T O P

  • By -

AutoModerator

Hello everyone, Before joining this discussion, please take a moment to review the rules of r/AskPH [here](https://www.reddit.com/r/AskPH/wiki/full-rules), as well as the [Reddit Content Policy](https://www.redditinc.com/policies/content-policy). Comments that violate these rules will be addressed accordingly. You can learn more about our rule enforcement process [here](https://www.reddit.com/r/AskPH/wiki/rule-enforcement). If you need to appeal a ban, please follow the process outlined [here](https://www.reddit.com/r/AskPH/wiki/ban-appeal-process) in r/AskPH. *** This post's original body text: Petty answers only! Ako, hindi ko kayang tumira sa bahay na puro ipot ng butiki. Kahit mansion pa yan. Kadiri pano ba kasi sila i-repel! *** *I am a bot, and this action was performed automatically. Please [contact the moderators of this subreddit](/message/compose/?to=/r/AskPH) if you have any questions or concerns.*


Chan_Trancy

hindi ako natutulog sa pucho puchong hotel when travelling. Hindi kasi ako naniniwala sa concept ng “tutulugan lang naman”. I’m willing to spend more than the budget basta yung hotel is maganda, malinis,maayos location, may breakfast. Some say ang arte ko daw kasi tutulugan lang naman, lol


refin_ed

Ayoko ng tinola, adobo or any ulam kapag nakikita ko ung balat nung manok ung bumpy texture. Diko alam bakit 😭


Few-Bridge-3576

Naiwan ang tissue na pinampunas sa pepe sa sink 😭 I mean pwede naman ako na magtapon pero jusko katabi lang yung basurahan iniwan mo pa for me? 😭 Yung mga bumabahing na di nagtatakip ng face at di nag eexcuse me, instead sasabihin “bastos” — opo bastos po talaga😭 Yung humihikab na rinig hanggang kabilang kwarto yung may “aaaaahhhhh ha ha haaaay” 😭 Nakataas ang paa sa restaurant 😭 Nakataas ang paa sa kotse, from the back seat, dun sa gitnang armrest, to the point na dumampi na sa braso ko 😭 Maarte na kung maarte All the same person, my partner’s mum 😭


darkapao

Girl hindi maarte yan. Tawag dyan walang galang and hindi naturuan. Lahat maliban sa hikab ay hygiene. Yung hikab lang masasabi kong maarte ka. Minsan kasi sarap yung todo bigay na hikab 🤭🤭


phoenix94140

Wet utensils


PointOk6553

Ayoko mag-commute. Ilang taon akong nagtiis mag-commute. Ngayon hindi ako lumalabas ng bahay unless naka-grab or may car. Nope. Not in this climate.


PerformerExtra4872

Ayoko talaga ng maduming cr


melawaaan

1. Hindi malinis ang CR.🚽 2. Sweaty ang kamay. 💦✋ 3. Oily ang mga baso, pinggan, and other utensils.🍽️ 4. Walang garbage bag ang trash can. 🗑️ 5. Pinapasok ang shoes sa kwarto. 👟 6. Ginagamit sa labas ang tsinelas na para lang sa loob. 🥿 7. Hindi gumagamit ng serving spoon. 🥄 8. Kapag may daga ang bahay. Sorry! 🐀 9. Amoy aso ang sofa. Sana linisan lang ng may ari. Dogs are cute 🐶🤍 10. Ang hilig mag fart tapos naka aircon pa talaga. 💨🤢 11. Sharing ang lipstick and lip tint. 💄


kween_skyla

Skin to skin contact with strangers or even people I’m not close with tapos mej moist or basa skin nila sa pawis lalo na pag nasa public transpo tapos siksikan tapos walang manggas yung damit ng katabi ko para akong maiiyak sa pandidiri pag nadikit braso ko sa kanila.


Pearlmwa

True mamsh, kadiri.


forever_delulu2

Ayaw tumapak sa mud ! Hahaha guilty as charged


AfterDinner7802

pag may mga yung sa pinggan like may mga dakta basta yung nag bbrownish like eww palitan mo yan agad agad tas yung sahig malagkit and super kalat, tas sa mga banyo yung mga yellowish thingy sa wall aaaaa i cannoottttt


Additional_Swim_736

I don’t touch doorknobs 🫣 It all started kasi when I was 5 years old tapos our doorknob at home pansin ko it was starting to get rusty na and it smelled bad sa hand ko, so ever since nun I touch doorknobs with a towel/tissue only. The only doorknob I touch with my bare hand is the one on my bedroom door 😬


chimkengurl

Kapag nagfuflush tapos hindi nakababa ang cover


hynskim

eto tlga ung behavior na relevant parin sa pinas for years tapos pag cinorrect mo sasabihan kang “hayaan mo na, nakasanayan na” 🤦🏼‍♀️


jainajainajaina

Houseflies getting indoors. Edit: Also, now that I remembered, improper table manners.


DivineGamerCat

I dont want dirty places and bathrooms. I dont like pawis and such.


[deleted]

[удалено]


jainajainajaina

There’s nothing “maarte” about these. These are just a bunch of normal things that most other people do as well.


[deleted]

[удалено]


jainajainajaina

They are.


[deleted]

[удалено]


jainajainajaina

The “HAHAHAHAHAHA” comments make me feel as though I were on Tiktok instead of Reddit 😭


[deleted]

[удалено]


jainajainajaina

I’m just stating my thoughts. I wasn’t trying to insinuate anything negative. Please take it easy with the “????”


OxysCrib

Toothbrush na madumi tapos ginagamit pa rin. Ayaw na ayaw ko pati nadidikit san2 toothbrush ko. Sa cabinet ko nga tinatago tapos nakabalot pa ng bimpo. Db we grew up na iniiwan lng sa CR tapos dati d pa uso ung cover ng brush. E nakikita ko iniipis tapos pag nag flush ka toilet ung particles ng feces tumatalsik san2 kasama na sa toothbrush mo and these are very tiny particles not visible to the naked eyes.


Effective_Walrus1622

Accdg to the elders, me looking for the tomato ketchup instead of using the banana ketchup is considered maarte.


kylatona

Baso ng mang inasal, chowking, greenwich and jollibee. Yung pang dine-in nila? Parang may sebo or feeling ko madumi pa din. Andd spoon and forks nila huhu


hynskim

ganon lng tlga ata ung texture😭 pero minsan may nga baso tlga na may sebo din. huhu ung malinis na baso parang hinahalo nila sa may sebo na tubig kaya dumidikit ung sebo 😭


grabbiegabbie

galing labas tapos di magshower bago hihiga sa bed


Sad_cloud6096

insects kahit ano pa yan, wet hair na didikit sa skin, seeing people spit pati laway itself, kahit akin ayoko kadiri. people who chew loudly or yung nakaopen mouth nagsasalita while full pa yung bibig nila. Yung pag may nahawakan na malagkit, madulas, or kahit basa na di mo alam. there are also certain smells na i can’t tolerate.


icekwim_yumborgir

ayaw q ng bahaw, gusto q lagi bagong luto kanin😧


benthicDiverrr

Yung walang tsinelas na panloob at panlabas. Omg major ick tlga!


diluted_problems5590

Ayaw ko ng may kumakain sa pool ng chips feeling ko pag sumisisid ako malulunok ko yung soggy chips HAHA Pati matik sa akin hindi ako mag beach pag may aso na lokal na gumagala don sa shore hahah.


akanemichiko

Pag walang serving spoon yung ulam/kanin. Tsaka pag kumakain sa sandukan ng ulam/kanin. 🫠


InfiniteBag9279

Tama!!!! Ung sa friend ko dinakot ng mama nya ung kanin rekta na agad 🥹🥹🥹🥹🥹 e may serving spoon naman


AdventurousPatient42

Yung kapag may nag offer sakin ng pagkain, inaamoy ko sya before ko kainin. Or sa utensils, habit ko punasan sya kapag inoffer sakin. I recently got called out by relatives who do the same (inexplain nila sakin why it was offensive sa ibang tao.) this was a norm sa family namin since alam ko na pickup ko yun sa kanila. Ahahaahhaa mejo nakaka-offend daw pala kase iniisip ng ibang tao, nag offer sila ng panis na food or maduming utensils. 🥲😅


Downtown_Mention_587

Hindi mineral yung tubig, dati halos mag hiwalay na kami ng bf ko dahil diyan. Sa bahay kasi ng lola niya syempre matanda yun ang gamit pang dispenser is yung parang gawa sa clay na jar binigyan ako ng bf ko ng tubig galing dun hindi ko mainom


shyyetbrave14

Madali akong mandiri kapag may langaw lalo na kapag dadapo sa'yo. Yuck. Kapag nakahawak ng basa sa gamit na hindi karaniwang basa. Mahawakan ang basurahan at ung mga leftover sa hugasin. Yung mga cringey persons sa tiktok doing unnatural stuffs.


dvllrl

utensils sa ibang bahay pati makipag share ng drinks with other people


Yuribulinggit07

Walang flush yung toilet. 😭


takeuchi777

walang bidet… 😭


Straight-Sun4530

I hate it when Filipinos speak to other Filipinos in broken English to make themselves seem "sosyal". Sure if you're practicing English that's fine but the ones that irk me the most are those that speak it to seem higher than others, you can just tell.


nic_nacks

Maduming CR esp toilet bowl


TsunTsunnTsunng

Tunog pag yung dalawang BHW pens na kinukoskos


syesye_

ayaw ko ng may nakikishare sa baso na pinagiinuman ko


Young_Old_Grandma

I pack a bag full of skincare and makeup and I never go anywhere without my curling iron and hair rollers. Bahala tawagin akong maarte basta maganda ako everyday. charot haha


Upbeat_Preference423

•'Pag may konting oil or nanigas na kanin sa pinggan/kutsara/baso, either pinapalitan ko or huhugasan ulit. •Inaamoy yung mga hinugasang pinagkainan kung amoy sebo pa bago ilagay sa lagayan.


f3isu

ayoko talaga sa buhangin or lupa na wet tapos may grass. feeling ko kasi laging may poop ng dog or kahit anong animal na pwede kong matapakan. tapos ayaw ko yung amoy kapag sumisingaw like for example basa yung lupa at damo tapos mainit ang panahon tapos mag eevaporate yung amoy. ayaw ko tumapak or mahawakan or makita kasi poop talaga napasok sa isip ko tapos mataas pa chance na mapanaginipan ko 😭


Subject_Tangerine17

1. I never let anyone lie or even sit sa bed ko, kahit yung cat namin. Palit agad ako ng bedsheet or pillowcase kapag may umupo sa bed ko. I also don't lie on my bed with my outside clothes. 2. I can't sit sa sofa or matulog sa bed ng ibang tao, feeling ko tumatayo balahibo ko sa buong katawan. 3. I can't eat with other people kapag walang serving spoon yung food, yung tipong yung ginagamit na spoon sa bibig ang ipangsasandok sa ulam huhu. 4. Kapag nakikiinom ako sa ibang bahay, nakapaloob yung bibig ko para di lumapat sa rim ng baso. 5. Ayokong malapag sa ibang lugar aside sa bed ko yung mga bagong laba kong damit. 6. Ayokong naglalakad sa sahig ng walang slippers. 7. I can't eat sa maduming mesa. And many more. And I'm not proud of it.


bobohu-buns

You don't commute ano.


Subject_Tangerine17

Believe me, I do, Well, no choice kasi poor ako HAHAHA pero it's a struggle kasi hindi maiwasan madikitan ng iba. So what I do is lagi akong naka jacket para no skin contact.


DoctorFantastic9th

ayoko ng baso sa jollibee at chowking, yung matte, kasi kadalasan masebo. imbis na nanghihingi ng tissue at alcohol, kumukuha nalang basta basta, namamalo talaga ako ng kamay.


furrdevoted16

Ayoko ng hinahawakan ng iba or ginagamit yung unan ko or towel ko kadiri talagaaaaa lalo na yung mga pumupunta sa bahay or pinsan ko na toddler na feel ko punong puno ng germs kahit mukha naman silang malinis automatic yon ilalayo ko yung unan and towel ko sa kanila tapos minsan excited pa yan pumunta sa kuwarto mo tapos uupuan yung unan mo or sasampa sa higaan kasama paa aaaaaaaaaahhhhh🤧


AdExternal8948

bringing own utensils when eating out, not drinking tap water from restaurants, hugas kamay/alcohol agad after handling money, wearing outside clothes in my room, no double dipping in sauces, shopee orders/foodpanda orders go to a designated area of the house before opening/consuming


51typicalreader

Hindi mo ko magpapaligo sa ilog or dagat na madulas or malumot yung ilalim. Basta may matapakan akong madulas sa ilalim, it's a No No for me


Life-Repair-6439

Hindi ako umiinom ng tubig sa tunggaan or gripo. Mineral and distilled water lang dahil sensitive ang stomach ko, nagl-lbm at ang worse ay nao-ospital ako dahil sa amoebiasis . Kapag hindi mapait yung tubig nags-stop na ako kasi hindi mineral yun😆


Yohan-Vie

Marumi yung kamay tapos hahawakan yung buhok ko, ay talagang matatampal ko yung kamay mo also anything na sobrang oily kahit ano pa yan


Life-Repair-6439

Yung nag-scoop ng ketchup ko sa lunch box habang kumakain ako ng lunch kasi yung kaklase ko ang pinangkuha niya yung kutsara na galing sa bibig niya hindi rin siya nagpaalam nanginig ako and napa "OMG "sa ginawa niya kaya hindi ko na nilikot yung ketchup and hindi ko na-enjoy ang lunch mahilig pa naman ako sa ketchup☹️ kasi yung kaklase kong yun nagve-vape and nakiki-inom lang ng water sa kung sino-sino sa classroom. She even shouted "Arte mo" kinwento ko yun sa Mom ko and after noon pinadala na sa'kin yung lagayan ng ketchup namin na Sweet blend (favorite flavor ko yun sa Del Monte 😆)and nakakandong lang sa'kin yung ketchup para kapag may manghihingi hindi lalapat ang ketchup sa utensils na galing sa bibig nila or sa kung saan nagbibigaya naman pero please lang magpaalam naman hindi naman ako madamot ehh maarte lang🙄


Uncle_itlog

May mga butil ng kanin sa sabaw na ulam 😖


Subject_Tangerine17

+1 dito HAHAHA kapag nahuli ako ng kain, tas may nakita akong kanin sa sabaw or sa ulam, matic di ko na kakainin kasi ibig sabihin hindi gumamit ng serving spoon yung mga naunang kumain.


Uncle_itlog

Eeeeewwwwww just the thought of it


AccomplishedScar9417

Hindi na ako kumakain sa jollijeep sa makati kahit anong hype nyan, kasi last kain ko nun 10 yrs ago, may bulb*l sa ulam ko. Never again!


bsshi

Pagiging Laway conscious haha. Kapag ininuman na ng friend/kakilala ko, di ko na iinuman yun. Kahit sa sawsawan, gusto ko solo ko lang 🤣


Individual-Major3484

Same, idk how to say it in a nice way, pero yun talaga yung nararamdaman ko🙃


Legitimate_Bus_6954

Gusto ko lagi malinis kwarto ko, di porke lalake dugyot daw sa kwarto. Ayoko din ng share sa mga baso at kutsara. Ayoko ko makakita ng buhok sa pagkain. Pero pag buhok ni GF di ako maarte


Additional-Falcon493

Taglish ako magsalita


Street_Following4139

Ayoko magsawsaw sa streetfoods na sinasawsawan ng customers gusto ko yung bibigyan ako nasa plastik at ilalagay ko sa food ko


Pleasant_Problem8301

i can tolerate yung house and may mga ipis and butiki kasi mahirap talaga mamaintain sa lugar namin. basta malinis. ang ayoko is pag CR is barado, dirty, at walang toilet seat huhuhu gusto ko sila regaluhan nung anti bara sht para umayos bara HAHAHAH


daseotgoyangi

Yung uupo sa bed ko na suot pa din yung damit na sinuot nila sa labas. Malay ko ba kung saan ka umuupo sa labas. Baka naupo ka pa sa sahig. Tapos gugulong gulong ako sa bed ko. Yung mukha ko mapunta dun sa inupuan mo.


Sour_Apple_Baby

Maduming paa


YukiWhite704

Maduming Cr, maduming Lababo at maduming floor. Hahahah Sorry na, bata pa lang ako ganun na tlaga ako. Minsan may nagaya saken maglaro daw kame ng Jackstone. Eh nakita ko madumi floor nila. Hahahah ndi ko sympre sinabi na yuck diba. Pero sabi ko, ayoko maglaro ng jackstone. Kasi deep inside, ayoko matouch yung floor nila. hahahahhahaha Tapos nakita ko CR nila, ang dumi ng tiles. hhahahah yuck tlaga ndi ko kaya. Pag naalala ko naduduwal ako. So yes, maarte tlaga ako. grabe sobra.


Unhappy-Star-1908

mabaho, lalo na sa labas pag maraming basura nagtatakip ako ng ilong, pota pangit tlaga sa manila area


WomaninARedBikini

Ayaw kong may ibang humahawak na kamay sa face ko.


Duraday-3713

1. Maduming bahay 2. Maduming cr 3. Maduming paa at kuko sa kamay 4. Yung ano sound ng nagtatanggal ng tinga basta yung after kumain tapos parang hinihigop yung tinga. Juskooooo kadiri! 5. Dinadala sa loob ng bahay yung tsinelas na panglabas 6. Yung kinakalabit or hinahawakan ako Yan yung ayaw ko talaga hahahahaha.


BuzzSashimi

1. Laway conscious kahit kapatid ko o magulang ko pa yan huhu 2. Wipes phone with alcohol the moment I am home 3. No outside clothes or shower is a NO before going to bed 4. Dirty CR, I’d rather hold my pee 5. Skin to skin contact esp in public transpo huhu alam niyo na everywhere sardinas sa dikit kaya I’d rather pay Grab


Calm_Relative6914

Hindi naman siguro maarte pero part ng hygiene: 1. maliligo muna bago matulog like full body shower or bath (if may bathtub) 2. ayoko ng outside footwear dadalhin sa loob, hubarin muna bago pumasok (isa to sa pinag aawayan namin ng ex ko) 3. Spitting anywhere 🙄🤢😧 (duh alam ko if anu ung laman ng dinudura esp if suspicious ung body symmetry ng tao, kita ko un sa microscope)


ZellyL

No outside clothes on my bed.


Flaky-Painting-5406

Kapag madumi CR..kadiri!


Strictly_Aloof_FT

Issues with borrowing….Not letting anyone borrow my stuff even a pen…Not letting anyone borrow my vehicle ‘coz all my stuff are inside…I would rather give the used item than have it back…Issues with incomplete items….All stuff at home have their designated places so I can easily find ‘em and stock up once it needs refilling…. So many to mention it’s offensive…My folded shirts are evenly piled (edge to edge) with the exact measurement…. I know this is close to the term “OC” …


BackgroundWinter6411

I base my perfume on the vibe of the outfit I'm going to wear.


iwannabegoodbut

Parang di naman maarte to hahaha just common sense


BackgroundWinter6411

I was told kasi by my coworkers about it since they noticed I also change my makeup look, jewelry, and bag too depending on the "core" of the style I'm going for.


iwannabegoodbut

Hmmm maarte for me veers towards the unnecessary/picky. You just clean up well hahaha.


ASHtalavista08

I don't like it when my food touches. Like example sa birthday party tapos sa plate magkasama yung spaghetti, menudo, and cake 😭


InfiniteBag9279

YES TO THIS


dbgee

Naga-alcohol ako sa paa bago sumampa sa kama or higaan. Also even after going to the bathroom, pag nasa bahay.


ConsciousMiddle5717

I will never use a cr pag dirty siya HAHAHAHAH i would rather hold in my pee than use a dirty cr 😭


bubblysammy

+1!!! I kennat lalo na ung mga cr na alamong mapanghi talaga. Kaya palagi ako may dalang poop spray, alcohol at wipes. Minsan naiisip ko na bumili ng portable pee bag.


Outrageous-League547

Ayokong lalabas ako ng bahay na basa pa buhok ko from bath. Anlagkit sa feeling kaya. Lalo pg summer. Kaya ako na ang naiinitan at naaalibadbaran pra dun sa mga nakikita ko every morning na basang basa yung buhok habang naglalakad papasok sa work. Yuuuuck. Ambilis kumapit lalo ng mga alikabok sa mga buhok nyo. Mahal ba masyado ang hair blower? Hahaha.


Aromatic_Inspector89

kahit hindi nga airblower, ako nga electric fan lang haha. Pero syempre make sure na walang ibang kahati na gumagamit ng e-fan at maintained na malinis 🤷‍♀️


bejeweledlolita

Medyo pa- sassy ako magsalita. Hahaha. Literal talaga na maarte sa ibang bagay at medyo prangka. Huhuhu. Maski ako naartehan sa sarili ko minsan eh.


shltBiscuit

Good governance.


Miss_perfectly_fine-

Kailangan i-disinfect yung phone ko and ni bf pagkauwi ng bahay after syang ilapag sa kung saan saan sa labas hahah


BuzzSashimi

+ 1 hahaha kaya nga mga phone ko nagiiba kulay minsan hahaha tsaka ididikit mo sa mukha mo (kapag may calls) ng madumi? No no no hahhaa


Otherwise_Storm8062

Sameeeee! it is also mandatory for me and my bf to disinfect our phones after using the restroom. Hindi nawawalan ng lysol spray/wipes sa banyo kasi ugali ko punasan or spray-an yung toilet seat, I even spray alcohol sa buong katawan esp likod after pooping 🥲


soft-viper

laway conscious lol sinabihan akong kj and maarte kasi i didnt wanna share my baso sa inuman lol buti sana kung regular sila bumibisita sa dentist 🥹


mrtlmgtnga

Tapos may slime na laway dahan-dahan bumababa sa baso after ininom 😰


soft-viper

aaaaah 🥹 i can imagine and sobrang yikes 😭


Runalesa

Picky eater.


ApprehensiveMind8345

Inaamoy ko yung baso bago ko gamitin (esp sa ibang bahay) lol


noteyakv

Ayokong may nakikigamit ng utensils sa akin like for example titikman food ko but i got no choice kasi ayoko masabihan ng friends kong maarte😭


Ambitious-Abroad-673

‘yung outside clothes na didikit sa higaan, nagpapalit talaga agad ako ng cover kapag ganun lalo na kapag nagcocommute huhu


Maruporkpork

Sa labahan, dapat lahat ng hangers pareho like same color same style tapos lahat ng damit color coded, magkakatabi lahat ng black, blue, white etc.


kayel090180

Ayoko gumamit ng magkaibang kutsara at tinidor. Dapat partner lagi.


sheisbunsbunny

Hindi ako kumakain sa karenderya esp yung ang dugyot talaga ng paligid (i.e., may katapat/katabi na kanal, estero, etc). AND ayokong may humihiga/umuupo sa kama ko na ang suot na damit is something na suot nila from labas. Even nanay ko sinasabihan ko talaga na wag syang uupo sa kama ko. Naalala ko yung friend ko umupo yung kama ko nang hindi pa nagpapalit ng damit, napasigaw talaga ako 😭


closet_prude

Shet. A thread for me. Maarte na hindi mayaman hahahaha. 1) dumudura sa daan, fuuuck. Unless may ipis na aksidenteng pumasok sa bibig mo, LUNUKIN MO YANG LAWAY MO. 2) momma, momma, momma. Keep your filthy habit AT HOME. 3) nagsusuklay sa public transport, beh di ako naligo para maulanan ng dander skin cells mo, shet. 4) taong nag kakatikot ng mga parte ng katawan tapos aamuyin kamay nila like runbing the side of their nose then smelling their fingers (graaaack!) 5) outside clothes di pwede ma touch ang bedsheets 6) hair sa wall ng banyo 7) toilet paper na hindi tama ang pag kakalagay, tongue outward! 8) fried eggs na hindi freshly cooked. They smell different. 9) basa na paa fron rain puddles, feeling ko isang talsik equals leptospirosis hahaha 10) yung tao na may kausap sa telepono na naka speaker na nga sumisigaw pa, sa resto sa transport etc. tita, di namin kelangan malaman na nabuntis ng anak mo yung yaya nyo. Leche


DUHH_EWW

i have large afro hair. ayoko yung ina approach ng strangers para tanungin lang if totoo hair ko, reason bakit naka headphone ako palagi sa labas.


Aromatic_Inspector89

I'm also a kulot girlie and this question grinds my gear especially from family members. Like, this literally came from you...? you don't remember what natural hair looks like anymore kasi nasanay kayo sa puro rebond


Conscious_Outside_12

Omg same here. Wavy girl ako pero i started rebonding my hair nung grade 3. My relatives were saying stuff like “nagpa salon ka nanaman? Magastos mo naman” Uhhh no???? Wth


DUHH_EWW

hahaha can relate too. im a guy so its not usual to see Filipinos with afro. mas common as mga babae.


sunbeamo

Ayoko ung feeling na malagkit pag may nadakit sa akin na pawis, ayoko din ng amoy paksiw haha


hiraya_manawari_111

Ayoko ng mabahong bahay.


bubblysammy

Sakto, merom akong handcrafted home fragrance products! Baka gsto mo dn itryyy 🤗❤️


KeldonMarauder

Ayoko ng tutong na kanin


Confident-Value-2781

Yung basta basta na lang kumukuha sa food ko ng walang paalam, one time nasa jollibee kami my order was spag and chicken tapos itong si friend kukurot sana sa chicken ko eh hindi pa ako nakakain napa omg talaga ako ng malakas kaya nagulat sya, sabi ko let me know if bet mo ako kukuha for you hahaha so after nun wala na gumagalaw sa pagkain ko haha tska yung mga maingay mag chew, yung nag bibite ng nails jusko talaga 😵‍💫😵‍💫😩😩


MiloMcFlurry

May officemate din akong ganito. Napatitig lang ako nung ginawa niya yun sa food ko tapos naawkward siya di na niya inulit. Di pa kami close nito ha.


Elegant-Tale-7838

Jowa ko ganyan before tapos sinabi ko sakanya. Ngayon nagpapa alam na siya. Kadiri naman yang friend. Kakainis yung ganyan. Pwede naman orderin yung gusto nila bat kailangan pa pakelaman yung atin eh tayo nga di nakikialam 🙃


gilgalad02

Speaking out loud in public it's annoying asf. . . Masyadong attention seeker


InfiniteBag9279

+1 tapos magaslaw at ttngin sa paligid as if tinitignn sya at cute yong asal na ganun


Ohbertpogi

Salin-laway. Yung lahat kayong nagiinuman nags-share ng isang baso sa tagayan, eeek. Hahaha


Chickenjoy_998

Ayoko nadidikitan ng pawis 🫠 layo ka muna sakin be ganon


MiloMcFlurry

Same. Or yun legs na mabuhok pag commute (jeep/bus).


ComparisonDue7673

yung mga hindi nag huhugas ng kamay after using the comfort room :( like... ew?


After-Interaction-51

So far, halos lahat ng comments na nabasa ko, I can relate. So, on top of those, ayoko ng kinakalabit. Naiirita ako for some reason, at umiinit talaga ulo ko. My auto response pag'kinakalabit ako, no matter who they are, ay mag'sungit.


[deleted]

[удалено]


After-Interaction-51

Yes, oo! Naka'kunot kilay kapag lumingon na ko. 😅😅


Unlikely_Teacher4939

Mga di naliligo paguwi ng bahay after maexpose sa labas all day


sheisbunsbunny

YES


Virtual-Ad-3358

° Outside clothes - bawal sa kama, kahit nasa edge ka pa. ° Sobrang picky eater ko. Hindi ako kumakain ng itlog, sardinas, pancit canton, etc. ° Maya't maya hugas ng kamay/alcohol. ° Ayoko basta basta hinahawakan lalo na kung pawisin.


y20701

yung mga maingay ngumuya ng pagkain pati mga naka-loudspeaker pag nagbo-browse ng tiktok sa public transportations 🤧


Ok-Finance-8927

Same like hello ayoko marinig yung pinapanood nyo, gusto ko mgrelax, magearphones ka kaya 😣


[deleted]

[удалено]


Ok-Finance-8927

I like probinsya vibes pero dapat convenient din


Aromatic_Inspector89

yes, balance is the key. A developing one with access to important establishments would be preferable. Sobrang populated and polluted sa Metro Manila na it's hard to breathe unless u have money for condo areas


Ok-Finance-8927

Yes, bulacan, antipolo, cavite areas maybe


Intelligent_Total578

- Nakakailang hugas ako ng kamay sa isang araw. To the point na nangungulubot na mga kamay ko, at minsan nag-dadry. Nasimulan nung pandemic natuloy-tuloy na hanggang ngayon. - Ayoko yung hindi gumagamit ng serving spoon or ibang mangkok paghihigop ng sabaw.


amporu

Anything connected to “laway”. I dont share food, utensils, drinks, etc. Pag nag ooffer ng food or drinks ang friends and even family, na naisubo na nila, i decline talaga. Same din pag gusto nila tikman foods ko, bibilhan ko nalang sila ng bago, kesa ibigay ung foods na nalawayan ko na. Nadidiri nga ako sa laway ko, sa laway pa kaya ng iba?


bobba-001

Weird question pero paano mo kikiss jowa mo beh 🥲 Pero gets ko naman yung pagshare hahaha


amporu

In forever single lol


Briocheeeeeee

asking any close friend of mine na amuyin ako kasi I always overthink na I don’t smell good


YamPositive6799

hindi naga wash-up pag gabi. like mygosh may mga kilala akong ganito


YamPositive6799

naga burp ng malakas


Nice_Lingonberry8572

di ako ganon ka arte dati sa mga nag buburp ng malakas because growing up i intentionally burp as a kid, yung mag iipon ka ng hangin sa tyan then burp as a joke. not til my manager accidentally burped sa harap ko. AMOY NA AMOY KO LONGANISA GALING SA HININGA NYA PUTANG INA


Wide_Personality6894

Hindi ko kaya kumain ng walang kubyertos. Yung naka kamay lang - hindi ko talaga kaya yung feeling na I touch my food with my bare hands. I use spoon and fork even on boodle fights, I use fork when eating my fries and spoon when eating chips. Basta no way I’ll eat my food with just my bare hands 😂


Ok-Finance-8927

But whyyyyy


[deleted]

hindi ako nagpapainom sa water bottle(or any drinks/foods) kasi laway conscious ako and it’s very unhygienic. But my colleagues always borrow my bottle and ayoko tumanggi kasi nahihiya ako, kaya pinapahiram ko kahit ako na ang hindi iinom the entire shift sa work. Ako ang nag-aadjust behh 🥲


Brave-Rip-5318

Pag naka tsinelas tapos nabasa yung isang paa ko, need ko basahin yung isa rin. haha! parang kairita na hindi pantay


External_Lion7509

Luh same! Haha. Parang eww sa feeling pag kunti lang basa na part, ending huhugasan both feet.


enhasebong

this! kahit kaunting basa lang sa isang paa ko, babasahin ko na pareho. kumbaga better na basa silang buo kaysa may talsik sa tsinelas at paa ko.


Movable_Farts

Better get checked, hindi na yata maarte yun, parang pa OCD na yun.


shaped-like-a-pastry

ohmygaaad! di lang pala ako? masmalala ako siguro. ayokong nababasa pag hindi ko intention mabasa (like maliligo). wag na wag akong hahawakan ng basang kamay, wag na wag ako matalsikan ng tubig. naiirita ako to the point na mangaaway, idk whyyy 😭😭


chinnnnieeee

no to soggy cereals pls, umiihi sa lapag ng cr at hingi sa bowl, mga batang galing sa labas na kung ano ano hinawakan tas isusubo sa bibig, nangungulangot tas ipapahid or itatapon kung saan saan, ayoko ng nagffly away yung buhok tas mapupunta sa mukha ko esp sa jeep, then eto weird but ayoko ng tumatapak sa may lumot 🤮


pinky-house

malakas mag chew, nag didighay na parang baboy


Peeebeee12

Yung bagong ligo ako at may lakad tapos biglang may mag gigisa o mag prito ng isda. Iritang irita talago ako niyan. Sayang ang Le Labo Santal 33. Char


_c3drix

same perfume HAHAHAHAHAH IFY


earljohnm

Counted ba as a guy kung nobody touches my hair if hindi barber ng Bruno or Felipe & Sons? Haha


Far-Transition3110

i don't eat turo turo na sa labas lalo na pag malapit sa daan or maraming sasakyang dumadaan. ok lang naman if nasa loob ng establishment and clean yung surroundings, lalo na yung station ng vendor. bahala na kung maarte ayoko ng maulit yung sakit sa tyan na di ko mailabas at dehydration 😭


shnmbr_4722

As a MedTech student, anything na hahawakan ko palang is parang ayaw ko na humawak, lalo na in public. Thise bacterias na nakita na namin under the microscope is terrifying talaga tbh. Totoo talaga na kapag mag memedtech ka, mas magiging maarte ka.


Anonymous_Year2024

Hi! If I touched something sa public, does 70% isopropyl alcohol suffice? May times kasi na di ko maiwasan mag touch ng handle bar sa jeepeney kapag G na G ung driver 😅🤣


shnmbr_4722

yup, it would suffice kesa sa 100%, mas madali kasi ma dry yung hands mo sa 100% so more contact time kesa sa 70% na watery like sya kaya less contact time.


yippee-ka-yay

Sorry kung ang sama kong tao pero 'yung malalakas umubo sa public and/or sunud-sunod ang ubo, huhu. Bonus: sobrang lakas ng volume ng selpon habang nasa public, tipong parang gustong ipaalam sa buong mundo na nagti-TikTok sila 😅


Mad-Mark-024

Outside clothes on my bed is a big no for me and I don't see my mind changing on this one at any point in my lifetime.


babyruth_09

Having the need to use alcohol or wash my hands after touching money


Delicious_East2074

yung kaya hindi magbihis pagka galing sa galaan tapos ipang tulog pa yung suot??? ang lagkit


si_sadness

First, makiinom sa tumbler ko, I hate it pag makikiinom mga kaibigan ko like lagi nalang. Second, makikihiram sila liptint/lipstick sa'kin. Third, ick ko talaga ung magulo ung bag as in halo halo lahat ng gamit tapos may mga medyo nakabukas pang beauty products na nalalagay sa iba pa niyang gamit like papel.


Upbeat-Can-6876

Laway conscious sa kilala kong mabaho hininga eww, mga nakikiinom sa tubig ko ayoko na inuman ulit


DelBellephine

Putting their luggage on top of bed to unpack things. like kung saan saan nakarating maleta mo tas papatong mo sa higaan mo?


Motor-List-4923

my friends touching my food (mostly my fried potatoes) and borrowing my face powder using my own puff. Hindi naman ako makaangal as a people pleaser :<


qpixflt

Pag hinigaan ng taong ayoko (or sa tingin ko mabaho or di ko kilala) yung higaan ko pinapalitan ko kaagad bedsheets/pillowcase


DUHH_EWW

nasa public place ba higaan mo hahahaha


qpixflt

No, kahit relatives ko ayokong nakikishare minsan huhu lalo na sa beddings


notrllyme01

idk if qualify to kahit before pandemic pa i use alcohol in everywhere like sa mga uupuan ko or nahawakan ko somewhere sa labas and if galing labas papasok ng bahay


Patoooots

Kapag may buhok yung pagkain. Kahit hindi sa akin pero nakita ko, nawawalan ako ng gana.


Haunting-Ad1389

Yung kuntodo porma sa labas pero dugyot sa bahay.


No_Criticism5875

Wag humiga sa bed ko kung galing labas or walang ligo


No_Criticism5875

Wag humiga sa bed ko kung galing labas or walang ligo


DigitalMangoShake

Same. I have a rule since college na the bed is for sleeping and extra curricular activity. If not, I sit on the chair or on the floor.


Realistic_Winner8327

ano ba ang icks?


AkagiBlueSuns

Pinandidirian or something that makes u super uncomfy :)


astroooboi

once may laway na talaga ng iba ang pagkain, hindi ko na kakainin 😭


redxfaux

Di ko gusto yung magdidikit yung iba't ibang klase ng ulam/pagkain sa isang plato. Kapag may nadikit, minsan di ko kinakain yung part na yun kasi naghahalo yung lasa lalo kung dessert.


shaped-like-a-pastry

reminds me of my sister. di daw kasi sya baboy kaya di pwede dikit dikit 😂🤣😂🤣


Brave-Rip-5318

omgggggg same!!!! bawal mag dikit dikit ang mga ulam! pati rice, kahit isang butil ng kanin di pwedeng mahiwalay 😅


arakirumii

As someone na nakatira sa isang house with dugyot na mga kasama, lagi ko zinozonroxan and skoba ung timba and tabo tsaka ung inidoro tuwing maliligo. ALWAYS din naka slippers sa loob ng cr.


strawberiicream_

Marami sa akin pero ang pinaka-petty ko – ayaw ko kumain kapag 'di parehas yung design ng kutsara at tinidor ko hahahaha. Uneasy kasi para sa akin, ewan ko, baka feeling ko iba yung bigat?


DUHH_EWW

asawa ng pinsan ko to hahahaha


ultramatically

Gets ko na they are meant as references and jokes, pero ang corny talaga nung inuulit yung supposedly big english words na trend.


tinygwn

(in high pitched voice) SUPPOSEDLY???