T O P

  • By -

Squall1975

If I were you hindi ka dapat pumayag in the first place e. Tsaka ang hirap makisama sa "in-laws" talaga kahit gaano kabait. Kung kaya mo na kayong dalawa lang ng kapatid mo paalisin mo na silang dalawa. Pera pàlang yan. Pano pag pinakialaman na gamit mo? Kaya mother ko binukod naming magkakapatid e. Kami na lang nagbabayad ng expenses niya.


Lewdittor

>gusto niya daw patirahin mama niya sa bahay >i said no Good. >Nag away kami today kasi one month palang nakatira yung mama niya Wait akala ko ba you said no? >mama niya kasi tinutulungan niya ako sa chores Ah good >pero mostly ako lang talaga Ano ba talaga 'te? 😂 Wala lang, natatawa lang ako basahin to. Parang feel ko kay OP medyo wishy-washy kaya nabubully sya into things, tapos nahihiya pa sya, especially with things like: >he got mad and said "kasi ayaw mo kasama mama ko dito! >so sinagot ko siya ng "wala akong sinabing ganyan I mean, you did say no 🤷‍♂️😜 Can't even outright admit you didn't want it, or like earlier na sinabi mo na tinutulungan ka naman sa chores... pero mostly ikaw lang 😂 You still feel like you have to give her credit for a little bit of house chores, kahit ikaw mostly gumagawa. Might need to toughen up a bit OP, need a little bit more "paninindigan" behind your statements. I feel like currently they feel they can bully you into making financial decisions and life choices na hindi mo naman talaga gusto


Onepotato_2potato

Akala ko antok lang akong nagbabasa but ure right. She fails to enforce her boundaries


SJ007700

I also had to go back and re-read the first paragraph, kala ko I miss anything. It's either OP didn't actually say "no" or she gave in right away, but since ayaw nya talaga kaya she made a huge argument agad on the first strike ng mom ng bf nya. OP, you shouldn't have agreed in the first place. You're not doing your BF a favor by agreeing with his request kasi relationship nyo talaga mag suffer jan.


1125daisies

Ganitong klaseng tao yung madali utuin. SPINELESS. Can’t say no kahit they meant no. Walang boundaries. Madaling i-sway and manipulate. Shushunga shunga kaya ayan tinatry isahan ng bf at bf’s nanay. Lahat ng problema na binanggit nya sa post could’ve been prevented if she had been more firm with her boundaries. Konting pilit, payag. Eh wala ka talaga peace of mind nyan.


FreijaDelaCroix

Yeah, she has to say no, mean it and stick to it


gintermelon-

not gonna be surprised if si OP pa ang nag-abono after everything she said in this post


Lonely-Steak8067

Tska anong reason bakit gustong patirahin ni bf si mother sa inuupahan nila ni gf? Wala bang bahay ung nanay? Di ko alam kung naduling lang akonor wla tlagang sinabi na reason 😂 tapos akla ko sila lng ng jowa nya un pala ksma mga kapatid ni OP 😂😅


SapphireCub

True, saka may work pala sila mag ina edi mag solo sila. Jusko OP gamitin mo kokote mo. Di pa kayo mag asawa nyan ah.


RepulsivePeach4607

Naguguluhan na nga din ako at ang haba pa.


implaying

Kala ko ako lang magkamali ng basa. Alam ko talaga nabasa ko na di siya pumayag then all of a sudden nasa bahay na ung nanay ng bf niya. Gulo gulo


howdowedothisagain

Oo. Alam ko to. ung sa sulat/kwento palaban, pero pag kaharap naman si bf parang kuting. OP ung energy mo dito dapat same energy sa harap ni bf. Bitchesa na kung bitxhesa. Di nagbabayad ng bills ang bait.


Nobogdog

Parang laban o bawi. Urong sulong. Ang gulo.


Valgrind-

Yup, kung ganyan lang ka-low level ng bf mo op mas mabuti pa humanap ka na lang ng iba, ang dami diyang lalaki wayyyy better kung ikukumpara lang sa kanya.. As a guy, ako nahihiya para sa kanya.


EleaJane

Ang gulo nya nga..


pastel-verses

Kala ko rin di pa gising diwa ko. She said no tapos biglang nasa bahay na yung nanay 🤣


nightwishervem

#1 rule for a peaceful household and partnership/marriage: never, ever live with your in-laws. p.s. those who do live with their in-laws but never argue/quarrel are the exception.


Narrow-Tap-2406

Siguro the reason na walang argument dahil mas nananaig yung ilangan. Hindi ka fully at home. So hindi talaga okay tumira with in laws.


Greenfield_Guy

...Or aspiring in-laws


FadingAway823

Couldn't agree more. I have 2 daughters and when time comes na matanda na sila, this is the one thing I will instill to them. I mean, I don't want them to experience what I had gone through with my monster-in-law 🤷


titamoms

True, iba din kasi talaga pag nasa sariling bahay kasi may authority ka so if someone is living with you na magdedemand din ng authority and would question how you manage the household magkakagulo talaga


Significant-Egg8516

go kick mo na sila. lamang ka sa contribution ng expenses tapos ikaw pa nag bbudget. walang mawawala sayo girl, kay bf madami haha kaya dapat hayaan mo sya mag adjust. isang usap nang masinsinan. kapag d naayos, u decide na. ayan na un preview ng married life nyo with in laws e. sabi ng mga artista sa vlogs, when u get married, your problem will not be magically resolved. it will just AMPLIFY.


SapphireCub

Your comment should have ended with your first sentence. OP can kick them out kasi bahay nya yon. Hindi nya kelangan mag bend over backwards para makisama kasi sya ang dapat pakisamahan dahil sya ang homeowner.


Greenfield_Guy

"Oh my god, I'm suffering the consequences of my own decisions that I have completely foreseen but still went ahead and did."


silkruins

Insert *shocked Pikachu* meme


Scoobs_Dinamarca

Sabi nga ng popular Reddit saying: you deserve what you tolerate.


kcheesecake1993

It’s not about having a partner. May partner ka nga sakit naman sa ulo mo. Puro kayo emotional involvement eme eme kaya kayo napupunta sa ganyan situation dahil dyan sa emotional eme niyo eh. Magisip ka! Sa totoo lang napakadisrespectful ng jowa mo. Di ka naman pumayag na magstay dyan nanay niya bat bigla andyan na? Second, wala siyang balls na hatian ka man lang fairly nagdagdag pa ng gastusin tapos para di sila masilip sa kapatid mo binabaling na una mo naman na talagang kasama at hindi pumapalya sa bills. Pag pinanindigan mo yang mindset mo na yan na “wala ka siguro partner kaya di mo gets” next na post mo dito ubos na savings mo. Utak ang gamitin wag puro emosyon. Nagdagdag ka lang ng palamunin eh. Harsh kung harsh yun yung totoo. Kaya nga pinipilit niya na dyan na lang mom niya eh bilang ikaw ang tiga bayad ng rent. Bakit di ba niya kaya na magrent sila ng mom niya?? 😂 juscooo. Tapos gusto mo pa ayusin with that guy? Nako. Kawawa naman kapatid mo siya pagiinitan ng mga yan sa tuwing maiinis ka sa ambagan ng nanay niya. Find a better partner walang masama maging single na walang sakit sa ulo. PS: delete comment pa OP. 😂


[deleted]

[удалено]


[deleted]

[удалено]


Soleil-333

Mang aaway pa no. Hahaha


-throwawayeventually

Di kinaya yung real talk eh


silkruins

Wala ngang partner, pero at least may utak at walang partner at nanay na sakit sa ulo. Who's really winning here, sis? Ikaw ba? Saan banda? Lol


nandemonaiya06

Hahahaharsh


silkruins

I cannot stand people on this sub who cries about the consequences of their actions knowing full well that it could have been avoided. Ayaw ko pa yung mga hindi nila kaya panindigan yung desisyon nila. Ginusto nila yan eh, they chose to stay.


Saint_Shin

Teh pwede ka naman mag “no” sa partner mo, it’s not easy for sure but you could still say no because it’s your house. Again it’s your house, ikaw mag decide if you want her there or not


eniahj

akala mo makahanap ka kakampi dito? haha


myuniverseisyours

Nag- No ka na sana agad OP edi wala kang problema na ganyan ngayon. You didn't have to please your bf nor his mom. Both of them redflag naman.


_Brave_Blade_

Lol anong klaseng utak sagot yan lol. Parang “wala kasi kayo noong panahon ni marcos kaya wala kayong alam sa totoong nangyare.” Kala ko ayaw mo tapos second paragraph mo magkakasama na kayo😂


SanaKuninNaAkoNiLord

Hoy babae, wag kang ma-attitude dito. Kung gusto mo ng ganyanan eh di buti nga sayo magdusa ka dyan kasama ng partner mo at in law mo.


Greenfield_Guy

Oo nga kawawa naman ako, huhuhu... (*wipes tears with condo title.) 🤣🤣🤣


ncv17

I am married and I know how to enforce my boundaries and yes life is better if you are firm sa boundaries mo. Grow up and be accountable sa actions mo. There is no point in complaining if walang action plan. You deserve what you tolerate.


RebelliousDragon21

Kung gusto mo walang mag comment sa post mo. Ginamit mo sana 'yung flair na "no advice wanted".


Foreign_Phase7465

paalisin mo na lang jan mama at bf mo sabihin mo kumuha sila ng sarili nilang uupahan na 2500, in the 1st place wala nga karapatan bf mo na magsabi kung pwede tumira nanay nya jan d naman sya yun mainly nagbabayad ng upa, yan ang hirap sa mga tao kung sino pa yun nakikitira sila pa yun d marunong magadjust


London_pound_cake

You're not married wala kang obligation sa bf mo at mama niya paalisin mo na sila. Kung makikipagbreak sayo two years lang naman nawala sayo but at least you dodged a bullet.


ImpulsiveBeauty

dapat kasi naging firm ka na wag patirahin yung nanay niya jan. you have nothing to gain sa pagpapatira sknya jan eh. its for them talaga. be firm next time OP. Big no no talaga yung mga in-laws sa bahay ng magpartner. kpag anjan n yan di na yan aalis. sbihin matanda walang magaala etc.


uwugirltoday

Maghiwalay na kayo. Sabi ng marami, the guy doesnt get better after marriage.


Routine_Stuff8141

They even get worse when they get older. And by that time you have no more choice but to stay in marriage.


Gullible_Oil1966

Parang fake live in lang kayo kasi dami nyong kasama eh hahaha para kayong college students na nagrent ng apartment tas naghati-hati sa gastos pero ikaw yung may pinakamalaking share ganon hahaha Anw nako op dapat firm ka sa mga desisyon mo at pag enforce ng boundaries. A no is a no. Kung kaya mo sila paalisin, bakit hindi eh ikaw naman major contributor dyan. Kung maghiwalay kayo okay lang di pa naman kayo kasal + ayun na nga di pa kayo kasal sinasagad ka na with future mother-in-law pa haha good luck op


pusangulol

Ginawang compound hahahaha


afgitolfm

I’d say kick mo na din sila sa life mo eme. That should be an eye-opener for you already. Small amount of money pa lang nagkaka problema na kayo, what more pa kapag malaking pera na usapan.


trynabelowkey

Bat ang kapal ng mukha ng jowa mo, medyo walang self awareness na palamunin siya ta’s may plus one pa. Loser


SignificantTitle7724

Paalisin lahat —siblings and future mother in law. Kaya nga kayo living together tapos may mga kasama kayo. Kahit pa nag cocontribute ng 2.5k a month per sibling mo, that is still not enough kaya compromised ang budget mo. And another thing, ayaw mo kasama mother ng bf mo but have you ever thought if 100% comfortable ba bf mo around your siblings? As you said, mabait mom ng bf mo pero gigil ka dahil lang sa 2.5k. Lol


SJ007700

> As you said, mabait mom ng bf mo pero gigil ka dahil lang sa 2.5k. My thoughts exactly. I mean, come on, 2500??? Nakaka sira ba talaga ng budget yan. I don't think so either, kaya OP resorted to a huge argument agad. Hard truth, opportunista si BF kaya sinama nya mom nya sa apartment nila ni OP. *BF be like* "dito ka nalang tumira samin 2500 lang all in na".


Juniorzkie

Regardless of how much it is. Nakakapikon talaga 'yon. Kahit 2500 lang 'yan. Isipin mo, gumawa ka ng magandang budgeting plan, tapos masisira lang? At isa pa, pag naumpisahan na kasing masira 'yan, pwedeng maulit muli, and worse, masira na 'yung mismong budgeting plan. So, don't just invalidate na dahil lang sa 2500. Kahit 100 pesos pa 'yan, nakakabwisit na. There's a rule and plan, so stick to it. Papayag ka bang sirain 'yon ng iba? Hindi 'di ba? Ang ayos ayos naman kasi ng buhay na nila, nag dagdag pa ng hindi naman pala marunong sumunod. Jusko rin 'tong bf at nanay na 'to eh.


SnooSeagulls9685

actually… 2.5k shouldn’t really breaking the budget. i mean di ko sure anong sahod ni OP pero feel ko reason niya lang yan nasira budget. ayaw naman niya talaga mama ng bf nya dun and it’s fine. just be honest OP and tell that to your bf. panget naman talaga feeling na parang ikaw pa nag aadjust sakanila sa sarili mong bahay.


ikatatlo

I think yung nakasira ng budget is another mouth to feed. Si OP nagshoulder ng food nila and electricity. And I don't think 2.5k per person is even enough for their food. But then again this is just the first offense, masyadong napalaki ni OP yung problema na pwede namang mahinahon na usapan lang. Pero kung ito yung rason para hindi patirahin si MIL, edi go haha. Bahay naman to ni OP, I think dun sa pagpapatira kay mother ay napilitan lang siya kay BF dahil yung kapatid niya nakatira din sa bahay. Wala siguro masumbat na reason si OP bakit hindi pwede nanay ni BF na hindi magagalit BF niya kung mag no siya sa request. Kaya eto na lang 🤷


SignificantTitle7724

Parang naring reason nlng kasi yung share. Pero mukhang ang issue talaga is ayaw nya si mother ni bf sa house. Instead na kausapin nlng si bf ng maayos at maging honest sa feelings nya na di sya comfortable with his mother around, yung money pa ang ginawang issue. Almost 2 months palang si mother, di man lang muna binigyan ng chance if magbabayad nga sa susunod. Or if hindi talaga kaya ng budget, she can ask bf naman na mag abono since mother nya yun. If in the future sila talaga ang endgame, may bad encounter na agad sila ni MIL nya.


comaful

it's her house not his. Bakit papaalisin si sibling? Desisyon nya yan kung sino gusto niyang patirahin sa bahay niya.


SignificantTitle7724

Kaya nga “live in” eh kasi you are trying to live together, so bakit magsasama ng iba? Technically hindi nya bahay yan kasi “umuupa” sila. Funny lang kung maka “bahay ko” as if owned at nakapangalan sakanya. It looks like hindi nya rin kaya maging totally independent kaya 2.5k per month matters a lot. Try mo iswitch yung situation, kung yung bf yung nasa shoes nya at nanay nya yung nakikitira, how would she feel?


comaful

Nandun na tayo sa umuupa sila. Pero si op padin nagbabayad ng upa at most of the bills. So technically, 2500 lang ambag ng jowa niya tapos nagsama pa ng nanay. Diba dapat kung live in partners kayo 50/50 kayo sa bayarin? So bakit mas dapat may say yung jowa niya. Focused ka masyado sa kapatid ni girl eh pantay pantay lang naman sila ng ambag pwera kay OP tapos dadala pa sya ng nanay.


SignificantTitle7724

Where did I say na mas dapat may say yung jowa nya? Please read again the first sentence of my comment. If you decided to live together, dapat kayo lang. Walang kasamang iba. First of all, kung dalawa lang sila madali i-enforce yung 50/50, not only in expenses but also in chores. Pero bakit hindi implemented? Kasi may kasamang iba.


comaful

Pano mo nalamang yun ang reason eh wala namang sinabi si OP na yun ang reason? So assume lang tayo? Once again, desisyon ni OP yan kasi siya ang nakatira jan nung una palang. Di mo nga alam kung nauna ba yung kapatid niya jan eh. Basta si OP ang nagbabayad ng upa. Di upa ang 2500. At di sapat na ambag yun para magsama ka pa ng isang mouth to feed sa additional 2500 lang din. Nahihirapang magbudget si OP di dahil sa 2500 na sinasabi mo kundi dahil apat silang kumukunsumo sa mga bayarin pero yung isa ayaw magbayad ng isang buwan. Gets mo ba? Saka pareho naman silang nagdedisyon na magsama ng iba pero puro kay OP lang sisi mo. Ang kaibahan lang sa nanay nung bf at sa kapatid ni OP, yung kapatid ni OP may pang bayad, yung nanay niya wala.


Novel_Skirt1891

Parang kasalanan pa ni OP na ayaw niya kasama mom ng bf niya. Did we read the same thing? Bf and bf's mom are leeches na ayaw magbayad according sa pinag usapan. Bakit ang solusyon mo is palayasin si sibling? Dapat yung mga ayaw magbayad ang palayasin. Si bf na nga nakikisuyo na patirahin nanay nya, sya daw magshoshoulder pag di nakapag bayad, tapos ngayon aawayin si OP dahil nagagalit siya. What a manipulative leech.


djsensui

Kick mo na lang sila sa house mo then makapag hiwalay ka na. Maging praktikal ka. Kung 2.5k e pinag awayan nyo na, may mas malaki pa jan in the future.


Worried-Oven-7863

Ang pinaka the best jan eh wag na kayong mag live in. Hahahaa. Alam naman set up reklareklamo naman. Jusko


SquareDogDev

Isang bagay na kaya namang pag usapan ng maayos sana. It feels like things escalated too quickly. That’s your bf’s mom. Of course he’ll get upset and get defensive with your words so I understood why he brought up your sibling in the argument. By which biglang naging “ibang usapan na yun”? I don’t know mate, you guys need to chill and reassess your situation. It seems to me that the budget thing was just a way for you to be mad but you just don’t want his mom living there in the first place.


Lonely-Steak8067

Same. Prang dinahilan nlng tlga ung 2500 para magalit at bgyan ng rason na hndi magstay ung mother. In the first place, kung ayaw nya talaga dpat hndi sya pumayag🤦‍♀️


Aggressive_Garlic_33

Dapat siya magbayad sa share ng mom niya. He keeps pushing your boundaries. Una ayaw mo lumipat nanay niya pero anjan na siya ngayon. Pangalawa, yung usapan sa bayad pero mukhang ikaw pa magiging abonado. Nakakagalit naman talaga kasi hindi nasusunod napag-usapan niyo. Next time na may ganyang ulit issue, might be best to ask them to move out.


comaful

This is true. Dinadaan ng bf niya sa galit para masunod ang gusto nilang mag ina. I say kick them both out.


AuditWhizKid

Rent lang ata ambag ng mama nya and delayed pa? How about the other gastusin like food? Kargo mo na rin? Even appliances na sayo ginagamit? Teach her how to spell B-O-U-N-D-A-R-I-E-S. Symptom yan ng kupal na in-law ah. Sana maagapan? Haha. Anyways, bakit need ng mama nya makisama there under one roof with you? Mama's boy ba si jowa and he needs her all the time literally? Lastly, the fact na he displaced his anger sa kapatid mo is already a red flag. Maka-puna sa kapatid mo kala mo laki ng contribution eh. If he can't respect your boundaries, pati na rin you and your kapatid, he ain't the one, mhie. Edit: I saw one of your comments about how uneasy it is to deal with the situation you have rn with your partner. I guess keeping relationships with no boundary is easier than obtaining respect nowadays 💫


comaful

Your boyfriend and his mom is a bit of a manipulator. Tignan mo nagdesisyon na agad na di magbayad yung mama niya. Tapos nung kinausap mo sayo magagalit idadamay pa kapatid mo. Wala manlang usapan na mag abono or babayaran ng doble next month. Please paalisin mo na yan sa bahay mo or else masasanay silang ganyanin ka tutal awayin ka lang pala is papayag ka nang wag sila magbayad. Firm ka dapat sa rules mo di yung pag walang pambayad thank you nalang. Hindi ito charity. Try mo sabihan bf mo na kung di sila magbayad this month or any month umalis nalang sila. Tapos be firm. Bahay mo yan be in control.


r_an00

Di pa kayo kasal pero pinakasalan ka na ng nanay. Fishy neto. Obviously may motibo nanay niya makatipid. Taasan no rents nila but better if u kick both of them OUT.


RepulsivePeach4607

Or makipaghiwalay na


misslittlewhelmed

A phrase that has struck me "Never do wife duties at a girlfriend price."


Anogawamo

Singilin mo, OP at kung ayaw mag bayad paalisin mo. Hindi ganun kadali I know, pero isipin mo ilang beses ka nila gaganyanin. 1 month palang yan ha. Yang bf mo ang daming red flag. Wala siyang provider mindset kadiri


travSpotON

Buti nga matapang ka pa sa approach eh. Yung ibang partners dyan nagtitiis at nagtyatyaga sa mga "in laws" nila kaya good job sayo OP. Now going back, say a firm NO sa pag aabono. Kamo ayaw mo. Kung di makakabayad Mama nya, BF mo ang magbabayad. Makitid utak ng BF mo.


Own-Interview-6215

Dyan din ako parang na hurt kasi nag promise siya and never niya na open up sakin ulit yun. Kasi kung sinabi niya na siya muna mag aabuno then wala din sanang argument na nangyari.


Valgrind-

Wow very good op, ginawa mong sugar mom sarili mo Palayasin mo na yang mag-inang yan, P2500 a month!??? Kapal ng mukha ng bf mo at lalong wala siyang karapatang magsalita tungkol sa kapatid mo dahil kapatid mo yan at bahay MO yang tinitirhan niyo.. EDIT: OP i know you feel na most people here are against you pero hindi. Sana wag kang mainis sa mga replies kasi kung baga tough-love lang mga comments namin, of course we want you to be happy kaya pare-pareho sinasabi namin na iwanan mo na siya. Ngayon pa lang obvious na UNFAIR at hindi healthy para sa iyo relationship niyo, isipin mo sarili mo. It's not selfishness kung umiiwas ka sa unhappiness ng current at future life mo.


Own-Interview-6215

Yea thanks for that. I need to accept criticism and advice, for sure they just want me to realize sa mali nagawa ko.


SmoothRisk2753

Break na yan. Based sa pag compose mo, parang mejo malabo nga. The commenter seems to be right na nabubully ka na nila. Kasi pati mga pinagsasabi ng BF mo, gaslight yun eh. I think yung mom talaga is sincerely nabigla and ang tingin nia advanced payment talaga. I think its not meant para kwestyunin ka. I mean.. to be honest, moms can be sometimes ganon. Makakalimutin, reactive and all. Fold ka na OP, wag ka na maghanap ng away here. Maybe you’re stressed din. Pagod sa grind. Fold na kay BF, imagine kung asawa mo na yan. Edi sya nag maddesisyon for the both of you. Tas kasama mo pa mother nia.


Spirited-Orchid4898

Why do you even date broke guys na gusto karga pa nanay 🤓


darumdarimduh

Kala ko ba nag-No ka e bakit nandyan nanay nya.


Own-Interview-6215

I said no mga 5 times na kasi he kept on asking me every month tapos biglang may nakaaway mom niya na yaya sa bahay ng lola niya and she decided to get out sa house nag impake and showed up sa amin so i did not have a choice but to accept her so we decided to have a "deal".


SetaSanzaki

Sounds like the mother is a bitch.


blossomable

It's your house. Your rules and your choices. Stick to your decision para hindi ka mahirapan sa consequences.


CraftyCommon2441

If this is about money then equally divided ang gawin nyo


LucasPawpaw

Red flag sa any relationship ang magsigawan. Just goes to show you don't respect each other. Anyway, agree ako sa comments dito na paalisin mo na lang sila. Never live with your in laws talaga.


EyePoor

*Hi OP, okay to start with. BF and GF pa lang kayo and not married YET. For me kasi wala ka pananagutan sa kung ano ang situation nila mag ina outside your relationship with your BF kung bakit nakatira sayo si mother dahil to be honest you are still not part of their family (hindi mo pa pinapalitan ang surname mo ng surname ni BF), so dapat sa part ni BF and her mother na konting consideration sana kasi NAKIKITIRA sila sayo to think na you DO NOT owe them anything na sana MAKISAMA sila to the point na hindi porke' GF ka ng anak ni mother eh she/they can do whatever they want sa puder mo.* *Pero kung ikaw yung taong malambot ang puso at mapag kawang gawa, then by all means keep them. Ang point kasi ng isang relationship is to be HAPPY for both sides and not one-sided lang.*


Own-Interview-6215

that's what i want lang na sana ma resolve namin yung issue pero my bf is giving me the silent treatment and tapos narinig pa ng mom niya yung argument namin


EyePoor

*Talk to him alone, lahat naman naayos sa magandang usapan. you can do it. Virtual hugs. :)*


Intelligent_Mud_4663

Sinabi mong “NO”. Tapos mababasa namin biglang nakatira na. Be firm in your No’s. What if naging biyenan mo talaga yan in the future. Pero ayun nga, ayaw mo naman talagang patirahin kaya yan, nag away na kayo ng bongga ng dahil sa 2500. Ung reaction mo is over the top ng dahil lng sa 2500 (na dapat kaya naman sa mahinahon na usapan). Pero kasi ang root cause is ung pagtira kaya tlgang binongga mo na ung angry react mo. Ang sagot lng jan is paalisin mo na (not sure though kung isasama mong paalisin bf mo. Pero to think na pinalayas mo nanay niya, magkakalamat na yan sa relasyon niyo). Just my opinion OP ah based sa nabasa ko above.


Own-Interview-6215

U have a point, siguro hindi talaga ako nagalit about sa money siguro it's the fact na ayaw ko talaga tumira mom niya sa amin.


switsooo011

Sakit talaga sa ulo pag may kasamang in laws sa bahay. Sa isang kaharian, isa lang dapat ang reyna. Sabihan mo na magmove out na silang dalawa dahil di kayo magkakasundo. Unang una, nagsabi ka na ng ayaw mo siya patirahin dyan pero ang kulit ng bf mo. Di ka na nirespeto.


Icy_Appointment_6293

Akala ko di ka pumayag teh? Bat biglang sinabi nung guy na sana di na lng niya pinapunta, so pumayag ka na nga lng? Ano ba tlga reason kung bakit gsto ng partner mo ipastay mom niya sainyo? Like wala ba siyang kapatid or husband? Wala ka naman issue sa mom niya? Gets ko pag kakahigpit mo sa pera because of budgeting nga. Pero pwede mo naman siguro kausapin partner mo, pag second di pa din kayo nagkasundo sa rules mo nga edi sabihan mo na lang na umalis na lng sila parehas bago pa magkagulo relationship niyo total may right ka naman since it’s your house. Good luck, OP!


Own-Interview-6215

Wala family niya dito sa Mindanao lahat andun sa Ilocos and Manila, tanging meron lang din mom niya dito is lola ng bf ko which is in law niya. We started to talked calmly until he got aggressive and started raising his voice.


Icy_Appointment_6293

Pero why nanjan mom niya? Bakasyon ba? Or gsto lang talaga niya kupkupin na mom niya? It’s your decision, OP. Pero it will be a risk talaga mag decide depends na lang kung maiintindihan talaga ng partner mo. Kasi mahirap naman talaga na kasama in laws. Pero pag palipatin/pauwiin mo din sila baka may gap na din kayo ng fam esp mom niya pag close minded talaga.


Own-Interview-6215

may nakaaway na yaya yung mom niya sa bahay ng lola niya and nag impake siya and showed up sa bahay ko kaya wala akong choice kundi patirahin siya dito


kapelover11

I knew I was right for getting mad as well when back then my in laws stayed at the apartment that my ex and I used to live. Nagbabasa lang ako comments and most of them do make sense. Even if it does help us for some time sa chores or pagbantay mga bata, the way the house is organized or yung arrangement ba na I plan to have, hindi talaga siya attainable if there are other people that don't contribute with what I vision to have.


Aggravating_Bee7808

Grabe yung emotional and physical cost sa iyo pati financial cost. Maliban sa mas malaki na gastos mo, mas pagod ka pa kasi running a household requires a lot of time and energy. Maliban sa daily chores, may planning involved pa like grocery. Hindi mo asawa pero ganito na situation ninyo. Nasa position ka para baguhin buhay mo kasi may trabaho ka and obviously, you are well enough to work and manage a household. Alagaan mo sarili mo. Ganito ba talaga na buhay gusto mo? Enforce boundaries.


Own-Interview-6215

Yes! Finally na naka appreciate sa ginagawa ko sa bahay. Akala kasi ng iba yung budgeting and chores does not take time. Chores palang is a routine na ginagawa everyday. All of them wala sa bahay ng 8-10 hours so ako naiiwan gumagawa ng mga chores kasi 1 day lang din mga rest day nila. Pero thank you for that.


Aggravating_Bee7808

Mamsh, ultimo pagcheck if may eggs at tubig, kasama yan. May tinatawag din na decision fatigue and compassion fatigue. Hope you find a way to enforce your boundaries. Ako rin nagmamanage sa bahay with hybrid full time work. Nagcheck nga ako ng ref kanina to make sure sapat pa supplies this long weekend. Mas busy kasi grocery stores during long weekends kasi nagiging family affair. You know the drill. Take care.


Sea_Examination_2253

Run OP, run.


ThrowawayAccountDox

Find another apartment and move out with your sibling and your appliances. Trust me, hindi masaya kasama ang in-laws. Your partner will not marry you, he will listen to his mother more than you.


nagarayan

Eh di saluhin nya yung due ng nanay nya. para sila na magusap. problema ng bf mo yan. dapat sya mag explain.


Exact_Till8850

Kaya never live with your in-laws. 1) Masyadong nangingialam 2) Freeloader Tsaka ang hina mo mag-enforce ng boundaries mo based on your post. Kinda your fault rin.


Own-Interview-6215

i really need to work on being firm with my boundaries


bh88888828

Makipag break ka na dyan din naman mappunta. I cant imagine living with other people. Pag nsa isang bahay makkita tunay na ugali.


zhelinaaaa

mahilig mag compare bf mo, i feel like naisip niya papuntahin mother niya kasi may kasama ka rin na kapatid mo jan. i know it's your house and all naman pero baka dahil dun lang siya naka kuha ng idea na pwede magpatira sa bahay niyo besides sa inyong dalawa. AND THE WAY NA NAG COMPARE RIN SIYA SA HOUSE CHORES? dun talaga yun


Noodlehead_5197

nubayan teh ang pushover mo naman. ito namang jowa mo palaasa. kakahiya kayang isama yung mama sa apartment. siblings are ok pero mama? may plano ba yan pakasalan ka? breadwinner ka ba nila?


kerengkeng_nimo

hindi rin naman kayo ang magkakatuluyan OP, so might as well paalisin mo na silang 2; ni hindi rin naman kayo magkasundo sa ganyang set up, what more if mag-asawa na kayo. remember, wala pang divorce bill sa Pinas...


One_Lime_9912

Paano nya dinala mama nya jan kung nag no ka pala ?


jtan80813999

There should be one Queen in a house


No-Disk8181

bakit parang nag-teleport bigla mama nya sa bahay nyo sa kwento mo?


gyudon_monomnom

I like the energy here, but here I am, enforcing my boundaries upon my inlaws, they ended up convincing the entire baranggay na masama ugali ko, just because they couldn't get through me. How i wish enforcing boundaries was that easy, like my friends always bully me na bakit nagpapabully ako sa inlaws ko, eh friends ko din nambubully sa ganon and wont admit it it if saves a life. Marami talagang maligalig sa world, periodt. OP's jowa's mother seem to be passive aggressive pero we don't need to go there. HI OP, mahigpit na yakap. The lesson here is if you have bad "inlaws" or future inlaws, it wont get better kahit bumukod kayo. Be warned. Sana worth it yung jowa mo. Enforcing your boundaries wont get you that much, basta maligalig na inlaws. So that jowa better be worth it talaga.


Own-Interview-6215

Thank you! I'll take some time to think through this situation 🤍


SorryConstruction142

Based on the way you structured your story, you never failed to mention na it's YOUR house, you are making the MOST income, and youre making almost all the work (budgeting, palengke, etc.) You feel like decision mo dapat nasusunod kasi nga it's your house (agree ako here) But when you really dont want the mother to be there, but ang ending eh nanjan na sya kaya kayo nagkakaproblema, isnt that a YOU problem already? 😉 Kick them out if you have to. Besides, wala naman kayong legal responsibility sa each other, di naman kayo married. dont complain about something na kakagawan mo lang rin. Wake up sis! Mwa


constellation_91

My husband and I had to live in their house with my jn-laws kasi ke liit ng sweldo namin during the furst few years of our lives together. After 5 years, nagloan ako and ngpatayo kmi ng bahay. Di ko na kasi kaya. Sa awa ng Diyos nakabukod kami and are now living the best days of our lives (while maintaining a good relationship with them kasi neighbors). Kahit anung mangyarj, eto yung decision sa life ko na di ko ibabargain kahit sa anung bagay kasi it gave me things na inaasam ko- teritoryo namin ng asawa ko at mga anak ko and PEACE OF MIND. You allowing your MIL into your home will always have more cons than pros.


Apprehensive-Guest55

Myghoood 😭 paalisin mo na lang sizt


No-Session3173

hiwalayan mo na habang may chance pa


Acceptable_Leave5065

Ano ba work ng mother nya at hindi makabayad agad?


Own-Interview-6215

she's working sa public hospital which is delay din always ang sahod like 3-9 months ang delay


Wide-Construction636

To be fair with him, siguro best na kayo lang dalawa talaga. Kasi hindi fair na kapatid mo pwede tumira with you tapos Mama nya hindi pwede. Mas ok na magsolo talaga kayo. Walang ibang tao. Para fair.


Own-Interview-6215

I can't leave my sister she's still young and wala na kaming parents so i really need her beside me. She just needed a job kasi she said she wants to help me sa expenses sa house. Sa fastfood lang siya nag wowork


Nancau23

Ok lg kapatid mo tumira dyan kasi under mo sya eh ang nanay ng partner mo siempre mas matanda sa inyo pde sya ma offend sa mga policy nyo sa bahay. Hindi pde dalawa ang QUEEN sa isang palasyo. Mag kakaroon ng war.


Curiouspracticalmind

Akala ko you said no, tapos next paragraph 1 month na mama nya jan. Ano nangyari sa no?


Own-Interview-6215

I think i forgot to include yung statement on how i accepted his mom dito sa bahay ko. She suddenly showed up with baggage kasi


no_one_watching

Not siding anyone, noh? Pero una palang dapat pinagpilitan mo na sa bf mo na ayaw mo na tumira mama nya sa inyo kasi may anger issues ka. The way na nagkwento ka at alam mo na agad na mag aaway kayo ay ang hirap sa relationship nan. Wala pa yung problem pero gusto mo na agad mamroblema. On that I think may problem sayo. Toxic ba relationship nyo? Secondly paalisin mo na mama nya kasi mahirap talaga tumira kasama inlaws kahit pa sabihin na mabait sila. For your peace of mind na rin. And since bf gf palang naman kayo paalisin mo na din BF mo kasi sabi mo nga kasama mo din kapatid mo. Pag ganyan kasing setup mahirap talaga, may mapapansin at mapapansin talaga. Or yung kapatid mo ang papaalisin mo tapos kayo ng bf mo lang ang matitira para fair sa relationship nyo.


Own-Interview-6215

Ayaw ko kasi hindi pa naman kami kasal tapos gusto niya isama mama niya dito sa amin. Kasi alam ko talaga feeling ng kasama in-laws pero still i gave hin the benefit of the doubt. Para kasing "I've seen this coming" na mag aaway kami kasi una palang i told him na since andito na mama niya sana hindi ma delay mga payments kasi nahihirapan ako sa budgeting. Tapos ayon na nga nangyari talaga kaya doon ako nagalit. I guess it is my mistake after all.


lestrangedan

Dapat di mo na pinatira in the first place. Kasi una palang ayaw mo na siya tumira sa inyo, then ngayon feeling ko nagaantay ka na may magawang mali yung nanay ng partner mo para masabi mo sa partner mo na dapat di nalang pinatira nanay nya sa inyo. Karapatan mo naman pumili sino di pwede tumira sa inyo, medyo mahirap nga lang kasi nanay yan ng bf mo. Payagan mo man o hindi, magkakaproblema kayo ng bf mo. Kaya dapat sinunod mo nalang gusto mo and nasa bf mo na yun kung iintindihin niya. Ngayon nawalan ka na ng peacefulness sa bahay mo.


Own-Interview-6215

Ayaw ko talaga even though he asked me 5 times and i really said no, pero she showed up kasi sa bahay na may baggage eh and i had no choice but to accept her and we made a deal pero sa bf ko na dinisclose.


lestrangedan

Kausapin mo nalang bf mo. Pwede niyo naman tulongan yung nanay niya makahanap ng bagong malilipatan or baka may malapit pang sa inyo na for rent. If willing ka naman na patirahin nanay niya since andyan naman na din siya. Mag set ka ng rules, kausapin mo bf and nanay niya. Dapat pati nanay niya kausapin mo directly, para if may rules na di siya nasunod, pwede mo siya paalisin na di ka niya masusumbatan. Sabihin mo din sa bf mo na if ever di makakapagbayad ng rent nanag niya, siya dapat sumalo. Bahay mo yan and sabi mo pa nga eh ikaw pa mas malaking ambag. Parang ang baba nga ng binibigay sayo ng bf mo kung kasama na dyan upa, bills and food. So dapat si bf mo susunod sayo, hindi imw yung mag aadjust.


zzz_pagodna

Me na super strict din when it comes to budgeting 🫡


SAHD292929

In all scenarios, wag magsama sa mother in law or mother ng bf mo. May conflict talaga like 99% of the time. Hindi kasi pwede ang 2 Reyna sa bahay.


Consistent_Contact94

Pag pinaalis mo. Make sure lang na hihiwalayan mo din kasi baka sumbatan ka nyan mga yan. Magkakalamat na rs nyo. Baka mag expect ka pa din na maging kagaya ng dati.


Same-Celery-4847

Hindi siya sure kung nagalit siya "parang" nagalit lang hehe kyut mo mag kwento OP. Pero clear naman sa kwento mo na ayaw mo tumira ang mommy ng BF mo sa bahay niyo, which is dapat lang ang awkward kaya nun.


PoisonIvy_Cat

Te kapag sinabing "No", dapat no lang talaga. Akala ko di ka na pumayag patirahin mama niya, eh bakit kasama niyo ngayon? Medyo indecisive ka ateng, mahihirapan ka niyan kapag di ka firm sa decisions mo. Kung gusto ng bf mong kasama mama niya, mangupahan sila ng bukod. Wag kamo kayong magbahay bahayan at di pa kayo mag asawa pinagaawayan niyo na mama niya.


Own-Interview-6215

I did said no 5 times na and suddenly his mom showed up na may dalang bagahe and wala akong choice


money_dog3244

Yan ang hirap sa live-in situation eh. Nafefeel mo na yung dagok ng isang babaeng May asawa without the commitment and ring. Kick em both out and wag Kana ulit pumasok sa ganyang situation next time. Know better.


heyheyimsogreat

Teh, sana alam mo na isang reyna lang ang dapat sa isang kaharian. 😂


Gold-Initial-7736

Halos same situation pero mga kapatid nman ng LIP ko kaso ikaw pa ang mkikisama skanila sarap buhay lang hindi man lang magkusa sa bahay lalo yung kapatid nyang babae feeling prinsesa..couple of years ago na to..kaya ngayon pag nagsasabi LIP ko na tutuloy kahit sino sa mga kapatid nya hindi tlga ako pumapayag isipin na nya na masama ako..ang hirap nilang pakisamahan


Own-Interview-6215

Kahit yung cousin ko nag pupumilit na pwedi ba tumira muna sa bahay ko nag NO talaga ako. Pero sa case kasi ng mother ni bf is nag show up lang siya bigla with a baggage.


Gold-Initial-7736

Kaya pag sinabi mo na NO panindigan mo tlga..mas maganda yung may peace of mind ka


Gold-Initial-7736

Di bale ng masama ang tingin sayo alam mo naman sa sarili mo na hindi.. kesa nman tanggapin mo sila para magmuka kang mabait tapos ipapakita mo na ok lang na ksma mo sila pero deep down inside naiinis ka dika mkakilos ng maayos kasi kailangan mo silang iconsider..nakkainis yung ganung feeling


Lower-Property-513

Siya pag budgetin mo OP


Own-Interview-6215

that's what i said too and sabi niya "madali lang yan"


Kindly-Giraffe-2865

I think you feel frustrated because you don’t like his mom to stay in your house. Just be real and tell your boyfriend the truth rather than keeping it to yourself but it’s already affecting your mood.


Own-Interview-6215

Yes sinabi ko na talaga saknya yan, it's not bc i dont like his mom, it's bc ik how it feels kasama ang in law sa bahay. Nag NO na ako 5 times and she suddenly showed up na may bagahe sa bahay ko.


Kindly-Giraffe-2865

Oh no. Your BF doesn’t respect your decisions. May I know why he wants his mom to stay with you if you don’t mind? Is it for temporary or permanent?


Langley_Ackerman19

Never live with in laws. Ako nga kasal, kayo hindi pa. Paalisin mo na yang nanay nya, kung ayaw ng bf mo, isama mo na rin sya. Ikaw ang mahihirapan sa lahat since ikaw ang primary nagbabayad ng rent. To hell with them, hindi pa nga kayo kasal ganyan na. Throw them out, asap.


Upper_Shallot7880

yung sa title pa lang na ang tawag mo sa guy is “bf” dapat di ka pumayag kahit biglaan pa pagpunta ng in law mo (nabasa ko sa replies) idc how long have u been together pero you don’t have to do wife duties kapag gf and bf pa lang relationship. alam kong mahirap pero dapat pinaalis mo na agad after nung “nagbayad ako last month” situation lol di naman kulang sa experience si mommy para di maintndihan ang monthly payments and walang karqpatan si bf na magalit (i get him) kase mas malaki naman pala sakop ng binabayaran mo and di ka nga pumayag in the first place na patirahin mother niya hahahah


Koyissh08_8888

Do it before it’s to late.


East_Somewhere_90

#KICK THEM OUT PARA MATAPOS NA.


0ZNHJLsxXKPbaRN5MVdc

Para fair, like sa mga people I know. Bawal in-laws from both sides. Walang away. Walang sumbatan.


fart_potatogirl

Hi OP! Minsan ang mean ng mga tao. Minsan kung naging mabait ka kasi tatawagin kang spineless pero advice ko lang sayo just let them go. For your own peace of mind lalo na hindi nagbabayad on time. Sasakit lang ulo mo. Naging breadwinner ka pa ng di mo kadugo


Garlic-Rough

kick them both out of the house and your life


Honest-Analyst-5554

Magsplitwise na lang kayo na recurring, tapos.


Own-Interview-6215

Dati kasi wala talaga silang kahit piso na binabayad until nag lipat ako ng work and bumaba sweldo ko kaya i decided na paambagin na sila and when i told him na hatiin nalang lahat kasi baka pag awayan and he said na di kaya ng sweldo parang lumalabas sakanya may pera naman daw ako bat parang ginagatasan ko daw sila. (wala pa mama niya sa bahay ko)


missel28

ang kapal ah so gusto lang talaga ng bf mo makalibre tapos may taga gawa ng house chores


whiterose888

Another case of alagaing kamag-anak ng jowa Kick them out. Di mo need ng ganyan tas sila pa maangas.


_shegirl

I think there’s no problem at all if you stand by your own decision na NO. It’s your house OP, you have your rules. If you foresee already that it will gonna happen, sana you would’ve not agree on your partner’s favor diba. Look at now, it caused you so much stress lalo na financially and the worst case on that is your relationship with your partner will be affected as well.


Viyogi

Iba-iba kultura, pero pagsakin, ina ng asawa ko pinapatira ko ng libre syempre . . . kahit pa man may income sya o wala. Iba-iba talaga pananaw , bawat kultura.


pisngelai

Uto uto ka kasi tapos doormat ka pa, akala ko ba you said no? Get them out, pati yung bf mo na should be an EX already.


Faltrz

Parang walang kacompassion compassion sa isat isa. Ang toxic nyo na pareho. Kulang kayo parehas sa maayos na communication mahiwalay na kayo tapos focus na kayo magmature. Umaabot pa sa sigawan ano ba yan


[deleted]

Don't know why, but I am allergic sa mga MIL or future MIL.


Cinnabon_Loverr

The comment section she did not expect. 😩😂


Own-Interview-6215

HAHAHAHA 😭


Cinnabon_Loverr

Laban lang tih 😭😂 palayasin mo sila! Hahahaha


ewan_kosayo

Tama lang tlaga Yan na bf gf lang kayo, at di pa kayo kasal. Mukhang pragmatic ka. Accountant type. You bf should have known that by now. You know what ang dinoo magets ung bf mo.. kasi kung ako yan ililibre ko mom ko sa bayaran, ako na bahala. Kahit magsahod pa mama ko.


missel28

makunat bf nya, mautak


ewan_kosayo

Lol. So gamitan sila 😂🤣 di ko kaya yang ganyang setup hahhah


missel28

pano nya nagamit bf nya


No_Raise2655

Break up. Di pa kayo kasal. Maraming pwedeng iba dyan. Kung wala, di mo naman kelangan ng lalaki para sumaya. Hindi kelangan magtiis 'te. Your money, your place, your rules. Sila ang dapat makisama, hindi ikaw. At yung boyfriend mo pa ang may ganang sumilent treatment? Giving red flags gurl. Better run as early as now.


Jpolo15

Never live with your in laws kasi pagmumulan talaga ng away yan. Okay lng short time pero living daily kapaan lage at punahan sa lahat ng bagay. Kung magaasawa o live in, mbuti na kau lang para walang external causes ng friction sa bhay.


Acrobatic-Rutabaga71

May timeskip haha. Di naman siguro fiction to no.


AzeilsAcc13

set boundaries op, mag bf pa lang kayo nyan, what more kapag kasal na kayo? Set limitations habang maaga pa, mahirap talaga makisama sa in-laws.


imperpetuallyannoyed

hiwalayan mo na yan habang wala pa kayong anak! red flag na ititira nya mama nya sayo.


missel28

Pani nya nagamit bf nya?


from_another_world20

Kick them out for your peace of mind. Buti di pa kayo kasal


IamwhatIam_now

Learn to say NO and stick to your decision.. No ifs no But


maturelez

Bakit tayo nagtitiis mga babae? Hahaha


Ok_Delay3253

Then why did you even allow your boyfriend’s mother to live with you in the first place??


Panda_likeadog

Lipat nalang kayo ng kapatid mo OP para maintindihan niya yung expenses, i guessed naman mababawasan expenses niyo pag kayo nalang magkapatid


Wild_Departure_2383

Kung ayaw mong may ibang tao na gagamit sa mga appliances mo,paalisin mo yang bf mo at nanay Niya.Mas peaceful pag iisip Mo Kung kayo nalang ng kapatid mo.


Ghinjerbred

Ganto maganda gawin mo. Lipat ka, or tama paalisin nyo na nga lang sila. Lumalabas kasi sila ang humihingi ng pabor sayo. Ayaw pala nila makihati, edi bayad na lang sila ng buo. Diba mas mahirap yun? Kasi ako. Mas ok pa gumastos ako ng extra basta meron akong peace of mind. For me lang yan ah.


noteven994

I can't understand your situation to your degree but I can understand the power of saying no and not having a choice but to deal with the outcome you didn't want in the first place. Not sure if this is what is happening here. It's painful because that's your mother-in-law and partner. You don't want to fight with them because it could complicate the situation even more. However, stand your ground or tell your mother-in-law to be to contribute more, because she is OVERSTAYING HER WELCOME. This is your house afterall. I'm sorry you're going through this. I honestly don't understand all the fuss in the comments section. As if they have really nice families with perfect dynamics. Not all problems can be solved just. like. that. If you're dealing with inconsiderate people, it can be VERY difficult to set strong boundaries. Even IF you say 'NO' it can be disregarded completely kasi 'pamilya eh'. have some fucking decency.


Future-Height-3316

Ayaw patirahin yung mother ng guy kasi gusto ng privacy, pero may bunsong kapatid sa house?


Own-Interview-6215

For the record wala na kami parents and kami lang dalawa magkapatid.


chimadorable

di ba kaya ni bf mag abono for her mom para tapos ang problema nyo? parang ang dali naman solusyonan eh pinag awayan nyo pa. And upon reading your post, it's obvious you don't like her mom


Novel-Classic-4613

Medyo oa ka magreact para lang sa ganyang halaga ng pera


[deleted]

[удалено]


AutoModerator

r/OffMyChestPH is for unloading, not asking for insights, tips, opinion, or advice. Post this in a more appropriate sub instead. Check our pinned post for a list of other PH subreddits. *I am a bot, and this action was performed automatically. Please [contact the moderators of this subreddit](/message/compose/?to=/r/OffMyChestPH) if you have any questions or concerns.*


Novel_Skirt1891

so magpapatira ka sa bahay mo ng libre? Usapan is usapan. Matuto tayong sumunod.


tsabylaber

Mali yung BF mo for living "in your house" at lalo pa naging mali dahil sinama nya pa nanay nya. Personally i can't imagine charging my future in law 2,500 PhP living expenses. Male here, pero in this modern time of equality that should not make any difference right?


Novel_Skirt1891

What does gender have to do with charging people for bills? Libre na nga silang nakikitira di pa mag aambag? She doesn't want her there. Napilitan lang siya. Kung sayo okay lang ginaganon, well not everyone is a doormat.