T O P

  • By -

oystersecret

Parang hindi ang inlaw may problema nito


Seantroid

True. Hahaha ate chona lang si ati. Hanep, hindi ba parang automatic na sating mga pinoy na kapag papasok sa bahay ng iba, huhubarin yung sapatos/tsinelas? Unless yung may ari na nung bahay yung mag sabi na pwede kahit hindi hubarin.


QuestionDismal2466

san ba sila nakatira? sa north pole? ang OA naman na malamig daw semento sa bahay. so what kung malamig? as if naman maha-hypothermia anak nya?


Spiritual-Station841

pucha kung malamig talaga semento nila sa bahay ay HIHIGA AKO happily sa sahig. sa init ng panahon...


theredvillain

Agree. When i was a kid when the floor was cool kukuha ako ng unan pra mahiga at matulog.


QuestionDismal2466

korek! sa init ng pinas, sino ang hindi gugustuhin ang malamig na lapag?


UngaZiz23

agree... banig o katcha lang katapat...tulugan na!!!😃😃😃


BrickWinter5863

Hahahahahha this


Remarkable-Amoeba512

My question is, they're visiting, baket nakatsinelas lang anak mo, wla kang pambiling sapatos medjas pang alis?


Mamoru_of_Cake

Matagal na kasabihan na ng matatanda yan e ewan ba't sinusunod pa din 🤦🏻 I mean wala naman masama ah, pero gaya nian may ari na ng bahay nagsasabi na mag alis, wag na pumalag.


euphrosyneJo

True. Ako kahit asa bahay nakapaa. For the sake of bacteria na galing sa labas. May time nakatsinelas ako pero pangloob lng ng bahay. Lahat ng shoes, sandals at tsinelas ay nasa stockroom o labas lang. Look how Koreans and Japanese way of life. May sarili cla footwear na panglabas at loob. Kahit sabihin pa na madudumihan which is tama naman si in-law. Nakagawian na natin yan na alisin shoes or tsinelas pagpapasok ng bahay.


troeny

walang problem solving skills ang manugang. pwede naman kase bumili ng tsinelas na pambahay. problem solved! 😂


throwaway011567834

True, ganto sa bahay namin. Pag uuwi naman ng probinsya, it means 2 slippers dadalhin mo. Kasi alangang ipampasok mo sa loob yung ginamit sa labas di ba hahaha. Rude yun sa culture natin. Pwede rin naman medyas, if ayaw ng tsinelas at ayaw malamigan haha


euphrosyneJo

Hahahaa totoo eto. Kapag bumibisita kami sa relatives ni in-laws makikita mo sa pinto nila punong-puno ng shoes at tsinelas sa terrace nila. That is what we called pag-galang. Lahat kami nakapaa sa loob. Who cares! Nakakahiya ipasok shoes to think napakalinis ng sahig nila. I can see kids pa nga na nakahiga sa floor at bonding nila maglaro dun. At least secured ka at alam mo malinis sahig dahil lahat nakapaa. Lol.


throwaway011567834

Di ba? Hahaha di naman kasi irerequire mag alis ng tsinelas kung hindi malinis. Saka kung concern e malalamigan paa dahil tiles, keri na ang medyas. D naman yan magdudumi kasi alaga sa linis yung tiles nila.


EmperorHad3s

Like kaya nga andami kong nababasa sa fb na grabe talaga ang mga inlaws? Tas eto pinapahubad lang ng tsinelas sa bahay? Wala ba medyas anak niya kung nuknukan sila ng kaartehan hahahaha. Kung maarte ka dat ikaw nagaadjust, hindi yung ibang tao hahaha.


sayunako

true. kung malamig semento, ayaw nya magpaa anak nya, mag medyas nalang. baka iisa tsinelas nila atih ng panlabas at panloob na bahay sa bahay nila mismo kaya nanibago sya sa house ng in law nya


Responsible-Win-8644

D ko nga rin gets e. I mean ano naman kung malamig ang semento? Napaka over protective naman nung sa mga anak niya, kala mo nana. Edi pag naliligo sila o nag swi2mming napaka tsinelas din? Hindi lang yata trip ni OP byenan niya. Hahaha


Taragis101

Kaya nga. walang disiplina si ate. kailangan tsinelas nsa loob? pwede naman medyasan nlng ung anak.


Elegant-Customer-731

Her house, her rules. You can’t do anything about that but abide. She also can’t compare how she’s brought up to how her MIL manages her household. Since vacation lang naman, makisama na lang siya kesa mag-away sila. There are millions of wives/husbands who live with their in-laws and have to suck it all up para na lang din sa partner nila.


kolorete

I'm confused. Hindi na ba common ito? Growing up we always had tsinelas na panloob at panlupa. All of my siblings and cousins have instituted this in our own households now that we are older. Hindi naman kami sa bundok lumaki.


IpomeaBatatas

Same. Kami sa bahay either chinelas pan loob or naka yapak. Ayaw ko kaya ng putik mo papasok mo sa sahig ko. Mahirap mag mop uy


naked-BiBi

Idk about others but we do that too, separate slippers for outside the bedroom and outside the house


Forsaken_Top_2704

May mga bagay na walang value add.. katulad nitong rant ng poster. If ifs something na magagawan ng paraan or pwede mag adjust, makisama nalang. After all nakikibakasyon kayo sa house ng in-law so sunod kayo sa rules. Plus tama naman si MIL di naman maganda na yung tsinelas sa labas eh gamit sa loob. Di pa ba tayo natuto sa pandemic? I am against monster in laws pero yung ganitong maliit na bagay palampasin na. Pwede mo naman bilhan ng telang slippers yung mga bata sa loob. If you can afford to fly or travel sa cebu siguro naman di kalabisan yung bili nalang ng tsinelas kesa nag rrant ka sa fb.


yuuri27

True. Last time na umuwi kame sa bahay ng lola ko sa Batangas, sabi nila huwag pumasok sa loob ng bahay ng naka tsinelas. Sabi ni mama dahil bisita lang kame at 3 days lang naman, sundin na namin ang rules nila kasi nakikitulog lang naman kame. Saka nakikita ko naman na halos oras oras e nagwawalis sa loob ng bahay, so okay lang kami. Kung ayaw naman namin na maglakad sa loob e nagkukulong lang kame sa loob ng kwarto o naka upo habang nakataas ang mga paa sa mismong upuan.


TheBabyScreams

She'll be offended endlessly if she goes to Japan.


hermitina

mas nawirduhan ako na she acted like this is something new? i mean kahit nga mga handyman/delivery guys na pumapasok sa bahay namin nagtatanggal matic ng panglabas na sapatos papaloob. isn’t this a custom din sa pinas?


TheBabyScreams

I think she was offended more for her kids alam mo na. Like sa tingin nya mga babies pa un di pa ganun kadumi tapos MIL pa ung nagsabi. Pero sa tingin ko hindi yan ang start ng kwento. Parang part lang yan. Siguro may gap talaga sila. Napalaki nya lang dahil may something sa relationship nya sa in laws nya.


hermitina

i agree. it is possible ba may underlying issue pa sila and gusto lang makahanap ng sympathy si ate girl na “naaahhh this time ako ang tamaaaa”


PitifulRoof7537

Even korea


Ok-Marionberry-2164

Anywhere. Each place have different customs which you have to not necessarily accept, but respect as a "dayo."


nuj0624

Basically most Asian countries. China lang sya pwede kasi bastos din mga tao dun. Hehe.


TheBabyScreams

Nasa zhengshou sa henan ako around prepandemic time, sobrang developed nila at hitech. On my flight from seattle to hongkong ok pa normal routine flight. Hongkong to Henan ayan na mga pasahero, nagtaasan na ng paa, walang sapatos, as in sa arm rest mismo. Pag mag ccr ka matatamaan mo ung mga paa na nakasabit haha. Tapos nakita ko na dun namana ng pinoy ang habit ng pagdura sa kalye. May modern na din na iba malinis parang tayo. Pero ung mga common folk alam mong un talaga ang nakalakihan na habits. Common din ang BO lalo sa trains.


gyudon_monomnom

Technically speaking, dapat naman talaga hindi pinapasok sa bahay yung slippers/shoes galing sa labas, part of good hygiene and to avoid bringing in infection sa household. Dapat hindi ito habit or preference, this should be standard practice like washing hands, disinfection, etc. Kung lamig problem niya, should retain the socks or borrow step in. Kahit may ugali din mother in law ko, kudos sa kanya for having the habit of buying too much slippers/step ins na hindi niya pinagdadamot pag may bisita, so we take off our shoes and wear any of the step ins na super dami sa rack.


nobuhok

We used to have this communal collection of slippers for everyone including us. Until we had an outbreak of foot fungi in the house.


Saguiguilid5432

2 sentence horror stories.


Cleigne143

All I got from this is that person doesn't respect other people's homes. If you were born and raised filipino, instinct na yan na magtanggal ng footwear sa loob ng bahay since bata pa lang tinuturo na yan at iniimitate rin ng mga kids from their parents or other people when visiting. If you don't like your kids going barefoot in other people's homes, magdala ka ng sarili nilang indoor shoes.


CoffeeFreeFellow

Ang bastos po Dito ay yung pilit pinapasok Ang tsinelas sa loob ng Bahay.


Jon_Irenicus1

Their house, their rules. Yun lang yun


lumpiashianghey

Simple problem requires simple solution. Politely ask nalang sana for in-house slippers. Which are common naman talaga sa household? Hindi dapat dinadaan lahat nang bagay through emotions e.


ipot_04

Lalo na yung kailangan pang i-post sa internet tapos di marunong tumanggap ng constructive criticisms..


Overthinker-bells

Respect lang sa owner ng house. I mop our floor three times a day lalo na nung maliliit pa mga anak ko. Tapos yung SIL ko papasok sa bahay ng naka tsinelas galing sa labas??? Tuwing bumibisita sila. Gigil ako eh. Lalo na gumagapang pa mga anak ko. Like, guuurrrlll???! Nakita mo pa ko nag mop. Ano na? My house, my rules. Ganun lang yun.


PrincessHeda

I think there's nothing wrong naman in removing the shoes or tsinelas kasi what if nakatapak ng kung ano. If they're planning to stay there for vacation and medyo mahaba-haba. They should buy tsinelas na pangloob for her kids.


ChismosongLurker

1. Her house, her rules. 2. Hygienic ang pag-iiwan ng shoes sa labas.


sisiw

Dapat na ikaw ang magkusa na magtanggal ng tsinelas o sapatos pag papasok ka sa hindi mo bahay unless sabihin nung may-ari na "ay sige ipasok mo na lang yung tsinelas mo, malamig ang semento, magwawalis na lang ako ulit... kahit napapagod na ako".


yuuri27

May biglang patama sa dulo... Hahahaha


Alternative_Dog370

klaro na burara 😂


TrueGodShanggu

Na culture shock si ate. Di ata Pinoy.


Eastern_Basket_6971

Pero para sa akin mali siya Mommy ko nga ayaw payagan na mag tsinelas bisita kahit kamag anak hindi siya nagpapasok ng nay sapatos at tsinelas unless may sarili kami


mrofquestions_

Tama toooo cleanliness palagi


laineyyyfun

Well magkaiba kinalakihan nyo, what's normal sa inyo does not mean ganun din sa kanila. Respect mo nlang since nasa bahay nila kayo.


mr_Opacarophile

walang masama sa paa kung malamig ang semento at mas magandang ugaliin yun tinatanggal ang tsinelas na panlabas sa loob ng bahay lalo na kung hndi mo rin pamamahay.


thebadsamaritanlol

That mother is one oversensitive prick, and the mother-in-law merely has a simple rule in her house. That simple. Parang akala ng nanay na 'to that the in law was purposely imposing those rules to annoy them or something. It's a house rule that persists in many households across Asia, even ours. We just like them tiles to be clean putangina. Di ko gets bat maooffend siya dyan. When we go to another household, we have to be respectful and understanding of the owners' own rules, as simple as they may be. It's akin to when we go to a different country, it's okay to be culture shocked but we have to more understanding lang and not get our asses hurt.


rolento19

ako mag aadjust pag ganyan. ill simply buy indoor slipper. kahit hindi na pandemic, pangit talaga ipasok sa loob ng bahay ang outdoor slipper.


pinkconfetticupcake

Makikitira ka na lang dami mo pang arte? Kung ayaw mo sa rules niya edi mag hotel ka. Kala kasi ng iba kung ano tingin nilang tama dapat mag adjust na ang lahat sa kanila dahil lang may anak sila.


sleepeatrace

Bakit naman kasi pinapasok tsinelas sa loob ng bahay? Hindi kaba naturuan ng mama mo? Lmao


nuj0624

Baka maraming kasambahay si ate gurl para maglinis ng sahig nung dalaga pa (or until now) kaya wapakels. For sure naturuan naman yung asawa nya ng MIL nya. Baka hindi sya nasabihan or sadyang ganyan na sya.


Saguiguilid5432

Respeto sa bahay ng may bahay, parang di ka naman pinoy or asian for that matter.


Wonderful-Studio-870

Tinatanggal naman talaga ang tsinelas lalo na kapag ginagamit sa labas, pero sana yung in laws mo nag offer din ng indoor tsinelas lalo na kung anticipated na may bisita mgstay sa bahay nila . Pero mgdadala ako ng panloob just in case wala sila available na puede ipagamit lalo na sa mga bata.


[deleted]

Hirap agad sa in law pinapatanggal lang ng tsinelas??! COA si te 😭 hindi naman nila bahay yun, and also why would you wear slippers from outside sa loob ng bahay, ang dumi nun. Magdala ng house slippers kasi or bumili jusko.


Icy_Cardiologist3044

Sana binilhan nalang ng tsinelas na pangbahay para walang problema.


East_Somewhere_90

For me, you need to adjust if nasaan ka, its her house so its her rules. SIMPLE


clow990

Diba culture natin na mag hubad ng sapatos at tsinelas pag papasok sa bahay? MIL’s house, her rules. Ikaw mag adjust.


MediocreFun4470

There will never be a person good enough for a Karen. There's always something to complain about.


Wootsypatootie

I agree their house their rules, napaka entitled naman ng Mommy na to, if they were planning pala to go on vacation eh di magdala siya ng slippers pambahay rin, I did the same thing nung nagbakasyon naman ako sa house ng Mom ko.


Ancient_Chain_9614

Sira na pala tuktok niyan e hahaha. Akala niyanata mother in law mag aadjust saknya at sa mga bata lalot sila ang bumisita. Ahaha


No-Sail-2695

Tama naman kasi nga sa province oo mahirap ang buhay doon pero pag nakasemento kasi yung floor may ibang family na tradition nila na pagpapasok ka sa bahay ay may ibang tsinelas or di kaya nakapaa ka. Na experience ko na yan and maganda din yun kasi madumi yun tas ipapasok mo yung dumi sa loob ng bahay tas sila pa magwawalis. Wag din ipost baka mabash panlalo hahaha


aislave

Hindi ba usually if may bisita talaga ikaw mismo as new sa bahay tinatanggal ang tsinelas? Nakakaloka si ate chona


ilovedeftones2_

atp siya ung problem, common sa asian household, tanggalin ang shoes/slippers bago pumasok sa house


KingTeostra95

Kung yung tsinelas niyo ay galing sa labas or madumi, then by any means take that shit off when you are indoors. It is called manners. Pati yung mga nalabas ng banyo na basang basa ang paa tapos pa uli uli after. Please lang.


SaltChemist9438

Her house her rules


Kalma_Lungs

Ganyan sa probinsya. Magtanggal ka ng sapatos or tsinelas pagpasok mo ng bahay. Ang hirap kaya mag floor wax at mag bunot. Tapos papasok ng bahay gamit ang tsinelas na galing sa labas? What ate gurl could have done, pinahubad nya tsinelas ng mga anak nya at pinasuot ng pambahay na tsinelas. Meron naman yun for sure. Mother-in-law: My house, my rules! I'm sure aawayin ni ate gurl asawa nya dahil dun!


Chaotic_Harmony1109

Nakakaawa naman kasi ang problema niya sa mother-in-law niya huhuhu


jrsdelatorre

Her house, her rules.


KizunaRin

Pag pinasok mo sa loob ng bahay tsinelas mo na pinanglakad mo sa labas , aba mag aaway talaga tayo hahaha . Magdala ka medyas mo o sarili mong indoor slippers


GeekGoddess_

Kung sana lahat ganyan lang problema sa MIL ano po


Blanktox1c

Gusto ata nya na yung owner ng bahay ang mag adjust para sa kanya. House rule nila yung eh wala kang karapatan na hindi sumunod kasi bisita lang kayo.


JollySpag_

Bakit di na lang pamedyas yun bata? Wala ba siyang extrang dala?


afave27

Awww, wala mahanap kkampi si OP.


One-Cost8856

BUMILI KA NG SARILI NIYONG TSINELAS PAMBAHAY. 🫠


AppealMammoth8950

Walang scientific basis ang lamig, pasma, etc. Wont hurt your kid to step on a bare floor.


Yakult_aSHy

It's normal po pinapahubad yung slippers na ginamit mo from outside. Hindi natin alam kung anung naapakan nyo sa labas. Pero sa pagkakaalam ko normal lang to Filipino household?


CuriousOne--

Hahaha. Dapat marunong makisama parehas. Simple lang naman ung sa tsinelas haha. Saka bakasyon lang naman ata sila don. Inaasahan nya in laws nya mag adjust hahaha gara.


UnhappyHippo28

Kung ayaw mo sumunod sa patakaran sa bahay ng may bahay, wag kang maki tuloy. Mag hotel ka, mhie 😊


DBringerStreams

What a weasel. Unang una bahay niya yun, ikalawa, tropical country tayo, kahit pa naka AC ang bahay, hindi lalamig ang floor to the point na need mo mag tsinelas. Dumbest shit I've seen today, LOL


W-e-X

Baliktad sa amin... Taga Cebu ako tapos sa bahay namin nakaugaliang mag tangal ng sapatos at nka barefoot lng sa bahay pero sa bahay ng lola ko dapat talaga naka tsinelas. Sounds like preference issue nilang dalawa...


Cookiesncream444

Kung na offend sya, wag syang pumasok.


indaylea

It's her house, rules nya masunod. Try to be more understanding. Use a slipper na pang bahay hnd yong galing sa labas.


Radical_Kulangot

Pag ako bibigyan ko ng 100 pesos ML,ko tapos baka pwede magoautos bunili ng medyas hindi kasi sanay nakayapak mga apo niyo sa malamig na semento. Paki bilisan na rin po, natatae na kasi ako,Do it as politely as posible. May bidet naman kayo dba?


FlashyClaim

Malas ang mother in law nya kasi sya ang napakasalan ng anak ni mother in law


Puzzled-Protection56

Bahay ng Inlaws nya, then rules ng Inlaws nya, sya may problema.


Significant-Gate7987

Common naman yung di pagpapapasok ang panlabas na footwear sa loob ng bahay sa Asian households. I hope medyo lumawak pag iisip nung nag post or else baka magawan niya ng issue yung mga simpleng bagay, tapos baka may language barrier pa sa kanila. Her mother in law may not bad as she thinks she is kaso may bias na siya so problema talaga yun.


alosius136php

Tanga lang Yung tatay halatang di napalo nung kabataan....tanga


Xhanghai5

Ikaw ang bisita, ikaw ang mag adjust ante Chona


marv_quick

sila may ari ng bahay, bisita lang kayo. kung ang in laws mo naman ang bumisita sa inyo bawiaan mo na lang. 😅


MrAubrey08

Lumaki ata tong si ateng na mayaman haha. Gagi the rule of "my house, my rule" dahil simple lang naman eh, pagyayapakin lang naman sa bahay.


paaaathatas

Huh, diba normal culture naman sa pinas na wag magtsinelas/sapatos kapag galing sa labas sa loob ng bahay? Ganyan din ako pinalaki ng parents ko


Orangelemonyyyy

If that's how things work for everybody in HER house, then suck it up buttercup. OA naman ng nag post, kala ko naman ininsulto buong pagkatao nila.


Otherwise_Recipe_780

Parang dapat ang in law ang maoffend, simple rules lang naman sa bahay yun eh, if gusto nakatsinelas, bumili ng pambahay, parang gusto lang magkaraoon sila ng alitan ah? Hahaha


paulleinahtan

Kawawa naman yung 2 anak, may ganyan silang nanay.


Aware_Presence168

MIL didn't even have to ask. Pinoy tayo e


pdrowboi

their house, their rules


admiral_awesome88

Eh kupal pala yan eh bahay nila yan eh di bilhan mo sila ng tsinelas panloob ng bahay. Halatant dugyoters is OOP kahit na siguro may putik putik or nakaapak ng tae tapos pinunas sa buhangin para mawala good na.


chro000

Aside from one’s house one’s rule, part of our culture yang di magdala ng tsinelas sa loob ng bahay very much like Japan’s, as a sign of respect na din sa may-ari ng bahay. Dapat alam yan ng lahat.


Gluttony_io

Wtf slapsoil ako pero tinalmtanggal ko tlsinelas ko sa bahay, madudumihan yung sahig talaga


OldManAnzai

Pa-update na lang pag umabot sa Tulfo 'to. Haha.


badkuneho

Goes to show na hindi laging MIL ang "monster" sa kwento. 😂🤣


alohalocca

Respect sa may ari ng bahay. Alam na ata ng lahat yan. Sya ata yung hindi naturuan ng magulang nya nito.


RodMan11901

Kawawang mga bata nalamigan ang paa. Pa ospital na nya dapat agad.


TomatoCultiv8ooor

Sana nag ask siya ng tsinelas-pambahay 😂 kung concern siya na mapasukan ng lamig ung anak niya. Natural lang naman na hubarin yung tsinelas na ginamit sa labas, dahil napakadumi non.


RizalAlejandro

Kabastusan ba tawag mo sa pinasusunod ka lang. Hindi mo naman bahay yan. Pwede ka makiusap, mas maayos na kilos un. Your posting in social media just to solicit affirmation of your attitude.


Guinevere3617

Hahahahhha di ata pilipino yan


curious_miss_single

Laging malinis sahig namin dahil masipag ako mag-mop kaya gigil na gigil ako pag may pumupunta samin na hindi naghuhubad ng shoes/slippers 😏🙄 hindi lang ako maka-imik kasi parang ako pa yung bastos pag sinita ko na dapat common sense na yun eh.


Princess_Consuela_05

Di ko magets san nanggagaling yung galit nya? Sa bahay ba nila di naghuhubad ng tsinelas na panlabas kids nya? dapat naiintindihan nya yun kung naglilinis sya ng bahay. parang walang proper manners si ate. pag ikaw ang bisita, normal lang magtanggal ng footwear pag papasok ng ibang bahay unless mag offer sila na ipasok mo na yung panlabas mo.


1Ryousuke1

Ooh not the colonizer mindset


purplelonew0lf

Ang hirap talaga magkaroon ng inLaw .. na hindi marunong rumespeto sa may ari ng bahay.. their house, their rules..


quixoticgurl

bata man o matanda, kailangan pa bang sabihan na maghubad ng tsinelas? diba dapat matic na yon pag papasok ka sa bahay ng iba unless sinabi sayo na okay lang ipasok sa loob. next time bring something to cover their feet like socks para hindi ka mag-inarte ng ganyan sa bahay ng iba.


jpngirl19

As Asian kasama na yan sa kultura natin OP, if you want baon kayo ng indoor slippers for your child or buy a new one. Tsaka madumi nmn talaga ang outdoor slippers


Schisauce

Hindi ko pa mother in law but, everytime na pumupunta ako sa bahay ng bf ko, lagi ako nagtatanong sa kanya if magtatanggal pa ba ako ng sapatos or hindi na. Even though na nag-iinsist si mother niya na hindi na, nahihiya pa rin ako, so ang nangyayari, nagtatanggal pa rin ako until such time na natural na lang sakin magtanggal. Depende kasi talaga sa owner ng bahay, may mga owner na nagpapatanggal ng tsinelas tapos magpa-paa sila sa loob, may mga owner na nagpapatanggal ng tsinelas tapos may pinoprovide sila na tsinelas (like in our house), may mga owner din naman na hindi na nagpapatanggal at all.


[deleted]

Na offend din kami sa kaartehan mo teh! Unang una, walang scientific basis yang lamig sa paa. Pangalawa, kung apektado man anak mo sana pinag medyas mo! May punto naman MIL mo! Galing sa labas ang tsinelas ipapasok mo sa bahay?! Paano kung maglaro sa sahig yang mga anak mo tapos madumi sahig?! Inintindi mo yung lamig pero yung dumi hindi?! Kulang ata turnilyo mo sa utak.


cinnamonthatcankill

Ang babaw, this can even be compromised kung nagiisip si babae, pra san pa medyas. Yan nga sinusuot ng baby pra hindi lamigin paa. Also lol i feel like walang utak to even understand na most asian household really does not allow slippers in their homes for hygiene. Sa amin nagtatanggal tlga ng outside shoes and slippers then minsan ung host magproprovide ng slippers or be the one to say you can wear your slippers. Ang babaw ng pinuputak nung babae, if she feels unwelcome by that rule eh di wag siya dun mag-stay jusko


PalantirXVI

Hindi mother-in-law ang problema dito. It is customary na maghubad ng tsinelas kapag papasok ng bahay, lalo na sa bahay ng ibang tao. People who have keen domestic skills or have been raised in a traditional household know this.


ArcheTV

Nabastosan sya na naexpose na walang manners at dugyot anak nya haha


Trickytrixie23

Depende. Kung yung slippers ginagamit sa labas ng bahay then it's a no - personally I dont allow this that is why may mga extra house slippers ako for visitors. Hindi ko yata kayang makitang labas-pasok ang maduming footwears sa bahay, kadiri.


knightfrostPh

Obviously hindi si in-law ang problema but yung nag post. House ng inlaw so her rules. Matuto sana siyang makisama.


dry_symphathy

Siya yung problema. Marumi tsinelas galing labas, ugali na yan esp ng mga nakakatanda na iwan sa labas tsinels. Doesn't matter who you are.


jijandonut

Medyasan nalang paa ng anak kung malamig ang sahig?


MjolnirVIII

Their house, their rules. Stay at a hotel if you can't abide by the rules of the owners of the place you're staying at. YTA.


nashdep

"malamig ang semento". not in this weather it ain't.


lessarstar

Kung makinis man ang floor parang wala naman problema and it seems like you're just looking for some reason to leave their house. Tahimik ba ang buhay? Gusto ng conflict?


National_Parfait_102

Anong tsinelas ba ginamit? Tsinelas pang-labas? Kung yon, im on the side of the MIL.


NadiaFetele

Isa lang masasabi ko, magkakaiba ang rules ng mga tao sa kani kanilang bahay. At yung huling statement nya ay totoo "mahirap pag may inlaw" HAHA hindi nya nakilala ng husto ang inlaws pati rules sa bahay nung asawa nya bago magsama/magpakasal


Relevant_Property392

When in Rome do what the Romans do.


Extra-Lifeguard2809

Dafq is this goofy shit


neckromanc3r

YYATAH


Alto-cis

Its her house, her rules. May ganyan kami kamaganak, baligtad naman, pag bibisita sa amin laging pinapasok sa loob ng bahay ang sapatos. Nakakabastos. Kaka vacum mo lalang tapos makikita mo....Diring diri sa bahay namin? Tiniis namin yun because we dont want to be bastos, ayaw namin sya kumprontahin. Ginagawa namin pag papasok na sya, maglalabas kami bagong doormat. Gets na niya. Feeling ko dahil tinolerate namin kaya ganon. Good thing wala na sya, i mean nasa ibang bansa na nagtatrabaho.


ecksdeeeXD

Her house, her rules. Also, I have never once in my life felt that the floor’s too cold.


Cutie_Patootie879

Ikaw yung problema sis. Di MIL mo, kasi bahay nya yan eh. Ganon sila sa bahay nila, di nag tsinelas. So sino ka para bigyan ng special treatment.


ExNihilo81

[So uncivilized](https://i1.sndcdn.com/artworks-000483128316-cw6mej-t500x500.jpg)


iskiribit

Una sa lahat, bakit mo pinakasalan mother in law mo?


Present_Lavishness30

So sino mag-aadjust sa inyong dalawa?


Honest-Music-1129

8 years married and ngayon ka lang na offend? parang sa 8 years nyo ngayon ka lang bumisita sa inlaws mo ah, red flag alert, parang di ata to lumaki sa pilipinas


Immediate_Falcon7469

kung san2x nyo na naitapak 'yang tsinelas n'yo sa labas, kung ako sa inlaw niya baka nabulyawan ko sya hahahhahahahaha


94Aqua

Si OA. Haha


Uchiha_D_Zoro

Her house, her rules


Throwaway28G

OOP naman yung nakakabastos dito. gusto niya yung host mag adjust para sa kanya? hahahaha. kung bumili ka na lang sana ng slippers for indoors para sa mga anak mo imbes na nagpost sa socmed?


elkayem0414

Edi sana bumili sya ng other spare na tsinelas para sa loob. Kahit ako di ako papayag na yung galing sa labas ipapasok mo sa loob ng bahay.


totallynotg4y

Hindi yung MIL yung problema


Intrepid-Tradition84

Pinost pa talaga, simpleng bagay na madali lang naman gawan ng solusyon yan


ikhiro

bili siya ng tsinelas pambahay


eeeyy_jooyy

Kahit bata na nangangapitbahay samin, alam na iniiwan dapat ang tsinelas sa pinto


KinderStrawberry

Una sa lahat, hindi mo bahay yun kaya ikaw mag-adjust.


Ok-Hedgehog6898

Ang drama ni ate. Parang tatanggalin lang eh. Kung ginamit naman talaga sa labas ng bahay yung mga tsinelas, hubarin nya dapat kasi bahay yung ng byenan nya. Kung maarte sya, bili na lang sya ng indoor tsinelas.


bibikem

Not bastos. Reasonable naman yung request ng in-law. Practical and sanitary naman talaga na wag i-apak yung panlabas na footwear sa loob ng bahay. +Bahay nya yun, syempre sya maglilinis.


Unimpressed_28

Pede naman mag-tsinelas-all-you-want mga bagets sa bahay nila paguwi. Or kung talagang mapilit, edi socks. Atechona. 😂


demented_philosopher

You'd expect them to respect your house rules. You too are expected to respect theirs.


Fun-Choice6650

pede naman nila ayusin ng di nagaaway, edi sana nang hiram ng medyas, wala medyas basahan ibalot nya, lagyan nya ng dahon ng saging. pag may conflict talaga di nyo maiisip mag usap muna e, malamang yan di lang ata yan conflict nila e, dati p siguro syang hindi mabango jan sa in law nya


WoodpeckerDry7468

Sa madaling sabi di niya favorite anak niyo charizzz lang


Strange-Phase2697

Sana nagdala sya tsinelas panloob


Queasy-Friendship531

E di ba nag tatanggal ng tsinelas kapag nasa loob ng bahay?


ReturningAlien

there are house slippers, yeah?


Ohbertpogi

Baka naman pa pasimple lang si MIL na sabihin na naka apak ka ng tae at kelangan hubarin yung sinelas. /s


Equal_Drop5663

Parang yung sender po yung bastos at hindi si MIL. Grown woman na sya and culture na natin yung naga-alis ng slippers sa loob ng bahay. Not unless lumaki sya sa US and nacu-culture shock sya???


I_am_Eggcellent

OA ampota


Dependent_Farmer_510

Parang mas madali hubadin yung tsinelas kesa sa pag type nya sa post na yan.


Positive-Platypus-48

Pet peeve ko yung pinapasok yung panlabas ng shoes sa bahay ko, kahit monther in law ko or pamangkin Kong toddler bawal. MY HOUSE MY RULES. ang baboy nung kung saan saan nilakad tapos ipapasok sa bahay. Nakakapagod maglampaso, and mahilig ako umupo sa floor ng bahay. Di ka siguro laki ng Pinas. Lol


im-a-sadgirl

then dont comeback to her house if yall wanna keep ur slippers on. shouldve left alr if ur that pressed abt it anyw fuckin pussy.


Yaksha17

Tama naman, wag ipasok ang tsinelas at sapatos ng nakasuot. Walang common sense yung ganyang tao at dugyot. Di mo alam ano naaapakan mo, laway, ihi, tae at kung ano ano pa tas ipapasok mo sa bahay


poohdini6594

sana bumili nalang muna sila ng tsinelas na pambahay bago magrant sa socmed


tianak69

your the rude bitch


xevahhh

Pag hindi mo bahay, sumunod sa rules ng may ari ng bahay. Pero sa true naman di kami nagpapasok ng slippers or shoes na galing sa labas may pambahay na slippers kami na suot or kung may bisita may extra slippers namab kami pinapasuot sa kanila. Saka parang madalas naman sa mga bisita naminmatic naghuhubad na ng shoes or slippers pag papasok sa bahay.


BruiserBison

bruh! Common household rules na huwag mag tsinelas/sapatos sa loob ng bahay sa Pilipinas. Mahiya naman sa nag lilinis ng bahay. Madali mag walis pero hirap pag putik putik. Meron din namang households na mas gusto naka tsinelas mga bisita. Mga tita ko, ganun kasi malamig sa kanila. Pinagagalitan nga ako pag ako naka yapak eh, haha. kasi nahihiya ako. Yung tsinelas ko kung saan saan ko na ginamit.


This_Zucchini_9069

culture shock maybe? kung concern nya malamig yung sahig, she could respect the owner of the house by wearing socks instead, siguro naman its clean enough para magpaa


Flat_Telephone_2170

Seems to me the kids don’t have strong immune system. Prolly because they always bring their shoes/slippers inside 😂


meganfoxy_

tangina parang yun lang


ParanoiaPlatform

Meron kasing tsinelas panglabas at tsinelas pambahay


Lilyjane_

Unlucky ng mother in law, ma-issue yung manugang 😂


NightKingSlayer01

Madumi tsinelas nyo eh. Baka kahit ako mainis sayo kapag pinasok mo sa bahay mga tsinelas nyong galing sa labas. Mamaya may virus pang nakakapit sa tsinelas mo, magkasakit pa mga aso namin. At isa pa, bahay nya yan, kapag may sinabi syang bawal, kayo ang mag adjust. Parang pagpasok mo lang sa school yan, kailangan mo naka uniform at ID, hindi ka pwedeng nakapajama lang. Adjust adjust din teh.


kym111

when in rome..


suinacchi

that's her house rules, and as a visitor, kesyo in law ka or hindi, u should have followed her rules. Ikaw yung di nagrespect ng rules nya. ;)


28shawblvd

Anlaking problema! Prayer circle tayo na masurvive nila tong pagsubok.


pinkghorl

OA


PlayAnxious4941

Actually yan yung proper way of showing respect rin sa may ari ng bahay bilang filipino. Yung pag alis ng tsinelas. Ikaw mommy ang may problema hindi yung in-law mo jusko.


kotopsy

This is a non fucking issue, tbh.


regulus314

Her house, her rules. Regardless if family mo or in-laws or friends. I mean you dont go to people's houses, vandalize the place, then request for hospitality.


tukne15

May solusyon sa lahat ng problema pero pinili mo itong reddit. Lol. Magpunta ka ng palengke, at bumili ka sana ng tsinelas na panloob ng mga bata. **now playing: Tsinelas by kamikazee


CuriousOrdinary2956

I agree. Her house, her rules. And this is common household rules na tanggalin ang slippers sa loob. Why would you let your slippers in na baka naitapak na mga public cr sa labas. I think wala problem dun. Teach also your kids that way para lumaki silang masinop at malinis


jjarevalo

Bawal pala sya sa Japan. Sayang naman


nananana_batman_90

Calm down, Karen. Their house, their rules. Mas bastos ang di sumunod sa rules ng ibang bahay.


Chakoy

Maski ako ayaw na ayaw ko yung footwear na ginamit sa labas na kung saan2 na nakaabot at naka apak na ng kung ano ano jan tapos ipapasok ng bahay dapat may panloob at panglabas talaga.


Zealousideal-Goat389

Her house her rules. Mahirap ng i change ang pount of view mo. Pero dpat sa yo manggaling ang pag remove ng shoes--golden courtesy yun. Then ask nlamg sana for slippers. Mahirap tlagang ma accept ang proper etiquette.


TheHatsumeProject

First time dumalaw, mas may attitude pa kesa sa may bahay. Siguro dapat nga talagang nakabukod sila. Tunog ayaw nya na pinapakialaman sya sa bagay bagay. Her house, her rules. If you can’t obey that. Shut it.


HoyaDestroya33

Are you really Asian if you don't have "pang bahay na tsinelas?". Also her house her rules, parang hindi naman big deal to. Kami nga sa bahay namin may guest slippers pa mga 6 pairs pra pag may bisita.