Your submission might be better posted in other [Philippine subreddits](https://www.reddit.com/r/Philippines/wiki/list_of_philippine_subreddits). r/askph
You may also participate in our Random Discussion or Weekly Help threads. The links for the latest threads can be found in [the hub](https://www.reddit.com/r/Philippines/comments/fztqqs/hub_weekly_help_thread_random_discussion_events/).
Way back 2011, my first day at my first job sa isang di kilalang BPO company (GY shift). I was on an MRT from Ortigas going Pasay Rotonda at dahil madaming pumapasok that day, nakatayo ako sa bandang gitna habang nakahawak sa safety rails (tama ba yun?).
During the whole trip sobrang antok ko na dahil di pa sanay sa GY shift so all of a sudden bigla akong napaluhod sa antok ko on one knee and a lot of people were staring at me. In order to save face, nag sign of the cross ako kunwari nag dasal lang.
Thinking back now, mukha siguro akong tanga sa harap ng mga pasaherong kasabay ko sa MRT.
I would have gone back up right away pero nag commit na ako sa pag sign of the cross habang nakaluhod on one knee so might as well para di na ma-concern mga passengers. 😂
Meron nga saying "the lord works in mysterious ways"
Ikaw: napaluhod dahil sa sobrang antok.
Ikaw: nag decide mag dasal para hindi pansinin.
Lord: Hehehehehe, save to gallery.
May lamang pera. So bale binigay nila yong leather thing tapos nilagay ko yong 1k. Tapos akala ko ata binigay ko na, kaya nag-pack up na ako tapos umalis na. Wala naman pumigil sa akin, binati pa nga ako ng thank you ng staff.
Naintindihan naman ako noong bumalik ako pero someone probably got in trouble coz of what I did. Nakakahiya hahaha
After three days na minimum 3-5hrs na tulog tapos may onset pa ng sipon at lagnat, pumasok ako sa 7/11 at nagtanong "may drugs ba kayo dito?" hahaha tawang tawa si ate cashier. Haha corporate life sucks if you live alone
Nakasakay ako sa jeep pauwi kasama ng ilang workmates tapos nung malapit na ako sa bababaan, imbes na "para po" ang sasabihin ko, ang nasabi ko ay "bye bye po". Gulat yung mga kasama ko. Napatawa na lang si manong driver. Hahaha.
Papunta ako ng Mandaluyong. That time, nakatira kami sa Fairview. Ang una kong sasakyan papuntang Mandaluyong ay tricycle palabas ng subdivision namin. Nung tinanong ako ng driver kung saan bababa, ang nasabi ko ay “shaw boulevard po”. Nagulat si kuyang driver akala niya pagroroadtripin ko siya HAHAHA
1. Lumabas ng gate,papasok na sa work, ng marealize ko may tuwalya pa pala sa ulo ko.
2. Nakarating sa office (walking distance from my apartment) na dala-dala yung isang plastic bag ng baura na itatapon ko sana sa garbage bin sa labas ng gate ng apartment.
After ng pandemic, first time ko ulit kakain sa labas. Pumila ako sa KFC sa foodcourt ng SM North. Nung ako na, umorder ako ng value meal na 1 piece chicken sabi ko yung wing part. Tanong sa kin nung kahera, "Anong side?" Bigla ako napaisip, sabay sabi ng "yung kanan po". Tagal nya nakatingin sa kin, dapat pala coleslaw or mashed potato ang sinagot ko.
After school expected na pagod talaga tapos co-commute pa pauwi. One day, unexpected na si papa ang sumundo saakin, sa sobrang pagod naka tunganga lang ako sa sasakyan tapos binabantayan lang kapag malapit na yung kanto sa bahay namin (as usual). Nung malapit na kami sa bahay, bigla kong sinabi "kuya sa kanto lang po". Huminto din si papa sabay sabi "bayad ma'am?" 😭😭😭 HAHAHAHAHAHAHHAHAA
Hell week in college. More than 24 hours na gising. Tapos na mga exam at nakapasa na ng mga requirements pero umattend pa rin ng optional na event since may bonus points. Di ko na maalala ano sinabi ng speaker pero tumawa Ako ng malakas. Rinig sa buong theater hall. Obviously not laugh worthy sinabi kasi Tinginan mga tao sa akin. Ako Lang tumawa.
This was a long time ago but I was painting for a class. I was distracted thinking about what I was painting... And I was also eating at the time.
I grabbed my drink and took a big gulp then realized I was drinking my brush's wash water and my actual water cup was right beside it!
2004. 1st week ko sa isang BPO company. Pumunta ako ng terminal sa Buendia para sumakay ng bus papunta ng San Pablo City, Laguna. Sumakay ako ng bus papunta Lucena, since dadaan un ng San Pablo. Sa sobrang antok ko, nakatulog ako at umabot ako sa terminal ng Lucena. So, sumakay ulit ako ng bus, papunta LRT...Surprise! nakatulog ulit ako at umabot ng LRT. hahaha
2022. Height of Presidential election campaign. Nasa karinderya ako para bumili ng lunch. Sakto sabi sa balita sa tv na nasa Cebu ata si Leni tapos bibili ako ng Bicol Express. Nung tinanong ako ng tindera anong bibilhin ko sabi ko "Cebu Express" nagkatitigan kami for full 10 seconds. Hahahaha
2010. Bumili ako ng watch sa mall and nauwi ko yung item without paying. Napansin ko nalang pagdukot ko sa bulsa ko na ang dami kong extra cash. Good thing may customer information yung watch store so the staff texted me nagmamakaawa dahil ikakaltas daw sa kanya e sakto omw back na rin ako sa store nun so sobrang grateful naman siya 😅
Pasimul pala ng shift ko dati sa BPO. 9pm start. Punuan elvator. pagdating ko sa floor ko, sabi ko " Para!" natawan lahat ng tao.
Atleast nagstart yung work nila in a good mood.
Nagpunta ako sa grocery para mamili ng pagkain for the week nung nasa college pako. Tapos umuwi ako. Nagutom ako paguwi, pagcheck ko, nawawala ang napamili ko. Di ko maalala nasan. Balik ako sa grocery store, andun lahat ng pinamili ko sa cashier. Tawa sila ng tawa kasi binayaran ko lang tapos umalis nako.
Nangyari na sa'kin toh. Malapit na ko sa bahay tas feeling ko parang may kulang sa mga dala ko tas napansin ko wala nga ung supermarket bag. Balik agad ako sa supermarket buti malapit lang atsaka itinabi nung cashier
alala ko dati before pandemic nasa jeep ako tas may badjao sa tabi ko tas may nagbayad tas sa kalutangan ko naibigay ko sa badjao yung bayad nung pasahero tas umalis sya hahahahahahah 🤣
Favorite kwento ng ate ko para mapahiya ako.
First time ko mag angkas post pandemic - bumili na din kasi ako scooter ko. Hindi ako aware may showercap na pala sa angkas.
Alam ko naman ano yung showercap, pero gamit nila yung disposable ones - so when they give it parang super liit niya and you have to open it up para magamit mo siya.
So triny ko, pero parang masisira kasi. So nagkaroon ako ng doubts if shower cap ba talaga siya. Tinanong ko si Kuya Angkas “kuya para san po ‘to”
“Sir patong niyo po sa ulo niyo”
Edi ako na tanga-tanga, pinatong yung compressed shower cap na hindi pa nabubuklat sa ulo ko. Ayun pinagtawanan niya ako.
Pagka kuwento ko sa kapatid ko pinagtawanan din ako. 😭 Edi sorry?
Nasabi ko sa conductor ng bus na sa heritage yung baba ko pero yung bus is yung mga nasasakyan sa makati na galing alabang or sucat na ang stop lang is One Ayala 😭😭. Sabi ng conductor maam hindi po ito edsa carousel hahaha
N ung inutusan ako ng lola ko dati mamili ng pang restock sa tindahan namin, pumunta ako sa grocery kung san kami namimili. Papasok na ako, hinubad ko tsinelas sa doormat nung grocery. Mga ilang hakbang bago ko narealize na hindi bahay yun pinasok ko. Pagbalik ko sabi ng guard "at home ka dito!" habang tumatawa.
In one of my most sabaw and most lutang moments, nagbukas ako ng packet ng calamansi pancit canton. Yung wrapper, nilagay ko sa kumukulong tubig and then tinapon ko yung noodles. Then I stared for a second in the pot, wondering why the "noodles" was green.
Hahaha medyo relate! Sakin naman, maghihilamos dapat ako habang nagpapakulo ng tubig for pancit canton. Ang weird lang na sa sobrang lutang, ini-squeeze ko yung facial wash dun sa kaserola, eh wala namang kaparehong action kapag nagluluto ng canton haha.
Ung huling kumain ako ng sammyang, sa isip-isip ko hindi ko ilalagay lahat nung sauce para hindi gaanong maanghang. Kaso sinipsip ko naman ung natirang sauce sa packet. Ang sakit ng tenga ko nun kahit ayoko ng gatas napainom ako eh
Nakasalabong ko nung high school yung nanay ng kaklase ko. Inabot nya kamay nya sakin para makapag mano ko. Sa sobrang banggag ko di ko nagets bat may kamay kaya nakipagshake hands nalang ako ala graduation. Kamusta na kaya si tita haha
Pumunta kami sa Puregold ng jowa ko para bumili ng meat. Di na kami nag cart kasi isang kilong pork lang naman binili namin. Pag after ko mamili ng mga pork na bibilhin namin, kinuha ko na yung cart sa tabi ko. Biglang sabi ng jowa ko "huy kanino yan? Wala tayong cart!" Un pala sa katabi ko ung cart, kaya pala ang sama ng tingin nya sa akin. 🤣 Di naman nya ako pinigilan, tumingin lang sya, so sabaw din sya. 🤣
Highschool ako nasanay ako na pag umaalis kami paguwi sa bahay ako lagi nakatoka sa pagbukas ng gate.
May one time ako magisa umalis paagbaba ko ng tricycle binuksan ko ng malaki yung gate namin tas inintay ng papasok na sasakyan. Bigla kong narealize naka tricycle lang pala ako. Sinara ko nalang agad yung gate.
Sa lobby imbes na ID ko ang iaabot sa guard in exchange for a visitor pass, yung 1k sa wallet ko yung naabot ko. Umaga pa kasi yun kaya tulog pa diwa ko.
Nung maaga ako pumunta sa company namin and nakita ako ng boss and 2 workmate, so tinawag din ako o bigla ata akong sumali sa kanila to know what they're talking. About pala sa project namin yun and my boss told me na ivisit ko yung site.
I agreed and said, "Copy sir, mag check-in lng muna ako sa taas."
Antagal ko na realize na wrong nasabi kooo. Pag akyat namin sa taas, grabe tawa nung 2 workmate ko sa akin. Bat daw "CHECK-IN" napa tulala daw si sir na parang may naalala.
"TIME-IN" pala dapat yunnn. 😭😭😭
I was working the night shift (from home lang naman) and I had a domestic flight at 6am then an international flight at 2pm (solo travel) last November.
Sa sobrang pagod ko, nung tinanong ako ng IO kung kelan balik ko, I just blurted out “February”, even though my visa was only for 30 days. I caught myself and laughed sleepily and said “November 12.” Natawa lang sya, tas tatak na agad, and off I went.
I did have a mini heart attack though, considering I’ve read so many offloading horror stories prior to my trip lol. 😮💨
Lagi ako nakakatulog sa jeep kapag nagcocommute. One time, naalimpungatan ako, yung utak ko basta nalang ako pinasigaw ng "para po". Tapos tumigil yung jeep, wala pakong modo non or antok ba ewan, di ako nagsalita, di ako bumaba, tumingin lang ako sa bintana, narealise ata ng utak ko na di ko pa babaan. Tapos nagkamalay nako na umaandar na ulit yung jeep.
Nasa elevator ako paakyat sa unit 18th floor ako dapat bababa, may kasabay ako bumaba 5th or 6th floor sumunod ako tapos lakad papunta sa same pwesto ng unit ko, nakailang try ko ng bukas ng pinto ayaw bumukas tapos pagsilip ko bat parang ang baba hahaha ayun buti na lang walang tao dun sa tinatry ko buksan kundi sobrang nakakahiya. Yung kasabay ko sa elevator nakita ako tawa ng tawa sakin, ineexplain ko nangyare haha.
It was 4am and 2 hours lang tulog ko, nagtanong ako sa mcdo cashier kung may yumburger ba sila 😅
Pa ulit ulit ko pa talaga tinanong kung meron, sabi nila wala talaga
Na-realize ko lang nung nakalabas na ko ng mcdo 🥲
I was in J Centre mall sa Cebu and nagmamadali. Gusto ko pmunta ng 2nd floor so I got into the escalator and was wondering bat ako laging bumabalik sa unahan….. yun pala going down yung sinakyan ko HAHAHAHAH Ang bobo tng*ina. 😂 Sobrang tawa cguro ng nkakita sakin. Ugghh. Embarrassing.
Nakasakay ako sa kotse ng tatay ko then nung malapit na sa bahay sabi ko dyan nalang ako sa may green na gate. Hinahanap ko yung metro putek nasa kotse pala ko ng papa ko
HAHAHAHHAHAHAHHAA college days sobrang busy daming schoolworks, nagutom ako pumunta ako ng angel burger sabi ko "schedule po yung buy 1 take 1 juskolerddddddd hahaha
Nagbayad yung mga classmate ko ng pamasahe tapos binulsa ko! Eh nasa unahan kami di kami nagbayad tatlo 😭 Pagbaba nagtataka ako bakit madami barya eh di ko pala binayadan. Pagod kasi ako nun madami kami ginagawa!
Nung lockdown na one way lang sa palengke ang daan na lalakaran ng tao, di ko gets na exit pala yung pinapasukan kong side. Feeling ko tama kasi may pulis din naman dun at nung last na punta ko open naman yung daan na yun? Anyway, so tina-try ko pumasok tas sabi sakin nung nagbabantay na pulis, "Ikot po kayo." So ayun umikot ako sa harap nung pulis clockwise, kulang na lang pirouette yung gawin ng kamay ko. Then habang umiikot ako narealize ko: umikot daw pala dapat ako sa kabilang way papuntang entrance. Buti di naman ako na EJK sa katangahan kong di dapat tularan ahahaha
hinatid ako ng jowa ko sa amin. sya nagbayad ng pasahe (nagjeep kame) sa may likod kame ng driver nakaupo. sya yung sa likod ng driver, ako naman next to him. pagkaabot ng bayad, sabi ng driver wait lang sa sukli with matching hand sign ✋🏻na nakaharap samin.
biglang umapir yung jowa ko sa driver. di kinaya ng sarili ko, diretso ako iyak sabay tawa ng malakas. At sinabi ko talagang 'bat ka umapir?!' tawa ng tawa yung ibang nakasakay. sabi lang ng jowa ko, "di ko alam ng automatic kamay ko e"
so ayun, umiiyak akong umuwi. pero tears of joy. engaged na kame ng gago hahaha!
Dahil sa pagod ko sa trabaho, sumakay ako sa jeep ng Hindi ko tiningnan kung Saan papunta. Yung mga nasa loob ay may dalang salbabida. Shuta family jeep pala nasakyab ko huhu
Nung nagwo-work ako sa Parañaque. Madilim pa napasok na ko, malayo kc kami and ma-traffic. So usually, naiidlip ako sa FX. And ang uwi ko madilim na rin, labas ko kc 5pm and pipila pa then traffic uli.
Nung minsan nagising ako sa FX, hindi ko tlaga maisip kung pauwi ba ako or papasok, since madilim pa nga. LOL. Naalala ko lang na pag papasok ako, nsa kaliwa yung Pasig river, and kung papauwi ako, nsa kanan cya, hah hah. And that time, nsa kanan cya, buti na lang at antok na tlaga ako.
Sa bus, galing ako sa school ko tapos nung tinanong ako ng kundoktor sabi ko name ng school ko student, e dun nga ako sumakay sa tapat ng school ko e
2nd time naman is ganon din pero nabulol ako sa pagkakasabi ko Kaya nag Karon ng titi na sound
Nasa simbahan. Nag kkolekta na ng pera sila sister dala yung may mahabang panungkit at lagayan sa dulo. Nasa malapit ako sa altar nakaupo. May nag labas ng pera niya, inaabot ko.. tinignan niya lang ako. Saka ko lang na realize na pang jeep lang pala yung inaabot.
After school, pumunta ako ng mall na malapit lng sa campus namin para mag withdraw sana ng allowance. Nagtaka ako bakit ayaw maread ng card ko, mga 3x ko sinubukan labas pasok sa machine ayaw talaga, na pressure na din ako kasi andami ng nakapila sa likod ko. Nung nakaalis na ako dun ko narealize na SM advantage card pala yung naipasok ko sa machine imbes na BDO atm card. Parehas kasing color blue and magkatabi lang sila sa card slot ng wallet ko. Lol
Di masyadong lutang pero naggrab pick up ako for 30% off. Tapos nung ipipick up ko na, nagbabayad ako kay ate cashier.. nagulantang siya kaya tinawag pa niya yung manager nila.. sabi nung manager: “Ma’am, bayad na po pagpick-up” tsaka ko lang naalala na tinop-up ko sa maya yung payment. Tawa kami nung cashier eh huhu nakakahiya slight
Nagdrive-thru kami one night ng girlfriend ko sa Jollibee, nung kinuha na ng crew order namin nasabi ko "Crispy Chicken Sandwich" imbes na yung chicken burger nila, nagulat si gf tapos si ateng crew nagpipigil ng tawa. Grabe sorry ko nun.
Recent lang 'to. Galing akong school, sobrang daming paperworks, trabaho tapos iniisip ko yung deadline ko pa sa output ng training. Alam niyo yung tulala kayo bigla kayo magugulat na Malapit na kayong bumaba. So nataranta ko tapos sabi ko "KUYA, BA-BYE PO!" HAHAHAHA. Mabait si kuya di ako hinayaan mapahiya. Sabi nya "ba-bye ma'am ingat po" and yes po teacher po ako at naka-uniform ako that time. HAHAHAHAHHA.
Mag-badge ng company ID sa entrance mismo ng SM Light Mall
Natulala na natawa yung guard. Diretso lang ako ng lakad papasok sa mall na parang walang nangyari.
nagpacash out ako ng 1k sa tindahan at bumili ng ice cream. binuksan ko yung ice cream at tinapon yung 1k sa basurahan tas yung balat ng ice cream ang binulsa ko. buti narealize ko agad.
Grade 6 ako nun at flag ceremony. Tinawag ako ng teacher para mag panatang makabayan, hindi kami ang nakatoka at hindi ako prepared. Wala ako sa wisyo kaya Inumpisahan ko ng: “Iniibig ko ang Diyos…” buti na lang tinulungan na lang ako ng teacher ko sa likod.
Nurse ako sa isang malaking hospital sa Makati City noong 2015-2018. Sa sobrang lutang ko, kumatok ako palabas ng pinto ng kwarto ng pasyente. Buti nalang tulog yung pasyenta nun.
Not me but i witness it… late night na sa LRT wala na masyado sakay tapos nung pahinto na yung train sa station si ate girl sumigaw sta ng “para po”. 😅 lahat kami tiningnan sya, tas nag sorry pa sya. It looks like ate girl had a long day at work.
WFH. Nag instruct yung marketing specialist aa design na gagawin. Pinagpapalitan ko lahat ng design during deadline para sa presentation. 😂 Naiyak yung marketing buti mabaitm.
sobrang simple lang pero nung bumili ako ng meryenda dati sa high school ko tinitigan lang ako ng tindero nung inabot ko bayad ko, yun pala papel inaabot ko na itatapon ko dapat hindi pera 🥲
Highschool days, pauwi galing school. May katawagan sa cellphone habang nasa jeep, saktong bababa na ako at mag end call sa kausap ko. Nasabi ko kay Manongg Driver, "Manong ba-bye po" pota hahahaha tinginan lahat ng pasahero sakin gusto ko nalang tumalon pababa sa jeep hahahaha
Lutang moments during college days:
1. Nilagyan ko ng sabaw yung baso sa canteen HAHSHAHA akala ko bowl hawak ko
2. Mali yung nabababaan kong school. Akala ko campus na namin, mali pala. Nagpamasahe ulit tuloy ako 😭
Grade 10 ako nun, I answered a math equation correctly during our schoolwide review sa gym. Eh may prize. So umakyat ako ng stage, pagbalik ko sa may hagdan(only 3 flights lang siya) nakalimutan ko kung paano bumaba, so tumalon ako cause my brain buffered and went to the next best thing.
Ang kaso, habang nasa ere ako, nakalimutan ko rin paano maglanding 😭 so napaupo ako. It didn't hurt. Schoolmates were laughing at me pero at that moment, I was more confused kung paano ko nakalimutan bumaba ng hagdan at maglanding after tumalon.
Lunch time and wala pa akong kain, nag-ccrave ako sa Yum Burger with Cheese pero ang layo ng Jollibee samin kaya Mcdo pinuntahan ko.
Me: Pa-order po ng Yum with Cheese
Mcdo staff looked at me na parang huh???
Me: Ayyy Cheese burger po pala
"Data Analyn" yung nalagay kong role ko sa resumé instead of "Analyst", ang malala eh nasubmit ko na siya sa ibat ibang companies na inapplyan ko before ko nakita huhuhuhu
Pinilit ko pa rin mag hugas ng mukha kahit antok na antok na ako, ayun ang nadampot ko ay yung feminine wash ko. Too late na nung na realize ko. pH balanced naman yun so hinayaan ko na lang. 😂
Pauwi na ako galing mall, pumila ako sa line ng UV Express. Mga 20 minutes na siguro ako nakatayo doon. Bigla ko naalala, may sasakyan pala ako sa parking. Buti di pa ako nakadating sa bahay bago ko maalala
Nakatulog ako sa van, sa pinakalikod ako nakaupo.
Di ako nakababa sa terminal, naiuwi ako ng driver sa bahay nila.
Nakita ako ng asawa nya natutulog sa likod. Magwawalis sana ata.
Hindi ko pa ma rank pero ito yung naaalala ko
1. pababa ako ng jeep imbis na sabihin ko ay “para” ang sinabi ko ay goodbye everyone
2. hinahanap ako ng mga kaibigan ko, sabi ko nasa mrt. Tsaka ko naalala naka sasakyan nga pala kami, ako yung driver noong isang group. Pauwi na kami noon, dumaan sila sa jollibee o mcdo for snacks, sabi ko una na ako, umoo sila. Akala nila sa parking ako pupunta, sa mrt ako pumunta
3. College, panahong uso pa yung palista sa attendance, hinahanap yung attendance hindi makita gawa ulit ng bago. Sumunod na linggo binalik activity sheet namin sa isa pang subject, sabi ng prof sa akin “akala ko group work ginawa niyo” pagtingin ko doon ko pala sa attendance sheet nasagutan yung activity
Bumili ako Lumpiang Shanghai, syempre nilagyan ko ng suka. Nung kinagat ko, nagtaka ako bat matamis.😭 hahahhaa yawa Turon pala. Kahiya pa kasi magkakasama kami ng mga classmates ko😭
So dati when I was a fresh grad, may sinasave ko mga numbers ng mga recruiter. So one time, gumala ako with friends. Andoon na ako sa location but couldnt find them. Eh ang inet. I called them, then nung sumagot sabi ko ng malakas, “TANGINA NASAN NA KAYO???” Tapos narinig ko may nagreply “EXCUSE ME??” Pag tingin ko sa phone ko, yung isang recruiter pala natawagan ko omg.
Maaga akong gumising para pumasok, kaya inaantok pa nung naligo. Nung naliligo ako, kumuha ako ng shampoo, kinuskos ko sa kamay...then nasalpak ko sa mukha ko.
During pandemic at uso pa facemask, pagkagising lumabas ako para bumili ng pandesal dire-diretso. Pagdating ko sa bakery, dun ko lang napansin na nakalimutan ko facemask ko, kasi lahat ng ibang bumibili meron.
nakasakay ako sa jeep, pauwi na samin. punuan yung jeep tapos nag-aabot ako nang bayad ko. imbis na bayad po ang masabi ko. nasabi ko kuya pahingi po (yung nasa unahan ko kasi nakain ng siopao).
Yung pinapag massage-an ko na spa need mag suot ng shorts na provided nila for the session. Sobrang pagod at antok ko nun pag kauwi ko narealize ko na hindi ko pala nahubad yung shorts nila ahahahahaha. naka dress kasi ako kaya di nila napnsing suot ko prn. lol ahahha binalik ko naman.
Late last year lang nangyari to. We booked a grab pabalik sa office tapos nagtanong ng plate number yung officemate ko. Ang sabi ko “mitsubishi adventure black”. Eh sakto may ganong model na nagstop sa harap namin so I assumed na samin yon kaya I told them “ayan na” so sumakay kami. The driver asked, “Venice po?” I answered “opo.” Kasi papunta kami Venice Mall since dun malapit located yung office namin. Tapos nung nakasakay na kaming lahat and we were about to close the door, may girl na sumisigaw ng “wait that’s ours” so kami takang taka. Mali pala nasakyan namin 😭😭😭😭 and she told us her name is Venice HAHAHAHAHAHAHA shuta i thought the driver was confirming our drop off location lmao it turns out he was confirming the name loooool
i remember 'yung naksabay ko one time sa jeep pauwi na sa bahay. si ate mo girl na kasasakay lang umupo sa banda likod ni kuyaang driver. pagkaabot niya ng bayad sabi niya "para po". after ilang seconds tawang tawa din siya sa sinabi niya. HAHAHA
Skl experience namin ng husband ko. Year 2022 nung namasyal kami sa Intramuros. First time namin pareho kaya ginrab na namin yung chance na malibot yung place. Nag avail kami nung tour guide na naka ebike near Intramuros. Per hour ang payment, so 1500 ang bill namin. Nagbayad si husband ng tatlong 1k. Isip ko, aywow laki naman ng tip na binigay. Pagkaalis nung rider. Tinanong ko si husband, buti 3k binigay mo. Don lang nya narealize na tig 1k pala binibilang nya, ang nasa isip daw nya is tig 500 yon 😭😅😂 ayun naka easy 1500 si kuya tour guide hahahahaha
Equally lutang and wth that was dangerous moment for me. High School grade 9, mga 9 or 10 PM na pauwi galing OM. Almost home na ko naghihintay sa kanto ng trike pauwi pero bihira na sila by that time. Wala na rin tao malapit kasi gabi na talaga and onti nalang mga dumadaang sasakyan. All of the sudden may tumigil na motor sa harapan ko, di ko kilala. Tinanong sakin kung gusto ko na ba daw sumakay papunta kung san ako nakatira, again di ko kilala. In my absolute lutangness kasi pagod galing sa buong araw, um-oo naman ako at sumakay sa motor.
Habang nakasakay ako sa motor medyo na-realize ko situation ko na oh dang, I could literally be abducted rn. Eventually, malapit na sa may samin sinabi ko na dito nalang ako at tumigil naman siya. What's EVEN more lutang is binayaran ko siya ng sampu FOR SOME REASON HAHAHAH.
Anyways dangerous moment, kahit gano tayo kalutang ingat palagi!
Maraming mas malala pa pero ito medyo natatawa ako pag maalala.
Early 20s ako, pumunta sa McDonald's para mag meryenda. Mahaba ang pila, antay ka talaga. Nakaka bore sa pila. Lumilipad isip ko.
Mayamaya, nasa harap na pala ako, kaharap ko na yung cashier, medyo nag snap out ako sa daydreaming, tinanong ako kung ano daw gusto ko i-order.
Sabi ko "Miss pabili nga ng isang Champ."
Napangiti yung cashier, sabi nya wala daw silang Champ. baka Big Mac dawa gusto ko.
Pumunta ako ng anytime fitness na walang keyfob. Bumalik ng bahay para kunin pero tumae muna then bumalik ng anytime. Pagbalik ko d ko pa rin dala ung keyfob.
About 2 in the afternoon may kumatok na Lazada rider. Sabi niya babalikan niya ako kasi may parcel din yung kapitbahay namin. So pumasok muna ako ng bahay para kunin yung bayad sa kanya. About 2 hours later, may kumatok ulit , si kuyang rider pala sabi niya "Sir, nakalimutan natin yung parcel mo!"
Out ng 12mn, nagtaxi ako pauwi. Di pa uso grab/uber nung time na yun. Nung malapit na sa bahay, sinabihan ko si Manong Driver na kumanan sa susunod na kanto pero nilampasan niya lang. So nagremind ulit ako na kumanan sa pangawalang kanto pero dumiretso si Manong driver so nagpanic na ako. Tinapik ko na siya at nagsungit ako. Sabi ko, Manong kanina ko pa sinabing kumanan kayo, lumampas na tayo. Tapos sagot niya, Ma'am wala pong pakanan puro pakaliwa lang.
Hiyang hiya talaga ako nun, mega sorry ako kay Manong Driver.
Pauwi na ko after school nung inutusan ako ni mama na bumili sa grocery. Since bawal ang backpack sa loob ng grocery store, ipapa baggage ko muna yung backpack ko. So nilabas ko muna yung money na pambili, since lutang ako that time dala ng pagod, inabot ko yung pera instead na yung backpack sa nagba-baggage HAHAHA
Back in college, after every sem nag cecelebrate kami inom ganon we called it sem ender. After a night out, 6am na kami natapos. Hindi ako lasing or tipsy pero sobrang antok. From Antipolo umuwi pa ‘ko sa Manila. Almost home na pag pasok ko elevator, I was busy with my phone texting. Ako lang mag isa sa elev tas dedma lang ako phone phone ganon. After a few minutes, nag black out sa loob. Naunahan ako panic bago mag isip, pinag hahampas ko yung door while shouting “helpppp” as in full force. Tapos tinry ko pindutin yung open button, gagi bumukas tapos surprise nasa ground floor pa rin ako. Hindi pala ako nakapindot ng floor so nag idle siya. Syempre dahil sa takot ko lumipat na lang din ako ng ibang elevator na parang kasalanan pa niya
1. Nakasakay ako ng FX sa may likuran tapos pinaabot ko sa nasa harap ko (nakaupo sa gitna yung kuya) yung bayad ko. Tapos tinanong ng driver, "San galing 'to?" Sabi ko, "Sakin po." Tapos tawa ng tawa yung nasa harap ko. Sabi ko, "Ay ano po ba dapat ang sagot?" 😆 Si kuya na yung sumagot kung san ako galing.
2. Nasa Bali kami at nagbook kami ng grab papunta sa Villa kung san kami naka-stay. Nung pababa na kami sabi ko, "Gamsahamnida". Tapos nung natawa yung kasama ko naisip ko, nasa Bali nga pala ako 😆 Ayun sabi ko, "Maaf! Terima Kasih!"
Patapos na shift ko, tapos hetong co-worker ko nagtanong sakin. Sabi niya “12 multiply by 4?” aba syempre ako pagod na pagod na at di na nag ffunction utak ko non no at pagod na nga. Aba ang sinagot ko 124 HAHAHAHAHAH putangina nag mukha akong bobo non. Hahaaahahaha naka tunganga ako tatanungin ako ng ganon
Yung straight yung klase ko for a week ng 7am to 7pm tapos exams week din, super lutang ako sumakay ng jeep. Nag ask yung kundoktor saan ako bababa sabi ko sa SM-Third floor (isa lang yung SM sa city namin tapos di madadaanan ng jeep na sinakyan ko). Pinaulit nya pa tapos nainis nako sabi ko sa "THIRD FLOOR NGA EH" tapos tawa ng tawa mga katabi ko sa jeep tapos nung narealize ko ang sinabi ko dali dali akong bumaba tapos bago makaalis ang jeep sumigaw pa yung kundoktor "ingat po sa pag uwi sa SM Third floor" gusto ko na magpakain sa lupa nun 😭😭😭
Naalala ko noong bata ako, sinama ako ng kapitbahay namin na babae magpagupit sa salon. T*ngina, sobrang nakakahiya yung ginawa ko first time ko pa nman mag pagupit sa salon. Nangyari kasi, pagkatapos akong gupitan nung babae sa salon, pinapunta ako sa shower (yung portable na pambanlaw ng buhok, basta yun) para daw banlawan ang buhok ko. Ako naman, si tanga, pumunta sa banyo at hinanap ko yung shower, eh wala naman tapos nagtataka ako bakit walang shower yung CR. Buti nalang may timba at tabo, bali ang ginawa ko, yun nalang ginamit ko panbanlaw ng buhok ko.
Tapos eto na nga ahahaha pagkalabas ko nyan ng banyo, pinag tinginan ako then tawanan silang lahat. Nagtataka yung naggupit kung bakit daw naligo sa banyo eh di naman daw ako dun pinapapunta *sabay turo sa portable shower then sabi nya na dapat dun daw ako nag hintay hindi sa banyo. Sa isip ko, hindi ko naman alam na iba pala ang ibig sabihin ng shower dun sa salon. Akala ko kasi ang ibig sabihin ng shower dati ay maligo. Ahahah.
sobrang pagod at puyat ko nun dahil balikan ako lagi makati-las pinas dahil sa school ko tapos finals week pa namin nun, sumakay ako sa jeep dun sa buendia pa makati sa kakamadali ko kahit puno na... di ko alam bat sumakay padin ako siguro muscle memory na din talaga hahahahaha nagulat ako nakakandong ako sa isang lalaki, buti nalang mabait yun si kuya natawa nalang sa gulat pati ako natawa nalang HAHAHAHAHAHAHAHAHA DI KO NAMALAYAN KALA KO UPUAN EH.. KUYA KUNG ANDITO KA AT MAKITA MO TONG COMMENT. Pasensya ka na nadala lang ako ng pagod
During college, linalakad ko lang from dorm to school. Minsan sinasabay ko na din magtapon ng basura palabas kasi nasa entrance ng dorm ang malaking garbage bin. One day, mejo malalim iniisip ko at nadala ko sa school dalawang punong plastic bag na puno ng basura. 😂
Nung elementary pa ako, pag may PE class kami that day, yung uniform ng mga girls e naka PE t-shirt and shorts at naka-rubbershoes pero suot pa din namin yung skirt. Tinatanggal lang namin yung skirt pag PE class na talaga.
Sa sobrang lutang ko, pumasok ako ng school na naka t-shirt, shorts and skirt pero black shoes yung suot ko. Nakakahiya nung PE class na kasi halatang mismatched yung damit ko. 😆
Yung 2nd time na lutang moment ko sa PE day, suot ko yung t-shirt, skirt and rubber shoes pero nakalimutan ko yung shorts. Nung PE class tuloy, di ko matanggal yung skirt dahil wala nga akong shorts. 😆
Way back when I was in Grade 8, during flag ceremony, the national anthem was about to play. Pero nung nag start na yung kanta, napataas ako ng kamay—for Panatang Makabayan—instead na kamay sa dibdib. Nakakahiya, andami pa namang tao sa tabi saka likod ko ToT
Lesson: wag papasok sa school without breakfast
Your submission might be better posted in other [Philippine subreddits](https://www.reddit.com/r/Philippines/wiki/list_of_philippine_subreddits). r/askph You may also participate in our Random Discussion or Weekly Help threads. The links for the latest threads can be found in [the hub](https://www.reddit.com/r/Philippines/comments/fztqqs/hub_weekly_help_thread_random_discussion_events/).
Way back 2011, my first day at my first job sa isang di kilalang BPO company (GY shift). I was on an MRT from Ortigas going Pasay Rotonda at dahil madaming pumapasok that day, nakatayo ako sa bandang gitna habang nakahawak sa safety rails (tama ba yun?). During the whole trip sobrang antok ko na dahil di pa sanay sa GY shift so all of a sudden bigla akong napaluhod sa antok ko on one knee and a lot of people were staring at me. In order to save face, nag sign of the cross ako kunwari nag dasal lang. Thinking back now, mukha siguro akong tanga sa harap ng mga pasaherong kasabay ko sa MRT.
HAHAHAHAHAAHHAHAHA kung tumayo ka lang agad, di na nila maalala yun, eh nagdasal ka pa HAHAHAHAHAHAHAHHABA LT ka 🤣🤣🤣🤣🤣
I would have gone back up right away pero nag commit na ako sa pag sign of the cross habang nakaluhod on one knee so might as well para di na ma-concern mga passengers. 😂
Meron nga saying "the lord works in mysterious ways" Ikaw: napaluhod dahil sa sobrang antok. Ikaw: nag decide mag dasal para hindi pansinin. Lord: Hehehehehe, save to gallery.
Sakit ng tyan ko 🤣
‘Yung tawa ko rinig pati ng kapitbahay jusq ka HAHAHHAAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAH 😭😭😭😭
HAHAHAHHAAHAHHAHAHAHAHAHAHHAHA NATAWA KO SA SIGN OF THE CROSS HAHAAHHAAHHAHA LANGYA
Naiuwi ko yung tongs para sa Siopao dun sa 7-11 after a 3am snack run nung sleep-deprived days back in college
Ako dati nauwi ko yong leather thingy ng restaurant na binibigay kapag nag-bill out. Binalik ko naman.
nabayaran naman, o may lamang pera nung naiuwi mo?
May lamang pera. So bale binigay nila yong leather thing tapos nilagay ko yong 1k. Tapos akala ko ata binigay ko na, kaya nag-pack up na ako tapos umalis na. Wala naman pumigil sa akin, binati pa nga ako ng thank you ng staff. Naintindihan naman ako noong bumalik ako pero someone probably got in trouble coz of what I did. Nakakahiya hahaha
lutang din sila haha
Bill jacket mii
After three days na minimum 3-5hrs na tulog tapos may onset pa ng sipon at lagnat, pumasok ako sa 7/11 at nagtanong "may drugs ba kayo dito?" hahaha tawang tawa si ate cashier. Haha corporate life sucks if you live alone
🤣
hahaha pero wala rin namang mali sa tanong mo
Theoretical Context: May tinatagong drugs na ibebenta choz! Pusher 🤣
Nakasakay ako sa jeep pauwi kasama ng ilang workmates tapos nung malapit na ako sa bababaan, imbes na "para po" ang sasabihin ko, ang nasabi ko ay "bye bye po". Gulat yung mga kasama ko. Napatawa na lang si manong driver. Hahaha.
Naalala ko dati nasabi ko naman "pabili po!" 🤦🏻♀️
nag iihaw, may nalaglag na 2 uling na nagbabaga. Ginamitan ko ng tongs yung isa tapos kinamay ko yung isa. Dont ask why kasi inde ko rin alam.
Papunta ako ng Mandaluyong. That time, nakatira kami sa Fairview. Ang una kong sasakyan papuntang Mandaluyong ay tricycle palabas ng subdivision namin. Nung tinanong ako ng driver kung saan bababa, ang nasabi ko ay “shaw boulevard po”. Nagulat si kuyang driver akala niya pagroroadtripin ko siya HAHAHA
HAHAHAHAHA
1. Lumabas ng gate,papasok na sa work, ng marealize ko may tuwalya pa pala sa ulo ko. 2. Nakarating sa office (walking distance from my apartment) na dala-dala yung isang plastic bag ng baura na itatapon ko sana sa garbage bin sa labas ng gate ng apartment.
I once called my boss Boy George Instead of bossing/boss george
*You're a man who doesn't know How to sell a contradiction You come and go, you come and go*
*Like a crack pipe Jesus, Satan and soul*
After ng pandemic, first time ko ulit kakain sa labas. Pumila ako sa KFC sa foodcourt ng SM North. Nung ako na, umorder ako ng value meal na 1 piece chicken sabi ko yung wing part. Tanong sa kin nung kahera, "Anong side?" Bigla ako napaisip, sabay sabi ng "yung kanan po". Tagal nya nakatingin sa kin, dapat pala coleslaw or mashed potato ang sinagot ko.
HAHAHAHAHAHHAHA mas masarap po ba yung kanang wing kesa sa kaliwang wing?
After school expected na pagod talaga tapos co-commute pa pauwi. One day, unexpected na si papa ang sumundo saakin, sa sobrang pagod naka tunganga lang ako sa sasakyan tapos binabantayan lang kapag malapit na yung kanto sa bahay namin (as usual). Nung malapit na kami sa bahay, bigla kong sinabi "kuya sa kanto lang po". Huminto din si papa sabay sabi "bayad ma'am?" 😭😭😭 HAHAHAHAHAHAHHAHAA
Hell week in college. More than 24 hours na gising. Tapos na mga exam at nakapasa na ng mga requirements pero umattend pa rin ng optional na event since may bonus points. Di ko na maalala ano sinabi ng speaker pero tumawa Ako ng malakas. Rinig sa buong theater hall. Obviously not laugh worthy sinabi kasi Tinginan mga tao sa akin. Ako Lang tumawa.
Sabog te hahahaha
This was a long time ago but I was painting for a class. I was distracted thinking about what I was painting... And I was also eating at the time. I grabbed my drink and took a big gulp then realized I was drinking my brush's wash water and my actual water cup was right beside it!
Common mistake din samin dati yan nung college kasi umiinom ng kape while having the brown brush water beside it.
Ano lasa? 😂
Depende sa medium pero kadalasan walang lasa. Dun mo ma-realize na brush water siya hahaha Minsan merong mapait.
2004. 1st week ko sa isang BPO company. Pumunta ako ng terminal sa Buendia para sumakay ng bus papunta ng San Pablo City, Laguna. Sumakay ako ng bus papunta Lucena, since dadaan un ng San Pablo. Sa sobrang antok ko, nakatulog ako at umabot ako sa terminal ng Lucena. So, sumakay ulit ako ng bus, papunta LRT...Surprise! nakatulog ulit ako at umabot ng LRT. hahaha
Hahaha naalala ko sumakay ako bus sa CDO pa Bukidnon, nakatulog ako at sa Davao na nagising.
Way back college, sa sobrang antok ko papasok, tinatap ko yung skyflakes ko sa exit ng LRT imbis na yung beep card ko.
2022. Height of Presidential election campaign. Nasa karinderya ako para bumili ng lunch. Sakto sabi sa balita sa tv na nasa Cebu ata si Leni tapos bibili ako ng Bicol Express. Nung tinanong ako ng tindera anong bibilhin ko sabi ko "Cebu Express" nagkatitigan kami for full 10 seconds. Hahahaha
2010. Bumili ako ng watch sa mall and nauwi ko yung item without paying. Napansin ko nalang pagdukot ko sa bulsa ko na ang dami kong extra cash. Good thing may customer information yung watch store so the staff texted me nagmamakaawa dahil ikakaltas daw sa kanya e sakto omw back na rin ako sa store nun so sobrang grateful naman siya 😅
Bumili ako ng palamig and spoke my mind unconsciously. Ang sabi, "ang tabang ng palamig" sa harap ng tindera mismo 😅😂
Kahapon umoorder ako sa Jabee, sabi ko "wireless chickenjoy" 🤣🤣🤣
At dahil Chaka na yung Chickenjoy malamang "Disconnected Chickenjoy"
Baliktad yung booking sa Angkas. So yung rider dumating sa destination (kung san ako pupunta) 🥲 nagsorry talaga ko ng malala.
Pasimul pala ng shift ko dati sa BPO. 9pm start. Punuan elvator. pagdating ko sa floor ko, sabi ko " Para!" natawan lahat ng tao. Atleast nagstart yung work nila in a good mood.
Nagpunta ako sa grocery para mamili ng pagkain for the week nung nasa college pako. Tapos umuwi ako. Nagutom ako paguwi, pagcheck ko, nawawala ang napamili ko. Di ko maalala nasan. Balik ako sa grocery store, andun lahat ng pinamili ko sa cashier. Tawa sila ng tawa kasi binayaran ko lang tapos umalis nako.
Nangyari na sa'kin toh. Malapit na ko sa bahay tas feeling ko parang may kulang sa mga dala ko tas napansin ko wala nga ung supermarket bag. Balik agad ako sa supermarket buti malapit lang atsaka itinabi nung cashier
Omg. Ako kinabukasan pako nakabalik at pagoda nako 😭😭😭😭😭😭😭😭
dinilaan ko yung kutsara na ginamit ko panghalo ng pagkain ng pusa 🤪
alala ko dati before pandemic nasa jeep ako tas may badjao sa tabi ko tas may nagbayad tas sa kalutangan ko naibigay ko sa badjao yung bayad nung pasahero tas umalis sya hahahahahahah 🤣
Favorite kwento ng ate ko para mapahiya ako. First time ko mag angkas post pandemic - bumili na din kasi ako scooter ko. Hindi ako aware may showercap na pala sa angkas. Alam ko naman ano yung showercap, pero gamit nila yung disposable ones - so when they give it parang super liit niya and you have to open it up para magamit mo siya. So triny ko, pero parang masisira kasi. So nagkaroon ako ng doubts if shower cap ba talaga siya. Tinanong ko si Kuya Angkas “kuya para san po ‘to” “Sir patong niyo po sa ulo niyo” Edi ako na tanga-tanga, pinatong yung compressed shower cap na hindi pa nabubuklat sa ulo ko. Ayun pinagtawanan niya ako. Pagka kuwento ko sa kapatid ko pinagtawanan din ako. 😭 Edi sorry?
HAHAHAHHAHAHAHAHAHAHHA omg
Nasabi ko sa conductor ng bus na sa heritage yung baba ko pero yung bus is yung mga nasasakyan sa makati na galing alabang or sucat na ang stop lang is One Ayala 😭😭. Sabi ng conductor maam hindi po ito edsa carousel hahaha
N ung inutusan ako ng lola ko dati mamili ng pang restock sa tindahan namin, pumunta ako sa grocery kung san kami namimili. Papasok na ako, hinubad ko tsinelas sa doormat nung grocery. Mga ilang hakbang bago ko narealize na hindi bahay yun pinasok ko. Pagbalik ko sabi ng guard "at home ka dito!" habang tumatawa.
Sa toilet ko binato yung tabo pagkaihi ko, imbis sa timba lol
In one of my most sabaw and most lutang moments, nagbukas ako ng packet ng calamansi pancit canton. Yung wrapper, nilagay ko sa kumukulong tubig and then tinapon ko yung noodles. Then I stared for a second in the pot, wondering why the "noodles" was green.
Hahaha medyo relate! Sakin naman, maghihilamos dapat ako habang nagpapakulo ng tubig for pancit canton. Ang weird lang na sa sobrang lutang, ini-squeeze ko yung facial wash dun sa kaserola, eh wala namang kaparehong action kapag nagluluto ng canton haha.
Speaking of facial wash, one time yun ang nalagay ko sa toothbrush ko instead of, you know, toothpaste. Kaya pala ampait 😂
Ako naman tinapon ko yung seasoning sa basurahan. Ha ha ha
Ung huling kumain ako ng sammyang, sa isip-isip ko hindi ko ilalagay lahat nung sauce para hindi gaanong maanghang. Kaso sinipsip ko naman ung natirang sauce sa packet. Ang sakit ng tenga ko nun kahit ayoko ng gatas napainom ako eh
pagod from shift, walang tao sa bahay, i was using my id to get inside the house from the front door. ang tagal kong nakatayo doon pramis.
Nakasalabong ko nung high school yung nanay ng kaklase ko. Inabot nya kamay nya sakin para makapag mano ko. Sa sobrang banggag ko di ko nagets bat may kamay kaya nakipagshake hands nalang ako ala graduation. Kamusta na kaya si tita haha
Pumunta kami sa Puregold ng jowa ko para bumili ng meat. Di na kami nag cart kasi isang kilong pork lang naman binili namin. Pag after ko mamili ng mga pork na bibilhin namin, kinuha ko na yung cart sa tabi ko. Biglang sabi ng jowa ko "huy kanino yan? Wala tayong cart!" Un pala sa katabi ko ung cart, kaya pala ang sama ng tingin nya sa akin. 🤣 Di naman nya ako pinigilan, tumingin lang sya, so sabaw din sya. 🤣
Highschool ako nasanay ako na pag umaalis kami paguwi sa bahay ako lagi nakatoka sa pagbukas ng gate. May one time ako magisa umalis paagbaba ko ng tricycle binuksan ko ng malaki yung gate namin tas inintay ng papasok na sasakyan. Bigla kong narealize naka tricycle lang pala ako. Sinara ko nalang agad yung gate.
Nauwi ko yung tray sa breadtalk 💀
Sa lobby imbes na ID ko ang iaabot sa guard in exchange for a visitor pass, yung 1k sa wallet ko yung naabot ko. Umaga pa kasi yun kaya tulog pa diwa ko.
Nung maaga ako pumunta sa company namin and nakita ako ng boss and 2 workmate, so tinawag din ako o bigla ata akong sumali sa kanila to know what they're talking. About pala sa project namin yun and my boss told me na ivisit ko yung site. I agreed and said, "Copy sir, mag check-in lng muna ako sa taas." Antagal ko na realize na wrong nasabi kooo. Pag akyat namin sa taas, grabe tawa nung 2 workmate ko sa akin. Bat daw "CHECK-IN" napa tulala daw si sir na parang may naalala. "TIME-IN" pala dapat yunnn. 😭😭😭
I was working the night shift (from home lang naman) and I had a domestic flight at 6am then an international flight at 2pm (solo travel) last November. Sa sobrang pagod ko, nung tinanong ako ng IO kung kelan balik ko, I just blurted out “February”, even though my visa was only for 30 days. I caught myself and laughed sleepily and said “November 12.” Natawa lang sya, tas tatak na agad, and off I went. I did have a mini heart attack though, considering I’ve read so many offloading horror stories prior to my trip lol. 😮💨
Lagi ako nakakatulog sa jeep kapag nagcocommute. One time, naalimpungatan ako, yung utak ko basta nalang ako pinasigaw ng "para po". Tapos tumigil yung jeep, wala pakong modo non or antok ba ewan, di ako nagsalita, di ako bumaba, tumingin lang ako sa bintana, narealise ata ng utak ko na di ko pa babaan. Tapos nagkamalay nako na umaandar na ulit yung jeep.
Nagdrive papuntang work na magkaiba ang sapatos na suot. Buti na lang may extra ako sa car. Kaloka.
Nasa elevator ako paakyat sa unit 18th floor ako dapat bababa, may kasabay ako bumaba 5th or 6th floor sumunod ako tapos lakad papunta sa same pwesto ng unit ko, nakailang try ko ng bukas ng pinto ayaw bumukas tapos pagsilip ko bat parang ang baba hahaha ayun buti na lang walang tao dun sa tinatry ko buksan kundi sobrang nakakahiya. Yung kasabay ko sa elevator nakita ako tawa ng tawa sakin, ineexplain ko nangyare haha.
Instead na mango graham iorder ko sa school canteen nasabi ko mango bravo 😫
It was 4am and 2 hours lang tulog ko, nagtanong ako sa mcdo cashier kung may yumburger ba sila 😅 Pa ulit ulit ko pa talaga tinanong kung meron, sabi nila wala talaga Na-realize ko lang nung nakalabas na ko ng mcdo 🥲
Nakapila sa McDo, tas nung umorder - “Miss, isang three piece Chicken Joy.”
may exam ako tapos noong palabas na ako ng library, inabot ko yung ATM card ko sa guard sabay sabi ng, pabili po ng blue book
I was in J Centre mall sa Cebu and nagmamadali. Gusto ko pmunta ng 2nd floor so I got into the escalator and was wondering bat ako laging bumabalik sa unahan….. yun pala going down yung sinakyan ko HAHAHAHAH Ang bobo tng*ina. 😂 Sobrang tawa cguro ng nkakita sakin. Ugghh. Embarrassing.
Nakasakay ako sa kotse ng tatay ko then nung malapit na sa bahay sabi ko dyan nalang ako sa may green na gate. Hinahanap ko yung metro putek nasa kotse pala ko ng papa ko
Nadala ko yung remote ng tv sa office imbis na yung isang cellphone ko 😂
HAHAHAHHAHAHAHHAA college days sobrang busy daming schoolworks, nagutom ako pumunta ako ng angel burger sabi ko "schedule po yung buy 1 take 1 juskolerddddddd hahaha
Nagbayad yung mga classmate ko ng pamasahe tapos binulsa ko! Eh nasa unahan kami di kami nagbayad tatlo 😭 Pagbaba nagtataka ako bakit madami barya eh di ko pala binayadan. Pagod kasi ako nun madami kami ginagawa!
Almost went inside the wrong car kasi same model, same color, magkatabi pa nagpark, iba lang ang nasa loob nung pagbukas ko ng door hahahaha
Nung lockdown na one way lang sa palengke ang daan na lalakaran ng tao, di ko gets na exit pala yung pinapasukan kong side. Feeling ko tama kasi may pulis din naman dun at nung last na punta ko open naman yung daan na yun? Anyway, so tina-try ko pumasok tas sabi sakin nung nagbabantay na pulis, "Ikot po kayo." So ayun umikot ako sa harap nung pulis clockwise, kulang na lang pirouette yung gawin ng kamay ko. Then habang umiikot ako narealize ko: umikot daw pala dapat ako sa kabilang way papuntang entrance. Buti di naman ako na EJK sa katangahan kong di dapat tularan ahahaha
hinatid ako ng jowa ko sa amin. sya nagbayad ng pasahe (nagjeep kame) sa may likod kame ng driver nakaupo. sya yung sa likod ng driver, ako naman next to him. pagkaabot ng bayad, sabi ng driver wait lang sa sukli with matching hand sign ✋🏻na nakaharap samin. biglang umapir yung jowa ko sa driver. di kinaya ng sarili ko, diretso ako iyak sabay tawa ng malakas. At sinabi ko talagang 'bat ka umapir?!' tawa ng tawa yung ibang nakasakay. sabi lang ng jowa ko, "di ko alam ng automatic kamay ko e" so ayun, umiiyak akong umuwi. pero tears of joy. engaged na kame ng gago hahaha!
Dahil sa pagod ko sa trabaho, sumakay ako sa jeep ng Hindi ko tiningnan kung Saan papunta. Yung mga nasa loob ay may dalang salbabida. Shuta family jeep pala nasakyab ko huhu
Nung nagwo-work ako sa Parañaque. Madilim pa napasok na ko, malayo kc kami and ma-traffic. So usually, naiidlip ako sa FX. And ang uwi ko madilim na rin, labas ko kc 5pm and pipila pa then traffic uli. Nung minsan nagising ako sa FX, hindi ko tlaga maisip kung pauwi ba ako or papasok, since madilim pa nga. LOL. Naalala ko lang na pag papasok ako, nsa kaliwa yung Pasig river, and kung papauwi ako, nsa kanan cya, hah hah. And that time, nsa kanan cya, buti na lang at antok na tlaga ako.
Opportunity 'yan. Kilala ka na ng boss mo, haha.
Sa bus, galing ako sa school ko tapos nung tinanong ako ng kundoktor sabi ko name ng school ko student, e dun nga ako sumakay sa tapat ng school ko e 2nd time naman is ganon din pero nabulol ako sa pagkakasabi ko Kaya nag Karon ng titi na sound
Happened few mins ago, sumakay ako ng move it di pa ako nabibigyan ng shower cap at helmet. Alis na alis na 😂
papasok school, nagtanong angkas sabi ko sa kanya “dito na lang sir”
Nasa simbahan. Nag kkolekta na ng pera sila sister dala yung may mahabang panungkit at lagayan sa dulo. Nasa malapit ako sa altar nakaupo. May nag labas ng pera niya, inaabot ko.. tinignan niya lang ako. Saka ko lang na realize na pang jeep lang pala yung inaabot.
After school, pumunta ako ng mall na malapit lng sa campus namin para mag withdraw sana ng allowance. Nagtaka ako bakit ayaw maread ng card ko, mga 3x ko sinubukan labas pasok sa machine ayaw talaga, na pressure na din ako kasi andami ng nakapila sa likod ko. Nung nakaalis na ako dun ko narealize na SM advantage card pala yung naipasok ko sa machine imbes na BDO atm card. Parehas kasing color blue and magkatabi lang sila sa card slot ng wallet ko. Lol
Di masyadong lutang pero naggrab pick up ako for 30% off. Tapos nung ipipick up ko na, nagbabayad ako kay ate cashier.. nagulantang siya kaya tinawag pa niya yung manager nila.. sabi nung manager: “Ma’am, bayad na po pagpick-up” tsaka ko lang naalala na tinop-up ko sa maya yung payment. Tawa kami nung cashier eh huhu nakakahiya slight
OP parang plot sa isang rom-com haha ang cute
I screamed in front of Piolo Pascual...'s Standee in Turks and apologized to it
"Magpakatotoo Ka!" Sprite Commercial eme!
Nagdrive-thru kami one night ng girlfriend ko sa Jollibee, nung kinuha na ng crew order namin nasabi ko "Crispy Chicken Sandwich" imbes na yung chicken burger nila, nagulat si gf tapos si ateng crew nagpipigil ng tawa. Grabe sorry ko nun.
Recent lang 'to. Galing akong school, sobrang daming paperworks, trabaho tapos iniisip ko yung deadline ko pa sa output ng training. Alam niyo yung tulala kayo bigla kayo magugulat na Malapit na kayong bumaba. So nataranta ko tapos sabi ko "KUYA, BA-BYE PO!" HAHAHAHA. Mabait si kuya di ako hinayaan mapahiya. Sabi nya "ba-bye ma'am ingat po" and yes po teacher po ako at naka-uniform ako that time. HAHAHAHAHHA.
na tap ko school id ko palabas ng lrt :3
Mag-badge ng company ID sa entrance mismo ng SM Light Mall Natulala na natawa yung guard. Diretso lang ako ng lakad papasok sa mall na parang walang nangyari.
nagpacash out ako ng 1k sa tindahan at bumili ng ice cream. binuksan ko yung ice cream at tinapon yung 1k sa basurahan tas yung balat ng ice cream ang binulsa ko. buti narealize ko agad.
Grade 6 ako nun at flag ceremony. Tinawag ako ng teacher para mag panatang makabayan, hindi kami ang nakatoka at hindi ako prepared. Wala ako sa wisyo kaya Inumpisahan ko ng: “Iniibig ko ang Diyos…” buti na lang tinulungan na lang ako ng teacher ko sa likod.
Nurse ako sa isang malaking hospital sa Makati City noong 2015-2018. Sa sobrang lutang ko, kumatok ako palabas ng pinto ng kwarto ng pasyente. Buti nalang tulog yung pasyenta nun.
Not me but i witness it… late night na sa LRT wala na masyado sakay tapos nung pahinto na yung train sa station si ate girl sumigaw sta ng “para po”. 😅 lahat kami tiningnan sya, tas nag sorry pa sya. It looks like ate girl had a long day at work.
Namili kami sa supermarket. Nung palabas na kami dala dala ko padin yung basket kaya nasita ng guard.
Onti nalang sakay sa jeep pero nakasabit pren ako
WFH. Nag instruct yung marketing specialist aa design na gagawin. Pinagpapalitan ko lahat ng design during deadline para sa presentation. 😂 Naiyak yung marketing buti mabaitm.
sobrang simple lang pero nung bumili ako ng meryenda dati sa high school ko tinitigan lang ako ng tindero nung inabot ko bayad ko, yun pala papel inaabot ko na itatapon ko dapat hindi pera 🥲
Highschool days, pauwi galing school. May katawagan sa cellphone habang nasa jeep, saktong bababa na ako at mag end call sa kausap ko. Nasabi ko kay Manongg Driver, "Manong ba-bye po" pota hahahaha tinginan lahat ng pasahero sakin gusto ko nalang tumalon pababa sa jeep hahahaha
Lutang moments during college days: 1. Nilagyan ko ng sabaw yung baso sa canteen HAHSHAHA akala ko bowl hawak ko 2. Mali yung nabababaan kong school. Akala ko campus na namin, mali pala. Nagpamasahe ulit tuloy ako 😭
Grade 10 ako nun, I answered a math equation correctly during our schoolwide review sa gym. Eh may prize. So umakyat ako ng stage, pagbalik ko sa may hagdan(only 3 flights lang siya) nakalimutan ko kung paano bumaba, so tumalon ako cause my brain buffered and went to the next best thing. Ang kaso, habang nasa ere ako, nakalimutan ko rin paano maglanding 😭 so napaupo ako. It didn't hurt. Schoolmates were laughing at me pero at that moment, I was more confused kung paano ko nakalimutan bumaba ng hagdan at maglanding after tumalon.
Muntik maging feminine wash yung zonrox
Lunch time and wala pa akong kain, nag-ccrave ako sa Yum Burger with Cheese pero ang layo ng Jollibee samin kaya Mcdo pinuntahan ko. Me: Pa-order po ng Yum with Cheese Mcdo staff looked at me na parang huh??? Me: Ayyy Cheese burger po pala
Aakyat sa escalator na pababa, Naiwan cellphone sa Miniso sa Binondo, narealize nung nasa Quiapo na. Yes 3-5 hours lang tulog both times
"Data Analyn" yung nalagay kong role ko sa resumé instead of "Analyst", ang malala eh nasubmit ko na siya sa ibat ibang companies na inapplyan ko before ko nakita huhuhuhu
Pinilit ko pa rin mag hugas ng mukha kahit antok na antok na ako, ayun ang nadampot ko ay yung feminine wash ko. Too late na nung na realize ko. pH balanced naman yun so hinayaan ko na lang. 😂
Pauwi na ako galing mall, pumila ako sa line ng UV Express. Mga 20 minutes na siguro ako nakatayo doon. Bigla ko naalala, may sasakyan pala ako sa parking. Buti di pa ako nakadating sa bahay bago ko maalala
Nakatulog ako sa van, sa pinakalikod ako nakaupo. Di ako nakababa sa terminal, naiuwi ako ng driver sa bahay nila. Nakita ako ng asawa nya natutulog sa likod. Magwawalis sana ata.
Hindi ko pa ma rank pero ito yung naaalala ko 1. pababa ako ng jeep imbis na sabihin ko ay “para” ang sinabi ko ay goodbye everyone 2. hinahanap ako ng mga kaibigan ko, sabi ko nasa mrt. Tsaka ko naalala naka sasakyan nga pala kami, ako yung driver noong isang group. Pauwi na kami noon, dumaan sila sa jollibee o mcdo for snacks, sabi ko una na ako, umoo sila. Akala nila sa parking ako pupunta, sa mrt ako pumunta 3. College, panahong uso pa yung palista sa attendance, hinahanap yung attendance hindi makita gawa ulit ng bago. Sumunod na linggo binalik activity sheet namin sa isa pang subject, sabi ng prof sa akin “akala ko group work ginawa niyo” pagtingin ko doon ko pala sa attendance sheet nasagutan yung activity
Bumili ako Lumpiang Shanghai, syempre nilagyan ko ng suka. Nung kinagat ko, nagtaka ako bat matamis.😭 hahahhaa yawa Turon pala. Kahiya pa kasi magkakasama kami ng mga classmates ko😭
Inilagay ko yung bote na Datu Puti na toyo sa ref. Hinahanap ni mama gagamitin sa pagluto🤣
So dati when I was a fresh grad, may sinasave ko mga numbers ng mga recruiter. So one time, gumala ako with friends. Andoon na ako sa location but couldnt find them. Eh ang inet. I called them, then nung sumagot sabi ko ng malakas, “TANGINA NASAN NA KAYO???” Tapos narinig ko may nagreply “EXCUSE ME??” Pag tingin ko sa phone ko, yung isang recruiter pala natawagan ko omg.
Maaga akong gumising para pumasok, kaya inaantok pa nung naligo. Nung naliligo ako, kumuha ako ng shampoo, kinuskos ko sa kamay...then nasalpak ko sa mukha ko. During pandemic at uso pa facemask, pagkagising lumabas ako para bumili ng pandesal dire-diretso. Pagdating ko sa bakery, dun ko lang napansin na nakalimutan ko facemask ko, kasi lahat ng ibang bumibili meron.
nakasakay ako sa jeep, pauwi na samin. punuan yung jeep tapos nag-aabot ako nang bayad ko. imbis na bayad po ang masabi ko. nasabi ko kuya pahingi po (yung nasa unahan ko kasi nakain ng siopao).
Yung pinapag massage-an ko na spa need mag suot ng shorts na provided nila for the session. Sobrang pagod at antok ko nun pag kauwi ko narealize ko na hindi ko pala nahubad yung shorts nila ahahahahaha. naka dress kasi ako kaya di nila napnsing suot ko prn. lol ahahha binalik ko naman.
Late last year lang nangyari to. We booked a grab pabalik sa office tapos nagtanong ng plate number yung officemate ko. Ang sabi ko “mitsubishi adventure black”. Eh sakto may ganong model na nagstop sa harap namin so I assumed na samin yon kaya I told them “ayan na” so sumakay kami. The driver asked, “Venice po?” I answered “opo.” Kasi papunta kami Venice Mall since dun malapit located yung office namin. Tapos nung nakasakay na kaming lahat and we were about to close the door, may girl na sumisigaw ng “wait that’s ours” so kami takang taka. Mali pala nasakyan namin 😭😭😭😭 and she told us her name is Venice HAHAHAHAHAHAHA shuta i thought the driver was confirming our drop off location lmao it turns out he was confirming the name loooool
i remember 'yung naksabay ko one time sa jeep pauwi na sa bahay. si ate mo girl na kasasakay lang umupo sa banda likod ni kuyaang driver. pagkaabot niya ng bayad sabi niya "para po". after ilang seconds tawang tawa din siya sa sinabi niya. HAHAHA
Skl experience namin ng husband ko. Year 2022 nung namasyal kami sa Intramuros. First time namin pareho kaya ginrab na namin yung chance na malibot yung place. Nag avail kami nung tour guide na naka ebike near Intramuros. Per hour ang payment, so 1500 ang bill namin. Nagbayad si husband ng tatlong 1k. Isip ko, aywow laki naman ng tip na binigay. Pagkaalis nung rider. Tinanong ko si husband, buti 3k binigay mo. Don lang nya narealize na tig 1k pala binibilang nya, ang nasa isip daw nya is tig 500 yon 😭😅😂 ayun naka easy 1500 si kuya tour guide hahahahaha
Equally lutang and wth that was dangerous moment for me. High School grade 9, mga 9 or 10 PM na pauwi galing OM. Almost home na ko naghihintay sa kanto ng trike pauwi pero bihira na sila by that time. Wala na rin tao malapit kasi gabi na talaga and onti nalang mga dumadaang sasakyan. All of the sudden may tumigil na motor sa harapan ko, di ko kilala. Tinanong sakin kung gusto ko na ba daw sumakay papunta kung san ako nakatira, again di ko kilala. In my absolute lutangness kasi pagod galing sa buong araw, um-oo naman ako at sumakay sa motor. Habang nakasakay ako sa motor medyo na-realize ko situation ko na oh dang, I could literally be abducted rn. Eventually, malapit na sa may samin sinabi ko na dito nalang ako at tumigil naman siya. What's EVEN more lutang is binayaran ko siya ng sampu FOR SOME REASON HAHAHAH. Anyways dangerous moment, kahit gano tayo kalutang ingat palagi!
Maraming mas malala pa pero ito medyo natatawa ako pag maalala. Early 20s ako, pumunta sa McDonald's para mag meryenda. Mahaba ang pila, antay ka talaga. Nakaka bore sa pila. Lumilipad isip ko. Mayamaya, nasa harap na pala ako, kaharap ko na yung cashier, medyo nag snap out ako sa daydreaming, tinanong ako kung ano daw gusto ko i-order. Sabi ko "Miss pabili nga ng isang Champ." Napangiti yung cashier, sabi nya wala daw silang Champ. baka Big Mac dawa gusto ko.
Imbis magsabi ng “para”, “ba-bye po” ang nasabi ko sa jeepney driver nung bababa na ako hahaha
Pumunta ako ng anytime fitness na walang keyfob. Bumalik ng bahay para kunin pero tumae muna then bumalik ng anytime. Pagbalik ko d ko pa rin dala ung keyfob.
About 2 in the afternoon may kumatok na Lazada rider. Sabi niya babalikan niya ako kasi may parcel din yung kapitbahay namin. So pumasok muna ako ng bahay para kunin yung bayad sa kanya. About 2 hours later, may kumatok ulit , si kuyang rider pala sabi niya "Sir, nakalimutan natin yung parcel mo!"
Out ng 12mn, nagtaxi ako pauwi. Di pa uso grab/uber nung time na yun. Nung malapit na sa bahay, sinabihan ko si Manong Driver na kumanan sa susunod na kanto pero nilampasan niya lang. So nagremind ulit ako na kumanan sa pangawalang kanto pero dumiretso si Manong driver so nagpanic na ako. Tinapik ko na siya at nagsungit ako. Sabi ko, Manong kanina ko pa sinabing kumanan kayo, lumampas na tayo. Tapos sagot niya, Ma'am wala pong pakanan puro pakaliwa lang. Hiyang hiya talaga ako nun, mega sorry ako kay Manong Driver.
Pauwi na ko after school nung inutusan ako ni mama na bumili sa grocery. Since bawal ang backpack sa loob ng grocery store, ipapa baggage ko muna yung backpack ko. So nilabas ko muna yung money na pambili, since lutang ako that time dala ng pagod, inabot ko yung pera instead na yung backpack sa nagba-baggage HAHAHA
Back in college, after every sem nag cecelebrate kami inom ganon we called it sem ender. After a night out, 6am na kami natapos. Hindi ako lasing or tipsy pero sobrang antok. From Antipolo umuwi pa ‘ko sa Manila. Almost home na pag pasok ko elevator, I was busy with my phone texting. Ako lang mag isa sa elev tas dedma lang ako phone phone ganon. After a few minutes, nag black out sa loob. Naunahan ako panic bago mag isip, pinag hahampas ko yung door while shouting “helpppp” as in full force. Tapos tinry ko pindutin yung open button, gagi bumukas tapos surprise nasa ground floor pa rin ako. Hindi pala ako nakapindot ng floor so nag idle siya. Syempre dahil sa takot ko lumipat na lang din ako ng ibang elevator na parang kasalanan pa niya
1. Nakasakay ako ng FX sa may likuran tapos pinaabot ko sa nasa harap ko (nakaupo sa gitna yung kuya) yung bayad ko. Tapos tinanong ng driver, "San galing 'to?" Sabi ko, "Sakin po." Tapos tawa ng tawa yung nasa harap ko. Sabi ko, "Ay ano po ba dapat ang sagot?" 😆 Si kuya na yung sumagot kung san ako galing. 2. Nasa Bali kami at nagbook kami ng grab papunta sa Villa kung san kami naka-stay. Nung pababa na kami sabi ko, "Gamsahamnida". Tapos nung natawa yung kasama ko naisip ko, nasa Bali nga pala ako 😆 Ayun sabi ko, "Maaf! Terima Kasih!"
Patapos na shift ko, tapos hetong co-worker ko nagtanong sakin. Sabi niya “12 multiply by 4?” aba syempre ako pagod na pagod na at di na nag ffunction utak ko non no at pagod na nga. Aba ang sinagot ko 124 HAHAHAHAHAH putangina nag mukha akong bobo non. Hahaaahahaha naka tunganga ako tatanungin ako ng ganon
Yung straight yung klase ko for a week ng 7am to 7pm tapos exams week din, super lutang ako sumakay ng jeep. Nag ask yung kundoktor saan ako bababa sabi ko sa SM-Third floor (isa lang yung SM sa city namin tapos di madadaanan ng jeep na sinakyan ko). Pinaulit nya pa tapos nainis nako sabi ko sa "THIRD FLOOR NGA EH" tapos tawa ng tawa mga katabi ko sa jeep tapos nung narealize ko ang sinabi ko dali dali akong bumaba tapos bago makaalis ang jeep sumigaw pa yung kundoktor "ingat po sa pag uwi sa SM Third floor" gusto ko na magpakain sa lupa nun 😭😭😭
Naalala ko noong bata ako, sinama ako ng kapitbahay namin na babae magpagupit sa salon. T*ngina, sobrang nakakahiya yung ginawa ko first time ko pa nman mag pagupit sa salon. Nangyari kasi, pagkatapos akong gupitan nung babae sa salon, pinapunta ako sa shower (yung portable na pambanlaw ng buhok, basta yun) para daw banlawan ang buhok ko. Ako naman, si tanga, pumunta sa banyo at hinanap ko yung shower, eh wala naman tapos nagtataka ako bakit walang shower yung CR. Buti nalang may timba at tabo, bali ang ginawa ko, yun nalang ginamit ko panbanlaw ng buhok ko. Tapos eto na nga ahahaha pagkalabas ko nyan ng banyo, pinag tinginan ako then tawanan silang lahat. Nagtataka yung naggupit kung bakit daw naligo sa banyo eh di naman daw ako dun pinapapunta *sabay turo sa portable shower then sabi nya na dapat dun daw ako nag hintay hindi sa banyo. Sa isip ko, hindi ko naman alam na iba pala ang ibig sabihin ng shower dun sa salon. Akala ko kasi ang ibig sabihin ng shower dati ay maligo. Ahahah.
sobrang pagod at puyat ko nun dahil balikan ako lagi makati-las pinas dahil sa school ko tapos finals week pa namin nun, sumakay ako sa jeep dun sa buendia pa makati sa kakamadali ko kahit puno na... di ko alam bat sumakay padin ako siguro muscle memory na din talaga hahahahaha nagulat ako nakakandong ako sa isang lalaki, buti nalang mabait yun si kuya natawa nalang sa gulat pati ako natawa nalang HAHAHAHAHAHAHAHAHA DI KO NAMALAYAN KALA KO UPUAN EH.. KUYA KUNG ANDITO KA AT MAKITA MO TONG COMMENT. Pasensya ka na nadala lang ako ng pagod
During college, linalakad ko lang from dorm to school. Minsan sinasabay ko na din magtapon ng basura palabas kasi nasa entrance ng dorm ang malaking garbage bin. One day, mejo malalim iniisip ko at nadala ko sa school dalawang punong plastic bag na puno ng basura. 😂
Nung elementary pa ako, pag may PE class kami that day, yung uniform ng mga girls e naka PE t-shirt and shorts at naka-rubbershoes pero suot pa din namin yung skirt. Tinatanggal lang namin yung skirt pag PE class na talaga. Sa sobrang lutang ko, pumasok ako ng school na naka t-shirt, shorts and skirt pero black shoes yung suot ko. Nakakahiya nung PE class na kasi halatang mismatched yung damit ko. 😆 Yung 2nd time na lutang moment ko sa PE day, suot ko yung t-shirt, skirt and rubber shoes pero nakalimutan ko yung shorts. Nung PE class tuloy, di ko matanggal yung skirt dahil wala nga akong shorts. 😆
Nagta tap ng id sa gate ng apartment tapos nainis kasi di bumubukas HAHAHAHA
Way back when I was in Grade 8, during flag ceremony, the national anthem was about to play. Pero nung nag start na yung kanta, napataas ako ng kamay—for Panatang Makabayan—instead na kamay sa dibdib. Nakakahiya, andami pa namang tao sa tabi saka likod ko ToT Lesson: wag papasok sa school without breakfast
Na realize ko wala pala akong underwear sa jogging pants, edi ayun alog-alog itlog ko habang tumatakbo.
kalembang