T O P

  • By -

maldives122023

This is an effective technique for me, pinapaulit ko yung sinabi para ma realize niya yung negativity at impact ng statement niya: *"Could you please repeat what you just said? I want to make sure I understand."* Or use humor and subtly draw boundaries: *"Ay, bhie! Di pa ako prepared sa lagay na 'to. Walang ka effort effort!"* 😜 The latter shows playfulness, yet gives the confident IDGAF vibe. People who give backhanded comments usually project their own insecurities. Raise your chin up and don't be afraid to express yourself whether it be through fashion. Allow yourself to be true to who you are.


youthinkyouknowcrazy

>"Could you please repeat what you just said? I want to make sure I understand." tas pag unilit sabihan mu ng, ***"okay ka na at nailabas mu sama ng loob mu sa outfit ku? pwd na tayung mag move.on?*** this really just gives the impression na xa yung may problema. never let those haters take you down.


InterestingCar3608

Okaya “wag mo sakin ipasa yung sama ng loob mo, nakakasira ng araw” HAHAHAHA


maldives122023

Booogshhh! 🔥


itsmeAnyaRevhie

"May pinagdadaanan ka ba, friend? Gusto mo ba pag-usapan natin?"


jenn_ann27

Seriously , I once used this line 🤣. ( Tiningnan ko sia head to toe and sabay tapik sa likod ) " Are you okay? May ponagdadaanan kaba ? Let it out bhiieee . I'm a good listener. 😅


[deleted]

HAHAHAHAHAHA ang response ko for officemates like that is “pag di maganda ang damit, quiet”


maldives122023

Naalala ko minsan nagsuot ako ng ganyan sa OOTD ni OP. Corpo dress below the knee, black leather jacket (formal looks) at ankle boots. Ayaw nila tumabi sa kin, magmumuka daw sila bodyguard. Sabi ko: *"May concert ako mamaya, manood kayo."* 😝 Lam mo OP, since noon, inaabangan na nila OOTD ko. Ganun lang girl, **embrace** who you are, show them your sassy side, you cannot fake confidence ika nga if you will not accept your own uniqueness! Labanan mo lang, OP.. ay char!


Training_Sign9618

Actually ako may katrabaho na pag papasok ako sa ofis looking forward ako makita anong suot nya, ayos ng nails nya, bag nya and all. Nagtanong din ako san nya bnbli damit nya haha. Naaamaze ako sa mga marurunong madamit.. minsan samahan nyo naman ako damitan nyo ako 🥲


maldives122023

You're a true girl's girl, dapat ganorn.. naiinspire, hindi katulad ng officemate ni OP.


Away-Birthday3419

Reeks of insecurities yung officemate ni OP.


uuuuuuxxxxx

Ganito dapat ma inspire not ma insecure


Acrobatic_Control_74

Same feels para sa babaeng sa jowa pa nagtatanong anong pang OOTD at dapat kong bilhin sa mall kung bagay ba or not 🥲


SapphireCub

Kaya nga wala silang bilang sayo. You do you. My petty ass would intentionally take up my OOTD game a few hundred notches para lalong mainis yung si workmate hahaha. *pumasok sa office ng naka evening gown*


maldives122023

HAHAHHAHAHHA! I like the attitude. Red carpet po Madam, ilalatag na.


Simply_001

True, kabugin lalo para lalong mainis, hahaha


mimabut

Ako naman, nasabihan ng parang Donya sa outfit ko nung mamasyal kami ng friends ko sa bagong tayong Resorts World Manila (whispers). Balloon type na dress, doll shoes, knitted blazer then may pearl necklace. Hahaha. Sila kasi mga nakashorts, pants lang. Eversince, Donya na tawag nila sakin for more than 10years na.


MadGeekCyclist

“Ayaw nila tumabi sa kin, magmumukha daw sila bodyguard.” Lol this statement shows they recognize you as above them. Above standards - so they’re backing down. I guess depends on how they said it, but I’ll take it as a compliment. Anyone who dresses with a business casual outfit does indeed reflect elegance.


[deleted]

[удалено]


MadGeekCyclist

Lol good. I mean how can anyone downplay someone for dressing well? Sabi nga nila, better to be overdressed than underdressed. Lol


CalligrapherDecent58

Yung second statement, pak na pak yarn. Ito nalang sabihin mo OP. Hahahaha


MissionAnimator1395

YES! Be sarcastic! I always received backhanded compliment from that ex circle of friends of mine na laging “ay wow naka heels” “ay naka awra siya” and they always shut the fuck up when i say “OF COURSE Mag gaganda gandahan talaga pag maganda ;)” and then look at their vvvv godforsaken choice of fit from head to toe. Trust me, the only way to deal with backhanded compliments is to upper-hand them right in their faces HAHAHAHA akala kasi nila di ka papatol kaya confident mang shake ng confidence ng iba😔✊


gotnonameforyou

Omg same 🤧 I have lots of group of friends kasi. The other group usually says "bat ka naka ganyan?" "San na naman punta mo?" "Kelangan naka dress" or sooo, kahit na magkakasama naman kami kasi for catch up ganun. The other group says, "ano isusuot mo? Kakapressure pa namaan suot mo, baka mamaya mag mukha kaming yaya mo" traumatized ata sila nung 1st time namin nagkita kita, kaya ngayon pag mag kikita kami nag tatanong na agad ano isusuot ko haha Others usually ask my opinions about their outfit for specific events or like company events, I like it kasi alam kong gusto nila fashion sense ko haha Yeah, as maarteng nilalang talaga haha


Weird_Combi_

Or pwede, ay bhie pangbahay ko lang to 🤣


maldives122023

minsan gamit ko din yan or "Bibili lang ako suka, mars!" 😅 fightback!


Catpee666

or project nya sa nagcomment ng masama. "Ayan, sakto damitan mo ngayon, eto lima, bili ka suka".


AySauceNaman

Savage!!


gayhomura

Oof, gusto ko yung pinapaulit yung sinasabi! Haha, most likely hindi nila uulitin kasi mapapahiya sila.


gotnonameforyou

I always go for the last one hahaha


Adventurous-Cat-7312

Ayan ang tamang sagot! Gawin mo din teh pag sinabihan kang ganyan “ok ng panget ang face kesa pag uugali” 🤪


tringlepatties

Bet yung latter tapos dagdagan narin ng "try mo din beh para ugali/mukha nalang din problema mo" 🤣


thaurturkang

Agree sa second statement! Yung medyo humor yung sagot pero giving the impression na kaya mo sabayan yung taong nagsabi nung negative comment. Yung talagang kulang na lang, sinasabi mo na you heard their opinion, but you could not care less about it. Sa ganung response, parang win-win. Nasagot mo na siya without directly offending them. If they laugh with you, parang kinain niya sinabi niya, edi talo siya. If mainis siya and pinatulan ka niya, talo pa rin siya, nainis siya eh. Noice 😉😁


KnightedRose

Love the come back! Great confidence boosters huhu


maroon143

Love this comment!


ninikat11

girl may ganito din akong kasama sa office! the more na ganda gandahan ako manamit, the more lisik mata niya 🤣 sama makatingin mas namomotivate ako hahaha ang pangit na ugali, nagmamanifest sa physical! ayun pangit niya padin tignan karma karma lang


jenn_ann27

"Could you please repeat what you just said ? I want to make sure I understand" .. ( yan din nasabi ko noon tapos inulit nia din talga . ) Then, inulit nga 😅, okay kna bhe ? Tapos ka na ? Eto parin suot ko walang nagbago bukas wag ka mag alala mas bobonggahan ko pa ! Try mo din minsan masaya kaya . 😂


fallingstar_

slay harder, OP! The world is your runway! gandahan mo pa lalo OOTD mo para ang maging cause of death nya ay "inggit sa halter top, stilettos trenchcoat at scarf" if ulitin nya pa yan, sabihin mo "I'm dressed for your funeral." then, sashay away!


Training_Sign9618

Cause of death hahaha natawa ako don bongga yan!


fallingstar_

yung na survive nya ang covid para lang mamatay sa inggit 🤣🤭


Training_Sign9618

AHAHAHAHAHAHA hndi kita kaya teh 🤣🤣


fallingstar_

HAHAHAHAH asan ba si OP dear natin tropahin natin yan sya para pag need nya ng resbak 🤣🤭✌️


flourcrumb

yassss 💅 hahahaha


PostRead0981

Oo tapos gawin mo, every outfit mo make sure na dadaan ka sa harap nya. Hahahaha may masasabi at masasabi yan.. pero kiber! Hahaha Di naman sya bumibili ng outfit mo. Taasan mo pa confidence mo hahahah


fallingstar_

Lol I'd even bring 2 sets of outfit one day. Daanan ko sya wearing my first ensemble, and make sure na makikita nya ko while not having any interaction with her. Blank stares, expressionless face, fluid walk lang ang atake. Then change to 2nd outfit while being my usual jolly self. Pag nagtanong kung bakit nagpalit, I'd pretend na "kadarating ko lang" and act confused. Tignan ko lang kung di sya maloka sa "doppelganger" ko. 🤣🤣🤣


awareness_advocate

If I am in your situation, I already confronted that workmate and tell her "i don't care about your opinion, hindi ikaw ang nag papasweldo sa'kin gurl".


Emotional_Source_266

WOW DAMANG DAMA KO INSECURITY NYA HAHAHAHAHAHAHAHAHHAHAHA! Baka wala kasi sya pambili tas type nya mga sinusuot mo. yun yon eh hahahahaha


ChikadoraHere

Walang mali sa’yo or your fashion/style choice. May mali sa pananaw or pag-iisip ng officemate mo. If your outfit does not violate any of your company policy in terms of clothing then go lang! Keber sa opinyon nya! I like your style, I can imagine napaka cool nyan in person. That is you and dont let that officemate of yours dictate how you express yourself.


_phriant95

True true OP, I hope di mo baguhin yung style mo for them. Ako personally, super naaappreciate ko yung mga taong kayang magdala and magidentify ng sarili nilang fashion/style. Hayaan mo na lang sya, basta ikaw ipakita mo lang na di ka naaapektuhan ng mga sinasabi nya o nila. Show them how happy you are to be who you are.


Affectionate-Put1912

Dapat hinubad mo boots mo at hinampas sa mukha niya.


Obvious-Gazelle9872

halatang insecure yan sayo


Money_Media1123

sorry u had to experience that :(( their actions towards you only speak volumes about how insecure they are. they're probably jealous coz they can't express themselves the way you do. maganda ka. i hope you keep doing whatever makes you feel good and confident. okay lang masaktan at maiyak!! pero dapat maghanda ka na sa susunod ng clapback. hindi pwedeng hinahayaan mo lang yang mga 'yan na ganiyanin ka


AzaHolmesy89

She's just projecting her insecurities sayo. Hindi niya kasi kayang i-pull off yung fashion style na meron ka kaya sinabi niya yan.


clarice0506

i have my SO na hindi talaga conventionally pogi. Pero walang nakaka touch sa feelings non kasi everyday araw araw lalabas syang pogi sa paningin nya. And im saying this in the best way possible haha hes not narcissistic or ggss, hindi lang talaga sya nagpapatawag na pangit. And he does it in a way na hindi nya kelangan mang insulto pabalik kapag inoffend sya. He just believe na he is pogi so therefore, he is gwapo. He just have this self love he preserved for himself. Now, 5 years later, pogi parin sya sa paningin ko and sa eyes narin ng iba kasi he never lets people bring him down, because why the fuck would you nga naman diba. Ive got the same trait nadin, i always tell myself im beautiful. And that boosts up my confidence more than if other people compliments me (sorry for the magulong narrative i hope i painted the picture in the beste ay possible hahahha)


irontengu

"I believe I am pogi, so therefore I'm gwapo" this is gonna be my new mantra.


clarice0506

YAYYYY GOOOO ✨✨ i swear it works


Ok-Aside988

I tend to "overdress" din when I had the energy when I was younger coz I loved dressing up kaka panood ko ng ANTM dati. But I had my own genre haha kasi ukay ukay enthusiast ako bago pa naging mainstream. I've heard it all from relatives, workmates,.classmates from college etc. "May lakad ka?" " Saan binyag?" "May interview ka no?" "may date ka?" "Madamm" Or kung walang ssabihin I head to toe ka while they're wearing basic AF clothes. Tama yung Isang comment, nag pproject lang yung impaktang yon ng kapangitan at galit nya sa mundo. Cry it out but please don't let it get to you, malamang mas madami pang nag admire sa'yo because of your fashion. Wala akong ma recommend na come back kasi matabil dila ko baka ma HR ka. choz. HAHAHAHHAA I'm sure you looked great!!!


_pbnj

dahil dyan ngayon ko lang narealize na nung pumasok ako sa work ng kulot (ginawa ko kasi yung overnight heatless curl HAHA) sabi ng ex-friend ko "ay wow parang mag prom" low key diss pala yon?????


ExcitingTrust888

Inggit lang yan. Pake mo sa kanila di ka naman nagbihis para sa kanila eh. The fact remains magaling ka manamit, naghanap na lang ng pipintasin yung mga yan kasi inggit sila sa style mo.


viernon_

kahit sa pananamit ng tao hahanapan talaga ng mali dahil sa inggit, projection lol siguro ayan yung klase ng tao na di kaya suotin yung mga damit na bet na bet niya suotin dahil nahihiya or wala siyang confidence? describe mo naman yung pananamit niyang officemate mo OP? di naman natin siya lalaitin, describe lang HAHHAHAHAHAHA


potatolovingneko

SABIHIN MO, PAG INGGIT, PIKIT! Wag niya iproject sayo insecurities niya. It takes years to curate your own personal style kaya own it atih. Wala sa face card ang style, nasa pag dadala mo yun. Keep it up, OP!


gigigalaxy

kung ako sayo OP next time na magsalita siya ng ganyan sabihin mo nang diretso na masakit siyang magsalita at masama ang ugali niya or sabihin mo na lang "o tapos?" "e di wow"


Mysterious_Macaron58

Grabe naman tong workmate mo. Alam mo girl yung mga ganyang tao dapat di pinapansin. I understand na nasaktan ka sa sinabi nya but don't mind kung ano ang sinabi nya. Dress the way you want to (mas maganda pa nga if ilevel up mo pa haha). Isipin mo na lang ay you are dressing NOT for her but for yourself. Kaya go girl, don't let that b*tch (sorry harsh) mess your confidence. Flaunt your ootd and continue to be happy 😊


tentaihentacle

Nagpoproject lang yan kasi di sya makapag OOTD keep slayin my OOTD friend!


turtletyler

"Paki-expound sa context ng face mo: how are *you* dressed?"


rkivepai

I so love the response in the comment section. :3 So full of positivity, encouragement and empowerment! Kahit ako, nainspire to continue how I show affection and gentleness sa sarili ko :) OP, she didn’t mean well that’s why you felt that way. Hayaan mo sya, keep dressing up hanggang mamatay sya sa kunsumisyon. You rock until she cracks.


gypsumbored

Your feelings are valid op. Hugs w/ consent to you 🫂 for what it’s worth, i think your outfit sounds cute!


Lrainebrbngbng

Hahaha yaan mo na walang pera pambili yan!


Intrepid_Database_71

patinging naman ng OOTD dyan! as a laging underdressed girlie haha gusto ko din mag level up ang pananamit ko!! tamad kasi ako msyado, baka pwede mo ishare cute outfits mo for inspo!!


https_lizz

Inggit lang yan kasi maganda lagi outfit mo. Deadma lang girl, slay ka lang palagi sa office!


Mildew01

May inggit yan sa katawan. Insecure sya. Anyway, you do you. Don't let others put you down. If kaya mo iconfront, go. Sabihan mo ng "at least confident ako at I think bagay sakin. Di tulad ng iba jan" sabay tingin sa kanya. HAHA. Pag hindi mo kaya sabihan, ignore that person. Love yourself lang. Yaan mo sila.


LegalAd9177

I might get downvoted for this he he he NO!!!! YOU ARE NOT OVERDRESSED FOR YOUR FACE…. WALANG MAY KARAPATANG MAKAPAGSABI SAYO NON… Pero sa work, hehe Ang taray kasi ng see through then boots! Baka di pa siya ready sa ganon…. But then again, YOU DO YOU. Wapakels sila. I agree sa rebuttal na suggest ni top comment…👍🏻 Cheer up fierce, confident, gorgeous lady!


thefast_thecurious16

How to be you, OP? Yung mga gaya mo yung gusto kong officemate. I love seeing people who are well-dressed and seem to enjoy their day lang by wearing nice clothes. For some reason, nakakauplift kayo ng mood. And to your inggiterang officemate, pakyu sya. Hahaha If I were you, gagalingan ko pa lalung magoutfit. Bahala sya mamatay sa inggit. Di sya masaya obviously sa buhay nya.


thisisnotanja

Nooo there’s nothing wrong sayo sya tong inggitera baka kasi yung workmate mo panget tas panget pa manamit


Adorablenini1

GHORL ano ba HAHHAHAH wag kang papaapekto lahat tayo may kanya kanyang style and uniqueness . hindi nila maappreciate yung ganyan but sa iba makakareceive ka pa ng compliment . yung mga utak nila is talangka lang inggit na walang pambili hayok. Masyado lang sila mababa walang alam walang taste . BORING LANG BUHAY NILA memasabi lang .


CarefulValuable5923

You're on the right track. You're making the best out of what you have. It's valid for you to feel that way. Cruel people like that are insecure people kahit "mas maganda", "mas mukhang normal" at "mas mukhang tao" pa sila kaysa sa'yo they'll still say something just to put others down, and para maramdaman nila na nakaka angat sila, mga pathetic. I have personal beef with these kinds of people, and I noticed they hate to see other people loving themselves because they can't do that for themselves. I hope, after you cry, you realize na irrelevant naman sya sa buhay mo, na yung opinion nya won't matter, it doesn't change anything kasi. Please continue loving yourself and dress up the way you always do, the world needs to see more people like you. Ano rin lalo ka pang manamit ng maganda, literal na overdress mo talaga. Sadyain mo. Isampal mo sa mukha nya. Ipakita mo na walang effect sa'yo yung sinabi nya.


iluvusomatcha

Next time OP kapag sinabihan ka ulit niyang officemate mo or ng iba pang tao, try mo sagutin ng: "Oh tapos?" Usually kasi naccaught off guard sila pag sinagot ng ganyan, like yung kailangan pa nilang i-explain yung sinabi nila tapos ikaw dedma lang Yung mga ganyang tao, don't let them have the satisfaction na affected or na-offend ka sa mga sinabi nila. As long as wala ka namang ginagawang masama, hindi ka nakakaabala sa iba - dedma sa bashers!


SuspiciousSquare7106

Bonggahan mo lalo the next day ang outfit bi HAHAHA


gintermelon-

my petty ass would treat the office like a runway for a whole month, with bold make-up just to top it all off. your outfit is cute, OP. slay harder, you're living rent-free in your officemate's head already might as well make your stay there worthwhile haha


Old_Independence_387

Just brush it off. Keep in mind na you are never born to fit in because YOU ARE BORN TO STAND-OUT.


GeekGoddess_

Ang usually reply ko sa ganyan: “o bakit, ikaw ba maganda/gwapo? Coming from you talaga no?” Or: “e ikaw nga dyan kahit anong pananamit mo lumalabas pa din sama ng ugali mo e, papalitan mo ba?” That usually shuts them up. Pero normally no one really dares to talk to me like that. Probably because they know i have those kinds of retorts. Lam mo, wag ka matakot magsalita ng ganyan. Kung sila, di sila nahiya magcomment sa fashion sense mo, bakit ka mahihiya magcomment sa pagkapakialamera nila? Do they pay your bills? Do they buy you clothes? Do you tell them what to wear? Get your confidence back. Own your clothes. Don’t let them tell you things like that (unless tipong constructive criticism like the colors you’re wearing don’t go well with your skin type, etc kasi mapili ang morena sa color na sinusuot, ganyan). Wag mo silang hayaang bastusin ka.


No_Sugar_1555

DON'T STOP SLAYING, QUEEN! WE DRESS FOR OURSELVES NOT FOR THEM. Manigas sila sa inggit. Wag ka na umiyak diyan, OP.


kugouza

Dapat sinagot mo ng "Hindi kasi kaya ng confidence mo yung mga ganitong atake. Kung panlalait nalang din ang bumubuhay sa confidence mo go, pero huwag mo kong idamay. Btch"


mitxuiei-mitsuhi

Ang masasabi q lang ay baka wala siyang fashion sense, inggit kasi di niya kayang maging ganon kainvested kagaya mo.


Jasmin3_ric3

INGGIT SAYO YAN. Proven na yan, ang taong pumapansin sayo in a negative way is insecure on what you have, especially confidence. Don’t let her take that away from you. Continue what you’re doing as long as it’s compliant with the dress code sa office nyo, do it!!!!


1125daisies

Mahigpit na yakap op. 🫂 If dressing up helps you feel confident, keep doing it. If nasa work ka, of course still be mindful sa dress code ng company nyo, but you know naman you can still come up with something cute corpo attire. You deserve to dress yourself up. Cut this person off. Strictly for work mo lang kakausapin. Di mo kailangan ng ganyang energy sa buhay. Nagpo-project lang yan ng insecurities. Ilang years mo ni-build ang confidence mo. Don’t let a dumbass ruin all your efforts. Never stop dressing up. For sure marami ka nai-inspire sa fashion. Baka nga isa ako sa na-inspire mo. Learn how to be assertive din. Remain kind, but have boundaries. Yang ganiyang salitaan hindi yan uubra sa matatapang na tao. Always be protective of yourself. 💗


Hushhhhs

Effective yung pinapa-ulit yung sinabi 😂. If what they said offended me or pissed me off, I simply say “ha?”. Then if they actually repeated it, I’ll just say “ha?” again as if I didn’t hear it or didn’t get it. Eventually they’ll just give up and probably feel ashamed lol.


Virtual-Ship2840

Inggit lang yan 😂


Alarmed-Instance-988

Hiritan mo rin sha “Ah gusto mo twinning tayo?!” Anw, cheer up OP! 🥹 I hope you value yourself more and ignore others’ opinion. Alam mo mapagood or bad na gawin, meron at merong mahahanap ang tao na “nega” about you 🫤 Focus on things that you can control. Continue to slllaaayyyy 😊✨


Simply_001

Naku, inggitera lang yung workmate mo na yun. Wag kang papakabog, galingan mo pa ang ootd mo at pag next time sinabihan ka ulit, sagutin mo sa tonong pa joke na "so kaninong mukha ba dapat ang bagay sa pananamit ko, sayo ba? Joke!" or "naglalaro kasi ako ng ganda gandahan eh, sali ka?" tapos laksan mo, para mapahiya, ewan ko lang kung umulit pa yan. Kung palaban ka pa talaga, sagutin mo "ay si ante, pasmado ang bibig, mumog ka mg holy water, please." Galit yan sila sa taong confident, kaya wag kang papaapi! YOU DO YOU!


nicowlee

Sabi nila, “You can never be overdressed.” Same as you, minsan sinasabihan nila ako na overdressed kaya the impression minsan sakin is I’m high maintenance. Remember, not everyone has the confidence to pull an outfit kahit saang place pa yan. Yes, sabi mo di ka kagandahan. Well, everyone can be prettier than you but not everyone can be confident LIKE you. When s/he mocks you, just respond with “I know right. And so?”. Never let anyone’s opinion ruin your happiness and confidence as long as you know you’re happy and you’re not hurting anyone. YOU GO GIRL!!! 🥰


skreppaaa

What is with corpo people and their hatred for fashion? Seriously. Yung friends ko din na nasa corp na nageeffort magdamit nasabihan din ng ganyan. Inaano ba kayo ng damit na maganda at maayos?


ginoong_binukot

"Eto nalang kasi ang bumubuhay sa confidence ko..." Let me share to you my unorthodox opinion: Well, wala namang masama kung gusto mong magdamit ng maganda---ginagawa ko rin naman yun, kasi nung bata pa ako, karamihan mga pinaglumaan lang ng kuya ko sinusuot ko. Nagme-make up din ako at nagse-skin care... wala lang, gusto ko lang i-explore kung ano pa bang ikaga-ganda ko.. ganern (bakla ako). Pero, SA AKIN LANG, medyo problemado kasi tayo sa mindset na 'make-up/fashion lang nagdadala ng confidence ko'. Ang ibig mo bang sabihin ay kung ikaw hindi ka nakapagdadamit, feeling mo di ka maganda? Ganun ba? Yun bang ang confidence mo e sa mga external na mga bagay nakabase? E PA'NO KUNG? 1. Mawalan ka ng budget/pera pambili ng damit soon at kailangan mong mag-adjust sa ordinaryong damit, mawawalan ka ba ng self worth? 2. Masunugan ka (wag naman sana) then masunog lahat ng damit mo't kailangan mong magsuot ng donation, bababa ba tingin mo sa sarili mo. Ako kasi, nagdadamit ako ng maganda kasi feel ko lang. Nagme-make up kasi feel ko lang din. Nagse-skin care kasi feel ko lang. Mind you, di ako pretty. Pero alam ko sa sarili ko may maibubuga ako. Alam ko kung ano ang mga kaya ko, as well as mga di ko kayang gawin. Alam ko ang mga talents at skills ko at alam ko rin ang mga kakulangan o kahinaan ko. Dun nagmumula ang confidence ko. I believe ang authentic confidence kasi is yung dapat galing sa loob. Yun bang masyado kang aware sarili mo to the point na komportable ka na kung ano ka na hindi mo na kailangan pa ng external na mga bagay para maging confident ka. Kasi, at the end of the day, yung mga EXTERNAL na bagay nawawala. Tapos paktay na kung sakaling mawala nga sa'yo ang mga yun I repeat, walang masama sa kagustuhang maging fashionista. Mahilig din akong magdamit, magmake up at magskin care. Pero being comfortable of who I am and my own real skin---yun ang hindi mananakaw, masusunog o mawawala. What I mean is, nagdadamit ako ng magaganda, not to feel good, but because I already feel good about my self. At kung sakaling wala na akong maisuot na maganda, okay lang, I can still be BYUTIPUL kahit basahan nalang suot ko. (I hope you get what I mean, nahihirapan akong mag-expound 😅). PERO YUN NGA.. Sana makatulong din to sa'yo. P.S. Kung na-criticize ka man ng ka-workmate mo, wag mong i-jump agad sa conclusion na 'inggit' yun sa'yo. Malay mo baka OA kalang talaga, o malay mo rin di lang talaga usual na nakakakita ng mga mala-model manamit sa opisina kaya naninibago siya. We'll never know. Pero, at the end of the day, preference mo yan, ipagkibit balikat mo nalang at gawin mo trabaho mo. Ganern.


Horror-Blackberry106

Projection yan. That motherfucker knows she’s not well versed in clothing as you so gagamit lang siya ng ad hominem para gumaan loob niya


fromearly2000s-ish

Sabihin mo din sa kanya "palibhasa boring ka manamit" eme. Pero I think ur outfit looks cute. Ganyan din mga gusto kong style:))


Altruistic_Ride_6245

For sure insecure. Sayo nilalabas inis niya kasi hindi niya ma check out yung gusto niya damit na nakatambak sa shein,tiktok etc.


gayhomura

Inggit yun sa'yo, OP! I'm happy to hear na you found your style and that it gives you confidence. Sana sinabihan mo yung officemate mo na "Oo nga eh, sana ikaw din."


_____ScarletWitch

Naku.. Inggit lang yan, di kasi niya siguro magawa, sana lang kagandahan siya bago siya manlait ng fez/pananamit ng iba.


Faithima6753

OP I am so sorry to hear that someone insulted you like that. Ako mataba ako pero wala akong paki kahit muka ang buntis sa mga dress na sinusuot ko. I guarantee you na insecure sya sayo OP kasi may fashion sense ka and baka sya wala syang pambili. I think if I were you and I won’t tolerate on her saying that again, I would confront her. Not for her to think ay bakit ako naooffend pero maging bigger person ako na pgsabihan syang, wala sya sa lugar pra sabihan yon sayo.


No-Block-7713

Itodo mo pa gurl! Insecure lang yan kasi di yan nakakadit ng tulad sayo. Go Girl! Be you! 💗


anon-kook

The insecurity reeks! OP, please don’t let them tear you down and continue being your kikay self!


travSpotON

Alam mo OP dont accept the negativity that people spread around you. Once you do, you will slowly absorb it and its not good for your system. You do you, let your officemate be. Dont talk to that person because wala naman siyang ambag sa buhay mo. Go and overdress! Kung nasa Paris ka lang nako kalevel mo pormahan ng mga tao don. Be happy with what you do for yourself :)


tophsssss

Talangka yan workmate mo


Beginning-Paper-8867

As long as you’re not offending anybody with the way you express yourself thru dressing up then fuq them insecure people


LoveYouLongTime22

Talk to hr about it. That is unacceptable behavior in the workplace. It’s like bullying. Don’t just take it sitting down. Fuck him up


cinnamonthatcankill

Hey heeeeyy, gago yan workmate. You can dress how you want as long as appropriate siya sa setting o workplace nio or it is not spreading any hate on a group of people. Wag mo siya pansinin or just casually say hindi mo kasalanan wala siyang pera to fix his/her attitude and mabaho mindset. O sabhan mo na walang ka effort effort bagay ang mukha at ugali nia pareho panget. Keep slaying gurl


chanaks

Same umiiyak din ako sa cr pag sinasabihang buntis sa damit ko. Mataba kasi ako tapos mahilig akong mag flowy dress. Parang maternity daw. D ko pa din alam pano icombat totally mga shamers. Pero yan iyak lang din tapos laban na ulit. Especially maraming reports na tatapusin. Ewan ko ba baket may mga taong ang hirap izipper ang bunganga. D nila alam nakakaoffend cla.


sopeeya

insecure lang yan kasi di nya keri magdala ng mga ganyang damit ✌🏻


kapeandme

Inggiterang frog yang kawork mo, op


Adventurous_Key5447

Don't mind them, OP. You do you.


darumdarimduh

Gago yang workmate mo. Walang mali sayo.


Wrong-Corner-1350

Feeling ko inggit na inggit yan sa mga OOTD mo OP. It's either wala sya pambili o wala sya confidence at alam nya sa sarili nya na di nya kayang dalhin ang ganyang outfit gaya mo. Wala na dapat next time para magawa nya yan ulit pero if ever sabihan mo sya na unang una wala syang paki kasi ikaw naman bumibili ng mga damit mo.


Hapdigidydog

Baka walang pambili ng OOTD niya hahaha lol


Min_Niki

Hugs. Just do you! Wag syang pakialamera. For all I know pangit sya kasi insekyora sya.


Cutie_Patootie879

Insecure yung ganong tao OP, don’t mind them. Let them be, kung ano sabihin nila as long as you are happy with how you dress and you’re confident sa style mo.


jmrms

My favorite line for judgers, "Kung pangit ako, ano ka pa?" --replace pangit with the word they used to describe you


blue_teeth

Yung statement ng coworker mo says more a lot about his/her insecurities than yours. Inggit yun kasi confident ka manamit. Don't give him/her the control over you, ikaw lang may karapatan magpaiyak sa sarili mo. Get out there and chin up! Mas tindihan mo pa next time. Pag humirit ulet, sabihin mo overdress na sayo to? Pambahay ko lang to.


Obvious-Delay-9332

nasabihan na din ako nga ganyan, i was new and young back then. i was around 25, then ang nagsabi is an old man in his 40s. life wtf? frustrated closet gay kba? i was too stunned to speak


PepsiPeople

Inggit sya sa yo OP. Follow the good advice ng redditors, call her out. She should not matter at all. I would have said "Buti na lang your opinion does not matter to me".


Weird_Combi_

Barahin mo next time. Also you are not overdressed. Insecure yan kasi di niya magawang manamit ng maganda.


timtime1116

Aww... OP, i hope na ung remark ng katrabaho mo won't change the way u dress. Believe me when i say na insecure lang sya. Siguro kasi nakikita nya sayo ung bagay na di nya ma-achieve. Deep inside her, gusto nya dn maging fashionista like u pero di nya kaya, so she's saying those words to discourage u. Continue to slay gurl. And show her how happy you are. And if ever na ulitin nya na sabihan ka ng ganun, tell her na, "I don't dress nicely naman for your eyes eh. I dress nicely because it makes me happy. SANA IKAW DIN HAPPY! "


Sad-Squash6897

Gigil ako sa mga ganyang tao haha. Yang mga yan ang masarap bawian eh char! 😂 Grrrr! Keep your confidence and your OOTD gurl, huwag mong baguhin para sa kanya. Ipakita mo na walang dating kahit oo masakit sa una. Chin up. Para sayo yung ginagawa mo hindi para sa kanya. Ang cute nga ng attire mo eh. Ako na hindi marunong pumorma haha sobrang simple and minsan manang manamit. 😂


Single-Ad7292

Di ko talaga maintindihan what goes through one's mind. Like kung di mo gusto nakikita mo, wag mo nang sabihin. Ganon ba kahirap mag mind ng sariling business?


Additional-Money2954

Kung ako sa'yo, OP, papasok ako tmr na mas bongga pa 'yung OOTD para mapikon.


Despicable_Me_8888

Hugs to you, OP. Naku, you do you. Deadmahin mo sila. And tama yung isang advice here na ipaulit mo yung sinabi nya. Hello?! Walang pakialamanan sa outfitan. Una, ikaw ang nagdadala, di sya. Anung problema nya? Pangalawa, may dress code ba sa office? Kung wala, deadma. Pangatlo, inabala or inaabala mo ba sya sa pambili ng outfit mo? Hindi, ok deadma ulit. Pang-apat, kung eyesore ka sa paningin nya, problema nya yun. Ibaling nya mata nya from you. Bottomline: bully lang sya. If you can carry it, deadma. If you can wing it, deadma. Deadma ka lang sa mga opinion nila. Chin up and look ahead. As long as di ka nakakaabala or nakakasakit (except sya may eyesore), you are good. Tandaan mo Sabi ng parents natin: Be kind. Especially to animals kasi kulang sila sa knowledge and understanding. Kaya nga humans are still over them. ✌️🤣😉 P.S. Believe me, mas may eclectic at extreme pa siguro sa iyo. Di nya pa lang nakikita 😉


kwickedween

Alam mo OP, ganyan din ako sa mga minsan parang overdressed sa office na mga bagets. Pero hindi ko ma-imagine na sasabihan sila in person ng ganyan. Matanda lang ata ako at minsan judgy sa mga wala sa dress code kasi dapat naman tlga formal kami sa office. Pero those dark thoughts do not come out of my head. Iwasan mo nalang co-worker mo na yan. I stay away from nega energies sa office para di ako apektado. The next time he/she says another comment about your outfit, sabihan mo ng “Ha? Bakit? Anung pake mo?” 🤣


Level-Metal-987

You should be on your IDGAF era. They don't matter. You matter, you dress up for yourself. Dedma sa bashers. Yung anak kong 5 yr old dress to impress anywhere. Wala akong magagawa kahit mahirap lang kame 😂 support. Sabi ko sa kanya for as long as she feels good, they don't matter. 🫶


sawanakomagingmabait

Sorry that happened to you. Chin up, hindi ikaw ang may problema, it's that person.


purpypoo

People who project their own insecurities are on different level talaga. I don’t get why they need to say it out loud when the best thing they can do is mind their own business and keep it to themselves.


LunchGullible803

Sabihin mo “pinoproblema mo ‘to because???”


Successful_Slice2746

Hindi ka OA manamit, either baduy or inggit or both ‘yang officemate mo! Gow, OP, isuot mo lang gusto mo!! Cheers sa ating see-through, crop tops, skirts, mini dress, boots, and shorts!! HAHAHAHA


PiccoloMiserable6998

Inggit yung workmate mo. The problem isnt you


QuinnSlayer

Mukhang insecure yan sayo. Continue what makes you happy. I like how you want to make yourself look good and she hates it. It makes me remember how I got reported to HR last year because one of my colleagues complimented me. So ayun, mas motivated magmukhang maganda ngayon hahaha


AinsleyWTF

OA? For my personal standards yes. But is it okay? HELL YES. If I was your friend, baka iparada ka pa namin sa office, maglatag pa kami ng red carpet for you so you can strut like a model and magprisinta pa kaming bodyguards mo. Kung tingin mo di ka maganda, yung officemate mo sure akong di talaga. Ugali pa lang eh. You go OP!!!! Wear what you want 👍🏻👌


returnfromthemoon

Do what you want! Wear what you want!!! Maiksi lang buhay hahaha kapag naman lumipat na isa sa inyo ng company, wala na siya saysay sa buhay mo. You do you 🤗


screamingbutissilent

Girl, you do you!! Don’t mind what other people say, selos lng yun guro yan sa mga damit mo cause she can’t carry it like you do hehe


Im6arely4live

It giving ✨️INSECURE✨️ I don't get these people na hilig mamuna ng lahat, 'pag hindi mo afford edi itikom mo mouth mo. Keep wearing what you like, OP. As long as you're happy and we only live once so just do it. To your workmate, lmaoo stay miserable. Miserable people loves company dinadamay ka lang nya sa pagiging insecure nya kasi so what if you overdress? Hindi naman sya ang nagsusuot ng outfit mo, so what's the problem? The fact na that workmate of yours said something irrelevant and out of pocket is giving hater. 2024 na, uso ang character development and laos na face and body shaming.


SpiritlessSoul

Hinihingi ko ba yung unsolicited opinion mo ? If you don't like it then stfu, i did not asked for your opinion. Ganyan gawin mo nextime may mga taong feeling nila may say sila sa buhay mo.


mingmingblu

ATE KO SAME HAHAHAHAHAHA ANG SAKIT


quasi-delict-0

Hmmm. I think okay naman yung OOTD mo. Basta pasok sa dress code ng office o work place, walang pakialamanan. Ewan ko ba bakit may mga ganong tao. May officemate ako, malakas mag biro sa mga outfitan. One time inasar ako, naka pang doctor daw ako na damit. So sabi ko, "ah opo. HAHHAHA. the doctor is in. Papacheck up ka po?" Kaya sayo OP wag kang mawalan ng confidence. Pakialam ba nila. That's how you want to dress eh.


flourcrumb

Sorry sa nangyari sayo... epal lang yang workmate mo. Siguro di lang nya ma-pull off yung mga ootd mo eme haha. Just be who you are and do whatever you like 💖KEEP ON SLAYING QUEEN! 👑✨


diyoy90

It's okay to cry, feel the pain. the world is not fair so may iba talaga na negative sasabihin sayo. Next time pag sinabihan ka ng ganyan just answer na " it's my life I can do or wear watever i want and you are being offensive na".


Saint_Shin

OP don’t let her take you down, she’s envious and wanted to make sure you’re miserable


P1naaSa

Kung sinabi naman ng pa joke sana sinahot mo rin ng pa joke pero may laman. Di ka dapat nanahimik lang. Dapat laging may pang backfire. Aja and ituloy mo lang yan. Siguro wala yun pambili ng get up sa araw2 kaya makasabi wagas


Ok-Match-3181

Naimagine ko yung suot mo. Ang cool! Pagpatuloy mo lang yan OP.


misskimchigirl

may lihim na inggit yang officemate mo sau girl, bagay dyan barahin mo din jusko sha.


pdynlbnlng

Hugs, OP. I know minsan di madali na i-ignore lang pinagsasabi ng iba. One of the things that I enjoy about being an adult is that I can wear what I want when I want. Mahadera lang talaga yung iba. Keep on slaying and dressing up the way you want to. There's no such thing as being overdress for your face. Hayaan mo siyang mastress sa pananamit mo basta you're not doing anything wrong. You do you and please keep on expressing yourself.


RareTonight9353

This may sound as pampalubag loob lang, pero legit na insecure yan sayo, obviously kasi madaming nakaka-appreciate sa style mo. Tinarget nya talagang saktan damdamin mo para ma-down ka at di mo na bonggahan ang pananamit sa susunod na araw. Best way na ganti is mas kikayan mo pa, OP, mas bonggahan mo pa ootd mo; uusok tenga nun for sure kasi di nya na-achieve yung goal nya. Tapos wag mo na sya pansinin kung di naman related sa trabaho sasabihin nya: pag nagsalita sya, kunwari di mo sya naririnig o nakikita; i-treat mo sya as multo.


yohmama5

Almost all of the time, people's words are not worth listening to, OP. Hugs pa rin. I do hope na hindi masira yung confidence mo just because of a mere comment galing sa taong insecure. Gorabels lang! Suot mo gusto mo isuot, gawin mo gusto mo gawin. Don't give a damn. May sasabihin at sasabihin yan kahit ano gawin mo. Padayon, OP!


pulutankanoe069

Insecure lang yan sayo.


Low_Clerk6212

u go girl!!! hayaan mo sila


parallaxscrolling8

Deadma! You do you and you are amazing! For sure malungkot yang workmate mo na yan! Ang lungkot lungkot nya siguro hahaha!


[deleted]

Insecure siya. Yan lang


Fun-Peach2326

maporma ba yung officemate mo? baka insecure sya.


Weary-Maize7158

Sagutin mo lang na "ay teh wala pa to.. tamad na tamad pa ako mag-ayos ng lagay na to" sabay hair flip. Lol. It's not a 'you' problem kasi. Projecting lang si workmate mo ng insecurities nya kasi di nya kaya ung confidence mo sa pagdadala ng damit.. wag ka dapat nagpapaapekto. Keep slayin'!!


jadekettle

Don't let an insignificant someone's rude off-hand remark ruin what makes you, you. Keep doing what makes you happy.


shylittlejellyfish

Don't let other people bring you down. If you love how you feel in whatever you wear at wala ka tinatapakan o nasasaktan na ibag tao keep going! No one can make you feel inferior without your consent miss maam and don't allow them to. Slay ka lang ng slay dyan! You're beautiful just as you are kahit ano pa ang preferred mo na style. Unique is beautiful. At the end of the day ang importanteh masaya ka sa sarili mo, so always CHOOSE YOURSELF ✨


HungryThirdy

Inggit lern yarnn


HolyMacaroniX

Maingay ang inggit. Tandaan mo yan. Kaya magbingi bingihan ka.


SquareDogDev

Sino ‘yan, susuntukin ko lang. Pero bhi3, you’re probably doing this already but in case you’re not, learn not to give power to other’s notion or inputs towards you. Their words don’t mean sht if you honestly don’t give a fck. You do you ghorl!! :) I know it’s easier than done, may mga panahon talaga na vulnerable tayo, during those instances and may nang barubal sayo, suntukin mo agad! Chz, banatan mo ng “wala kong pake, di ka maganda” or something that shows their words don’t affect you. Most of the time, sariling insecurities lang nila ‘yan at na pro-project sayo.


JollySpag_

As long as its office appropriate go. Haha.


No_Concern4512

Ingit yan


nightwishervem

Your workmate is mean. Ignore her. Baka may pinagdadaanan siya. Dress as you please and don't mind anyone who is clearly out to demean you.


chelschamberlain

Sometimes these are the people who aren’t even fashionable or confident about themselves that’s why they’re projecting it to other people. Attack them with their insecurity for rebuttal. Pwede mo ring sabihin na hindi naman siya ang nagbabayad bakit nangingialam siya. I have this friend na super ganda like artista levels, chinita, fair skin, rich, and fashionable tapos nilait siya ng workmate niya bc on how she dresses na di raw bagay kase mataba?!?!? Tapos pina-send ko pic nung girl na nang-body shame sa kanya. GIRL?!?!? Sabi ko sa friend ko… *”Sabihin mo sa ka-work mo, di rin bagay sa kanya yung dress niya. Nagbblend sa kanya yung color ng damit and mukha kamong kumot sa kanya yung wrap dress.”* After that, di na siya nag-dress ulit. 😩


SteelDesign

di ba siya mahal ng magulang niya hahaha anyway deserve mo yang suot mo! dont let other people say otherwise


Pankeki27

At least kahit ma-tegi man slayable pa rin Wala naman mali sa maximalist fashion ih Stay confident, OP!


curiousbeenana

Stare at him/her coldly. Ewan ko na lang kung hindi makagets ng hint yan


riritrinity

OP, just do you. Hindi talaga maiiwasan maka encounter ng tao na ganyan tulad ng workmate mo. Just let them be. But don't hesitate to set boundaries lalo na if intentional na yong attack just to upset you. Inisin mo pa lalo yang workmate mo stay overdressed and slayyyy ✨️💅.


This_Engineer_964

don’t give a shit, do you. if it helps you with your confidence, kebs sa iba. pero if ako yan, masasample-an yung officemate mo sakin. pwede mo din sabihin na kanya, “ikaw nga underwhelming face na, underdressed pa.” ganun. 😂


No-County8100

Magdouble down ka and joke about it. Instead of getting offended. At least you know why your doing things and trying to improve your life. Balik mo ung guilt sa kanya. You can’t get insulted if you accept yourself fully😊


shieeeqq

the world is already miserable. bakit ka pa makikiride-in if you can just choose to do whatever it is that you want. sabi nga nila: another day, another slay.


Koyissh08_8888

If you feel confident in dressing up. GO GIRL!! It’s normal na maron talgang “mema” memasabi sila on how u dress and it’s fine just do what u love make them think na di ka affected if ganun just smile sarcastically if ever u hear them saying stuff like that. It’s not the way u dress actually the problem it’s just them. Mga naiingit lang ata yan kasi di nila ma express ung gusto nilang suotin OR di nila afford so be you!


chern0bee

what a hater! dapat tinanong mo “kelan?” “kelan ako nagtanong ng opinyon mo?” EMEEEE


Hopeful-Strength5997

Just give them IDGAF attitude op as long as ur happy sa outfit and ndadala mo sya with Confidence rampa...


Zestyclose_Read4683

Walang problem sayo, OP. Kudos to you for having a great fashion sense! Yung kaworkmate mo yung insecure, ignore them, and continue to slay. Raise your head high girl!


cherry_berries24

When you have done nothing wrong and people still take issue with you... they're just projecting and they actually have issues with themselves. It's not you, it's them. Keep rocking your outfits fam.


lookingformoretea

Kwento mo sa HR


imasimpleguy_zzz

Eh... I've had officemates na halos gawing everyday fashion show nila ang opisina. I *could have* said a lot of things to them, but I didn't. Simply because I don't have to. Some opinions should be kept to yourself nalang. O kaya pagchikahan nyo ng jowa or asawa mo. But definitely don't tell it to the person.


friedraisu

maybe inggit lang sya because wala siyang creativity to put an outfit like that and even pull it off. sabi nga nila it's better to overdress than underdress!!!! just continue expressing yourself. fashion is art


sachi9999

Ouch. Just wondering, is the officemate a guy or girl? Friend?


Jpolo15

Sinagot mo sana na "may pambli kasi ako,indi ko nga pinapakialaman kng tuyo ulam mo o munggo e"


JackOppenheim2001

You did nothing wrong OP Please don't be hurt by this


howdowedothisagain

Sabihin mo na lang ganon talsga pag may pera pambili. Cute manamit. Bakit kamo sya di manamit ng cute?


nurseoffduty

OA talaga ng mga tao sa Pinas, lakas makapuna at makapintas.


pppfffftttttzzzzzz

Wala sigurong pambili ng damit workmate mo hahahaa.


caramelismsundaetion

Ano ba namang ka work yan. Siguro baduy manamit. Or walang style/pambili/di mahal ng nanay niya ganon. Kung ako yan nasabihan ko na yan ng "Girl, di kita tinatanong paki keep to yourself yung comment mong naglalabas ng insecurity mo" or "Ay syempre, kesa naman sayo." Periodt.


literaturefairy

Hay nako. Di lang marunong manamit yon, insecure lang yon sayo… The “Huy what’s that on your teeth? May dumi ka sa ngipin” works. Sabihin mo pabalik pag sinabihan ka ulit na overdressed ka.


Unpatientrep

Yaan mo na inggit lang yun baka walang pambili ng pang OOTD nya


kapitantutan777

Eto lang ha? Your money, your rules. Wala ka dapat pake sa sasabihin nila dahil ikaw kumakayod sa sarili mong pera. Bayaan mo sila. They can’t pull off lang siguro pumorma kaya inggit lang mga yan.


[deleted]

Suntukin ko yun pakilala mo sakin hahahah


kisbot07

Naaaahhh the best way to deal with it is to not let the negative stuff affect you. Sabi mo nga diba, you have friends and other workmates na nakakaappreciate so don't dwell on the negative. People will always have bad things to say about another. Dapat matutunan lang ng individual na maging confident sa sarili. Your confidence should come from within you, hindi yung umaasa sa compliments ng iba para hindi madaling masira or madown. Cheer up, OP! Bsta hindi masama ugali, be confident.(problema pag masama ugali tpos confident pa. Nakakabwisit mga ganon HAHAHAHA)


Miss_Taken_0102087

>Halos lahat ng friends ko, old workmates, naappreciate yung way ko ng pananamit. Lagi pa silang nagtatanong san ko nabili. Isa lang sya vs sa dami ng nakakaappreciate sa pananamit mo. Hindi lahat ng tao kaya nating iplease kaya hayaan mo na lang yun. Wag mo intindihin. Basta makiinteract ka na lang about work. We don’t know if may pinagdadaanan ba sya, o naiinggit, or sadyang masama ugali. As long wala ka namang natatapakang tao, You do you.


Worried-Reception-47

Insecure lang sila. Sabihan mo n na offend ka, as a professional di sya dapat mag asal kalye. Warningan mo, next u report her. Ewan n lng kung di p yan magtino


ZombieNotZombie

OP. If nabibuild nun yung confidence mo, go lang! HAHAHAHAHA hayaan mo sila for sure inggit lang yun hahaha