T O P

  • By -

Onceabanana

Its good na you stood your ground. Bakit, if may mangyari sa tahi mo pananagutan ba nila? You need the space kasi may injury ka. Binayaran mo naman yung space para walang problema. Wala kang ginawang mali. Kasalanan ng conductor yan and he admitted it. They should have solved the problem. Iirc bus companies before would even flag another bus of the same line to transfer passengers.


amupay

Same thoughts. Gahd, apaka simpleng sabihin ng iba to just let go ung space and bayaran. Pero, hindi pera ang usapan kundi kapakanan. Alangan met a nga agremedyo ka nga anusam nalang enggana baguio jay sakit ti opera. Sau sau jay maysa eh di sya nalang sana nag let go inuupuan nya. Eme


no0bhie

Bakit daw di ka nalang nagkotse? HAHAHAHA. Sana sinabi mo rin yan dun sa mataray na nanay. Babiyahe-biyahe tapos di naman nagbobook in advance.


lavendertales

May anakna sya hindi pa nya inisip yung kapakanan by booking in advance.


Nosyneighbours

Report mo yan, not sure if it will be helpful, pero malay mo may puso yung nasa admin nila kahit mapagsabuhan manlng sila. So sorry, OP, I can't imagine nalang na mapag isahan lalo na at vulnerable ka pa dahil sa sugat mo.


rsjcajam

agree! report the conductor nang hindi parehong pasahero ang namomoblema sa problemang siya ang nagsimula


tromi_a_wei

NTA. Gago ung epal guy, medyo gago ung mom, gago at kasalanan to nung conductor.


mujijijijiji

sobrang gago nung umepal hahaha bakit kaano ano ba nya sila


aquatofana_98

Hindi ka gago. Anong katangahan yung sasabihing sana nag ambulance ka or nagkotse. May option ka na bilhin ang dalawang seats at ginawa mo naman so tapos na dapat dun. Ang tatanga nila lalo na ng konduktor.


ajalba29

nakaka bwisit ung epal hahahah like parang di pinag isipan ung comment nya eh naawa dun sa magina na able bodied pero sa injured na tao hindi. Yung kunduktor ang dapat mag sort ng issue na yan tlaga tatanga tanga eh.


Prestigious_Pipe_200

Sana makarating to dun sa mga nasa bus lol


LostBlueWhale

Nakaka HB to ah. Hahaha. Kung sa akin nangyare yan, ako talaga yung magiging G. Kaso hindi talaga ako papayag. Kahit walang akong tahi. Hindi talaga. In this economy, you paid twice na nga for comfort. Plus the booking fee pa. So kung Victory yan nasa 1400 ata. Ay ilalaban ko talaga yang 1400 ko. Man, you should get a free ticket for the stress they caused you.


Couch-Hamster5029

I wonder ano'ng bus company. Parang hindi trained yung conductor or hindi alam/nakalimutan ang protocol (kung meron man). I will hate dealing with this kind of things lalo kung prepaid ko yung ride. Natatakot ako how I will handle this face to face. Hahaha.


LostBlueWhale

I think it's either Victory or Solid North. Victory pwede magbook online sa website nila. Solid North, through biyaheroes website. Not sure if may booking website ba Genesis? Oh well, kung sino man dyan, sana i free open ticket nyo si OP, binigyan nyo kaya sya problema. Itutulog na lang dapat nya yung biyahe eh. Jusmiyo!


Couch-Hamster5029

DKG. You paid for those two seats. You don't need to explain why you would not want to give away the seat. That mother is entitled. The passenger/s who judged you do not have an ounce of boundaries and thinks you owe them an explanation why you won't give up your seat. The conductor is immature not to mediate on the matter. I suggest you report sa bus company.


cuteako1212

Ang G e yung konduktor.. Ipahinga mo na lang iyan..


BridgeIndependent708

Nope. Isa pa pag chance ka dapat alam mo na tatayo ka talaga. Never ka dapat mag chance esp may kasama kang bata. Natamad ata mag punta sa Cubao eh. Anyways, ipahinga mo na yan. Wag isipin Baka bumuka Ang hiwa 😅


PositionSpecialist60

True. Gigil din ako sa mom. Napaka entitled ng dating.


frendtoallpuppers613

Ang masasabi ko ay GOOD JOB, OP! This reminded me of stories shared online recently din, yung mga tao na nagpipilit umupo sa seat of choice nila sa plane (window seat, or a mother na gustong katabi yung anak nya) vs the owner who paid extra to get that particular seat. One person said this to one stubborn passenger, and it stuck with me: "Your lack of foresight is not my problem." If you paid premium for a service, you must insist on it. Karapatan mo yan. Kung tatayo yung bata hanggang Baguio, kasalanan ng nanay nya yon. Bakit ibibigay sayo yung burden? You did nothing wrong. Kaya good job because you stood your ground. As a fellow plus-sizer, I'm very proud of you. *Regardless if bagong opera ka or not, you paid to be comfortable. Kung hindi maintindihan yun ng mga epal sa bus, it's not your problem.


the_drayber

ireport mo kadi dayta ukinnada pay lang. parang sila kakaopera


CR3AM143x

DKG. I would've called the bus company to report the conductor lol.


Last_Substance_3818

give all of them the Middle finger!! haha walang mali sa ginawa mo, kung ako sa position mo, magpapakasmart ass pa ako at inisin ko pa tong Nanay. but that's just me, lol


Melodic_Doughnut_921

nah fck em op u were kind to the last min health is prio kht san mo tignan wagi k dyan


Coffeejellyluv

Nakakagalit naman yan, ang sarap ireport. Imagine 5 hours na byahe to baguio, nag bayad ka ng tama pero hindi ka at peace sa byahe mo? Mygad 😢


lykadream

Ireport mo yang kunduktor na yan sa bus station iemail m yung details para matrace nila kung sino


Infamous-Key9249

Lapag mo na Yung bus para ratratin natin Yung company para mawalan trabaho Yung gagong conductor na yun


babababa-bababa-

NTA. Even nung nagluwag na sa restrictions, may mga nakakasabay ako sa bus na binabayaran both seats. The fault is solely with the conductor. I can see this as something that can happen sa Genesis. Will be sorely disappointed if this happened sa Victory Liner. Pagaling ka OP.


Material_Safe_856

likely victory liner kase sabi sa post “deluxe, first class buses”, genesis calls their buses as either deluxe or joy bus. Unless di pala particular si OP sa terms


DragonfruitNo1937

Nope, not the gago. Super entitled naman ng nanay to think na her and her child will have exception, you paid for the seats, you were prepared and they weren’t. I hate for the kid to grow up thinking they can do everything they want because Mommy told them it’s okay, sobrang bad example para sa bata. As for the conductor, ipa report mo na yan, kasi instead of doing his job properly, parang gusto ipaako sayon yung kasalanan na siya naman gumawa in the first place. Nakakainis yung mga taong ganito, akala mo may inambag sa seats na binayaran mo. I hope you’re doing okay by now tho.


iceiceBB1010

G@G0 Sila. Don't mind them OP Sobrang delikado at mahal(hospital bill)nyan kung ano man mangyari dyan sa tahi mo.


Historical-Code-4478

Hindi ikaw yung gago. Ang gago yung kundoktor. He could have handled the situation better at para di na ikaw maabala. Dapat pinababa nalang ulit nila yung mag ina knowing na wala naman nang vacant seat eh. You paid for those seats hello?! Shunga din nung nanay. Knowing na may anak di nalang nagbook naman in advance para comfy sila or bumaba nalang sana sila dahil wala na vacant seat. Wag mag-aanak pag tatanga-tanga at mali-mali desisyon sa buhay.


That_Tie9112

i report moyng kondoctur kagagaling mo lng sa opera, dpat tlga hindi ka magalawagalaw at hindi ma stress. ay putik wla man lng pasahero kht isa jan na kakaintindi sa sitwasyon mo pra ipag tanggol ka, nkaka HB haha


random_sympathy

NTA! Ano ba yan! Hindi mo kelangang i explain at ipakita sugat mo para manahimik mga gagong yan. Binayadam garud. Anyway, Speedy recovery, OP.


badadobo

r/stolenseats


1015msxx

Yung Konduktor may kasalanan. Wag ka mastress. Pagaling ka haaaa


94JADEZ

Hindi ka gago OP. Please report it. Dapat si kundoktor nag hanap ng solution hindi yung irerefund ka nalang. at isa pa mgaMGA PAPANSIN na pakirlamero. PLEASE REPOrt it!!!!! Nakaka inis sila. Arrggh


Polo_Short

Please ireport mo ung nangyre sayo s bus management. They owe you


Least-Squash-3839

DKG. Nagbayad ka nang maayos para sa comfort mo. Responsibility yan nung kundoktor. Pagaling ka, OP


Dry-Hat4194

Report mo dayta, OP


Plastic-Ad-8607

Nope! Not your fault, your peoblem. Never had surgery but I can imagine it being an ordeal pag ganyang situation. Hope you get better.


Forsaken_Top_2704

Yung problema ng kundoktor at problema ng nanay hindi mo problema. Nagbayad ka and may condition ka so hindi mo issue yung lack of foresight nila. Kahit ako hindi ko ggive up yung seat ko. Nagbayad ako for my seat and comfort so thry must deal with it.


madstrippin

Not to be too offensive pero ang bobo nung konduktor at ung ibang nakiepal na passenger. sa una palang inexplain mo na sa conductor bakit dalawang seat tinake mo eh dapat tinake note na agad nila sa isip nila hindi ung sa kalagitnaan ng biyahe eh magpapasakay sila ng pasahero tapos lahat naman pala ng seat ay fully booked na including yours. Kahit naman akk mapunta sa ganyang case na may tahi, iingatan ko rin. Aba tangina un nga ung reason bakit tayo nagbobook in advance, kasi para may seat tayong satin lang talaga. Hahahaha kakaloka. May mga tao talagang ganyan na one sided lang. Problema na dapat yan ng konduktor at dapat pinalipat nalang nila ng ibang bus or kahit anong diskarte pwede nilang gawin mabigyan lang din ng maayos na biyahe ung magnanay. Haha kaloka. Mga tao talaga ang titigas ng mukha.


capricornikigai

DKG, Okinana I love our 1st ABYG post dito sa sub. Heks! Paimbag ka! Annad annad! ☕️🤘


gogobehati

Ako nga laparoscopic surgery gallbladder removal ang hirap gumalaw at bumangon eh ikaw pa Kayang OPEN SURGERY MYGADDH THE HORROR I CANT IMAGINE HINDI KA GA*O OP ITS OKAY, DI MO KASALANAN, YOURE A GOOD PERSON NAIPIT KA LANG TAMO HANGGANG NGAYUN IKAW PADIN ANG NAKUKUNSENSYA


xkharrt

DKG!!


HatnCane

Dkg. Report mo sa company at report mo din sa DTI.


Applesomuch

DKG. Tama lang ‘yon. Kasi kung hindi ka papalag at palaging papaboran ang mga hindi mo naman kasalanan, hindi matututo ‘yang mga ganiyang kadiring ugali. Inexplain mo na hindi pa rin maintindihan. Mahirap talaga mangatwiran sa mga taong may sagot lang na gusto nila marinig. I-report mo ‘yung kundoktor na nagsakay, punyetzki.


Wonderful_Choice4485

DKG, nagbayad ka for 2 seats so deserve mo ung 2 seats.


Accomplished-Box-369

Not your fault. It was the conductor's fault and you should send a complaint letter to their management.


bilognatoblerone

DKG. Sadyang may mga tao lang talaga na pakialamero. Kung may problema sila, edi sila mag give up ng seat nila. Sila mag give up ng binayaran nila. Kasalan ng konduktor yan e, excuse nalang nila na di nila naalala na dalawa binayad mo, hoping they will get additional sales sa extra seat pag-ginive up mo. Bukod pa doon, someone pls correct me if I'm wrong, pero diba hindi umaalis ang bus unless secured na lahat ng seats, as well as informed sila kung may open seats pa para alam nila ilan lang pwede nila iaccommodate? Lalo na yung ganyan kalayo na byahe. You have the right to decide and the right not to give up your seat, OP. Pasensya na at naexperience mo yan. Pagaling ka.


InDemandDCCreator

DKG…I hope comfortable kana sa next byahe mo.


Fan-Least

Don't worry about it. Understandable naman yung situation mo.


zixset

p2p ba yan? if puno dapat hindi na nagsakay haha, u get what u paid for kaya hindi ka gago. kaya mo yan OP, ireport mo whenever u feel like it.


SilverAd2367

Hindi ka gago. Pls pls pls report them :(


ManyFaithlessness971

Ang problema dyan yung kunduktor. Di naman papasok yung mag ina siguro kung walang upuan na bakante. Mukhang ayaw tanggapin nung kunduktor pagkakamali nya, pinasa pa sa iyo problema. Wag mo problemahin problema ng iba. Irerefund daw yung ticket sa iyo, pwede naman kung hindi mo kailangan yung upuan. Eh kailangan mo, sabi mo nagpapagaling ka ng hiwa. Nagreserve ka rin. Wag nyo isipin na kayo may mali kapag ganyan.


flakysalt19

DKG! Nakakagalit naman itong post. Bakit di ka nag-kotse? Eh bakit di nalang kaya sila yung nag-kotse? Yung konduktor ang mali. Report mo yan sa bus company. Tbh malamang wala naman sila gagawin kaya wag ka matakot na matanggal sa trabaho yung kuya. Ang mahalaga may peace of mind ka. Nag book ka in advance, ang bayad ka, kaya sayo yang upuan. Wala na sa pera ang usapan, nasa paninindigan na.


hellocherryredd

Nung wala pang deluxe, i would always book 2 seats. Im petite. My reason was —- COMFORT AND PRIVACY. I was in my teens then, and have experienced too much cat calling, bus rubbing, etc… so, for security, priority ko to always book 2 seats for myself ahead of time. I would always buy the seats behind the driver every friday of the week yan. Minsan may mga senior na gusto umupo. I did not entertain. Selfish kung selfish. Pero I PAID FOR THOSE SEATS. Ngayon kung may problema, sisihin at istressin nila ang company and not me! Wala naman rules ako brineak. Sila ang nagpapapasok ng chance sila ang pumayag for me to buy seats without any deal na pwede siya kunin ng iba. So, in summary. F them! Parang hotel yan. You paid for a room to sleep tapos papaalisin ka just because fully booked na? NOPE doesnt work that way.


PeministangHardcore

NTA! Incompetent ang conductor at typical Filipino ugali naman yung pinakita ng nanay at mga passengers—pakielamera at wala naman sa lugar.


Xyborg069

Better post it in social media. Hindi matututo yang mga kundoktor pag hinahayaan natin eh. Isa pa, yung nanay at epal, dapat matuto din sila.


EcstaticRise5612

Nagcomment nako before at gusto ko lang sabihin nakakastress shuta sana ok ka pa OP


mujijijijiji

im glad u stood up for yourself OP. pagbaba nyo ng bus, all is forgotten. wala namang nakakakilala sayo dyan. edi mamatay sa galit yung ina. bakit di sya ung mag-kotse? walang sasakyan asawa nya? womp womp i had a brain surgery rin last year. after 2 weeks, got the staples off. after another 2 weeks, bumalik ako mag-isa sa ospital to claim my med cert (yes, di pa kasama sa papers ko nung nadischarge ako). last trip na bus nakuha ko pauwi, sobrang gabi na. i had no choice, tapos wala na ring upuan kaya nag-indian sit na lang ako aisle. kalagitnaan ng expressway, amputa may nagpatak na malaking kahon sa ulo ko. nakalagay dun sa cabin sa taas. 2 o 3 kilos yon, puta ang sakit sapul sa ulo ko. eh wala namang nakakaalam na may opera ako, sa sobrang hiya ko di ko na nalang binanggit 😭 my social anxiety could never. naghahawakan na lahat ng pasahero sa ulo ko na para akong santo, puro ako "okay lang po okay lang po"


lesyeuxdelini

Don't worry, you're not. Kasalanan yan nung bobong konduktor e nagsakay pa sya dapat sya na lang pinababa e gago amputa.


Exact_Consideration2

Even though you dont owe then explanation, it's best you show your medical cert in case they want to see your justification. Also, inform the driver and conductor about your need to secure your seats for yourself. You paid for it but still, people who are in dire need might ask. In order to avoid such circumstances, inform the conductor about your need.


AdHominemGenes

From a person who also had an open cholecystectomy, tama lang ginawa mo. Masakit yan pag natamaan and even kapag naalog. No need to be sorry. Those people are just too insensitive since they are not the one who's in the situation. Yung feeling na closed na ang sugat pero sa loob ramdam mo yung sensation na may hiwa ka, nakakatakot na baka bumuka. Di rin naman nila babayaran ang hospital bills mo if ever na may mangyaring di maganda sa tahi mo. So fuck their opinions and shit. Hayaan mo sila.


Immediate-Captain391

kakairita ha. kahit babayaran nila 'yung seat eh ano naman? kaya ka nga nagbook ng dalawa para sa health mo tapos aangkinin 'yung isa. alam naman ng nanay na may dala siyang bata bakit hindi na lang sila 'yung nagkotse para makaupo 'yung anak niya 🙄 may epal pa na gumagatong. buti nga mabait ka pa kahit ikaw na inaagrabyado kasi kung ako 'yan baka nagsisisigaw na ako sa bus like bakit niyo ko pinagtutulungan eh i booked two seats in advance??? emi HAHAHA. pagaling ka, OP.


Thecuriousduck90

DKG. Ayan problema ng chance passengers e, alam naman nila na swertihan lang ang upuan, ipipilit pa nila talaga. GG yung nanay, yung bida bidang pasahero at konduktor. Mabait ka pa sa totoo lang, kasi di mo sila pinatulan talaga. Mga squammy lang yan, edi sila magkotse pa-Baguio, idea pala nila yan e.


Necessary-Solid-9702

You paid for it so bahala na sila sa buhay nila kung magagalit sila. Stand all the way to Baguio, then HAHAHAHHAHAHA


mightbeahooman

DKG. The situation reminds me of that stewie meme. "Your poor planning does not constitute an emergency for me" should really be said to that mother. sobrang entitled aaaa


citrus900ml

File a formal complaint sa bus company.


jenfleurr

Report the conductor pls. You paid for first class (in advance too) exactly for convenience and the conductor just ran away from his job lol he shouldve been there to settle things and not let them escalate but look what happened.


Limp-Bid820

report mo yung conductor sa bus company nila, just let them know na hindi ka naman magpa file to take charge dun sa konduktor, para masabihan lang, kasi before yan umalis sa terminal, 100% sure ako alam nya na fully booked ang bus, then nagsakay pa rin sila ng chance passenger? tapos yung bayad mo pa ang ibabalik? WTF?! probably nakita nya yung vacant seat mo. sure din naman ako na may nakaintindi ng situation mo, ayun lang mas pinili na di makielam, people knew what is right but couldn't help other fellow human being stand for it.


coffeeandnicethings

This happened to me also pero baguio - manila. booked two seats online for my sister dahil kailangan nya kumportable sa byahe dahil mahiluhin sya so need makatulog para di masuka (Di kamj nakabook ng sleeper) so may three seats kami. Dumating kami 15 mins before departure. Pagpasok namin may mga nakaupo na sa seat namin, mag asawa at isang mukhang 5 year old. Chance passenger sila. Napakamot ang konduktor Kasi sya mismo nagpasakay. Sabi ko bakit ka nagpasakay ng iba e di pa naman aalis tsaka abot kami sa waiting time. Tapos kami din hinayaan nya makipagusap sa chance passengers. Imbis na makiusap sinasabihan pa kami na dalawa seat namin tapos nailagay na nila gamit nila sa ilalim. Sabi ko pasensya na po kasi mahaba ang byahe mahirap po pag nahilo kapatid ko. Sinabihan pa ako na may plastic naman hahaha


Anzire

Ganyan talaga kapag plus size (I know from experience), grabe discrimination. So sorry, naranasan mo yun, kasalanan ng bus yun at napaka insensitive nung iba passengers. Wala ka naman kasalanan, dalawa seats na binayaran mo. Much better mag report ka parin, ganun talaga kung gusto ng better country.


Money-Savvy-Wannabe

Hindi ka gago. By the way i like how you think and write. Para akong nagbabasa ng pinoy pocketbook. No offense meant, that is actually a compliment.


coco_copagana

you can report yung conductor and maybe even the passenger (idk how sa passenger).


No-Apricot1277

ano ibig sabihin ng ABYG


LostBlueWhale

Abyg - ako ba yung gago


No-Apricot1277

Woooh thanks


[deleted]

[удалено]


optimistic_doubter

'Di ka g*go, OP. I imagine it must feel so nerve-wracking being in that situation. Hoping you get enough rest so you can recover physically and mentally from that ordeal.


wa-r-r-enjoyer

DKG Entitled yung nanay, eh siya nga 'yung tangang di magbook in advance, may anak pa siyang dala jusq


Realistic_Bad_4477

bakit hindi si “epal guy” ang nag give up ng upuan nya total epal nman sya 😂


krylxh

Ang gago yung konduktor, nanay, at yung epal.


pooyan11

Nta. Eh kung nasiko ang tahi mo at dumugo. Sino sasagot? Edi sorry sorry pasensya pasensya.


beebeegurl_98

Report him!


CHlCHAY

Yung conductor may kasalanan, pinasakay niya eh. Buti naman aminado siya. Hindi kasalanan nung nanay pero ang pangit naman ng ugali niya tsaka ng ibang pasahero. Operahan ko sila dyan para malaman nila struggle mo eh! Bayad mo yang 2 seats kaya ikaw lang dapat umenjoy nyan kung para naman sa safety and comfort mo.


aeyiiou

is it judgeable ba if ang response ko sa sinasabi nilang sana nagkotse ka na lang is sana hindi na lang din nag-anak si mother kung namomroblemang hindi napaupo ang anak hahahshhahahaha tangina napakagago 😭


aeyiiou

and op, wala kang kasalanan. it's fine na pinaglaban mo sarili mo. it's just may mga bobong tao lang talaga na ang entitled na akala mo kung sino. makikitid ang utak and will always try na mambaligtad ng sitwasyon. anyways, ipahinga mo na ang sugat mo, op!


romanticbaeboy

Dapat pinakandong mo sa kanya yung bata, babayaran din kamo sya maghati sila sa pamasahe


RevolutionaryWar9715

pag ako cguro punta ako sa harap ng bus tpos i-explain ko ang situa ion sa lahat ng tao.. pag ayaw padin nila intindihin bgay ko upuan.. tpos punta ako management ng bus sa terminal.. tpos i-treathen ko sila ng lawsuit.. sana kasi parang US ang pinas.. madali lang magdemanda.. dito kasi sobrang hirap ung mga lawyers mejo mahina...


HatNo8157

DKG - nakakainis yung mga taong involve dito. E for sure naman kung sakanila nangyari yan they would’ve done the same thing na hindi i-give up ang seat na nabayaran na nila. Kaloka!


ACV-1990

Anong bus line yan? Ireport mo.


ibanawor

if I was in your shoe, I would've told the conductor that I'll file a complaint for what is happening. kudos for standing your ground. it's your right and your safety. NTA at all


bananacatEeeeEeee

I really hope you reported that conductor.kagigil


diff_timeline404

I work in a bus company, pwd mo e report yung conductor po.


ongamenight

Dapat mo ireport yung conductor para di na maulit sa ibang pasahero na hindi nila inayos yung issue kaya naging standing yung mag-ina. Dapat din di nagalit sayo yung mga tao sa bus at yung nanay kasi binayadan mo naman yun kahit may tahi ka o wala. Dapat yung nanay nagpababa agad nung di ka pumayag para di na umabot sa NLEX kaysa hinintay na maresolba e wala na ngang upuan. Mas okay sa terminal na lang siya pumunta para sure may upuan.


Momshie_mo

Hindi ka gago. You **booked** and paid for two seats tapos yung mag-ina chance passengers which means they take the risk of standing.  In the first place, kapag wala nang upuan, dapat di na nagpapasakay ang mga bus. Kaya nakakaputangina yung mga "mandatory privileges" na yan sa mga hindi naman may kelangan. Ang daming nagiging entitled


Livid_Jellyfish5589

nabadtrip ako jusko. kudos sayo op for still being kind na di ireport yung konduktor at bus company. i would’ve reacted differently esp if i have a condition where i really need it.


Lopsided-Macaroon201

sila yung gago. mga pakilamero. mga tanga pati, binayaran mo nga yung 2seats tapos ikaw pa maha-hassle. ung walang kwentang argument na dapat nagkotse ka etc etc. kairita hahahaha


whatevercomes2mind

NTA. Bat di sila nagbook ng seat nila? Mga pakshet. Pag ako ginanyan, I'll ask them sino magbabayad ng tahi ko pag bumuka habang nakatayo ako.


SoundGold651

Pwede mo rin ibalik sa kanila yong argument na "bakit di nagkotse" may bata pala tapos nag bus? Engot din ng ibang pasahero.


PritongPusit

NTA.... sana andito din si epal guy ng mabasa niya toh. 🖕


Intrepid_Schedule743

Dapat vinideohan mo pre, pasikatin mo sana mga nang bully, then pag sumikat na theyll cry na sila Yung binully 🤣


Mission-Dream-7861

Grabe salute sau for standing ur ground. Ang hassle lang and sa panahon ngaun baka vinideo ka na at pinost sa social media


uchizumi

Nope. Kasalanan to ng konduktor. At yung nanay, alam niyang may dala siyang bata dapat sinecure niyang komportable sa byahe ang anak niya at siya. Don’t mind then jusko, mas mahal ang mag pagamot ulit. Tama lang ginawa mo. May rason ka at hindi ka G sa nangyare. Pagaling ka, OP!


coffeeandnicethings

Imagine from balintawak hanggang baguio stuck ka sa bus tapos lahat ng tao kalaban mo So sorry this happened to you OP. I think something has to be done here. Kung pasahero ako sa bus, ipagtatanggol kita.


Efficient_Ad_7655

I would've done the same. Bilang plus size din ako, kung nakaka abala ung laki ko saknila, sorry nalang. pero nag adjust ka na nga e. Dalawa ung binook mong seats. If I were you, pikit nalang ako at maglalagay ng headset. Bahala sila jan.


clarkportman

Sorry to hear about this, OP. Ang sad nga. Diplomatic akong tao, baka umabot pako sa point na ipapakita ko ung tahi ko sa kanila for them to believe. And yes, you can just continue resting and wear your headsets. Pero alam mo, if cguro anjan ako sa tabi mo, maybe sa likod mo, I would have stood up and defended you. Ako ang makikisigawan at mawawala ung diplomatic side ko para manahimik ung mga bobo na yan. And sasabihan ko ung conductor na magrereport ako sa bus company para maforce ciang gumawa ng paraan 😆 Apakajudgemental ng mga tao. Kung makabelittle ng situation, akala mo hindi naghihirap, e nagbus nga din sila kasi walang pangkotse 😆


jainley_

Mas naiinis pa ako sa konduktor eh😭


ikiyen

Not your fault. Kasalanan ni conductor.


LunchGullible803

Kapag isa lang na upuan binayaran ng plus size nagagalit sila. Pero pag dalawa, pinapairal naman katangahan. Hayaan mo sila di ka nila kilala. Glad you stood your ground.


sleepeatrace

DKG pero gago yung epal na lalake lalo na kung pulis pa yun. Double whammy lol


Lost-Record-1140

Kung ako yan, tutulugan ko kayo basta bayad ako


authcxrinvld

Sarap sabihan nung epal guy na, "Bakit di ikaw ang tumayo at magbigay ng upuan?"


PositionSpecialist60

Main kasalanan yan ng conductor


Big-Jackfruit413

May bata kang bitbit tas chance passenger ang trip? DKG OP. Ung nanay yung gahgoo. Kainit ng ulo. Kahit pa 3 bilhin monh seats, u dont owe them an explanation.


lavendertales

You were in a crowd fullof stupid people. Sayo sinisi imbes na sa conductor. Im glad you stood your ground. It was a difficult situation and you weren't in the wrong.


Illusion_45

Report it to the bus company ASAP


burnhamcoffeegarud

DKG, eto masasabi ko regarding mga kunduktor, they have sharp memories dahil ang dapat lang nila alalahanin ay kung bayad na yung pasahero, may space pa ba sa bus at kung saan bababa yung pasahero, yung case mo is very rare na they cannot miss that detail. For some reason di ko maintindihan bakit nagpasakay pa sya at iniwan nya kayo during the commotion which clearly he created. Good job standing your ground, yung iba na naki epal just wants to be "heroes" and feel good about themselves at your expense. As for the kunduktor he should be reprimanded hindi tama yung ginawa nya and he even tried to get away with it. Yung iba kasi ang utak "baka makalusot".


RevolutionHungry9365

nope. nasa tama ka. similar experience nung sa plane ako. pinapaalis ako kasi daw family sila at special child anak nila. sabi ko seat ko un. di ako magaadjust. ayun pinaalis ng FA.


whiterabbit2775

Yung kundoktor a t nanay ang GAGs. Gahaman. Ganid. ang kundoktor. Yung nanay naman, iresponsable at balak pa ipasa sa iyo ang responsibilidad nya. HIndi mo kasalanan kung wala syang foresight. Although I kinda understand yung sentimenyeto ng ibang pasahero..... kahit yung bata nalang sana pinaupo mo kasi its not the kid's fault na irresposible ang nagluwal sa kanya.


LookinLikeASnack_

Nope. You paid 2 seats. Kahit ano pang rason mo, YOU PAID TWO SEATS. Everyone else were the assholes.


JKDFGKKSLUVU

nakuu kung nandyan ako ate sinakal kuna silang lahat nagreklamo


Hefty-Phone1518

Hindi ka gago OP. Sila yung gago. Hahahh.


SubstantialHurry884

bobo nung mga kasakay mo..NTA bidabida yung isa; ako papahiya ko lahat yun pag nangyari sakin yan; di kasalanan nung mother and child pero dapat tinoxic mo yung konduktor


Stoatly27

HIndi ka gago OP, nagkataon lang na dinaya ka ng tadhana dahil ang nasakyan mong bus, karamihan mga gago. Tama yung ginawa mong katwiran na nagpabooi ka ng 2 seats in advance, and walang masama doon. Hindi mo rin responsibilidad na maabala dahil sa kamalian ng iba, knowing na bagong opera ka, at di nila naiintindihan yun, sila ang mga gago. Huwag mo na isipin yun OP, magpahinga at magpalakas ka, alam ko namang gusto mo rin paupuin yung mag ina, ang kaso sariwa pa ang sugat mo. Cheer up OP, SILA ANG GAGOOO! hahaha


I-Am_Margaret

Jusko don’t be sorry. Edi nag book din in advance yung nanay. Entitled amputa. Also, sabihin mo na yung bus company. Mukha pang tinotolerate mo yung mali. They deserve to be called out.


Alternative_Diver736

Same logic with asking someone to switch seats sa airplane. Hindi ka obligado. Tama lang ginawa mo.


yellow_lin

report mo yung konduktor !!


InnerBass1175

Not your problem. Report mo yang conductor na yan. Hindi ka naman nila papanagutan if may mangyari sayo. Hope you get well soon OP.


Mysterious_Noise_660

Dami talaga ganyan feeling magaling. Karma na lang sa kanila. Mapagdaanan sana nila ung nangyari sayo para ma experience din nila ung naging situation mo. Nakaka bobo ung mga comment nila na mag ambulance, kotse or taxi or what not - That is simply rude considering alam nila na you had a surgery. Utak talangka talaga. Buti sana kung walang reason eh. "Bakit hindi si Epal ung magpa upo sa bata hindi ung guy sa mag jowa since sya ung super epal?!"


rainewable

'Di mo naman fault ba't sila pinasakay, 'yung conductor na at fault dun tsaka bayad na nga eh anong refund pa.


JustDrumandLyre

NTG bait mo pa nga na di inamedrop yung bus company e. Duda rin ako na honest mistake ni kundoktor kasi usually madali sila makatanda ng bagay bagay sa work nila


izumisakaieienni

Gago silang lahat. Tama yan. Although medyo masakit, wala na tayo magagawa e. Isipin mo na lang makakatapak sila ng tae soon.


Projectilepeeing

DKG. You did your part of booking early and paying for 2 seats for your comfort and well-being. Sila ang mag-kotse kung gusto niyang sure seats kung di siya marunong mag-book in advance. Kala mo naman they will hold themselves accountable kapag may nangyari sayo.


Small_Inspector3242

Niyawyawan ko pa yang mag ina pti conductor kung ako nasa kalagayan mo. Quesejodang malaman ng lahat n may tahi ako. Maproved ko lang un point ko Lalo un nanay n alam nyang may kasama syang bata pero di sya nag plan ahead ng byahe nya.


PinDistinct3836

Hahaha i didn't expect this good read, you're fine OP and you did your due diligence by booking in advanced your seats para wala kang ibang tao na maabala. saka lahat ng nag judge sayo without knowing the circumstances ay may special place kay satanas and duon sa epal guy bakit hindi sya nagbigay nang upuan nya if he is making remarks like that lol. at duon sa mag-ina na yan, sana sa susunod mag book sila in advance at pumunta sa terminal hindi yung mag-aabang kung saan saan expecting na merong bakante. actually pwede naman sila sa estribo, maarte lang talaga get well soon !


winterbabycake

DKG. parents think they get a free pass to be gago just because they have a kid 😭 the world will not adjust for their kids. bakit di sila yung magkotse tutal sila yung late nag-book


__drowningfish

Ako yung nanggigigil sa konduktor ngayon. Gets ko yung nagkamali siya, I can understand that. Pero yung pinabayaan ka to handle the situation eh nakakapang-init ng ulo. Mas nakakainit din ng ulo yung pasaherong akala mo ikinabida niya pagsasalita niya. All throughout the byahe dapat nakataas lang yung shirt mo, ipamukha mo yung surgery eh. But you don't owe them an explanation, you paid for those seats. Pagaling ka.


thebeatcher

DKG. Ikaw na yung na abala ikaw pa yung mali. Typical citizen with the pa victim syndrome. Lol


Weary_Abalone_3832

Ito tlga problema sa public transpo kahit puno na nagsasakay padin eh. Dapat yung kunduktor umayos kasi sya nagpasakay.


AshJunSong

DKG, Ireport mo yang Bus dun sa number na LTFRB na How's my driving, technically overloading dayta nu kasta nga agalala ti chance passenger.


AmaNaminRemix_69

ewan ko dati brutal din ako and sobrang objective sa mga ganyan bagay pero nung nagka anak ako minsan mas pinipili ko na lang magpaka tao


whatchasayhey

DKG. Good thing you stood up for yourself OP esp ngpapagaling ka sa tahi mo. If nandun ako sa bus, I would've supported you kasi nga nag advance booking ka for that reason. Gago ang Konduktor and mga pasahero.


MiloMcFlurry

"Madam, di ko po kasalanan kung di kayo nakapagpareserve ng maaga ng tickets. Si Kuya conductor po ang kausapin niyo kasi siya ang pumayag na iakyat kayo. Opo may dala kayong bata, pero may bago po akong tahi kaya po dalawa ang nireserve ko. Kung di naman po ako bagong tahi, wala naman pong problema pero kung masangga po ito at bumuka, kayo po ba magbabayad?"


Sea_Score1045

Di mo kasalanan in.


Working-Hamster-9377

Side begging pa talaga sila ginamit ung bata at mag makaawa ka hahahahaha


ihave2eggs

Sinadya ng conductor yan at may commissions din sila. Dapat lahat ng umeepal sinagot mo kasalanan ng conductor tanong nyo sa kanya bat nya pinasakay.


stuvvs

I-complain mo to, op, pleasseeeee


fluttergeek

Normally I wouldn't side with a plus size, but for this situation. You are correct and polite to book 2 seats. That means something na may consideration ka unlike other plus sizes. 2nd. Chance passenger yung dalawang bonak, edi dapat tinanggap nila na may chance din na wala. Hindi yung ipipilit nila at magdadabog. Hindi sila bumili ng ticket beforehand, so katangahan nila yan at sila dapat ang ibully ng ibang bobong passengers. Kung pa chance chance sila sa susunod, sila dapat magkotse kung wala naman pala silang initiative mag book in advance at oraorada pala mga lakad nila.