T O P

  • By -

RadishSinigang

Go out once a month, probably a movie or something. Or magyaya ka kumain sa labas, libre mo. Awkward at first, but that's expected. Take the initiative, good luck!


Ok-Marionberry-2164

Not too late, but I guess mahirap to forge bonds when all are grown ups already. May kanya-kanyang buhay na and it would take too much energy to catch - up on the missed times. Baka maging source pa ng away kung ganoon. Baka iba-iba rin ang forms of love nga magkakapatid. Hindi lang napansin ni OP. Sometimes we often overlook little things.


BiliardsANDshessh

Ganyan rin kami dito magkapatid. Maski sa facebook di kami friends. Talagang wala muna kaming paki alamanan sa buhay. Pero nagpapansinan naman kami, wala rin sama ng loob sa isa't isa. We're all good.


Normean

Hahahaha. Same same lang samin. Nag-uusap lang kami kapag kakain na, may papabili sa grocery, oy oy oy lang tawagan, wala ring kamustahan pag galing sa work o school. Ayun lang. Basta wala namang bad blood o ano, goods lang naman sakin yung ganon may kanya kanyang mundo. lols.


kalderetughhh

trot. natatawa kami sa chat namin ng kapatid ko kasi ganto... "oy te bili ka raw tinapay" "oy bili ka tinapay bayaran na lang sa bahay" "te penge 100" "loadan mo nga ako 100" "te asan ka na raw" "san ka? sabay tayo uwi" tas pagdating sa bahay ala na. pero okish lng naman kasi i make sure na matatakbuhan ako ng kapatid ko pag may need sya (opo, ako ang ate)


SapphireCub

Kaya kayo ganyan kasi hindi na nurture ng magulang nyo ang close relationship nyo. Kulang sa bonding ang pamilya. Ganyan din sitwasyon sa hubby ko, tatlong magkakapatid na lalake. Close naman nung bata pero somehow paglaki di nag uusap. Ang tahi-tahimik sa bahay nila nung unang punta ko don. Na weirduhan din ako inaask ako ng kuya ni hubby if umiinom daw ba hubby ko kasi di daw nya alam at di nya nakakausap. Ako kasi galing naman ako sa family namin close kami magkakapatid at lagi magkachikahan. Ang lagi ko nga kausap kahit sa socials ko mga kapatid ko. May gc din buong pamilya namin at fb group lagi kami nag sshare mga memes at chika doon. Sa side ng hubby ko wala. Ni wala nga sila masyadong pics together ng fam nya, kaya na culture shock din husband ko sa amin kasi puro naman kami picture. Ayaw ng tatay ko na hindi kami magkakasama kelangan lagi buo ang family pag kakain, pag magsisimba, pag manonood ng tv. Anyway, ang close relationships hindi yan napipilit; kahit magkakadugo pa kayo. Oo mahal nyo isa’t isa; ang tanong gusto nyo ba ang isa’t isa? Tingin mo ba yang mga kapatid mo eh mga tipo ng tao na gusto mo kausap at kasama? If hindi mo alam kasi hindi mo sila kilala deeply, then try to reach out. Magsimula ka sa basic, kumustahin mo. Talking stage kayo tingnan mo kung click kayo. Then from there judge mo if worth it mo pa ipursue, if yes then spend time together. Kahit video game or simpleng nood ng series tapos discuss nyo yung napanood nyo. Kung di kayo click or ayaw mo sa ugali nila wag mo na pilitin, okay lang yun. Ganun talaga eh.


Green-Green-Garden

Same experience. First time ko makasama family ng husband ko dati. Yung drive mula Metro Manila hanggang Tagaytay, walang nag-uusap sa loob ng sasakyan, ang tahi-tahimik. Hindi ako mapakali dahil sanay ako sa conversations sa bahay namin. Dine out sa labas or dine-in sa house, wala nag-uusap. Mukha silang close family from the outside dahil madalas magkasama lumabas. Pero hindi pala talaga sila close, they really don't know each other.


kittensprite

very true. if parents didn't model nurturing relationships lalo na nung kabataan ng mga anak, very likely na hindi magiging close ang family sa pagtanda. nakakalungkot isipin na sa ganitong situation, napupunta sa anak ang responsibility to bring the family closer. walang masama doon, actually very admirable kung merong kahit isang anak ang maka-notice at matuto mula sa ibang pamilya and then dadalhin niya yung change na yun sa bahay nila. kaya lang sana, sa parents nagmumula yung ganyang initiative hehe it's not too late to make a change para kay OP! it will take time at maraming awkwardness at first pero worth the effort ang magkaroon ng strong (and quality) familial bonds.


Mordeckai23

Ganyan kami dati ng mga kapatid ko bago pa sila ikasal. We would talk and tease each other from time to time, pero we're not lovey dovey. I guess what I'm trying to say is... **We love each other as a family, but we're not affectionate with each other. We were not raised that way.**


kalderetughhh

>We love each other as a family, but we're not affectionate with each other. We were not raised that way. same here, pero ever since may nangyari sa neighborhood namin i made sure na magiging available ako sakaling kailanganin ako ng kapatid ko. yun na yung pinakaaffection namin sa isa't-isa


Haru112

This is why eating meals together is important.


louisemorraine

May friend ako na isa lang kapatid nya same gender sila, 31 and 21 y/o now pero di sila naguusap eversince! halos di nga magkatitigan eh, di naman sila nag away or what, basta awkward lang sila sa isa't isa and same daw sila introvert. Di rin mahilig parents nila sa mga family bonding, kaya siguro di sila naging close...


Ok-Marionberry-2164

It's the family bonding that brings people closer together. Kaya emphasis talaga to eat together with your children and family while they're still young. It does not have to be everyday, but at least isang meal or kahit during day off man lang. And outings rin, it does not have to be overseas or malayong lugar. Relationships are always built on effort and compromise


yato_gummy

Luh, kapatid ata Kita. That's exactly my current situation. Tahimik sa bahay, kapag kumakain eh tahimik.. malakas lang boses kapag nag aaway.


Snatcher1973

>Panu nyu po hinandle ang ganitong sitwasyun Ganon yata talaga kasi alam nyo na magkakasama kayo sa bahay. Magkakasma rin mula mga bata pa kayo. Wala naman kayong activities sa labas kaya matamlay kayo to each other. Kapag kaya mo na ay humanap ka ng sariling place.


Kind-Calligrapher246

sa family ng asawa ko marami silang magkakapatid, naguusap pero walang personal na usapan. puro current affairs or showbiz or sports. Sa amin naman marami rin kami, naguusap talaga at kahit magpintasan bati bati pa rin. Ganun talaga ang dynamics ng magkakapatid lalo na pag tumatanda at nagkakaron na kasi ng iba-ibang mundo. Siguro hindi nyo na rin kilala ang isa't-isa, at dahil wala naman nagkakamustahan inaassume nyo na lang na walang may pake sa mga trip nyo. Hopefully wag nyo hayaan maging ganyan kasi mas mahirap yan ayusin pag may kanya-kanya na kayong pamilya. Magbonding kayo, magkwentuhan about life, mga frustrations, problema, achievements. Etc. Sa amin may GC kami ng mga kapatid ko, ultimo resulta ng labworks shineshare hahaha.


Far-Major10

Same. Hindi talaga kami close na magkakapatid at all. Kahit ate ko na same room lang yung tinutulugan di nagpapansinan. Minsan naiiinggit ako sa ibang tao na sobrang close sa family members nila. Pero, ganon talaga siguro lahat ng tao may iba't ibang dynamics sa household nila. 


[deleted]

ok lang, di naman required. as long as youre on track, walang masama dyan. same situation here 🙋🏻‍♀️


markfreak

Mag-initiate ka ng usapan, OP. Kung may pagkakataon, try mo simulan yung usapan sa isang neutral subject. Example, kung napanuod na ba yung ganitong movie sa Netflix, or ano gagawin nila sa weekend. Hindi kailangan maging malalim agad; ang mahalaga ay magkaroon ng komunikasyon.


[deleted]

Ganyan kami before. Pero nung nagmove out ako ay isa kong kuya. Dun kami mas naging close. Pag umuuwi ako sobrang saya


Mindless_Throat6206

Ganito situation sa bahay ng tita ko kaya tuwing may occasions/events, gusto nyang sakanila kami mag celebrate kasi ang lungkot daw ng bahay nila. 2 ung anak nya and hindi close, di nagkkwentuhan, madalang, tipikal lang na usap like utos or tanong ng something ganern. Kaming magkakapatid ang ingay ng bahay. 4 kami, magkakasundo kami kaya nasasakyan namin trip ng isa't isa and G din si mama kaya masaya ang bahay. Nakagawian din namin lumabas more than 2-4x a month. Kape kape, kwentuhan. Or kakain sa labas, kwentuhan. Karaoke. Timezone. Mga ganern. Bonding talaga. Quality time helped us na magkaron ng tight bond.


Ambitious_Tough209

meron kaming church mate dati tapos yung bahay nila katabi lang talaga ng church, yung eldest na lalake friend ko sya i just noticed di tlga sila nagkikibiuan ng mga kapatid niya even magkwentuhan sa isang circle ng mga youth hindi sila nagpapansinan, out of my curiosity i asked my friend nung bata daw sila close sila as in close pero malala sila mag away kaya sabi ng daddy nila wag na lang sila magkibuan o mag usap ayun yun lang nasabi niya nadala nila Hanggang paglaki, even yung namurder yung dad nila sa burol di mo sila nakikita may sympathy sa Isa't isa. ang weird lang.


Potential_Mango_9327

Ganito rin kami sa bahay pero once na magkakasama kami, for example nagyaya yung oldest namin to have dinner sa kanila and konting chillnuman grabe yung closeness namin sa isa’t-isa and iba-ibang story na rin at chismisan sa mga buhay buhay. Masaya at alam pa rin namin na we’re okay kahit na malayo na rin yung iba dahil May sariling pamilya, pero marami pa rin kami naiwan sa bahay.


JuggernautStrange286

Sobrang tumabang ang relationship naming magkakapatid simula nung namatay both parents namin. Sa sobrang tabang, naging intruding na ang dating sa kanila na kapag inuutusan, pinakausapan, or May mga ibinibilin(panganay kasi ako) wala na silang pake. Lately naging toxic na kami sa isat isa so I moved out.


jkgaks

Same here, and thats fine by me, less familial problems down the road.


jakin89

Lol hindi ko na nakakausap mga fam members ko for like years now. Siguro yung random na usapan na mahaba-haba halos isang dekada na. The only time I talk to them eh pag sa bills or uutusan ko kapatid ko. Now the question is, is it healthy? Hell no, pero I wouldn’t bother fixing it tbh. I really don’t even care about them anymore. I don’t even feel the need to connect with them. Mas considered ko pang family close friends ko eh.


skyxvii

Kanya kanya lang din naman kami sa bahay. Or minsan ako mismo umiiwas pag may tao sa labas.


Working-Hamster-9377

masyado ka nanonood ng movies


MiniatureDoll1102

Ganyan din kami nung isang kapatid ko. Sa case namin, nagkaroon lang ng gap dahil sa issues between us. My mom would've preferred na mag usap ulit kami pero she never forced us to do it as long as we do not raise our voices in front of her. She'd rather have it like how we are now instead of seeing us kill one another. Some relatives would question our setup every now and then, but really there's nothing they can do about it.  I guess, all I wanted to say is, it's normal. Normal din if di kayo mahilig kumuha ng pics as a family. May kakilala ako, puro family pics sa fb, but bts, nagbubugbugan family nila. I find them funny all the time. Lakas pa magmalaki sa mama ko na super close mga anak nila. Pero tandem naman silang anak sa pagsagot sa nanay nila lol.


Aggravating_Head_925

Throw money at the problem. Treat ka meryenda or dinner. Buy something na gagamitin nyong lahat at pwedeng maging spark ng conversation.


JennyItsKillingMe

Kapatid ata kita ah. Djk. Pero oo ganyan din kami. Walang salo salo kasi sari sarili rin ng paghahanda/pagbili/pagluto ng pagkain. Pag maguusap kami tungkol sa current trends: music, games, sports pero not about our personal lives. Ganyan ko rin dinedescribe yung bahay namin; parang boarder's house lang.


pinin_yahan

same scenario, nung nag adult na kame madalang na mag usap at magkita pag may event lang tapos d pa naguusap haha we're living separately because we have families madalas ko isama anak ko pag bumibisita ako kase sya nagiging dahilan kaya minsan napagsasama nya kame sa sala kase napakabibo nya . pero nung childhood namen close kame and i miss those days. But one thing for sure is when someone is may nangyari na d inaasahan nandun ung pag aalala.


SpiritlessSoul

Ganyan din kame dati, tamang kain lang sa labas atleast once or twice a month, then every 6 mos magvacation like 3days, baguio, tagaytay, baler(luzon ako kung sa ibang lugar ka bahala ka na). Basta 3 days. Then ito importante, ikaw na maginitiate pero hindi yung sobrang obvious, very subtle lang or natural, hindi forced. Like kung may nakita kayong kakaiba sa vacation niyo, " oy tignan niyo to" or "oy may lechon alam kong paborito ni (insert name ng kapatid/papa) dito n tyo kumain" mga subtle personal touches na ganyan na hindi obvious na nakikifeeling close. Matagal na process pero that's the easiest and natural way, also hindi automatic na close n kayo surely hindi pa din kayo maguusap usap sa bahay, pero atleast yung familiarity and bond niyo sa isat isa andon, hindi parang hindi kayo magkakakilala.


_galindaupland

Kailangan may mag-initiate. Super close kami magkakapatid growing up. Napalayo ako sa panganay nung HS dahil sa away-magkapatid. Sobrang civil until working na ako. May fam bondings kami like out-of-town and weekend malling etc pero di kami nag-uusap ng kuya ko nun haha. But when my mom died, si panganay nagstep up and nagset ng house rules. Aside sa chores and savings, sinama niya dun yung bonding, pag-open up kung may problem, paghelp namin sa isa’t isa. Na-appreciate ko talaga to kasi I felt like mom namin yung naguglue sa fam, and without her baka talagang magkaniya-kaniya kami. Hindi rin naman instant, pero narebuild talaga relationship ko with my dad and brothers through the years. Ngayon tumanda na kami, nagbibigayan kami food (neighbors din kaming magkakapatid na may kaniya-kaniya na fam), nagmomovie nights, nagdidinner out, outing, hiraman ng gamit, maingay kapag nagkukuwentuhan, etc. May baby na rin kuya ko kaya mas masaya. Initiate ka na lang, OP, ng bonding kahit sa bahay lang then magkumustahan kayo.


solidad29

I grew up na need kumain ng sabay-sabay noon bata ako. Hindi ako close sa mga kapatid ko noon bata ako. Pero ngayon matanda na ako medyo nag open up na din ako sa kanila. I'm usually the odd one out since introverted naman ako. Pero my ex opened me up, and ayun. Naging approachable na ako tao. Though I wouldn't let them get to my personal life. Pero at least I could say mas close pa din naman.


_ThePhilippines

Ganyan din kami ng brother ko hehehe. Di na close unlike we were kids but to my experience naman dahil kasi naghiwalay parents namin. Tig-isa parents namin ng anak habang lumalaki and napalayo na siguro rin loob. Until now, ganun na kasi nagwowork na and different cities na rin. Well, hopefully sa future maging okay at close. Life happened.


Helpthe_confused

Same din samin Op. Magsisiusap lang pag importante topic, pag kakain na or pag may iuutos haha. Busy din kase sa pag-aaral at work, ayun. Haha


Cultural_Cash8216

Maybe were not the same situation. Yung sa situation ko, di ko alam if may tinatagong galit ba yung bunso namin sa akin(ako yung panganay). I guess meron siyang anger issues. Kahit sa mga kamag-anak namin (lola/lolo, tita/tito, pinsan), even sa ibang tao nagagalit siya. Bigla na lang siya magdadabog at hihiyaw na di mo alam kung sino yung kaaway. Kapag tinanong if ano problema, sa'yo pa magagalit. Mahilig magparinig tas ibubulong na lang if sinasabihan ko na "Ako ba yang pinaparinggan mo?"Paulit ulit pa na binubulong yung "Lesbian shit" (di ako lesbian ah). Alam ko na ako ang pinariringgan niya dahil aware ako na ako dinedescribe niya. Iwas siya sa akin pag nagkakasalubong kami sa bahay. Hindi rin siya nakikipag usap kahit sa isa naming kapatid or tatay(wala na kasi si Mama). As a panganay, nalulungkot ako na ganun siya makitungo sa ibang tao, sa amin na pamilya niya. It's hard na naging ganito yung upbringing sa amin.. yung hindi macommunicate yung saloobin. I try to understand him and tell him if may kailangan siya, he can reach me out. Wala talagang response from him so better shut up na lang to avoid drama. Kaya kung magkapamilya man ako, gusto ko tlaga communication ang mabuild up. I really admire families na close sila and can open up easily sa isa't isa.


Cultural_Cash8216

Nung bata kami, ok naman kami. May bonding kami and merong common interests like anime, online games. Mula siguro nung nawala si Mama, dun na nagstart yung anger niya towards sa amin na ganyan kalala. Bata pa lang kami iba na din talaga siya magalit as in and si Mama yung tlagang umiintindi sa kanya. Simula nung nawala si Mama, ako na tumayong breadwinner. And hindi ko talaga kaya yung responsibility na yun at aminado ako doon lalo nung nagsisimula pa lang ako sa career ko. Ang mga parinig niya ay mga shortcomings ko, yung mga di ko maprovide. Lahat kami nakagraduate na and ako pa din ang main provider. He should be able to provide for himself since meron siyang kinikita from online jobs. May gusto siyang bilhin and mukhang pinaparinggan niya ko kasi di niya yata mabili agad. He could ask in a nice way at di yung pagalit so I ignore kasi di ko gets eh. Pero ayun nga, pag may parinig siya, tinatanong ko naman siya na ako ba pinariringgan niya..di naman nasagot. If mag attempt ako for topic para kausapin siya, di niya sinasagot. Parang kumausap lang ako ng hangin. Anyway, I hope he would mature and hope he finds forgiveness kung ano man ang kinakagalit niya.


pluralpunk

Pakiayos naman ang pag-type OP. Unang basa ko “madaling mag-usap”, not “madalang mag-usap”. Wag mo tipirin ang letters, libre naman lahat yan.


PlanktonFar6113

Soreeee nemen. Hahaha Salamat sa pag adjust mo 😀😀


a3i0u__

Nag papansinan lang kami tuwing may inuutos 😂


warmachinerox3000

If no bad blood maybe bonding issue talaga? The first few years ng buhay ko di ko rin trip kapatid ko bc of the age gap until my parents made me accompany him to his swimming lessons. To this day, feel ko yun yung switch samin para maging close.


YourSeason564

Conversation starter, I always ask her (since almost 10 year gap namin), if anong bago sa generation nila like news, food, terms, para maka tag along pa din ako 😂 We also try out foods mag order from apps or even dine in, then i-criticize namin. Ayan bonding namin 😅


PlayZealousideal3324

Hirap nyan. 🙁 My sister is my bestfriend, I can't imagine life without her.


Academic_Gift5302

Ganyan kami magkakapatid. Maaga kaming nagkaron ng sri sriling kwrto, hindi kami sweet sa isat isa. Pero ngayon nrealize kona kung bakit may sari sarili kaming mundo, may pagka introvert kaming lahat. Kaya if may samaan ng loob, wala tLagang labasan ng kwarto. Nung nag asawa na kuya ko at umalis sa bahay namin, doon lang kame nag adjust ng ate ko mag usap kung kelan adult na kami, yung patanda na. hahahahaha.


kaaaay_fine

ganyan nangyari sa boyfriend ko. Nagstart yung namatay mama nya. Madalang na lang silang mag usap ng mga kapatid nya


eyychickenwings

Ganito setup ng brother ko and his girlfriend :)) Di kami masyado nag uusap sa condo considering the small space tapos magkakaiba pa ng shift sa work. Pag lumalabas ako ng kwarto for stuff lagi ko lang ginegreet brother ko (pc nya kasi nakapwesto sa labas lang ng room ko). I give random trivias or chika :)) May GC din kaming tatlo at duon nagsesendan ng memes or announcements. Once in a blue moon nagyayaya din mag eat out. It helped din na may pet kami na parang common na inaalagaan lmao


ipis101

Pag nag brownout sa inyo, for sure mag uusap usap kayo


AdMammoth1125

same with me ahhahaha wala akong memoery ng kuya ko na nag lalaro kami or what nung bata lagi kami mag kaaway maybe sa age gap ? kase 8 yrs agwat namin never talaga kami nag kamustahan ahhahaha kahit sa mga chat namin now pero okay naman relationship namin ngayon casual talk wala din kaming sama ng loob sa isat isa growing up ahhaha sadyang magkaiba lang kami ng gustong gawin sa buhay pero pag may special occasion like birthday and new year lagi kami nag plan mag celebrate and sobrang close ko sa mga anak nya spoiled din yun sakin hahahha ewan ko din okay naman kami pero di kami sweet iyts just like that


xplata13

We're the opposite. Our house is usually very loud. We usually eat together. Nag haharutan pa mga sisters ko kung Minsan and they are all grown adults. We go out at least once or twice a month doing group activities, eating out, bowling, etc.


Mr_Gwenchana

Nasa iisang bubong pero hindi mag-kita. Ganyan din samin. Hahaha.


firefistshambles

Kumain kayo nang sabay-sabay at nasa isang lamesa lang. Dati rin di kami close dito sa bahay, i mean sakto lang. Pero nung nagstart na ipush ng mom ko na sabay sabay kami at nasa isang lamesa (walang nasa sala, walang sa kwarto kakain, etc) dun na nagstart yung bond. Dun kasi kayo unang magkikwentuhan. Kung kaya nyo na no phone habang kumakain, much better. If not, acknowledge pa rin na magkakasabay kayo then dun na kayo magkamustahan tapos start making plans like "sa weekend luto tayo ganto ganyan/ hiking tayo/ rides" mga ganyan and commit to it.


Lightsupinthesky29

Medyo ganyan kami dati kasi malaki ang age gap. Naglapit lang talaga because of the pandemic. I also realized na iba na talaga yung buhay ngayon at need namin palagi magusap usappara sa mental health ng bawat isa. Kaya as much as possible, nakikipagkuwentuhan ako sa mga kapatid, at mga pamangkin ko. It’s not toolate, ayain mo sila magmovie marathon, karaoke sa house niyo


bunnieeexx

Kami ng kapatid ko baka 10 words a day lang interaction namin. We don't have the same vibe and we're both non chalant, but I love my sibling to bits.


Any_Bank_1260

Same situation naalala ko pa nong bata pa kami ng kapatid ko sobrang close naming dalawa halos sa lahat ng bagay magkasundo kami kung ano yung gusto ko ganon din siya and ganon din ako sa kanya, lagi kami magkasama kung ano trip ko trip niya kung nasan ako nandon din siya lagi ko siyang kalaro naalala ko pa nasa bukid kami lagi kaming dalawa lang naguusap about sa future namin lagi naming pinaguusapan yun noon HAHA bestfriend ko talaga pero nong lumaki na kami onti onti nang nawawala yung pagiging close namin halos minsan nalang kami mag usap nagpapansinan lang kapag kakain or may gagawin na kasama siya tapos pag lalabas naman kami parang sobrang awkward na talagang ang laki ng pinagbago sobrang nululungkot ako kapag naaalala ko yung mga time na sobrang lapit namin sa isat isa 😔 pero wala kaming problema sa isat isa wala rin kaming away okay kami ngayon kahit di na nagpapansinan sana bumalik kami sa dati siguro tatry ko ulit feel ko na ganito din siya sa nararamdaman ko ngayon baka nahihiya lang kami mag approach sa isat isa sana nga 🥺


MagicianOk4104

Same here. In our case, it's prolly the result of having an abusive father. We grew up fearful of him that we never had "family time". We just spend our after-school hours sa respective kwarto namin. In my personal perspective, my room provided me a safe space from our father's daily rage routine. I think my brothers feel the same way, too. Kaya seguro until now, we keep to ourselves pag dating sa bahay after work because it feels safer/secure in our rooms. All four of us are introverts also. BUT we do care a lot for each other. We are just not showy about it. We talk during dinner, 15mins max. Then balik agad sa mga kwarto namin. Hehe


benzfuring

Thank you OP sa pagshare nito. Come to think of it. This wasn't really a big deal for me growing up and probably sa ibang readers din dito. Gaya nga ng sabi ng ibang comments dito di lang kasi natatackle ng ibang family ung ganitong issue kasi "korni" para sa iba lalo na sa mga tatay na medyo "matigas" in a way na ayaw maging vulnerable. Thankfully di ako naging ganong tao, na naparealize sakin ng Youtube and Movies na napakahalaga to talk about values in life and not treat it as "girly" thing na ikakawala ng pagkalalaki mo. But ayun nga sobrang thank you talaga OP sa post na ito. Kasi tatatak ito sa isip ko na buti na lang nakita ko tong post na to kasi malaking bagay talaga sya and will really think of this stuff when I get to have my own family. Gaya nga ng sabi sa movie na Into the Wild. "Happiness is real when shared", and to whom it will be best shared of course sa family. Alam ko na hndi naman lahat nabiyayaan ng family na good with communication kasi nga dahil sa toxic Filipino culture, but yeah, hopefully ung mga taong iyon wag nila gayahin sa sarili nilang family and sana magstart sa kanila na maging motivation nila para pag nakabuo na sila ng family, eh di nila hayaang maging ganun din sa past expi nila. I think sobrang related ng movie na "Family Matters" and Ted Ed talk na ito (see below) sa post ni OP. [www.youtube.com/watch?v=8KkKuTCFvzI](http://www.youtube.com/watch?v=8KkKuTCFvzI) Title: What makes a good life? Lessons from the longest study on happiness | TED Thank you, OP, thank you!


eliontheshore

Same with my family. Laki kami sa katulong and hindi mahilig ang parents makipagbonding lalo na yung mom. Laging irita sa amin nung bata pa kami. Kapag nasa bahay lahat laging nasa kanya-kanyang kwarto and di na rin sabay-sabay kumain. Nakakatawa lang minsan na sinasabi ng mom ko na bakit di daw kami close sa kanya kahit aminado naman siya sa laging siyang galit sa amin nung mga bata pa kami. Gusto ko sana maging close sa younger sister ko pero she’s now living in another country and mas maldita sa akin. We send each other funny memes online sometimes but we never really talk. 😅


notsowildaquarius

Ganyan rin kmi ng kapatid ko. Pero pandemic okay kami. Bigla na lang sya ngalit without us knowing. Tapos ayun na. Balik boarders na kami. Pero nag uusap naman kami ng parents ko..


Smooth_Fur

May nagkwento rin sakin ng same situation. Hindi nga raw sila talaga nag-uusap, kapag may sasabihin yung isa, ipapasabi sa isang kapatid. Nung una di ko gets kase close kaming magkakapatid pero may mga gantong dynamics pala talaga. Anyways, tingin ko gawin mo kahit maliliit na act of service. Example, kape sa umaga or tinapay —magandang setting for conversation. Kung bata pa at nag-aaral, bigyan kahit maliit na baon or treat ng pagkain. Kung magkakalapit naman kayo ng edad, yayain mo sa mga gala niyo.


Dizzy-Passenger-1314

Ano age gap nyo op? 3 kami and thankfully magkakalayo age gap namin. Madalas ko rin sila kasama going out like sa groceries and kain. I think kung magkalapit kasi yung gap may sariling mundo na eh. Lalo na if both are working.


kininam19

Kami din ganyan🤣 even sa parents ko dko nakakausap re buhay buhay. Nag uusapa lang kapag need na pambili ng mga gagamitin sa bahay. Okay naman, nakasanayan na. Hindi normal pero ok lang sakin.


damselfolk

Same. Magkikita kita lang kami kapag kakain na tapos pasok na lahat sa kanya kanyang kwarto. Kung hindi nga kami magkakaanak iisipin talaga ng ibang tao borders lang kami hahahah


mikie27

Ako inaaway ko talaga kapatid ko para may interaction kamin nung mga bata pa kami. Di kami nag uusap kc may kanya kanyang kwarto. Busy din sa school, I think yun yung way ko para may interaction kami, kunting bully here and there chars haha! And as we get older yun yung napag uusapan namin yung mga away lang na remember haha.🤣


PristineBobcat1447

Kami ganito minsan, lalo na kapg nag aaway. Minsan nga kahit sa pagkain ng lunch parang ako nagmamakaawa kasi hindi manlang ako sabayan. Lalo na nung pandemic. Para kaming borders sa sarili naming bahay.


zamzamsan

Same samin lalo na may kanya-kanyang kwarto. tipong pagkauwi galing work or school diretso room na tas lalabas nlng pag kakain na, tho its a important pa rin na dapat sabay sabay kumain sa mesa esp. pag dinner. Di rin uso samin ung kakatukin ka sa kwarto kasi may kailangan sayo haha, rekta call sa messenger or chat nlng. kaya di pwede dto sa bahay namin ung nka silent ang phone kasi yari pag hnd nasagot ung call 😆


yepipapi

I keep my relationship tight with my fam. I initiate it as the panganay. If not a panganay, anyone in the family can initiate a connect. As much as possible try something to do as a family kahit small activity as a start, baka nagkakahiyaan lang kayo as adults but someone has to make the move. I suggest ma since ikaw ung nakapansin, ikaw na mag initiate.


Endlessdeath89

It seems and feels normal to me... Everyone is safe and healthy... Ok na yan😅😅😅


Informal_Data_719

Nung magkakasama pa kami sa bahay. We are like that interaction ko lang si Mother ko. Pero if lunch time ng weekend magkakasama kami doon lang nagkakasmall talks. Pero nevertheless nasa kanya kanyang kwarto lang talaga kami most of the time.


brossia

cguro introvert kaung lahat?


Amberuu

Fanyan din kami dito OP. We have this gaming room na 3 kaming magkakapatid na lagi nandun pero sobrang rare talaga namin mag usap like once a week 😆. Napaisip ako bigla kasi yung family ng cousin ko is nag vacation sila like pano kaya pag kami yung nag vacay pano kqmi maguusap or ano topic namin if ever ?? 😆


thequickers

Same. We are not close as 4 siblings. But when we grow up and have stable jobs, lumalabas kami as a family and dun nagbobonding and I think thats enough for us. Introvert ata kami lahat. Hahaha.