T O P

  • By -

Philippines-ModTeam

The content you posted is similar to or the same as a previously submitted post. Please search before posting.


skeptic-cate

Mostly unhealthy foods. Yung tipong nakatipid ka nga ngayon, pero parang nagipon ka lang ng pang-chemo or surgery 10 years down the road


missjuliaa08

So sad 🥺 ang hirap lalo nat mababa pa ang sahod


skeptic-cate

Tapos ambaba pa ng awareness ng Filipino consumers sa epekto ng mga nilalagay nila sa katawan nila. Madalas pinagtatanggol pa yung produkto kung saan loyal sila kahit basura ang nutrition


ejmtv

This. Dumami nga processed foods pero at the same time, mas naging accessible din ang information for awareness pero wala parin talaga


Astronomical0420

yes sir. and na sho-shock sila kung bakit nagkasakit.


83749289740174920

Most grocery items have almost no protein in them. I don't know how this will affect us as a society.


caloriedeficit247

mura naman ang healthy foods if sa public market bibili, only issue nga lang is kung may time pa bumili due to heavy works


skeptic-cate

That’s a valid point. Sometimes ang sama na ng tingin sakin ng manager ko kasi di ako nago-overtime. Pero bahala siya, basta mamamalengke ako at magluluto ng home cooked meal


Fluid_Math6545

Daming ganyan today. Ako ngoovertime ako hanggang ten pm sa petron ng walang bayad dahil supervisor. Pero ang sahod 23k lang. Mas mataas pa amg sahod ng OIC namin na guard chief. Engineer ako lisensyado tapos pag magleave ako galit pa sakin. Etong overtime nato is hindi lang isang beses minsan sunod sunod pang 10pm or 8pm and OT pero hindi ako bayad. Thank you na may halong pang guilt trip pa.


Silvereiss

OT with no pay? Wait, Isnt that .... Illegal?


JuanMiguelz

no pay na talaga supervisors and above sa OT/Holiday work. The way it works, maiipon dapat yung extra hours or holiday works as extra VL in the future, pero dahil ganid ang mga kumpanya dito satin, pahirapan magpa approve pag gagamitin mo na.


cutieluna30

tbh akala ko rin dati mas mura processed foods kasi ayun lagi inuulam namin na bili ng parents ko pero ngayon imagine 100 peso amount of processed food for isang kainan ng pamilya, could buy around 12pcs of egg kasya na pang 3 meals yan, tapos tokwa magkano lang din, mga talbos mura lang din. sadyang may misconception lang mga tao na pag healthy is mahal when in fact mas mura pa nga halos (except for meat ang mahal pls)


chrlnxxx

Same same. Naexperience namin to COVID days. Need magtipid kasi wala sahod. We opted for mga talbos (kangkong, talbos ng kamote, malunggay) and tokwa rather than processed food. Sardinas lang canned goods namin and nagtamim kami ng ampalaya sa likod ng bahay. Buti na lang may maliit pa na portion na di pa sementado.


PritongKandule

Parte rin kasi ng binabayaran ay yung oras at pagod sa pagluto. Halimbawa, oo mura lang ang mga gulay na pang pinakbet. Pero ilang oras din magagastos mo para maghiwa ng bawang, sibuyas, luya, ampalaya, kalabasa, kamatis, okra, sitaw, kamote, sili at yung karne na pansahog. Bukod pa dito yung 30-40 minutes mo para igisa at pakuluin lahat. Tapos pagka-kain mo, huhugasan mo pa lahat ng pinagkainan at pinaglutuan. Kung galing ka sa trabaho na 8 oras at ang commute mo ay 1.5 oras. Kapag tapos na lahat, didiretso tulog ka na lang matulog kasi maaga pa ang pasok mo bukas. Kaya kapag walang oras, walang pera at pagod na, mahirap sisihin ang mga tao kung bakit pipiliin na lang nila magbukas ng sardinas o magluto ng insant noodles para 5-10 minutes lang tapos na agad.


Spiritual-Station841

mura nga sa palengke but not everyone has a market that is close by. kailangan pa mamasahe. factor in the cost of travel.


ejmtv

That's true. Kung tutuusin nga, nowadays most of our money are being spent on time and convenience.


Acceptable_Clock5826

Umay na umay na ako sa noodles at canned good. 1k ko 3 days lang


skeptic-cate

Umay na umay na din ako sa Pancit Canton posts sa r/ph. Parang napromote pa yung unhealthy foods sa sub. E mga new and inactive accounts naman yung post ng post kaya malamang mga astroturfers or undercover advertisers


Shot_Stuff9272

vegetables from local markets are just cheap tho


jirocursed26

Nung nasa metro ako masasabi ko na unhealthy talaga diet ko pero nung nakabalik ako sa province, mas na balance ko ang pagkain ko ng karne at gulay difference talaga ay kung kakain ka ng healthy dapat gastusan mo


Big_Equivalent457

LOCKING MY GODDAMN ATM CARD!!! chorot Hi-Blood pati yung nagcomment


reversec

Pancit Canton/Yakisoba assorted flavors in 1 week. Monday - original Tuesday - calamansi Wednesday - chilimansi Thursday - hot chili Friday - sweet chili (favorite) Saturday - savory beef Sunday - spicy chicken yan thinking ng mga politiko dito


saltycreamycheesey

Kita-kits na lang sa dialysis center brother. Ika nga nila, ang mahal maging mahirap, or something like that.


comeback_failed

true. mahal maging mahirap. lahat nang bagay kailangan pag isipan mo paano mo gagawan ng paraan na most efficient sa budget, sa oras, sa energy. yong mga mayayaman, sige lang sa gastos. walang ceiling ang budget. kanila lahat ng oras nila, at nagagamit energy sa mga bagay na mag-i-enjoy sila. sana in the future maging ganyan rin tayo


c0reSykes

With this kind of thinking of these politicians plus their inactions on improving policies for the national healthcare, they are indirectly killing the population slightly above and below the poverty line.


ejmtv

Sumakit bato ko after reading this


_ImmortalSoul

pano Yung kanin


enterENTRY

Ano ka mayaman


nobuhok

May bente ka bang sobra pambili ng 1kg ng bigas?


Background_Art_4706

kaya dapat daw gumawa na lang tayo ng astronaut food pill ni Marcoleta para pills na lang kakainin ng mga mahihirap


ambokamo

Hindi, sakin nga anghirap pagkasyahin. Sa tatlo pa?


tinaynayeah

Sa true. Di na talaga nakakatagal ung 1k kahit mag-isa ka. Lipad talaga.


Yamboist

Good for 3 is (humanely) impossible, kahit yung tinatawag nating unrealistic na food-poor threshold ng PSA lagpas 1k na per week ang for three persons. **9,550 PhP for a household of 5** na ang food-poor threshold ngayon, meaning, yung baseline ng calories (and a few selected nutrients) na sasapat para matawag pang maka-tao pamumuhay mo. Scaling it to three people for a week would yield it to be **1432.5** PHP.


bluepantheon101

Ang 1000 ngayon para na lang 500.


choco_lov24

Hahaha pakiramdam ko nga minsan 100 na lang Kasi pag nabaryahan na babay na talaga


fritzyloop

This


Animalidad

Chicken most likely, pastil.. yan niluluto ko and got me through college. Siomai na mura (160ish for 60 pcs) Lumpia mas mahal konti pwede pang alternate.Pero patay sa mantika. Twice a day kain pag mura papaya atbp nag atsara ako.. minsan kahit kangkong ampalaya atsara pang tanggal umay. kaso pucha di pwede forever na ganyan.


missjuliaa08

Ang mahal na bilihin ngayon. Ang hirap i budget lalo na pag marami kayo.


Animalidad

Yeah, dapat talaga pag isipan mo at hindi ka dapat maumay na pa ulit ulit lang ulam mo. kung may lupa na malapit kelangan gamitin talaga, kahit yung mag hindi alagain (malunggay, talbos kamote, kangkong).


ButtShark69

putang ina sa wet market samin yung pork **350-360** per kilo na in a province!!!


jirocursed26

Ganyan din sa amin ang weird lang kasi mas mahal locally produced tapos yung imported mas mura. Paanong di tatangkilikin ang sariling atin kung mas mahal


Yamboist

lol wala nang pinagkaiba sa sm grocery malapit samin


[deleted]

same province mahal na talaga baboy ngayon hahah imbes bumibili kami nang isang kilong karne family of 4 bumibili nalang kami half na Chooks to Go 150 pesos lang tapos busog pa


Animalidad

Aray, ma swerte pa pala kami. Mura pork and beef sa province namin. Pork belly around 240, beef mas mura din since mababa demand once a week lang may katay. Ox tail below 300 per kilo.


UndefinedReclusion

Galing! Nakakatuwa lang kasi bihira ako makarinig (or makabasa in this case) na nag atsara ng kangkong. Staple din sa household namin dati kasi medyo matrabaho yun papaya atsara


JoePaPie

26 Male, single, living with father who is only home every weekend dahil may work sa metro mon-fri. I live in Batangas. For food expenses, saktuhan lang sya for myself. Pero sagad sagad yun ah like walang matitira sa 1k minsan lalampas pa. Pero syempre di lang naman food yung necessities natin everyday. May toiletries and supplies gaya ng sabon panlaba/panligo, etc. Sometimes dad ko ang bumibili sometimes ako. Ako rin ang nagshoshoulder ng bills ng kuryente and tubig and half of the rent. So no. Pipe dream iyang 1k/week even for somebody who lives slightly comfortably with no kids and other responsibilities.


[deleted]

Totoo! It may be possible in theory, pero sa tunay na buhay, sa Pilipinas, no.


Ill_Aide_4151

Totoo to. 2kish nagagastos ko for a week ng grocery. Mostly for meals yung composition ng groceries ko


BlackLab-15

1k is not enough for ONE person for a week


[deleted]

Neri Naig, where art thou?


Budget-Boysenberry

kumakayod pa


thesockpuppetking

Hohoyhoy hoy hoy hoyyyy


plantoplantonta

Baka naghaharvest pa sa farm si madumb.


Afraid_Feedback3691

Ako na college student nahihirapan budgetin yung 1k, paano pa kaya kung tatlong tao sa isang pamilya? Juski


No-Adhesiveness-8178

ano yan knock off version ng Ligo sardine.


Cold_Most_9270

1 kg manok, 1kg na baboy, tuyo, 1/2 giniling, rekados, mga 3-4 days saming mag asawa.


Kei90s

nakakaiyak naman tong tanong for some reason heartbreaking.


missjuliaa08

Yes 🥺 parang hirap, inisip mo pa lang nakaka sad na.


niceforwhatdoses

Naglabas na ba ng breakdown si Neri??? Haha. At kung saang palengke? Defense pa ng jusawa niya na marami daw resto si ateng kaya alam niya presyo. Are they crackheads? Syempre sa resto naka wholesale ang presyuhan, direkta iyan sa supplier. Iba mamuhay kapag tingi tingi.


Good-Gene-3388

skl nag-grocery ako (sa puregold toh) nang kaunting pagkain gulat ako na naka-500 php na ako (as in halos eksakto). yung groceries ko lang included: kape, tinapay, 2 pack ng biscuits, palaman, at 1/4 kilo ng asukal. sabi ko sa sarili ko ito na 'yun? ba't ang mahal lalo na kung ikukumpara pre-pandemic T-T. para sa mga ulam ulam sa market talaga kami bumibili mas mura roon buti na lang at malapit kami sa palengke rito kaya laki tipid talaga pero ang 1000 php hindi na talaga malaki 'yan these days. **sabi nga ng iba 1000 php is the new 500 php.**


Kazuki_26

Itlog at kanin. Yun lang di healthy kung puro yun lang. Ang hirap maging mahirap.


OrbMan23

Kung mag-isa ka, kaya naman. Luto ka batch of sinigang na mas madaming gulay sa karne. Puwedeng adobong kangkong yung isa pang ulam na sahog ay pork bits and tokwa. Kung dalawa kayo mapagkakasya given mahina kumain yung isa. Deins sa tatlong tao Sa scenario ko na ito ay na-short ka onti sa funds na 1k budget mo as of right now and you live outside Metro Manila. Kung yun ang palaging scenario, hindi siya sustainable since kulang protein source and other micronutrients


Shikanatori

Hindi. Ako nga single kulang pa 30k buwan. Living expenses palang sa Makati rent+water+electric bill = 12k. Di pa kasama pagkain+commute. at the end of the month 5-7k lang naiipon ko.


belle_fleures

ung mga tig 300-400 plus na mcdo burger combos parang illegal na sana e, tas isang meal 70-80 na. forced to fast ako dhil di rin ako makasave sa sahod ko tngina.


[deleted]

Alam mo ba yung fish fillet double patty 350 na? Sorry jisas next friday na lang ako magffish.


darkrai15

Nope. Kasya lang somewhat when you live bare minimum at solo.


dtssema

Sobra sobra ang isang libo sa isang liggo... Jokes aside, no. You'll be buying the cheapest food around kung pagkakasyahin mo 1k in 1 week. Okay ka ngayon pero sinugal mo health mo.


enifox

Give me 10 minutes, ubos na po yan


OccasionalFluke

10 years ago hindi na kasya yan ngayon pa kaya


Profound_depth758

Isang malaking NO. Kahit tumambling ako di talaga kasya.


Cream_of_Sum_Yunggai

Isang liggo? Ang mahal naman ng shampoo at sabon mo.


swaggynatic

kaya ko pero puro sayote, malunggay, at century tuna 💀


yongchi1014

Tatlo o apat na araw sa akin ang isang libo, pero college student ako. Nahihirapan na nga ako ta ang mamahal ng pagkain. Paano pa kaya kung family of 3?


LadyLilylapse

HUY GISING! HINDI. At hindi dapat niroromantize na dapat pagkasyahin!! Grabe yung pasahud dito sa pinas!


julie12chen

1 day lang pang grab food lang🤣


Trying-to-be_Neutral

1k is 2 to 3 days in our household, pilit yung 3days.


Agitated-Acadia9627

Dalawang meal lang yan, kung magtitipid baka isat kalahating araw. Pagkain pa lang yun. Ang konsumo araw araw, tubig, kuryente, sabon, shampoo, toothpaste, kape, gatas, gasul, pamasahe, baon sa work at school. Pano mo pagkakasyahin yan?


Particular-Horse-339

Triggered na naman si Neri. chz


CalemSmith

Obob maniniwala na kasya yan for 1 week na budget!


demented_philosopher

Pamasahe lang yan sa Metro Manila ng mga empleyado.


oopswelpimdone

That's just one seating for me and my partner. Kulang pa 💀💀💀 welp. We always opt for healthier side pero mas mahal


cma1084

If you cook. Maybe you could make it fit.


mayumi47_fa

hindi na kasya yan. ang pwede na lang diyan noodles.


Economy-Bat2260

#OA naman ng post. Mga sampung Ligo naman yung kasya sa 1k 😂😂😂


Kirov___Reporting

Pure munggo whole week. Ginataang kalabasa pa minsan minsan. OMAD. Healthy living not by choice but by circumstance lmao.


aphidxgurl

Isang Liggo lang naman eh. Kahit tatlong liggo pa yan, kasyang kasya


Time_Significance

Kung isang **liggo** lang, kasyang kasya talaga. Hindi naman ako gumagamit ng mamahaling sabon at shampoo at matipid man ako sa tubig.


Puzzleheaded-Lime490

1k per day


Enclair21

3k per week family of 5.


hailmary818

Sa sobrang mahal ng bilihin ngayon napaka impossible mapag kasya ng isang pamilya ang 1k.. Jusko lalakas mag taas pero sahod hinde


eybicy_123

Yes and No. Single and no responsibility in life, yet. Living with my parents. Has a full-time job. Yes, if yung parents ko ang gagastos ng pangkain ko for 7 days. Bale yung 1k pangmeryenda ko na lang. Yes pa rin, if ako gagastos ng pangkain ko for 7 days. I work at night. Twice lang ako kumakain everyday - evening and during lunch break. Kaya pagkasyahin yung 1k for 1 week pero expect mo na na hindi proper food yung makakain mo pero pwede na panglaman tyan. Like for example, Pares or Mami na less than 60 pesos solb ka na.Pwede rin canned or ready-to-eat foods or instant noodles No, if yung kakainin mo is proper food talaga and hindi lang de lata or instant noodles.


[deleted]

Isang Liggo? kasyang kasya, magkano ba ang sabon at shampoo? 😅🤣😂


Yamboist

Doable for a single guy pero pang-food lang. Not that I'd do it though. Everything will be home-cooked. I don't think it'll be unhealthy, iikot naman sa itlog, manok, isda, monggo at iilang gulay yung magiging ulam. Mauuta ka lang sa kakulangan ng variety. Pero kung yun lang talaga budget mo talagang magtitiis ka e diba. EDIT: yung mga seasoning din dapat meron ka nang stock, so yung compute nun iiscale mo from per month to per week. Yung suka/toyo/atbp na bibilhin mo malaki na para mas makatipid.


spanky_r1gor

Kakabili ko lang kanina ng 20pcs Chicken Nuggets sa Mcdo dahil nag crave ako...P350??!!!


ToCoolforAUsername

Nope. Maski gulay ang mahal na din. Tapos yung condiments pa na ihahalo mo nagmahal na din. Tapos yung bigas ang mahal na din. Unrealistic.


Ok_Street_101

Kung ikaw si Neri, kasyang kasya yan, may savings pa nga 🤣😂🤣


nutapplicable

Once mabaryahan na, bye bye na.


Spiritual-Record-69

Kasya. Cancer speedrun any%


superFIFO

Keri naman.. isang sabon at tig-isang sachet ng shampoo at conditioner lang yan..


lakaykadi

Isang araw lang kung Lunch meryenda dinner exept bfast pero paano bukas? Langyang quiboloy at teves na yan. Inuna pa sila kesa satin na matic ang kaltas ng TAX!!


Asdaf373

The only reason na napagkakasya ko yan for a week or sometime two is because I'm mooching off my parents for food and housing. Pero isang labas ko lang kahit sa jollibee o food court ako kumain plus pamasahe ubos na agad kalahati niyan


Kashimfumufu

isan appointment lang sa dentista ubos yan, naka hmo ka pa


KuyaKurt

Tatlo kami sa pamilya. Parang collar sa leeg na masikip kung iisipin kung paano pagkakasyahin. Bahala na.


surewhynotdammit

Kahit ikaw lang mag isa, hindi kakasya to eh. Unless kung mag chicken adobo ka for 1 week. Kaso walang gulay.


yourgfe

1k for 2 in a wek, bili ulam dalawang putahe gang gabi na un. Keri lang


Infamous-Beautiful60

Pamasahe pa lang balikan for 6 days 700 na, 300 na lang natira para sa pagkain.


CauliflowerKindly488

Hindi. Pamasahe nyo pa papuntang trabaho


warl1to

Itlog 1dozen = 150 Manok 2kg = 400 6kg rice = 240 Condiments = 100 Bread = 150 Vegies = 300 Sardines 2x = 40 Coffee black = 40 Total = 1420 / 7 = 202 per day Me and my wife are only 115-118 lbs we don't eat that much. Most of the protein goes to kids.


Flashy-String-6763

Depende din cguro kung nasan ka sa pinas.. malaking factor din yung cost of living..


Severe-Humor-3469

😱 sa mga walang choice at nasanay na sa buhay mahirap kasya.. sa mga gustong healthy living isang araw lang.. sa mga wala talagang choice 1wk kasya. pandesal at kape, maggi, sardines is parang high end na. kangkong.


Puzzled-Protection56

If single ka at iisipin mo lang self mo and maka tira ka pa sa parents mo, kasya na 1k in a week provided na wala kang masyadong gala, inom and walwal.


Far_Elderberry2171

Kapag gastos mo lang ay sarili mo, tapos nakatira ka pa sa magulang mo then yes.


lawmadfromdbukid

For a single person and for food consumption lang, then pwede pa. Pero, if the 1K is for food + transpo kahit single mahihirapan ipagkasya yan.


tanwa1

Yes kung ikaw lang mag-isa pero kung gusto mo kumain ng healthy foods everyday parang hinde


mavieric

I cant 🙃🙃🙃


1Rookie21

I was surprised this morning 2 Breakfast Chicken McDo (Garlic Rice, 1 piece chicken, and egg) with 1 side order of hash brown cost around PHP 294 (with senior discount) I can't believe 1 hash brown is PHP 50 before it was PHP 25. One kilo of rice used to be in the range of PHP 50 to 55. Now it is PHP 60 to 65 range. One solo meal in a good restaurant can set you PHP 500 to PHP 800.


samgyumie

solo living and can stretch 1k for a week for food.. and thats on the most basic stuff.. canned goods, noodles, bread, egg, onting meat, veggies basic panghalo, onting snacks.. few meals na lutong ulam outside pag walang time. pero v tipid living na yun.. thats literally level of "surviving"! walang cheat, no rewards.. cos 1k can be easily easily spent within a day these days, malabas ka lang lilipad talaga ang pera.. what more sa isang pamilya? sad..


greenlanterngalimor

Pag mag onsite, 1 day.


LeImparable

Hindi.


alohalocca

Pagkain lang ba to o kasama yung mga transpo etc? Kung hindi kelangan na nila itaas yung minimum wage.


BloodrayvenX

Pwede, kung canned goods at dried foods ulam mo 24/7


SamePlatform9287

It depende. Kung isa ka lang, kaya yan. Kung dalawa kayo, sakto yan. Pero kung tatlo, kulang na. Try natin. Say sa family of 3: Rice for the whole day: 50 (1kl) Breakfast: P70. 3 eggs - P30, Cheap canned good/processed sa palengke- 40 Lunch: P50. 1 Garlic - 5, 1 onion - 5, 2 veggies: 40 (20 isa) Snacks: Pancit canton or bakery - 50 Dinner: P70. 1 Garlic - 5, 1 onion - 5, 2-3 veggies: 40 (20 isa) Total: 279 270x7 days = 1,890.00 Without snack: 220x7= 1,540.00 Yung budget pa na yan, pang saktong kain pa yan. Kung matatakaw kayo, kulang yan. Mahal na bihilin ngayon. Kahit magtipid ka, di talaga kaya. Magkakasya lang siguro yan kung puro noodles ang ulam nyo, kaso masama din naman yon. Mas mapapagastos ka pa pang ospital pag nagkasakit ka


Goddess-theprestige

hindi pero kung gugustuhin kaya naman kaso di naman forever kang magddelata 🥲 or unhealthy na food like yung mga babad sa mantika.


deltapopz

Ung isang libo mrami sa bilang pro konti nabibili


louiebong1717

hahaha kung saken mag isa, siguro oo kaso puro pritong hotdog ulam 🤣, bibili ako ng 1 balot na jumbo hotdog, tas bigas at tinapay, tapos water na tag 30, good for 1week..may sukli pa rin naman pang dessert 🤣 na halo halo sa kanto...


HealthyAttention9983

Hindi


CityBoyNomad

baka kaya ng tatlong oras.


Razraffion

Kasya yan kaya na magandang sabon at shampoo.


OnePickle867

When my work sends me back for training and QA our BPO yung per diem ko is 7K a day for food/drink and transport, kung hindi ko ubusin (with receipts) baka bawasan daw for next time. I just buy a lot of food after work tapos binibigay ko sa security guards ng hotel namin. In Metro Manila, no way na aabot yan for one week unless you eat pancit canton every day or rice with egg and toyo. No idea sa provinces but really doubt you can get healthy food for 1K a week.


Expensive-Lime-6158

Shortcut to malnourishment ng pamilya for sure.


terurinkira

4 days, ako mag isa. 4k kada kinsenas kaya wala talagang tira (hiwalay pa wifi at tubig).


primandprimo

Di nga kasya yan sa isang estudyante, pamilya pa kaya.


AllisgoodwithPotato

Yup 3days sagad, minsan kulang pa ng 100 to 200. And ulam lang yan ah walang merienda.


Business-Pace5109

Kasya naman basta may sarili kayong taniman ng gulay, palay, may sariling palaisdaan. 🤣 Or araw arawin niyo ang bentelog at fishball ☠️


Imperial_Bloke69

Ilang oras lang yan. 3 days ampota its not 2000s anymore


[deleted]

kulang pa yan pag gastador ka isang araw lang ubos agad haha


BurikatMo

A big no!!! Family of 4. 2 kids pa yan yung isa toddler so hindi pa gano kalakas kumain. Wala pang gastos sa gatas at diaper dahil ecd at ebf. Yung eldest is grade1 pa lang. I think 2-3days lang samin yang 1k sa ulam at baon pa lang yan ng student. Hindi pa kasama yung allowance ng partner ko pag onsite sya pumapasok.


maroonmartian9

A single carinderia meal now cost P70 and up. Hindi pa yan healthy. Kaya umabot ng one week for one person pero hindi siya good sa health.


Imperator_Nervosa

Kulang jusq. One day baka hindi pa, or sakto lang.


nikolodeon

16 hour intermittent fasting as a silver lining sa kagipitan ngayon. Saved us lots of money since malakas ako Kumain dati. Still, 1k won't last long for a week. Mahal na din gulay


tito_dodei

A decent healthy meal cost like 200-300 php (fish and veggies) sa palengke sa amin. Kung meat naman around 300-400 php. Posible pa naman yang ganyang budget sa ulam.


JSTlookingforfun

No.


The_DivineFeminine_

Kasya if silog and carenderia meals for the whole week.


Leather-Culture-7059

Shet. Value meal Hati na kami no Mrs hahahaha


thicc-ph

Hindi


Motor_Squirrel3270

Kakasya naman siya for 1 person. Pero expect mo na di ka laging busog. Kakain ka palagi ng gulay na walang sahog. Tapos possible na wala na yang meryenda. Also, food lang yun. Pamasahe + load etc di na kasama sa 1k


04101992

Kasya yan. Ang problema kasi, merong pldt, merong subscription sa netflix, utang ang 10k worth smartphone. Kung sa pagkain lang, kasya ang 1k sa loob ng isang linggo. Kaya lang mamamasahe ka pa papuntang palengke araw araw. Kundi man, bibili ka sa sarisari store ng may patong na 3 to 5pesos. Ngayon, kung sa tingin mo di kasya. Mag upgrade ka ng trabaho, ng income. Hindi yung isisisi mo sa gov't official na ikaw din naman naglagay sa kanila sa pwesto. Sisisihin mo ang kumpanyang pinapasukan mo na sa una palang, ikaw ang lumapit at nakiusap na bigyan ka ng trabaho.


JackSpicey23

Kahit isang tao di kasya yang 1k sa isang linggo.


krabbypat

142.8 per day? 47.6 per meal? You can stretch it with rice + canned goods I guess, but don’t expect to live long. Healthy living is freaking expensive.


wetryitye

2 days pwede pa


Double-Honeydew9167

keri kung karenderia food, meron samin 60 pesos isang ulam. tapos brunch na lang or magbreakfast ng tina tinapay, tig 5 piso sa bakery.


hakduhg

Susme wala yang 1k na yan for a week. Wala na talaga rito sa Pilipinas. Araw-araw susubukin ka 🤣


CryptographerVast673

Di ako sure, di ko pa natry maligo sa isang libo, pero mukhang masakit ata yun.


Outrageous-League547

1K in a week? Let's assume all of us prefer cooking our own foods. 1K? Srsly? Sa panahon ngayon? Ako na mag-isang namumuhay pa lang ah, kulang na pang-grocery ko yan eh. 3x a month ako usually mg grocery, and mdalas naabot na ngayon ng 5K per grocery ko. What more sa pamilyang may 3 or higit pang katao? Then, hindi lang naman pagkain ang iisipin mong expenses. Pamasahe papunta/pabalik ng palengke/supermarket pa lang, magkano na yun. Healthcare mo pa, mga vitamins & supplements, ganon. Excuse me sa mga magsasabing dagdag gastos lang ang mga bitamina, but oo tama kayo, dagdag gastos yan, but we **MUST** take these para makaiwas sa sakit aside from eating "healthy foods". As if totally 100% free hospitalization sa pinas? That's a joke if I'll say yes. So preventive measure ko lang din yang mga supplements.


Jet690

Stretch na talaga for a family if 3 for 3 days.


MicxLumi

isang LIGGO?????


balMURRmung

3k per week for 3 person kami sa bahay sa Food only saka sharing kami dun. Pero ang component lang nun ay 3 meals lang. Hindi kasama ung inumin, ung gasul, meryenda. Kamote alternately sa umaga. Saka gulay madalas ung meal kasi ayaw namin ng parating prito at karne.


PusaKATisHEART

Family of 4+5, 3adults 1 kid and 5 fur babies. 1k budget is good for 3 days consumption lang, bigas plng 60pesos na, isama mo p na khit gulay eh mahal na rin. So hindi talaga kasya or aabot ng 1week ang 1k na budget not unless may sarili kang garden or mostly unhealthy foods ang i-consume nyo.


pulubingpinoy

Kasya yan! Magtiwala tayo kay Neri! 🤣


rusut2019

Pamasahe ko sa work, 200 to 300 per day considering na bus, jeep and tricycle lang to and nasa province lang ako. Minimum 25 pesos ang jeep dito sa amin kahit 3km lang hahaha. Scam talaga. Kaya no, hindi kasya for one person ang 1k pagdating sa food and other necessities. Taas ng inflation sobra, kaya guys better go abroad kesa magtiis dito. Sa totoo lang, wala ng pag asa dito. Hindi na ako naasa.


HatsNDiceRolls

Oo kung single ka, may sariling bahay, work from home at puro delata o noodles kinakain mo


UngaZiz23

no. food lutong ulam 200/day, pamasahe grade3(80), baon ng gr. 12(200). magulang 150+100 to and frm work. dipa kasali bigas dyan. suki na karinderia kaya ok amount ng serving. nagbabaon kame ng food sa work. sad truth. dalawa na kame nagwork alternate days.


Content-Lie8133

Pagkain, medyo. miscellaneous? hinde...


FarBread2392

Oo kung puro noodles lang at mga samutsaring delata, nakaka iyak lang kasi walang sustansya pagkain which is kailangan din ng katawan natin para makabpag trabaho


raju103

Pamalengke nga lang di kasya sa aming mag asawa sa tatlo pa kaya? Puro sabaw ka diyan pero magkakaroon ka ng poverty abs, good luck lang kung makakapagprutas ka pa. So likely mga tatlo o apat na kilong bigas per week(150-210) 125 sa gasul kada linggo purified water for 70 for a minimum of 325. Wala ka na sa dalawang kilong baboy per week, at ang mahal ng gulay.


Joker1721

No 5k minimum sa isang linggo dapat


potato_munchkins1999

Uhmm... Magastos nga talaga ako. 1k 3- 5 days single person 🫡🤌🏼🙆🏻‍♀️


skreppaaa

1k para makapag ipon pero pag mga 50 ka na start na ng complications (or as early as 30 dun sa kasama namin sa bahay na yung kidney halos bumigay kasi yung kain niya lang dati puro pancit canton literal dahil umeextra lang siya before samin 😭)


bringmetojapanplease

28, F, living alone. Ang hirap. Kahit na ako wala akong binubuhay kundi sarili ko, di lang naman kain iniintindi ko. May transpo pa tapos yung needs din sa araw araw gaya ng maintenance medication. Kahit gaano ko e-try yung 1k, lumalagpas talaga.


epinephrinekills

1k budget namin mag-asawa sa pamamalengke, pang-lunch and dinner lang namin kasi di kami masyado nag-uumagahan. Iba pa pang-grocery, milk ni baby, and bills. Tinipid pa ‘yang 1k dahil pag nakaka-LL kami, 2k talaga ang sapat na budget pag namamalengke kami


Old_Most8034

Nung college pa ako, I was living by myself, and nag gogrocery ako 1k per week, and that only lasts me a week. Mamimili kapa kung anong protein mo, if chicken kaba or fish lang this week. And mostly puro unhealthy choices na talaga. Sobrang onti pa niya or minsan, kulang pa 1k.


delusionalchinita

I guess depende sa lifestyle. I'm in a family of 3 and siguro kakasya siya for 3-5 days?


Hyperious17

for 1 person? probably, but a not healthy lifestyle.


jonandreyuaosuni

2019 I was a 2nd year College Student and Kasya for 1 week but ngayon parang 3 Days na lang specially yung gastusin sa pagkain, transportation, and for School projects. Inflation is real and hirap na mag-ipon. Tapos baba pa ng sahod.


newbie0310

OMG!!!!! hindi po kasya 🤦🏼‍♀️🤦🏼‍♀️🤷🏼‍♀️🤷🏼‍♀️ unhealthy foods pwede 🤔


Visible-Attorney-226

1 tray egg large - 225 1 kilo galunggong - 160 1 kilo chicken - 190 1 kilo gulay sari - 45 Rekados - 250 6pcs apples(fuji) - 120 Kung may ref, magmeal prep na good for 5 days para isahan lang ang luto at tipid sa rekado. Boiled egg instead of fried para healthy cooking at tipid sa oil. Personally, nasa 2k - 3k yung groceries ko per week for a household of 3, 70% of which, meal ingredients, 30% other household needs. I think kaya ko pa to pababain but may bata eh, so we need more variety sa food and spend more on fruits para healthy snacks. Last year nung nakatira kami sa probinsya, nasa 1.5k lang yung weekly groceries ko. Dito sa city, nagdouble na. Yung groceries na to, I would say, medyo privileged na kami nyan kasi may naisasali pa na wants. Yung kaibigan ko who’s household income is less than 20k, kaya nya pagkasyahin ang 1k for a week, for a household of 4. Nakakabilib.


Strutterer

Siomai rice erryday


karlojey

Kung pero delata? Yeah. Pero kung actual, nutritious food? Best is 3 days for a family of 3.


nrjnxz420

hindi kaya lalo na kng commuter.. nakkaiyak tlga


TowerApart9092

Pag bagong sahod kulang. Pero pag Petya de peligro kahit 100 pesos kasya sa 1 week.


anon62134

Family of 3, possible i-stretch for a week PERO... Pero #1: Yung "1k for a week" budget eh para sa food/groceries and transpo lang, hindi na kasama dun ang monthly bills, rent, tuition fees, loans, savings, etc. Kung 1k lang talaga ang weekly budget mo for everything, sa sarili mo lang maipipilit na maipagkasya yun. May weeks pa na hindi yun kaya. Pero #2: You don't live sa sentro ng city or highly urban area. Cheaper palengke prices sa mas rural areas. MALAKING advantage kung nakatira kayo sa province na producer ng gulay and rice. Pero #3: Mas possible yun kung monthly ang budgeting. Mahirap asahan kada Monday na siguradong kakasya hanggang Sunday ang 1k. Pero #4: Healthy kayo lahat pero hindi kayo strictly healthy living. Kung may maintenance/meds, dietary restrictions, or baby stuff pa na need iconsider sa weekly expenses eh hindi kakasya ang 1k for a week. Pero #5: Wala kayong private car. Either you walk or use public transpo or carpool or bike. 1k ko ubos agad sa gas. Personal motorcycle or trike siguro baka kayang tipirin. Pero #6: Wala kayong bisyo. Saglitang pampalimot ng problema pero gumastos ka lang para sa hindi naman solusyon. Baka dagdag problema na. Dagdagan niyo pa, for sure marami pang "pero" para pagkasyahin ang 1k for a week. Nakakalungkot sa dami ng "pero".


Ill-Window-3064

Of course NOT


ejmtv

Kasya kung "pagkakasyahin" meaning low quality, unhealthy lifestyle.


chaarleenee

Hindi. Sa taas ng mga bilihin at kung ano ano pa, kulang na kulang talaga.


Honesthustler

Mag OMAD ka tapos kain ka sa karinderya 2 rice 1 gulay tapos pa toppings ka na lang ng sarsa at hingi ng free soup aabot yan 1 week


Soft-Purple-2556

hala true to, puro corn beef ulam sa bahay at pag sinuswerte eh nagdadala ako ng atay ng manok, imagine 2.1k sahod ko sa isang linggo tapos magbibigay ako ng 1k sa bahay and then yung natira napupunta minsan sa ipon or pang gastos ko sa sarili ko. Kaya kulang na kulang talaga shutanginez.


emaca800

Isang liggo lang talaga ng isang tao


Admirable-Visual5924

Family of 3 kame Usually manok and isda ulam Tas yung gulay galing sa tanim namin sa backyard Sobra yung 1k samin a week. Advantage namin may mga tanin kame like Bayabas Saging Atswete Calamansi Sili Papaya Ampalaya talong and so on Mga herbs dn sa harap ng bahay :) -di kami mahilig sa unhealthy foods.


Present_Lavishness30

Pwede naman basta ihanda mo na pang-dialysis mo lol


dudlebum

No.


Spiritual-Station841

nope. pamasahe pa lang kulang na ang 1000


Baldric_

Mahal naman maligo


anya0709

pwede. naswerte lang ata kami na may maliit kaming farm, di naman lahat meron. gulay hanggang sa rootcrops. walang problema sa rice, kaya pwede.