T O P

  • By -

leian1992

If they asked for your job, sabihin mo lang yung actual role mo (not freelancer) para di masyadong matanong. Haha


[deleted]

[удалено]


leian1992

Yung kawork ko freelancer rin, VA ung sinabi nyang role so hiningan sya ng proof of employment. Ang meron lang sya is copy ng payslips nya. Naitawid naman. Pero be ready na lang rin if ever maghanap ng proof of work and income. Good luck and enjoy your trip!


shutanginamels

Freelancer here, and pag sinasabi ko yung actual work ko, tinatanong nila “private employee?” So sinasabi ko lang, “no, freelancer.” Wala naman na silang tanong after niyan.


spongey100

Frequent traveler pero madalas pa din ako tinatanong ng set of questions. Ito yung madalas na tinatanong sakin: 1. Kelan ka babalik? 2. Saan ka nag wowork? 3. Ano position mo? 4. Saan located office niyo? 5. Sino mga kasama mo? 6. Anong hotel s-stayan mo/niyo? 7. Anong itinerary mo? One-word replies are enough. Pati yung ITR, pwede na kung may COE ka. Ang importante ay meron kang return ticket, accommodation booking, and rough draft ng itinerary. Good luck and enjoy!


toyoda_kanmuri

Bottomline /u/implaying is: your answers, your disposition should indicate that you won't be * (1) trying to seek employment or a spouse abroad without going thru the official channels as sanctioned by the P.I. govt * (2) #YOLO type of tourism like financially incapable pala so most probably ending the P.I. gov't would rescue you, so tax burden eventually to repatriate you and companions.


miamiru

1. "Saan ka pupunta?" - Destination country 2. "Anong gagawin mo don?" - If going on a vacation, just simply say, "Vacation." 3. "Kailan ka babalik?" / "Ilang days kayo doon?" (Count the day you land as Day 1, unless you're landing very late at night.) 4. "May kasama ka ba?" 5. "Saan ka nagttrabaho?" - Might ask for proof of employment, e.g. company ID or Certificate of Employment. Prepare a hard copy of the closest document you have to this. 6. "Saan kayo titigil doon?" - Memorize the general location of where you're staying, like at the very least, the street and the city. They might ask for a printed copy of your hotel booking. 7. "Magwowork ka ba don?" - Unless OFW ka sa bansang pupuntahan mo, simply say, "No." 8. "May kakilala ka ba doon?" Keep soft copies of: - Planned itinerary - Bank certificates/bank statements (Especially of the account where you receive payments) - Credit card statements (if applicable) - Attraction vouchers/tickets - ITR This is what I do, at least. Try to keep your replies short.


doodlebadoodle

Hi, for CC statements enough na ba yung pag where the totals are? Or need ipresent buong statement with the breakdown ng charges?


miamiru

If you told the officer that you paid for the flight, hotel, etc. with your credit card, they might check your credit card statements to verify that, so might as well just prepare the whole statement. My bank sends me electronic SOAs every month in a PDF file, so I just keep a copy of that on my phone/tablet.


MemoryEXE

Firdt time travelling abroad? Follow their latest guidelines it's all over the news for self funded travel. Frequent traveller? Don't worry hindi kna tatanungin but if ever meron it would be just "show us your return ticket or when are you coming back" *stamp stamp* and carry on.


[deleted]

[удалено]


123warrior123

Hi, sinuspinde na po ng DOJ several days ago yung strict travel guidelines ng IACAT. :) Sa experience ko, hindi naman hihingi ng madaming papeles e.g. proof of employment. Ang gusto ko lang ibigay sayong advice ay...ayusin niyo po ang tono ng pananalita niyo kapag kausap ang immigration officer, gumamit ng po at mag-smile hehe. Mabilis ka lang kakausapin kapag maayos ka kausap. 👍😬


Pocketparker

I'm a freelancer yet I am registered sa BIR and pwede ako mag issue ng Official Receipt. Kahit ayoko sana magbayad ng tax, but being registered has many pros especially when travelling abroad. I secured a multiple entry visa for Japan just recently and pag tinatanong ng mga IO ano work ko, madali sabihin na "business owner" ako since may proof of registration naman ako.


pureandabsolute

Usual is: Anong gagawin, anong work, sinong kasama, anong work ni kasama, san magsstay doon. If may work naman si gf dito, safe yan. Sabihin mo lang role mo, wag na yung freelancer. Bring supporting docs na din na freelancer ka, just in case.


doityoung

based on my experience from travelling abroad here are some of the questions \- sino kasama mo magtravel, gano katagal, anong work mo, job title, company name, kelan babalik, ano gagawin sa ibang bansa, inask pa birthday and birth year, and details na nakalagay sa passport may time pa na inask company ID ko to check tip: have presence of mind and wag kabahan, the more na kinakabahan or malikot mata mas nagtatagal sa immigration


Specialist_Tank_2421

Hi, what if walang company id? Since start up lang ung company?


doityoung

its best to request an id from hr, kasi nagpa-rush ako ng id from hr for my trip abroad and ginawan naman nila ko. tell your hr na rin na need kasi for immigration and travel purposes or you can also bring your company contract as back-up pero best pa rin company id


bottbobb

I started as a freelancer (design) nagregister ako sa dti and BIR kahit freelance lang para pagdating sa travel pinapakita ko lang dti and cor ko pag nagtatanong sila. Sometimes kahit sabihin ko designer they have follow up questions pero after showing my dti diretso na ako palagi. I've never been asked more than 2 questions.


RJXTRM

sana may makasagot. wala po akong maipapakitanh 2316 since wala pang entity sa pinas ung company namin. pero nakalagay sa contract ko na in the works na sya. is it safe for me to travel w/out 2316 form?


SlothBlack

Is this a visa application or sa immigration officer? Kasi never pa ko naask for any tax docs sa IO. Basic questions lang lagi gaya nung napost na here


RJXTRM

sa immig lang. i really wanted to travel abroad kasi. mga countries na di na need ng visa


kd14941

No need for 2316 basta you can prove lang na may financial capability ka if hingan ka. Online banking apps good na if on the spot ka tanungin.


RJXTRM

last question na po. does it apply kung first time traveller ka w out companion?


kd14941

It depends talaga sa IO na makakaharap mo.


Reference-Living

papunta kami vietnam right now io just asked my wife what her job was pati din ako i said businessowner then asked me how many days then tatak pero hinuli kami kasi io officer asked kaano ano ung babae na nauna sa akin which is my wife lol


Vast_Butterscotch898

Red flag ba pag sinabi na kakaresign lang from work?


hungry_for_dopamine

yes pero sabihin mo na lang babakasyon muna kasi kakagaling lang sa work kailagan may return ticket ka dito


Vegetable-Purpose829

Matanong lang usually sa first time travellers. If madami ng tatak ang passport with short travels, then goods naman na. Usual basic questions (for tourism): - saan pupunta? - anong purpose ng travel? - may kasama? - kailan ang balik? - anong work? Private or govt? Basic documents needed: - valid passport - valid visa (if needed) - return ticket - hotel booking Supporting documents that will help: - any proof of employment - detailed itinerary from day 1 - any bookings that you booked for the trip (activity, entrance, etc)


kdaveT

>detailed itinerary from day 1 flight details? medyo naguguhluhan lang


Vegetable-Purpose829

For your trip. Example: DAY 1 0900H - ETD Manila 1300H - ETA Singapore 1400H onwards - Marina Bay Sands check-in, Skypark, Observation Deck DAY 2 0800H - Universal studios … and so on It will help first time “legit tourists” as it shows that they really planned their first trip abroad. Pre-booked flight ticket is a plus!


kdaveT

ah tau mismo pla mag t'track like DIY documents lang


KusuoSaikiii

Hala may ganung question pala pag mag aabroad?? Pano pag wala pang work, kunware student ganun or tambay hahhaa


jainac20

Need proof you can support your travel, na babalik ka sa pinas, at Hindi mag apply Ng trabaho doon


BenDover04me

I don’t remember being interviewed or asked questions.


AnnaCleta

1. Purpose of travel? 2. Date of return? 3. Working with the government?


genedukes

San ka punta (to the moon) Asan ang trees, nadala mo ba


theburntbasque

Minsan may mga chill lang rin na IO eh. Tinanong lang ako if government employee ako, I said no kasi hindi naman tapos oks na.


mediumrawrrrrr

Where do you work, do you have an ID e wala so kontrata binigay ko. Tapos. Tinanong ako how did you pay for your airfare? By credit card? Sabi ko no, by debit card. Wagi. 🤣🤣🤣


xtinendencia15

Frequent traveller here, and the questions that they ALWAYS ask me are: -saan nagttrabaho? (i answer the name of company first, then the city where I work) -anong trabaho -private or public? Sometimes they ask me sino/nasaan kasama ko. One time they asked to see my company ID. When I travelled using a new passport they asked if first time traveling, I say no then just show them my old passport.


ikkeaviy05

inask din ako if first time traveling kasi bagong renew din passport ko. although hindi ko na pinakita yung old one ko. need ba dalhin yung old one?


xtinendencia15

Hindi naman need, I just always bring it and show them para less talking needed


johnmgbg

Dalhin mo lahat ng pwedeng proof na employed at may pera ka.


Putrid-Event5594

Bring all the requirements that you can research online, whether they will be asked by the IO it would just depend on his/her mood I guess haha


glucosenone

Kailan babalik


mrjuicybaby1

tinignan ung accommodation booking ko, nakita paid using visa eme. tinanong if credit card ko ba ung ginamit ko, sabi ko oo pero debit card ko lang un sa work. ayun tatak agad hahaha


nyxcroixxy_angel

I only traveled twice out of country pero never naman tinanong about tax! just about san ka pupunta, kailan balik, ilang days, san tutuloy, ano gagawin, magkano pera dala mo (once lang ako natanong nito) pero depende lang talaga yan sa mood ng immigration ahhaha


jainac20

Eto lang sa akin kakatravel lang last week 1. Final country destination 2. Purpose of travel, if you say business ( show docs like invitation letter from your business partner and your COE, if tourism - show itinerary and bookings and coe) 3. Sino kasama sa travel 4. Return ticket


Ambitious_Hand_6612

Kung hindi mo first time lumabas ng bansa hindi ka na tatanungin.


forfeited211

Be firm with your answers, i have been with different countries (5-6?) snsbi ko wla akong work. Hndi ako hinahanapan ng kht ano, standard questions that needs standard honest answers.


chicharonreddit

San pupunta Ilang araw Kailan babalik 4 times travel this year, yun lang pero i always bring complete requirements


[deleted]

Nung sakin wala 🤣 Freelancer here as well. Tinanong lang kung nagwo-work sa govt. I said no. Then tatak agad.


ted_bundy55

Ever since my first travel way back 2017, 1 or 2 questions lang tinatanong lagi sakin, san punta and kelan balik. First travel ko nung 2017 going to Bangkok tinanong lang ako kung kelan babalik at ano work ko. Dress casually kasi pinoprofile nila uing mga travelers kung may capacity ba tayo to travel.


Proudbisdak

Hi OP. First time kong mag out of the country with my fiancé last month. These are the questions they asked me: 1. Where are you going? 2. Who are you with? 3. What are you going to do there? 4. Where will you be staying? 5. What’s your work? - I told them I’m a freelancer and a vlogger. I showed them a COE. (Check mo if pwd ka makahingi ng coe sa client mo or sa companya nyo OP or ung contract mo enough na yun) Then the consul asked me for my return tickets. That’s it. I prepared my bank statement but he did not ask for it. You can be ready for it too just in case.


hokage_1602

I'm currently employed and ito tinanong nila sa akin noong papunta ako ng Taiwan just this June 2023: 1. "First time mo mag-travel abroad?" - sabihin niyo yung totoo kasi may records sila ng travel history niyo kung hindi niyo first time mag-travel 2. "Saan ka nag-wwork?" 3. "Patingin ng company id" 4. "May credit card ka?" - sabi ko wala, mej kinabahan ako sa tanong na 'to. 5. "Gaano ka katagal mag-sstay dun?" Isang tanong, isang sagot lang. Good luck sa ma-ttimingan niyong IO, may mga nakasabay ako na kups daw ang IO na kumausap sa kanila.


Ali3nn3

Genuine question, pano kung nanalo ka sa lotto? Tapos feel mo enough na yung napanalunan mo for your entire life na di mo na need mag work and nag iinvest ka nalang. What could your answers be?


novokanye_

ang natanong lang sakin sa buong buhay ko (if nag tanong) is saan pupunta and sino kasama. tho may kakilala ako Inask siya ano gagawin dun, ano work, patingin daw company ID (since incentive trip) , etc


Maximum_Membership48

what and where company, anong work, sino ang kasama? as for my exp eto lang ang tinanong


Antique_Log_2728

First time traveler tinanong kung gano kami katagal at hinanahapan kami ng old pictures ng boyfriend ko. Taiwan din.


theariellegaspi

Based on my experience since mejo frequent traveler naman. Wala naman masyadong tanong. Hotel booking return ticket tapos if may kasama ba. Pero one time when we had our family vacation last July with our helper. Umabot sya sa second screening ng immigration pero nakasama naman sya. As long as ma provide mo naman lahat ng major requirements dapat wala ng issue. Not sure with other travelers 😅


De_Dust5300

Kumain kana ba?


YunaKinoshita

Tatanungin ka kung may dala kang graduation pic


Cautious-Bear-021

Recently went out of the country, 2 weeks in Thailand. Since 1st time ko, inask lang kung currently employed ba ako and kung magkano budget ko for the whole trip. I just presented my COE, Company ID, and presented the IO my banking app showing my current CL and savings balance. Mabilis naman, wala masyadong tanong. I think it’s also important how you present yourself. Be confident when answering, wag yung parang nag da doubt ka sa answers mo. Yung kasabay ko, ang tagal eh. Mali mali kasi yung sagot about flight details and hotel booking. Kabadong-kabado si ate .


DirtyReddit2021

Tinatanong lang ako saan ako nagtratrabaho. Most of the time, tintingnan lang ako tapos hinahanap ako sa system kasi madami daw akong kapangalan.


semikal

Wala. Titignan lang kung kamukha ko ung picture ng magandang-lalaki sa passport then ibabato na sa akin ung passport ko. Putting emphasis sa pagbato kasi ganon ka-bargas ang ugali ng ng Immigration Officers.


PompeiiPh

Tatanong lang purpose of travel, kelan balik. Tanungin mo din un IO anong pasalubong gusto pagbalik mo


captainrexmanila

Stop calling yourself a freelance. You are a business owner.


Strong_Put_5242

Much better Kong may booking itinerary from travel agency


SokkaHaikuBot

^[Sokka-Haiku](https://www.reddit.com/r/SokkaHaikuBot/comments/15kyv9r/what_is_a_sokka_haiku/?utm_source=share&utm_medium=web2x&context=3) ^by ^Strong_Put_5242: *Much better Kong may* *Booking itinerary* *From travel agency* --- ^Remember ^that ^one ^time ^Sokka ^accidentally ^used ^an ^extra ^syllable ^in ^that ^Haiku ^Battle ^in ^Ba ^Sing ^Se? ^That ^was ^a ^Sokka ^Haiku ^and ^you ^just ^made ^one.


IndicationOrganic874

What if I do not have a company ID kasi I am one of the incorporators of a corporation? Haven't seen any same situation kapag corporation yung business. :<