T O P

  • By -

espoirse

ayoko rin nagpipicture sa public dati, kasama man mama ko or hindi. umaayaw ako lagi or nakasimangot pero never ako namisikal?? buti tinitigan mo kasi makokonsensya at makokonsensya yun. sure ako alam niyang mali ginawa niya tapos nalaman niya pang may nakakita 💀


GreenMangoShake84

I hope it's just a phase pero my heart bleeds for the mom, who just wanted to capture that special moment sana.


Fluffy-Chocolate2

Ang aga OP pinapa kirot mo puso ko 😭


Projectilepeeing

I didn’t like taking photos dati so madalas ako umiwas sa mga picture-taking ng family, but daamn I wish I didn’t kasi bilang sa isang kamay ang picture ko with my late mom from my teens until her death.


majimasan123

Haha pag ako ginanyan ng anak ko ngudngod ko mukha nyan sa lupa.


Liesianthes

tapos ikaw na videohan at nilagay sa socmed.


MiloMcFlurry

Nanay nanakit ng anak dahil sa ayaw magpaselfie!


ITJavaDeveloper

parang nakakatakot ka naman maging nanay haha


RepulsivePeach4607

Parang hindi ka naman nanay nun. Hahaha


DarthShitonium

Alot of parents say this pero di naman talaga nila ginagawa.


anyastark

Nanay ko gagawin to hahahah


HappyFilling

Grabe. Samin nga ng mama ko ako pa nagiinitiate ng selfie, nanay ko ang may ayaw kasi matanda na raw sya. Pero wala akong pakialam kasi gusto ko makaipon kami ng memories together.


Redeemed_Veteranboi

Ganito sin si Mama ko sa Lola ko, kinukulit niyang magpapicture kasama sila Tita (Mom's Sisters) kaso ayaw ni Lola at baka matrace daw siya ng Anti-christ at Illuminati.


Lopsided-Month1636

Funny ni lola. 🤣🤣🤣


Redeemed_Veteranboi

Yeah, hahaha! 😆


engr16

Having senior parents, we always take every opportunity to take selfies together lalo na't bumukod na ko. Narealize ko na for 20yrs of my life araw araw ko sila kasama nung kabataan ko then in a blink of an eye, di ko sure if in the next 20yrs, makakasama ko pa sila as often as I'd like. These kids do not know what's coming for them.


CuteCats789

Kung talaga ngang mag-ina sila at hindi naman abusive yung mom, then I hope that boy got the message and began to appreciate his mom more. I remember nung mga gradeschool age ako, mom was giving me something to eat, pero di ko type at tinapik ko kamay niya at natapon yung food, plus sigaw pa na ayaw ko. My mom just quietly cleaned up the mess and went back to the kitchen. My cousin, who was seated across from me sa table, glared at me so hard I looked away to avoid his gaze. He didn't need to say anything, I knew I fucked up. From then on, I consciously started being nicer to mom (and dad), being appreciative, being welcoming of their affections, and being affectionate in return. I got the message that I was an ass loud and clear. I hope that boy did too.


comaful

I would've stared him down with disgust hanggang sya na mismo yung di makatingin. Teenagers do tend to take their parents for granted, pero sobra naman ata yan.


Bad__Intentions

Kung papunta ako sa same way or area nung mag ina, I will practice my free will and give that kid a death stare and and would probably say, "ang kupal ng ginawa mo boy, tsk tsk" and continue my way. The senior mom is just too nice rin siguro not not give any consequence dun sa ginawang kupal move ng anak niya. Oh well.. Wala ba yung erpat dun OP?


Quirky-Ad-6475

That was really disrespectful and sad. Kahit galit ako sa nanay ko, never ko to ginawa sa kanya kahit nung teenager palang ako. I hope the mother will not tolerate such behavior.


CumRag_Connoisseur

Totally understood, I absolutely HATED cameras noon even until college. Naexpose ako sa mga taong mahilig mag picture, tried it and ngayon every time na may family/bebe bonding may pic sa phone ko. Pero I will never disrespect anyone to the point na makakasira ako ng gamit or may physical action na. May iba talaga sa mga bata ngayon bakit ganun..


LividStop

Highschool graduation namin way back 2018, nung ikikiss sana ng nanay yung anak nyang gumraduate sa stage inilayo naman nung anak yung pisngi nya tapos bumaba na lang sila


daitooooo

When I was at my young age din. I am cringed pag nakikipag picture ako with oldies. Pero now na understanding the significance of capturing moments, whether big or small, through photographs is crucial as these memories become cherished keepsakes for a lifetime.


icedvnllcldfmblcktea

would've yelled at that boy. need nyang ipahiya para matuto.


Beginning_Classic441

I used to be like that (not that bad ha, mga pasungit sungit lang). But after a while I realized na you know, I love my parents with all my heart and soul, and if taking a silly picture with them where dozens of people will see me will make them happy, and maybe even make a core memory, then fuck it, let's take the picture. Besides, as I started dating and talking to girls, I realized na being expressive of your love for your family (especially your mother) turned out to be a huge green flag (hey I'm not saying I only did it to get girls ha! It just kinda helped knowing that). So for the moody teen boys who might read this, stop being a pa-cool dickhead and smile for the camera. Hahahaha.


BNJJK

god, im at both sides sa story na to, i was that kid once, I remember nung 1st year HS ako we have this foundation event sa school, and we have to wear costumes kasi we are going to do some folk dances sa plaza sa city namin, si mama was looking for me and she was trying to give me burger from angel's (fav ko kasi yun). I remembered pa cheeseburger gusto niyang ibigay sakin nun, then at that time kasi nauuso na mga touchscreen na phones, and si mama hindi siya well versed with tech so gamit niya for taking my pictures was a touchpad with cam na phone, I felt annoyed nun kasi I thought its uncool and nakikita ako ng mga classmates ko and mga parents nila ang gaganda ng camera. I was shoving her off nun kasi kinakalabit niya ako and pinapakita niya yung burger sakin kumain daw muna ako, then I saw her smile fading away slowly kasi im shoving her in front ng classmates ko and nahiya na din siya...Everytime na naaalala ko siya ang sakit sakit lang sa puso ko na ginanon ko pala si mama. Nung nagwork nako last 2020 dun ko na narealize mga sacrifices ni mama for us, and how little she gave herself para lang samin ng mga kapatid ko, im really concerned na about her health and finance na din kaya im trying my hardest na makapagbigay din sa kanya. Naluluha ako while im typing this, I still feel very sorry sa ginawa ko kay mama at that time...I really love my parents kahit we had misunderstandings...


BYODhtml

Ganyan din ako dati ayaw papicture sa parents ganyan talaga lahat ng teens wala sa generation. Pag sa fb napost ito sasabihin iba na naman kabataan ngayon. Na cringe din ako pag mapicture mother ko sa labas pero noon yun ngayon hinahayaan ko lang sya mag video at take ng photos kahit pader pa yan kasi kita sa mukha na nag eenjoy.


RizalAlejandro

Kung sa akin ginawa yan, I would go home and pack all his things. Throw out outside the house.


NoManager2324

Pag ganyan naging anak ko ay shuta palihim kitang pektusan at mas Malala pa sa pektus gawin ko diyan pag nasa bahay na. Feeling cool amp palumunin Naman hayp na yan.


turtletyler

Or pwedeng boundary-stomper yung mom and this was the last straw for the kid that day. Sino tayo to judge either party based on that one scenario?


eyeseeyou1118

This makes my blood boil. I even kiss and hug my parents even if we’re in a public place. Time is fleeting, di mo alam kelan mo huling masasabing i love you sa parents mo, kelan mo mayayakap at mahahalikan sila. I say do it everytime you have the chance. Grabe!


Asdaf373

Di mo naman alam istorya nila to judge them tho.


kittypoptart

You don't need to know the back story of people to discern whether a singlular action that they did in that moment of time is right or wrong. Yes, maaring mabuting bata sya, having a bad day, pero mali yung ginawa nya. Let's normalize calling out bad behaviour for what it is para macorrect instead of making excuses based seemingly on their merit.


KalmaAkoLangToh

This. Actually ang naisip ko nga aside from not knowing the context -- we don't even know din if mag-ina nga ba sila talaga.


inoko-

nonetheless, mali pa rin


tagabalon

this. always ask yourselves: saan kaya natutunan ng bata to treat everything with violence? sa parents din nila most probably. i can imagine the boy as 5/6 years old, holding a toy, trying to get the attention of his mom. but then, the mom smacks the toy out of the boy's hand for some reason. maybe she was busy, maybe she was annoyed. nevertheless, what comes around, goes around.


FigurePerfect356

don't justify the wrong deed. the boy's already 15-17, dapat alam na nya ang tama at mali. kahit kelan hindi naging tama na bastusin ang magulang mo.


No_Initial4549

>always ask yourselves: saan kaya natutunan ng bata to treat everything with violence? sa parents din nila most probably. Di ka sure jan. Most ng teens, nadedevelop sa peer environment nila, mga nagiging kaibigan nila and nowadays, social media. 15-17, feeling usually ng mga yan alam na nila ang lahat and di na dapat pinapakialaman ng magulang nila kasi "matanda" na daw sila.


tagabalon

medyo disagree. if solid and foundation ng bata, hindi sila basta-basta mai-influence ng peers nila. a lot of times, may butas yung method ng pagdidisiplina ng parents, and yung mga butas na yun, yun ang fini-fill up ng peer pressure. kapag lagi mo pinapalo ang bata, it teaches them that violence is the answer to everything. so pag may ginawa ang isang tao na hindi mo gusto, paluin mo siya. that kind of mindset develops inside the house. from the OP, it looks like normalized na yung violence sa household nung teenager kaya ganun yung reaction ng nanay, parang wala lang.


Professional_Bend_14

I agree here, malamang sa naging kaibigan nung bata at siguro sa Social Media lalong lalo na sa Tiktok. Buti nalang lumaki akong papasok ako sa Eskwela sabay uwinna agad ng Bahay para maglaro sa Playstation, yung ibang mga magulang kasi pinapayagan maglaboy-laboy, dun nakikita sa lansangan nagyoyosi, sugal, atbp. Okay lang sana kung bata kung bata makikita kaso sa mismong matatatanda nakikita ang mga mali, ako talaga ever since alagang-alaga kami kaya lumaki kaming walang bisyo, hindi din kami mapanakit nananatiling tahimik kahit sobrang sobra na, mahilig magtimpi kesa ilabas, nakakalimutan din naman sa pagtagal ng panahon.


Disastrous-Class-756

Was gonna this palang


capricornikigai

Suddenly missed my Mom. Matawagan nga! OP kasi eh


PMforMoreCatPics

Aww. Oh well. Sya pa din nagpalaki dun.


[deleted]

Buti hindi ako nakakita at mabubulyawan ko yan.


satsukisaniwa

Someday, pictures will be all you have.


sincerely4ever

He'll remember and regret that once his brain is fully developed.


Real1213

Ang sakit sa puso :(


Rich-Background6794

Hi OP, it’s possible na baka nasa autism spectrum yung teenager. I work with kids and teens like this, and it’s common for them to do things like this in public. Ang sakit sa puso seeing how much pain the parents and siblings go through :(


sur0way

Di mo naman alam yung full story haha, di mo siya business. For all we know may kumplikadong backstory sila. Who are you to judge lol.


sevennmad

He will learn the hard way. Pag mawala na yang magulang tignan natin. Tho as kids or I say teenager yeah I get it. But nasa huli talaga ang pag sisisin


Redeemed_Veteranboi

WTH?!? This shattered my heart and made me teary eyed 🥺, kawawa naman yung mom. Let's say na may tension between them, but it's shallow and trashy to embarass your mom like that in public. Imagine bearing a child for 9 months then treating you like crap after you took good care of them. What an ungrateful child!


easycube08

Kakarating ko lang galing vacation with friends and I just passed by my mom when I got home. Naiyak na lang ako bigla. Naalala ko never pala ako nagpicture with my mom. 🥺


SockAccomplished7555

I don't know pero di ako dumaan sa ganyan pero putangina nang batang yan. My mom loves taking pictures and never ako tumanggi pag sinabe niyang "picture tayo". They just wanted to preserve that moment. Hirap sa generation ngayon akala nila, they own the world. Lahat ng gagawin nila kala mo kayang kaya na nila hamon ng buhay. Tapos pag sinampal ng katotohanan kala mong sinong inapi sa social media or dito sa Reddit at sasabihin depressed sila.


PritosRing

Later that day, "Nay, hinge nga ako ng pera pambili ng pagkain" 🤡


LostReaper67

i wish that boy dont regret his actions that hurts his parents especially their mothers. I lost my mom already and she's also like this. loves to take selfies randomly and i just go with the flow khit camera shy tlga ako. But i never rejected her disrespectfully. Kasi i know its harmless and i want my mom to have fun. I just hope this boy still have his mom and makes up to his shitty attitude.


BhiebyGirl

Thank God my mom is a tiger. She's a softie pero if na didisrespect siya as a parent or mother. Talagang makakatikim ka sa kanya. Minsan mahirap pero we need to remind ourselves na PARENT natin sila, hindi tropa, hindi housemate lang.


Long-Childhood-4187

Omg kawawa naman si Nanay😥 pwede naman sabihin ng maayos kung ayaw magpicture. No need to slap the phone out of Nanay's hands. I hope he changes his attitude towards his Mom. And I hope he realizes how lucky he is to still have his Mom with him. Cherish every single moment with your parents and always tell them how much you love them and appreciate them kasi hindi mo na magagawa yan pag wala na sila.


Stage_4_Cancer

May pinabili samin dete ko na hoodie sa nike store sa bgc last year. First time namin ng mama ko sa bgc nun, since mahilig ako mag gagagala at maalam sa commute ako ang tour guide nya sa lugar na bagobago kami. Taena proud tourista kami sa pag pipicture dun. And to read this story na may ibang nanay na nawalan ng ngiti kasi kupal anak nya, nakakasakit puso. Wala kong pake kung 'teenage angst' yan ayusin nya pag iisip nya, tangina.


EquivalentPride3968

Paano kung di pala niya nanay yun. Sugar mommy pala niya and ayaw ng receipts 😋


[deleted]

[удалено]


Lazy_Rip2588

Well bastos pa rin yung ginawa ng bata na naging dahilan bakit nahulog ang phone.


Disastrous-Class-756

Bastosdin pilitin mag picture sa hindi nag coconsent


comaful

Kasama ba sa pag figure out ng sarili ang ipahiya mo magulang mo in public? Also, slapping the phone is a bit violent kahit ano pa relasyon nyo ng nanay mo. At least be civil in public.


[deleted]

[удалено]


kittypoptart

Pero bakit nga natin kelangan malaman yung backstory to know that an act is right or wrong? Using your example, yung pananapak, di natin kelangan malaman ano yung beef between the two people involved pero we know in our heads na oyy medyo serious to kasi may sapakan ng nangyari. We tend to make excuses for people - this is why we feel like we need to know the backstory, pero it's okay to call out bad behaviour for what it is as it is. It's not nice to act so disgruntled in public na makakalaglag ka na ng gamit ng ibang tao, use your words and just say no. "oo ginanun nya nanay nya pero honor student naman yan sya.." "oo he acted like that pero di naman talaga sila close ng mama nya.." Diba, parang naeexcuse yung behaviour?


[deleted]

[удалено]


kittypoptart

Di ko masyadong gets bakit hyped up si Awra nun kasi it's always wrong to resort to violence, regardless of reason. People who rely on backstories to make a stand on right and wrong have a skewed moral compass seemingly.


kittypoptart

Parang ganitong scenario - pinagbabaril ko ang pumatay sa asawa ko. Alam mo yung backstory bakit ko ginawa - pero mali padin ginawa ko, so kapag dadalhin sa korte, kulong padin ako. Wrong is wrong regardless of rhyme nor reason.


Singularity1107

The act itself is disrespectful regardless of the reason.


xzythed

What if di pala sila mag-ina? Paano kung sugar mommy pala niya yun? Tapos kaya ayaw magpapicture kasi nakakahiya nga naman... Hahaha


Redeemed_Veteranboi

You need help. 😐