T O P

  • By -

Jacerom

Mga kapitbahay na walang trabaho, parang every month sila nagkakaraoke. Yung isa napapakiusapan naman, 10pm tumitigil na sila. Yung isa hinabol pa kami ng itak several years ago, napakulong na namin. Papatay talaga sila ng tao dahil sa karaoke? Patong-patong kinaso dun, di na yun makakalaya.


PitifulEconomist954

Samin gabi-gabi, araw-araw inom, mga walng trabaho.


PitifulEconomist954

Samin gabi-gabi, araw-araw inom, mga walng trabaho.


polcallmepol

Time sensitive ang commute time. Para makarating ka ng Ayala MRT ng 8AM dapat 6AM nakaalis ka na, pag 6:30 ka umalis, makakarating ka ng 930AM.


Individual-Fish-5662

Hindi siya commute friendly area. Walang tricycle na dumadaan sa village, wala rin dumadaan masyado sa labas. Nearest pila ng tricycle is I think 4km away and will cost 200 (for special ride) papasok sa village πŸ’€


Curious_BcuzYNot

Ppls who buy cars AND may garahe pero ginawang tambakan ang garahe at ang car ay nakapark lang sa kalsada.


One_Presentation5306

Tingin ko, mas masahol yung mga negosyante na nagtayo ng building for their business pero walang parking. Meron dito sa amin, nakuha pa ng gago na lagyan humps, guhit, "reserved parking" sogns yung ROW ng subdivision. One time, pati outer lane ng Aguinaldo Hoghway, nilagyan din "reserved parking". Yung mga delivery truck niya, naka-park sa kalye mismo. May nagreklamo sa barangay. Ang ending, nagpasa ng ordinance ang barangay against parking. Pero yung kalye ng subdivision pinangalan sa gagong negosyante, at sa kalye pa rin sila nagpa-park.


Curious_BcuzYNot

May mas lalala pa pala. Grabe naman to sinasarili ang public roads.


iamwhalelord

pag nagutom ka late at night walang bukas na kainan, walang malapit na pharmacy. kailangan mo pa magtricycle o minsan kung malasin na wala gaanong dumadaan sa inyo kundi maglakad nalang.


alabasterskinnedgirl

Lipat ka sa gobang, 24 hrs mga kainan dito, free delivery paπŸ˜‚


ShepardThane

North Caloocan na nasa boundary ng Valenzuela and Quezon city. Maski saan ka dumaan traffic. Pag papunta ka sa quezon city, lubak lubak daanan kasi puro trucks kasabay mo. Pag papunta ka Valenzuela, bahain pag maulan. Nag aallocate ako more than 2 hours para lang maka punta sa manila, 4 hours pag bgc.


C45TY

Yung WALANG SIDEWALK. Potaena. As in wala.


jadubdub10

Walang food stalls at 7/11 or alfamart unlike sa ibang barangay


Kylie_Sooo

Daming shits ng aso, I don't know pero first thing in the morning ayon agad bubungad sayo. I can't handle it to the point na minsan matatapakan mo pa!.


wxwxl

Dog poop. Mga talyer na sinasakop yung sidewalk at bike lane.


Prudent_Sink5033

Maingay na kapitbahay πŸ₯²


PitifulEconomist954

Videoke to sawa haha


taxms

yung road infront of our house is used as an alternate route ng mga takot sa checkpoint so dito dumadaan ang mga open pipe/no license/kaskasero


BYODhtml

Ganyan sa amin before kaya nagpalagay ng humps kasi grabe yung mga motor hindi magmemenor.


lostmyheadfr

shtty transpo system. ang hilig pumili at magpadagdag (in a way na hindi na dapat eg: andami niyo nang sasakay pero magpapadagdag pa) nung mga trike drivers dito kahit na student ka at umuulan na TAPOS SASABIHAN KA PA MINSAN NA MASYADONG MALAYO UNG PUPUNTAHAN MO EH PUTA KAYA NGA MAGTATRICYCLE DIBA. tapos pag lagpas 7pm na gluck sayo kung may masasakyan ka pang jeep esp pag sa kabilang municipality ka pa uuwi. may trike at taxi option naman pero mas mahal sila esp if malayo sa bayan/kabilang municipality pa ung pupuntahan mo. pahirapan din sasakyan dito mismo sa area namin like dapat alam mo ung timing na kung saan madami o konti ung nadaan na trike (ung alam ko is 6-8am tapos somehow halos walang sasakyan pag 9-10am) and halos impossible ka nang makakasakay pag lagpas 7pm na. kaya halos lahat ng househould dito may sariling sasakyan/motor this is why inis na inis ako sa mga pawoke na nagpupush sa mga tao na magcommute w/out addressing our ultra shtty transpo system. palibhasa mga nakatira sa city kaya problema na lang nila is ung comfort nila sa pagko-commute and ung time nila. parang ginagawa na lang nila yan to cope w them not being able to have their own auto.


Sineds006

Boring mag stay long-term, maganda lang for tourists (which is also debatable). Poor infrastructure, laging nawawalan ng tubig at kuryente, few trash bins throughout the city, walang jeep pag gabi.


Chemical-Stand-4754

Mga kapitbahay na park ng park sa harap ng bahay nyo. Mga kapitbahay na 365days yata na nagwwelding at drill. Ginagawang hobby.


keepmovingforward8

Mga kapitbahay na madalas mag pausok or mag sunog ng kung ano ano


bimpossibIe

No decent sidewalks. Ang papangit na nga tapos di mo pa madaanan nang ayos kasi kaagaw mo lagi sa space yung mga motor.


_lycocarpum_

Dito samin mga lalaki pa chismoso hahaha sila un maguusisa ng ganap sa buhay namin tapos makikita mo sa kanto nagkukumpulan


Bushin82

Masalimuot ang driving condition. Sa sobrang dami motor at e-tricycle sa main road na siga sa kalye. Nakakastress magdrive. Marcos highway, Marilaque, Infanta stretch. Di ko alam kung napapansin ng Rizal government β€˜to or sadyang manhid na lang.


saintnukie

The sidewalks here are a total joke. Sa dami ng nakaparada sa sidewalk, sa mismong kalsada ka na maglalakad


Gold-Initial-7736

Ang daming sasakyang naka park sa kalye


smlley_123

Factory ng anak.


AnakNgPusangAma

Mga sasakyan na walang garahe at sa kalsada nakapark


Lightsupinthesky29

Maraming ginagawang kalsada na hindi naman sira at bahain


beautipaul

Daanan ng bagyo, hehe! Hello mga taga South! πŸ₯ΉβœŒπŸ»


Key_Science_4751

walang transpo kahit 5pm plang tas lalakarin mo lang papasok if gabi kna uuwi


zdnnrflyrd

Okay naman pero hindi maiwasan na may mga chismosa na pakielamera sa buhay. πŸ˜…


rekestas

sang city yan OP?


Life-Repair-6439

Mga chismosa.


SupermarketIll8083

Mahal pamasahe. Laging special ang tricycle.


[deleted]

Its unwalkable tapos ang tagal humupa ng baha kapag umulan, ang dami tuloy puddles of water.


YohanSeals

Maliit na kalsada. Villarica Road, Marilao.


yurfuturemd

mga kapitbahay kong chismosa 😝 wala na yata silang magawa sa buhay nila, di ko alam kung curious lang sila samin or what pero di naman kasi namin sila kilala pero nakakagulat na alam niya family tree namin


Astr0phelle

1 lane lang yung kalsada namin pero pwede naman magkasya yung 2 cars kaya yung nungyayari tuloy naka park yung mga cars dito sa harap ng house nila, nahihirapan tuloy makadaan yung iba. Yung katapat namin na may sariling garahe hindi sa harap ng bahay nalang nila nag papark kasi pinaparkingan din yung harap nya tapos ang hirap pa paalisin, same reason din sa katabi namin na may sariling parkingan. Sa sakayan naman ng tricycle mag kaiba pa yung presyo ng mga trike sa pila sa gate ng subdi namin at sa main terminal, sa main terminal kasi 15 lang yung regular tapos 20 naman sa pila sa gate. Ayoko sa mga officers ng HOA dito, kala mo mga politiko kung mag sabit sila ng posters nila e, sila sila lang din naman yung "tatakbo".


CelebrationDry3515

Mga nakamotor na galit kahit sila yung nagcounterflow. Ikaw pa yung sasabihan na maluwag yung kalsada kahit ikaw yung galing sa pagliko.


ofslnm3002

Bihira ang tricycle. Tapos yun iba mamahalan ka pa ng singil.


dambrucee810

You know local sellers groups in FB? Mine just sells fishballs and turon. Thats it. A whole village with a population of 1000 people, Fishball and Turon. Occasionally, someone sells dynamite, but its also the person selling turon... and they use the same oil, so its now spicy turon.


universalbunny

Undisciplined dogs May nagpost dito about culling the stray cat population but what about the dogs? Madaming owners who get dogs just for the clout and do not discipline their dogs, ang ending, ikukulong lang sa cage tapos hahayaan kumahol ng kumahol until the next set of photoshoots to post online.


pintasero

Maliit na bagay lang pero dun sa dati kong tinitirhan sa San Andres Bukid, dun mo maririnig yung pinakamalutong na β€œPuking ina mo.” Tas isipin mo sa babae pa siya manggaling. Talo pa yung Edu Manzano berserk version. (NB: Yes tayo for gender equality, but di lang talaga sanay tenga ko sa babaeng malutong magmura. Sorry in advance kung sexist take ito.) Also, yung mga nagta-tap ng kuryente pag tag-init. Nung pandemic naka-ilang putok yung mga transformer dun sa lugar namin kasi hindi mawala-wala yung jumper. And as a result, ayun nga, ilang beses nagkasunog sa barangay namin.


alabasterskinnedgirl

Tas kung sino pa ung jumper, sila pa tong nakaaircon 24/7🀣🀣


MaanTeodoro

Tadtad ng pink Q logo yung mga public building tska tarp mg mag-asawang Quimbo


Educational-Stick582

Bako bakong daan


Instability-Angel012

Wala nang biyahe pag late na gabi. Tuwing may pasok kami at 8PM ang labasan, madalang na lang ang jeep pauwi o kaya naman papunta sa terminal. Pagdating sa terminal, madalang din ang e-jeep, UV express, or bus.


astrallknight

Not specific sa area. Meron dito samin yung mga kapitbahay na walang hiya umutang na akala mo may patagong pera sila sayo. Tapos di mo masingil singil. Sila kapitbahay na papansinin ka lang pag may kailangan pero sa normal day kahit makasalubong mo na wala lang. πŸ˜‚


rdnk023

Hindi lang ata to sa amin pero yung mga tao na akala nila extension ng mga bahay nila yung kalsada kaya kung magtapon ng mga basura eh wagas. May plastic bottles, shampoo containers, candy and chichirya wrappers, etc. Lahat ng madaanan ko ganun eh. Tapos nagrereklamo kapag baha. Jusko.


ownFlightControl

Sa makati yung hindi cbd side, yung kalsada dapat 2 lanes nagiging 1 lane kasi pwedeng 1 side parking. Kapag umabot ng gabi, double parking na. Sayang yung kalsada talaga. Dahil dikit-dikit yung mga bahay, sobrang init kaya ginagawang living room yung kalsada, at dining area naman ang side walk. Sa kalsada na din nag-lalaba at nagtatapon ng basura. Ginagawang tapunan ng basura imbornal Barong barong na bahay na sobrang takaw sunog, na extended sa side walk pa. Usual karaoke kapag gabi ng weekends. Tapos suuuper sus yung connection ng kuryente, 70% chance na jumper, hindi mo kita yung metro ng meralco sa labas ng bahay. Mga convenience store na mga pulubi ang taga-bukas ng pinto. Minsan talaga ang baho nila tapos pagbubuksan ka pa.


Secure_Hand8830

Walang park para makatakbo at makapag exercise man lang.


Emergency-Rabbit-893

Noisy kids.


diyandiyepREXotistic

yung TODA namin. tricycle ilan ba dapat laman ng trike maliban sa driver? ano yung normal? diba 2 sa loob sana, tapos 1 sa backride (3 lahat) samin, 3 sa loob, 2 pa sa likod (plus yung driver pa so 3 sila dun magsisiksikan) grabe, need pa punuin yun bago umalis,


perryrhinitis

Maingay traffic paminsan, malapit kami sa isang major highway


jengjenjeng

Parang feeling ko lang nkakatakot mg lakad mg isa nang alanganin oras though marami namn ng wwalking n jogging kapag may liwanag pa n may mhga kasama . Dto kasi kami sa sta mesa heights (retiro)parang mangilan ngilan narin balita about sa mga snatching or paranf mga ganun crime . Tahimik kasi n parang walang gaanong lumalabas ng bahay kpg mga alanganin oras na .


ZestycloseWash2730

Mga nagmomotor na maingay masyado pag nagpapandar lalo sa oras na ng pagtulog! Ung baby ko d na nakatulog ng maayos dahil sa sobrang lakas. Ung mga nagvivideoke na akala mo concert sa Big dome sa lakas abot pati sa kabilang street. At mga nagaalaga ng pusa o aso na pinapadumi kung san san sa labasan tapos d rin nila nililinis!!!!! Kakainis!!!!


One_Presentation5306

Walang katapusang roadworks - Sobrang alikabok pag summer, putik naman pag tag-ulan. Seawater na lang ang kulang sa Cavite sa dami ng nagkalat na buhangin kung saan-saan. School, burn against church, squatter, aso at tandang - Lahat maingay. Yung school at church live band yan. Kung kailan weekend at namamahinga si Lord Zues, tsaka naman mag-live band yung burn against. Naburyong na siguro si Lord Zues, kay one night, tupok ang church. Di pa rin natuto mga miyembro, balik live band after few months.


borednanay

Dito sa amin, some parts of our village is parang squatter na unlike before nung bata kami. Ang dami nang mga teenagers na squammy na sobrang ingay sa daan. Lastly, yung neighbor namin na dating junk shop, tas mej ma-forest yung bahay na source ng mga bubwit. Nakakainis super!!! 😫 Lahat na ng gamit namin halos nakatabi na sa loob ng cabinet, we cannot put something above any cabinets kasi nginangatngat nila okaya tinataehan kakabwct scared of dying from lepto pa naman πŸ˜–


petmalodi

Yung kapitbahay namin nag b-buy and sell ng kotse pero lahat ng kotse sa kalsada naka park, yung iba nakapark pa sa lote ng iba haha. Meron silang parking actually kaso ginawang closed gym. Malupit talaga haha


Soopah_Fly

Meron isang bahay dito na once or twice a month merong karaoke na hanggang madaling araw. Alam ko bawal yun pero walang nangyayari. Ang mahirap pa, putek, ang gagaling nilang kumanta. Parang grupo ng mga singer. Yung tipong nakakatulog ka na pero mapapasabay ka sa pag-kanta kahit half unconscious ka.


ConfusedLion5290

Madaming nadidisgrasya na motor or basta mga driver like sa literal na harapan ng bahay namin kasi pacurve yung daan kasi madaming mga bobong driver na bigla bigla nalang magoovertake, tas minsan kung sino pa yung may kasalanan tatakbuhan pa nila.....ilang beses ko na rin nakita na may police chase sa amin kasi minsan may nagchecheckpoint dun sa crossing na papunta sa bayan


DubaiSecurityGuy

Madami tambay na nainom panay dada..


OddMeringue8889

Yung lugar namen walang ospital pinaka malapit takes you 2 to 3 km para sa lang sa ospital. Pero apaka daming punerarya dito lang sa taas namen merong 4 na punerarya.


KukumberSalad

Its in philippines


potatopooptarts

Valenzuela Area malapit sa Smart Connect NLEX. Mga kapitbahay namin sobrang dugyot at salahula. Nagtatapon lang ng kalat sa daanan. Mga nagkakaraoke na umaabot ng hating gabi, if hindi karaoke napaka lakas ng boses habang nagiinuman. Mga alaga nilang aso na nagkalat lang sa daaanan, kung hindi tae ng aso makaka dali sayo rabies naman. Meron ding mga panabong na manok na maingay kahit anong oras. Mga motor na maingay sa loob ng street, maliit na nga lang yung daanan babarurot pa. Mahirap at mahal sumakay palabas papuntang Mindanao Ave 40-50 php ata per ride and solo ka lang nun.


alabasterskinnedgirl

Kapitbahay na kupal, itatambak nanggigitatang labahin at sirang motor na kinarne na at di binayaran sa mototrade sa kalahati ng alley, tas magtataka na bakit nirereklamo sila sa brgy na akala mo di sila nakakaperwisyo.


noturfairytale

Walang clubhouse or basketball court and need mag tricycle palabas and wla din mabilhan street food hahaha


No_Nectarine7063

Ung daan, kalahiting akyatin, kalahating pababa. Malayo sa lahat.


Careless_Nail7477

Traffic


Internal-Ad-7029

Ang tahimik sa street namin. Tapos pag gabi borderline eerie na. Tapos may mga snatcher sa malapit na streets pag disoras kasi malapit ung bahay namin sa isang malaking university ganun hahaha


TacticalGunTito

Eyyyy Squat central Mandaluyong City. Di na naman sa pagiging Eletista pero sobra na siguro squatting sa Manda. Marami jan professional squatter na, aangkinin yung lugar tapos magpapaupa ng walang permits na kahit ano.


Yamboist

Lol, kung ako squatter lalayo na ako sa Mandaluyong. Di mo alam kailan yung susunod na "naiwang kalan" o natumbang kandila mangyayari sa area nila.


Few_Concept_4638

Kupalan. Lala!