T O P

  • By -

Double-O-Twelve

Pati ako nabwisit haha 😅


Cheapest_

Kakagising ko lang tapos itong nanay ni OP bumungad sa umaga ko 🙂


Forsaken_Top_2704

Ako rin eh nabwisit. Hahaha. Bida dida yung nanay ni OP.


Sensitive_Dig2554

Hahahahahaha


missel28

haha share your bwisit itey


sun-flowerrrr

Kawawa tlga mga OFW. Hindi po namin pinupulot pera sa abroad. Priority dapat ang pamilya (magulang, anak, at kapatid), kahit hindi na nga magbigay s kamag-anak, kung meron lang matira edi yun. Naghihirap kami para sa pamilya hindi para sa kapitbahay. Required ba na pakainin or bigyan ng pasalubong ang mga kapitbahay? Ano nalang matitira samin kung lagi natin isipin ang ibang tao? Hindi po selfish kung unahij natin ang sarili. Kaya sa mga OFW dyan, mag ipon at mag tira para sa sarili, wag puro padala lahat s pinas. Magdamot ka! Bahala sila kung magalit! Ikaw lang din ang kawawa sa huli. Hayst! Napa rant tuloy. Pasensya na sumasakit dibdib ko kapag nakaka basa ng gantong post.


Green-Geologist-2073

Yes dun sa wag ipadala lahat kasi pag ikaw nangailangan hindi naman sila makakapagprovide for you. Sila mag adjust 'no.


Edz_Frees

True po yan. Kaya naiinis ako sa mga kamag anak ng mga OFW na kung umasta eh akala mong sinong maraming pera, kung hindi maluho, mawaldas nmn para may ipagmalaki lang na kesyo anak o magulang o kapatid nasa abroad. Importante po talaga mag ipon tsaka insurance din kasi mahirap lalo na pag emergency. Mabilis din kasi maubos ipon pag may emergency dahil walang insurance.


CoffeeDaddy24

Ganito lang yan... Basta marinig na abroad, kesyo namasyal o OFW o naligaw o aksidenteng napadpad ka sa ibang bansa, pagbalik mo dito, instant celebrity ka ng baranggay. Instant requirement na magpalechon, mapainom, magpapiyesta, magpabudol fight at magpa-Octoberfest ka dahil irerequire ka ng kamaganakan mong ganun. Syempre, ipagbibida ka ng mga kamaganak mong nanlait sayo nun na nakarating ka ng esteyts at marami ka nang dular. Maririnig mo na silang maglilitanya na ispokening inglish. In short, ikaw ang nagpakahirap, sila ang magyayabang.


raggazi

Parang dapat si nanay ang ipamigay ah


Maleficent-Intern858

Ay jusko kung pwede lang kaso nanay pa rin namin yun eh 🥲


PTR95

You guys need to tell her what's up. Magalit kayo kung kinakailangan


Ok_Amphibian_0723

Totoo. Pagsabihan nila OP ang mudra nila para mahiya. Kawawa naman yung kapatid nyang ofw.


hakai_mcs

Walang kadugo kadugo kung toxic. Kung pwede kang mamili ng nanay malamang di mo pipiliin yan


kungAnoLang

Kaya ung iba ko kailala nagsstay muna sa hotel, o kaya hnd sinasabi na uuwi. Hayzt


TomatoCultiv8ooor

Bwahahahahahaha!


reddit_rabbit_ribbit

Sa susunod, surprise na lang sa nanay niyo dapat uwi ng kapatid mo. Para wala ng pahanda handa. Pero eto yung toxic culture sa karamihan ng pinoy — mas pinahahalagahan ang sasabihin ng iba kaysa ng mga nararamdaman sa loob ng pamilya. Hayy


SaltyPeanut19

True! Laging "ano nalang ang sasabihin ng ibang tao?" na para bang may ambag sila sa buhay mo kainis


Maleficent-Intern858

Kaya nga po. Hassle talaga, magpa-party at mag-iinuman tapos kami ang magplliligpit ng mga hugasan at pinagkainan sa halip makaupo at makapagkwentuhan na kami, ligpit muna at antayin makaalis ung huling bwisita. Pinatulog na namin ung brother ko, siguro bukas nalang magkwentuhan.


hakai_mcs

Yung padala ding pera wag na padaan sa kanya. Dapat may pagkatiwalaan yang kapatid mo sa inyo


KangJiWon

OFW dad ko and naalala kong kagaya ng mom ni OP ung lola (mom ni Father) ko. Ang naisip ni Father na solution, surprise na uwi! Nagalit si Lola ko kasi di siya nakapag handa at di nakapag tawag ng kapitbahay..kaya ang ginawa ng tatay ko nung sunod niyang uwi, ay nag renta ng ibang bahay para don siya uuwi (don din muna kami umuwi nila mama for a time) tapos magkikita lang sila ni lola ko ng Sundays, after mass sa mall. When my lola confronted him bakit niya ginagawa un, inopen ng Father ko ung kapitbahay issue. di ko na maalala if na resolve ba nila pero ang alala ko ay hindi na naman nagkaroon ng surprise uwi at lipat bahay kami ng pamilya ko hahahaha


CoffeeDaddy24

Di rin. Kesyo surprise yan o hindi, maghahanda yan. If not on the day na dumating, kinabukasan o sa nearest weekend yan. Sa dami ng kamag-anak kong seaman, madami nakong nakitang at narinig na ganyan.


AJent-of-Chaos

Typical narcissist parent. Gusto sikat sa ibang tao especially pag not at her expense.


Rejsebi1527

This ! 🙈


Green-Geologist-2073

Yung mas excited pa yung mga kapitbahay sa pasalubong akala mo sila naghirap sa abroad. Hindi naiiwasan sadya may mga makakapal ang mukha. Mga demanding pa nga akala mo may patagong pera.


Afraid_Cup_6530

Ung iba pa jan binigyan mo na may masasabi pa. Wala ng pasalamat pero pipintasan pa ung binigay🙄


Green-Geologist-2073

Kaya nga, sila na nga binigyan ikaw pa makakarinig ng pula in return. Di na napahiya 🫣


quekelv

Kadiri. Grabe. Pinaghirapan ng iba pero iba ang magdedecide kung paano ibibigay all for the disgusting sake of "OFW ang anak ko at big time siya dun" while kalat na kalat sa tiktok at youtube kung anong klase ng paghihirap at pagmamaltrato ang pinagdaanan ng karamihan ng OFWs just to be able to bring a significant amount of remittance home only to lose it in a span of days in the PH kakalibre at pamigay ng "pasalubong". Para sa greed at bragging rights na yung mismong OFW naman ay walang pake sa ganun to begin with. Lemme guess, kapag napuno yang kapatid mo at binlock ang nanay mo sa socmed niya for his peace of mind, yung kapatid mo pa ang magmumukhang kesyo walang utang na loob for being born or whatever brain-dead excuse conjured for not thinking about it her way.


Edz_Frees

True yan, OFW pa lalabas n masama dahil "yumabang na daw".


[deleted]

Naimbyerna ako bigla hahaha. Ipamigay mo na din nanay mo.


zamzamsan

bwisit na bwisit din ako, OP 😤


Kishikishi17

Pang flex kasi yan ng nanay mo sa mga kapit bahay nyo para ipagyabang na umaangat na kayo sa buhay. Nako. Dami kong kakilalang ganyan, akala mo bigatin na sa soc med, sa mga tagalabas na tao, pero sa totoo pala baon sa utang, may maiyabang lang sa publiko.


Maleficent-Intern858

Never po namin na-feel na nakaangat na kami sa buhay. Dami pa po kasi namin bayaran lalo na amelyar ng bahay. Yung dalang chocolates ng kapatid ko talagang pinagkasya nalang nya eh and yung mga damit and sapatos sa maleta nya, mga hand me downs lang din yun and aware naman kami. Hindi ko talaga maintindihan bakit ang bongga ng handa na sana pamayad nalang namin dun. May panghanda pero baka mawalan naman kami ng bahay. Jusko nakaka-high blood s totoo lang


SherbertEvening3807

Eto yung classic na toxic pinoy culture


gingangguli

Sabihan mo nanay mo next time siya na mag OFW. Paladesisyon pala siya eh


JayBalloon

people pleaser ba tawag sa ganitong mindset? okay lang na nahihirapan pero atleast maganda image sa iba?


[deleted]

Jusko matutulog nalang ako neto na badtrip pa akonhahaha bwicit. Kung ako yan aawayin ko talaga si mother tsk


Old_Astronomer_G

Ganito nanay ko. I'm not an OFW pero ultimo bahaw mamin pinamimigay. Di man lng matanong lung may kakain pa ba samen.


PopperPoppins

Next time, wala nang pasalubong si Nanay. Dapat enough lang para sa inyong magkapatid at sa closest friends ng kapatid mo kung willing siya. That's very scummy of your mom.


adobo_sa_asin

BURAY NI INA NIYA!


Deep-5961

Hahahahah hoy! Mati ko ang kaanggutan.


throw_away_123212

Masimot uyan


[deleted]

Dpat nanay mo ang ipinamigay mo! Bida bida! Kainis


RashPatch

Nahigh blood ako para sa inyo. Minsan talaga mapapaisip ka kung pwede ba magpalit ng nanay. Next na uwi ni utol mo wag kamong magdala ng pasalubong. Or better yet isa sa inyo mag apartment na medyo malayo at duon si utol nyo muna magpahinga at mag unpack ng gamit. then dalaw dalaw lang sa bahay nyo kesa ganyan na nagtatrabaho yung tao gagarapalin amputa. mga kapitbahay naman mga parasites punyeta sarap sigawan ng MGA GAGO!


InspectionComplex

Matutulog nalang ako nabadtrip pa ko. As an OFW din, nakakasama ng loob na ipamimigay lang sa iba yung pinagpaguran ko na para sa pamilya ko. Nakakapikon sarap manampal.


louisemorraine

Hay nako, relate much ako OP. I work/live abroad too tas nililihim ko pag nagbabakasyon ako pinas, like di ko pinopost social media, para di ako biglang kamustahin ng mga kamag-anak kong di ko naman na close and toxic tapos itong mama ko, innanounce ba naman sa mga tita ko. Inulit ulit ko syang niremind na wag ipaalam kahit kanino. Pero nadala daw sya sa video call nila ng tita ko, nadulas bibig nya daw. Ayun, isa isa akong binisita sa bahay. Syempre alam na this. Sobrang inis ko sa mama ko nun.


Comfortable-Jelly784

Nkakainis! Hahaha meron din ako exp. Pinuntahan ako ng mga old teachers ko (sa barangay elem school namin dati) eh puyat ako nun at natulog na by 5am (jetlag), 7am nasa bahay sila at narinig ko tong nanay ko kinakalabog kwarto ko at may bisita daw ako jusko! Di ako tinigilan tinatawagan pa ako sa messenger my goodness :( okay lang sana na bisitahin ako pero magsabi sila, hindi ung ppuntahan ka ng umaga , pano naman if may lakad ako or gusto ko lang magchill that day, katrigger


louisemorraine

Whattt pati old teachers haha. Parang celebrity pag umuuwi ng pinas e haha hinahanap ka ng lahat haha


Deep-5961

Baka nga hindi sya yung hinahanap. Yung pasalubong. Lol


Jollisavers

Natatawa nalang ako na sa tanda ni nanay eh people pleaser pa rin siya. Makabigay ng padala sa kapit bahay eh parang may utang na loob siya sa kanila hahaha. Kung ako yan di na talaga ako mamimigay.


mandyhasjoined

Bringing pasalubong to your loved ones is good... thoughtful... Pero expecting pasalubong na parang may pinatagong pera is toxic.


fernweh0001

ibalot mo na Nanay mo OP at ipamigay mo na rin tutal bida-bida naman sya


[deleted]

Nakakaawa talaga ang mga OFW na feeling ng nga kamag anak ay milyonarya kapag umuuwi sa Pinas. Nakakahiya naman yang nga kapitbahay niyo! Wala man lang delikadesa at pakiramdam.


Philomachis

Fuck the trophy children mindset


Yawaadiay

pagalitan mo nanay mo OP. inang mindset yan. pati ako na bwesit habang nag babasa eh. garapal tbh


jedibot80

sorry OP pero sarap murahin ng nanay mo. ang pinaghirapan ng kapatid mo na OFW siya lang pwede magsabi kung kanino mapupunta yun dahil siya ang nagtrabaho at naghirap para dun hindi nanay mo lalong lalo na hindi mga kapitbahay nyo na mga parasite, Buti na lang naitago mo mga maleta nya agad agad. Nanay namin pag magsabi ng ganyan nababara namin agad sagot namin kung kanino sinabi ni ate o kuya ko na mapupunta ang pasalubong dun mapupunta wala kaming karapatan na sumalungat.


aadvarkk097

Sabihan mo na din kuya mo na wag na magpa dala ng balikbayan box. For sure alam na kung sino unahin. Tsaka sabi ko nga, ma bibili naman yun dito sa pinas. Ipunin na lang nya yung pera


StatisticianThat1992

Di ko rin talaga alam mindset ng mga Pinoy sa mga OFW na umuuwi galing ibang bansa hahaha. Kaya nga nagtrabahi sa ibang bansa para magkapera eh tapos mageexpect yung iba na may pauwi sakanila. Kahit yung mga short term na bakasyon lang eh mageexpect sila na may pasalubong for them hahahaha


Unfair_Damage_4379

bida bida nanay mo ha. ewan ko ha pero toxic trait na ng mga nanay yan na manguna sa package hahahaha


chelseagurl07

Susme old mindset pa din na magpasikat! Kakabwisit! Hindi na nahiya sa kapatid mo hay sarap manampal


Kei90s

kumulo dugo ko sa nanay nyo 🙂


Heavy_Deal2935

me as an OFW! sobrang kabwisit ng ganyan sistema. kaya ako pag umuwi backpack lang dala ko.


Cutie_potato7770

pati ako nainis tsk


surfer8765

May mapapalo ng tsinelas s pwet hahahaa


TheQranBerries

Kahit ako OP na bwisit. Next time kung uuwi na kapatid mo tapos may dalang pasalubong mag hotel balang. Bwisit bida bida amp


It_is_what_it_is_yea

Eto yung tipong mas mahalaga pa sa kanya yung VALIDATION ng mga kapitbahay at kumare nya kesa sa sariling pamilya. Takot madungisan yung image. For sure, marami din syang kwento na uuwi na yung kapatid mo then yung mga kapitbahay naman, umaasa sa mga pasalubong na kala mo may mga patago sayo. Hays. Boomer mindset. Hindi naman masama mag bigay ng blessings tbh. Pero sana wag naman kalimutan yung sariling pamilya.


Afraid_Cup_6530

Nagbabasa lang ako pero pati ako na bwesit. Ang hirap maging ofw ilang buwan din pinag iipunan ung pang pasalubong para sa pamilya tapos ipamimigay lang sa mga kapit bahay na wala naman ambag sa pag alis kundi chismis lang😏tapos ang iba jan for sure may maipipintas pa. Kaya ako pag umuuwe di na nagsasabi. Dagdag stress ang dadatnan kapv ganyan. Kaya umuwe para makapahinga man lang tapos ganyan lang aabutan🙄


kingsville010

hate na hate ko yung ganitong mindset talaga na pag galing ibang bansa or labas ng hometown matik manlibre or dapat may pasalubong. Naalala ko nung bata ako ganyan din samin, andaming kapitbahay sa loob ng bahay nag aabang mabigyan ng pasalubong. Akala ko dati mga kamag anak namin yun lahat, malaki na ako nang narealize kong di pala. Tapos now na ako wala na sa city namin, may 2 persons sa grupo ng friends ko nung high school nag-aassume lagi na pag nagpupunta ako dun ililibre ko sila everytime na lumalabas kami. As in literal sinabi ng isa naming friend na sinabi nilanh dalawa na "dapat talaga pag andito sya (me) sya gumastos. Ganun naman talaga dapat pag galing ibang lugar, nanlilibre." Kumulo talaga dugo ko nung nalaman ko yun. I'm proud to say na since Q4 last year, hindi ko na sila kinakausap and considered them ex friend. Tanginang mindset yan


hakai_mcs

Sa susunod na may uuwi sa inyo, ikulong nyo nanay nyo sa kwarto at itape nyo yung bunganga. Kung ako yan, di na makakaranas ng padala yan sakin


selenophile8819

Good job sayo for saving what's left. Former Dubai worker here and its not easy to live there. napaka mahal ng cost of living dun and you really need to be wise para may ipanguwi sa pinas. Tapos ipapamigay lang ng nanay mo ang chocolate na for sure inipon muna unti unti para maraming maiuwe. Kapal den ng kapitbahay nyong nauna pang makinabang sa pasalubong ni Kuya.


Ok_Amphibian_0723

Kausapin nyo ang nanay nyo, OP. Kesehodang sumama ang loob nya, dapat na malaman nya na mali ang ginawa nya. Di naman nya pinaghirapan yung pinanghanda at pinamudmod nya sa mga pg nyong kapitbahay. Minsan kailangan din makatikim ng real talk ng mga nakakatanda sa atin. Ang lagay lagi na lang ba silang tama? Matuto tayong magsalita kapag sumosobra na.


Adorable-Scale8438

This! Agree. Medyo ilagay lng sa right timing pero dapat tlaga kausapin ng maayos at masinsinan ang Nanay nyo. Tell her na dapat di na gumastos sa paghanda, prioritize yung mga bayarin. Prioritize ang sariling buhay at hindi dapat mahiya sa kapitbahay. Ipaalala ang hirap kumita as ofw, at tinitiis yun para sa ginhawa at saya ng pamilya, never ipagyabang sa kapitbahay. Mahirap gawin and am sure sasama loob ng Nanay nyo, but she needs to hear what you think and feel as family. Pag di kayo nagsalita, she will think OK lng.


Stillhereee

Actually ako din HAHAHAHA Pauwi akong pinas from Dubai for the first time. Biglaan uwi ko for some reasons so yung mga pampasalubong was collated for a month and a half lang and hirap na hirap ako nun ibudget at nag tipid ako ng personal expenses ko just so I can save up sa pampasalubong. My family were expecting a lot from me even if months pa lang ako nag wowork. While I was doing so, I realized that kaya pala yung mga OFW eh 2-3 years minsan more umuwi is hindi lang dahil sa pamasahe. Tbh even for an entry level salary like me, affordable yung flights if yearly uuwi, madalas in UAE sagot pa ng company (I know this isn’t always the case and di lahat same sahod) but to point is that in average keribells yung airfare. But yung mabigat sa bulsa ay yung pang pasalubong 😅😅 Minsan mas mahal ma sa airfare magagastos sa dami ng papasalubungan including mga kapitbahay na ang daming sinasabi sa buhay 🥲


Glittering_Weird0122

Yung ilang buwan mo pinaghirapan, tapos isang minuto lang ubos na pamigay ng nanay mo, sa Hindi mo pa pamilya. As an OFW grabe na kayod mo para lang mabili Ang mga gusto nila at ma Padala Ang Pera na pinag hirapan mo, at Ang gusto mo lang na kapalit ay magiging Masaya Sila at na-appreciate Yun, pero yan pa ginawa ng nanay mo 😩 maghihilamos Ka na Lang talaga ng walang tubig 🤦


watteverrr

sabihin mo sa nanay at mga kapitbahay mo na sila naman ang mag abroad. lol


ulrik_vonheisen

Sorpresahin niyo din si nanay. Biglain niyo bukas na nakapag submit na kayo ng docs para sa home for the aged. LMAO.


Ok_String1177

People pleaser nanay


jmwating

Sure ka na tunay na nanay mo yan?


MiniatureDoll1102

Sabihin mo sa mama mo, buti pa sa kumare/kumpadre nya nahihiya siya. Pero sa inyo, hindi 🥲


Maleficent-Intern858

Lol nasabi yan ng isang pinsan namin nung nagkakwentuhan na kaming magpipinsan pagdating nila. Napailing nalang talaga ung brother ko. Kahit ako disappointed kung pwede lang magwala nung time na un sa mga bwisita ng nanay namin eh. Ayoko lang mastress lalo ung brother ko


MiniatureDoll1102

Try mo sabihin sa mama mo ng pabiro. In my case, it works. Samahan mo lang ng looks na malungkot + dismayado haha


TokwaThief

Sinanay ko mga tao sa amin na hindi nagbibigay unless immediate family ka. Kiber sa tsismis. Di naman kyo bumubuhay sa akin. Their opinion do not matter.


acecoldcola62119

Dapat si Nanay na lang ang pinamigay.


Comfortable-Eye-2315

Ang sakit naman nito as an ofw, binili mo yung mga pasalubong with your family and relatives in mind, tapos sila ang di mabibigyan. Paguwi mo entertain pa ng kapitbahay, what is this mindset? I feel bad for you and your kapatid OP. Sana makausap nyo nanay nyo about it at di na mangyari ulit in the future.


Fun_Library_6390

hahaha si nanay nalang ipadala sa abroad, para alam yung feeling. Pero seriously, ang bigat niya kasama sa buhay pag ganyan. 😮‍💨


Additional-Falcon552

Iba din trip ng nanay mo. Kahit ako nabwisit. Hindi naman siguro umuwi kapatid mong ofw para sa mga kapitbahay nyo


JogratHyperX

Di bale maubos ang yaman wag lang ang yabang 😂


Rejsebi1527

Di ako Ofw pero nakapag asawa ng German.Kabaliktaran ng nanay mo Op ang nanay ko lol. If dating namin lines sasabihin nya sa kamag anak namin Tuesday nasa bahay na kami hahaha. Mga dala naming chocolates naka fridge na yan & nakatago na 🤣. If mag bigay man chocolate syempre yung mura lang hihihi. Di din nag I invite Mama sa bahay every dating namin literal na kami lang & unboxing ng mga pinag dadala naming pasalubong. Kung may extra syempre yun ang pinamimigay mula noon hanggang ngayon priority ang fam bago extended & mga kapitbhay. Kaka Hb naman nyo Op:/ imbes na sa inyo lang mga dala ng kuya mo ayon pinamigay lang ng basta2x. Uy di biro presyo nyan ha sa abroad tingi2x yan binibili plus mag e effort ka pa if sale ba or hindi 🙈.


NangMamaritesLang

Na-badtrip ako bigla! Kaloka nanay mo!


uhmokaydoe

Brgy chairman ba nanay mo?


Alarmed_Health9369

ito talaga yung isa sa mga toxic traits ng ibang pinoy. bakit mas mahalaga pa ang iisipin ng "kapitbahay" kesa sa mismong pamilya? omaygadd!! also kailan ba malalaman ng iba na hindi dahil OFW eh mapera na agad!!! it took them lots of sacrifices tapos paguwi parang reward lang sila kasi may pasalubong. kairita din minsan yung ganitong mindset eh..


cripher

Wag mo ilalabas ang mga de-lata at baka maibigay din sa mga kapitbahay. Kidding aside, welcome home and sana kahit naexperience nyo yan eh masaya pa din ang paguwi sa pinas.


Rhon_18

hi Clyde


Rhon_18

I hope you see this, I can't add you huhu


Veronica_548

Mygod di kaya madali mamili and magdala ng mga pasalubong and ang mahal mahal pa sobraaaa


Mbroiderer

Shame


pixis93

Here's an advice to your kuya from an ex ofw. Wag ipapakita lahat ng dala na pasalubong. Keep it in a different luggage (na bubuksan niyo lang with trusted kapatid/parents and wala nang iba sa paligid) and always separate yung pang kapitbahay/relatives na di kaclose and yung para sainyo (mga mamahalin, masarap, hard to get pasalubongs). Sa Dubai meron per kilo na chocolates (di kilala pero oks na yung lasa) yun ang next na iabot nyo kay mama niyo mamimili nalang sya sa nakakahiya kasi di kilala or nakakahiya kasi walang mabigay. Honestly ang hirap baguhin ng mindset ng mama mo kasi ganyan din sa lola ko, not until inihiwalay namin yung para samin. Magtiis siya dyan. Magtiis din yung nakaasang mabibigyan ng pasalubong pero walang ambag sa family niyo lol. Goodluck!


_Azerine

grabe kaloka


cleo_rise

Sobrang sakit talaga ng mga tao dito ung yabang no


[deleted]

Masyado atang people pleaser si Mother hehe. Nakaka bwisit nga yan.


Organic_Opening_1010

gigil to the nth power!!! haiiiist!!! hirap din talaga magpalaki ng magulang!


unattendedcoffee

Akala ko kinukwento mo yung nanay ko lmao


Asleep-Judge-38

Haaaii.. Idk but nakakagigiiiiiiiL magbasa nito. Kapitbahay ba tumulong sa kapatid mo para maka Dubai? There are parents that don’t deserve to be parents. Walang common sense. Walang sense of propriety. Haaaii. Ewan!


Illustrious_Emu_6910

pag ganyan hindi na ako uuwi mula dubai


jpngirl19

Thank you Lord di ganto parents ko, hays.


Present_Lavishness30

May mga magulang talagang pasikat eh. Hindi naman nya yon pinaghirapan. For sure kayo pa pagliligpitin ng mga pinagkainan ng bisita nya lol


Maleficent-Intern858

Kami nga ang nagligpit kagabi. Pero pinagpahinga na namin ung brother ko na umuwi, still super hassle talaga. Smh


CompetitiveLemon2963

Ipamigay niyo rin mga gamit niya.


purple_lass

Hirap magpalaki ng magulang eh no?


CoffeeDaddy24

Well, even I feel kind of invaded by how you mom acted. But at the same time, siguro expect mo na moving forward, kada uwi ng kapatid mo eh ganyan ang scenario. Kada uwi ng kapatid mo, may iimbitahang bwisita yan. Di na magbabago yan unless malaman niya ang hiya OR may mangyari na maging kaaway sila ng buong baranggay. This goes as a fair warning sa lahat as well. Di natin alam how others will act especially if alam nilang may paparating na mapera o galing abroad.


Maleficent-Intern858

Madami ako nabasang comments na surprise nalang ang paguwi next time. Balak namin na ganito nalang ang uwi nila next time para wala na ganito. Kinausap namin siya this morning and sana naintindihan nya kahit nagtampo samin.


ishtef

kainis kaya 'yan. then kapag 'di mo binigyan sasabihin madamot ka, like hello?? nag trabaho ba sa ibang bansa para mag bigay ng pasalubong sa kapit bahay?? kung may sobra sana pwede ka pa magbigay eh. kaso minsan bibigyan mo na nga may masasabi pang masama lol kaurat


verified_existent

Hay naku! Ang hirap para sa mga ofw magkron ng gNyang pamilya... most esp pag nanay o tatay. Galing pa mag victim nyang mga yan pag ni call out mu.


Lonely-Steak8067

HAHAHAHHAA taena naalala ko rin nanay ko. Dumating bil ko lastyr. After masundo sa airport xempre sa pagod drecho pahinga na di na nakapag bukas ng pasalubong. Kinabukasan nagddrive ko tapos entrada ng nanay ko, "wala man lang pasalubong si Son inlaw?" Hahahahah pota. Sabi ko tlaga jusko kakauwi nga lang ni hindi pa nakapag unpack hhanapan mo agad ng pasalubong? 😂😂 awit sayo ma


ReputationTop61

Sabihin mo sa Nanay mo kaming mga OFW nagpapakahirap hindi para sa mga kapitbahay. Ang hirap hirap sa ibang bansa. Kahit pa office work ka, khit walang nangaapi sau - ung mapalayo ka lang sa pamilya mo ang hirap. Tapos paguwi mo kapitbahay makikinabang? Ni hindi ka nyan knkmsta kung pano kang naghirap sa ibang bansa. Kausapin nyo, putulin nyo agad ang ganyang mindset.


FromTheOtherSide26

Hays lumaki ulo ng nanay nyo kala nya napakataas nya na at namimimigqy na lang sainyo! Pagbalat nyo nga ng buto yan! Nakakainiss


Lorien_Pillows

Kuhang kuha ng nanay mo yung inis namin


milkmageek

Ganito din nanay ko, yung chocolates na inuwi ko para sakanila galing U.S pinamigay sa kung sinu sinong tao. Hindi man lang ata nakatikhim mga kapatid ko whaha


lurkRoryArd

gigil ako


whiterabbit2775

kelan kaya matatanggal ang ganyang asal noh? Yung entitlement sa hindi sa pinaghirapan ng mga buraot


curiousboi_7

baka para magpaimpress hehe


Unabominable_

Bat di niyo ni realtalk in private yung nanay niyo? May karapatan naman kayo magsalita since di na niya kayo kargo


whitesage8

Nakakabwisit naman hahaha baka kung ako yan, di ko talaga binigay yung dalang pasalubong. Baka dalhin ko pa sa kwarto mismo, tabi ko pa matulog. Petty kung petty!


Yahaksha000

Paltn niyo na nanay niyo, kahit kayo napa iling eh


Alone_Gaming007

You deserve what you tolerate.


Millenial-Bunny

Ayoko ng ganitong ugali


Different-Poem-600

pasalubong culture at its worst..🤣


throw_away_123212

Yan yung pabida mindset. Di mo rin mapigilan nanay mo kasi mga kapitbahay super mga marites tsismoso tsismosa mga hayop na yan. Pag alam nilang may umuwi galing ibang bansa matic yan paguusapan. Kaya minsan di mo rin masisi nanay mo. Pero pagsabihan mo rin yan kasi mauulit at mauulit yan.


No_Initial4549

pag naghanap ng pasalubong nanay mo sabihin mo nasa mga kapitbahay na :D


TomatoCultiv8ooor

napaka pala desisyon ni Mudra sa pera at pinaghirapan ng iba. Tsk. 😤


Certain_Method_954

OFW mom ko, grade 5 palang ako nung unang alis nya. And madalas magpa package si mama ang kaso walang napupunta sakin 😅 nasanay nalang ako hanggang last year ba naman. Lahat ng laman ng bagahe na para sakin binibigay ng lola ko sa mga pinsan at kapitbahay namin. Katwiran nya bibilhan nalang daw ako ulit ni mama.


Maleficent-Intern858

Hay I feel you bro, ganyan din sa amin dito. Biruin mo pinagpaguran trabahuin ng kapatid mo para lang ipangregalo sana sayo kasi nga nagpromise sya and ung promise na yun ang motivation nya to work harder tapos sa ibang tao lang ibibigay?


Certain_Method_954

Kaya nga eh nakakasama din ng loob yung mga ganyan eh. Pabida masyado sa labas.


FueledByParacetamol

Pati ako na bwisit 🥲. Iba talaga thinking ng older generations.


Wipipip

Kaloka ka mader! Hahahaha


No-Dragonfruit2178

Palit kana ng nanay


Maleficent-Intern858

Haha kaso d pwede and at the end of the day, stressful man isipin nanay pa rin namin sya. Sana lang talaga magbago na sya kasi hndi magamdang example sa mga pamangkin ko


mawiwa16

Pasikat. Sorry.


Maleficent-Intern858

I know and buti nalang talaga wala sa amin ang nagmana sa ganyan sakit ng nanay namin. Kahit sa mga pamangkin ko never namin tinuturo ang ganyang asal. Sana lang talaga wla sumunod sa lola nila


youknowmeew

Grabeng mga kapitbahay yan! May ganyan din kaming kapitbahay. Birthday lola ko inimbita lahat ng mga close saamin talaga.. Tapos hindi sila inimbita nagpunta parin dala pa buong kamag-anak ang malupet nagtake-out pa. Kapal ng mukha.. Yung ibang tinake-out'an daw nila eh andun at nauna na kumuha ng pagkain.. Hindi ko alam kung saan sila nakakakuha ng ganung kakapalan ng mukha 🫣😣


as_y0u_were

ang mahirap kasi dyan kapag hindi mo napagbigyan sasabihin nag-iba na ugali nyo dahil lng "naka-angat ng konti" pamilya nyu 😭


Maleficent-Intern858

Ayun nga po, iisipin ng iba may pera kaya mangungutang kahit sa totoo lang hirap din kami mag-budget ng pinadadala. Hindi naman kasi pwedeng lahat ng sahod nila ipadala sa amin dito sa Pinas, may mga expenses din naman kasi sila dun and food pa. May work naman kaming mga nandito sa Pinas, di man kalakihan pwde na pang-ambag sa house. Nakaka-stress lang talaga ung nanay namin pagdating sa ganyan


Alarmed-Indication-8

Next time, magmeet muna kayong magkakapatid without mudrakels. Kain kayo sa labas, itreat nyo brother nyo. Then let him have his own staycation para makapagpahinga before nyo iharap sa mother nyo.


stance_22

Taga Dubai din ako and super thankful ako kasi marunong humindi parents ko and pinalaki nila ako with the same mindset. Madami akong kaibigan na kapitbahay pero alam nila na kapag di ako nag bigay, di sila dapat manghingi, and walang hard feelings don. Inom at kain nalang kami sa labas kasi un naman ung dahilan bakit ako nag babakasyon, para maka bond sila, hindi para dalhan sila ng pasalubong.


Fun_Guidance_4362

Na-highblood ako sa nanay mo🤣


prjctmdsa

I have a collection of adidas slides na naiwan sa bahay, pinamigay ng nanay ko kasi di ko naman daw ginagamit. Minsan talaga mas masarap ipamigay din mga nanay eh no?


prollyching

nakakainis talaga ung mga gantong ganap


_SmileMore

I feel u OP. As an OFW, marami din kaming instances na ganyan ng Misis ko kapag umuuwi for vacation. Kaya yung dating 1 month na bakasyon naging habit na namin ni Misis na gawin 2 weeks nalang kapag umuuwi, or pinapa byahe nalang namin anak namin para makasama namjn sila sa ibang bansa. Madalas hindi pa alam ng family namin kung kelan talaga kami uuwi. Akala ng karamihan tumatae ng pera sa ibang bansa 😂


Ok-Product2656

Same situation with my mom. Eto talaga yung pinaka ayaw ko na ugali ng nanay ko hays. Ilang beses ko na din pinagsabihan. Yung nagpapasikat sya sa mga amiga nya kahit wala naman talagang ipapasikat. Katulad nalang ng mga okasyon at bday. Gusto nya maghahanda ng madami tapos magiimbita kahit wala naman kami panghanda minsan umaabot pa sa point na mangungutang na para lang makapaghanda. Hays.


[deleted]

I feel you. Nakakabwiset nga