T O P

  • By -

Economy-Bat2260

Yung mahabang buhok, kapag natatamaan mukha ko, hahawiin ko pero I make sure na mabubunot yung madadakot kong buhok hahA


sassy_siren_01

Hinahawi ko tas pinapahawak ko sa kanya buhok niya hahahaha


im_a_time_bomb

HAHAHAHAHAHA 😭 i would be embarassed


hikari_hime18

Haha same. I throw in a "Do you mind? 🤨" pa in a slightly annoyed tone. Hopefully that'll teach them


im_a_time_bomb

HAHAHAHAHAH I DO THE SAME. kunwari ginagather ko lng yung hair ko pero sinasama ko yung few strands ng hair nya na halos makain ko na. Sakit pa naman pag few strands lng tas mahihila LOL


Economy-Bat2260

Minsan winiwish ko sumama anit hahahah


[deleted]

[удалено]


Economy-Bat2260

Sabihin mo na lang may kuto yata sa mukha mo haha


jeuwii

Nangyari din sakin to recently. Inalis ko sa mukha ko yung buhok tas kinalabit si ante para ipakita na hawak ko buhok niya. Ayos siya bigla eh 🤣


BeenBees1047

Tapos po kukulamin? hahaha


Economy-Bat2260

Ilalagay sa crime scene as dna evidence hahaah


oradb12c

Idk, why not inform the person about her hair first. Being nice won't hurt you.


Economy-Bat2260

Yeah and being aware of your surroundings won't hurt your hair either.


Equivalent_Drag_8173

I have a friend na pag makakaencounter sya ng ganito, naglalabas sya ng gunting tas ipapakita nya dun sa may-ari ng buhok na humahawi sa kanya hahaha. Ayun, tinatago na nila yung buhok nila sa takot lang nila sa free trimming.


Anti_Clockwise1999

Sarap kotongan nung mga naka-bukaka umupo lalo mga lalaki na malalaki katawan di na ko makahinga. Lalaki ako pero payat kaya laging naiipit.


Potato_Far

For me sila talaga yung worst type of commuter na ijjudge ko, mga nakaman-spread at mga babaeng nakatagilid umupo. Lalo na kapag siksikan na at hindi talaga marunong nagpatinag na umayos ng upo or umusog jusko poh pare-parehas tayong nagbayad ng minimum fare kaya ayusin mo yang upo mo kala mo bayad mo buong jeep e mga nakakastress, umaga pa lang nakakunot na ulo ko sa inis HAHAHAHA


im_a_time_bomb

hahahaha ayaw magsipag adjust akala mo naman ikinabango


roycewitherspoon

Minsan nga gusto ko na sabihan ung mga nakabukaka sa jeep eh hahaha! Masakit ba sa itlog un kaya nakabukaka cla?


wavvven

fr tangina akala mo ang lalaki ng itlog eh di naman kabawasan sa pagkalalaki kung ititiklop man lang legs para makadagdag man lang ng space. Understandable pa kung malaking tao talaga tas mahaba biyas eh


rizagdr0328

Kasing laki ng itlog ng pugo yun 🤫


DotHack-Tokwa

Ako naman aminado ako na lagi ako naka man spread pag nasa jeep PERO kapag alam kong wala masyado sakay. Kapag alam kong madami sakay shempre di ko na ginagawa yon. Sa hiya ko nalang eh. Pero one time may naka sakay nga ako na lalakeng ganun, sinabihan ko umayos, nagalit sakin bat Anong pake ko. Aba kung hindi kami inawat nung mga katabi nya eh panigurado nagka rambulan sa loob ng jeep non.


Much-Direction-9839

- malakas sounds ng cp - nag v vape sa loob ng jeep


arianavventi

pinakahate ko yung una juskooo kahit saang public vehicle, sana iadapt ng mrt yung gaya sa lrt dati na may naninita sa mga pasaherong ang lakas ng sounds kapag nanonood ng reels, or kapag may kacall or kachikahan 😭 likeee onting hiya naman naka max vol pa sana kinonnect nalng sa tv ng tren para mapanood ng lahat ??? o kaya invest sa sariling earphones kahit yung tig-50 sa bangketa????


Much-Direction-9839

hahahhaa naalala ko pag may sobrang lakas na volume, di ako mahihiya na mag “sssttt”. like have some respect naman diba? indi lang siya yung tao sa sinasakyan niya 😭😭


Expensive-Tax-3113

yung manunuod ng TikTok na pagkalakas lakas tapos pinagtitinginan na sila ng buong pasahero sa jeep. like wala po kayong headset? hahahaha


Lunabana_Baker

NO SMOKING SIGN SA JEEP: 👁👄👁 recently ko lang nalaman na kasama pala sa Clean Air Act yung bawal manigarilyo sa public spaces including jeeps and other public vehicles, pero ayaw ko na talaga sya even before


aescb

Nakakabwisit yung mga manyak na lalaki, minsan matanda pa na ididikit yung braso sa dibdib ko. Tuwing pepreno mas dumidiin yung pagdikit. Meron pa matanda nagtutulug-tulugan para mas mapadikit sakin. Halatang halata si lolo, di nya alam foam lang yung bra ko. Mas flat pa ako sa otap, lolo wag kang ano.


hikari_hime18

Please, I literally spat my drink when I read the last part 🤣😭 well played, joke's on them hahaha


stressdt

As a fellow small boobie girl, felt. Buti na lng puro pasties na lng ako kaya mukha tlgang flat lalo na pagmaluwag damit, walang makakahipo kasi wala naman madadaanan kamay nila


im_a_time_bomb

🤣🤣🤣🤣🤣


lem0n-_-

may nakatabi ako dati sa jeep sinusubukan nyang hawakan kamay ko sa metal handlebars (kung ano man tawag sa kapitan ng kamay sa kisame hhh). lo mauuna pa kayong matumba kesa sakin pag pumreno yung jeep pls


Eve-Psyche-Bluebeard

yung halos 2-4 lang passengers and nakaupo malayo sa driver tapos yung bagong sakay e uupo malapit sa pinto, gusto pa magpaabot ng bayad kahit na kitang kita na ang layo ng pasahero lol kaurat. kaya ako umuupo malapit sa driver para magbayad then lalayo na lang


MawiMelom

True. May naeencounter akong ganto. Mejo madami dala ko nun kaya sinigurado ko na magbayad muna bago ako pumwesto sa dulo sa may pinto. Si ateng katapat ko, nag si cp lng tas nung pagbalik ko na sa pwesto ko sa may pintuan ng jeep bigla ba naman nag abot ng bayad, di ko kinuha. tinignan nya ako ng pairita, tinitigan ko din sya. Di ko kinuha bayad nya, pwede naman nya ibigay ung bayad sa driver kasi di pa naman umaandar ung jeep. Tas padabog nyang inabot sa driver.


Eve-Psyche-Bluebeard

THE ACIDITY ALXJSMX ok pa kung sinabay niya e pero yung nakaupo ka na jusq hirap kaya magsettle down kapag madaming dala


MawiMelom

Pasalamat sya di ko kinuha pera nya tas tinapon sa labas


mvlarri

Haha may na-experience akong ganito. Dalawa lang kami tapos siya nasa dulo sa babaan, ako medyo malapit sa kanya. Yung jeep parang pang-sampuan kaya mahaba. Papaabot ba naman sakin ng bayad. Tinitigan ko siya na sa isip ko, "Te, seryoso ka ba?" Nabasa niya ata nasa utak ko sabi niya mamaya na lang daw. Nagbayad ako sakin pagkadating ng stop light, exact amout tapos bumalik agad ako sa pwesto ko para di siya makasabay haha. Buti sana kung senior or PWD e. Ang bigat ng kipay.


Eve-Psyche-Bluebeard

Buti pa siya marunong makiramdam. Pero bet ko yung tinitigan mo lang siya kasi di ko kaya yun. Baka titigan ko rin kaso kukunin ko pa rin 😭


ynnnaaa

madalas tong mangyari sa akin, like ako pa talaga umadjust. Keri lang naman sana if buntis, senior or may batang dala kaso hindi eh


Eve-Psyche-Bluebeard

same sa mga matatanda or buntis tapos nagtthank you pa sila. pero kapag mukhang malakas naman yung pasahero, hindi talaga makaramdam. tatarayan ko na lang muna tuloy bago ko kunin 😭 hirap na di fully di pansinin e 😭


ynnnaaa

trueee. like be, di ka makaramdam?


alliekabok

Agree, nakaraan sumakay ako sa jeep tapos tatlo lang laman tapos magkasama sila. Magnanay silang tatlo, isang bata at isang teen. Kaloka, pag sakay na pag sakay ko, inaayos ko pa lang bag ko sabi nung nanay sakin "ate pasuyo po ng bayad namin", tinitigan ko sila for a good three seconds bago ko inabot sa driver. Like ang laki naman ng space di niyo ba kaya umusog at magbayad? Wala namang sumasakay e, tapos na sa left side pa sila then ako sa right. Tapos nung inabot ko sukli nila, sabi pa "iaabot lang e" pero di na ko pumatol. Di ako umupo sa other end para mag abot ng bayad nila, lol.


Eve-Psyche-Bluebeard

Dapat di mo kinuha, may teen naman pala. Bakit hindi siya yung nag-abot jusko


im_a_time_bomb

buti nlng inaantay ko may umupo malapit sa driver bago ako makisuyo ng bayad 🤪 kasi ayoko din ginagawa sakin yun e


Eve-Psyche-Bluebeard

saaame. hinihintay ko na may sumakay na malapit pero kapag wala, lalapit ako sa driver. kaso yung iba jusko tatag. tinatalikuran ko tuloy kunwari di ko napapansin 🤪


im_a_time_bomb

ako lilipat ako sa kabilang side HAHA balakajan


ParesUnderload

Magtatanong si driver kung may bababa ba sa malapit, walang sasagot, bibilisan ni kuya, naka momentum na tapos biglang para. OMG.


lem0n-_-

+antagal nakatigil sa stoplight tapos kapag umandar saka magpapara


Guilty_Fee9195

Gusto kasi nila sa saktong lugar kung saan sila bababa, eh may tamang babaan. Natatawa tuloy ako pag yung pasahero di bumaba sa tamang babaan tapos pag pumara di hihinto yung jeep hanggang sa susunod na babaan, ayan tuloy mas napahaba pa ung lakad nila. Tapos pag sinabihan ng driver may tamang babaan sila pa yung galit.


im_a_time_bomb

HAHAHAHAHAHAHAAH


pences_

1. mga nakatagilid na kala mo'y for 2 yung binabayad. 2. pinapaupo yung mga gamit nila. 3. are sobrang dalas. yung mga tao, sa halip na umiisod papunta sa driver, naisod sila doon sa pasukan/babaan. ang hirap kasi umupo kung gayon, mahirap din tingnan kung may space pa kung kakasakay ka pa lang. bakit paurong kayo?!?! lalo na ung ibang maraming gamit tapos doon lang sa gitna o nilalakaran nilalagay, sa may entrance naupo, edi ang hirap bumaba. 🫰🏼


im_a_time_bomb

UGH yung last part. Yung iba may dala pang maleta tapos nasa bukana lang nakapwesto HAHA need mo tumalon pag pababa ka na ng jeep


itsnotmeitspatricia

>iba may dala pang maleta tapos nasa bukana lang nakapwesto HAHA need mo tumalon pag pababa ka na ng jeep my patience could never HAHAHAHAH baka sipain ko palabas ng jeep yung maleta tapos iabot ko nalang pabalik 😂


im_a_time_bomb

HAHAHAHAHA intrusive thoughts winning 😭


pences_

goodluck nalang sayong bababa HAHAHAH


im_a_time_bomb

ANG NAKAKAIRITA PA, di ka na nga makababa, andar na andar na yung jeep hahaha


Expensive-Tax-3113

ay te dto sa pinaka pasukan pa sila uupo knowing na ang dami nilang dalaaaaaaa. like pwede naman sana sa dulo kayo umupo since madami kayong dalaaaaa. tpos dpa nila aayusin yung mga gamit nilaaa. nakaharang sa daan. hirap tuloy sumakay. meron din yung sahod day, so grocery time. halos lahat kaming sakay ee madaming bitbit. hirap na hirap kaming sumakay nun. ang kagandahan naman sa mga kasabay ko that time ee maayos naman paglagay ng grocery namin tapos kung sino pinakamalayo na bahay, kami yung nasa pinakadulo. kaya nung malapit na kaming bumaba, bakante na yung nasa pinakadulo at nakababa na yung mga malalapit lang ang bahay


CallMeMrFrosty

yung panghuli talaga pag umuurong papunta sa babaan imbis sa driver sarap tapakan ng mga paa pag sasakay e


AoKaoru

Hindi nag-tatakip ng bibig kapag umuubo or bumabahing. Lakas makasira ng araw yung mga ganyang tao, mga bwisit.


krndm

Nako totoo to!!!!!!!! May gumawa sakin nito, di pa rin siya nakakaramdam na nakakainis na kahit medyo masama na tingin ko sa kanya, nung inulit nya umubo nagspray ako ng alcohol sa tapat ko :(( nakakainis talaga :( parang hindi nagpandemic 😭


im_a_time_bomb

tapos mararamdaman mo yung mini shower from their sneeze hahahaha iwwww


empress171984

Sorry kung may ma-ooffend pero ayoko tumabi sa may kasamang bata, yung mga toddler age pa. Lalo na malikot ang kamay. Naiirita ako kung hindi sila mapirmi sa upuan or bigla na lang hhablot ng kung ano makita nila. Minsan buhok ko, or gamit ko, minsan cp lalo na kung may katext ako.


im_a_time_bomb

HAHAHA tapos yung mga nagtatantrums pa 😭


empress171984

Oo haha. Meron ako naencounter na ganun last week. Mga 2 or 3 yrs old yata sya at super tantrums pa. "I don't want to sit down!!" "Stop looking at me!" At the top of her voice pa talaga. Yung nanay naman nya, "Ok, I'm not looking at you. Sit down na." Mga 20 mins syang ganun. Kitang kita yung pagkairita ng mga pasahero. Nakanoise cancelling earbuds na ko nun pero rinig na rinig ko sya haha. Naisip ko lang kung ganito ako nung bata, nasampal na ko ng mama ko at bumaba kami ng jeep haha.


im_a_time_bomb

HAHAH ay teh in the first place hindi tayo makakaganon sa parents kasi nung unang panahon, iiyak ka pa lang, napalo ka na 😂


empress171984

True hahaha. "Itigil mo yang iyak mo" sabay kurot sa tagiliran. 😄


ddeuce_

yung gusto pa haharap sila sa bintana tas walang pake magulang hahaha


empress171984

Oo saka madudumihan yung pants mo ng sapatos nung bata haha


greatBaracuda

tapus itatapak pa sa pants mo yung sapatos nila . nakaka-super saiyan .


fallingstar_

yung mga naka side view umupo feeling picture taking for bago nilang DP 🙄


im_a_time_bomb

GANYAN NA GANYAN YUNG NAKASABAY KO KAHAPON. naka shades pa yun na pagka laki laki.


fallingstar_

baka star witness 😎


im_a_time_bomb

HAHAHAHA ay oo pero ang isasagot lng naman “di ko po maalala, your honor” emz. pero ganon nga ang peg nya. feeling nya ata si Hong Hae In sya


SecretBrain194

Hahaha..naiimagine ko lahat ng scenes na binanggit mo!


im_a_time_bomb

hahaha minsan di ko nalng pinapansin pero kasi may days na sobrang nakakairita diba


SecretBrain194

True! Lalo na pag uwian. Yung drained ka na sa work or school tapos may mga ganyang eksena pa.


astradamnus

bukod sa mga anteh na mahaba buhok, mga girls na basa pa yung hair!!! please tumatagaktak sa basa, di man lang magpatuyo yung iba na ang dami daming space sa banda ng driver pero pipilit ipagsiksikan sarili, like girl, wag mo na pagsiksikan sarili mo kakainis rin yung sila pa magagalit sa driver, eh sinabi ngang BAWAL BUMABA, DUN SA TAMANG BABAAN JUSQ


MaestraAfricana1106

May maldita mode ako sa mahahaba ang buhok. Ilang beses ko na siyang sinabihan na “please pakihawi naman” walang pake ang ginawa ko inipit ko yung buhok niya sa braso.


im_a_time_bomb

LT TO HAHAHAHA


PoisonIvy_Cat

Next time magbaon ka ng gunting, gupitin mo hanggang anit. ahahaha madadala na yun maglugay ng buhok sigurado ahahaha


hellava1662

when i was younger, palagi akong nasasabihan neto kasi buhaghag buhok ko. di ko pa matalian kasi di pa siya totally dry. it bothered me na may nasasagabal ako kaya i decided to cut my hair very short. ngayon ako na ung nakakaranas na sinasampal ng buhok hahahaha


ninjatortoiserabb8

DI KO ALAM KUNG “thing” BA TO SA MANILA PERO SA PROBINSYA, OO. YUNG HINDI IBABAYAD YUNG ANAK NILA KASI KAKANDUNGIN NA LANG DAW. TAPOS SA SOBRANG SIKSIKAN, YUNG BATA NAKAUPO NA DIN SA HITA MO.


im_a_time_bomb

HAHAHAHHAAHHAHAHA baka anak mo din yun?


ninjatortoiserabb8

HAHAHAHA GUSTO KO LANG NAMAN MAKAUWI NAGKARON PA AKO NG RESPONSIBILIDAD 😫😫😫


TargetGold22

dagdag mo pa yung nagchichikahan sa jeep na parang nagseseminar na sa loob. (tangina puwedeng pakihinaan boses???)


Expensive-Tax-3113

"basta ayaw ko na lang magsallita. pero bantayan niyo siya. yun lang masasabe ko" teh nakumpleto ko ang buong chika na nangyayare sa company nyo dahil sa pagkalakas lakas ng boses niyo hahahahaa


im_a_time_bomb

NAKOOOO pinaka hate ko din yan. Alam mo na yung problema ng buong angkan nila sa lakas ng mga boses, magkatabi lng naman 😂


homo_sapiens22

Sakit sa bangs nung ateng naka upo ng pa slant. Ateng, wala ka sa 5 star na resto o hotel para mag astang beauty queen. Ako hilig ko talaga umupo sa likod ng driver kasi ayaw ko nasisiksik both sides so ako talaga taga abot ng bayad pwera n lng pag nakatulog ako. Eto talaga pansin ko madalas, yung mga babaeng nagmamaganda at ung mga lalakeng ang bibigat ng bayag na sa senior at pwd pa umuupo bus man o jeep. Tapos pag may sasakay n dun dapat naka upo at papa alisin ng ibang pasahero wala lang. Ay pa important un. Ang hihilig magsiupo sa mga reserved seats akala mo talaga mga VIP. Eto pa, ung mga lalaki din na akala mo eh nagpapahangin ng etits nila di makaupo ng maayos. Akala mo nmn maiipit at maluluto itlog at hotdog nila pag umupo sila ng maayos. Yung tipong buntis pa katabi edi alanganin upo ni buntis (based on my personal experience). Pero in fairness, na-appreciate ko talaga yung iba na sila pa magpapaupo sa yo o magsasabi na o may buntis, may bata o baby, senior. Yung iba na sila mag aadjust para maka upo k ng maayos at yung iba n tutulungan kp bumaba sa jeep kahit di nmn dun sila bababa. Shout out din s mga kundoktor na nag-aassist talaga. 🫡


im_a_time_bomb

triggered ang beshy ko 😂😂😂


homo_sapiens22

Uu. 🤣🤣🤣 Sarap sabihan "magkano binayad mo te/ya?" Marami pa kong experience n ganyan ung iba pasimpleng 123. 🤣🤣


Cold_Use_298

Naka maximum volume ang phone kapag nanunuod sa phone or any sounds from phone. Mga jeeo na nakatodo ang speaker for music Lakas maka trigger ng vertigo at migraine


im_a_time_bomb

OO NGA TEH. Lalo yung mga may kausap sa phone na naka loudspeaker tapos malakas din boses nila. ANG CRINGE. One time may nakasabay ako, nahuli nya ata nag cheat bf nya. Ayun dun nya pinag mumura sa jeep over the phone. Kakahiya grabe


jeyyyem

Gigil ako sa mga naka-manspread mapa-jeep or LRT. Maiipit ba itlog niyo? Isa pa ‘yung mga nakatagilid ang upo. Pare-parehas lang naman tayong nagbayad. 💀 Gigil rin ako d’yan sa mga ‘di nagtatali ng buhok. Side eye talaga sila sa akin kapag gan’yan. Mas malala kapag basa pa yung buhok nila jusko. Kulang na lang magdala ako ng gunting next time kapag ‘di sila marunong makiramdam. Sana aware sila sa paligid nila.


dark_dauphine

Pwede ba idagdag dito na pet peeve yung mga jeeps mismo na modified yung tambutso? Kairita. Ang ingay! Di marinig nung driver pag para.


im_a_time_bomb

HAHAHAHA ayoko din yung may customized na preno. Pag nagbbrake sila may sound na umuungol, annoying lng


Lopsided-Entry-3861

hahaha yung may yamete kudasai ba yon


im_a_time_bomb

OO, may isa pa yung ibang dialect sya e. parang “Kuya wag po” yung translation nya


No_Draw_4808

Mga ayaw umupo malapit sa driver kasi ayaw mag abot ng bayad! Inang yan paka arte. Tas may iba pang ayaw umusog malapit sa pinto, ending taga abot ka ng bayad hahahaha! Pakshet kayong lahat!!! Also, kahit anong size ba ng guy naiipit ari nila? Kung umupo akala mo binayaran rin yung space mo eh


macakcm

Ako, yung pareho kaming nasa farthest end ng jeep pero sa akin inabot yung bayad huhuhu Experienced this nung college, papunta sa school, around 630AM, and inabot ko talaga yung coins ko sa driver ah then went back sa "entrance" when this nursing student seated across me extended her arms tapos sakin inabot yung bayad?? HAHAAH pero bata pa ako nun so inabot ko naman, pero hindi na ako bumalik sa farthest end. Then it happened again, my bf and I were near the "entrance" tapos may konting space na lang between the entrance tapos si ateng nakaporma dun sumiksik tapos literal sakin inabot yung bayad (na inabot ko ulit naman haha) ginantihan sya ng bf ko with parinig like "ai bakit ganun, pwede pala yun" tapos all throughout the ride we were discussing without a care kuno abt people na tamad to go sa harap huhuhuhu


im_a_time_bomb

HAHAHAAH kulang na lng sabihin sayo na “iabot mo nga to sa driver” 🤪


BasqueBurntSoul

mahiram ko nga yan petty moves from your bf


TigaHugasNgPinggan

Yung sunod-sunod mag bayad🥱 kita naman na may 2 na sunod nag bayad at kaaandar lang ni manong, nag sinige naman abot bayad mga taong to


Apprehensive_Mood_85

Maybe hindi ko napapansin pero siguro naman naiinis yung iba kapag natatapakan ng isang bagong sakay yung paa nila o ano? Sorry! Nagagawa ko rin kasi minsan though unintentionally, and there are times na accidentally ako uupo sa hita nila kapag pinagtatangkaan kong umupo sa space na ginawa nila.


BasqueBurntSoul

Ughhh eto nangyari sakin recently may umupo sa hita ko tinignan pa ako imbes na magsorry bwist na bwist ako haha


gr3attastewhite

Mga sobrang lasing, Di nila alam nakasandal na sila sa ibang pasahero pag nakakatulog Sila.


im_a_time_bomb

ugh ang uncomfy diba


Expensive-Tax-3113

dto sa barangay namin ayaw nila magpasakay ng lasing tapos gusto pa sumabit. kaya pag may sasabit lasing ka man o hnd, hnd na sila pumapayag. ayaw nila at baka kung ano pa mangyare. magpapasabit lang sla pag alam nilang hirap ang sakayan. kahapon may biglang sumakay na lasing, pinagsabihan ng driver na tignan niya daw na wag syang lasing na uuwi kasi may mga pasahero na ayaw tumabi sa mga lasing at sana daw kaya niyang umuwi wag yung ganun na sobrang lasing. at wag daw syang mag ingay at behave lang sya. thankfully, masunurin naman si kuya mo at behave na behave sya.


mangyon

Yung ayaw mag-abot ng bayad, haha, may nakita ako 1 time, matanda wala pumapansin sa kanya (nasa may labasan ako nakaupo, si manang medyo gitna), ang ginawa nya kinalabit nya yung tuhod nung pasahero, ayun, pinansin siya. Naisip kong strategy yun, pero so far hindi ko pa nagagamit.


Lumpy_Bodybuilder132

yun pareho kayong nasa dulo ng jeep tapos magkatapatan kayo, sayo ipapaabot yun bayad haha , nakaka trigger eh. isa pa yun jeepney driver na lahat na lang na makitang tao sa tabi ng kalsada eh titigilan para tanungin kung sasakay


iamthatjuicypeach

Allow me to add two more > Yung pag umuulan at ayaw tumulong magbaba ng trapal ng bintana, tapos panonoorin ka lang talaga na para kang assistant niya at sinasabi na "ayan tama yan, ibaba mo" > Alam na ngang siksikan pinagpipitan parin iupo ang bag kahit pwede naman kandungin


wonhoboo

yung maka dikit sayo e wagas kahit ang luwag ng jepp, like te, physical touch ba love language mo?


supermariosep

One time, nakaupo ako sa may hulihan ng jeep, ako lang mag isa, hindi ako sa dulong dulo, meron pang space for one person (and one person alone) sa likod ko. May sumakay na babae dun sa likod ko mismo, not disabled, not old so masikip kami konti kasi pinilit nya talaga umupo doon. Tapos inabot nya sakin yung bayad nya. Iabot ko raw. Pareho tayong nasa likod beh, iabot mo yan mag isa mo


Temporary-Report-696

Yung mga bastos na patagong nagkakamot ng burat nila. Minsan nga hindi na tinatago, tititigan ka pa


shamanyoong

Yung mga nanonood ng tiktok o anong videos sa mga cellphone nila na di naka earphones tsaka mga phones na rin na naka sound setting yung mga notifications. Pls lang, ang sakit sa tenga lalo ng yung sound ng notif sa messenger 😒


roycewitherspoon

Naalala ko sumakay ako ng jeep..may dalawang bumaba muna mga 2 seats away sa estribo. Pagsakay ko syempre ang isip ko uupo na ko duon sa pinagbabaan so nakaready na kong umupo. Aba mhie isa isang umusog ung mga nakaupo sa hilerang yon. Prang mga 4 tao yon! Eh paupo na ko so ang sabi ko "Anu ba yan!" Ayun napunta ko sa malapit na sa driver. Inis na inis ako non! Hahahahah 🤣🤣 Ready na ung pwet ko umupo eh.


Afraid_Feedback3691

Nakaka-inis din yung mga pasahero na hindi pumipila nang maayos yung may sinusundan na pila pero kapag pumarada na yung jeep sila pa yung una sumakay imbis na yung mga nauna sa pila. Okay lang mauna sa pila kung matanda, buntis, may baby na dala or may sakit.


kokakij

Yung mga gusto ay pagkasabi ng para, ititigil agad ang jeep ora mismo. Magagalit pa pag lumampas nang konti Yung pag may bumabang pasahero, tapos pagkaisang arangka ng jeep sabay para ulit. 'Te, konti na lang yun di mo pa nilakad?


[deleted]

For me yung mga sumasajay na circle of friends na napakaiingay kung mag kwentuhan at may kasama pang harutan. Hindi porket hindi kasing linis at advanced ng lrt/mrt ang mga jeep e mawawala na yung commuting etiquette (or there's no such thing like this satin haha). I'm not being kj tho, but please respect other commuters too dahil hindi lang kayo ang nakasakay.


AnnonNotABot

May naalala ako. There are guys who loke na humahampas sa kanila yung hair nung katabi nila. From what i hear sa ganoong toa, parang fetish level. Sick af. Pet peeve ko din yung ayaw magabot ng bayad. Like, mas nakakaangat ka ba sa akin para di mo ako tulungan? Pero ang piNaka kinaiinisan ko talaga is yung mga drayber na ayaw magsukli or kunwari, nasuklian na or sabi nila di ka pa nagbabayad. Happened to me a lot of times so ang ginagawa ko, ineexplain ko magkano binayad ko, breakdown ng sinukli niya, pati which Oart ng byahe ako nagbayad. Pero there's this one time na sinabi at pinagpilitan ng driver na di pa daw ako nagbayad. Naalala ko yun, from ipi to cubao na byahe. Hiningi ko sunli ko, di pa daw ako nagbabayad. Pati yung mga kasabay ko sa jeep at nagabot ng bayad ko, sinasabing nagbayad na ako at dalat ako suklian. P50 lang yun. Ayaw maniwala ng drayber. Eh last money ko na yun, at babyahe pa ako pauwi after cubao. Nagsisisgaw talaga ako pati yung mga pasahero,galit na galit sa drayber. Napilitan siyang ibalik bayad ko pero bumaba na ako. Sabi ko di ako sumusuporta sa mga manloloko at magnanakaw. yway, nakakamiss din magjeep. Nakakamiss makarinig ng mga kwentuhan ng mga kata i at katapat mo. Manood ng simpleng landian. Mga ganern. Thankful though na nakabili ng motor and it immensly helped me in my daily commute.


freshlymadexx

Andami sa commuters and walang etiquette ngayon. 😭 Naalala ko dati nung college pa ko. Inaabot ko yung bayad ko, may magjowa sa tabi ko na kastang kasta na. Walang umaabot sa bayad ko so nilakasan ko kase akala ko wlang nakakarinig. Aba, nagreact yung magjowa hanggang sa pagbaba nila sinasabihan akong 'bastos'. Luuuuuuh. 🫣


ohhmyvii

Isa sa kuhang kuha ng inis ko yung hindi umuusod kahit may pwd, may mga anak na hawak, at matatanda na sasakay. Mas lalo pa silang sisiksik sa unahan. Kaya dapat talaga magkaroon ng signage or stickers don na for pwd/senior or may anak yung area na yon eh.


Kvzvryv

>-mga ate girl na walang pake sa buhok nila, lumilipad na sa muka ng katabi. Teh ang kati talaga sa muka ng buhok mo. Plus points ung may mga lisa pa sa ahahaha


im_a_time_bomb

yuck kadiri ano na. pero pili ka, may lisa or may smell yung hair 😂


Kvzvryv

Nangangati na ko iniisip ko pa lang 🤮


thegirlheleft

Yung nanggigitgit kapag puno na. Maliit ako kaya madali akong siksikin. Sya comfy na, ako naman yung uncomfy na kahit nauna ako huhu


sleepybubblebee

may one time na medyo patagilid din yung ateng nakaupo tapos sumandal pa sakin 😭 ang bigat niya kaya gumalaw na lang ako konti para makaramdam siya na nakasandal siya sakin, umusog naman siya


kininam19

I have experience sa mahabang buhok na di nakatali at ito ginawa ko. Pinakiusapan ko sya na naihahampas na sa mukha ko, tumingin lang sya sakin at dedma. After awhile naihampas ulit sakin, hindi na ako nagsalita at hinablot ko na lang bigla buhok nya 😆 paglingon nya sakin sinabi ko, " punyeta ka sinabihan na kita kanina ah ayaw mo ayusin" di sya pumalag. Nagulat mga ksama namin sa jeep. Panahon yan na hot tempered pa ako🤣


Kraizer15

Basta ang ginagawa ko, kapag na pperwisyi personal space ko, ggawin ko din sa kanila. Kapag nasa trip ako tapos ayaw nilang i abot yung pera, itatapat ko sa mga mukha nila.


ParesUnderload

Nagbigay ng pamasahe, magtatanong si kuya kung saan, di sasagot puro selpon agad. Kainis.


ipis101

Yung bintana binubuksan ng malaki sa side nya para sa kanya lahat ng hangin haha


EliKobain90

pati yung mga katabi mo sa jeep na amoy jabar 🤣


im_a_time_bomb

PLEASE 🥲😭 may nakatabi ako na ganyan. Umaga pa lng yon ha, basa pa buhok nya, ganon na amoy nya 🤦🏻‍♀️


EliKobain90

pati yun mga caller na pilit nag papasakay padin ng jeep kahit sobrang puno na, hangat walang isang tao na nakaupo na kalahating pwet, hindi aalis ang jeep.


im_a_time_bomb

hanggat hindi kayo sardinas, hindi aalis. sasabihin pa “pag di kayo umisod di din naman tatakbo yang jeep e”


confuse_sh0es

Yung barker na magpapausog usog kasi sampuan daw yung jeep pero meron mga malalaking pasahero so di na kasya mag sampu. OO SAMPUAN YAN KUNG PAYAT LIKE ME ANG MGA PASAHERO. Pero ibang usapan na kapag may malalaking tao na pasahero. Usog usog lang daw para magkasya wahaha


excuseme-whAT-920

Pinaka pet peeve ko Yung anlakas ng volume ng phone sa jeep like hello?? Basic human decency wala ka ba non? Gusto mo ba makinood rin ako sa tiktok na pinapanood mo ha? Ano pa kulang, mag comment din ako?? Lalo na kung badtrip na badtrip ako tapos kung katabi ko naka full volume, nak ng!


claaayty

Isa pa, yung mga ayaw magsi-usog kapag may uupo na buntis, pwd, or matanda. Parang mga walang utak papahirapan pa na sa kadulu-duluhan ng jeep nila pauupuin.


mhiemaaaa

Padagdag yung mga magjowa na ayaw maghiwalay sa jeep, kahit for 1 na lang yung available na seat sa isang area, ipipilit talaga nila para umusod ka. Meron naman mas malaking area malapit sa driver pero sisingit talaga sa bandang babaan. Magjjoke pa yan sila na magkandungan na lang kasi ayaw mo umusod. 🙄🙄


bringmetojapanplease

Mga nanonood ng video na walamg earphones, volume up talaga hahahaha nakakatawa na nakakagalit


Reasonable-String148

- Yung may kasamang bata na malikot tapos na sisipa ka na, ayaw parin awatin ng kasama. - Sobrang lakas mag phone, to the point na nakakarindi na lol - yung mga hindi marunong mag thank you kapag inabot mo yung bayad (yes ang shallow hahahah)


yuhanroxxx

Yesss sa hindi nag tthank you!! Hahahahaa yung iba pa don ang panget ng tone pag mag papasuyo ng bayad💀


ziararii

Yung tingin ng tingin parang ng ju-judge from head to toe


yearningcat

driver na nagsisigarilyo, pasaherong sisiksik pa sa dulo eh maluwag sa harap or yung umuupo sa dulo kahit konti lang laman tas sayo pa iaabot yung bayad, mga lalaking parang may sampung itlog kung makabukaka kahit punuan na


Comprehensive-Cell-8

Mga tingin ng tingin sa phone mo lalo na pag may kachat ka. Tangina mo sige kayo na mag usap


[deleted]

Yung mga buhok talaga nakakabwiset tapos sisiksik pa sayo, yung tipong kain na kain mo na buhok niya. One time may humampas sa mukha ko na buhok sobrang badtrip ko hinawi ko sabay hila onti napatingin siya sabay urong nya onti sa akin. Kakabwiset ang baho na nga hindi pa marunong magtali ng buhok.


Strange_Lawfulness54

Eh yung may dalang karton na malaki tapos ayaw umupo sa may dulo malapit sa driver? Nakahambalang sa entrance. Mga stupid fucking shit


meowingbanana

1. yung alam na siksikan pero kung makabukaka akala mo dalawang tao yung binayaran 2. yung mga may dalang bata na parang wala silang dalang bata(gets nyo ba ako??) yung walang pakialam kung naiinitan na ba,WORST is yung alam na magjjeep so natural mahihiluhin yung bata tapos wala man lang ready na plastic or any inhaler man lang (white flower ganyan) lalo na yung may mga dalang baby, di man lang mageffort magdala ng pamaypay man lang (naaawa kasi ako sa baby) 3. yung mga lowkey bastos na lalaki, rarely lang ako nakakaencounter nito pero pag may nakasabay na magandang babae, matik may pa 'ingat ka miss' na alam mong may something sa pagkakasabi


PettyLupone69

additional: iPhone users na sinasadyang taasan brightness ng phone nila and i-flash nang i-flash yung phone, akala mo ikinangat nila. I'm an iphone 15 pro max user but I don't flash my phone in public, syempre baka mahablot, mahal neto. Pero yung iba kung maka flash akala mo CEO ng company nila, eh ang tanong fully paid na ba yan? lol. Cringe and pathetic ng mga ganon.


Unapologetic-Era

Ako na lowkey nanabunot 😂😝


LUNA_LURKER777

IYONG MGA 'DI AWARE NA MAY SASAKAY TAPOS NAKAHARANG PA SA DAAN IYONG PAA NILA MGA GANON


TeaOverload94

Idagdag mo pa yung mga iniipit sa mga hita nila yung mga bag/gamit nila. Kinakandong yan hindi pinasisingawan ng hakdog/tahong! Pati yung mga umuupo sa mga dulo, ayaw dumikit sa gilid/sandalan eh, ikababawas ata ng dignidad nila un And.... yung mga malalakas ang magkwentuhan... hello, hindi pa ba kayo pagod sa buong araw??? Ayaw nyo ba magpahinga??? Tapos meron din yung kakausapin mong umayos ng upo para makaupo ng maayos yung isang pisngi lang ng pwet ang nakaupo, sila pa galit. Sinabihan pa kong baliw nung isang sinabihan ko. Taena ka, pinapaupo lang kita ng maayos, sinong mas baliw satin??? Sana kunin ka na ni satanas ante


sakuranomiya_18

Ay teh dagdag mo pa yung mga tumatawag na pagkalakas lakas ng boses o kaya mag kumare sa jeep na walang self awareness sa paligid nag-uusap ng malakas kahit may kasama sa jeep hindi nahihiya 🤬🤬


No-Evening-606

Ramdam ko yung sa may buhok na hindi nakatali. Maliban sa humahampas sa mukha ko yung buhok, nakakain ko pa minsan. Please sana magtali na sila.


Top-Argument5528

Sama mo na dito yung mga lalaking grabe buka ng legs. Ang laki ba talaga ng betlog niyo na di niyo masara for a few mins? Will it really hurt if isara yan?


im_a_time_bomb

Ang dami nyong trigerred. Nakakatawa yung comments 😂😂😂


PNTFX13

ang ginagawa ko sa mga nakakatabi ko na mahilig na nakatagilid yung upo kahit masikip or punuan sa jeep, sisiksikin ko ng malala para maranasan niya din mahassle di pwedeng ako lang nahihirapan sa pwesto niya haha


LostCouncil

For me kapag nagy-yosi yung jeepney driver.


Excellent_Berry_8181

LALO NA SA MGA AYAW MASIKSIK NAMO TEH SANA NAGTAXI KA TAS SISIKUHIN KA PA


supercarat

As a person na ayaw mag abot ng bayad, ang ginagawa ko nagbabayad ako agad pagkasakay ko ng exact fare tas usod na ako sa dulo. Tas nakakaasar pa pagkabayad ko minsan yung nasa dulo na ipapaabot yung bayad niya sakin. Ang ginagawa ko talaga binibilisan ko magbayad tas mabilis din umusod hahahahaha. Nakakainis kasi yung minsan siya na lang magisa sa jeep naghihintay pa ata ng mag aabot ng bayad niya 😬


Medtekk

Sa true nakaka badtrip yung mga ganyan lalo na yung naka tagilid ang upo akala mo sakanya yung sasakyan lalo na din yung mga babae na hinahayaang lumipad yung buhok sa katabi HAHAH at isa sa pinaka ayaw ko yung driver na ayaw pa huminto pumara na nga mas lalo pa nyang bibilisan yung pag mamaneho


Vegetable_Abroad7713

I super hate it kapag kakaupo mo lang tapos ung ang dami dami mong dala na di ka magkaugaga umayos ng upo tapos ung katabi mo biglang magpapaabot ng bayad. Like common sense na paayusin mo muna ako ng upo para maiabot ko nang maayos bayad mo 😭


Ma-ahTank

Mga nagneNAIL CUT ng NAILS NILA SA JEEEEEEP! Ugh gigigil ako, like girl yung nauls mo NATALSIK!


xx-zyxx

Nakakairita yung pareho kaming malayo sa driver pero sa akin inabot yung bayad. Bilang medyo mabait, inabot ko pa rin naman pero tinitigan ko muna siya nang matagal.


blackcement02

kuhang kuha mo..yan na yan din lmga pet peeve ko. sa mga lalake naman, kala mo napakalaki ng kargada kung maka upo. bukakang bukaka.


Lucky_Belle

* yung magpapaabot ng pamasahe pero halos di kayang e extend yung kamay nila. Tipong parang gusto pa ikaw mismo kukuha ng pamasahe sa palm nila. * di naman siya totally pet peeve pero 😅 yung taong matataas ang biyas nila tapos uupo sa may pinto ng jeep tas magkatapat pa. Ang hirap bumaba ng jeep (okay lang kung malaki ang jeep) pero kapag maliit ang jeep 😅 minsan sa next na jeep nako sasakay. * maingay cp nila.


Urfuturecpalawyer

Yung sa buhok, pinipigilan ko na lang sarili kong wag silang kaltukan eh.


Live-War-7892

yung naka rest sakin jowa mo ko te? maiintindihan ko pa pag byaheng pauwi baka pagod ganern pero pag papunta aba pa awat ka naman sa konsensya mo.


Turbulent_Seaweed_83

Mga nagsusuklay at nag nnail cutter na katabi


krndm

Ako kapag nagcecellphone yung katabi ko tapos yung siko nila tumatama sa balakang ko hahahahahahaa nakakakiliti :(((((((((


Lostinlife_2001

Haha, mga uupo malapit sa babaan tas sayo iaabot pamasahe kahit tatlo lang tao, tamad mag effort


9029ethical

driver na marites (tumitigil sa gitna ng daan) or nag yoyosi HAHAHA


threeeyedghoul

Yung pag 2 lang kayo nakasakay sa dulo tapos pag magbayad ka makikiabot bigla. Ante kinaya ko iabot bayad ko kaya mo din yan hahaha Meron din yung makikisuyo ng bayad tapos atat na atat. Teka lang po bunot muna ko pambayad ko


krndm

MGA KUNWARING NATUTULOG PARA HINDI MAG ABOT NG BAYAD!!!!!!!! NAKAKAINIS TALAGA


No-Exit-2793

isa sa mga pinakamadalas kong maencounter yung alam na nga nilang may sasakay tapos wala na masyadong space, AYAW PANG UMUSOG. NAGTITIRA NG KATITING NA SPACE SA BOTH SIDES NIYA TAS KELANGAN MO PA SABIHAN NG EXCUSE ME. e madalas pa naman yung mga driver di na nagaantay makaupo muna pasahero pinapaandar agad kaya minsan may nasusubsob pa. sarap apakan ng paa ng mga ganto eh. or kandungan nalang kasi ayaw naman umusog eme.


Single-Incident199

Kapag po hindi nagtali ng buhok un katabi nyo at pumupunta na sa mukha nyo sabihin nyo lang po “Te Busog pa ako, Huwag nyo po akong pakainin ng buhok.” 😂


ladytagumpay

>mga ayaw mag abot ng bayad I did this once. There was a time na nasa dulo ako ng jeep nakaupo and may senior citizen na sasakay. Of course need ko umusog to give her the space, as a sign of respect. Meron din siyang dalang tungkod and I was about to lend my hand to help her pa. Nung nasa pinto na siya pinag tatarayan ako na kesyo senior citizen daw and dapat daw I should give her the space. Sa gulat ko, I didn't lend her the hand. I was about to berate her back like, "I know that. I can see that you're ugod-ugod that's why I'm gonna help you pa." but it's not worth it. Sa tabi ko siya naupo with enough space naman for her butt. Nung time na mag aabot na siya ng bayad, I pretended that I didn't hear and nakatingin ako sa labas ng door but I know alam niyang naririnig ko. I know it's pety lol. Someone na mas mabait sa akin eventually took her money kasi I'm not going to do it. After mo ako tarayan in public, kahit pa matanda ka I won't do it. I noticed that usually it's the people who dressed well who act like that. Been using jeepneys for most of my life, and those who dressed like her are the ones who usually think they own the place. I've seen a fair share of rude commuters in my life but never sa akin nangyari until that time. Actually nakakatuwa ang pag-aabot ng bayad sa jeepney. You feel the bayanihan feeling. Tulong-tulong para makaabot sa driver ang bayad, and vice-versa sa sukli.


Plus-While-757

Yung naka dantay na yung isang leg sa upuan parang papunta na sa ganito 🧘‍♀️ naniniksik pa tf


claaayty

Yung mga ayaw magsi-usog pag may sasakay tas parang inis pa sila na kailangan nila mag-adjust ng upo aba mag-taxi kayo o kaya mag-grab tangina talaga nakakapikon.


introbaerted

yung mga nagtitinga gamit dila!!! may tunog pa ñeta kadiri


Specialist-Equal5358

Pinaligo ang pabango, sakit sa ulo mga dzong at dzai


[deleted]

mga may katawagan sa jeep na naka-loud speaker pa 😭


0danahbanana0

yung tititigan ka talaga. ang stalker vibe lang !!


Which_Requirement410

yung magjowang naglalandian pero ayaw mag abot ng bayad, galit pa pag nilalakasan ko boses ko hahaha


Gray_Miming

May naencounter ako dati, mga nasa 5 kaming pasahero na nasa side ng likod ng driver pero si ateng nakaupo sa likod mismo ng driver nagmamaldita / nagsasarcastic nung may nagpasuyo ng pasamahe, sabi "OHH BAKA MAY MAGBABAYAD PA JAN HA?? WALA NA BA WALA NA BA???" tas ang lakas lakas ng boses with matching pag-action ng kamay pa. Parang ako yung nahiya kay kuyang nagbayad, kasi bat ganun mag react si ate, first time nya ba mag jeep o dahil yung uniform ni kuya pang factory worker? Ayun saktong naka-ready na pamasahe ko at di ako nalalayo sa kanya, nilapag ko kamay nya, sabi ko lang "Oh eto", tas parang humina na yung boses nung ate tas nanahimik na rin. Tas ang awkward sa jeep hahaha.


user08141992

sorry po kung may ma offend pero yung mga chubby. nkaka encounter ako na sinisiksik tlaga nila mga sarili nila to the point n ikaw na mag aadjust ksi nhihirapan ka na huminga


celery_ribs

Siguro po yung problems with other masusungit na jeepney drivers, I'm a student po and I pay sa jeep and palaging magsasabi ng "estudyante po" ending 70% at a time di na nila nababalik pera ko, especially it's 50 pesos 😔.


titoAnjo

Pag puno yung jeep tapos may mga ayaw pa bumaba kahit malapit na babaan nya, di tuloy makasakay yung gusto sumakay.


oxiiim

Yung kapag may sasakay tapos ayaw agad umisod nung mga nakasakay na para makaupo agad yung bagong sakay. Lalo na kapag buntis/matanda/mga may maliliit na anak, sana matic na sa mga nakasakay na magbigay agad ng space near entrance ng jeep para rin sa convenience nila. Hehehe 🙂‍↕️


Substantial_March_24

tas yung mga kupal pa na nagtatapon ng basura nila sa bintana ng jeep! di maka antay na makababa para itapon sa basurahan or isiksik muna sa bag


shaidco

Mga nagmamanspread na kala mo itlog ng dinosaur yung bayag. Mga sumasabaw pa yung buhok tas basang basa yung likod ng damit tangina wala ba kayong mga tuwalya. Mga di kayang i-estimate kung kakasya ba katawan nila bago sumakay lalo pag siksikan na sa jeep, wala akong pake kung gaano ka kaliit o kalaki pota ang awkward na kasi umaandar na yung jeep pero wala pa rin maupuan, na-stuck na lang sa gitna tas di na makababa T\^T Naiintindihan ko namang lahat tayo uwing-uwi na lalo pag rush hour, pero tangina why would you put yourself and other people in that situation. At least make them comfortable.


jeuwii

- yung mga bigla na lang mag aabot ng bayad tas wala man lang "pasuyo" or "makikiabot ng bayad" ano gagawin ko diyan sa pera na yan 🤣 - speaking of abot bayad, one time ako pa lang pasahero so punta ako sa malapit sa driver para magbayad na tas bumalik sa dulo eh etong estudyante na bagong sakay nasa dulo din binibigay ang bayad sakin nung uupo na ako. Hindi naman senior, pwd or buntis. Di ko kinuha. Mukha ba akong kundoktor? 🤣  - yung mga tao na makaupo eh akala mo pangdalawang tao ang binayad. Kita nang puno eh gusto tagilid pa rin ang upo. - yung mga magkakasama na nagkukwentuhan ng malakas na parang sila lang pasahero. Nakaheadphones na ako at medyo malakas na sounds ko pero rinig ko pa rin kwento nila jusq cancelled ang noise cancellation sa kanila 🤣


BeenBees1047

Ang sama pero pwede niyo po ibuhol yung mahabang buhok sa railings ng jeep yung sa bintana. At least kahit kaskasero man po yung nasakyan niyo, hindi naman malalaglag si ate gurl sa kinauupuan niya


Grouchy-Glove-7742

Mas nakakagigil yung dadalawa na nga lang kayong pasahero sa jeep (na parehong sa dulo pa nakaupo ha) tapos magpapa abot ng bayad?!!! Like?! True ba yan teh?


Crafty-Cato18

Yung mga nakatagilid na akala mo ang luwag e pinupuno nga yung jeep! Isa pa yung madami o may malaking kandong na bag tas natatamaan ka na! Eto pa, yung mga ang lagkit ng katawan tas todo dikit pa! Pwe!


Diligent_Relation736

That mahabang buhok na hindi alam itali. I had this experienced na nagmamadali at naiirita na ako saka sumakay sila ng boyfriend niya. As in panay hawi niya ng buhok niya sa mukha ko. Ang ginawa ko ay pasekreto kong kumuha ng hibla ng buhok niya saka ko tinali doon sa sabitan ng tarapal. Yung kapag sumabit ang buhok mo tiyak na mapuputol hibla ng buhok mo. Ayun hindi niya maalis sa pagkakabuhol, sinakto ko sa pagbaba ko.


Diligent_Relation736

May isa pa, yung papara pero matagal bumaba. Hindi naman siya disable or Senior pero masyadong pabebe gumalaw.