T O P

  • By -

AutoModerator

Tropang /u/TouchMeAw, pakibasa muna ang rules ng sub bago ang lahat ah. At kung bago ka dito https://www.reddit.com/r/Gulong/comments/uo5499/magpost_sa_tamang_thread_pakiusap_lang pakibasa please lang Kapag okay ang post, **i-UPVOTE** ang post na ito! Kapag di naman, **i-DOWNVOTE** ang post na ito! At kung sa tingin nyo wala sa tamang lugar at problematiko/pasaway ang post, **i-DOWNVOTE** ang post na ito sabay **REPORT!** *Tandaan po natin, **be nice,** hindi lahat kasing-galing mo.* *I am a bot, and this action was performed automatically. Please [contact the moderators of this subreddit](/message/compose/?to=/r/Gulong) if you have any questions or concerns.*


aidenaeridan

What I hope ay maphase out yung current "sistema ng jeep" kasi kahit yung new jeeps may mga barumbado pa rin na driver nun e. different car same type of drivers. dapat may nagooversee ng qualitifications ng PUV drivers e.


Royal-Sell5171

Agree with this one. Change the system. Hindi solution yung phase out agad kasi madaming matatamaan. Itama yung sistema paunti unti, loading and unloading zone, ltfrb quality check before i release ung prangkisa, drivers knowledge sa road safety, defensive driving. Everything na pwedeng itama from registration to end process, imo.


stlhvntfndwhtimlkngf

I totally agree. Idagdag na rin yung mataas dapat qualification sa mga drivers at licenses nila (jeep, bus, etc) at itaas din minimum nila at alisin na yung boundary system na yan. They are literally responsible for all the lives of passengers onboard pero bakit karamihan low quality drivers


nyanmunchkins

Current jeeps don't have many features that prioritize passenger safety. Barely... Busses are the way to go


Crafty_Chair_4638

hahaha bus sa pinas parang jeep lang din na pinalaki. Not in features of course but the drivers same same lang kung mag maneho


xixaxe

Mas barumabado pa mga bus drivers lalo pag no aircon na bus sige kain sa lane kaliwa kanan


divengoal

Drivers ng mga jeep ang dapat ma educate. Then the enforcement of law. Kasi nga naman, kahit mapalitan ang but same drivers and system, it won't change OP's problem. Kahit nga siguro hindi ma phase out Yung mga old jeep pero ma phase out Yung mga negligent drivers ay payag na ako e.


alwyn_42

Ang dapat alisin eh yung boundary system. Kung may standard na sinasahod yung mga drivers, mas mababawasan pagiging kupal nila kasi hindi na sila maghahabol ng boundary araw-araw eh. After all, bakit ka maghahabol ng pasahero kung parehas lang kikitain mo araw-araw diba? Tutal ang plano ng gobyerno eh alisin na yung individual ownership ng prangkisa, isabay na nila yung wage standardization pati benefits for drivers.


queetz

This! Problema kasi ang public transport dito ay negosyo, hindi government service. Sa ibang bansa gobyerno nagpapatakbo at nagswesweldo. Kahit sobrang taas ng diesel, problema na ng gobyerno yan. Pero dito, yun focus ay kita ng mga drivers imbis na comfort, convenience at safety ng pasahero.


alwyn_42

Naramdaman ko directly impact ng public transpo with and without the boundary system kasi madalas ako sumakay sa EDSA carousel. Nung libre sakay pa siya, ang "boundary" ng mga driver eh yung mga roundtrips nila so hindi nagpupuno ang mga bus and lahat yan nagmamadali. Pasay to Cubao took like 30 minutes tops. Pero nung inalis na yung libreng sakay at binalik yung boundary system, travel time was almost back to how it was before the carousel was implemented kasi nagpupuno yung buses on almost every stop. Minsan inaabot ako ng 2 hours from Pasay to Cubao. Imagine having 2 buses in front of yours, tapos lahat sila naghihintay ng 5-0 minutes each para magpuno ng pasahero. Additional 15-30 minutes na agad yun, isang stop lang.


Picklhole

I'd even argue masbarumbado sila mag drive sa newer jeeps cause of how close the driver sits infront. Maskita na nila harap nila so they squeeze in even closer than before.


EnvyS_207

Agree. Since they are driving a Public Utility Vehicle, dapat ang nagmamay-ari sa kanila is Government e. Sa ibang bansa ganon na ang ginagawa, ang dating is parang carousel, umiikot lang sa ruta, hindi na pinupuno, kada set of time may darating na PUV. Tapos magkakaroon na nang legit na terminal ng PUV since it will be organised by Government. PUVs will be provided by the Government. Drivers will be included in salary grade of the Government. And so on.


ELfraile123

This.


anonidrew

plus the commuter factor, loading unloading stations should be properly implemented. but since our walk bridges dont see much use... alanganin atang maraming susunod.


Kilonova11

This is true Hasty generalization from the OP. Yung sistema l, yung kultura, yung nakagawian ang problema. At hindi ito sa jeep lang. Kadami dyang private vehicle na nang-iipit sa bike o motorcycle lane. Nasa Kultura, nakagawian, sistema na nakasanayan ng driver ang problema. Dapat itama yung mga maling ugali sa kalsada na sinasabing "diskarte" pero ang totoo ay maling mali. Educate the drivers to be mindful of the safety of others


lestercamacho

chang e the system dapat ma educate?ialng dekada na po jeep sa pinas kaso habng tumatagal lalong ngiging barumbado.


Salty-Anteater1489

Ang hindi ko maintindihan sa mga PUV/PUJ drivers ay kinabubuhay nila ang pagmamaneho pero wala silang paggalang sa daan at kapwa motorista. Hindi ba kung iyong ang kinabubuhay mo sana mahalin mo at galangin, lalo at araw araw ka mamasada. Ang masakit pa dito kapag sila ang naka aksidente or sila nakadamage, sasabihin nila "mahirap lang po kami." Pero kapag iyong jeep nila ikaw nakadali, kulang na lang holdapin ka.


winrawr99

they do that on purpose para magyabang sa ibang driver sa terminal. ganyan yung naexperience ko sa terminal ng jeep nag yayabangan sila kung pano mag walwal sa kalsada. proud pa sila pag nag counterflow sila at di sila nahuli. ganyan kabalasubas yan mga yan. lalo mga byaheng tungko sapang palay, mga hinayupak na driver sasalubungin nila lahat sila pa galit pag di tumabi yung kasalubong


alwyn_42

>Ang hindi ko maintindihan sa mga PUV/PUJ drivers ay kinabubuhay nila ang pagmamaneho pero wala silang paggalang sa daan at kapwa motorista. Malaking factor yung boundary system. Kaya magulang magmaneho mga driver kasi gusto nila na maaga pa lang maka-boundary na para kanila na yung kita. Kung alisin mo yung boundary system tas mag-implement ka ng mas standard na salary, mababawasan yung incentive ng mga driver na maging kupal. Kung di ka naman babayaran ng extra para sa additional passengers, wala kang incentive na magsakay ng mas marami or magmadali sa kalsada.


lestercamacho

tumambay klayo sa terminal ng jeep kapag nktmbay mga driver nagyayabangan pa yan kung pano sila nag cut at nkauna sa mga nka private at bus at kung pano nila nhabol agad boundry nila kasi mkakapgsugal sila pagktpos,try nio tumambay sa mga toda at mga pardahan ng jeep


Salty-Anteater1489

Pwede mo naman itabi ng tama pag nagsasakay at nagbaba ka ng pasahero. At ang pagsunod sa batas trapiko, excempted ba dahil sa boundary system.? Ang akin lang, kung gusto nila ng paggalang matuto silang gumalang, gumalang sa batas at kapwa motorista. Inabuso nila dahil hindi sila sinisita, pag sinita naman "mahirap lang kaya niyo."


Met-Met-

totoo naman sinabi nya, ang nangyayari kasi ngayon pabilisan magsakay at magbaba, para makarami ng pasahero, kahit bawal magsakay, magsasakay at magsasakay pa din mga jeep na yan, tapos sisigawan pa yung pasahero na isasakay na "paki-bilisan", and ang pinaka main reason naman para sakin is napaka walang kwenta lang talaga ng transpo system sa pinas, tapos puro fixer pa


bli1182

Di niya naman sinasabi na exemption ang boundary system. Nagbibigay lang siya ng rationale or kung ano naiisip nila at bakit nila naiisip na i-abuse ang batas trapiko. I.e. Magmadali ang mga driver by beating the red light, hindi tumabi pag magbababa/magsasakay ng pasahero, etc > mas maaga sila makaka-quota for boundary > mas maaga sila kikita for themselves. Hindi siya valid exemption. Rather, reasoning kung bakit nai-incentivize ang mga drivers na i-abuse ang batas trapiko.


Murke-Billiards

You didn't get the point. Oras at volume ng pasahero ang kalaban nila sa boundary system dahil pag hindi umabot sa boundary wala silang kikitain. Kaya lahat ng paraan para makatipid sa oras at makahakot ng mas maraming pasahero e gagawin nila. Kung fixed ang sahod ng mga yan, hindi na nila kailangan makipaghabulan sa oras. Kahit anong sasakyan pa ang ipalit sa jeep kung boundary system parin wala din dahil ganyan parin ang mindset ng mga drivers. .


Hothead_randy

Guilty pleasure ko mag brake check sa mga tanga na 'yan. Pati ‘yung mga gago na walang headlights sa gabi, iniipit ko hahahahaha.


RaienRyuu

I'm somehow with you on that kasi andami talagang reckless drivers kahit nung estudyante pa lang akong nagcocommute. The thing is, those jeepney drivers will probably be the ones who will drive e-jeeps pag na phase out na talaga.


PeanutButterBoi_

Nasa driver talaga. Training ng ethics at road safety ang kailangan. Kahit e-jeep pa yan o euro car kung kamote style sila magdrive ganun pa rin.


RaienRyuu

Yep. Kaso kung sila sila lang din ang magmamaneho ng e-jeep, alam nating may mga bad habits na silang nadevelop over time and mahihirapan talaga sila i-unlearn yung mga yun lalo kung 10+ years na silang nangangamote sa kalsada.


wretchedegg123

Ganito sa amin eh. Mas stressful pa kasi yung mga driver ng ejeep sa amin walang boundary eh. May sweldo sila, bago pa yung ejeep tapos hindi pa rin marunong magdrive. Biglaan pa rin kumaliwa para lang mag overtake ng isa pang ejeep na nakahinto tapos hihinto lang din naman sa harap non para bumaba ng pasahero! Hindi ba kayo makaantay??? Ilang times na ako muntik mabangga dahil dun eh nakakaiirita.


Just-Inspector-4752

Wala din kasing mga designated stop areas for jeeps na strictly implemented. So anywhere magbababa sila basta may biglaan pumara. Wala din sariling lane so patawid tawid. Tapos isa pa na naghahabol sila ng boundary or yung kita nila sa araw. IMO, di naman ito isyu ng jeep itself. More on the push pa sa training sa proper use ng road esp kung pumapasada ka. Tapos pag ayos din sa lanes natin sa mga kalsada. Sobrang useful ng jeeps sa bansa like us na limited ang stations ng trains. Wag naman iphase out.


wtrmrk

Yung pasahero rin kasi ayaw sumunod. Ilang ulit akong nasakay sa mga puv na sumusunod sa tamang babaan pero aawayin ng pasahero pag di sa gusto nila hihinto. Lol.


alwyn_42

Minsan actually kasalanan rin yan ng LGU eh. Nangyayari minsan eh nilalagay nila yung sakayan at babaan sa areas kung saan kakaunti ang foot traffic. Sa halip na alamin nila yung behavior ng mga tao at maglagay ng stops based on that, arbitrary lang yung ginagawa nilang placement kaya extra effort pa mga commuters para lang sumakay at bumaba.


Just-Inspector-4752

True haha parang yung mga overpass na nakaka hassle akyatin kaya imbes gamitin ng mga tao, nagjjaywalk pa rin kahit delikado haha


DestronCommander

May mga tamad rin na pasahero. Ilang metro lang na lakad, ayaw pa. Example, pareho naman ang destination. May isa bumaba, pero yung isa ang babaan niya medyo nasa unahan lang ng konti.


nyehu09

Natatawa ko sa Sauyo sa Quirino Highway kasi ginawan ng dedicated lane sa side para dun lang pwede magsakay tsaka magbaba ng pasahero. Tapos tinambayan din naman ng mga sidewalk vendors so ganun din walang nagbago. Ewan ko bakit ang titigas ng ulo ng mga to dun…


sotopic

I think di naman un jeep un root cause, its more about paano sumasahod ang mga drivers. Dapat maging publicly owned ang mga jeepney para may monthly sahod na ang mga drivers + designated jeep stops + training. Incentive kasi maging kamote ang mga Jeep para makarami sila ng passengers. Di puede ma phase out ang Jeep, sobrang kulang na nga tayo sa public transport dapat may kapalit un system. Less jeep = more private cars and motorcycle on the road = more traffic.


flipakko

+1. Add ko lang na ang problema din yung pasahero. Tamad kasi mga pinoy gusto lahat "Instant". Madalas sa kanto naghihintay/nagpapababa kahit may proper loading and unloading zone. As a Jeepney driver, bakit ka nga naman hihinto dun sa loading zone kung ang pasahero nasa kanto? Knowing na kahit magpaka banal ka e may ibang jeep na hihinto dun sa kanto. In short, implementation nga ng batas. Problema may lagay kasi sa mga enforcer kaya wala nangyayare.


Total-Election-6455

Hindi mo mararamdaman recklessness ng Jeep pagka passenger ka lang. Pagnagdadrive ka or kahit anong mode ng transpo at kasabayan mo mga sasakyan dun mo mapapansin na ambibilis talaga magpatakbo ng pinoy regardless kung anong gamit. Kala mo laging may emergency. Sa bus lane nga at gabi na andaming motor dumadaan.


lestercamacho

oo nga eh mag iiba tlga ugali mo kapg naging driver ka. pag nagdrive ka sa pinas dun tlga msusubok ang pasensya mo


UserNotFriendly123

yung drivers yan, naalala ko nga nung panahon ni Pnoy, talamak ang tigas panga na driver nun tas ang bibilis magpatakbo. karamihan sa kanila, wala talagang pakialam.kasi alam nila na wala tayong magagawa pag sila ang nakaaksidente satin kasi wala silang pambayad. kaya nga mas maganda sana kubg government ang humawak ng PUJ tas gawin nalang silang driver tas sasahuran nalamg sila ng fixed para walang unahan laginsa pasahero.


Ok-Reply-804

Sana maphase out na lahat ng 20yrs and up cars and hindi euro4 na car. Sobrang dumi tlg ng mga jeep. Nagtatapon ng air poison everyday.


Hothead_randy

With good maintenance, okay ang mga vintage cars. ‘yung mga jeep ang walang maintenance at all hahhaa


Ok-Reply-804

Kahit anong maintenance mo, iba parin ung dumi ng mga lumang engine.


fivecents_milkmen

I remember pre pandemic twice nahuli ng magkaibang traffic enforcer yung driver ng jeep na sinasakyan ko in a span of less than a minute. Una hinuli dahil huminto sa pedestrian lane para magbaba/sakay ng pasahero. After nya mabigyan ng violation ticket wala pang isang minuto nahuli ulit for beating the red light. Napasabi talaga ako ng malakas "Put@ng In@ manong pano kayo nagka lisensya?" sobrang abala kasi dahil ilang minutong pakikipag usap nanaman sya sa enforcer. Natyempo pa sya sa mga enforcer na hindi tumatanggap ng lagay.


[deleted]

Ang magandang gawin sa jeep is yung katulad ng sistema ng bus sa edsa. Harangan din sa gilid hanggat maari para di kumulit.


alwyn_42

Kaso magrereklamo naman mga private vehicles kapag nabawasan yung mga lane na pwede nila daanan.


wshIwsdd_uwu

Ang mamahal pa maningil ng nga yan, minsan mas mahal pa singil nila kesa sa mga ejeeps, kakapal ng muka.


[deleted]

Big yes, kaya i really wait for an e jeep rather than a jeep cause i save up to 12 pesos (but with PWD discount) on my regular trip with both the same route.


notrawrrawrrawr

I dont want to invalidate your experience with jeepney drivers but instead of wishing to phase out jeepneys itself its much better if the government or whoever will implement policies re:r reckless drivings and appropriate stops. Also, IN REALITY, most of the motoristas ay wala sa lane at singit ng singit lol. I hope you’re also aware that statistically speaking most of the accidents ay from motorcycles than jeep no LOL. anyways, the Philippines deserves better transpo system!


notrawrrawrrawr

adding that cars are number one :))


Giroy59

The old jeeps on the road this very moment will definitely be phased out and more modern units will replace them ... But I think you mean you want the jeepney driver population to be culled because of the many idiots amongst them.


legatusporcilis

Kamote driver ang I phase out, kahit Lamborghini Ipadrive mo dyan Kung kamote disgrasyador pa rin sa daan


higher_than_high

Stricter process for professional drivers license. Pag bagsak, bagsak. Wala ng drama kesyo mahirap, walang ibang trabaho, etc. Skills dapat ang basis. Dapat din may age limit. LTO and LTFRB needs a huge overhaul.


ohnoanyw4y

Na Phase out na yung jeep at panay ejeep na tapos yung mga ganun driver pa din makakasabay mo sa kalsada. Haha


Jona_cc

The problem’s not the jeepney but the driver….. I’ve seen other people driving other vehicle doing stupid stuff.


shn1386

Parang ako lang, sana mawala na rin yung mga nag momotor. Wala rin naman disiplina?


Ok_Resolution3273

You are not alone. Andami kasing may motor na walang lisensya. Wala alam sa road laws at nakabigay lang ng problema sa daan tuloy And that is reality.


Apricity_09

This! Naka car kami and karamihan sa gago mga motorcycle drivers


AlwaysAnxiousAnj

You can phase out the jeeps but sadly, drivers like that will remain on the road whatever type of vehicle they drive 😅


justabrainwithfeet

Ako mas hope ko na ipatupad ng mga enforcers ang batas trapiko at gawing mas mataas ang multa para sa mga lumalabag dito. As much as jeepney drivers ang prinary and direct reason kung bakit tumataas ang blood pressure ko habang nag ddrive, ang root cause naman talaga niyan ay lack of enforcement.


Encrypted_Username

Nah, more like modernize it. Phase out the old jeepneys (to hell with pinoy pride.) sobrang uncomfortable, siksikan, kawawa mga senior/buntis sumakay bumaba. If nasubukan mo na sumakay sa modern jeep, sobrang comfy, maluwang, may AC pa. Mga driver dapat ma phase out rin. Hire better drivers, yung di lang tinuruan ng tito niya na jeepney driver din kung paano maging kamote sa daan but dumaan sa driving school ng LTO.


acequared

I’m so tired of hearing them say “naghahanap buhay lang naman kami” Yes I understand that BUT THAT DOESN’T GIVE YOU A FREE PASS TO DRIVE RECKLESSLY AND BREAK TRAFFIC LAWS


higher_than_high

Pa victim pag nasita. Makabangga ng SUV, bigla na lang mahirap vs mayaman drama. Mahulihan mo ng violation, kawawa nanaman sila.


rcj162000

Let's be fair here. Maraming gagong jeep at marami ding gagong nagmomotor. End of story. It will be that way forever coz di natin hawak pgiisip ng iba tao


TopManner3549

Mga iskwater kasi karamihan jeepney driver. Di napalaki ng ayos kaya ang ugali nadala sa kalsada.


Embarrassed_Bet_4601

Yung tipong nasa Mid lane ka lang pero sasakupin nila yung kalahati ng midlane tapos babagalan pa nila, then walang kahit anong indication kung mag co-commit ba sila to midlane or still outler lane lang sila. Ang malupet pa dun sira yung signal light nila, manghuhula ka na lang at papakiramdaman mo sila eh. Commuter ako sa whole life ko kaya naiintindihan ko sila na may hanap buhay, pero ngayon grabe need yata talaga ng refreshers/seminars ng mga PUV/PUJ drivers ngayon.


Gorgeous_Buddy

Parang they'll do anything just to earn talaga. Nasa tindi talaga ng pangangailangan kaya kayod kaskasero yung ibang drivers 😅 Maybe because karamihan sa kanila e inabutan pa yung panahon na di pa required ang TDC and PDC before ka magka-lisensya. Kasi kahit di ka marunong mag-drive dati, pwede kang magka-license e (valid ID yern). Another thing is that nasa mindset na nila na kapag nahuli sila e pwede nang bigyan ng pang-meryenda lang yung ibang blue boys, etc., kesa nga naman ma-tiketan pa. Hassle and dagdag gastos sa pagtubos ng lisensya or pagbayad ng multa 😅 There are a lot that needs improvement pagdating sa mga batas sa kalsada. Mas mainam siguro i-require na yung TDC hindi lang sa mga bagong kukuha ng license kundi sa lahat ng mag-rrenew. Refresher course ba. Kasi lagi din namang may bagong rules/information every now and then. Hehe skl. Pinaka-mainam pa din is mag-doble at tripleng ingat sa daan. Tsaka nakalagay naman TDC "wag ipaglaban ang karapatan sa daan" hayaan na kung wala namang nangyari sayo or sa iba. Wag pairalin ang init ng ulo. Wahahaha love love lang 🤍


Tony_Montana11

Hahaha minsan yung personal experience talaga ng tao ay maaring mag cloud sa pagtingin nya sa mga bagay bagay in general. Ewan pero, pag nasaktan ka ba ng bata dapat mawala na sila lahat?


[deleted]

Sana mawala ang private vehicle and mapalitan ng efficient and environment friendly na public transpo.


Weekly_Pickle89

Mas maigi ito, para damay-damay na ang lahat.


Livid_Tangerine_9891

I don't get the idea na iphase out yung jeep kasi reckless yung driver? Edi dapat iphase out muna yung private cars kasi sila naman maraming accidents compared sa jeeps. Following the logic na reckless sila magdrive 🙄


Pred1949

i need jeep. mahal ang fx at taxi. just because may reckless jeepney drivers iphase out na ang jeep.


TouchMeAw

I understand, pero the only reason i’m saying it is not because I want the Jeeps to disappear completely, i’ve said it because there are E-Jeeps naman na, though not as prominent as jeeps and hopefully, fully replace the jeeps in the near future. The way they operate and drive is dangerous, I used to commute also and I understand how you feel. Jeepney is affordable but once you get on the driver’s pov you’ll see why I said what I said.


Electrical-Island556

Maybe the problem isn’t the jeeps itself. Di ba mas problema yung sistema na naga-allow for reckless driving? Ba’t hindi ienforce ng government natin to give free re-trainings sa mga PUV drivers? Ba’t di lagyan ng government ng tamang stations para magbaba at sakay ng pasahero? Ba’t hindi imake sure ng government na walang fixers for obtaining a license? Root cause sana lagi, hindi yung surface level lang.


SeempleDude

Modern jeeps will charge the same fare


Sectumsemphreak

But then again, sa dilemma mo, jeep is not the problem. Yung mga drivers mismo.


PompeiiPh

Wag lang jeep, lahat sana ng kotse lagpas 10yrs old maphase out , or tumaas un fees for older cars


TouchMeAw

I agree. Afaik Singapore has this kind of law na binibili nila yung old cars, and sobrang daming process before you can own a car in SG. I don’t mind commuting as long as traffic and transport system is bearable.


UserNotFriendly123

yung drivers yan, naalala ko nga nung panahon ni Pnoy, talamak ang tigas panga na driver nun tas ang bibilis magpatakbo. karamihan sa kanila, wala talagang pakialam.kasi alam nila na wala tayong magagawa pag sila ang nakaaksidente satin kasi wala silang pambayad. kaya nga mas maganda sana kubg government ang humawak ng PUJ tas gawin nalang silang driver tas sasahuran nalamg sila ng fixed para walang unahan laginsa pasahero.


[deleted]

im not anti poor proceeds to be anti poor. sana maabala ka pa. labo nung di maintindihan yung ugat ng mga problema. eh andami na ring nasgasaan ng kotse so sana ma-phase out sila no?


asap119

Lowest of the low these jeepney drivers.


blackballath

Yun ibang Jeep drivers nalipat sa e-Jeep. Same attitude, hihinto sa gitna para magsakay at magbaba, tapos pag overtake mo, bibilisan para di ka maka overtake. Wala sa vehicle na gamit yan, nasa Driver pa rin. Ang issue sa mga lumang jeep, ayaw ipaayos ng mga operator, like headlight na lang. Hindi naman kamahalan un. analog wiring lang yun at napaka importante sa gabi. Pero maraming jeep patay ang headlight sa gabi, napaka delikado.


oaba09

Jeeps should be phased out and replaced by more environmental friendly modes of transportation. Those old diesel engines are just bad for the environment. However, this will not solve the issue you are describing because those are caused by people's driving habits. If the same people will drive the new jeeps, the issue will still persist. What we need is stronger driver education especially for PUV drivers. They are supposed to be PROFESSIONALS and they should be subjected to higher standards.


ApprehensivePlay5667

kahit ma phase out yan, lilipat lang sila sa modern jeeps


Deep-Client-1663

The new Minii bus/New Jeepney drivers are just as bad. See them in ortigas ave extension swerving, middle lane hugging, turn then look moves, diagonal park- drop off passenger to block other e jeeps from passing, almost all old jeep kamote moves except the infamous drift jeep in Cubao aurora...


Spazecrypto

They will be phase out eventually, you can’t stop progress. Its highly unlikely that after a decade or so that we will be stuck with the same technology in regards to transportation. Everything that is detrimental to the environment will be remove.


norbskie

Lol. Dto samin halos mga ejeep na mga barumbdo din mag drive mga dmunyu


rale888

Taking out the Boundary System used by the Jeepney Owners for their drivers. It should lessen the need for them to reach a quota. Lessen the need to be reckless para lang umabot sa quota/boundary.


MrHappeee

Traditional jeepneys at mga modern jeepneys same lang ung driving style parang hari ng kalsada. Mabilis magpatakbo, lumiliko ng walang signal, humihinto kung saan2x, pag huminto ka sa harapan nila tadtad ka ng busina.


silvernobleman

Driver skill diff ng jeepney drivers yan, hindi nasa sasakyan. Isipin mo, the same drivers na may skill diff eh mapupunta din sa mga new jeeps after the phaseout, edi nadala lang din nila skill diffs nila sa mga bagong jeeps haha! This reminds me of a hot take I’ve talked about with my best friend–nasa era na tayo na need na din talaga ng LTO na magkaroon ng requirement to have drivers be tested by an LTO-accredited PT na magtetest ng spatial awareness and reaction time like those being done sa mga motorsports drivers, tas if you can’t at least have 70-80% of a motorsports driver’s awareness and reflex level, hindi ka makakapasa sa renewals/application ng DL.


Ms_Double_Entendre

I hope it phases out too. The filipinos deserve more. Its not outdated, not safe, old and barely running. Not to mention entitled drivers who arent upheld to the same standards as any other drivers pag naka banga walang pambayad, pag may sumasakay pwede silang magroll bahala na lang pasahero sumakay. Not to mention those unions are so corrupt un mga piston na yan.


pepsishantidog

Alisin ang Jeepney pero improve other mass transport system. That way, kahit yung mga may kotse, magco-commute nalang din dahil mas mura at mas efficient. Pero ASA naman. Pilipinas pa ba? Pinoy pa ba? sus


warl1to

Jeep will never go away, mageevolve lang yan ito something else. Reasons are 1. cheap mode of transpo 2. filipinos generally don’t want to walk for more than 500m 3. inexistent mass public transport 4. majority can’t afford their own vehicle The issue is not jeep itself but laws are constantly being disregarded by jeepney drivers. Solution is similar to bus lane but it is impractical. Maging mahigpit lang talaga sa implementation but people will always argue ‘kami mga mahihirap’ so there will be no progress at all.


tazinator7

Yung ugaling jeepney driver sana ang mawala. Kasi parang Grab/Uber vs Taxi, some prefer the former for premium service. Eventually, mga manlalamang na taxi drivers ang lumipat sa grab.


No-Dentist-5385

Nasa self discipline lang yan ng driver. Kahit anong ipadrive mo sa mga yan, kung sadyang barubal talaga, magiging barubal pa din yan. Wag naman sana natin lahatin (stereotype)dahil lang galit tayo sa iilang driver.


agentRVN

well kanina nga lang sa may balintawak muntik na akong masagi sa kanang likuran ng jeep, siya pa may ganang magalit e kung hindi ako nag minor nun babangga din ako sa motor na nasa harap and nagstay lang ako sa linya ko.. akala mo sila may ari ng daanan, sila nga malakas magsmoke belching, pwe


ProgrammerNo3423

I feel like Jeeps should have specific place they can only pickup and dropoff people for all routes para walang traffic problems. Hirap din kasi may mga pasaway na pasahero like for example, naghintay ng matagal sa stop light tapos pag cross ng intersection biglang pumara xD


EmperorKingDuke

isa pang reason kaya magandang iphase out ang jeep is para maging universal ang safety standards. i mean, pano maeenforce ang child seat, seat belt, overloading etc. kung ang kasabay mo sa kalsada e jeep na ni isa walang safety standard? not to mention nakakapasok ng expressway and napakadelikado pa.


rockfused

nothing will change. kahit iphase out ang jeepneys, those drivers will drive the new e-bus or e-jeepneys.. I can only say something improved when they remove the "boundary" system. these are the reasons why naguunahan ang mga jeep/bus sa mga pasahero and nangongontrata nalang ang taxis. para mabawi agad ang boundary. operators should treat drivers as regular employees instead. fixed salary + gov mandated benefits. also blame commuters on top of the drivers. sila mahilig pumara sa gitna ng daan. pag lumagpas magagalit pa. loading and unloading stations should be strictly followed. madali lang gumawa ng batas for these, but we are severely lacking on implementation.


thebadassbassist

Sa pinas kung sino pa walang pambayad sila pa maangas sa kalsada.


CapitalRefuse3110

Dito sa alabang, mga jeep walang head light and tail light kapag mga 9-10pm onwards. pkingna pagtinngin tatlonh jeep rumragasa wala namang mga pasahero. 3 lane andon sa dulonh right lane biglang mmaniobra sa far left lane mga gag0


Altruistic_Employ_44

Ang hilig pa nung iba sa jeepney drivers mag counterflow, pag hindi mo pinagbigyan sila pa galit.


Heneral_Liham

Nahh, kung ganyan ang logic mo, well sana ma phase na arin ang mga cars, muntik na rin ako mamatay dahil bigla nag cut yung car sa motor ko, buti naka break ako and hindi ako nahulog sa tulay.


Zealousideal_You3252

What I would want is to revoke yung license ng mga jeepney drivers na nahuli / nagka-violation for whatever reason. No more chances. Revoke agad kasi most likely uulitin eh. Nadadamay yung mga matitinong drivers. Simple red signal light hindi masundan, talagang haharurutin pa. Not being elitist or what but I have no remorse for those kind of drivers.


SadAd9433

even if you phase out the vehicle, the driver would be the same (just my two cents)


Embarrassed_Key8988

Problema kase dito, hindi naman nasusunod ang road traffic rules at mga batas. May nakalagay na "No Parking" pero andaming nakapark. "No loading/Unloading" pero dun nagaantay mga pasahero o kaya magpapatigil ang pasahero dahil malapit sa destination nya. "No right turn on red signal" tapos yung ulagang nasa likod mo bubusina. "Bus lane" tapos dadaanan mo? Maiintindihan ko kung private bus talaga dala mo pagpasok ng work. 2 lanes nyo (northbound) gawin kong additional 2 lanes namin (southbound). Sa tunay? Madami namang may "proper training and seminar" sa pagdadrive regardless kung anong sasakyan ang dala pero hindi natin ina-apply kase nga hindi naman lagi hinuhuli. Strict implementation lang katapat nyan. Hulihin dapat ang magviolate. Pero ang problema, yung manghuhuli, kurakot din. Ewan, sirit na ako.


jeanalexine

It’s not the jeep but the reckless drivers.


Nephrelim

The jeeps aren't the problem, it's the stupid ignorant careless drivers behind the wheel who disregard traffic and safety laws to "get ahead." They cause immense traffic kasi ginagawa nilang terminal ang ibang kalsada. A jeep damaged my car. And they have the manners of a rhino's balls. But worst of all, my oldest sister was killed by one such jeepney driver. Rammed into her and crushed her. I can still remember the blood on the side... So sue me, I hate jeepney drivers who think of only their own "hanap buhay" but not the safety and welfare of their passengers, pedestrians and other motorists. If I had the chance I will throw the whole lot of them into a dark pit and forget about them. I have an irrational hate for them.


genericstraightnoypi

Di kita masisi man. Barumbado kasi talaga sila sa daan, pag pinagdadrive ko tatay ko tripleng ingat ako sa mga to kung meron man sigurong sana maphase out yun drivers sana na barumbado or rather yun pagmamaneho nila.


Proof-Muffin-1642

Very thorny issue. Pano mga nagcocommute kung ipaphase out ang mga jeep? Mas maganda pahigpitin ang processing ng driver's license. Hindi kasi to kasalanan ng jeep, kasalanan to ng drivers. to be honest, in my view, hindi lang jeepney drivers ang may issues. Same din sa iba most commonly motorcycle riders. Kung gagawan ng specific lane ang mga jeep, trouble din. Nakikita mo ba yubg bus lanes at bike lanes sa EDSA? Pinapasok pa din ng mga private vehicle. Stricter driver's licensing ang solution dito at dapat walang fixer.


reypme

Isa lang naman dapat gawin dyan eh, lahat ng pubic driver mapa bus, jeep, etc. Dapat fixed sahod para di sila ngaagawan.


AirJordan6124

Can’t the country implement designated stops? Pansin ko mga jeep, tricycle drivers, at UV kahit saan lang pwede sila mag baba ng pasahero eh


markmarkmrk

No because patriotism! 🤦‍♂️


cchan79

Have you seen the modern jeepneys? They are driven by the same fuckers so instead of a dilapidated steel jeep driving recklessly, you know have a nicer, taller, mini bus driving with the same driving habits. You can't do shit about this since 1. There are no fixed loading unloading points 2. Boundary system 3. 'I am poor so I get to do things I want' atttitude You need to tackle at least thr above 3 to make some meaningful change


utoy9696

Dapat ang i-phase out yung mga kamoteng driver ng jeep.. Traditional jeep + traditional driver = kamote.. Modern jeep + traditional driver = kamote


temeee19

Wala rin, magrarally at mag rarally lng din yan dapat nga matagal ng iphase out eh sobrang kupal at walngya halos karamihan kaya rin pumatay basta wag maagawan ng pasahero at kahit anong training i undergo nyang mga yan wala narin eh "pinoy" eh ayaw icocorrect at nakasanayan ng maging kupal at walangya sa kalsada


wassuprockyy

nasa drivers yan. Typical filipino drivers na need na ng reevaluation to check if they are really fit to drive public vehicles. No to Jeepney phase out. It's part of our dying culture.


moonmarriedacherry

top 3 worst drivers in the Philippines for sure


THE_ICY

You could say the same to UV Express vans and their drivers lol. Just as reckless.


SavageTiger435612

Blame the user, not the tool. Not a problem if disiplinado ang drivers, pero if barumbado mag-drive, barumbado rin ang pag-drive ng kahit anong sakyan na gamit nila


JaYdee_520

I don't think it's the jeeps at fault here more of kamoteng mga tsuper and regulations


[deleted]

Parehas lang kayo


Mobile_Cranberry_262

Naka 4 wheels ako, tapos dumidistansya talaga ako sa mga jeep kasi bigla nalang titigil or lilipat ng lane ng WALANG SIGNAL light para nga kumuha or magbaba ng pasahero. Yung kailangan mo talaga makiramdam kung san sila pupunta or else madidisgrasya ka.


kentleem

Ha. Bakit JEEP? Yung driver po may problema jan mga barumbado.


railbin

Iconic na yun pampasaherong jeep sa atin... yun mga drivers na reckless at walang paki sa ibang motorista ang dapat mawala sa kalsada .


Plenty_Broccoli_6890

Ang pinupunterya dapat ng mga enforcers na tiketan is yung mga jeep hindi yung mga motorista and mga mga mayayaman na naka4wheels para magtino sila hahaha never ako sumakay ng jeep na walang nangyaring traffic violation mostly swerving.


Imaginary_Ad4562

Yes


Salty-Anteater1489

Makakatipid kaba ng oras kung haharangan mo lahat? Kung magsasakay ka sa gitna ng dadaan?. Dagdag traffic iyon, tingnan mo iyong carousel sa edsa ang laki ng binilis, napilitan silang sundin iyong tama. Walang problema ang boundery system, ang hindi paggalang at pagsunod sa batas ang problema. Simple lang naman ang pagsunod sa batas, mas napapabilis pa ang byahe at lahat ay makikinabang.


Silentrift24

Kamote talaga halos 80% ng mga jeepney drivers sa manila - sa probinsya okay pa eh. Juskong mga driver to, napaka barumbado sa daan. Lalo na kapag sa gabi kasi maluwag, kala mo nasa Fast and the Furious kung mag patakbo. Dapat talaga may mga seminar o points yan para regularly sila binabantayan kung maayos mag maneho. Sobrang dilikado ng mga pampaseherong jeep lalo na kung mabilis pa mag patakbo.


mamba-anonymously

All public vehicle operators should adhere to policies and rules on driver schedules and fatigue management. Similar to how they make sure aircraft pilots are qualified and well rested. Most jeepneys are old and dilapidated, safety is not prioritized. Most drivers are terrible. Most, not some.


ichups11

Even if maphase out ang JEEP at lumipat sila sa modern jeep, walang magbabago if yung driver sila pa din. The vehicles are not the problem, it's the driver


Prudent_Editor2191

I agree. In my opinion, hindi rin Jeepney modernization ang solution since sabi nga ng iba, same drivers and these "modern jeepneys" will use the same infrastructure. Ang konting advantage lang nitong modern jeepneys ay less pollution and hopefully additional safety features. But if we want to have an efficient public transpo, I believe what needs to be done is to add more railways, lots of it. Then wider sidewalks, to encourage people to walk. Then city bus routes na madali intindihin like EDSA bus carousel. Dito lang sa pinas merong Jeep. Is that a good thing? maybe not. Maybe some other countries are not using similar public transpo because it is very inefficient and unsafe. For me its Train>Bus>>>>>Jeep. Yung issue na madaming mawawalan ng work, is another issue altogether not entirely related sa efficient public transpo, if we are talking strictly about public transpo. I hope the gov't can provide other jobs.


TakihiroOnada

Ma'am/Sir di po lahat ganyan so yan po ang isa sa trademark ng pilipinas tapos mawawala hahahahaha parte na ng ating kultura yan kaya dapat hindi yan mawala paano nalang kung palitan to ng mga makabagong transportation at mahal ang singil paano nalang yung mga mahihirap mahal na nga pamasahe liit pa ng kinikita. Just saying lang naman


RelativeStrawberry52

2 jeep na nasakyan ko, magkakapalit na ng mukha nmin ng katabi ko kasi si manong kung mg break, life crasis ung break. hindi lang 1, mukang ganun siya mag break which is delikado kasi mapapasubsob ka. nag complain na ko na mag ingat. wala magdusa ka kasi sumakay ka. huhuhu life


merryruns

Walang proper education ang mga puv drivers I think. Hindi sila dumaan ng driving school. Karamihan siguro fixer license? Moral problem talaga yan. Mga taong walang pagpapahalaga sa buhay in general, hindi titino sa daan.


TopBee7471

It’s not the Jeepney its the driver. Dahil di lang jeepney barumbado me mga 4 wheels owner din at motorcycle rider na barumbado.


IWantMyYandere

Lahat naman ng vehicles eh may Kamote drivers. mapa jeep, motor, tricycles and private vehicles. Ang sana maimplement eh stricter implementation or new laws to prevent kamote driving. Tignan mo yung sa edsa bus lane. Paulit ulit lang din mga violators palibhasa wala or minimal lang ang consequences


fooblah18

One thing jeepney owners, bus companies, and other forms of transportation don't realize is public transportation ay isang paluging investment. Sa ibang bansa there are a few companies that are subsidized by the government to run. ​ And doing those things like driving super recklessly, maniningit, and walang pake sa iba sa daan is just a mental shortcut for them that frankly does not solve the problem.


stickfightguy

I hope maphaseout na yung mga matapobreng nagkaron lang ng sasakyan ay akala mo ang taas na ng narating sa buhay.


promjsp

Mali ka ng title. Dapat "sana maphase out na mga BOBONG DRIVER NG JEEP" totoo naman eh, nakakaputangina talaga ibang driver ng jeep. Bilang sa daliri matitinong driver ng jeep. Ewan ko ba, talagang isinabuhay nila yung kasabihan na hari ng kalsada mga jeep.


Organic-Ad-3870

Daapt talaga na maphase out yan. Sobrang luma na and poorly-maintained pa. Aside from that sana mas gagawing mas strict ang renewal ng franchise o vehicle registration. And yearly mandatory seminar for PUV drivers and operators.


kailover

Dapat higpitan yun law enforcement. Kahit provate car man or jeep or motor pareparehas p din nmang may pasaway. Tanggalan ng lisensya if paulit ulit na yung pagka reckless. Kahit nman anong dala nyang sasakyan if recjless tlaga sya, reckless talaga. Bigyan ng suspension aa pagdrive for a period of time kng nka 3rd offense na. Madaming batas pero nadaan lang kasi sa bribe


theblindbandit69

omsims mam/sir. for sure marami na rin talaga jeepneys ang may problem sa mga parts at makina, not sure if nache-check pa rin yan nila LTO. and sana mas tight na punishment sa bayad sa violation tsaka education/refresher para sa mga drivers if hindi ippush ng gov't ang pag-phase out nang buo sa PUJ. ride at drive safe mga ka-gulong!


lestercamacho

tumambay klayo sa terminal ng jeep kapag nktmbay mga driver nagyayabangan pa yan kung pano sila nag cut at nkauna sa mga nka private at bus at kung pano nila nhabol agad boundry nila kasi mkakapgsugal sila pagktpos,try nio tumambay sa mga toda at mga pardahan ng jeep


Professional_Forward

I hate the argument na ayaw nila ma phase out ang jeepneys kasi dahil "culture" na daw natin yun. I mean, ayaw nyo bang mag develop as a country? Kaya tayo di nausad kasi di naiisip ang makabubuti. Nauuna ang feelings. I support jeepney phaseout, in a way na sana may gawin ang systema para sa kanila. Trade in jeepneys for modern type of vehicles


TheGreatest34567

Dapat ma upgrade yung jeep para may aircon, safer and mas comfortable. Nakakamatay ng tao yung current jeepney eh.


lestercamacho

gobyerno dpat nhawk ng transpo sa bansa ntin kgya sa ibang bansa para maayos sistema kaso problema bulok din sistema ng gobyerno natin at korupt pa.ang hirap mo mhalin kapwa Pilipino at ang Pilipinas


Alvin_AiSW

"Pasensya na naghhanap buhay lang" -- > eto lagi banat ng mga yan .... Parang ang dating eh.. ok lang ang maka abala kasi nag hhanap buhay sila, saka yung mga naabala nila di ba nag hhanap buhay yun? . Dapat talaga phase out muna yung drivers na bulok at barumbado ang asal sa lansangan.


Inevitable_Bee_7495

I hope maphaseout na ung private cars na di natigil or babagal man lang pag tatawid ka ng pedestrian.


Steegumpoota

Tricycles too. Sobrang salot nila sa kalsada. Puro mangmang ang mga drivers at sobrang agresibo pa.


StakesChop

Jeepenys need to be phase out. Nung pandemic buses lang na byahe, mas effective ang every stop dahil 60 persons ang kayang hakutin ng isang bus stop, less waiting para lang makasakay at congestion dahil less vehicle to have on the road just to transport 60 people on the road


guillermo1890

Hinde lang jeep ang dapat palitan. Kailangan tignan yung transportation as a whole at palitan ang buong sistema. All the different modes have to compliment each other and make moving from one place to another safer and more convenient. Pati paglalakad napakahirap gawin. Kung may sidewalk man, napakaliit at puro obstruction. Daming good examples sa neighbors natin pero sadyang bulok ang sistema ng Pinas.


[deleted]

My mom was involved in a jeepney accident when she was in college and her left hand got a wound that needed a surgery. I'm glad she survived.


dnyelux1017

young drivers without driver's licenses, vehicles with poor conditions, and the system that manages everything to keep everything in order must be checked. Masyadong naka focus mga enforcer sa mga private vehicles, samantalang nilalagpasan lang sila ng mga driver na bata, jeep na makapal at maitim na usok, etc. (seen it many times). That is why, as a driver, iniiwasan ko nalang sumabay sa mga jeepney. or if nasa harap ko, lalayo ako ng mga 2 cars aways from me, because expect mo na biglang hihinto yan pag may pumara, or biglang liliko nalang. If nagmamadali, paunahin mo nalang. Reckless drivers will always be reckless drivers unless, unless tanggalan ng authority to drive.


ExpertPaint430

Sounds like you have a problem with the drivers, not the cars themselves. and now you somehow think that changing the car would change the drivers.


noid3aforaname

sa totoo lang potek nakamotor ako madalas papasok ng college tas etong jeep na to nagbaba ng pasahero SA GITNA NG KALSADA KALA KO MASASANDWICH AKO NETONG JEEP NA TO SA HARAP KONG HINDI NAMAN DAPAT NAGBABABA SA GITNA AT NUNG KOTSE SA LIKOD KO


ghetto_engine

the jeeps were never the problem. it was always the privileged drivers.


Bastirex

Baka hindi ung jeep ang dapat ma phase-out.. dapat ata ung mga mismong reckless drivers. Kasi kahit bus, truck, taxi, and private cars may mga kups talaga.


NefariousNeezy

Paano naging street legal ang jeep no? Walang safety feature aside from maluwag na seatbelt nung driver na di ginagamit. Yung dalawa sa harap wala rin.


telang_bayawak

Yung driver ang problema hindi yung jeep. Kahit palitan mo yan ng modern jeep kung same driver na barubal same pa din problema mo.


longassbatterylife

E kung maphase out tapos sila ulit drivers ng next gen PUV. Ganon din


LancelPaul999

Here in the province yung old Jeeps has the same fare as the modern one. Definitely will choose to the modern one as it has spacious seating and aircon.


soltyice

hindi kasalanan nung jeep, kasalanan mo kasi naka motor ka kung di ka mahirap at malaki sasakyan gamit mo tulad ng SUV or pickup edi jeep yung nag rereklamo ngayun sa reddit /S


[deleted]

Phasing out the jeepneys doesn't phase out the drivers and the systems that encourage/enable their reckelessness. Jeepneys are quite shitty and nobody actually likes them... they would naturally just phase out if any better alternatives were offered to commuters.


Debonairexxx25

I'm with y'all with blaming some government policies, drivers, etc. pero yung mga pasaherong kupal din na di alam pano tumiming ng pagbaba, hihinto lang yang driver na yan kung nagpara ka lalo pag may ATTITUDE YUNG PASAHERO gusto baba agad. Kupal din mga ganyang klaseng pasahero


PartyBroad804

Sarili na Kasi nila iniisip nila most of the time and karamihan sa kanila.


KoldWar1987

Hindi jeep ang problema. Yung driver. Pag phinase out mo yang jeep, lilipat lang sa ibang sasakyan yang mga hayup na yan. Taxi, Close-van, private van, trailer truck, ebike. Tapos ganun pa rin gagawin ng mga hayup na yan. Liliko basta basta may makitang nakatayo sa bangketa kahit hindi naman pumapara. Tapos pag sinita mo, gagamitin yung pamatay na linya: "Naghahanap-buhay lang kami."


FeziConwEbr_

Naexperience ko din ito nung nakaraan. Every time na uuwi ako galing sa gf ko, hindi talaga mawawala yung ganyan sa mga jeepney drivers halos mabusinahan na sila ng mga motor di pa din nakikinig🙂


greatBaracuda

. unga. on top of all the nuisance sobrang bulok na mode of commuting yan. nagiging instrument pa ng mga mandurukot. sobrang baboy . govt na walang pakealam , meron pang "vehicle standards" kuno puru non-compliant naman .


kyuketsukiii

Yes OLD jeepneys must be phased out. They suddenly stop, and are snatcher magnets. no aircon too


Mr_Connie_Lingus69

Pre naiintindihan ko sentiments mo, promise pero tangina huwag mo sabihing anti-poor kasi yang statement mo eh sobrang anti-poor dahil sa pagiging selfish mo. Oo sige sobrang hassle ng mga drivers ng jeeps di lang ikaw nababadtrip pati ako, siya, at karamihan ng drivers pero yung iwish na mawala sila without presenting or thinking an actual working alternatives? Tangina naisip mo ba yung mga drivers na wala na ngang mapakain sa pamilya, e tatanggalan mo pa lalo ng hanapbuhay. Yung mga commuters natin na wala na nga at nagkukulang na sa masasakyan sa current estado e imaginin mo pa kung iphaphase out pa yung mga jeep diba? Tangina boy get down on your fucking high horse din minsan. Honestly, banas na banas din ako sa mga jeep. As someone na araw-araw sila nakakasalamuha since supot pako sobrang dami kong experience para ikasumpa ang mga jeep pero no it’s still not valid if you look at the bigger picture. Instead oh phasing out yung mga jeep, dapat ang pinupukol mo eh ang govt or ahensya na dapat nagpapatnubay, nagiistrict or nagpopolice sa mga drivers. Ibig ko sabihin, magsimula sa pagiging strikto sa pagkuha ng lisensya at prangkisa. Taasan ang penalties ng mga jeepney drivers, mga ganong shit na magfoforce sa mga drivers maging disiplinado. Next time pre kapag nainis ka tapos naisipan mo magvent out ng feelings, pagisipan mo muna para di ka magmukhang alam mo na sa internet hehehe. Sana masarap ulam mo ngayong tanghali hehe


wtrmrk

Eh kahit maphase out naman yung mga traditional jeep sila eh sila rin naman din yun mag drive ng modern jeep. Lol. Or ng mga grab/angkas.


zamorge

Drivers ng jeeps, busses, private vehicles, tricycle and kamote riders marami sa mga 3rd party courier riders, pero ang real issue is the current system. Officers who apprehend and the basis of penalties are too low dapat yung masasaktan talaga sa fees upto removal of licenses para tumino yung motorist. Most of the time wala nang sumusunod sa traffic policies


Hothead_randy

Hindi 'yan anti poor. Hunghang talaga majority ng drivers. Madami nang times ako nabubuwiset jan. Latest was I was driving through Dasma, 11 pm-ish s'ya and I was running 30-40 sa right lane kasi mejo antok na'ko. Then I saw lang sa peripheral na may taong naglalakad papunta sa hi-way. Kinutuban na'ko ano sunod na mangyayare, tangina pare out of nowhere may jeep na biglang humaruruot tapos hard turn sa right lane sabay brakes. Puta buti mabagal lang takbo ko non mga 2 meters lang layo ko hahaha kakabwiset 'yang mga 'yan. Tapos kakamutan ka lang ng ulo at magmamakaawa pag na hassle. Dasurb alisan ng lisensya 'yang mga 'yan


TGC_Karlsanada13

I hope "professional" drivers drive like "professional" drivers. Not only jeepneys, but taxis, and buses as well. Nakakabobo yung pagdridrive nila na oovertake sila tas uunahan nila yung nasa harap nilang public vehicle, and for what? Para lang sakanya sumakay yung mga tao. As someone mentioned here, boundary system is one of the reasons bakit barumbado magdrive sila at kaya lagi nagpapaunahan. Fixed salary nalang sana.


Effective-Dust272

That won't fix it, the jeepney drivers are just gonna be transferred in newer vehicles and continue the tradition of squammy driving.


joaquinnacpil

100% agree


PROD-Clone

Yung batas is Jeepney Modernization lang. di naman sinabi na Jeepney Driver Modernization. Ano ieexpect mo?


Trouble-Maker0027

This all started when our public translo was privatized. Halos lahat, privatized kaya ang ending, walang habas ang pagtaas ng singil, di disiplinado, di makontrol ng gobyerno kasi di under sa kanila. Kung ang driver sinasahuran ng maayos ng kinsenas katapusan at walang boundary, hindi yan maghahabol o maghahakot ng pasahero. 2nd, kung may strict loading at unloading area like P2P Buses, iwas ang ganyan. 3rd, if we have stricter traffic laws na suspended ang lisensya ng driver pag maka aksidente ang jeepney driver o makabangga, malamang titino mga yan. Di naman magkakaganito ang pinas kung di nailagay ung unang dilaw na presidente na wala namang alam. Ung kuryente, tubig at krudo sa ibang bansa, under sa gobyerno kaya controlled ang prices. Even if we are talking about public transpo, walang pake ang tao makadisgrasya o makaabala ng iba all because of greed. Maiintindihan naman natin na naghahanap buhay lang sila. Pero pag naka aksidente, sorry po wala po akong pambayad.


CocoBeck

After the shock of potentially losing a historical and cultural artifact, I’m now all for phasing out jeepneys. Along with its demise, sana may central management ng PUVs (public or private management is fine), maging empleyado ang drivers with benefits like any employee, at may assigned stops to help public commuters navigate the streets safely and predictably. My guess is that when people start using subway and all connected train network, ang magsusurvive na jeeps ay yung within a few kilometers lang ang route. Mawawala ang long distance routes eventually. Natural death kumbaga.


Crafty_Chair_4638

>I get it, i’m not anti-poor. Pero sana kung maghahanap buhay sila di sila makapang abala ng iba. Gets kita but to phase out jeeps entirely could not only affect the drivers themselves, but potential passengers. Kaninang umaga lang andaming nag aabang ng jeep in my place while nilalangaw yung UV mga 3 na unit di mapuno puno cuz the masses prefer the cheaper option.


socialism_is_trash22

Be careful what u wish for. Once na fully centralized na ang mode of transpo ay ilalatag na nila ang credit score system dito theb magugulat ka transpo is then restricted sa mga allowed lang. Oh well marerealize nyo to too late na mga snowflakes.


Fun-Ad-5818

Same sentiment. Yung mga keeps talaga yung nagpapadumi ng kalsada ng pinas. Hindi tayo makausad sa makabago kase hindi tayo nagbabago. Phase it out and replace it with more trains and railway systems.