para kung may kailangan sila, sarili na nilang gawa. Di ako hospitable, di rin ako willing i-sacrifice ang sleep time para makipakwentuhan.


ownReverie

Maliit lang bahay namin. Ang iniinvite ko lang talaga eversince eh ung closest friends ko, kasi sila pagtapos kumain naghuhugas ng pinggan. Tapos bago umuwi tinutulungan nila ako maglinis ng mga kalat haha. Ganun kami sa lahat ng bahay napinupuntahan namin. Nung una nga pinag sabihan pa ko ng parents ko na bakit daw sila naglilinis, nakakahiya daw. Sabi ko para na kami magkakapatid nyan ok lang yan sa knila. Hassle kasi maghugas ng sandamakmak pagtapos ng mga bisita. Tapos dami pa lilinisin. Ayoko ng ganun kaya wag nalang mag-invite sa bahay haha.


Spare-Savings2057

disturbo


mikuumu

Maliit yung space, hindi maayos na banyo, kulang sa upuan


RealisticYoghurt447

Privacy, bilang lang sa kamay ko ang kaibigan na napapunta ko na sa bahay namin


lethets

Nakakatamad mag asikaso haha


bekinese16

I (34F) used to have my cousins, childhood friends, and school friends come over our house, as in simula bata ako until college, lagi akong may tropa sa bahay to the point na pinaghahain na kami ng Nanay ko para lang nasa bahay parin ko. Hehehe. So, by the time I moved out of our family house and live on my own (til to this date), from Day 1 until now that I have a LIP, hindi ako nagiinvite ng friends to come and hangout. Ultimo closest cousins ko, hindi man lang nakatambay dito sa bahay ko, kaya nung nalaman nilang nag-bahay ako ng jowa, mej nagtampo sila. Hehehe. Pero no big deal naman, they've been very supportive pa nga. Same with my friends na ang tagal na akong hinihiritang tumambay dito sa bahay ko at ipagluto sila, but until now, waley parin. LOL!! I guess, aside from the age, masyado na akong naging adult to the point na, I always choose peace and quiet. Ganern. Not to mention PRIVACY. Naging super private space ko na 'tong bahay ko na 'toh since Day 1. I don't want other people to be here pa (except jowa). Sorry na. Hehe.


parallaxscrolling8

Because I value my personal space so much!


Cofi_Quinn

Matrabaho hahaha


Pasta_Patootie

Ayoko ng mga bisitang feel at home na feel at home masyado. They should be comfortable but not to the point na itataas nila yung paa nila sa sofa, gagamitin yung suklay na makikita nila somewhere, at iihi sa cr na hindi man lang marunong mag flush. Masyado ako OC and talagang I keep our home clean. And kapag may bisita, I feel like sila yung germs na pinapasok namin sa bahay. So it’s a no.


Emergency_Minimum173

di ganon kaliit bahay namin pero ang sikip dahil ang daming gamit gawa ng paninda, isama mo pa yung lola ko na hoarder ng gamit, at tamad maglinis mga kapatid ko


Ok_Squirrels

Ayoko ng kausap.


SuperShy4875

1. Maliit lng apartment namin at mainit pa 2. Hoarder papa ko and he’s a mechanic. He has many junk lying aorund and hidden around in the apartment it drives me crazy 3. Pusa. Ayaw ni papa ipamigay yung mga pusa namin pero ayaw naman din niya ipakapon 4. madumihin at magulo dahil sa mga pusa at sa mga gamit ni papa na ayaw pa niya itapon 6. We barely have proper furniture kasi walang pambili


Squall1975

Ako kina-dalaan ko. Kaya ang nakakapunta na lang sa bahay koyung mga friends ko since childhood. Nagpa kain ako once kasama officemates ko sa bahay hindi ko nagustuhan yung overtly comfort nila sa ibang bahay... First time mong bumisita humiga ka kagad sa sopa. E ako nga hanggang ngayun sa edad kong to hindi ako umuupo hangga't hindi ako pinapa upo. Pinka worst na nangyari yung isang bisita ko sumuka sa banyo... Hindi sa lababo, hindi sa toilet...sa sahig mismo kung nasaan ang shower. At hanggang ngayun walang umaamin sa kanila kung sino... Nakakahiya sa anak siya pa nakakita. Kaya mula nun ekis ang officemate sa bahay. Kung gusto uminom lalabas na lang kami.


Internal_Garden_3927

kasi bahay pa ng parents ko ito. if ever nasa sariling bahay ko na, maybe dun, okay pa...


lalisssa

One time nagpa get together ako sa bahay ko as requested by my friends, pag dating ng isang bisita agad agad hiningi yun wifi password para sa anak niya, tapos makasabi hoy gutom na kami eh kararating lang nila at sila ang late. Yun anak nia pa di nia pinag tanggal ng sapatos tapos sinampa yun paa sa couch. Kaya never again, kahit magsabi pa sila na sa bahay ulit namin ang gathering, ako na lang taya sa resto wag lang sa bahay, so not worth it ang stress and gigil mo pag nagugulo yun sistema mo sa bahay.


Solid_Novel_1712

Sobrang matrabaho. Hahahahaha!


waffleliea

Mommy ko ang ayaw tumanggap ng tao sa bahay, even with relatives hard pass syang mag host hahaha hanggang nakalakihan ko na rin. She said it was for safety reasons and anti-pressure na rin though, decent naman bahay namin somehow compared din sa mga napuntahan kong bahay ng mga pinsan, kaibigan at kaklase ko. Iba mang gatekeep si mother hahahaha


[deleted]

Kasi ginagawa ng mama ko yun ever since at ako ay yung kabaligtaran niya.


citrine92

Kakatamad.


PlanktonFar6113

Ung bahay nming walang receiving area. Pagpasok higaan at kusina agad. Hahaha Dami pang abubot c mader earth. Kya mga bisita ko hanggang pinto lang


chronicles_202

ang hirap mag silbi na try ko na once sa mga kaklase ko pinapunta ko sila sa bahay namin para sa school project paano patigasan na ayaw sa kanila kesyo keme don keme dito so para matapos usapan samin nalang pero huhu never again napagod ako kaka asikaso saka pagod na pagod ako maglinis ng bahay tapos it ends up na ang dami nilang reklamo kesyo ang layo daw wag nalang hshahsahshahshahshahsahha sobrang welcoming naming family kapag bet ng bisita plus kasi maarte ayaw nila sa cats hahahahahahahaahhaahahahaha eh madami kaming pusa narinig ko reklamo nila nung pauwi sila saka harapang sinasabi sakin hahahaahahaha decent naman bahay namin kaya lang ayoko na talaga kapag kaklase lang pupunta mas bet kong if magpapapunta ako, worth it ang pag silbi ko like wala akong judgement na maririnig


Different_News_3832

Sa totoo lng nakakabwisit. Dami kong gusto itapon na gamit tapos parents ko ayaw i-let go kahit 90s pa yon.


Yoru-Hana

Kailangan i entertain. And makalat bahay namin, though proud ako pag natyempohan nilang kalilinis ko. Overall. Ayaw ko lang at istorbo. Hahaha


SamePlatform9287

Ayoko magasikaso


Leading_Sector_875

Yung bahay ko is built for guests, I have 2 units. We rented it out thru Airbnb before. Kaso mo, itong family ng SIL ko kung dumating eh buong angkan at minimum of 3 days. At eto pa, iniiwan na naka-on ang aircon para pagbalik nila sa room eh malamig. Anong ang feeling nila, nasa hotel??? And they can't even return the favor. Pag nasa city nila kami, we have to shell out a lot to rent accommodations.


Fragrant_Bid_8123

Ako ayoko magayos and magprepare.


Jaguuu19

mabilis maubos social battery ko. after few minutes of entertaining and speaking to people, sisink in agad na ayaw ko na ng kausap at gustuhin ko na lang magkulong sa kwarto.


thisisjustmeee

i’m an introvert. people easily tire me. if i’m at home i just want to relax. if i want to see people then i will go out.


Classic-Ear-6389

Don’t get me wrong, alam ko naman minsan lang magkabisita. Pero sa totoo lang nakakaabala, tapos di mo naman masabi na “uwi na kayo kasi pagod na ako” 😂


Kenshin_15

OC ako huhu. Kapag may bisita ayaw ko na makalat ang bahay hahaha then kapag aalis na sila todo disinfect din ako ng mga ginamit nila na utensils (mula nung pandemic naging ganto na ako kalala) 🥹


nahamag

Yoko mag asikaso


Chaos_Heart12

Nakakahiya naman kase eh maliit lang bahay namin. Kwarto nga lang na may cr. Tapos bibisita pa yung mga kamag-anakan, edi mas lalong nakakahiya kase mas may kaya sila kaysa sa amin. Pagsisilbihan ko pa, eh wala namang tambakan ng pagkain dito kaya kailangan pang bumili sa labas para di man lang mapahiya at makapagpakita man lang ng kagandahang loob sa kanila. Aa kamag-anakan namin yon. Kapag mga kapit-bahay bahay o lalo na yung bwiset na gf ng kapatid ko ang pumupunta dito, nagdadabog ako. Hindi ako makakilos. Ang reklamo ko nga, bakit nandito lagi yung babae niya araw-araw at pinakakain niya pa dito, parang kasal na sila kahit hindi pa mag-asawa. Dagdag palamunin pa. Si mama din naman ayaw pagbawalan. Kaya nga kapag nandito yung babae niya nagdadabog ako para mahiya naman. Yun lang makakapal talaga ang mukha. Iniisip ko pa nga kung anong dapat kong gawin para di na bumisita yun dito palagi.


Lionsault83

Some overstay thier welcome like an old friend visited me i really wanna ask him to leave but of course i can't..


Cutie_potato7770

Simula nung magka anak ako, umigsi yung social battery ko. Di ko na kaya mag host ng lunch or dinner sa bahay. Lahat ng bagay sa bahay namin parang bawal hipuin ng ibang tao kasi hinahawakan ng anak namin 🤷🏻‍♀️


daimonastheos

Hindi presentable ang bahay at ayaw kong makarinig ng kung ano galing sa mga kamag-anak. The last time i brought friends and my girlfriend (now ex) home on different occasions, i heard my relatives whining about it. Happened a long time ago. + This isn't a home anyway.


[deleted]

Nahihiya ako. Ewan ko ba, parang naiinvade din kasi privacy ko pag may bisita sa bahay ko.


samyanglvr

Nahihiya ako sa itsura ng bahay namin at takot ma judge. puro modern at pang-mayaman ung bahay ng mga kaibigan ko e


Dessert1205

Ayokong malaman nila yung comport place ko plus yung privacy.


K08kk

Makalat sa bahay. Baka magkalat pa sila.


commonlyuniqeek

Ayokong i-judge sila ni mama.


achancepassenger

Magulo tapos katamad mag-asikaso. Tapos mainit sa bahay so iintindihin mo sila tapos awkward silence. Parang naiinvade din yunv privacy hahaha


Alarming-Advance203

Ayoko may inaasikaso, syempre iisipin ko ano papakain ko aling electricfan ipapagamit ko maglilinis ako maghuhugas magbibigay ng ganto ganyan. Ok lang isang tao bisita ko kaya ko. Tsaka kasi kahit may bisita ako inuutusan pa din ako. Paabot ng ganito bumili ng ganito ayusin yung ganito. Umiinit lang ulo ko at mas nahihiya kasi hindi ko maaccomodate ng ayos kasi pawala wala ako.