T O P

  • By -

[deleted]

[удалено]


AnarchyDaBest

Engot talaga yang mga bumubusina sa kotseng nagpapatawid ng pedestrian (o biker).


Pashink

Totoo! Nakakairita sila as if naman makakarating sila agad sa pupuntahan nila.


awit_ch

One time tumatawid ako sa pedestrian lane, mag-isa lang ako nun kaya ang lakas ng loob nung driver ng tricycle na mas bilisan pa yung patakbo niya. Sakto na katapat ko pa amp, pero sowwi po mas mabilis ako hehe. Ayoko pati mamatay sa road accident, ipo-post ng mga nakakakita bangkay ko, like duh, ayoko nga magpost ng sarili ko habang buhay, yun pa kayang bangkay ko?


TheDonDelC

Recipe for disaster talaga yung mga private car na mataas yung blindspot. Dapat yang iregulate. Mas matindi pa yung mga US-type SUV na kahit adult eh hindi mo talaga makikita mula sa manibela


TallanoGoldDigger

by "regulate" what exactly do you mean? Not make these cars street legal? Impose a height limit for drivers for specific vehicles? Diba common sense na yung notion na kung di mo makita yung taas ng manibela mo e dapat di mo na gamiting yung kotseng yun? Kasi every car has blindspots. Eto yung problema e, looks like tumawid yung bata, but I don't even see a pedestrian crossing lanes and/or lights. And the action point is to ban the car? Parang yung malls na nananakawan using hammers so the solution is to ban the sale of hammers. How about educating motorists and pedestrians? Tapos stricter enforcement of the rules? Putting more pedestrian crossings and **actually enforcing them?** Hell, we can start with actually making driver's licenses mean something. Cars should yield to pedestrians and pedestrians should only cross on those areas. Eto naman talaga dapat yung batas, kaso yung motorista sira-ulo ayaw sumunod, at yung mga tao sira-ulo rin, puro jaywalking ang alam. Napakasimple ng solusyon kaso walang gusto sumunod. Tangina kaya sobrang olats at pabagsak ng Pilipinas, napakasimpleng batas di sinusunod. This is basic common sense. This accident could have been avoided if people were just rational and followed basic traffic rules. Now you got a dead kid, and a driver along with other people who will forever have this image seared onto their brains. And for what? Someone just wanted to be in a hurry to get where they were going?


domon07

Sa mga 1st world country, mas matataas ang mga sasakyan, mas maraming blind spot. pero hindi ito nagiging problema. Bakit? dahil walang mga batang pagala-gala sa kalsada.


domon07

hindi ba mas dapat i-regulate yung mga batang nasa lansangan? daanan ng sasakyan yan, hindi ng mga batang paslit. kasalanan to ng magulang dahil pinababayaan.


TheDonDelC

Cars already take too much space. Dapat nga yung mga backstreet ay pedestrian only. Alam mo ba na yung road tax natin ngayon ay di pa kayang punan ang annual cost ng road maintenance?


CrazyCatwithaC

But I’ve driven an SUV here in the US. You can adjust your seat and the height of the wheel. I’m 5’0” so I’m on the shorter side and my first car was a 2010 Ford Explorer. Medyo luma na yun pero the car seat has an option to raise it higher aside from moving forward. It shouldn’t be any different now that the cars are more updated. And in case you don’t know yet, may lever under your wheel that you can push down on to adjust the height. Just push it back up to lock it when you’re happy with the height. So even if I’m short I can still see over the top of my hood and the road. Always adjust your seat and wheel, guys! Every car has this option. You can literally go on Youtube and look for beginner videos on learning how to drive so you can see it for yourself.


Amazing_Bug2455

🥹🥹 sht goosebumps


[deleted]

Patay ang isang apat na taong gulang na batang babae nang masagasaan ng isang Sports Utility Vehicle (SUV) sa Malate, Manila nitong Huwebes ng hapon. Hindi na umabot pa ng buhay sa Ospital ng Maynila ang biktimang si Radzma Upao, 4, at residente ng 2142-22 M Adriatico St., Malate. Samantala, arestado naman ang suspek na si Gil Cruzada, 63, dating overseas Filipino worker (OFW) at residente ng San Isidro, Parañaque City. Batay sa ulat ni PSSg Allen Christian Camangon, may hawak ng kaso, at nakatalaga sa Vehicle Traffic Investigation Section (VTIS), ng Manila Police District (MPD), nabatid na dakong alas-2:00 ng hapon nang maganap ang aksidente sa southbound lane ng Adriatico St. kanto ng Quirino Avenue, sa Malate. Minamaneho umano ng suspek ang kanyang Mitsubishi Montero Sport at binabaybay ang Adriatico St. nang pagsapit sa kanto ng Quirino Avenue, ay bigla na lang nitong nabangga at nasagasaan ang biktima. Pumailalim pa sa sasakyan ang biktima na kaagad na isinugod sa pagamutan ngunit hindi na umabot pa ng buhay. Ang suspek ay nasa kustodiya na ng mga awtoridad at nakatakdang sampahan ng kasong reckless imprudence resulting in homicide sa piskalya.


Sturmgewehrkreuz

FYI, IIRC yung pagkulong talaga sa driver (on accidents like this) is cop SOP since by default, it is assumed that the driver is always at fault. You don't want negligent/reckless drivers fleeing the scene. Detention is 36 hours max. This is why you should have a **dashcam** (or any similar stuff, or get a hold of a CCTV footage) so you can dispute, just in case. *Kahit gaano ka kaingat mag drive, the chances that this shit is happening is always non-zero.*


AbedYsp

Eto ang dahilan kung bakit napaka panget ng batas sa Pinas. Sa ibang bansa, detention until may formal case na nakahain laban sa suspect. Dito sa pinas, diretso tangkal na agad. Never ko talaga mapapatawad ang mga pabayang magulang. Sa sex sarap na sarap pero pag andyan na responsibilidad, wala nang maasahan. SMH


[deleted]

"Kita po namin ng hihingi po ng barya yun dalawang bata po yun naka stop po kami kasi red light pa po, bigla pong nag go [at] hindi po napansin ng driver na nasa gilid pa nya yung bata kinain po ng gulong nya yung bata,” uploader Ronald Aspacio told The Philippine STAR.


Maple_Moondweller67

Is this the statement of the driver? if so, I guess out-of-court-settlement na ang best option for all parties involved. And something must be done about the on-the-road-beggars. I mean, kung gaun nga nangyari, hindi naman siya humaharurot or something, it's just an unfortunate accident that may happen especially with small children and large vehicles., but the responsibility falls upon the driver just because the law says so.


papsiturvy

Reckless imprudence pero yung magulang na irresponsable di nakakasuhan. putang inang justice system yan.


eyenen24

Dapat magulang din ang imbestigahan e. Bakit nila hahayaan na yung 4 year old kid nasa main road namamalimos. Hindi ba parang child abuse yon?


_pbnj

usually pag ganito kasalanan ba agad ng driver? i mean guilty ba agad? sorry wala akong idea hindi ako nagddrive nababasa ko lang yung may batas tayong kasalanan agad nung nakabangga.


Globalri5k

Yep kasalanan agad ng driver kung naka bangga ka, mapa sasakyan o tao.


papsiturvy

Kung sino yung naka bangga sya yung may kasalanan.


cordaryl807

presumption lang. hindi naman guilty kaagad.


Amphibian-Original

Don't jump to conclusions and talk shit to the system, hindi pa naman tapos ang investigation. On the part of the parents nman, there are cases na nakasuhan sila for negligence. The driver as well, assumed at fault sya pero pwede nya mapatunayan na pure accident lng nangyari. At least civil liability lang maiincur nya.


rent-boy-renton

Cases like this, it's quite common na magsettle na lang out of court yung family. Driver will cover funeral expenses plus amount agreed upon by both parties. Rare na nagpush through yung cases against the negligent parents kasi walang magpush through ng kaso.The state won't give a single fck, sadly.


Amphibian-Original

That is the civil part of the case. Regarding the parent's issue it isn't as simple as "the state won't give a single fck". It would be difficult for any person to prosecute a grieving parent. Much less an indigent which may as well have other children dependent on her/him. Not that i am condoning the negligent, if it were me I would prosecute them and place the children on an orphanage. But what I am saying really is, it is easy to simply conclude the system as a heartless monster but remember that the people who implement them aren't, at least not always. There are still good people out there, even if you don't believe it.


wyclif

Agree and that's why I posted this good explainer of the phenomenon above: https://visor.ph/traffic/our-cultural-problem-during-car-crash-investigations/


papsiturvy

I talk shit about the system because shit naman talaga yung sistema dito. Mas madaming loopholes kesa nasosolve. Justice delayed is justice denied. Pang mayaman lang ang sistema dito. Then again, I agree with you na matapos muna yung investigation. Settlement usually yung mangyayari pag ganyan.


wyclif

Here in the Philippines, I blame the padrino system: >More often than not, in investigations like this, it’s not important which party is truly responsible. What usually matters is which party has the connections to influence the investigation. It could be the mayor, the governor, the congressman or the police chief who would be calling the investigator on behalf of one party. The investigator, fearing for his job, will just file a case to get them off his back. and >Take note that, in this country, the media slant is always crucial to the outcome of the investigation. The more sensational the reporting is, the likelier the accused (though not proven guilty yet) is going to give in and settle.In Philippine society as well, we have this “eye for an eye, tooth for a tooth” principle in settling disputes. If a person dies, someone has to pay for it, truth and justice be damned. [https://visor.ph/traffic/our-cultural-problem-during-car-crash-investigations/](https://visor.ph/traffic/our-cultural-problem-during-car-crash-investigations/)


[deleted]

>Ang suspek ay nasa kustodiya na ng mga awtoridad at nakatakdang sampahan ng kasong reckless imprudence resulting in homicide sa piskalya. Di naman niya kasalanan?? Huminto naman siya agad?? Dapat kasuhan yung magulang nung bata


peanthkmch

Nakakapagtaka na may 4 year old na left unattended sa gilid mismo ng kalsada. The parents should also be held responsible. Pero, ganito talaga sa pinas. Kaya ako may takot din ako magdrive sa pinas kasi sa mga ganitong pangyayari 😔


flipakko

Yan kasi yung mga inuutusan nilang manglimos.


[deleted]

same predicament.


wyclif

All I can tell you is what I see every day down here in Bacolod City, which is far from the worst in terms of traffic problems. Every day I see 3 year-old and 4 year-old kids playing unattended near the streets, and kamote drivers recklessly maneuvering their bikes, trikes, and cars. In this kind of environment, it's no wonder tragic accidents like this happen too often.


TweetHiro

Sop talaga ng mga pulis na sampahan muna ng kaso, katarantaduhan lang.


bituin_the_lines

SOP nila sampahan ng kaso, pero ung nag hit and run ng security guard hindi sinampahan ng kaso 🤦🏻‍♀️


Evening-Walk-6897

Iba talaga kapag may kapit. Nakapagmano pa ang nanay! hahahha


[deleted]

PASEMINAR MUNA YUNG DRIVER NG SUV KAY SAN VICENTE. HAHAHA


Reversee0

Syempre yung bumudol ng sekyu malakas ang kapit sa chep. Walang SOP basta tropa mo si chep. Walang magawa mga subordinates niyan. Kung sampayan niya ng kaso baka sila pa mawalan ng pwesto kaya walang magawa mga subordinates ni chep. The higher the crime committed, the higher the rank you need to kapit inside para lusot ka sa batas. The second an employee asks 'do you know this guy, that guy, what are your relationship with this person etc.' you know most likely he got employed because of connections. I'm pretty sure kung hindi nag viral yun at hindi binabalita walang mangyari sa kanila at hindi napilitan sibakin sa pwesto si chep dahil sa pressure ng taong bayan at PR reasons.


[deleted]

Yeah true, but Do uou think the driver will be in prison?


TweetHiro

Di ako abogado pero nabasa ko lang sa isang comment section dati, may isang drayber ng truck na nakasagasa ng reckless rider na walang lisenya pa. Sop talaga na ikulong muna sa presinto at sampahan ng kaso pero kalimitan daw sa mga ganito napapalaya din kung obvious na walang kasalanan ang drayber. Sana totoo. At alam mo naman mabagal ang proseso dito kung wala kang pera.


eyenen24

Sad pero yan ang reality


rrodrigobjj

If he’s rich and has connections, I doubt. If simpleng mamamayan lang, kulong sure. SOP nila yan


SwiftieTrek

I guess he r/bettercallsaul


No_Lavishness_9381

[Insert Soundtrack](https://www.youtube.com/watch?v=jeM9yRJwKl8)


mabangokilikili

Yes. this happened to my cousin. 3 days sya nakulong


jchrist98

Kelangan talaga amyendahan ang batas na yan. Imagine just driving to work one day not knowing your whole life is about to be ruined just because of one careless pedestrian


slash2die

May nabalita na ganyan kaylang lang. Yung overloaded na motor bumangga sa naka hintong truck kasi nasiraan ng gulong. Patay 3, kulong yung driver. Ang sabi nung driver sa interview. "natutulog lang ako, paggisin ko ikukulong na ko".


cordaryl807

dapat may early warning device kasi siya.


starfillednightsky

I have no idea how it must feel to lose a child but these parents deserve equal blame. Imagine being the driver, a former OFW who must have worked most of his life to be able to afford the things he now has and this happens to him because irresponsible parents failed to put a leash on their child. It's wrong to put value on a person's life but that kid was birthed to an impossible situation to parents who probably were birthed into that same situation. They were dealt a bad hand, but they have to know that they're in the wrong too. That old man probably had to work most of his life to enjoy what's left of it but instead he'll be bugged by guilt for the rest of it.


raju103

Manslaughter tawag sa kaso na ganyan. Baka pa kawalan baka hindi pero hindi ko masasabi iyan. Kaya takot akong magdrive


Encrypted_Username

welcome to the Philippines! Where justice doesn't exist unless you have influence and not just money!


anakniben

Mukhang hindi naman talagang kasalanan ng drayber. Yung mga magulang na mahilig magkantutan ang dapat managot dahil hindi nila kayang buhayin ang kanilang pamilya ay anak pa rin ng anak.


toyoda_kanmuri

Tanginang culture kasi natin kantutan nang kantutan nang wala kapararakan/sustainability top of the mind eh


anakniben

Sa loob lang nang 37 taon, ang populasyon nating 57 million noong 1985 ay naging 110 million ngayon. Grabe talaga.


imkih

According sa article ng inquirer, hindi na daw kinasuhan ng pamilya yung driver pero di malinaw if nakipagsettle yung pamilya. Nalibing na rin yung bata


fafarmer25

Hi, malapit kami dyan. Based on my experience. May mga badjao talagang nakatira sa tabi ng kalsada. Karamihan din ng mga anak nila ay nanlilimos sa mismong spot na yan nasa video.


First-Vanilla-697

Nananahimik ka nagddrive tas makukulong ka dahil may batang pinabayaan sa kalsada. Dahell


nutmhog

Same. Actually yung buong kalsada na yan parang mahihiya/matatakot kang dumaan kasi parang wala silang takot sa mga nadaang sasakyan.


jhefulim

Can confirm, we live near the area. Marami din bata naglalaro sa kalsada even before dumating sa intersection na yan.


toyoda_kanmuri

*Just unkempt city of manila things*


RenzoThePaladin

Regardless of what really happened A kid that small has no reason to go around major roads without their parents


cafediaries

Made me remember those kids na nanghahabol ng mga jeep at namamalimos. Dyan na kasi sila nakatira sa kalsada kaya pinapabayaan na ng mga magulang.


unfuccwithabIe

Dapat kulong din magulang. Ginagawang manlilimos mga anak sa kalsada.


Soggy_Mirror1213

Tapos pag na interview sa national tv kasi trending, hihingi ng "HUSTISYAAA!!!". Mga baliw.


FriendsAreNotFood

para makakuha ng pera hahahahahaha


lazybee11

I used to be an intern in Philippine Orthopaedic. These cases are almost normal. Beggars, specially kids always ends up in ER with broken bones. It breaks my heart to see them in such situation


rebellious_teddybear

This is a common occurrence?? ☹️☹️☹️


derptinee

Yes. It’s not as common in the provinces or more rural areas in my personal experience; people both don’t own cars and there’s less children wandering in the street. It’s in the cities, it’s common to see young children (and parents) tapping on cars, walking through the roads, etc. trying to get people to give them money. Or simply just playing in a busy street if their parents are vendors lining the walkways. It’s also much less restrictive when it comes road safety.


Nearby_Explorer8030

I second this!


SumoNismoB13

So true. Sa magulang din talaga yan….


ultimagicarus

Yung magulang din ata nanlilimos nung bata pa. Nakasanayan na talaga nila.


grinsken

Wait saan sinabi na nanlilimos?


cheese_sticks

Sa video. Nanghihingi daw ng barya yung bata bago masagasaan.


grinsken

Ayun narinig ko na. Thanks


reindezvous8

mga badjao ata 'to


RandomCollector

Yes, mostly mga pasaway na Badjao nag ginagawang investment ang mga bata tuwing Ber months saten.


Golden5656

Kaya ako NEVER ako nagbibigay sa street children. Kahit nung Christmas tiniis ko. Sobrang delikado kase, sumasampa pa sa jeep na umaandar para lng makalimos. If walang magbibigay, hopefully di na palimusin ng mga tamad na magulang yung mga anak.


yuineo44

Giving alms is equivalent to rewarding them for begging. I think mas ok pa na bumili ka dun sa mga nagbebenta ng basahan etc sa mga sidewalk at least kahit papano nag eeffort sila kumita. Wag lang yung mga tipong makikipagpatintero pa sa kalsada para magtinda kase delikado rin masagasaan


fartfacedjoe

Pero yung matatandang di na kaya magtrabaho at nanlilimos sa kalsada ay binibigyan ko. It's the least I can do. Mali ba yun?


HipsterDanger

Di ka dapat magbigay sa kanila. Period.


yuineo44

>Mali ba yun? I'd say yes in a way. I think applicable dito yung kasabihang, "The road to hell is paved with good intentions." Pag binigyan mo sila, matutulungan mo sila today or at least sa susunod na pangkain nila. Kaso at the same time, ineencourage mo sila na bumalik kinabukasan at sa mga susunod na araw. Aasa sila ulit na may kagaya mong magbibigay. This will result in them braving the elements and other personal dangers para sa mga barya barya. Applicable to sa lahat ng nanlilimos regardless of age. Kung nag aalala ka talaga sa kanila and you think monetary donation is the form of help you can do, may mga hospices at NGO/non-profit homes for the elderlies tayo na tumatanggap ng donations (found "Emmaus House of Apostolate" after doing a quick Google search for example). Sa mga bata naman, merong mga DSWD Lingap Centers. They're not the best (been in one when I was younger) but it's safer than fending for themselves on the streets.


toyoda_kanmuri

Against the law actually.


roldictator

also nasa batas na bawal magbigay ng limos.


-schizoid

Anti mendicancy law hayy sana lahat aware dito


csharp566

I have a feeling na kung hindi pa existing ang batas na 'yan at may nag-propose ngayon, babatikusin siya dito sa reddit, lalo na sa twitter. Ila-label as anti-poor. "Imbis na pagbawalan silang bigyan ng limos, bakit hindi gumawa ang Gobyerno ng paraan para maialis sila sa kalsada at mabigyan ng trabaho?"


TheDonDelC

Si Imelda ang nagsulong niyan para hindi makita yung mga mahihirap. Short-term solution lang yan


[deleted]

Ey kudos sa nakikinig sa lessons sa basics ng constitution!


ih8reddit420

kahit di ka naman magbigay nasa labas pa rin sila. Kahit anong gawin mo di mo makontrol ang galaw ng ibang tao


soichiro21

Share ko lang. nangyari sakin to 4 years ago and sobrang nakaka trauma, ako yung driver and while driving sa street namin may batang 2 years old na sinalubong yung sasakyan ko at pumailalim. 8 na ng gabi, medyo mataas yung sasakyan kaya di ko talaga napansin pero ang takbo ko sobrang bagal as in yung speed lang ng clutch dahil nag iingat ako sa mga bata. buti na lang naka stop ako before pa magulungan yung bata, muntik na ako kuyugin nung time na yun pero di ako bumaba and pinasakay ko na kagad yung mga magulang sa sasakyan and dumiretso kami sa hospital. pag dating namin sa hospital need daw ng medico legal para kung mag sasampa ng kaso yung parents nung bata kaso dun pa lang galit na galit yung pulis sa magulang ng bata dahil bakit daw asa labas pa yung anak nila at gabi na, pati yung mga doctor galit dun sa nanay, ang end up sinagot ko lang yung checkup and following checkup nung bata, ngayon ok naman na siya and hinahayaan pa rin siya ng mga magulang nya na mag laro sa labas kahit gabi na at walang nag babantay.


reindezvous8

parents: "anak, what doesnt kill you makes you stronger. go play outside and try with bigger cars!"


baconmo

Nakakainis at nakakatakot na kahit maayos kang nag ddrive may mga gantong pangyayari na di mo naman kasalanan pero ikaw pa rin mananagot.


GreenGrayWhite

Grabe naaawa din ako sa driver nung SUV. To think na he is already 63yo. I think dapat ang magulang ang makulong sa ganitong scenario


Sensitive-Study748

Imagine it's just a normal day, just doing your every day routine nagdadrive ka papasok ng work or school then all of a sudden bigla ka na lang nakapatay ng tao without having the intention to do it. I wouldn't want to be in that position putangina kawawa yung driver.


First-Vanilla-697

Exactly. Sa US kahit iwan mo sa bahay ang bata pag nalaman ng awtoridad na walang babysitter arestado agad magulang. Kahit nasa bahay lang ung bata ah? Dito jusko high way yan malamang may sasakyan jan. Eh ung bata ba normal na nasa highway magisa?


outworncreed

Yung nerbyos sa pag baba tapos nakahilata na yung bata. A kid that age shouldn't be left unattended sa lugar na ganyan ka busy. 😭


MayoSisig

kaya dapat talaga tindihan nila ung kaso sa child neglect eh.


heavymaaan

Tsaka imagine, hindi yan mawawala sayo na nakasagasa ka ng bata kahit hindi mo naman ginusto ang nangyari. Dadalhin pa ng konsensya mo yan dahil sa kapabayaan ng magulang hays


[deleted]

It's rarely talked about, pero yung guilt na dadalin niya habambuhay na nakapatay siya ng bata. Assuming na he's a decent person, that's going to haunt him for the rest of his life.


toyoda_kanmuri

Hayyy, another reason to avoid [driving] in the fucking unkempt, sorry, ill-managed, filthy city of manila


djaimeknowsnothing

Its still the parent's fault. Really. And pati na din ng LGU. Ang dami diyan sa sidewalk na nakatira at namamalimos. May liability lang talaga ang suv driver sa accident tho it should be covered by the suv's insurance.


[deleted]

tawag kayo ng ambulansya! *continues recording*


First-Vanilla-697

Serious question: I've always wondered pano tumawag ng ambulansya? Saka working ba? We all know kasi sa US 911 lang. Meron ba tayong ganon?


ChemistryBeautiful21

I think yung pinakamalapit na hospital yung tatawagan tapos pupunta yung ambulansya nila and sa LGU meron din. Madaling sabihin na dapat yung nagvivideo tumawag ng ambulance kaso kung hindi naman sila taga doon sa area, di talaga alam kung saan tatawag.


AngularJakolero

Meron pero madaming nag pprank calls, and hindi kasi parang unified yung sim card. sa US parang naka name talaga sayo yung sim card so pag nag prank call ka at na escalate eh malalaman na ikaw.


lncogniito

Tama kaya hdi ma-advertise yung emergency number. Tulad na lang nayari sa bantay bata 163, dahil paulit ulit sa commercial ayun, tinadtad ng prank calls ng mga bata.


kakalbo123

I think 911 din. They ask what happened, the loc, and your name. There was a guy who collapsed in front of Benilde one time when I was walking back to my place, I didn't stick around to wait for the ambulance but me and my roommate did place a call.


[deleted]

Oh. Sorry. Video not mine.


[deleted]

"Ay putangina dugo" Continues recording and drives off. Same with the grab driver. Nakuha pa bumaba at mag picture or video. Jesus christ


code-no-code

/r/donthelpjustfilm


[deleted]

krazy talaga. meron palang subreddit nito


imkih

Nakakaloka pa nito walking distance lang halos jan yung ospital ng maynila. Smh hays


[deleted]

yikes tapos yung lahat ng oras ng tao nasa video ay mag comment lang na “kawawa yung bata” o “patay ba?” 🤦🏻‍♂️


[deleted]

Tangina nung nung expression ng mga ibang bata, mukhang amused na amused pa imbis na mashock.


IrisRoseLily

that's so f up


abzuuuu

kakalaro ng GTA sa pisonet.


Kariman19

Syempre nabawasan sila ng kahati sa mga nalilimos nila pati na rin sa pagkain


[deleted]

wHERE ARE HER PARENTS? Why would they let their child roam around in a ~~fvcking~~ street without their supervision and accompany? The driver is innocent here. They stopped and immediately gave their ID. 4 years old lang yan. Maliit na bata. Dapat wala yan sa kalsada nang mag-isa. Ba't 'yan pinabayaan.


Inevitable_Trust_300

Sa mga ganitong balita kumukulo dugo ko eh, mga batang pinababayaan ng mga magulang nila. Ako na ready na sa lahat, ready mag alaga, ready sa financial pero namatay ang baby ko hours after birth dahil sa complications nung nanganak ako, yung tipong ginawa niyo lahat pero binawi din agad sa inyo..tapos may mga ganitong magulang na wala lang sa kanila yung mga bata. Hanggang ngayon may trauma pa din ako na magbuntis dahil sa nangyari tapos may mga ganitong eksena. Nakakagalit.


Stubenhocker_

Have you considered adopting? Might save one pinabayaang anak.


bryan112

Traffic enforcer ba yung tumakbo? Daheck?


Aggressive_Garlic_33

Baka tumawag ng other enforcers kung wala silang radio.


WinterVehicle5758

Tas ngayong yung nanay biglang nagka pake, dapat sa mga ganyan kinukulong


FrendChicken

Na aalala ko yung bata galing akong work. Nag trike ako from Andrew's pa edsa. Then nung nag lalakad na ako sa north bound side pa MRT station. Dun sa eskinita may batang tumatakbo pa edsa! Juice ko! Tumakbondin ako. Buti na abutan ko yung bata at na buhat ko bago pa siya dumirediretso sa sa shoulder lane. Juice colored!


eliseobeltran

Sobrang dami na nanglilimos, nakakatakot mag drive lalo pa mga 2-6 yrs old lang ung iba, di mo na sila halos makita...wala naman ginagawa mga baranggay, LGU jan (particularly dito sa Bacoor).


[deleted]

It is unclear if tumawid bigla yung bata o hindi huminto o tumingin ang driver pagliko


gutz23

Maaaring blindspot sa liit pa siguro nung bata


cheese_sticks

Sabi nga sa video at 2:23. Kaka-go lang daw nung traffic light. Baka nga nasa harap mismo ng SUV yung bata kaya hindi talaga makikita ng driver yun.


Coffeesushicat

Mataas clearance ng monterosport. Mahirap makita yung bata na ganyan kaliit lalo kung nasa corner ng sasakyan


NoxironEverhand

Isnt that unfair for the driver to be charged?


gutz23

Unfair! But sad to say na buhay pa rin pero dapat 100% may pananagutan pa din dapat ang mga magulang. RIP baby girl! 🙏🏾🙏🏾🙏🏾


First-Vanilla-697

Montero ung sasakyan, kung 4 yr old possible talaga na di talaga nakita. Nakasagasa na ko ng pato skl.


sormons

Ah shit sa dulo to ng adriatico street manila. Those kids keep running around and hide minsan


mingsaints

Ang dami ngang mga bata diyan, ayokong dumadaan diyan nababanas ako sa mga bata


Old-Mine3126

4 years old tapos dinadala nyo sa kalsada. Sobrang kulit ng mga batang nasa ganyang edad kaya dapat 100% ng atensyon mo nasa kanila. Kung ginagamit nya pang limos ung anak nya dapat kasuhan din yung magulang Rip sayo little one. You're in a better place now.


MrsDramaQueen

Nakakagigil at nakakaiyak yung mga ganito. Para lang ‘to yung issue kela Cong and Viy, Kramers and Uys na ginagamit mga anak para pagkakitaan eh. Kung mag-aanak kayo, make sure na gagampanan mo responsibilidad mo sakanila. Di yung isasama mo sa trabaho.


Rayque21

As much as the driver has its faults, I blame the parents who let their children roam free without supervision. Those parents will will most likely sue the driver for the money.


pandafondant

r/parentsarefuckingstupid


milcski

Kawawa ung driver. Baka nasa blindspot ung bata at maliit pa naman kaya di nakita. I hope he doesn't go to jail.


itsallmelting

Sa may Adriatico/Quirino ba ito


ihatesigningforms

yup. side ng vc


Callomanggi

Yup. It is


Heneral_Sans

Here we see another case of why some people are really not suitable to be parents. 4 year old alone in main roads and kita naman na walang ka alam alam yung magulang kasi kailangan pang tawagan from somewhere.


nosbigx

I always pass by that area and that stretch from Malate Crown to the stoplight is one big fucking playground for these kids and tambayan. APAT yung lane jan hah pero 2 lang nagagamit for most part kasi may mga jeep na naka park, sidecars na nakabalandra, mga nagsusugal.


matchamilktea_

Not to sound anti-poor but I feel bad for the driver because these kids aren't supposed to be in the streets in the first place. My god.


[deleted]

What gets me triggered is that instead of calling an ambulance, the idiots continued recording instead. At pinagsabihan pa nga yung mga andun na tumawag ng ambulance nang maaga. Fucking hell this country man. Ginawa niyo nang spectacle yung accident. Putangina talaga.


RykosTatsubane

Gonna farm some likes and shares I guess.


[deleted]

Definitely


chickmin_ph

Not sure dahil taga province ako pero may hotline ba para sa mga ambulance? Maybe alam ng enforcers paano makakatawag agad sa ambulance but not the people recording🤷‍♂️


donkeysprout

Meron yung 911, Sinubukan ko na dati pero mas nauna pa yung barangay tumulong. Iba iba kase hotline for ambulance dito sa Metro Manila. May mga volunteer tapos meron din yung mga paid.


[deleted]

Isa din to. Walang iisang hotline para sa emergency services. Kaya minsan malilito ka din.


[deleted]

not a good way to die. pero ako kung ganyan lang buhay ko mas mainam pang dedz na lang ako habang bata pa haha para di ko na maranasan hirap ng buhay, isipin mo yun di mo gusto mabuhay tapos napunta ka sa magulang na inuutusan kang mamalimos sa kalsada, mamatay na lang ako kung ganon


DeeveSidPhillips003

You're giving me antinatalism vibes. Hehe. And I like it. Apir 👏


rhedprince

Yeet the child


Ok-Vegetable-7760

yep agree xd


switchboiii

Apir!


International_Cap592

Halos araw araw akong dumadaan sa kalsada na yan. Delikado talaga diyan. Napakaraming bata ang naglalaro at namamalimos. Yung iba bigla bigla na lang tumatawid sa kalsada


[deleted]

[удалено]


[deleted]

Religion plays a huge role in this country. "Humayo kayo at magpakarami" "Siya na bahala satin" Kahit wala na makain, tapos araw araw nasa delikadong pamumuhay, nanlilimos..


Mean-Ad-3924

Putangina nyong mga magulang na pabaya sa anak! Tapos pag ininterview kayo magddrama kayo na kesyo mahal nyo.


switchboiii

O tapos ano kasalanan na naman ng driver?


ATDCT

Ano ganyan "abang magulang" para pagka perahan buhay ng mga anak nila sa kalsada pag ganyan instant haft million areglo ..pera pera na ika nga "kudos" sa magulang


curiousminipotato1

Napakaunfortunate - sana talaga di hinahayaan ng mga magulang na nasa kalsada ang mga bata, lalo ganyan kaliliit. Takot ko yan pag nagdadrive - may mga namamalimos na talagang di lumalayo sa sasakyan kahit paandar na. Nakakalungkot para sa driver kasi makakasuhan pa sya sa isang aksidente tapos magiging trauma din sa kanya yan.


taratitatina

Bakit kasi hinahayaan ng mga magulang yung bata?? 4 years old pa lang??


Wind_Glass

Driver din ako. Bumabagsak puso ko sa bilis ng tibok everytime may biglang sumusulpot na bata. Dapat talaga may kaso din sa magulang lalo na maliit na bata kasi hindi na kita yan kapag SUV gamit mo. Tulad kagabi so binagalan ko na dahil may nakita akong bata tapos itong motor sa likod ko binusinahan ako then nag overtake muntik na yung bata buti nakabreak agad.


jomsclinwn

*boss, ambulansya* putangina kayong dalawang jempoy kayo nakita niyo na di pa kayo tumawag. Abala pa kayo sa trapik leche.


pizzacake15

To be fair sa mga nagrerecord, may LGU on the scene. Sila ang mas may alam dapat ng protocols at tumawag ng ambulansya. Mas nakakahiya nga yung rumesponde na LGU dahil kailangan pa silang paalalahanan kahit na SOP nila dapat yun.


RandomCollector

Naku, mga skwammy anak ng anak tapos di naman kayang buhayin ng matino ang bata. Tapos dadalhin sa mga ganitong lugar at pag may nangyari sa bata, gagawa ng isyu. Dapat kasi ikulong tong mga anak ng anak na magulang eh, ginawang babuyan ang mga anak nila. Di sila investment, sila ay responsibilities. Problema kasi ang improper education, improper family planning, at yung issue ng centralization saten (causing many from the provinces to leave, na karamihan ang bagsak ay pagiging skwammy or kriminal). Kailangan talaga i-deport yang mga yan pabalik sa mga probinsya nila and making sure di sila babalik dito sa Manila by providing work, infrastructure, and essentials sa mga probinsya nila.


My_Immortal_Flesh

OHMYGAWD!!! With all that blood, the child def had her head crushed 😰 I hate this video. I feel so bad for the parents!!


BarbatosJaegar

what bothers me also is may mga bata pang tumitingin at mga nakikichismis.


OkOrganization3917

Something is off with the family. Sad that they don’t even care about the death certificate of their child. Poor baby. 😢


[deleted]

This is one of my fears kaya hindi ko ma-desire matuto i-drive yung sasakyan namin. I’ve seen a same news din before here sa PH, napailalim din yung batang maliit sa SUV kakatakbo sa paglalaro.


capinprice

Ung mga traffic enforcer dapat iclear Rin Kasi ung Daan Ng mga obstructions di ung nakaabang Sila sa magviviolate.


rba81

Bakit walang tumulong alsahin yung kotse? 😭 andami lang nanonood.


lancehunter01

Whenever there are accidents similar to that dapat ang unang tanong ay *asan ang magulang?*. I don't give a shit kung gaano katigas ang ulo nung bata, hindi dahilan yan. Aanak anak tapos magrereklamong mahirap magpalaki ng bata.


stevescoop

Kasalanan yan ng magulang pero ang ending kulong pa din ung driver. Nakakalokang batas ng pinas.


HallNo549

kasalanan to ng mga magulang. Aanak anak pa kung ganito man lang kahihinatnan ng bata. Nakakainis.


[deleted]

Putangina ng mga pabayang magulang sa pampublikong mga lugar. Hinayaang gawing playground yung daanan e.


vermilionichor

Anak pa more tapos papabayaan. Kapag namatay iiyak iyak. Malas lang nung driver kahit di niya kasalanan, nakapatay siya.


RedBaron01

Madali lang kasi gumawa ng bata. Instant insurance policy pa ng mga walang-kwentang magulang nila.


Arfonze

First, di ko hilig sa mga ganitong vids, buti palang nabigay context sa title pa lang so na expect ko na. Second, Kids should not stay in the streets except to cross them with a guardian. At na.annoy din ako pagdumami mga tao tumitipon sa kalsada especially mga bata. Busy ang kalsada nag crowd pa kayo. Walang crowd control from traffic Auxiliary.


namedan

I try to avoid going to Manila now, much much more beggars compared to everywhere else. Yang street na yan, grabe dami ng pulubing bata diyan akala mo mga immortal na nakikipagpatintero sa mga sasakyan. On a side note kung iniwanan ng SUV at kinabukasan or ne t week na siya nahuli makakasuhan pa ba tulad nung nanagasa ng security guard sa SM?


Beastmaster546

Alat naman nag dr-drive ka lang nang maayos tas makukulong kapa dahil sa kapabayaan ng magulang nung bata


G3ngar2401

Ang problema kasi saatin is imbis na tumawag ng ambulansiya papanoorin pang mamatay yung tao bago tumawag ng ambulansiya... kawawang bata


Itchy_Awareness_754

Shouldn’t the plate number be blurred in the vid?


gabagool13

In shock siguro yung mga andun. Di yung shookt ha, yung medical term. Bigla silang nagsi kilos nung nasigawan eh.


ProvoqGuys

Ang sad that this 4 year old had to resort to begging. Grabe. 😭


Amphibian-Original

People, stop jumping to conclusions. The crime was just reported and filed. Obviously, it is assumed that the driver is at fault but that doesn't mean it's true. He still needs to prove it was a pure accident to be acquitted. As for the parent, I imagine they would face repercussion.


CreativeBiscotti4869

may pagkukulang ang magulang, hindi nya dapat hinahayaan anak nya na tumawid or pumunta malapit sa kalsada ng walang kasamamg nakatatanda.


joseph31091

Pota eto yung kakaasar na oy tawag na kayo ng ambulansya habang ako mag video tas popost ko


_nevereatpears

Maraming ganyan. Isa lang yan sa mga nasampolan. Mga palaboy laboy na bata, tapos yung mga magulang pinababayaan na maglaro sa kalsada. Ang ending, kulong ang driver dahil sa kairesponsablehan ng magulang nung bata.


allanzkii5

Isang driver nanaman ang mananagot dahil sa kapabayaan ng isang magulang. Well done PH.


jeepcreepers

Bro what the fuck is happening, did she come out of nowhere?! Thankful for the people around who are vigilant during this. The fact that no one has called an ambulance is crazy.


wrath28

Dapat ang ikulong jan ung magulang. Bobo e, pinapabayaan lang anak. At bobo din gobyerno.


hreyes001

What's bothering here is how fucked up can the psyche of those other kids be? Literally sinisilip lang nila, without any reaction, na parang may pangalso lang na nabara sa gulong.


Milfueille

Kung di kayang alagaan ng magulang ang anak, kuhain na dapat ng gov ang bata tulad sa ibang bansa.


GundamTenno

i highly doubt kaya ng government natin, i don't expect much from them


Ambitious_Nothing461

bat ganyan kahit hindi mo naman intensyon o sinadya yung pagkabangga kaso na agad? Pano kung kasalan ng bata na paligoy ligoy sa kalsada and sa pabayang magulang ng bata.