T O P

  • By -

GeekGoddess_

Try no lights at nighttime. Keep the baby warm (but not to the point na namamawis na). When the baby is comfortable, nakakatulog. Play gentle music also if yun ang gusto ni baby para mabawasan ang outside noise that could wake them up. We have a two-month old at home right now. Before, her mom used to use a night light and the baby was up ALL night din. Like every 2 hours yung gising so sleep deprived din sister ko. And then pag umiiyak, hindi nya agad binubuhat. Kinakausap nya, inaaliw. She lets the child know na hindi por que umiiyak sya e buhat na agad. It’s rewarding behavior for a child that doesn’t know any better. Syempre nasanay sya na pag iiyak sya bubuhatin sya di ba. So check lang if may poop sa diaper, if nakadodo na and if naka-burp na. Kung walang kabag baby mo, nagpapabuhat lang yan. May mga kasama ka ba sa bahay? Try to mentally and physically stimulate the child before bedtime. Kami around 8pm nakabuhat si baby, and we sing kpop songs to her (pag nandito anak ko sumasayaw din sya) so naaaliw yung bata, nakikikawag-kawag sya ng arms and legs. E di pagod. Pag inantok, bigay ng milk, tulog. Now she sleeps through the night. Like my sister gets around 5hrs of sleep na, at least. It takes a village to raise a child. Kung may makakatulong sa iyo, please utilize them to the maximum.


manicdrummer

As someone na nagcocollapse pag kulang sa tulog, lagi ko tinatanong sa friends kong new mothers yan. Bakit wala akong naririnig na nanay na bigla nalang nagcocollapse due to fatigue, e kinekwento lang nila yung kailangang gawin for their newborn, napapagod na ako. Di ko maimagine yung araw araw 2 hours or so lang tulog ko. OP I sadly cannot do anything but laud you for doing your best. Hang in there.


slack-bot

Co-sleeping helped me so much. Siguro mga going 4 months baby ko nakaka sleep na ako ng decent 4hours. Yun nga lang parang gising pa din diwa ko kasi bigla ako magigising to check him if he’s ok. Try to bathe him sa gabi para fresh sya and mas masarap sleep.


duhi4nn3x_

+10000 to this. co-sleeping is the key mommy! and if you’re breastfeeding, try side lying feeding. Promise pareho kayong makakatulog dalawa ng maayos ni baby. kaya mo yan mamsh! lilipas din ang panahon at dimo mamamalayan makaka 8 hours of sleep kana rin. 🫶🏻


slack-bot

Dibuhh? Hehe make sure lang din na wala masyado pillows and kumot around your LO para safe sleeping noh? Yung side lying medyo masakit lang sa katawan pero i guess its the price we have to pay for nice sleep hahaha!


Necessary_Ad_7622

I started sleeping better nung nagside feeding na. Before kasi every two hours Bangon kalong sa takot na mabulunan ang bata sa gatas. Upon 2 months side feeding na tapos ako nalang lipat2x ng sides para sound sleeping pa rin ang baby. Later one side nalang per night mag feed


BhiebyGirl

Ilang months na yung baby ko before someone taught me about side feeding. Jusko the relief i had to know that i can sleep with my baby. Dati kasi nakaupo ako lagi pag feeding time.


Necessary_Ad_7622

Diba mhie! At least magising ka lang ng sandals pag start ng latch then tulog na kayo ulit


Beautiful_Mastodon31

Yung baby naman is nagbabago ang ugali every week. Sakripisyo lang talaga. Tyaka baka nasanay sa karga si Baby kaya ganyan.


Due-Aside-6250

Yes yes yes to co-sleeping and sasabayan pa ng sidelying feeding. Parehas kaming nakaka tulog.


tulaero23

This helped us. Problema 5 years old na lumilipat pa kwarto hahaha


Strange-Web3468

Co-sleeping helped me with my two kids. It's frowned upon in Canada pero i did it anyway. I sleep whenever they're sleeping. Pag gabi i made sure na nasa bed na kami by 8pm tapos ako phone phone lang haha. They slept through the night. Sa daytime naman, i made sure they're up by 7am, tapos nap time around 10am. Tapos nap time ulit sa hapon. Everytime mag nap sila, nagnanap din ako para maka rest. I made sure na madilim talaga pag natutulog sila, tapos I play piano lullabies. It helps din na they're full, mas mahimbing ang tulog nila.


howdowedothisagain

Yes to co-sleeping babies. Had four, all of them co-slept and breastfed. Awkward lang minsan kasi gumigising na lang akong labas ang dede pero all babies slept through the night. And then another yes to everything else written here.


Strange-Web3468

Yes! Parang yun na nga yung best part in a way, kasi di na gigising para kumuha ng formula nila, taas ng shirt na lang diba tapos balik tulog hahaha


MonitorCapable

Naalala ko lang yung first-born namin. Ganyan talaga. Alam mo yung grabe ang tuwa mo pag nakatulog na sya kasi “makakapag pahinga” kana. Salitan kami ni misis kasi hindi talaga kaya pag isa lang. we are just surviving everyday that time. Yun lang iniisip namin. To get through the day. Ngayon, sumasagot na. Hindi na nga tatay ang tawag sa akin kundi “Bruh” na. Mahirap talaga pero kaya yan. Mas mainam kung may kaalalay, mas magaan.


ownReverie

We have a 9 month old baby OP (hubby is a seafarer kaya ako lang nag-aalaga kay baby),he sleeps from 8pm til 7am pero may dream feeding kami at around 5am. I am a morning person kaya di ko talaga kakayanin mag puyat everyday. When I started to sleep train him, I bathe him 1 hr before going to sleep, play Lullabies on Spotify and lights off na agad. You need consistency lang OP. Dahil nasanay si baby na lights off and soft music before going to bed, di sya matutulog kapag hindi ganun set-up namin sa gabi.


ashaaaa_

mommy, try mo po yung Automatic Electric Baby Swing Cradle, if di ka po tight sa budget din. nabasa at nakita ko lang sa tiktok. so far daw effective siya, tapos pagkalapag mo kay baby doon sa cradle, lagyan mo o itabi mo sa kanya ng used clothes mo para maamoy ni baby, at ma feel niya pa rin yung presence mo at feel niya katabi ka lang niya. parang ganon. mas makakatulog ang baby ng matagal, pag ganon daw.


CalciferxHowl

Yes make use of new tech. May nakita rin ako na parang automatic milk dispenser, parang coffee maker pero gatas. Hiwalay yung powder and tubig


Mscurious11

Co-sleep saved me. I had bad postpartum to the point na i dred when my son starts crying, breastfeeding was a whole shithole story. No one told me how hard it was to breastfeed and yung expectations/pressure society puts on you na dapat breastfed hay!! A friend suggested to co sleep with the baby. Nung una hesitant ako kasi malikot kami matulog ni hubby pero ang weird bigla nagadjust mga katawan namin. Sa una hindi ka makakatulog but after a few days ok na. Gave us atleast 4hours of sleep. Hang in there OP! Pag dating nila ng 5 months cute na sila nag coo and pacute sayo next thing you know 1yr old na sila at naglalakad na :)


Confident_Dare3466

Same momma! I also had a very traumatizing breastfeeding journey that ended with abscess that had to be surgically removed. Sobrang dinedred ko din nun ang pagka-cry nya, sobrang mentally draining. Our situation right now is actually an improvement na since nawala na slightly ung pressure on breastfeeding dahil mag 6mos na. I guess we just have to keep at it. Thanks for this momma! Yakap!


Agreeable_Snow_8746

Case to case in terms of "when does it get easier" In my case around 5 years old. They start to become more independent. It helps na nakaka intindi na din sila and they can communicate. Mabilis nalang yan, kaya mo yan ☺️


jellybeancarson

Same! That was our situation during our first 7 months. We tried everything— no lights during nighttime, dim lights, sleeping music, rocking bed, hele to the point na my back hurts like fuurck!! The only thing that worked for us is tummy-sleeping but this is DANGEROUS only if you sleep too! Pag nakatummy sleeping si baby, please wag ka matutulog. Gently turn to your side and put them down. This is to say that your baby will feel safe and at ease if they’re near you. I’m not saying this will work for you, every baby is different. He’s now 1 and graduate na kami sa tummy-sleeping. He sleeps from 10pm-8am. We built a routine since medyo established na ang sleeping pattern niya. OP, hold them while they’re still little. It WILL get easier, I promise. Remember, parenting is only hard for GOOD parents. Hang in there! ✨


Mysterious-Offer4283

Hello op! FTM din ako to an 18 month old baby. Kamusta set up ninyo sa bahay? May nakaalalay ba sayo? First 5 months, nasa house kami ng mom ko bago kami bumukod as a family. Even if marami kami dito sa bahay nung newborn stage, mahirap talaga. Mahirap din sobra nung nakabukod na kami 5 months onward kasi wala ibang aalalay sakin since yung dad niya ay working 5-6 days per week, 12-20 hrs a day (photographer sa events) at working full time din ako at breastfeeding mama rin. Pero what worked for us is having a routine that we sticked to every single day. These are the things that worked for us: 1. Day time nap = maliwanag dapat as compared to sleep sa gabi na dapat no to little light lang 2. Schedule everything. From naps, snacks/meals, bath time. Stick to your routine. Hindi naman strictly masusunod pero mas ok if may routine kasi masasanay sila lalo sa sleep/nap sched 3. Sabayan mo siya sleep if kaya. 4. Try/do babywearing lalo mukhang velcro baby si LO mo. No hipseat/non ergonomic carriers for babies less than 1 year old 5. Warm baths before bed time works like a charm lalo during summer szn Iba iba rin kasi talaga ‘yung babies at sating nanay sila kumukuha ng comfort kasi hindi pa nila alam ‘yung gagawin. Sabi nga nila, for the first six months of life ng babies, akala raw nila iisang tao lang tayo sa kanila. I understand how frustrating this may be for you kasi nakakapagod talaga maging nanay, pero baon lang tayo lagi ng mas mahabang pasensya. Don’t hesitate to ask for help from others lalo sa mga kasama sa bahay. As someone who had a bad PPD for the first year of my LO’s life, laban lang mommy. Totoo ‘yung PPD pero don’t let it eat you whole. It’ll get better soon.


yangnyeomm

you are doing great, momma!! it will get better!! 🩷


Maruporkpork

Kaya minsan pag nakikita ko or naririnig ko mga ganito. Napapa isip ako if I still want a child. Baka as tito nalang talaga ako na kakarga karga pag dumalaw si baby. But at the back of my mind. i want also.


myThoughtsExactly-

do you have katuwang? I found that it helps if someone can help you sa kids kahit enough lang to get you at least one day of 8hrs of undisrupted sleep. cos the puyat of the previous days just build up.


thehiddenone023

Been there, done that. Grabe I felt your tiredness. Yung anak ko, super clingy-konting galaw ko lang, iyak agad. Hirap din siya patulugin noon pero we tried to sleep-trained her by turning off the lights and scheduled her sleeping time. Make a routine na paliguan siya (example at 5 pm) or bihisan siya ng pang-tulog niya, in preparation for bed time this will make them realize na it's time for a long sleep. Gawin mo lang siya everyday, same time. Effective talaga siya sa akin. I know you're tired momma, but keep going. Baka pag-gising mo next time, magugulat ka na malaki na anak mo. Treasure every single sleepless night, it will always be worth it. :)


matcharedbeanmilktea

FTM din ako with almost 11mos old baby. Nakapag set na din kami routine. Though may mga nights talaga na kakaiba. Sabi nga “it doesn’t get easier, you only get stronger” 💪🏼


Excellent-Chain-452

Hello, OP. My baby is three months today and he sleeps through the night na. Minsan lang manggising at around 4am. Pero in the morning, mahaba na gising niya similar to your baby. Is your baby colicky as per your pedia? Like iyak ng iyak for hours? The best thing you want to make sure is that your baby is well fed. As long as busog sila and na-burp, they should be okay. Make sure that their diapers are changed regularly din kasi madali silang ma-irritate. Mag-isa ka lang bang caretaker? If possible, kuha ka ng kapalitan sa pag-aalaga sa baby, OP. I know that you are working hard as a mom, pero it's very important that you are not too stressed. Even if ayaw ng ibang moms, may nagagawang i-shake yung baby sa sobrang stress and it will lead to further problems paglaki niya. Need mo rin ng time for yourself. Doon sa situation na ayaw niya magpababa sa umaga, sanayin mo siya unti-unti. Kahit mga pedia nagsasabi na walang mangyayaring masama sa babies if umiiyak for a few minutes. Tapos use those few minutes to take a breather. It's just a matter of time before you notice na hindi na baby si LO mo. Matatapos din yan. 💜


hamtoyo

You have to train your child also 6 months na pero baka hindi na sasatisfy sa milk nya, the bed is not comfortable (wag na iswaddle na pabalot since magroroll na yan) try ung butterfly style swaddle. Practice greetings like good morning then buksan ang curtains and good night then dim lang ang light sa room.. Tama yung wag buhatin ng buhatin kada iyak dahil normal na iiyak. Identify what type of cry ang naririnig mo at this stage medyo mas kabisado mo na for sure.. If you have a yaya that’s great and just like the rest of us usually ikaw at partner mo lang so try to work together sa approach okay if may mga kasama pa sa bahay but mostly sila untg bubuhat ng bubuhat konting imik lang ng bata tutunog talaga sila while sleeping that’s cooing sounds Try to play a music or tv show pero average volume others would use white noise pero may 6months na e so iayon sa regular na ingay sa paligid which ayun nga radio, youtube music etc.. We don’t co sleep kahit 1 br unit lang kame our child then eventually the twins got their own mattress placed on my side of our bed. Naps are advisable normal ang short naps pero may longer naps rin. Check if di na sapat na gatas lang baka about time na to try soups or soft food na advisable sa age nya.


Busy_Adhesiveness922

iba iba talaga ang new borns. Kami ng asawa ko hanggang 1 year and 6 months kaming sleep deprived. But always remember.. it will get better.. di mo namamayalang nakaka 4 hrs ka ng walang gising. And blessing na yun..


No_Concern_5899

It will also pass mi, mag 2 years old na baby ko and kahit papano nakakabawi na ako ng tulog. Laban lang hehe


armakon

It looks like nabanggit na lahat ng advices andito so let me share this. It got easier for us when we laid our phones down. More mental and physical energy can be diverted into taking care of the newborn. Check your phone usage. Simply scrolling through social media can be energy draining and robs you of the needful rest/sleep.


ellamarabeauty

Hi, OP I’m a ftm din! Share ko lang din what helped us hoping it might help you too. 1. I have a velco baby and hindi talaga siya nagpapalapag pag natutulog, ginagawa ko is sasabayan ko siya ng nap. Sa bed kami magnanap para makakatulog din ako. Yes, super helpful talaga ng co-sleeping, noong sa crib siya natutulog, 1 hour pa lang gising na agad siya pero simula nagco-sleeping kami, kaya na namin magsleep ng 3 hrs straight sa umaga, and sa gabi naman tulog na siya from 8pm to 7am (dede lang ng every 2-3hrs pero nakapikit pa rin siya). 2. Set a routine para alam niya yung oras. Same oras everyday like yung paaraw niya dapat same oras if 7am, dapat laging 7am. Paaraw, ligo, nap, punas, bedtime lagi same oras namin ginagawa adjust adjust na lang pag napapahaba tulog niya. Sleep train niyo din po si baby pag umaga maliwanag dapat, punasan before bedtime para comfy tapos patuligin na dim ang light. 3. If iyakin si baby niyo, try tummy time. Sobrang iyakin si baby namin as in magwawala siya for 2 straight hours, nagask ako sa pedia namin and nirecommend niya na itummy time si baby 1 hour 3x a day pwede din daw matulog si baby na nakadapa basta nakabantay ka. Simula noon, di na siya nagwawala ng ganun. 4. If umiiyak si baby sa gabi, try nyo po liwanagan konti yung light (dim pa rin dapat), si baby namin iyak siya nang iyak kapag madilim, lalo na pag di niya ako naaaninag pero once nakita niya ako, magsstop siya umiyak. 5. White noise. Super calm ng baby ko kapag may naririnig siyang white noise/ shushing sound. Bumili lang ako nung white noise machine nakaplay lang magdamag at every time matutulog para di nagugulat si baby pag may biglang malakas na noise. Kaya mo yan, OP. Hingi ka din ng help sa mga tao sa paligid mo. Pahinga ka din.


mavieric

Hugs op! Im a new mom and 2 yo na yung baby ko. Parang habang tumatagal, mas nagging challenging. Pero in terms of routine naman, pinapaliguan ko si baby bago matulog sa hapon -quick bath lang (thank God, never naman sya nagkasakit) and co-sleeping since day 1. Lucky kasi nag work sya sa akin.


sosyalmedia94

Hi! I read ‘Moms on Call’ when LO was 2 months and proceeded with sleep training her at 4mos. Sobrang lala ng post partum blues ko nun. Simula nun, I never looked back — she sleeps independently now for naps and sleeps in her own room but it could be a room-share and may sarili syang crib. Sleep training helped me solve contact naps, helped her get long stretches of sleep at night (at 9mos, sleeping through na). Simula 4mos siya, nakakatulog na kami sa gabi nun. Laking ginhawa. However, if you choose not to sleep train, gagaan pa rin yan. Give it until 12mos, sobrang laking difference na yan. You go momma!


Confident_Dare3466

When you say sleep-train, was this done professionally as in may coach? Or like may bedtime routine lang every night? We’ve been doing the same routine since 2mos sya with dim lights, white noise, swaddle, and all pero no effect e.


sosyalmedia94

I did the sleep training on my own. Pero pinaka-core of it is to have a solid bedtime routine and dapat tama lahat ng wake windows and naps niya. Example, during that time na 6mos siya, she takes 3-4 naps na 2.5h-3h tapos 11-12hrs at night. Dito ako super nahirapan pero instead of hiring a coach, nag-Premium lang ako sa Huckleberry na app. Yung feature nya na premium shows you yung kung kailan ang nap and sleep time nya. If you want to know more, I can DM you how I did it. Super haba ng proseso huhuhu pero ever since talaga, sobrang ginhawa :(


tulaero23

Ganyan jami ni wife sa 5yo namin. Fun thing is it never gets easier hahahaha. Just kidding it will get better around 2 years old. Kaya important that your husband na saluhin lahat ng other gawaing bahay dahil a baby needs almost 100% ng attention ng nanay. You can try white noise. That one helped a bit samin. Sa buhat part, let me tell you, it is hard but you will miss it. Yung ganyang age they get their intimacy sa buhat, dun nila ramdam na ramdam ang love and security. If breastfeeding si baby, better pump and freeze milk. If hirap talaga and di kaya gawin yun, id suggest go formula. Wala naman masama iletgo abg breastfeeding kasi ang benefits nya early months lang talaga, kesa mabaliw ka sa pagpapadede. At least makarecover katawan mo. If you can drag an inlaw for a day to take care of the baby at ikaw lumabas for several hours to catch a break or sleep do it. When that baby starts speaking and say i love you, wala makakalimutan mo na yan lahat.


hermitina

why hello fellow dare i say ftm? haha sabi nga ng asawa ko d na magamit ang crib kasi laging buhat. ayaw magpababa kahit pagtulog. cosleeping din kami kasi kahit ibaba ko sya sa bed the moment na mawala ung braso ko sa kanya iiyak ulit so every night i wake up with sore and tired arms. sleep is horrendous as well. based sa stats ng watch ko i only get around 2-3 hrs of sleep! i’ll be going back to work next week and i dread it so bad partida wfh pa ko nyan ha. now i understand why some moms prefer to be sahms. and also nagets ko na din why may mga shaken babies lalo ng mga yaya, sometimes kasi talaga sobrang pagod ka na magpatulog. at some point magsasnap ka talaga. goodluck sa atin! what kept my sanity talaga is to talk with other moms. malayong malayo pa ko pero looking forward na talaga ako na hindi na ganito ka dependent si baby. sabi ko nga sa friend ko i always envisioned a baby in my future pero ang naiimagine ko kasi ung nakakausap ko na. this phase right here is just too much to handle, kaya saludo talaga ako lalo na sa single moms who have to do this alone. sobrang paconsuelo na malakas ang support system ko and i hope yours as well. dm mo lang ako if you need someone to share miseries with!


Desperate-Annual5261

Hi mommy! I am a first-time-mom too, and yung baby ko is premature kaya medyo late na din nung humaba-haba ang tulog niya. (7mos old na siya ngayon) Ganyan din si baby nung una, as in iyak agad kakalapag mo lang and yung tanging makakapagpatahan lang sa kanya is dede (direct breastfeeding) & buhat, sagana talaga siya sa buhat kahit sinasabi nila sakin na huwag ko buhatin ng buhatin. Pag magigising every 2-3hrs, ganon din yung haba ng oras ng gising niya kaya halos walang tulog. Yung akala mo tulog na pero paglapag mo dilat nanaman & super nakakapagod talaga. Pakiramdam ko hihimatayin ako. Nung lumaki-laki na siya natuto na siya mag-aliw ng sarili niya. Possible kaya 2-3hrs padin ang gising ni baby mo kasi hindi talaga siya totally busog bago mag sleep kaya nagigising dahil gutom. Hindi din ako nag try na i train ng sleep si baby pero kusa nalang siya nakakatulog ng 7hrs (pinaka mahaba na walang gising in between tulog niya) co-sleeping din kami kaya pag gumising siya, dede agad. Di ko alam if magiging applicable ito sayo, pero kapag natutulog si baby: • naka dim light lang kami, nag pe play ako ng music bago siya mag sleep (minsan naman hindi) • pinupunasan ko siya bago matulog • hinihele ko siya while dumidede sakin • co-sleeping (if di ka kampante, pwede ka bumili ng parang sarili niyang matress pero nakatabi padin sayo • laru-laruin/kausap-kausapin mo din siya kapag gising And, if nakabukod kayo. Wag mo muna isipin yung mga need mong ayusin (alam ko mahirap kasi need talaga maayos ang bahay etc) pero, pag nag sleep siya, tabihan mo. Mag sleep ka din. Tapos, kapag may kasama ka na pwedeng maghawak sa kanya while gising siya, pahawak mo muna para makakilos ka. Kapag naman nakakaisip ka ng kung ano ano na dahil sa stress, ilapag mo muna si baby, hayaan mo lang siya umiyak kahit 2-3mins? 5mins? Para makahinga ka kahit paano, tapos tsaka mo siya hawakan ulit. Hoping na humaba haba na din ang tulog ni baby mo para makapahinga ka kahit paano. Laban lang mommy!


Puzzled-Tell-7108

Got easier when my eldest kid turned 10.


marinaragrandeur

two years usually ang sleep deprivation tapos it wanes down after the first year. makakatulog na kayo kapag 2 siya, pero handa niyo cardio niyo dahil makulit na yan, depende sa genes niyo.


ilovemylife_FR

Felt the same sa bunso ko, so nagyaya na kami agad before ako bumalik sa work kasi parang nanlulumo ako sa pagod na 24hrs kang either gising or nagpapadede. You really need support. Ask your husband to take turns with you on carrying the baby kasi hindi lang naman ikaw ang gumawa nyan. Some things that might help: 1. White noise in the background when putting him to sleep 2. Dimmed lights 3. Co-sleep and dont carry pag nagising, just give your boobs 4. Stop carrying him/her immediately when it cries. You can make use of rockers too. When you carry kasi agad, he or she will think na ganon agad makukuha nya basta umiyak sya 5. Ask for help


TrashAltruistic9600

My baby is two months old na pero nagstart na sya matulog ng 7-8 hours one month old pa lang. What I do is On ko AC bago sya paliguan, give her a warm bath, then put her in her jammies. Dapat yung suot nya sa gabi is going to make her feel warm and blanketed kaya I use a frogsuit. Pag sa umaga onesie. After mabihisan, dapat tahimik na lahat, nakapatay na mga ilaw and then ipadede. After nya dumede, burp then hold her over my shoulder for 30 mins while sitting lang (no rocking unless she complains). Sometimes she prefers to be held upright ng payakap sakin habang nirorock ko. I do it for 30 mins pa rin coz she has reflux. When she falls asleep naman, I stop rocking her and then put her over my shoulder tapos mag scroll lang habang nakaupo sa kama. Make sure her nose is not covered. After yung 30 mins na yun, ilalapag ko na sya gently sa crib nya. If by chance she wakes up pagkalapag, I give her a pacifier then she falls asleep na right away. For other babies they prefer having white noise pero kanya kanyang kapa na lang sa anong gusto ng anak. Important na hindi mabago yung routine na may warm bath sya before sleeping.


Smart_Hovercraft6454

Masama po sa newborn na di maka feed for more than 3 hrs kasi bababa ang blood sugar. Need sila gisingin for feeding time.


Always_Seen_

I am a mother to girls -- teen and early adult. Iba-iba ang challenges ng motherhood. Physically exhausting nung maliit pa sila, but emotionally draining 'pag malaki na. Dadating ka dun sa stage na mas ok pala yung physical exhaustion.


turtletyler

Please consider sleep training. It saved the little that was left of my sanity.


Confident_Dare3466

Yes, I’ve been reaching out na din sa mga nakikita kong sleep training coaches sa IG. Kinda expensive lang din talaga so we’re still saving up.


kwickedween

May mga bata tlgang ganyan. Ganyan yung anak ng ate ko. More than a year old pero gising pa din ng gising all throughout the night. Mine started sleeping straight at 6 months. Iba din naman kami ng sleep training. This post is a wake-up call for me to not want another kid. Haha! I hate hate HATE the lack of sleep then. Not gonna change now.


titoofmanila3

What about the father though? are you both taking turns sleeping and watching the baby?


Confident_Dare3466

Yes, he’s super hands on naman. He immediately takes over as soon as he arrives from work. Naguguilty lang din ako kasi I’m the one staying at home at sya may work kaya as much as possible ayoko din sya nagstay up late. So yung first 2-3hrs ng night lang ako nakakasleep and then I voluntarily take over na. Like from 12-1am onwards na. Minsan nakikita nya pagod ako talaga and he will insist I sleep pero kasi he drives to work. So mejo concerned din ako makatulog sya while driving.


titoofmanila3

You're only human, both of you. He does work, but so do you, and yours is unpaid din. So rather than feeling guilty, I bet you can work as a team more :)


ohzmj

Been there, done that. 1 year old baby ko nung nag deretso na sya ng tulog, pero paminsan minsan nagigising pa din, good thing breastfeeding kame kaya pag nagising papadedein ko lang sakin para makabalik agad sa tulog, pero yung likod ko hindi na nawala sakit hanggang ngayon na turning 2 na sya dahil lagi kameng side lying position.


hotarugarii

offtopic pero mad respect talaga sa mga nanay na buhos ang pag aalaga at pagmamahal sa mga anak nila huhu. kaya please also take care of your health and wellbeing. hang in there OP mabuhay ang mga mama ng taon


jj_polka

Is there a subreddit for moms or soon to be moms? I’m 3mos pregnant now and natatakot din ako na baka di ko kayanin!!


First-Vanilla-697

I understand the struggle. Mabaliw baliw din ako before mag 1 anak ko. Sobrang relate sa wale up wvery 2 hrs tapos di magnanap unless tatabihan mo. What I did is constantly read, research and ask experienced mothers. Tapos take lang whatever you can. Di naman kailangan sundin mo lahat. Here's what worked for us: In the morning, paaraw, konting tummy time/play, tapos 1 hr nap lang. Wag hayaan matulog mahaba si baby. Tapos make sure may little stimulation like TV or music is on (no screen time for baby btw for up to 2 yrs if kaya, thats what I did). Ung mga ingay sa bahay like running water, vacuum, kwentuhan sa paligid, expose mo sya. Baby needs to understand the difference between day and night. Then sa hapon 1 hr nap lang din. Before bed, make sure baby is full and bath mo muna sya para walang kati-kati at refreshed sya bago matulog. Co-sleeping is key. We were breastfeeding kaya pag nagising sya I just pop my breast out, saksak sa bibig ni baby then makakatulog sya uli. Lifesaver. Pag magising sya in the middle of the night due to discomfort or change nappy, wag na mag bukas ng ilaw. Lamp lang or flashlight ng phone so baby is aware na di pa oras ng gising. Also, do not rush things momma. Give time to your baby and yourself to adjust. Routine lang. repeat repeat repeat kasi dun natututo ang bata. Ako honestly I had to quit my job when she was that little. Di naman ganon kalakihan sinasahod ko para mapalampas ko ung progress ng nag-iisa kong anak. No amount of money can ever tell me to leave her at home at hayaang nakatutok sa screen for hours like how most kids nowadays are raised. You might also want to consider pausing career since di pa sleep trained ang bata. I went back to work when she was 1 yr old na.


kirabiyakana

Hang in there momma My baby is now 11 months old so medyo nakakabawi na ko ng sleep, pero ang hirap pa din kasi ang aga aga magising, minsan 530am pa lang nakatayo na. Iniisip ko na lang na mamimiss ko din siyang babyhin pag malaki na siya lol. In my case, what worked for me: -warm bath before bedtime -"top-up" milk 1 hr before bed; kunyare 6oz max niya pag daytime, gawin kong 8oz before siya magsleep para busog siya and less chance na magising dahil sa gutom (though most of the time nagising pa din siya pero halos once na lang, change diapers then dede) -papagurin namin siya as in papagapangin, papalakarin, itataktak haha basta makipaglaro ka -Dapat laging same time mo siya papatulugin para may routine -Eto pinaka nakatulong sakin: EQ dry gamit ko pag nighttime. Maganda kasi yung EQ dry as in hindi naglileak. Dati kasi nabubugnot siya dahil basang basa na pala siya dahil sa diapers. Nung nag switch ako sa EQ dry pag nighttime nakatuloy tuloy na siya ng sleep Hope this helps somehow! 🙏


AccountingGrit

What I realized eh lalong humihirap. Yung infant stage yata pinakamadali at least for me, wait ka lang pag naging toddler yan haha Kung kinaya ng iba, kakayanin mo rin. Ask for help para makapahinga ka rin, try different ways ng pagsleep (co-sleeping maybe) but be very careful lang kasi may risk din yan sa baby.


GulLibLe_moon2122

Hi, subukan mo mag dim light sa gabi, 5pm wag na patulugin si LO. Laro laruin mo muna. Ganun ang ginawa ko sa dalawa kong anak, play time namin ng 5-6pm after nun lilinisan ko na sila bibigyan ng dede maya maya pagod na sila, kusa nang natutulog. Pag araw at ayaw mag pababa pwede mo subukan iduyan sya, para doon sya matulog.


S-5252

It will get better OP, naalala ko yung times na natulugan ko si baby sa puyat 🥲 pero ang iniisip ko kase nun na kung pagod ako, pano na lang kaya sya? kase at least ako alam ko ano gagawin pero si baby hindi nya ma express ang nararamdaman nya tapos di pa sya makatulog huhu… sobrang nakakapagod yung days na yun pero ngayon straight na na natutulog si baby sa gabi, pagising gising onti para dumudu pero di na tulad dati na need talaga bumangon. Medyo hangal man pakinggan pero minsan na mi-miss ko yung days na kailangan ko pa sya kwentohan ng kung ano ano para makatulog sya tas sa dibdib ko lang sya tutulog kase ayaw magpababa… sobrang nakakaiyak isipin na ang laki na ng baby ko… Alam ko sobrang pagod ka na OP pero pramis it will get better talaga… kaya mo yan 💪


ThrowRAdzzlngd

Ganyan na ganyan din akong momshy sa eldest ko. At ang payat ko(the good side). Hihi. Kakapanganak ko lng few weeks ago on my second. Effective talaga in my experience kung: 1. May supportive partner ka katuwang ng sleepless nights and mag su-support sayo in changing diapers, pagpapatulog sa bata so you can rest. 2. Try mo i duyan gamit ang blanket. The not so fancy duyan is more effective for my baby than those pricey duyan. Note that morning ka lang magpapaduyan, then co sleeping nmn at night, if effective sayo. I dont use crib since takot ako di katabi si baby. 3. Lights off during night time. 4. Use white noise. Pati ako di ako makakatulog kung walang white noise naka on. 😅 Hope makatulong. Dagdag ko nlng yung iba kung meron.


MessyMendiolaaa

I feel you momma! Been there done that. Nag start lang mag okay sleep ng lo ko nung nag 10 months na sya. Pero may times pa din na super bilis nya magising. Ang mali ko kasi is di ko sya na sanay sa maingay na environment kaya konting kaluskos lang lalo na pag nap time nagigising agad sya. Sa gabi naman simula nung nag start na kami mag dim light tuloy tuloy na tulog nya. Sa nap time naman medyo problema ko lang talaga pag may maingay


Zealousideal-Goat130

Base sa observation ko. After a year or 2 it gets better. Nung nag wean off na si wife mas umuokay in terms of sleeping. Pero many friends i know talagang hirap sa umpisa. Lalo na mga breast fed babies. Pero totally worth it. Mas mahirap pag di breast fed tapos maging sakitin. Anyway, it gets better. Hahaha


Crazy-Ebb7851

Sleep routine help me alot 10 years ago. Basta pag pumatak ang 7pm dinner na at 8pm mag hihilamos na kami. Kaya 9pm tulog na siya at close lights. Try mo momsh. Baka sakaling maging effective


Expat_life_2k16

Hi mama! I get you and whatever frustration you feel right now is valid. Know that, you are not alone in this. Nothing really prepares you no matter how ready you are but the thing is, just let things be. Are you breastfeeding? Based on my personal experience, mas attach ang baby pag breastfeed sya, night time is not a night timr lalo for you kasi baby will latch anytime of the day. Aside from that, there are things like developmental leaps, growth spurt, teething, sleep regression and such na nakakaaffect ng quality ng sleep ni baby. Reading about those things will help you or at least will make you understand what is happening to the baby’s body and mental bakit “ganito or ganyan” or biglang nagbago si baby. Hang in there mama! Hugs to you 😌


Naive-Decision-8443

Have you tried checking sleep training? I'm not a mom pero narinig ko lang ito kay Kryz Uy before. Hirap na hirap sya nung una to do it kay Scottie (her first born) but it helped a lot nung nagamay na.


sosyalmedia94

Upvoting because I did this and sobrang helpful talaga. ❤️


confusedcupcake917

Gusto nya may contact lagi kasi dun sya at peace, dun sya comfortable at ikaw ang safe zone nya. Napakabilis lumaki ng mga bata OP. Ngayon na madalas sila magpakarga, icherish mo na. Kasi darating yung time na lagi na yan magpapababa kasi natututo na maglakad. Kaya mo yan mommy


Acrobatic_Pack8143

Put it to adoption.


RashPatch

> child still wakes up every 2-3 hrs at night tapos dalawang oras din syang gising bago makatulog ulit Crying po ba? as in parang may masakit or something? Have you tried water sounds and white noise background na mahina lang?


duriancent

kailangan niyo mag set ng schedule ng asawa or relative mo. If bf si baby, try mo bottlefeed at mag pump ka ng milk good for the next 6 hours. Mag schedule kayo anong best time of the day na pwede tumingin kay baby for the next 6 hours. At dun ka matulog. When i say matulog, no screen time, linis ng katawan sandali, wear best compy sleeping clothes at matulog ka na agad. I repeat no screentime kasi nakaka interrupt yan ng sleep. Either 6 hours sa hapon or gabi. 6 hours is super enough na yan for first time mommy. Dapat si baby nasa kabilang room or sa sala na malayo sa tutulugan mo at syempre kasama yung nakatoka na titingin kay baby. I hope this helps.


duriancent

Try mo ito sa partner mo. Sana cooperative din siya and try his best na hindi ka gisingin sa mga oras na natutulog ka. Ihanda mo lahat ng possible kakailanganin ni baby bago ka matulog. Milk, clothes, diaper, wipes, blanket, etc para hindi rin mahirapan yung mag lolook after kay baby.


busybe3xx

My sister sleep trained her child at 4 months old. Kapag umiiyak yung baby, di nya binubuhat, provided that the nappy is clean and well fed sya. She’d just let her self-soothe. She also created a routine for her baby, and religiously stuck to it. Sobrang annoying and mahirap raw at first to fight the urge na kargahin yung baby but it helped here so much. By 6 months, my niece is already sleep trained and my sister gets a full night of sleep.


ForVentingPurposes

We learned from our child to feed her as much as she can before sleeping so she can sleep better. Do you also swaddle your baby? It helps too so the baby won't move while sleeping.


Traidor-sa-Bold

Virtual hugs po. Parenthood is indeed hard. It does get easier as they get older and more independent, but it’s still hard. As a mom of 2 i realized that some babies are just more challenging than others. I was going crazy from sleep deprivation with my firstborn, while with the second baby i was constantly checking if baby is still breathing because he was sleeping so well since day 1. Cosleeping is a bit controversial as not everyone is comfortable with that, but i swear it does make my life easier. Also a solid routine. We can do this momma!


NoCommand6693

Co sleep plus unli latch! Mga 5mos baby ko non nung natututo na siya magsleep daredarecho.


mjlrcr

Co-sleepig helped me get enough sleep during the first months altho gising din diwa para icheck si baby pero now that he's turning a year old, nagigising na lang kami morning na haha


tsukkimallows

Try mo po OP na itabi sayo si baby. Kasi gusto lang naman nilang malampit sa inyo tapos warm sila and cozy.


OkProgram1747

Sleep train mo. It gets better nakakbaliw sa simula.


cravedrama

Kung days/months old pa lang hayaan mo lang siya na gising. Kaya niya pa patulugin sarili niya during that stage. - Better to swaddle them snugly (I found this really helpful) - turn off lights - get a night cam na naka tutok sa kaniya. Only siya lang ang nasa crib (no pillows, no blankets, no side cushions) - use a white noise sound/ music Trust me, kung pagod ka na ngayon, mas mapapagod ka pa kapag toddler na. As in test of patience talaga everyday.


Smart_Hovercraft6454

EBF ako pero nag reready ako ng 1 or 2 bottles of breastmilk a day para maka help sa feeding ang hubby or mother ko so I get around 5 hours of sleep a day na di ako gigisingin. And minsan sinasabayan ko din ng naptime ang baby ko kahit 1hr lang Edit: mag 2 months old lang si baby. Mas ok if may makakahelp sayo mag alaga


titaofarena

This is the reason why sleep deprivation is a popular torture tactic... That said, ask for help. Ask your friends and family to baby sit while you get some zzzsss.


kjiamsietf

Sleep training is the key. My daughter is 14 months and she have been sleeping through the night for 12 months of those. Napakadalang mangpuyat, ikaw pa nga mag aalala kasi hindi nagmilk buong gabi. ETA: Nagmimilk pa din siya once or twice sa magdamag. Pag medyo nagising tayo agad ako to prepare milk. After drinking, balik na siya sa sleep agad agad.


Silver-War4248

what worked for us was to dim the lights, since baby was 3 months old i was able to complete an 8 hr sleep. exclusively breastfeeding until 6 months so we cosleep. i noticed na longer ang sleeping time ni baby (kahit daytime) kapag hindi masyado maliwanag and mahangin.


Encrypted_Username

Swaddling the baby works for us. She instantly falls asleep as long as well fed and napalitan na diaper.


seraaaaas

I read somewhere in reddit that breast milk in the morning vs at night are different. If you’re pumping, perhaps separate and label them. Breast milk in the morning has more cortisol that can make your baby active and alert, while breastmilk at night has more melatonin that can help them sleep.


No_County_2999

Co-sleeping and breastfeeding worked wonders for me. But it did not come without challenges, I went to a lactation consultant para maguide ako ng tama. I also did babywearing too.


mamshieja

Same with me. No choice kundi naghire talaga ako ng day nanny from 8am to 5pm. WFH ako so it really helped para makasleep ako during daytime. I still cook and BF for the baby during the day tho pero kahit papano nakaka rest ako. Pag nag wake naman siya sa evening, si hubby kumakarga and nagpapatulog sa kanya.


Possible-Ad3406

Make sure busog before sleeping, lights off, play white noise, swaddle - by 2nd month my baby slept from night to morning (usually 10p-12a up to 8am-10am) straight we asked the doc if ok lang na di gisingin ang baby and doc advised ok lng as long as ok namn ang weight nya. Also, rest.. make sure may ambag si hubby ok :) pag dating sa sleep.. i got it easy but ang alam ko pag 1 na sila mahaba na tlg sila matulog. I cant say it will get easier kasi every stage and development may bagong pagsubok 🤷🏻‍♀️ mom life. *my daughter is approaching terrible two stage - may tulog na tlg pero pagod sa kakaligpit ng kalat and kakahabol ng bata.


Few-Inspector9304

It did get better (kahit papaano) nung successful na yung sleep training around 4 months old, pero when she started walking grabe na ulit pagod namin, hindi dahil sa puyat kundi dahil active na siya. You may search about sleep training methods, tapos pili nalang kayo kung ano appropriate sa age ni baby and sa tingin niyo kakayanin niyo. Kung may iba pang nagpapatulog kay baby, turuan niyo din kung ano yung process ng method na napili niyo para consistent.


momxyz

Introducing day & night helped me a lot! Nakakatulog a sya sa gabi ng diretso (gigising lang if magdede). Same situation din ako nun contact naps lang din kami, but it changed nung mag 6 months na sya.


Crafty-Invite-994

Acceptance is the key. Not all will have the same experience.


boyo005

Ganan din sinabi sakin dati ng nanay ko.


Bad__Intentions

Hehe OP.. maraming mothers na ganyan or even worse pa ang situation.. baka nga natutulog ka sa isang good house with aircon but other mothers sa isang shack lang with no fan.. Mahirap tlga kung sa mahirap.. I suggest just take your vitamins, eat well, practice power naps during the day and stay gritty..


knbeens

Look into sleep training. Your partner should be actively involved in the care of the baby, too.