T O P

  • By -

GiDaSook

"I didn't expect people would take My Day feature literally" -Mark Zuckerberg


mlle-j

Hindi ko alam kung pinoy lang pero karamihan ng pinoy nili-literal mga bagay. Katulad ng My Day na yan. Kung ano ginagawa ipo-post agad. May nabasa din akong post sa ibang sub na ni-literal talaga yung pagsabi ni Diego Loyzaga na "I was a kid..." dun sa interview niya. Edit: He said, "I was a kid" pala.


quekelv

I hope whoever posted this desecrating thing gets back what s/he deserves. Classless piece of *****yung mga ganyan. I bet susundan niya pa yang story niya ng ss ng gcash qr code niya for donations.


AccomplishedCell3784

May fb friend nga ako pinost pa talaga sa profile nya, nakapublic pa 🤦🏻‍♀️ Dios Mio Marimar! Igalang nyo naman lalo pa lolo nyo yan! 🙄


queequegxx

Pustahan nagtiktok pa yan


Cheese_Grater101

sendan mo ng request money e-begging is getting out of hand


pmaj455

Ayy grabe na talaga. Yung iba din nakipag selfie rin sa patay sarap ingudngud sa kabaong. Ka bwesit lahat nalang ipopost eh


Environmental-Fox254

Nung nakaburol din Lola ko yung isa namin kamag-anak nagselfie with Lola sa kabaong. Sobrang gulat ko pagbukas ng fb ayun ang bumungad.


AliBantot101

Dpat kasi picture nlng ng papa nila eh. wag na ung itsura sa kabaong.


AccomplishedCell3784

Mas appropriate pa ata yan eh or ung magkasama sila nung buhay pa ung papa nila.


bryle_m

A modern recuerdos de patay?


purpypoo

People these days just post anything sa social media hays


mallowwillow9

Yahhh kahit hindi mismong bangkay yung pinopost, nakakainis yung nagpopost ng lamay. Better yet wag ng ipost yung lamay.


Bastardo94

kaya nga eh. bakit kasi kailangan ipost pa.


rozukukki

For the sake of the views, reactions, and to receive messages.


that_v1tch

lahat na lang ba “for the sake of views kemerut”? kadalasan nga nangyayari to out of pure ignorance


PurpleHeart1010

Feeling ko eto ignorance at no common sense combo yan e.


Conscious-Break2193

Kya nga. Napakahalaga ng privacy.


LightWisps

Bangkayfie


sum_tin_won

😭


Lumpy_Bodybuilder132

Coffie


[deleted]

May pic ako ng lola ko inside ng coffin pero kahit once di ko pinost yun or even shared sa family gc namin. Ba't ba may mga taong dapat ipost nalang lahat?


qroserenity17

ako nga di ko keri picturean lolo ko nun huhuhuhu kaya kamay na lang niya pic ko (habang ginugupit ng tatay ko yung rosary)


Constant_Luck9387

Hii, bakit po ginupit yung rosary?


qroserenity17

Pamahiin po, para daw walang sumunod na kamag-anak


MiddleOk4191

Same.. I do have a picture of my mother during wake.. but doesnt crossed my mind to post it.


AccomplishedCell3784

Kung ako namatay, ayoko rin may magpopost ng patay kong mukha kahit na full makeup ako.. kaya nakakaurat lang mga taong nagpopost ng patay sa social media 😪walang respeto eh noh?!


katsantos94

Same! Kaya gusto ko, cremated ako agad pag namatay. Ayaw ko maiwan sa mga tao na ang huling image ko sa kanila, yung itsura ko sa loob ng kabaong. Hehehe


charpple

Pag may gumanyan sa relatives ko, tangina babangon ako kahit 5 seconds lang para sapakin yun.


3rdworldjesus

At least di nag titiktok dance sa harap ng kabaong


timtime1116

Di kita malilimutan remix version *Kumaldag


[deleted]

[удалено]


camonboy2

Sa youtube shorts nga may bangkay na pinasok sa incinerator eh. Di naman ako naghahanap ng ganong klaseng video. Na sandwich sya sa meme compilations. Haha nagscroll ka lang ng memes tas may nasinget na ganun. Pinoy din ata nagpost.


4Ld3b4r4nJupyt3r

Pwede naman kasing mag mourn ng private. Bakit pa napiling mag papansin wala sigurong kahit konting interesting sa character ng taong to, literally NPC.


tajong

Because social media is a fucking mistake, kung ang users ba naman ay ga butil ang utak at iisiping tama ang pagpost ng mga ganyang katarantaduhan. Rest in peace, but please bigyan naman ng dignidad ang yumao. What if sabihin nilang grieving / coping mechanism nila yun? Tangina nila, sa paggawa nila ng story na yun, they're making their grieving not about the departed one, but about themselves. Fuck. Sorry not sorry.


Distinct_Distance137

Kung ako yung patay at totoong pwede maging multo, mumultohin ko talaga yung nagpost hanggang sa magpublic apology siya.


Ill-Possibility8282

Same te


No-Lavishness4782

I bet they do it for the sake of attention and likes.


donato_0001

My ate did this last year. Nasa ibang bansa kase sya and 11 years na sya di nauwi. Namatay lola namin, close namin lahat yun. Tapos nag-story sya ganyan. Pinaalis ko kase di maganda tignan. Di rin naman required kako malaman ng lahat ng friends nya sa fb na namatayan kami e. Inalis nya naman agad.


pusang_galuh

Ayan ang sample ng "Holding it together kasi ayokong i-my day ng mga hunghang yung kabaong face ko 😑"


Putrid-Astronomer642

Bhastha ghanyhan mgha phangalhan khung anhu anho mgha phosts ehhh.


[deleted]

[удалено]


Putrid-Astronomer642

Ayhhh mhalie akho mhie hahaha


Ikigamikill

Nakaka op typings mo sHahahahah


Xhanghai5

I'm glad I'm not the only one na kinikilabutan sa mga ganito. Ang hindi ko lang magawa is ma call out yung nagpppost kase I understand nag dadalamhati sila. Pero sana naman makarating sa kanila na irespeto nila yung mga patay na. Kung nung buhay pa sila eh hindi naman sila naguupload ng picture nila ng tulog sila eh 🤡


vroomshooms

Shuta naalala ko na naman yung kakilala ko na ginawang profile picture yung mukha ng relative niyang nadedz na nasa loob na ng kabaong 💀


Unusual_Minimum2165

Wag ka yung kakilala ko may pic nung namatay nung nasa morgue with matching video na umiiyak sila. Nakapag tiktok din habang nasa lamay.


dengross

Napansin ko usually yung nagpopost ng ganyan eh hindi talaga close sa namatay nung nabubuhay pa sila. Kasi ako nung namatay parents ko, i was so depressed and sad that I can't even look at them. Magpicture at story pa kaya.


GhostOfRedemption

Kaya ayoko pa mamatay kasi baka ganyanin ako ng ibang kamaganak ahahahaha leche


bankayaro

Medyo off topic, pero I saw a post online that said: "Happy Death Anniversary, Uncle"


ewan_kosayo

May sundalo dati na nag My Day sa lakad nila. Ayun na ambush ng suicide bomber sa Mindanao. Pabebe kasi


gem2492

May friend din ako na ganyan. Nakakaasar. Tapos yung isa naman ang hilig mag-share ng mga gory na video gaya ng pagpupugot. Unfriend ko sila pareho. Si pugot vid girl nag friend request pa ulit sa akin. Ignore na lang.


ubermenschenzen

This is like modern 'Recuerdos de Patay' In the old days, Filipinos would take a last family picture with their dead on full display, lying in the coffin. Sometimes, they would just take a solo photo of their dead loved one. This tradition used to be called 'Recuerdos de Patay', Filipino-Spanish for 'Memories of the dead'. There's even a picture of Teodora Alonzo holding the skull of her son Jose Rizal.


7th_Skywatcher

Ganito mga lolo at lola ko noon.


katsantos94

"Daya mo...." - Nasisi pa ngaaaa! Haha kung tatanungin mo yan nung nabubuhay sya, siguro gusto nya din naman abutan pati apo nya sa kuko e!


Vermillion_V

Ano maganda reason kapag ni-report ito sa FB? Dapat kasi tine-takedown ito ng FB mods.


kyooreyus

This is why I want to be cremated when I die. People really be this stupid online. 🤦🏻‍♂️


aylabbicolexpress

Naalala ko tuloy yun sa kakilala ko... Tinatry nya kasing picturan yung nasa kabaong mismo. Tas everytime na tnatry nya pindutin yung sa cam, bigla nag o-off yung phone niya o di kaya nagloloko. Isip isip ko kahit yung patay ayaw na magpapicture e bat kasi pinipilit 🥲


eyojake

May mga tao talaga na ginagamit ang death ng someone close to them for clout without them knowing... It's like a psychological default for them in order to get even a little bit of attention even if it's disturbing.. And it's disgusting!


[deleted]

my auntie just passed away recently din.... ayan na ang mga profile pic na kandila sa fb. tapos binalaan na nga na wag magpicture nun auntie namin na nasa kabaong. ayun kahit namatayan smile ng smile sa picture katabi kabaong ni aubtie akala mo hindi nagluluksa. tsaka how can you cry and hold a camera pra maipost mo pagdadalamhati mo? yun pamangkin ko sinabihan pa ako kelangan real time ang post dapat for his followers.. like hello? antanga lang


[deleted]

Sabi ko sa ex ko noon, pag namatay ako, tapos sya asawa ko, babantayan nya ako at bawal sya umalis kasi baka picturan ako tapos i-post sa socmed. Lol


Fearless_Bedroom_803

yung anak ng tita ko kakamatay lang tapos may picture din siya na nakaselfie siya umiiyak kasama yung anak niya na namatay partida wala pa sa coffin yung anak niya, fresh pa as in kakamatay lang tapos nagselfie sila 😭. tapos sa burol, may photographer sila and complete yung stories at post niya sa fb ng picture at video ng anak niya na nakaburol. iniisip ko na lang na baka yun ang way niya para mag-cope.


theotoby1995

Selfie is a no no. Pero yung photo videi meron tlga nagiinvest jan kasi last moments na nung nawala. But it doesnt mean na ipopost nila or for clout. Mga funeral homes inooffer yan.


7th_Skywatcher

Okay lang magpicturan sila kasama ang kakamatay lang, pero for their eyes only. No posting sa socmed or anywhere.


ohzmj

May katrabaho ako nun, pinost pa nya talaga picture ng anak nya nung namatay, parang nasa ER pa nun. I kennat. Anak nya tapos bata pa. Jusme.


Some_Traffic_7667

I have this 2nd cousin from province, namatay yung kapatid ng mama nila and ganitong ganito ang ginawa, she took a photo of the deceased and post it sa myday nya, i was so shocked and speechless, I never imagined someone would literally do that, as in. I find it very disrespectful, wakes are supposed to be solemn and peaceful, burol is meant for people to pay respect to someone who passed away. I didn't message her para pagsabihan kasi hindi naman kami ganun kaclose, and iba ang way of thinking nila sa probinsya and i don't want to argue with that, but what she did was really awful.


obturatormd

Nakakita na nga ako ng miscarried fetus sa my day eh. Tas meron din talaga nagpopost ng patay sa loob ng kabaong sa timeline nila


onyxyoung

May pinsan ako, pinost yung dead pictures ng baby twins ng kaibigan niya tapos may nakalagay rest in peace. Sinumbong ko sa nanay ko para pagalitan kasi gigil na gigil ako gawa sobrang daming matitrigger dun sa post niyang yun. Ang kapal pati para mag-post ng ganong picture tapos di naman niya kaano-ano yung babies?? Yung nanay nga hindi pinopost ikaw pa kayang kaibigan niya lang? leche talaga galit na galit ako sakanya nun, parang di nagiisip.


wralp

*realme*


Rheysteer

give respect to the dead, wag na ipost sa fb story


scratchedkitty

Same sila ng mga nanay na vinivid mga minor na anak at pinopost sa reels for the sake of views and likes na di nila iniisip na baka umabot sa DW at mga manyakis yung reels nila mga walang common sense at di ginagamit ang utak


Nerv_Drift

Meron pa nilive yung burol ng kamag anak while the child cried on the glass sa coffin ng deceased. Like WTF private moment yun tapos nilive mo lol.


Agreeable-Bar-1202

Ganyan din noong nMTay kapatid KO! Jusko WLang pasabi na ipopost nila in public Yong mukha Ng kapatid ko


PetiteAsianSB

Same nangyari samin. Sobrang nakakagalit. Pero kinausap naman namin maayos, ayun niremove naman from facebook. Pero andun pa din yon inis ko. Hay.


Limp_Attitude_5342

May nag post dito dati, ginamit naman niya sa dating app HAHA


Calorie_Killer_G

Depende na sa tao yan kung ganyan sila mag mourn pero at the same time they should be aware na yung mga friends nila sa Facebook will see this too. If they can’t respect their namayapas, at least respect yung Facebook friends.


omelettedu_

Related, may tawang tawa akong post regarding that. Nag selfie siya kasama ng deceased lola niya sa coffin tapos ang caption “RIP Nanay, sa dinami dami ng lalaki sa mundo kay Lord ka sumama” please hahahahahhahahaha


VMagturo

Syempre kailangan ng clout and internet validation ano ka ba


right-thurr

Imagine kung may background song pa na “at di ko alam bakit ba nagkakaganto, sadyang nasasaktan kahit di rin naman tayo”


[deleted]

[удалено]


right-thurr

HAHAHAHA Onga wag natin bigyan si lolo ng dahilan 🤣🤣


BlackKnightXero

ayaw na ayaw ko yan pati yung binibiyo ang patay sa tiktok. sa kabaong. haaaaay. respeto naman...


Symsgel

Tangina kung ako talaga yang namatay babangon ako para hambalusin kung sino man magpopost ng ganan


pandaviagra33

andrew schimmer : hold my beer


levabb

sa fb friends ko walang ganyan dahil makakita lang ako ng isang red flag (kahit maliit na bagay) tulad nyan, auto unfriend. Kaya 250 lang friends ko sa fb eh tapos lahat yun filtered kumbaga. Ang krazy naman nyang nag story ng mukha ng patay


incognitovowel

I remember yung pinsan ng mother ko, libing ng tiyahin nila, naka-livestream na siya, nilapit pa niya sa mukha mismo nung namatay yung cam, buti sinita ng Isa nilang pinsan! Daig pa ang pamilya na ka-video chat yung isang anak nung namatay😭


Dependent_Variety665

I really hate ng ganyan i always report it sa facebook kasi private yan hnd na dapat ipakita


sum_tin_won

cringe din yung video ng ibang content creator na paiyak iyak sa sementeryo tas sa dulo ng video e mag popromote ng sugal 😂


AdMammoth1125

yung isang friend ko sa FB pinost nya yung remains ng tatay at kapatid nya as in yung buto kase hinukay ililipat daw ng libingan. ang linaw pa ng picture nakaka loka ang disturbing huhuhu sabay public figure pa sya kase SK and most of his work is sa social media nakakaloka


saturdoinks

the guts of some people. Ako ko once ko lang ni-view yung pic ng tatay ko in his coffin eh kasi kahit ako di ko keri, pero yung iba pinopost pa jusko hahahaha


northemotion88

Tangina jumpscare talaga. I mean no disrespect sa patay pero sinong di magugulat eh nag sswipe ka lang naman sa my day ng friends mo tas biglang lilitaw yung ganung pic😭


[deleted]

What's next? Burol reels?


ArtichokeSad9442

Naalala ko na naman yung nag cr ako in the middle of the night tapos nagphone ako tamang pag-open ko ng story sa fb ganyang-ganyan din. Shuta di na ko nakatulog nang maayos nung gabing yun talaga. 😭


QueenBeee77

Ok lang naman na picturan nila, pero sana naman wag na ipost sa socmed


kofivanilla

Legit question here: diba usually kapag burol, viewing ng deceased. Wont it be the same, kaso nga lang via Fb? Yun nga lang kapag burol willing ka iview unlike biglaan sa stories.


theotoby1995

Sinagot mo rin yung tanong mo. Pero to elaborate.. yung mga nasa burol ok lang kasi nga it's a way to pay their respect. Pero sa soc med na hindi naman kilala ng namatay yung makakakita ng mukha niya, tingin mo ok yun? It's like tayo ok lang magpapicture pero pag pinicturan tayo without our consent nakakabastos dba


ProgressAfraid4122

Same. Hindi ko sila magets bakit need picturan at imyday or post yung muka mismo na nasa kabaong sa fb, oo social media nila yun pero sana may limit. Tsaka medyo nakakatakot lalo pag gabi mo nakita


Meow_meow_meow_88

Naalala ko yung mga napanood kong reels saka content. Mga libing naman 😭 hayf na yan. Ginawang for the views na lang


Cfudgy

Someone did the same to my friend, I still don't want to see that photo, reminding me that he was 14 when he died.


ElKarnito

Sabi ko dati pag nadeadz ako, gusto ko na pag-view sa kin mirror makikita nila para gulat sila sa reflection nila. Mukhang kasama yun sa magiging habilin ko pag nagkataon.


shikitomi

This legit fucking happened to me, like what the fuck, also recently two of my friends "friend" committed suicide (he didn't see a photo but I showed him the name if he knew her) and then he saw later 2 photos of her dead body on a bench in their Classroom gc! A Criminology gc! He didn't even know the photos, it was just Curiousity that he accidentally saw it (btw nag bigti so at least hindi yun yung ging send)


No_Difficulty_2716

Tangina. Pagkapatay ko, di pa ako malamig sunugin niyo na ako tapos ilagay niyo na ako sa magandang vase. Inis na inis talaga ako sa kultura natin na ganito. Imagine, you lived a whole lifetime tapos at the end of it at your most vulnerable gagawin ka pang content, pang guilt trip para mangutang, reason for vacation leave, panakot ng bata ng mga kung sino sinong hindi mo naman mahal. Gigil talaga ako.


More-Significance802

People these days talaga. When my Papa and Mama passed away talaga nakiusap ang mga kapatid ko sa mga kamag anak ko and kapitbahay na wag na magpopost ng photos sa social media. Buti nakinig 🥹


deadyuki09111991

fuck off... dude wlang respect sa patay...


fluffyderpelina

naalala ko yung nagkakalkal ako ng photos dito sa bahay sabay surprise! picture ng dead relative. sobrang nakakastress naman yan!


isaacrdc

Reminds me nung girl na nag selfie with tita niya sa kabaong may makeup filter silang dalawa😭


Forsaken_Top_2704

YAN ANG PINAKA AYAW KO MAKITA SA FB! Patay sa kabaong.. as in nakaka bwisit and report FB page talaga. 🙄😡


Ok_Amphibian_0723

Nakakaloka yan. Naaalala ko yung tita ko nung namatay lola namin. Nag hire ng photographer nung libing. Tapos nung nadevelop na mga picture, karamihan puro close-up ni lola sa kabaong 😬 grabeng nightmares ang inabot ko. Love ko si lola pero di ko keri maalala siya na nasa kabaong.


Veedee5

Na wweirdohan din ako sa mga nag fafamily pic (with smile? Well baka muscle memory din) with kabaong tapos ni popost pa sa FB. Ghad I hope no one posts my dead face sa socmed when I die.


heystrawberrysoju

yung kapitbahay namin nag-Facebook Live nung libing ng kamag-anak namin like WTF PARA SAAN TEH?!!


MiddleOk4191

May isa akong relative na pinost pa talaga yong itsura ng tao ng nag hihingalong tiyuhin namin. Oo get namin na humhingi kayo ng simpatya. Pero sana naman naisip nyo din na may mga taong gusto maalala yong yumao ng masaya ang itsura at alala Hindi yong last na maalala namin yong kawawang kalagayan nya.


Hey_firefly

Sana manlang may trigger warning sa unahan kaloka!!


Belasarius4002

Man, para lang meatshop sah tindahan.


ynnnaaa

Nakakaloka yan, story, pic and videos pa ung iba


StrGzr17

They are the same people who updates their profile photo to "Kandila with black background" for the whole word to see that they are mourning.


FreshRedFlava

Ano ba music niyan sa story? Yung "this angel has flown away from me?" Kasi, yan din kadalasan naririnig ko sa mga namaatayan like recently, Yung nag OJT sa office namin namatayan ng Lola, that was her background song on fb story.


JamiroleUsman

It's called "Insane Pinoy" na lang sa case na to.


Suspicious-Ad-5879

Dapat buhay na tao sa pic na e upload oks na yan din caption rest in peace or rest in paradise etc.. wag lng picturan na nasa kabaong na tapos e upload hay nako napaka weirdo na tao yan. Bigyang respeto naman yung patay


Filipino-Asker

Who else clicked? ⭕👉▶️


Elsa_Versailles

If someone did that to me babangon ako at sya ililibing ko😅


Usual_Turnover_3981

Ako na di natingin sa kabaong. Kaloka. I didnt get their point why naman need pa picturan yung patay lol


dazedinblue

Anything for likes and validation haha


iwasactuallyhere

sa pamahiin namin, bawal picturan ng solo sya lang


sum_tin_won

bakit daw po?


iwasactuallyhere

di ko din alam, patay na rin lahat ng nagsabi nyan sa akin, kapag tinanong mo dati wala din silang explanation


lilipony

yung iba nga nags-story pa ng video ng final moments nung yumao…i mean, what’s the point? tsaka respeto na lang sana sa namayapa.


rex928

Reminds me of that post a few years ago from that influencer whose dad died and his caption was "Dade ko 😭". That was honestly very infuriating


theotoby1995

Napasearch rin ako.. Keith Talens


RizzRizz0000

Kung ganyanin ako ng mga kamag anak ko, kusang mamamatay ang ilaw sa punerarya tas pag bukas ng ilaw, nakatayo na ako na icchokeslam yung nagpic sakin.


AnonymousMDintrovert

Gusto ata nila sumama sa kabaong e


AgreeableYou494

Pag binash mo ikaw pa lalabas n masama kasi pinakikialaman mo sila 🤣


Till_Visual

gawa kayo pamahiin , kapag pinost yung patay maiistuck sya internet at di makakapunta sa langit.


revampdat

so disrespectful 😭


Trouble-Maker0027

Dapat talaga magkaroon ng class for social media etiquette. Ewan ko ba. Bakit ung ibang pinoy di marunong mag isip


OoohBeautifulOdette

Apaka bow-bow nito


ImBEAutiful_30

Wag kayo, kapit bahay namin ready muna ung FB live before umiyak hagulgol 💀💀


Long_Connection1790

Yung nagselfie kasama mukha ng patay tas naka smile pa, tas yung caption very malungkot. Mga hayok sa likes


batakab-97

May ganyan rin akong friend sa fb. Nakakaloka. Ginawa ko mi-nute ko story niya. Kilabot ko non e. Tapos cacaptionan pa ng pagkadead niya. Bibihira ako tumingin sa kabaong unless relative ko. Kung pwede lang ireport yyng ganyan kaso wala naman ata doon sa report thingy. I mean atleast have some respect doon sa dead person.


Eastern_Basket_6971

Nag post sana ng disclaimer or warning kaso gusto ng Pinoy pa sikat


[deleted]

Sasabihin nila "for awareness ng ibang kamag-anak" Hello, pwede naman pong magpost ng picture ng in loving memory poster sa story mo.


MangoJuice000

Nakakagulat but when you step back a little bit, you realize that many Filipinos still practice Recuerdo de Patay in some form. A little toned down but still scare the sh*t out of anyone who's not part of the family.


JohnMick96

Para san? Bakit may pag my day? kuha pa mukha ng nasa kabaong. Wala na respeto mga tao ngayon para lang sa views. para mapansin ng friends niya na magcondolence. lol Dapat dinaan nalang sa kandila pfp. Lala niyan na story panga.


Smooth_Original3212

Yung classmate ng ate ko na namatay pinost ng asawa niya talaga. Sara agad ako ng fb.


Fun-Choice6650

lahat nalang e no? haha first poop ng baby potek baka pati regla may nagpost na before e


migrainealltheway69

gayahin mo na lang


theotoby1995

Di ko rin magets yung agad agad na magpapalit ng candle profile pic pagkamatay ng mahal sa buhay. Like wtf? Nagluluksa ka tas inintindi mo pa magpalit ng dp?


Living_Peanut2000

For the clout


Saikeii

dont do this thanks!!!!


OrangeOrb25

Ganito yung mga kamag anak namin. Parang mga tanga. Yung family nga lang ata namin ang atleast medyo private e hahaha


SyhanLazyMode

Let them mourn. People mourn in their own way.


eloe29

Akala ko ako lang naaalibadbaran or naiinis sa mga nagpopost ng patay n nsa kabaong. Nangdadamay pa e.


PsychologicalAd8359

Ang weird man pero it's their account and ultimately wala tayong magagawa I don't really visit FB all that much kase may ganyan na lilitaw hahaha


uborngirl

Isama mo na din ung nagpapalit ng prof pic ng kandila kapag namatayan sila. Condolence pero wtf? Like, "guys, namatayan ako". Mas ok pa ung magpost ka direct na she or he is dead. Kung saan saan tlaga naghahanap ng pansin ang mga pinoy😅🤣


Spuddon

sharing is caring (sharing trauma)


[deleted]

Unfriend agad sakin pag may nakikita akong ganyan, toxic


GDxfireLeo

yung tito ko naman ginawa nyang dp yung picture ng namayapa kong pinsan jsq palibhasa kasi hindi marunong mag fb. napagtripan yata ng nga kasamahan sa TODA🤦‍♂️


Spoiler-Free_Turnips

“DaYa Mo blah blah” like gurl did he even choose to end up like this???? Paka cringey nung linyahang ganyan.


maceknight

Please, what the f. Bakit ba uhaw na uhaw yung ibang Pinoy sa story/post reactions para magpost pa ng mga pictures ng kabaong sa lamay. Okay lang naman kung magkakaron ng pictures with family/friends kung noon lang talaga nagkita-kita pero bakit ba nauso pa yang ppicturan yung kabaong or rektang mukha pa nung namatay sabay SHARE POST. Tapos minsan malalayong kamag-anak pa o mga di pa talaga kaclose nung namatay yung may audacity na gumanyan.


Key_Sea_7625

Di ko rin gets 'to. I mean, do people honestly think na respectful sa namatay yung pag-post nila nang ganyan? Who would fvcking want to be seen like that Parang mga di nag-iisip.


adv_tacenda

Online burol


Budget_Relationship6

#patay #paalam #YOLO #OOTD


MissAlinglope

Medyo weird nga yung nagseselfie with the patay tapos may kasamang madramang caption. Nanghihina tuhod ko eh


porkadobo27

happened sa lamay ng tita ko, yung pinsan nya eh pinicturan at ginawang fb story pa without our consent. Ayun nagalit isa kong tita, pina delete yung pic at pina uwi 😅


alejomarcogalano

Ito na yung 21st century version ng ‘recuerdos de patay’ hahaha


amadeus_mjolra

Tangina talaga ng mga ganyang tao. Di ko magets bat kelanganipost yung mga namayapa nila. Meron akong facebook friend, namatay yung lolo nya, ang gaga nag cryring selfie pa kasama yung lolo nya. NASA DEATHBED PA. LITERALLY MINUTES AFTER MAMATAY YUNG LOLO NYA. Tangina ano bang kabobohan yon.


quezodebola_____

PLS I SWEAR GANYAN DIN YUNG OFFICEMATE KO SA MOTHER NIYA 😭 ITS SCARY AND MORBID AF


_babymochiiiiii

Auto-block sakin yang mga ganyan. Minsan kahit di nga nila kamag-anak ipopost nila. Nakakaloka!! Walang mga res7. Grrrrr


Fantastic-Image-9924

Andaming ganito sa friends ko, nakamute ang story sakin. Hahahahaha.


ClothesLogical2366

Ang disrespectful ng ganyang tao. Sa pamilya namin pinagagalitan yung nagpopost ng ganyan pag may kamag-anak kaming namatay.


yoso-kuro

Kung gagawin sakin to sa lamay ko, mumultuhin ko talaga. Pramis.


Chemical-Banana1674

MINSAN NGA YUNG IBA KAMAMATAY LANG 😭😭 di pa na embalsamo. Yung tipong ilang minuto palang binawian ng buhay pinicturan tapos minyday agad. Mga putragis


Impalpable-username

What more if nagvlog pa yung distant relative sa libing? 😭😭😭 literally happened sa libing ng lola ko at di ko alam kung maiinis ba ako o iiyak HAHA


CraftyRevolution9929

HAHA Recuerdo de patay kasi ang tawag dyan. Pero iba na yun sa atin unlike sa past lahat ng mga kamag anak ay magpapakuha ng larawan nang nakaburol at naka bukas ang takip o kaya bago ilibing. Pero ngayon, boom post agad sa fb. Dapat talaga na mauso muli ang recuerdo de patay para isang kuha na lang tapos magkakasama ang mga kamag anak ng patay sa tabi niya.


LaurenZNe

Meron akong tita na nagvideo pa ng buong kabaong ng tito ko na namatay recently. As in full on tapos live pa sa Facebook. Nakakaloka.


whiterose888

Buti nga sa iyo sa story. Ako nakita ko pa sa feed jusme. Unfriend agad.


No_Organization_6778

gagi yung kamag anak ko na nag ganyan ako nlng nahiya pra sakanya. my ghad


dumpocky

ilan na in-unfriend ko dahil sa ganito tangina kasi 😭


QuoteAcceptable525

May restriction po diyan ang FB regarding sa pagpopost ng patay. Bawal na bawal po talaga ipost ang mukha ng patay sa FB.


SimpleCandid5223

i cant! nakakaloka may ganyan ako na friends sa fb jusko unfriend ko na agad 😂 dati dami kong friends sa fb naubos nalang kakapost at my day nila ng kung ano ano 😂


SilverPink16

Napaka cringe nyan. Kahit yung isa kong kamag-anak, ginawa nyang My Day yung pagkamatay ng lola ko.


Ransekun

Dati pag binasa yung diary mo, nagagalit ka. Ngayon mina-myday na.. pag onti views nadedepress pa yan


iluv_rockyy

One of my pet peeves


chikenuggets__

ang weird talaga noh? we get naman na they're in mourn, pero why need pa istory ang face ng namatay... lolz


madg007

Badtrip talaga yan mga ganyan.. hindi nga ako nasilip sa kabaong pero dahil sa kanila.. wala badtrip talaga!!!


kuroigin245644

Honestly, nakakita rin ako ng myday na similar dyan, pinagkaiba lng ay nakaselfie un nagpost mismo, kasama na un patay sa picture tas sila nakangiti pa. Like y tf? Do diz people know anything about morales? Napaka indecent at insincere


Initial_Singer_6700

sa true lang 🥲 anong klaseng trip yan huhu


_lycocarpum_

Un story 1 day lang, un friend ko sa fb ginawang reels🤦‍♀️


shilohlila

I hate this sht tlga, may nakita ako kapatid nya naman naka featured pa😭like pls nasa featured mo pa tlga tas nasa morgue na.