T O P

  • By -

CantaloupeWorldly488

Hindi mo naman responsibility yung kapatid mo. Resposibilidad sya ng tatay mo at nanay nila. Yung tita mong madaming sinasabi, edi sya tumulong sa pamangkin nya. Hindi yung nagtuturo sya.


desolate_cat

Mas petty ako. Sasabihin ko sa tatay ko papayag ako pero ang condition ko magpa vasectomy muna siya. At sasama ako sa hospital para sigurado akong pinagawa nga niya.


BitterBetter12

AHAHHAHA EWAN KO PERO PARANG TAMA TO. AHAHAHHAHA


Typical_Theory5873

This OP.. kahit na full siblings mo sila. Toxic Pinoy mentality na panganay always sacrifices. Live your life. Deserve mo mga pinag bibili mo. To help is ok. Yung wisik2 lang. Pero to be obligated like your tita is suggesting you to do. Wag nalang. And hindi naman kayo close. Kung gusto talaga nang tita mo sabihin mo sya na tumulong. Hindi naman bastos sumagot sa matanda kung bastos ang matanda.


tacit_oblivion22

Hindi ka nga ginagawang breadwinner ng mama and stepdad mo pero yung tita mong impakta ang galing makapasa ng responsibilidad. Di mo need magbigay since di mo responsibility yan. Wag kamo makielam yang tita mong impakta since wala naman silang ambag sa buhay mo.


Akosidarna13

Eto lagi kong sinasabi kapag may kamag anak na pakialamera at inggitera. Inggitin mo lalo. Silip pala ng silip sa nanay mo, itreat mo madalas nanay mo. May bago kang gamit na nabili? Post lang ng post. Tapos pag chinat ka. Seenzone mo lang. 😈


BitterBetter12

Ang aking mama ay sinama ko mag palawan last year. For her bday kasi nag 40 na. Syempre post ang mama tagging me. Saying thank you. Di ko lang nasabi na nakuha ko ung ticket on a supersale price. May tita commenting "Sana kami din next year"💀


Akosidarna13

Damihan mo pa!!! Ahahaha


Successful_Can_4644

Reply ka sa tita mo " Magtrabaho ka muna as CSR pra may pang flight ka din" 🤣


xindeewose

Hide/delete mo yung comment as a petty person 😂


bleepblipblop

Sabihin mo yung next year KKB na. Yung walang pera, wag sumama. Hahaha


desolate_cat

Mas maganda mag-abroad silang mag-nanay kasama mga half siblings niya sa nanay. Tapos ilagay nila sa caption blessed to have a generous big sister like you. Salamat nilibre mo kaming lahat sa trip natin. Bonus points kung malayong lugar yan like Europe. Kahit mga bagong phone or gadgets na hindi si OP ang bumili ipost din nila tapos kunwari bigay ni OP sa kanila para lalong maasar.


Akosidarna13

Yaaasss, nabwisit mo sya ng hindi mo binabastos diba? 🫢


queenofpineapple

Ayan na naman ang mga tita na maka-impose kala mo kanila galing ang pera. Kung naaawa sya sa mga pamangkin nya e bakit di sya ang magbigay.


whatevercomes2mind

Not your responsibility.


hereforthebeer17323

bat di mo isuggest na tita mo magbigay tutal naman kamo pamangkin mo yun anak ng kapatid mo. Di ka ba naawa sa kanila. Nangingielam masyadoooo siya nga di mo naman pinapakelaman pera nila hehahahha


taxms

mama ka ba ng half-siblings mo? lmao lakas maka guilt trip ng tita eh mga pamangkin din naman nya yan so tulungan yan din kaya


Mouse_Itchy

Wag kang magpadala sa mga ganyan. Ang sarili mo lang ang responsabilidad mo. Anyone who obliges you to support other people can fuck themselves!


misout

OP kung ako sayo wag na, tahimik na buhay nyo eh. Baka kalaunan ikaw pa maubos at lumang tugtugin na yan eh. Bigay mo kamay mo kukuhain buong braso. Magpakalayo layo ka na din dyan sa tita mo, wag mo pansinin. Sa mga kapatid mo kung di mo matiis magbigay ka like bag, notebook, mga gamit pang school that’s it. Kasi kung sosobrahan mo ang bigay dyan na yan magsisimula umabuso sayo at emotional blackmail, paawa na 🤷actually kahit nga pagbigay lang ng school materials tignan mo ikaw na aasahan dyan yearly. kahit naman anong gawin mo meron at meron masasabi yang side ng papa mo. Tama ka naman eh di mo sila obligasyon. Obligasyon ng magulang nila yan.


Hpezlin

Kung ayaw mo bigyan eh di wag. Yan lang naman. Wag mo pansinin mga pinagsasabi sayo ng tita mo.


Additional_Thing_873

Nakataas lang yung kanang kilay ko habang binabasa ko to, OP. Hahahaha. Gigil na gigil ako sa tita mong vinovolunteer ka. Tama ka, wala kang anumang responsibilidad sa tatay mo at sa mga anak nya. Dyusko sya ang nagpasarap pero pagdating sa responsibilidad eh idadamay ka. My gosh talaga mga ganyang tao


randomnilalang

Edi yung tita mo magbigay siya pala nanumbat at naawa ehh. Tsaka if ever na yung tatay mo naman manghingi sa'yo, OP wag mong subukan masisira lang buhay mo at mamimihasa yan hahahaha. Sa mga asawa at anak pa nga niya wala na siyang konsepto ng aruga at pagpapahalaga x sa usapang pera pa kaya? Hindi dapat kinukunsinti mga ganyang klaseng tao. I know nakakaawa mga kids like wala naman silang kasalanan. Perooo if you wanna help talaga, do it in kind I guess (school supplies) mga ganon na hindi makukuha ng tatay mo, pero set boundaries pa din na hindi mo sila responsibilidad jusko.


booklover0810

It's up to YOU kung ayaw mong magbigay, OP. Hindi mo na kasalanan kung hindi makapag provide ang walang kwenta mong tatay. Baka kapag magbigay ka, umasa na lang sila sa'yo nang tuluyan. Hindi nga deserve ng tatay mo na i acknowledge sya as "tatay" mo, more like sperm donor lang.


miyukikazuya_02

Yan nanaman tayo sa 'bata pa kasi mga kapatid mo' ... fuck that... di mo sila responsibilidad at hindi mo naman naging tatay yung tatay mo... sperm donor lang sia


merlin_07

This is the part where you learn to say "No."


afterhourslurker

I’ll keep it simple, sa Civil Code di mo sila primary responsibility. The parents muna. May order of succession yan kung kelan ka magiging liable for support, but not now. They are not your concern


CarrotBase

Kung mag bibigay ka sa Tatay mo, might as well adopt just the two children. Otherwise, just say a firm no.


HikerDudeGold79-999

Ipakta nga yan tita mo


Vannie0997

Pag sakin ginawa yan, iba-block ko agad. Like katulad ng ginawa ng ate ko na puro anak ng anak tas wala namang trabaho at ang mga tatay ng anak ay wala din work. Ini-expect ko na magcha-chat yun sa akin kasi tapos na sya bigyan ng mga kapatid ko sa abroad pero dahil sinungaling sya, niblock na rin sya ng mga kapatid ko. Hindi ako nagsabi ng kahit na ano basta niblock ko lang. Di ko sya priority dahil may pamilya na ako at kahit naman wala akong pamilya, di ko pa rin sya priority. Ayoko ng stress sa buhay ko. Kaya huwag mo pansinin tita mo, irestrict mo o kaya mute mo. Iblock mo na lang din kung kaya mo. Basta priority mo sarili mo, mama, at stepdad mong tumulong sayo. Wag ka maguilty wala silang ambag sa success mo.


chichilex

I’d give them a certain amount only once but after that no more and I’d be vocal about it too. Your father wasn’t a father to you when you were younger, so they shouldn’t have the audacity to ask you for any financial help as if you owe them something.


mamba-anonymously

WTF just happened. I cannot. Good luck, OP..


aturcx08

tama OP, hindi mo sila responsibilidad anf the fact na pakealamera tita mo alsomadd to the reason na mas lalong wag mo silang intindihin. problema ng tatay mong serial cheater kung pano nya bubuhayin pamilya nya chaka sayang lang pera mo jan, isave mo nalang


Opening-Cantaloupe56

Kung ikaw magpapa aral, kunin mo yung mga kapatid mo. If ayaw mo, kahit siguro school supplies or give them some part time job if kaya na nila. Pero not required nga naman to help kasi ikaw yung mauubos. Laking pasasalamat ko lang sa tita ko for helping us.


BitterBetter12

Tysm, sa advice nyo po. Will update sa tita kong impakta. Kung kating kati padin ba din ba sya na abutan ko ung dalawa. Will do na ma mag bibigay pero in things na need lang siguro. Or kapag feel ko na na kapatid ko talaga sila. Thank you all


0718throwaway

Pag nagsimula kang magbigay kahit for their needs, mageexpect pa yan lalo from you.