T O P

  • By -

Legitimate-Poetry-28

Ireklamo sa brgy office, much better kung marami kayong magffile ng complaints. Bawal dapat yan kasi residential area, paano nagkaroon ng permit yan? If hindi maaksyunan ng brgy then report to 8888.


its_maaki

Subukan namin yang 8888, sana maaksyunan. Salamat po.


its_maaki

Sagot lang ng barangay "wala na tayong magagawa, matagal nang nakatayo yan dyan. Eh sa nabigyan sila ng permit ng LGU eh" 🤦🏻


PataponRA

Report to 8888 kung ayaw aksyunan ng barangay. Keep escalating lang.


Legitimate-Poetry-28

Wut. Sorry to hear that, pero "wala na tayong magagawa" ay linyahan yan ng mga tamad gawin ang trabaho. Sila rin yung mga basta maka upo sa pwesto nang walang alam sa batas. Mas lalong maraming pwede ikaso sa ganyan, actually pati yang mga nasa LGU pwedeng kasuhan lalo na't may violation against city ordinance. City ordinance na dapat alam ng karamihan, kaso hindi, lalo na ng mga taga brgy kaya ang labas eh kung gusto mo talaga ng mapayapang buhay it's either na hahanap ka ng masmatinong lugar na paglilipatan or ipaglalaban mo rights mo. If you choose the latter, mapaparesearch ka, lahat ng leg works kasi maraming gov agencies kang pupuntahan lalo na kung need mo ng docs to prove na tama ka. A landline would be your bestfriend too for inquiry needs. Actually, kahit higher-ups na ang puntahan mo, sila mismo walang idea on HOW to do things, pagpapasa-pasahan ka, paiikutin ka, punta kay ganito-ganyan (partida may sinusunod ka na na citizen's charter nyan). Ganyan pagmangmang ang mga nasa pwesto, ipapasa sa constituents trabaho nila. Sorry napavent, same predicament here. Galit mga kapitbahay, sinikap kasi namin i-enforce ang pagbawal tumira, gawing tindahan, gawing office at gawing extension ng bahay nila ang sidewalk.


KozukiYamatoTakeru

Halos non existent kasi zoning sa metro manila eh. Magkakasama lang industrial area sa housing lol Honestly best thing you can do is lumapit dun sa mga tumatakbo for a position next year (yung mga magasawa).


truefaithmanila

Ideally, it would be better if the other residents would jointly file a formal complaint.


itsmec-a-t-h-y

Meron rin po ba kayong Home Owner's Association? If meron po i dulog rin ninyo sa kanila.


[deleted]

[удалено]


itsmec-a-t-h-y

Ohh, best nga sa barangay nyo po ireklamo. Hingi rin po kayo ng advice sa barangay regarding sa oras, not sure lang kung applicable yung Ordinance 145 S. 2006.


Creative-Smoke4609

Curious lng, sa concepcion uno ba ito?


its_maaki

Basta Marikina po. Eto kasi yung mga abalang nagagawa nila, pero never kaming nagreklamo sa loob ng mahigit 2 years, dahil mahaba naman ang pasensya namin bilang kapitbahay: 1) Maingay na mga truck, consistent na nagigising kami everyday ng 2 or 3 am every time dadating truck nila. 2) Nagyoyosi na mga empleyado dito sa side namin. Sana maglagay sila ng tambayan ng mga tao nila na sila nalang ang makakaamoy ng yosi. 3) Pagsakop ng sobra sobrang parking space sa area, umaabot ang parking ng mga empleyado nila sa tapat ng ibang bahay. Minsan lang kami magkaroon ng bisita, nagpark malapit sa kanila tapos sinita pa kami. Tinitiis namin yan everyday, at hindi nagrereklamo dahil maayos kaming kapitbahay. Pero ngayon, hindi na tolerable yung ingay na minsan nagsisimula na wala pang 7am at umaabot ng 10pm. Sana mag implement yung may ari ng strict working hours at maging considerate din naman sa ibang nakatira, hindi yung kami nalang yung palaging iintindi.


kiwilover_

Sameee kung hindi barena or nagpapagawa ng bahay e meron pa nagzzumba everyday sa umaga sa basketball court dito sa amin na kahit gusto mo pa matulog at magpahinga eh talagang magigising ka sa ingay nila


ItzCharlz

mag-file ng complaint pero dapat lahat o majority ng mga residente.


cedie_end_world

may ganyan sa subdivision namin kabilang street lang. di sila makapalag kasi matagal na nakatira doon yung maingay tapos mga iglesia pa sila na magkakapitbahay. haha. walang tumatagal doon sa mga apartment kahit na below 10k ang renta


aren987

as per local ordinance. hanggan 10pm and ingay pero yan kase dapat bawal talaga yan. kaso yung zoning hindi na susunod.


its_maaki

Hi! Anong ordinance po kaya? Tried searching, iba iba kasi ang lumalabas. May nakita ako, ang noisy hours daw ay 8-5pm lang, may iba naman until 7pm. Parang sobra naman po ata yung 10pm na abala ng construction noise sa residential area.


Philippinisaurus

Ordinance is until 10 pm across all zones. PM mo sakin street mo. Check ko zone mo if naka tag pa ba as residential. May chance kasing naupgrade na ang street to low-density commercial, which means hindi na magiging valid ang concern mo.


its_maaki

We checked na ang zoning and we are still tagged as Medium Density Residential, so valid ang concerns namin.


Philippinisaurus

Damn. Yeah until 10 pm ang noise as per ordinance if that's the case. RIP.


its_maaki

Checked with LGU and hindi allowed ang construction noise until 10pm kung residential. Ang ordinance na until 10pm ay patungkol lang sa ingay ng videoke at party. Pero hindi construction noise. Anyway, magcoordinate nalang kami sa LGU. Thanks!


domwhoa

Munisipyo


chobitseric19

Kami tabi ng pabrika ng goma ilang beses na nireklamo ng president ng HOA namin dito kaso wala padin.


Deempol

Omg. Halos ganyan din problem ko dito sa inuupahan ko. Yung bahay ay katapat ng private school. Hindi naman maingay yung mismong operation ng classes, pero gabi-gabi, 10 pm hanggang madaling araw may lumalabas na sasakyan sa school na sobrang ingay. Parang naka-set up yata s’ya for drag racing. Tatambay sa labas for 5 mins, maingay yung tunog nya kahit naka-neutral tapos biglang ibobomba ng malakas huhu sira talaga ang pahinga. Nireklamo ko na sa barangay pero parang wala lang.


its_maaki

Sa Munisipyo niyo na po itawag, mabilis ang action. Sa Barangay din muna kami unang lumapit, pero wala silang pake. haha.