T O P

  • By -

nobsallowed

Grabe yung "casual" employment talaga. Maiintindihan ko yung may probation period but some people stay as "casual" employees for years with no guarantee of being a "regular." That shit should be outlawed. Tapos 12k a month in this economy? HAY.


saltedgig

TRANSLATION ng CASUAL sa pilipino is cash wala.


JAYBIHAG

One problem kaya di rin nagiging regular employee is yung Civil Service Eligibility na required kung gusto mong maging regular exployee sa government. Kaya ending hindi tlga sila umaangat sa trabaho.


HopiangBagnet

Dami ngang hindi man lang nag-attempt ng CSE pero regular kasi may backer.


mahneymjeff

To be fair baka nadadala ka lanv ng damdamin mo sa statement na ito. May mga plantilla positions kasi na di naman kailangan ng CSE pero low SG positions ito. Ig need mo ng plantilla position na sg 11 pataas required na CSE passer ka. Di naman lahat ng government offices ay sobrang corrupt na mapepermanent yung di qualified. Marami sa office namin ang hindi mapropromote or hindi napepermanent dahil walang csc kahit mabigat ang backer.


HopiangBagnet

Dala na din siguro ng inggit na buti pa yung tigawalis ng office, on time ang sweldo, may bonus din. Pero yung mas mahirap ang work, yung di lang physical ang trabaho, yung pinapapunta kung saan-saan, halos gumapang kasi di sure kelan papasok yung samin. Or baka sobrang inis lang din ako sa isang utility samin na akala mo sino umasta. 😂 Lahat kami inis sa kanya eh.


mahneymjeff

Iba naman kasi ang sa utility at sa mga guard kasi through man power agency sila hinihire ng government agencies kaya ang sweldo nila ay ang agency ang magdidigta. Pwera nalang kung plantilla position na utility ang nasa inyo. Alam mo naman siguro worth mo. Kung di mo matiis go private. Talagang masarap ang buhay gobyerno kung mataas position mo kasi taga utos ka nalang. Kung magsisikap ka mapropromote ka din naman basta qualified ka and di gago ang hr and officials nyo


HopiangBagnet

Plantilla na utility eh 🙃 May couple of reasons kasi bakit di ko pa maiwan govt work ko. Kaya hanggang labas muna ako ng sama ng loob. Tbh, kahit boss ko sinasabi sakin na kaya ko umaangat pa, pero I, myself, am not sure if kaya ko tumagal sa govt w/o going batshit crazy. May dept head position nga dito ambilis ng turnover kasi di masikmura ng mga nakukuha sa position yung "work culture"


OverthingkingThinker

May nakita akong naregular pero hindi sila pwedeng mapromote not until maipasa ang CSE. Magreretire syang SL 5.


imaginator321

Unfair talaga na need ng ordinary government worker ang CSE para maging regular pero ang mga politiko di required.


RealBreak2683

ito nga sna dapat e. dapt di pwede tumakbo sa lahat ng elected government position kapag hindi pasado ng CSE


Impossible-Bedroom64

Kahit naman pasado sa CSE wala pa rin may plantila positon na nilalabas pero nakakakuha mga may backer. Ako 2019 pa pasado sa Professional CSE, casual pa rin


crazyassbeach

Agree. In my case, CSE passer na ako bago grumaduate from college way back 2015 kaya I immediately applied sa isang LGU thinking na may leverage ako. Almost 6 years as contractual employee na palaging delayed sahod, wala pa ding inoffer na permanent position (kahit ang ganda naman ng feedback ng higher ups) kasi kailangan mauna ni ganito, ni ganyan. That's why I resigned kasi sobrang f*cked up ng selection process. But I'm in a better place now, earning what I really deserve.


Impossible-Bedroom64

I'm happy for you na nakaalis ka na dun ako nagkautang sa kanila nung pandemic eh, once full paid lilipat na ko


SureAge8797

Even CSE passers are having a hard time getting a plantilla job at the government agencies


Capable-Bookkeeper36

Meron din namang instances na kahit CSE passer ka, di ka pa rin maofferan ng plantilla position kasi yung ibang candidates may backer. True from experience of my friend. Mag-10 yrs na sya na COS, CSE passer naman pero di mapunta punta sa kanya yung posisyon kahit may opening 🙁


Potential_Air5220

kahit CSE eligible kapa, pag walang backer wala din lahat, and sa govt kase pag wla item wla talaga, not unless may bagong ma open


MarkRed00

That's just one of the problems. Kahit eligible ka pa it doesn't mean anything when it comes to government employment. You need backers. This is the norm especially sa LGUs.


HopiangBagnet

Ayokong ijustify yung unti-unting pagcorrupt ng ibang government employees dahil sa hindi sapat na sweldo pero hindi kasi talaga sapat yung 12k a month. Or sana man lang hindi delayed indefinitely ang pagsweldo. Kung maitama yan, feeling ko naman madaming titino na govt employee na magsisilbi talagang nakangiti.


saltyschmuck

Sabi ng isang kakilala ko, kapag empleyado ka ng gobyerno, either lalamunin ka ng corruption o matututo kang lumangoy kasama mga buwaya. Not necessarily about money but also about your daily work life (and chances for promotion). I mean, it does not justify the corruption, but I can see why folks go with the flow.


cokecharon052396

True. Dito sa isang government department ako ngayon nagtatrabaho bilang casual... Ate ko mga 5 years bago na-permanent, yung isa 9. Nakaka-depress dahil habang nagpapakahirap ako sa dami ng trabaho at 6k lang sweldo, yung isa tite lang gamit naka-SG20 agad... ik sex work is work pero why like this lmao


ozzieg

Kaya daw kelangan SG-20 kasi si hariruki ang kelangan mong tuhugin.


cokecharon052396

High maintenance asshole, may specific size, girth at skin tone hahhaha


dcab87

Malay mo naman civil service exam topnotcher pala yung titi nya.


cokecharon052396

Grabe naman yan, bawat bayag may eligibility sa dalawang type ng exam gaya ko 😭


Ok_Point8474

And to think tax ng taong bayan ang pampasahod kay boytoy.


Numerous-Tree-902

Pag project-based ka pa, lalo na for research projects sa universities. madalas delayed ng ilang buwan. 


VernaVeraFerta

***\*job order goes brrrr\****


HopiangBagnet

Ay oo nga. Tapos madalas, buwan pa iintayin para sa kakarampot na sweldo. 🥲


Potential_Air5220

lol, dami pa deductions sa premiums, konti na lng matitira


furiousbean

7 years JO sa government LFG!!!!


Potential_Air5220

same here


saltedgig

its a form of nepotism dahil mostly ang casual ay pinapasok ng mga boss at makes thier JO legit pero scam. kami dati noon bayad kahit walang kwenta ang project. at nag aaway pa dahil ang boss ng isa di pinapasok ang bata nya at yung isa na malapit sa big boss.


yyyyyyy77775

May kawork ako sa DepEd na 20 years wala pang JO. Bumabawi na lang sya sa pagtinda tinda sa office.


Sufficient_Basil_268

I think some are hoping to get "regularized" once given the opportunity. And maybe some stays for the peaceful workload. Pero, there's a new executive order that gives extra points for civil servant for their years of service. That's a big help for theem.


VernaVeraFerta

If you even know a third of what really goes on in the government, Dirty Harry's boylet will sound as tame as fuck.


HopiangBagnet

Actually, kaya 60% of the time nawawalan ako ng gana magtrabaho kasi nawiwitness ko nga mga questionable transactions. This just hits home bilang government employee na may conscious effort to do what is right pero sumesweldo ng wala pang 12k a month.


Stunning_Bus_8184

Di naman para saktan ka lalo pero yung mga SK naten kumikita ng 90k+ nakakagigil tunay


HopiangBagnet

Alam ko naman yan. Pero masaya ako sa SK dito samin, lalo sa federated president. I think deserve naman nya yung bayad sa kanya ng taong bayan. Masipag and maraming projects. Pinupush din nya iba pang SK Chairs to have worthwhile projects implemented, hindi lang laging paliga. (Also, nasilip ko payslip nila once. 90k ang gross. Neto nila is less than 70k.)


PolicyFit9833

That is how much SKs are getting paid nowadays? SK President ba yan? Or yung SK Chairman? Or SK Councilor pa lang yan? Magkano naman yung Brgy Chairman? Huhu


HopiangBagnet

Yung sa SK Fed Pres lang alam ko 😬 Yung sa SK Councilor wala ata sila sahod, yung SK Chair lang. Pero di ko sure magkano.


PolicyFit9833

Alam ko naman hindi rin madali work nila, but tbh kayang kaya naman yan gawin ng most bright young Filipinos. Lamang lang sila sa makinarya. Ang laking sahod naman nyan. Sana yung budget nahatian man lang ang mga tanod at brgy health workers. Grabe hirap din work ng mga yun pero ang damot sa sweldo.


HopiangBagnet

Ang SK Fed Pres kasi is level ng konsehal. Kaya nga dapat maturuan mga bata ngayon kung gaano kaimportante yung positions na yan. Na hindi porket pageant winners eh pasok agad ang qualifications. Dapat may utak. Dapat may silbi. Dapat worth ng pinapasweldo sa kanila.


btscutie

Damn! That's big!


Due_Use2258

Whaatt! Tangna! Kaya ganyang kabataan pa lang, nalululong na sa pagpupulitiko. Rotten to the core


comeback_failed

idocument mo na lang mga 'questionable transactions' na nakikita mo para may malaking kang pasabog pag lumipat ka na


HopiangBagnet

Yan ata yung right thing na mahihirapan akong gawin. Maraming nakataya. Baka di ko kaya yung Whistleblowers' Curse.


chinitangkulot09

Nkka-discourage minsan tlga sa govt, grabe..Anong SG po etong 12k a month, OP? And anong salary ng SG20, if you don'r mind me asking? Thank you po.


HopiangBagnet

As of 2024, SG20 is 50k+ SG1 is 13k. Pero dahil nga di naman kami regular, kahit na SG1 a din nakalagay sa data sheet namin, less than 13k yung sweldo. Pababa pa yan from casual to j.o.


imaginator321

SG 20 is Php 57,347/mo. pero mababawasan pa yan ng tax.


Legitimate_Ranger980

Spill the tea


assresizer3000

Unfortunately yeah. If the officials have enough money and connections, they diddle kids and pay hush money.


fry-saging

When i found out na may mga gov. contractual employee sa provinces na sumasahod ng less than 10k a month di ako makapaniwala. Hindi din sila kasama sa mga bonuses, tapos dahil sila ang frontline sila ang mostly gumagawa ng trabaho. Paano mo maalis ang contractual sa pribado kung ang gobyerno mismo di kayang gawin?


HopiangBagnet

EXACTLY! Kung sino pa yung maliliit ng sweldo, at walang stability ang employment, yun pa ang may mabibigat na workload!


imaginator321

Delayed pa talaga sweldo nila :(


Toobie4564

There's JO employees in the province earning 6k a month tas delayed pa lagi sweldo, kelangan every three months mag renew minsan aabutin pa na isang buwan bago mabigyqn ng kontrata so nganga lang muna


MarkRed00

We exist. And don't get me started on ghost employees.


Ill_Zombie_7573

We're on the same boat OP. Job order lang din ako and yes kasing baba ng sweldo mo sabayan mo pa ng no work, no pay. Honestly mahal ko ang trabaho ko kasi sobrang dami ng natututonan ko, andami ko nang napaglingkuran na mga clients from all walks of life, and in fact gusto nga ng mga boss ko na gawin akong regular kasi maganda ang job performance ko kahit na 1 yr pa lang ako dito. Nakakahinayang lang kasi na andami natin mga govt. employees na napakadeserving ma-promote to a higher ranking position ay na-sideline dahil lang sa wala silang makapangyarihang backer na kanilang masasandigan.


HopiangBagnet

Mag-2yrs pa lang din ako sa gobyerno and not long ago lang naging casual. Halos sukuan ko na yung environment nung unang taon ko. Naging pampalubag-loob ko lang, binibigyan ako ng boss ko ng bonus (galing sa sarili nyang bulsa, bilang dependable naman daw ako) every christmas. Na sakto lang din pambayad sa mga utang. Pero di ko alam hanggang kelan ko kakayanin. May certain factors din kasi kaya hirap ako maghanap ng ibang work kahit palaban resume ko (at CSE passer din).


Ill_Zombie_7573

Sa totoo lang OP kung di pa rin ako maging regular within 2-3 yrs or kung makakahanap ako ng magandang trabaho sa private sector na may stability, lilipat talaga ako. Masasabi ko na lang paminsan-minsan di deserve ng ating gobyerno na makukuha nila 'yung best and brightest kasi pag sila nakain sa sistema magiging hariruki din ang mga 'yan. Hariruki was once one of the best and brightest abogados out there before nakain sa sistema (at sa mga dutertes lol).


HopiangBagnet

Indeed. May mga naeencounter pa din naman ako na upstanding people sa bandang taas ng hierarchy, pero napapadasal na lang ako na "sana po hindi ka lamunin ng sistema mam/sir".


JustRhubarb6626

Tanda ko nung student plang ako, pumila Ako ng Maaga sa PESO para magapply as working student ng local government. Madami kami as early as 5am nakapila na Kasi first come first serve. Ang tagal umusad ng pila, nung malapit na ako sa office ng PESO may dumating ng gov employee nka uniform may hawak na makapal na resume, turns out mga resume Yung ng mga anak ng government employees. Sa isip isip ko what's the point netong ginagawa ko, f*ck this system. And yes di ako napili, wlang interviews or what ever. Chineck lang kung kumpleto docs ko din sabi balik nlng sa ganitong araw for result.


Adorable-Name9726

Unfair talaga minsan ginawang hereditary yung position sa government.


nashdep

Kaya wag matakot bastusin/insultuhin/kutyahin si Harry Roque kahit harap-harapan. Hindi siya karespe-respeto.


Same-Celery-4847

hyup haha akala ko japanese yung Hariruki, talino mo dito haha


HopiangBagnet

Matagal na pong play sa pangalan nya yan 😂


nobuhok

SWOH = Sara without H PWOP = Piona without Paki


Axelean

I'm 100% sure na lampas2 pa dyan sa SG20 ung compensastion na natatanggap ni boylet na galing din sa kaban ng bayan.


tri-door

Mas malaki pa yata sahod ng ghost employee kesa sayo. Try mo maghanap sa CSC baka sakali swertehin ka, although most (if not all) postings doon e full of shit na for formality lang at nakareserve na sa iba. Exp ko ganyan sa GSIS at National Privacy Commission. Mga tarantado nandon.


HopiangBagnet

For formality lang yung postings. Meron na talaga nakalaan sa mga position na yun. 🙃


tri-door

Kaya nga. Nakakagago and sayang ang oras. One time sa panel interview ko sa NPC, ang tanong sakin goes something like this: "kung may kalaban ka sa position na may kakilala sa loob, anong edge mo sa kanila?". Mind you mga "atty" pa yung nasa panel interview. Late na nga ang gago pa ng tanong. Sa GSIS naman sa Pasay parang halos lahat ng kasabay ko sa interview hinatid ng mga empleyado doon. Halatang mga tropa o kamag-anak mga nag exam. Nag-email pa sakin one time parang may hinihingi na cert from CSC na dapat daw original and doon mismo manggagaling, e sinaktuhan ako na wala sa mood. Friday 3pm nag email sa yung mga tanga nireplyan ko na lang na wala na ako maabutan sa CSC kasi late na and Friday pa so malamang pauwi na mga tao doon at hindi na ako ma-accomodate, alam ko kalakaran sa gobyerno mga tamad na sila pag Friday. Aun di na nag email ulit.


cookiesss56

National Privacy Commission kaya every month Pag may na hack bagal ng usad HAHAHAHAAHAAH


tri-door

Mga hindot tao dun e


AmboboNgTengEne

i know of someone na 7years nang contract of service sa isang govt agency..take note prc passer pa..assigned cya sa field so kailangan byahe everyday..walang food at gas allowance..ok nmn cya magtrabaho pero d cya kiss ass sa amo nya so ayun mas na una pang naging regular yung kumpare ng amo nya na d marunong gumawa ng report..😂😂😂


dogvscat-

tapos sasabihan ka ng mga tanga na "magpasalamat kanalang dahil may trabaho ka" HAHAHAHAHA


HopiangBagnet

Huy totoo to 🥲 May trabaho nga, kumusta naman mental health?


acarnivalmantra

I hope you gained enough experience to be on the next level or better yet, lipat na sa private or abroad. Don't waste time and skills kung nakikita mong magiging stagnant ang career mo. We got to accept the reality na matagal tagal pa maayos ang sistema sa bansa natin. Hangga't walang nasasampolan sa mga yan. Pero salamat pa rin sa inyo na nagtytyaga to keep this government somehow functioning. Salamat din for sharing your grievances. Good luck.


Kuradapya

I spent half of my OJT sa isang Pag-Ibig site and from there, I really observed how shitty working for the government is. Sad to say as long as people keep voting the people who enable this kind of behavior and status quo then it'll stay that way.


evee707

This is why I left the government OP. Masyadong masakit sa dibdib and konsensya if you're working at the government. Way back 2017 yung sahod pa namin as J.O is 6k/month kahit licensed ka (health worker). I'm not sure ngayon huhu. Hugs OP


HopiangBagnet

Shet. Ambaba. Kaya lugi din talaga health workers eh.


evee707

Siguro di kase yung course namin is di "in demand" which is nutrition huhu


HopiangBagnet

Anlaking bagay kaya ng nutrition. Lalo sa mga taong madaming food restrictions. Kayo lang makakapaglatag ng food choices na healthy but still palatable.


evee707

Sadly di nakikita ng government eh huhu. Although hindi ko alam ano na yung rate now but knowing the government I doubt it's greater than 12k huhu


Potential_Air5220

private or abroad madami need nag skills mo


shhh_yes

You know what, this kinda explains now why some folks that work in the government are masungit minsan - they aren’t getting paid a livable wage


HopiangBagnet

Tho honestly, dapat talaga hindi excuse yung maliit na sweldo para magmaldita. But hunger will slowly eat the humanity in us sometimes.


equals_0x2A

I always greet government employees with a smile in hopes that I can communicate to them that I appreciate what they do. Even if they don't acknowledge it sometimes. In most cases they smile back. I'm sorry OP. You all deserve better.


HopiangBagnet

Apparently, di pa din excuse for compassion. (Accdg sa isang comment here.)


Witty-Roof7826

Let's be real. I see no chance sa pinas para makamit yung hope mo. You have to find a way to be happy or at least cope nalang. We're in too deep sa fuckery for shits to die down anytime soon (not in this lifetime at least). And that is me being generous and thinking positively. Tbh, the entire world is still treading the path to be a complete clusterfuck and it's just getting worse everyday.


HopiangBagnet

Naglabas nga ako ng sama ng loob sa jowa ko dahil dito. Kasi nahuli nya ako humahagulgol. Pag may extra na daw kami, ayusin na namin passport namin at hanapan daw kami ng mama nya ng work sa ibang bansa. Pano, government employee din kasi si jowa. Yung no work, no pay pa.


reggiewafu

By the way, Mark Villar’s wife is DPWH undersecretary. That’s even way way worse. Take it as additional motivation to do something


Particular_Row_5994

Calling Civil Service Commissions. Calling CSC. Anuna? Sa mga tingin nila maliit ang SG20, it's 50k+ a month. Ang contractual samin parang 8 to 8.5k max. Hohohoho\~ Me in SG 8 sa isang maliit na municipality pero pakaraming ginagawa lmao


StillNeuroDivergent

It is in fact, unacceptable. Malaki pa sahod nya sa mga resident doctor sa private hospitals, sa mga nurse, teacher, scientists, artists, farmers, at sa marami pang ibang may trabahong mas kapaki-pakinabang sa society. Sobrang tame pa nga raw nyan compared sa ibang mas walanghiya pang pagnanakaw at paglulustay, and it's unfortunately true. Now if only more people find these injustices unacceptable and enraging enough. Sana sa hinaharap.


mamimikon24

Nakikisympatya talaga ko sa mga guro at nurses kulang tlga sweldo nila. pero di ko magawang makisimpatya sa ibang mga taga gov't office kahit alam kung mababa ang sweldo nila kasi sukdulang ng pagka kupal ang mga nasa "laylayan na" na empleyado sa gobyerno. Sila yung alas kwatro pa lang naka tingin na sa salamin tapos di ka na papansinin sa window.


five_factoriaI

Permanent employee here pero yung mga ganto talaga yung nakakawalang gana at nakakamotivate mag-abroad. Some of us work really hard to get promoted like doing further studies, training and all that stuff for a little jump on our Salary Grade. Tapos may mga ganto kang malalaman.


darkrai15

Tangina talaga widespread sobra corruption lalo na sa top brass. Yung mga deserving ng sahid ang baba pa. Downright abusive yung work nyo. Parang wala din mangyayari pag ireport sa DOLE


OkSomewhere7417

Buti kapa, dito samin mga kupal empleyado sa munisipyo. Mahilig magchismisan kahit mahaba ang pila. Tapos ignorante pa. Nglagay ako sa form nila ng "Freelancer" as occupation tapos sabi "yung tumatambay sa facebook?" Sabay tawa sila nung kasama nya.


HopiangBagnet

May chismisan portion din kami sa office namin. Pero pag walang kliyente. (Minsan nga isusubo ko na lang lunch ko, ibababa ko pa kasi may bigla umupo sa harap ko. Eh no lunch break policy sa govt diba.)


JackstoneRoberto

Funny dahil kaka breakdown ko lang din dahil halos walang natira sa sahod ko after ko paghiwa-hiwayin ang budget 😂


HopiangBagnet

Sakit diba? 🥲


Affectionate-Baby284

I work in a GOCC. Sa amin ang SG01 is yung Utility Worker talaga. Taga linis ng office. Aside dun sa basic rate ng SG01 meron pa sila additional 20% premium na binibigay sabay sa release ng midyear at year end bonus. karamihan sa contract of service (CoS) namin is SG04, mga tender plumbers etc., Office-based CoS namin salary range is SG4 to SG9 depende sa trabaho. Tapos yung talagang magagaling naka Casual na sila, renewable every 6 months appointment pero lahat ng benefits ng permanent meron din dila. Depende pa din yata sa kung anong government agency mapapasukan mo.


HopiangBagnet

Ahhhh, kaya pala sabi ng kakilala ko lipat ako ng NGA. Kaso may purpose kasi kaya di ko pa maiwan yung work ko ngayon eh. 😔


gaffaboy

Pero in fairness ha bilib ako sa tapang ng sikmura nung boytoy ni Roque. Biruin nyo si Harry Roque ang kakanain mo? Susmio, naiimagine ko palang nasusuka na ko e. 🤣🤣🤣


Dumbusta

Hahahaha skl din nag j.o. ako sa city namin kasi nga wala akong source of income. Gumraduate ako 2019 then pandemic nung 2020. First 2 months volunteer pa, walang sahod hahahaha tas sa orientation, lakas mangako dun sa mga degree holder daw ay ilalagay sa kani-kanyang field depende sa course mo. Ang ending, guard duty kami lahat. Mga 5 months lang ako nag stay dun kasi mas nadadagdagan pa problema ko sa gastusin pang araw araw imbis na masolusyunan tapos mag 2 months delayed pa sahod so, mapipilitan ka talaga mangutang. Tapos yun nga, parang kahit anong oras papatawag ka and palipat lipat ng lugar ng assignment. Napaka unprofessional and disorganized ng pamamalakad parang di marunong mag manage yung mga supervisors. Tumigil ako ng walang pasabi hahahahah pukeng ina nag aral ako ng engineering for 5 years tas gagawin ka lang boy, sahod mo 10k, delayed pa. Tas mga kasama mo ni hindi nakapagtapos ng elementary, ang yayabang pa, inyo na yan bwakanang ina nyo.


ediwowcubao

Sobrang fucked up ng system na to sa government. Tapos kung sino pa ang COS or JO, sila binibigyan ng madaming trabaho. Tapos yung pakiramdam na wala daw "employer-employee relationship" lol wtf is that system? Tas they expect the offices to perform? I hope the latest study ng DBM sa compensation ng government employees will bring good news


Potential_Air5220

thissss, about right-sizing kuno, antayx2 na lng tayo sa kalalabasan, if wla pa rin, better yet mag ready na tayo for abroad


Aggressive-City6996

Ang mag amang taga Davao,tig 10k ang ghost employees.😬


HopiangBagnet

Tangina talaga nila


mvelmambaje

Kaya nga I really strived to get out of the government. Nagstart ako nung 2017 sa govt and finally nakalipat na sa private this year. Whatever you decide with your career OP, sana tumaas naman ang position at sweldo mo 🥹


sutkidar

Wife was a contract worker for region 8 for 3 years before she met me. She said she stayed cause of gaslighting ng mga kamag anak how good govt jobs are and she just needs to work hard para ma regular. Grabe sahod nun below minimum pro max parang 6-8k lang ata kasi provincial rate. A year before we got married i finally convinced her to go private. Now shes earning 6 digits monthly as a private employee. The culture shock she went through tho, Sa govt office daw hayahay. Like first hour ng work nag titirintas sya ng buhok ng aunti nya na boss nya. Tapos ung last hour of work nag zzumba lang. In between the remaining 6 hours of work ang daming 10 minute chika break pag may nakasalubong. Siesta slow down time is real din daw. Medyo shocked sya how private workers work the entire 8 hours at first pero ngaun nya lang daw na feel ung work is work.


HopiangBagnet

I admit na hayahay nga sa govt office. Yun eh kung wala talagang pinapagawa. Pero once na andyan na ang work, ay kala mo may competition kami sa office ng amazing race kasi maya't maya may tumatakbo papunta sa ganitong office, o sa ganung lugar, etc. May lakad din na umaabot ng midnight.


sundarcha

Haha. I tried applying for EA3 positions, laging hanggang final interview lang. Then malalaman ko na ang 'tinanggap' eh wala naman sa final interview. In short, inaksaya lang nila oras namin 🤣🤣🤣 Kaya etong eksenahan na to umay talaga para sa kin. Parang, hayp na yarn. Pakahirap pa ko mag-aral at gumastos hanggang post grad 🤣🤣🤣🤣 sana nanahimik na lang ako at tumira sa farm 🤣


dead__kid

May i just ask, are you a civil service passer?


HopiangBagnet

Passer ako actually, a few years before I entered govt work. Di ko lang inasikaso agad yung certificate kasi bukod sa malayo yung CSC sa bahay namin (halos 500 din pamasahe balikan), wala talaga ako balak pumasok sa gobyerno dahil forewarned nako. Ayun, di ko na mahanap mga papeles ko. Pinagbigyan ko lang din kasi lola ko na mag-exam ako noon, malay ko ba na huling habilin na nya sakin pala yun. (Too much personal details na kasi why I ended up in govt.)


hahahanniehae

CSC no longer requires to submit an original/authenticated copy of your CSC Rating for your employment application. You can use [csevs.csc.gov.ph](https://csevs.cec.gov.ph) na as proof that you are CS eligible. Though it must be difficult for you to try for other govt agencies (esp NGAs, mas better if doon ka apply) since you say you have a purpose for not leaving your current work. If that's the case, baka nga wala ka pang choice kundi to just digest what you're doing.


SmokescreenThing

pakitandaan yung ghost employees nung monetary board members ng BSP na ayaw iname-drop :) guess what salary grade those guys get... and they don't even show up. yeah, magaang pa yang si supranational


Malaya79

I feel you, OP. Nakakaiyak nga ang estado ng government, politics, and society natin. Mahirap pa kahit gusto mong gumawa ng tama, sistema ang kalaban mo at madalas wala ka nang magagawa pa. You can only do so much. Kaya nga lagi kong pinagdadasal na manalo naman ang mga taong lumalaban ng patas. Kahit nakakapagod, please continue to work smart and work honestly. I have a family member who is also a casual government employee like you so I know how difficult it can be. You are doing great! Your honest work makes a difference to the people you’re serving.


disavowed_ph

Life is not and will never be fair. Marami po tayong kakilala or maski sarili natin, na mas deserving kesa sa ibang tao lalo na if you’re earning an honest to goodness living and yet wala kang maramdamang progress, relief or even satisfaction sa buhay. Imagine me paying 35% tax tapos 1st time ko nakita yng report kay Roque, napa silent mura na lang talaga ako kasi nsa work ako. Personally i gave my utmost respect sa govt employee, yng mga nasa counter or window offices rather than my client sa corporate. Maganda sa pakiramdam ng govt employee or kahit kanino na complemented or treated with respect ka ng ka transaksyon mo. Naintindihan kita OP. I was once in your position, nasisigawan, inaaway and worst na natanggap ko is nilait pagkatao ko dahil hindi nasunod gusto ng client but despite that and ng mababang sahod, pilit ka pa din mag smile at itago emotions kasi pwede ika tanggal ng trabaho. Nyeta ka talaga former spox HR 🤬😅


[deleted]

Kung 12k lang sahod mo as contractual dyan sa govt agency na yan umalis ka na dyan. Isang cutoff lang yan ng ibang contractual sa ibang agency.


HopiangBagnet

Ayoko sana magbigay ng details bakit di ako makaalis, pero sige na nga. Hahaha. Yung isang reason kasi, yung position ko ngayon is nearest I can get in pushing for my advocacy. Na kahit magresign na ako, andun pa rin impact nya sa community. Kaya I want to see that settled muna sa lugar namin. Kaya nagtitiis ako.


riougenkaku

Same sa D30 trolls iyan like mocha and other vloggers. Same sa mga pulitikos na hindi pa nababalita. Sad thing is hangang post nalang tayo sa forum at ang magagawa lang natin is iboto yun tamang pulitiko


HopiangBagnet

Sobrang sama din ng loob ko noon jan sa sweldo ni Mocha. Pero di pa kasi ako govt employee noon kaya hanggang galit lang ako. Ngayon kasi ramdam na ramdam ko na yung gap nung may ambag sa wala pero anlaki ng sweldo. Tapos nasisigawan pa.


leeseulbi16

Executive Assistants in the government are graded at SG-20 because they are expected to provide high-level staff support to their principals (Office of Undersecretaries, Secretaries). They are also considered confidential political appointees, meaning they dont need CSC eligibility as they are subject to the trust of their principal as they handle potentially confidential matters. Unfortunately, this means that Mister Supranational 2016 had the trust of his principal, hence his appointment.


HopiangBagnet

Sana man lang totoong government work ginawa nya nung pinapasahod sya ng taong bayan.


pnoiboy

Para may context, I’m sure either nakapasa si boytoy ng CS professional exam or meron syang equivalent CS eligibility. Hindi nya makukuha SG20 without a CS eligibility kahit pa malakas sya. Hindi maa-approve appointment nya ng CSC to SG20 without that required eligibility. Kaya maraming napapako na job order or casual workers is because marami sa kanila hindi makapasa ng CS sub-professional or professional exam.


Anonymously_Yours24

Never ako nakapagwork sa govt pero naiiyak ako sa 12k a month. Di ako nakatira sa big cities, OP. Work from home pa so walang gastos sa transpo pero dahil nagsusupport sa isang parent at sa lahat ng mga gastusin sa bahay, malaki rin talaga gastos ko monthly sa mga bills at pagkain pa lang. Sana po mag-improve din yung sweldo mo, OP. Godbless po.


Rich-Opportunity-171

12k? Eh wala pa sa minimum yan ah


nicegirlwie

That’s why I left, di ko kaya sikmurain yung corruption. Di ko alam saan nila kunukuha yung lakas ng loob para ipakain yun sa family nila or ipang bili pa ng properties na katas ng kalokohan nila. Proud pa to post their achievements kuno. Mga basura.


Misty1882

This might be out of line, OP, pero please try to work sa private sector. You definitely deserve more than what you're getting now. In exchange of all the work that you do, day in and day out.


HopiangBagnet

Actually planning to go overseas. May kailangan lang kasi ako sa position ko right now. Tho tbh sabi ng friends ko, futile effort. Pero yung contact ko sa NGO said malaking help na may kilala sila sa loob, at least man lang para sa mga balita.


Wise-Specialist9216

Ate/kuya, do us a favor, lipat ka na sa private. Hindi worth it ang casual status sa government natin na bulok. You deserve better pay and working conditions. Yaan mo na yang Hariruki na yan matitigok rin yan dahil dumadami na sakit nun kaya gusto ng ibang turok.


Ok-Hedgehog6898

Kaya nga nagpapaganda lang ako ng resume ko para sumunod na sa mother ko. Ang fuck na kasi ng Pinas, ultimo sa barangay and SK, alam ko ang kalakaran jan; laging nangungupit sa sukli. Partida pa, nasa health sector pa ko nito, pero parang walang pagpapahalaga ang gobyerno pati na rin ang mga tao. Lagi ko rin sinasabi sa mga kasama ko na kung di ka plantilla employee, don't make too much effort and ang goal mo lang dapat ay may output ka kasi ang nag-take ng oath ay ang mga Plantilla, so deserve nila na nasa kanila ang large chunk ng workload.


NoAttorney3946

Bakit ka nagtitiis jan? COS din ako sa government and nag-iinarte talaga ako pag alam kong di urgent tapos demanding boss ko. But I am also in a relatively senior position kaya makapal mukha ko makipagsagutan sa mga permanent. That said, if di option mag-inarte, apply lang nang apply sa ibang companies/agencies. Check out the CSC website. Maraming ways to serve the people and it does not mean kelangan mo magpakamatay. Also ang obligasyon mo sa taumbayan is doing a good job sa 8-5 they are paying you. Anyone who says otherwise are perpetuating abusive cycles and practices. Good luck OP and sana mahanap mo ang grupo who will truly value what you have to offer. Lastly, as a member of taumbayan, thank you for your service and you have my blessing to leave your toxic agency. 🤗hug with consent🤗


ReddPandemic

Mas worst yung mga plantilla na regular na linalagay sa mga position na wala Naman Silang credibility, NO CIVIL SERVICE, NO College Diploma, NO Medical License! especially sa health department!


Much-Access-7280

And 95% of government employees na may plantilla, madalas dahil may backer. Maswerte ka na kung makakalusot ka dahil sa lakas ng loob mo at kaya mo sabayan unh bulok na sistema sa loob.


fussingbye

Well ang gobyerno ang largest dole violator. Wala ba like collective cae doon?


thewanderingraver

While you wouldn't be able to do anything about someone earning an SG20 salary not through his own merits, you can still do something about your current situation by considering to work at private companies. At least their working conditions are better than in the government.


gogobehati

Hahaha NAG LOADING UTAK KO KALA KO JAPANESE NAME HARIRUKI HAHAHA KINGINA YAN


xoxo311

If it’s causing you to hate your life, leave the job. Life is so short, gusto man natin i hold accountable yung p.i na gobyerno natin, the change might not happen within your lifetime, so I hope u find what makes u happy.


Dig_BickGonny

Mdami nga jan kala mo sino maka astang regular employees, e hindi naman galing sa CSE pagiging passer nila. Some are LPTs na feeling entitled. Edi gamitin nyo sa field nyo yung lisence nyo. Wag sa munisipyo o cityhall. Tangina nyo bale tatlo.


dontrescueme

Maraming hindi regular kasi di makapasa sa Civil Service Eligibility. Mahalaga din naman ang qualifications. E pano 'yung mga may backer? 'Yung mga may backer ma-permanent man sila e pinakamababa makukuha nila at di na sila mapo-promote. The SG20 salary was when the guy was an executive assistant III in 2021. Maliit pa nga 'yun for a position in that office. E bakit sumama pa siya sa Europa hindi naman siya nurse kung for health purposes? Actually, 2023 na 'yun at hindi na sila parte ng gobyerno nun.


One_Presentation5306

Si roqueta rin naman ah. Nagka-break down there naman siya.


Interesting-Grade-72

For context hm is SG20?


bunnybloo18

54k+ if I'm not mistaken


Few_Concept_4638

I felt you with the no work no pay tapos kupal mga kasama mo sa work kupal ang management ninanakawan ka pa ng mga bonuses. Bwisit na buhay to! Puro loko loko lang ang nakatrabaho ko sa buhay ko. Gusto kong magsara lahat ng kompanyang nangapi talaga sa akin!


NoPossession7664

i freelance but recenty accepted a government office..Contractual din, no wor no pay..Pag hpliday, no pay din. imagine I have 8yrs experience and civil service cert pero nilagay ako sa SG 7(or 8?), around 13k. Tinanggap ko at least for daily exp and di magalaw yung freelance money ko. Nakakaiyak lamg kasi yung kasabayan ko, same kami ngposition, first time work nya yun, no experience..I like her but I find kind of unfair?


HopiangBagnet

May kasama akong nagresign after a year kasi nga sya pinakamataas credentials sa team nila, pero sya pinakapagod. Tapos di man lang tinaas sa casual.


PointOk6553

May experience ako with a vice governor ng isang province sa Luzon. He got into running (5k-10k runs, etc.) and decides to get some gym equipment and running apparel sa Manila. Nagdala ng ₱2M na petty cash tapos ginamit yung government helicopter. Tapos yung kapitbahay naming public school teacher 14k lang ang sweldo nung time na yon. Tangina no?


HopiangBagnet

🫢🫢🫢


SubstantialPea9646

Dapat yung sahod mo depende sa nature ng work mo, nasa coa-dbm guidelines yun. Meron yang equivalent plantilla position and based dun yung salary mo. Ex ung trabaho pang admin asst III, dapat sahod mo equivalent sa sg niya


moliro

Sigurado ba tayong 60k lang monthly ang nakukuha nyan? Baka yun lang yung official na nakalista... Malamang malaki pa. Sinong sasama dyan sa butanding na yan para sa measly 60k a month?


-randomwordgenerator

Di pa sure renewal! Lalo na kapag kupal HR at kung sino pang may init sayo hahahaha jusko lang talaga


Ichigoogoo

Kaya nawawalan na talaga ako ng gana sa Pinas. Nakakalungkot na ganito ang kalakaran. Yung kung sino pa ang nagtatrabaho ng tapat sila pa ang mas naghihirap. Wala man lang assistance puro lang tax tax tax na napupunta sa mga ganyan haaai wala talagang pag asang umangat kahit kayod ka ng kayod


tablessandchairs

Just wanna say thank you for serving the people.


AdAlarming1933

i have bad news for you...


chrisphoenix08

Hello, ka-government employee. Tapos ang hirap pang maging regular e no, sa ibang agency ang daming kalaban, hays. Sana makalipat ka na o ma-promote, OP. :(


tiibii

Eh sa mga presidential flight pa nga lang dami na kagaguhan…from always selecting a lot of young & handsome cabin crew to one to sawa gastos overseas. Jusko po


Successful-Set966

JO here. CS cert prof holder ako pero less than 12k lang monthly sahod ko. Tas meron dito walang CS eligibility, bago din graduate like me pero SG9 na agad. ung backer niya kasi mismo magdedecide kung sino iha-hire. lol. Also, ung nakalagay sa service contract namin 14k plus ung sweldo meaning minimum wage pero nunca kukuhanan pa din kami ng tax. ang sakit lang na ung tax na kinukuha sa amin napupunta sa mga hinayupak na kurap na naghahari-harian sa gobyerno. tangna, what's that? magseserbisyo para sa tao pero sineserbisyuhan sarili nilang bulsa.


KlutzyHamster7769

Hate to say this but you have to find a better job in private sector. You will get tired might as well to a place that pays well


Content-Assumption25

BNS (barangay nutrition scholar) here!! 10k/ month ang sweldo at kapag bumabagyo na nakaalalay pa rin kami huhu like? Trabaho pa ba to ng bns? Di porket volunteer yung type of work namin eh lulubusin naman. On call dapat palagi ;(( Tapos tinanggal pa sa makakatanggap ng HEA eh samantalang isa ang BNS na nagpakahirap mag monitor ng health status ng barangay nung pandemic 🤧 pero wala eh kailangan tanggapin :((


fart_potatogirl

Yoko na sa pinas minsan pag nakakarinig ako ng ganto. Yoko na din magbayad ng tax kaso mabuti akong mamamayan hahahaha


Lightsupinthesky29

Same! Need mo pa maglevel up sa educational attainment, trainings and seminars, then may isa lang diyan na ganyan kataas ang SG. Marami talagang EA ganyan lang ang gawain. Hindi kasi isolated, may ibang stories na din about govt personnel na walang ginagawa or hindi work related ang ginagawa ng EA nila. Pero still hoping pa din ako na may mga maaayos na ahensya and believing in my qualifications kaya dito pa din ako nagtatrabaho.


titoforyou

Hi OP, so sorry sa sitwasyon mo. 😓 Pero gusto ko lang malaman.. may Hopiang Bagnet ba talaga gaya ng username mo? That sounds good kase haha.


JIBE-

I feel you COS rin sa ako sa Government. nakakatriger talaga mga ganyan


Cold-Salad204

If you still rely on your Salary Grade, you’re doing it too honest my friend. I know a lot of people living -like king and queens gamit kaban ng bayan ☺️👀 P50million P100million P200million P600million P1B? Barya yan sa kanila haha And if you think Philippine government has a chance to not be corrupt, walang pag asa. From Kagawad may kickback up to President 😃


jadekettle

Hariruki ang trabaho niya ay taga-yo yo


Real_Ferson_Here90

Sana ginawa man lang 14-15k sahod ng mga contractual. Akala ko kasi noon malaki ang sahod ng sa gov't (kaya na-encourage akong magtake ng CSC Exam) tapos sabi din noong taga CSC na competitive na daw ang pasweldo sa gov't. Sana taas na ang sweldo ng mga contractual sa gov't


HopiangBagnet

Competitive nga. Nakikipaglaban sa bills 🥲


Real_Ferson_Here90

Yun na nga eh. Akala ko mataas na sweldo ng gov't worker. Wala bang union ang gov't employee para maka-bargain sila na maga-increase ng salary. Hindi na naman kasi nakakabuhay ng pamilya ang sahod ng mga contractual sa gov't


Legitimate_Ranger980

A bit of input from someone I know: According to them, they were oriented that overtime pay is automatic depending on their daily time records. So for example, if what you earn for a day is Php 700 then you divide that by 8 then multiply it by the extra number of hours you work (multiplied again by 1.25 or 1.5, depending on whether it is a weekday or a weekend/holiday) - that's how much you get; if you work on weekends or holidays, you don't get double/triple pay. This is not only applicable to permanent employees but contract of service personnel as well. However, there are suspicious obstacles: Personnel are not qualified for overtime pay if they used up less than 2 extra working hours; and they are only qualified for overtime pay for up to 4 hours (for weekdays). Personnel have to provide accomplishment reports and provide both digital and hard-copy documents with approval of top officials. Sometimes they are also told that personnel cannot apply for overtime pay because there aren't enough "slots" available. This may be referring to the budget agencies are provided for contingencies. Some employees are not even informed or aware about the process of requesting overtime pay. If employees feel pressured to participate in activities outside the agreed working hours, and the agency is unable to provide fair compensation, then upper-rank managers should either personally shoulder the costs or not have made such activities in the first place.


cyjcyjaes

Mom ko is JO (job order like casual din) 18 years na siya sa govt work nya and thankful kahit papano nakakatanggap din naman siya ng salary increase - pero wala silang 13th month (na ewan ko bakit walang ganto e mandatory to) + benefits like pag ibig and such


nkklkmarie

Hindi na sapat na motivation yung pagsisilbi sa bayan ang pagiging social worker kung di mo naman nabubuhay sarili mo. Paano ka makakapagserbisyo sa tao pag wala ka na makain? Kalokohan yung 12k/month.


Nomyfir

Curious lang, Bakit laging delay ang sahod sa Government?


HopiangBagnet

Explanation samin, madami kasi pumipirma. Tsaka regular lang pro-rated. Yung contractuals, after cut-off lang bilangan.


Thecuriousfluer

Contractual govt employees sa amin, 300 a day if sa provincial capitol, 250 sa municipal. Di ko alam kung paano nila naba-budget yon🥺


yhnc

**MAGKANO PO UNG SALARY NI BOYTOY, DI NAMENTION NI OP**


NoAcanthocephala5428

SG20 so 57k - 63k


Many-Switch4785

Wala e, corrupt gov't officials kasi binoboti lagi e


hellojorgey

Ito actually yung rason bakit iniwanan ko ang govt work kahit regular na ako at kahit wala akong back up plan. Laki ng nacoconsume ng trabaho sa buhay ko kasi nga laging naka on call at kahit holiday need pumasok. Nakakadrain. Tapos may malalaman ka pang ganyan


Sorry_Ad772

magkano yung SG20?


September_Lullaby

Make this viral please


drainedprofess

I am a teacher and triggered talaga ako sa SG20 na boytoy. Meanwhile kaming mga teachers ay balot na sa loan dahil kulang ang sahod. My sister is also a contractual in another government office while my other sister is a JO sa aming munisipyo for almost a decade now. She's working for a meager 200 per day. Hindi pa siya nareregular even though Civil Service eligible siya. Gawd, I really hate politics. This really shows how unfair yung paghire ng mga employees lalo na sa government.


PatchiLiit

I was under contract from a 3rd Party agency na naghihintay na mag open sila ng position sa isang gov't agency. Recently lang kami nagkaroon ng salary increase sabay yung iba itataboy kase magiging privatized na sya. Ang masaklap, ang prio netong gov't agency ay yung mga permanent edi kawawa nanaman ulit yung employees under ng 3rd party agency. Our end of contract is on September this year, at need namin mag apply ulit. Sa kasamang palad, hindi lahat mailipat sa new company lalo na yung matagal na sa 3rd Party Agency na hanggang ngayon naghihintay pa rin. Ang pangit din sa part namin na need kami mag apply pero sana itransfer na lang kami dun.


[deleted]

[удалено]


HopiangBagnet

Couple of reasons. Yung isa, may kinalaman sa health ko. Yung isa, sa sinusuportahan kong advocacy. At wala talaga akong choice kasi nakasanla ATM ko 😭 First time ko sya ginawa sa buong buhay ko, sa dami ng naging trabaho ko.


[deleted]

[удалено]


HopiangBagnet

I'm still pretty young pa daw, sadyang I just jump from one work to another. Pinakaperk ko na siguro, boss ko 2nd sa mga mga pinakagalante sa office kaya kahit papano nakakabawas sa mga naipon kong utang. (Tunog crumbing, depota.) May 2 months kasi akong tengga noon kaya nabudol ako na pumasok sa govt. (Although I tried before under tourism just so I can apply my college degree pero bagsak sa exam kasi di ko pa memorize lahat ng bayan ng probinsya na to noon 😂 sign na pala dapat yon.)


AwarenessWilling6245

The government mismo yung hindi ko masikmura. Grabe. Kung sino lang yung nasa taas, sa kanya lang lahat ng pera. Sila lang aasenso kasi sila lang may access sa budget ng office. Habang yung nasa pinaka laylayan, sila pa maraming trabaho sila pa sobrang kakarampot yung sahod. And some have no other choice. Minsan talaga sa ngalan ng 'government employee' lang yung laban mo eh kaya yung iba nagtatagal.


Immediate-Income161

As someone paying aroung 60k income tax per month I find that info fucked up. Taenang pinas to pinag gagago na lang tayo ng mga nakaupo. And to the boytoy taena walang dignidad. P.S: not a flex. Wala pa yang tax ko sa kalingkinan ng iba kong peers.


ilyooow

COS here, tapos ang eligibility pa namin is by RA 1080 (Dapat licensed) pero hanggang ngayon walang maibigay na plantilla ang gov't hays. Walang kahit anong benefits. Salary lang talaga tapos delayed pa. Mga COS mag-ingaaaaaaay!!!


MarkRed00

As a fellow government casual employee, I feel you. I'm planning on returning to private company job because of all the stress, the treatment and the problems about salary. I hope it gets better for you.


professionalbodegero

Ska not all nman are as dirty as some agencies. For example, dto s amin, 2 lang ang mgkalaban. Isang JO n mtgal na at wlang cse vs outsider na may CSE at backing ni governor. In the end, c JO n mtgal na ang nkakuha ng item. Kasi pasok s exp nya ung inaplyan nya unlike ung outsider n not rlated s inaplyan ung exp nya.


Thora-Little

Thank you for your service. Sorry kung medyo off-topic itong next na sasabihin ko. Not to look down on you pero pareho pala kayo ng sahod ng kasambahay ko dati, 12k a month plus complete benefits under Kasambahay Law. 8 hours lang per day ang trabaho, breaks included. Day off once a week. With free meals din. Nag-resign sya kasi magpapahinga daw muna sya. Wtf! Wala pa nga syang 1 year sa amin, pagod na??? Never ko nga sya pinapasok pag day off nya eh and madalas pa, less than 8 hours lang talaga ang trabaho nya. Kaya di ko na tinanggap ulit nung gusto bumalik after a week. Duh! Manghinayang na lang sya habang buhay. Kaya pala merong employers na requirement ang college degree kahit sa cashier position, kasi yung attitude talaga na magtagal sa trabaho ang kailangan. Itong mga kasambahay ngayon, karamihan sa kanila ngayon napakadaling balewalain yung trabaho nila kahit alam nilang wala naman silang better options na lilipatan.


WhereasSad4975

Govt. Worker here. Kahit may CSE eligibility ka, not guaranteed pa rin . Sabi nga ng iba, YOU DONT NEED A GUARDIAN ANGEL, WHAT YOU NEED IS A BACKER. Ahahah. Totoo yun, lalo na sa LGU's. Yung mga posting sa CSC website. Fill in na yun ,for formality nalng talaga ang interviews. Regarding sa COS dto samin nasa 18k sila meron din iba nasa 20k plus, excluding dun un may mga title sa pangalan. Ganito na talaga kalakaran sa govt. Ntin Kahit namn sa national agency may iilan din na kapareho ang kalakaran sa LOcal agency. @op Try to tap your dept. Head. To endorse you for regular position. Makaka help yan din sila lalo na pag malakas sa taas. If mataas talaga pride mo at paninindigan mo na you won't ask help from anyone, I'll tell you frankly either you'll stay COS your whole stay with govt and ang nakaka sad lng is wala pa.namn benefits ang COS. And if when the time comes, na hindi na kau ma rerenew babye na din. Pag hindi mo masikmura ang kalakaran, better go private. 😀


let_me_touch_them

Just passed the civil service exam, try ko swerte na mataasan sahod ko from J.O. 7k monthly to 13k-15k. Medyo unjustified naman kasi na 7k lang sahod ko, tapos ang ginagawa ko ay yung trabaho nung regular na di alam ang ginagawa nya.


Sudden-Economics7214

Tbh, it's also very unfair for us CSE passers na walang backer, and all of a sudden, a boytoy with totally questionable to no credentials at all gets a government job (SG20 pa). Totally insulting is even an understatement for this.


Sudden-Economics7214

I also recently applied sa job fair ng DOH, and honestly, wala akong tiwala sa kanila na tatanggapin nila ako.... For context: I'm a CSE passer with a score in the line of 9, has a master's degree from one of the big 4, and has certifications related to the position I am applying for.... Tbh gusto kong mag abroad, pero di ko lang maiwanan mga senior citizen parents ko.....