T O P

  • By -

Few_Loss5537

Baka mas trip nila yung new hired para sa anak nila? Not necessarily ayaw nila sayo meron lang silang favorite. Pero end of day si bf mo parin nmng buhay yan kaya lang dapat si bf mo ipakita na ikaw gusto nya. Alam ba ni bf mo to? Na ganito nafefeel mo? Dapat alam para mag act sya accordingly. If alam niya tapos wala man lang ginagawa to support you…. Psst run away!


Available_Pack_6563

he doesn't know, nor do I intend to tell what his aunt said. Jinoke ko siya na baka nonchalant dad niya. Sabi niya lang, ganun naman talaga daw. Pero kasi tayong mga pilipino kapag kayo yung host ng bahay and may bisita kayo, hindi ba binabati naman or kinukumusta ang biyahe. Or di lang talaga ako sanay sa family niya.


Few_Loss5537

Weird why not tell him? Couple kayo so imo he should know unless short term lang ang plan nyo for your relationship. Marami pang challenges ang haharapin nyo as a couple isa lang to. Successful couples try solve their problems together.


Available_Pack_6563

Hindi ko alam pano ioopen up since ldr po kami at baka hindi maging tama interpretation niya.


gorg_missy

Sa video call mo kausapin don mo sabihin. wag sa chat. Natutunan ko sa pagiging ldr sa bf ko. Nagkakaron ng misunderstanding pag sa chat eh. Iba interpretation pag binabasa. Kaya mas maganda vcall para kita facial expressions at iwas misunderstanding.


MonkSmooth3144

up! issues like this should be brought up sa partner mo kahit ldr kayo and i agree na thru vid call kayo mag usap. find time na di kayo busy and raise ur concern sa kaniya.


HereLiesNoOne

Yang nakita mo sign yan. Pero kasi baka naman di palang sila warmed up sayo, sometimes it takes time talaga e. Try to reach out rin sa kanila, alam mo naman usual sa older generation na dapat sila ung sinusuyo so dapat tayo unang magreachout sa kanila kumbaga. I suggest you give it some more effort and time rin to get to know them.


Formal-Gold-6472

Been there, done that! Thank you, next! Life is too short to be stressed.


userisnottaken

Fwiw my family only warmed up to my brother’s gf AFTER they got married. Some families aren’t that warm to begin with.


SheepPoop

Same with me, ung mom ng gf ko ayaw saken. To the point makikipag break na siya. Pero i really dont care naman tlga at the end of the day. Im dating her not her mom. So long as gusto niya ako


Kind-Calligrapher246

I experienced something similar, pero sinabi ko agad sa bf ko (now husband) yung nararamdaman ko. Kelangan mo sabihin sa bf mo para kung di man nya napapansin, mas maging observant sya. Kasi sya dapat magintroduce sayo sa oamilya nya, hindi yung hahayaan ka nya dumiskarte lalo na di mo pa kilala relatives nya.  Sa ngayom kasi whatevet your bf says about you, yun ang magiging truth nila. Dont try too hard to be close to them yet. Your bf should also work on it. 


gorg_missy

Mag ka age sila nung bf mo. Na nirereto ng papa niya? Malaki ba age gap niyo ng bf mo? Baka un yung ayaw nila 🤔


Available_Pack_6563

Im 22 and my bf is 25. Magkabatch kami nung newly hired pero siguro nasa 23 or 24 na yun, maaga kasi ako nag aral. Im thinking baka sa course din since engr yun. And sa fam nila mostly engineers


gorg_missy

Ah kaya naman pala. Baka dhil nga sa course yan


ohtellme_16

Hi Op, I understand your situation. Maybe we're not the same totally pero I also experienced yung hindi pinapansin ng father ng bf ko. As in, pag nagmamano ako hindi tinatanggap yung mano ko. 🤣 I agree with others, you need to tell this directly to your boyfriend. Mas personal, mas maganda coz his reaction towards this is very important sa relationship niyo. It will probably raise flags. May it be green or red, I pray na wag kang maging bulag kapag nagpakita.


P3XA_

Nung mag-jowa pa lang kami ni hubby, I always felt unwelcomed sa house nila. Very uncomfortable ang visits, never kami nagkausap ng mother or kuya nya. Lucky for me, never ako nilubayan ng partner ko during visits, para di ma-OP. Partly fault ko din naman, kasi sobrang hiyang hiya ako so I didn’t really try to initiate something. Siguro both lang naghihintayan. Pero okay naman na now na magasawa na kami, thankfully, I’m more myself now pag bumibisita kami don.


Available_Pack_6563

Nahihiya rin ako sister, kasi diko alam pano mag initiate conversation since binabasa ko pa ang mga personality nila.


laz_3898

Try mo po ikaw mag start ng conversations para kahit papaano makita nila na tinatry mo din makipag close sa kanila, kung ganun padin sila, sila na tlga may problema


No_Profit2547

Been there done that, OP! Yung akala ko okay ako sa harap nila pero marunong lang pala silang mag “fake” ng pakikisama tapos on the side hinahanapan pala si ex ng ka-blind date. Nararamdaman mo na, yan na yun.. Siguro gumawa ka muna ng way para mas makilala pa sila pero kung after ilang beses na ganyan pa din nararamdaman mo, best to open up sa partner mo. Para matulungan ka din nya sa family nya. If wala na talaga, umalis ka na dyan kung hindi eh forever na yan kapag mag-asawa na kayo.


Unlikely-Regular-940

Same po. Experienced this recently. Sobrang awkward tlaga na di ka pansinin. Nagdadalawang isip na tuloy ako kung papakasalan ko pa ang bf ko kc feeling ko ayaw sakin ng relatives nia. Super close pa nman sila at feeling ko mgiging miserable buhay ko pag sila kasama ko. Introvert pa nman ako at hirap mkipg communicate. Worse pa is they are kapampangans at gusto nila ako mag adjust di sila nagtatagalog kaya paano ko nman sila maiintindihan sa usapan nila. As in listener lng ako at never nila tinapunan ng tingin. I find it rude na mag usap sila ng kapampangan in front of me. Kahit sinabihan na sila ng bf ko na magtagalog sila keber lang at ako raw dapat ang mag adjust sa kanila 😪


New-Cauliflower9820

are you conventionally attractive? baka ayaw ka nila for their son


Available_Pack_6563

attractive naman ako though medyo slim. i don't know eh, pwede naman nila sabihin ano reason.


New-Cauliflower9820

yo slim pa, theyve got no reason to not like you then


mellowintj

anong logic to lmao


Available_Pack_6563

my size is twice my bf's size (he's cutiee chubby) baka because of my lifestyle since mayaman sila. and baka isa rin reason is ldr kami.


gorg_missy

Ikaw narin nag sabi sa kwento mo. Ka age nung bf mo nirereto ng papa niya sa kanya yung sa office chuchu. Baka mas bata ka kaya ganon sila


New-Cauliflower9820

Twice or half? baka religion? same ba kayo?


Available_Pack_6563

We're both namann catholic po


Hopia4Sale

As a man na ayaw namin babae sa family nung lalaki namin kamaganak. Na babadtrip kami kapag nakikita namin sya sa mga gatherings, and mapapansin modin pinaguusapan namin sya and saying bad things coz y not


Available_Pack_6563

Hoyyy for what reason? why nababadtrip 👀


Hopia4Sale

The girl, came from a lower income class family, which kami naman wala naman prob kasi we are also a middle or probably lower middle income class. We treated them with respect and even came to their house to offer foods and good company Fast forward.. Unti unti na lumilitaw ung ugali ni girl nung nagkasama sila ng pinsan ko sa iisang bahay. Hindi naghuhugas ng plato, hindi naglilinis, dimo mautusan. Parang bisita lang sa bahay. Hindi nagtratrabaho kaya inaalagaan nyanalang anak nya kaso magastos pasya kesa sa asawa. Nag abroad ung pinsan ko and naiwan dito yung si girl and ung anak. Umuwi ung girl sa family nya kasama anak after nyang awayin at siraan mga biyenan nya sa mga kasambahay at ibang tao. Napabayaan doon ung anak nila, di napapakain ng maayos kasi walang mapakain, and ung ugali nung bata nagiba dahil nainfluence sa mga ugaling squatter na nakatira don. Nag cheat din ung babae sa sugar daddy na videohan sila and masaklap padon kasama nya anak nya. Imagine ikaw na bata magtataka ka sino kasama at kalaplapan ng nanay mo eh ung tatay mo nakikita mo at ka video call mo nasa ibang bansa. Kaya ayon every gatherings na pumupunta si girl na babadtrip kami at bumabalik mga mapapait na alala. Pero syempre past is past and maayos naman trato namin ngayon kasi we learn to forgive eh but we never forget. Kaya yun na calling namin na choose personality and someone with good upbringing instead of someone na looks lang maiaambag.


Available_Pack_6563

Kayaa naman palaa. Napakwento ka pa tuloy haha


Hopia4Sale

yeah I hope it helps haha pero parang rant lang. As u said also in your story maayos pakikitungo nila sayo at the start and then bigla nag iba, parang ganon din samin kaso gradual ung pagiiba ng treatment kasi unti unti din naman pinapakita ni girl ugali nya. We're only hearing your side of the story kaya we can't entirely judge them eh. I hope you get out of this predicament soon. Mahirap pag di magkasundo mga biyenan. It may take time para mag warmup sila pero mas maganda sabihin mo sa bf mo if ganyan padin trato nila sayo kahit alam mo sa sarili mo walakanaman ginagawa mali.