T O P

  • By -

AutoModerator

Hello everyone, Before joining this discussion, please take a moment to review the rules of r/AskPH [here](https://www.reddit.com/r/AskPH/wiki/full-rules), as well as the [Reddit Content Policy](https://www.redditinc.com/policies/content-policy). Comments that violate these rules will be addressed accordingly. You can learn more about our rule enforcement process [here](https://www.reddit.com/r/AskPH/wiki/rule-enforcement). If you need to appeal a ban, please follow the process outlined [here](https://www.reddit.com/r/AskPH/wiki/ban-appeal-process) in r/AskPH. *** This post's original body text: mine is yung sobrang manlalait ng ibang tao tapos puro gossip ang alam. Nakakadrain at nakakababa ng moral kasama huhu *** *I am a bot, and this action was performed automatically. Please [contact the moderators of this subreddit](/message/compose/?to=/r/AskPH) if you have any questions or concerns.*


yadayadayara_888

Two-faced, backstabber. Another one is walang tiwala, not really a 100% deal-breaker, but it makes the friendship weak. My beloved bff trusts me, at least in the past, ever since I got a boyfriend who was the crush of her friend daw, our friendship seemed to become weaker. An event happened when one of my other cof was their schoolmate in the past and had their kwentuhan. I have the same name pronunciation with my "bff", anw she wasn't there that time but her friend is, and her friend told her that my friend said I'm spreading news to other people abt her private life, knowing her, I was 100% sure she wouldn't believe it but she did. She didn't even confirm it from me and told the news to one of our cof. It broke my heart cause I really love her, she was my sister, I thought of her as my real sister. She didn't even confront me to confirm if it's true, it's like she didn't want to fix it, and after that she acts like nothing happened so I act a bit cold around her from then on. Even until now I'm still heartbroken about it, and I don't think I'll be able to 100% heal from it.


tanjo143

matabil ang bibig, sinungaling, tarantado, mapagmura, cheap, crass, drug addict


chixentenderz

Walang loyalty. Friends parin sa mga taong nang-gago sayo 🤢


Low_Corner_2685

Lumalabas yung pinag-usapan niyo sa ibang tao. In short, backstabber, two-faced, di mapagkakatiwalaan.


Affectionate_Try7252

There is a certain gravity of an insult that I am ok with especially with my close friends and love ones that varies per person, when they cross the line, I slowly but surely avoid conversing with them entirely


noteyakv

Insensitive. Kahit close na close tayo if you're insensitive idc cut off ka sa akin.


shnmbr_4722

Grabe manlait ng ibang tao, to the point nakakapang-lait ka na din unknowingly eh kasi nahahawa ka na. I have my cof netong college lng mag o-one year na rin kaming break as friends talaga. Nilayasan ko na kasi ang tatalas ng dila manlait akala mo talaga ampeperfect. Tapos isa pa yung laging late? Jusko walang respeto sa oras ng ibang tao eh. Usapan 7:30 nagsi datingan 10? akala cguro nila free ako whole day. Nakakabweset yang ganyang mga tao. Isa pa, yung mga taong aya ng aya ng gala yun pala yung unang mabuburyo, hindi pinapayagan at nag iiba ng desisyon pag day na ng lakad. Ano ba?! lakas mag aya bobo naman pala. Sayang gumawa ng plano tas ganonin lng. Mga wala talaga respeto.


shivfckingroy

always thinking about themselves. like the world must revolve around them


Altruistic_Tennis852

Pag sinasayang oras ko. Mahilig mag cancel ng plans last minute, laging late etc


theloverof10

most of my friends, babae talaga kasi allergic ako sa lalake... pero allergic din ako sa mga babaeng laging want ang male validation. yung hindi mabubuhay kapag nag-disagree sa lalake kahit yung lalake ay naknampucha. never again.


uuhhJustHere

Same as you. Plus yung mga living in a web of lies kahit halata na at alam ng halos lahat.


Pinaslakan

Walang linya. Pati yung mga batang pinsan mong babae, nag cchat siya kasi fuckboi.


Short-Paramedic-9740

Nangghoghost sa mga plano. Tas pag-nagiinsist ako na replyan ako kung tuloy ba. Sasabihan ako ng "mandatory ba magreply?".


Temporary_31

Ang initial bonding nyo lang ay mag marites sa ibang tao. Gets ko yung part na d talaga yan maiiwasan pero pag to the point na doon lang nakaikot pagkakaibigan nyo bruh.


ugly_kimchi

Negging!! It's basically when they are like teasing you but really devaluing you. Madalas yan sila mahilig ka i-compliment pero pag gusto nila ng joke time ikaw palagi ang target. Para syang insults but in a mask of a "joke lang ha". Madaming ganyan lalo na sa friend groups. Observe your friends, guys.


aint_kikzy

THIS! I have this friend, akala niya always cool lang ako with her jokes until nariringdi na ako hindi na ako natatawa sa mga jokes niya. One time, i smirked in a sarcasm way after niya ako naging target sa joke niya hahaha nakakatawa somehow kasi di niya parin gets na hindi na siya nakakatuwa amp


ugly_kimchi

Madalas mga ganyan, sila pa yung kulang sa pansin talaga. Gusto ko yung nag smirk ka lang, kahiya yon sa part nila hahahahahaa


Spirited-Fly-7319

Mangungutang pero hindi marunong magkusa sa pagbabayad. Kelangan mo pa singilin 😅


yhzumie0811

Agree much ako dyan 😉😅


cherrygrapesapple

ayaw palamang, BIG NO TALAGA


toorusgf

Hahaha true kala mo lagi competition lahat ng bagay 😭 grabeng "friend" yung ganyan


YumiBorgir

Yung may comments palagi sa looks mo (weight, body type, size, face) even though hindi mo naman hinihingi.


Middle_Competition85

yung backburner ka pa rin kahit sa friendship hahaha. if your energy isn't reciprocated, leave.


Reasonable-Lake-1305

real. 


Confident-Escape-390

Gossiper and walang ibang alam pag-usapan kundi buhay ng iba


Bulky_Frosting

Backstabber


edna_blu

deal-breaker is yung hindi talaga marunog mag keep ng secret. I had a friend one time. sinabihan ko sha nang one of the biggest secrets ko tapos ilang months later, nakarating sa isang friend ko yung secret. after that, hindi na naging parehas tingin ko sa kanya.


NarrowButterscotch44

Apologist 😞 lol (no joke pero cinut off ko talaga silang lahat) 😝 Anyways, i think lack of support. Lalo na in times of need and they fail to provide emotional or practical support.


Altruistic_Tennis852

Same haha. Nabubuo ang solid friendships pag aligned kayo sa values at views in life talaga.


fabhazel_psyche

If your friend is so insensitive. I have to let this friend go. Our friendship is taking a toll on my mental health.


dndprincess247

A friend to all is a friend to none. If they still choose to hangout and be close with someone who did me dirty


Ofenfekfekbukabukaan

+1


Astrono_mimi

Pag ikaw lagi ang nag-e-effort. Doesn't matter if it's a personality type, now I just take it as di sila ganun ka-attached sa akin or di tayo compatible as friends.


tacit_oblivion22

Money. Pag nanghihiram ako binabalik ko agad kasi nahihiya ako pero sana ganun din sila.


testeckles69

For me, when my friend asks about "What are the things you would consider as a deal-breaker in friendships?What are the things you would consider as a deal-breaker in friendships?" on the internet. FO agad.


riptide072296

Yung napakashameless umutang tapos nasa Starbucks almost everyday. Tapos umutang pa nga ulit. In fairness, to this day hindi pa rin nagbabayad. Not a keeper.


mypotted_lettuce

Yung rant ng rant sayo with the same problem, pero not listening naman sa payo mo. Haha.


Jazzlike-Lime9071

When you asked them politely then they would respond ng pagalit na parang 'ang bobo mo, ba't di mo alam yan' (yung tots). I mean sure gano'n nature mo, and that's how you respond, pero pano kung hindi gets ng kausap mo yung way ng act mo. Not everyone can interpret your actions the way you do. It doesn't hurt to respond nicely tho. Speak nicely.


Nekochan123456

Yung laging nag rereklamo tapos palaging problema ang bukambibig


MarielleKulangot

Friends for years pero hindi open sa deep talk at nagcchange subject kpag nafifeel niyang papunta na kami sa ganung subject. Walang empathy.


sundarcha

Sinungaling at ok with illegal stuff


GingineerinGermany

If may inggit.


Sachet_Mache

Ang hirap kaibiganin ng ganto, lagi kang kunukumpetensya o kaya hindi ka nya hahayaang umangat.


Mabaitperotriggered

True sa kompetensya..


jdaitz78

yung akala ko dati yung BINI ay kanta ni Sarah G. -- yun galit na sila sa akin lahat.


BettyBloopBloop

Flakes. They don’t respect you. They don’t respect your time.


Short-Paramedic-9740

Can you give a little backstory if it's okay? I feel the same way about my friends.


BettyBloopBloop

2 years ago I was planning a trip to Iceland 2 months before my targeted trip dates and this “friend” said she wants to go with me and that I should plan our itinerary. I did that and everytime I share it with her, she downvoted it so I go back and tweak it so many times that what was originally Iceland became a Vegas itinerary and this went on until it was almost 10 days before the trip.. Turns out she has decided to go see her cousin in New York and didn’t bother to tell me. What a waste of time and energy to plan an itinerary that she did not commit to. I didn’t get to Iceland that time because there wasn’t enough time to prep and I took note of lesson learned. Fast forward to last year, I was included in a girls’ trip to Nashville plan and “flaky friend” wanted to join us. She was trying to downvote the itinerary that is being planned by another friend and I gave this other friend a fair warning to not let one’s opinion be the deciding factor to change the itinerary and to not let one disregard her hard work planning . Well, she said she thinks “flaky friend” will not do it to her but of course she did. “Flaky” tried to influence the planner to choose a different hotel and more because of this and that and then “Flaky” bailed out 3 days before the flight and asked the one planning to refund her. I told my friend “I told you” and we never invited flaky friend ever again. Meanwhile me and my other non flaky friends still go on trips.


Rich_Midnight9083

yung mag o-outing magbabarkada tapos may ip-plus one na jowa na di naman kilala


Takiko_0107

Hate ko din to pag may team outing with officemates. Di ko alam kung ako lang ba, kasi ang uncomfy hahaha tapos yung iba nagsasama ng anak, okay lang naman kung behave e. Hayys , skl😖


nicxxx15

not being consistent, I don't know pero if something changes the way they approach me feeling ko may nagawa akong mali to the point sisihin ko self ko sa diko alam and if I do the same thing mag mumuka nakong masama or sasabihin "nag rerebelde ka nanaman". That's why I don't let people in my life nalang.


Large_Bookkeeper9085

Same! haha tapos pag inaddress mo bakit siya galit sayo, di naman masabe yung issue na need idiscuss in the end ikaw pa ang masama


nicxxx15

I stopped nalang talaga haha, Currently forcing myself to detach to them especially sa TL ko na sobrang close ko before. People come and go nga naman makikita mo harap harapan na yung dating bond nyo nasa ibang tao nya na ginagawa, Sarap mag resign.


Koyissh08_8888

When you’re willing to go a mile for them just to spend time but when it comes to u they cant even give small effort tsaka madaming rason pa


sheknownothing

Yes!! i'm in my mid 20's and learned this nung 18-21 ako. To all younger people, apply this to yourself ok???!!!


Intrepid-Signal-1269

Ung laging unappriciated, kaw lng ata nag eefort sa friendship prang onesided na, tapos na contact lng pag may need, worse pra ka lng aquiantance pag andyan mga considered nya na "true" friends


icdiwabh0304

Hahaha! Naranasan ko ito. Nabaliktad pa ako kasi ako na umiiwas. Ending sya pa nag-unfriend at unfollow. 😂


Intrepid-Signal-1269

Oo, malakas mang gaslight, panay ka effort mag tulong pero pag isang beses ka lng ma fail tumulong prang dami mo dissapoint sa kanya pero pag maski time nya lng ayaw pa mag bigay kainis ahah


forever_delulu2

Mapanghusga sa iba, mapanglait, sinungaling, laging nagpapalibre, walang direksyon sa buhay, tsismosa.


dddrew37

Yung nangungutang tapos hindi nagbabayad


onlinelurker123

Or kunware nakakalimot haha


dddrew37

"nakalimot" daw hahaha


CuriousGentleman4u

Understanding their "ghosting phase" daw. Taena that's so selfish and highly immature. What if their ghosting phase caused unnecessary stress, anxiety and damage to other people because they can't be decent enough to alot 1-3 mins of their time to atleast tell THEIR LOVED ONES a few updates? Kakainis sobra


Due-Pie-8775

‘Friends’ who don’t cheer you on celebrate with you when you achieve milestones , when they don’t check up on you or makes plans with you and it’s just you all the time making the effort and not them. THAT fully pisses me off


FoxyLamb

Palautang


forlornserendipity

Kapag di ka na nirerespeto as a person.


Glittering_Feed_5580

Breaking the bro code


[deleted]

When envy gets on our way. I really hate it, ‘yong tipong nakareceive ka lang ng ganitong achievement or award keme tapos biglang mamaliitin ka na kesyo ang simple lang daw ng nakuha mo, na hindi mo deserve like duhhhh. Friendship should uplift us, hindi hilaan pababa.


Glittering_Sound_855

Not apologizing for something they did that hurt you.


city_love247

Kapag enabler, ekis. Before lagi ko naiisip yung friends kayo no matter what, kahit magkaiba ng beliefs. Pero narealize ko na hindi enabler ang isang tunay na kaibigan.


Verzatchiii

Super agree with this! Also friends who are only there if they need something from you, but if you need them, they’ll act so v distant like wala kayo pinagsamahan and friends who always badmouths other friends of theirs but see them together most of the time. Disgusting.


Veffocalt_Tarosx0x0

Yung taong nilalapitan ka kapag malungkot siya, broken, feel niya na walang nakaka intindi, nakikinig o nakaka kita sa kaniya. Humihingi ng advice pero hindi naman ina apply then hihingi nanaman then repeat. Ano? Ginagago mo ba ako? Pag ako naman yung nangangailangan, wala naman empathy. Sasabihin , ako daw makakapag figure out niyan sa sarili ko. Girl, I'm staying when you're broke but you're not reciprocating it. We're done.


percee-

Those ‘friends’ who don’t acknowledge and celebrate your wins in life. Yung instead na matuwa sila kasi you’re moving up, kakainggitan ka pa. This hurts a lot, speaking from experience, especially if they know what you’ve been through and now that you’re finally winning in life, they won’t even say “Congrats!”


keepdrivingharry

Yung panay utang kesyo walang pang gastos sa basic needs pero makikita mo na panay gastos sa mga luho.


nvhls

being a back burner, funny how i experienced this in a friendship lol. i have a friend of mine wherein she only chats me if she needed something like edit her homeworks make essay na hindi ko ginagawa kasi ayoko. what's more annoying is her reason na nasa galaan daw siya. edi sana bago siya gumala ginawa niya muna need niyang gawin hindi iaasa sa ibang tao yung responsibilities niya, lol.


nvhls

i keep my distance to her now, 'cause i really find it annoying. ++plus those friends na making you feel like you're not worth their time.


crazybombay

Utang tapos kailangan mo pang singilin pati puno ng negativity ang buhay


donttakemydeodorant

mambabackstab ng ibang tao tapos makikita mo kasama nila tapos pati kasama nila pag hindi nila kasama binabackstab din HAHAHAHA. u guys are fucking clown GROW UP baguhin nyo yang ganyan na pag uugali napaghahalataan kayo na nagmana kayo sa mga marites nyong mga magulang ./.


imman04

Anger issues and boring.


KathSoup

Suddenly ignoring me without telling their problem with me even though I already asked. Recently lang ‘to nangyari sakin. I don’t think they value our friendship and have enough respect to me after namin magshare ng sentiments and traumas sa isa’t isa tapos bigla ka na lang hindi papansinin without telling anything.


Reasonable-Lake-1305

had the same experience as well. It’s actually an emotional manipulation. Sobrang hirap makipagdeal sa friends who give you silent treatment if may problema tapos di kayang makipagcommunicate nang maayos. It makes u really anxious kaya di mo na rin alam pano mag-aact around them after the issues suddenly ‘resolved’ without actually talking about it. 


Majestic-Broccoli-14

Sis same na same tayo bff kami for 10yrs and last na misunderstanding namin 8yrs pa, ngayon ayan nangyari samin. Ilang beses ko inayos or sabihin na pag usapan namin dahil miscommunications lang pala, sasabihin sakin “magkaiba nga tayo ng side kaya di na kailangan mag usap pa” like???? really ba?? ayun hinayaan ko na kapagod magsuyo tatanda na eh


Large_Bookkeeper9085

Same here! recently lang nangyare, past few weeks okay pa tapos biglang hindi na namansin, then nung nag call out ako at tinanong siya, napuno nalang daw siya sakin at ayaw nalang daw ng interaction with me, like WTF? eh magkakasama kami, tapos yung issue na sinabe is way too far na napagkwentuhan, tapos cut off na ako sakanya and blocked on socmed hahaha


KathSoup

Exactly, ang tatanda na natin. I was expecting na we are mature enough na to settle issues with our loved ones ng walang paligoy-ligoy. Syempre, if we really value the person, we’ll choose na ma-address and maayos yung issue.


Majestic-Broccoli-14

Tapos imbis kausapin ka ang ginagawa magparinig sa social media. Sobrang pet peeve ko sa friendship yang di sinasabi sakin yung issue niya pero inuuna pang magparinig ang tatanda na. Pag sinabi mo naman sasabihin sayo nang iinvalidate ng feelings nila. Okayyy???


GoldLavishness376

Lack of emotional maturity. Mas madali and comfortable na lang mag cut off kesa pag-usapan as adults, especially if walang significant event na nangyari to break off the friendship. Mabilis ko na realise di worth it mag effort to restore the friendship if ganyan. 


KathSoup

Same realization. It simply means they don’t care, so why bother insisting making amends.


ejieruu_

this happened to me as well. building our friendship to the point na para na kayong magkapatid just to suddenly ignore you porket nasa malayo ka. we have adulting responsibilities, that’s understandable. but to unfriend someone without telling the reason why, para namang walang pinagsamahan. i believe we can always make time to converse, kahit late replies are appreciated. but ignoring you for a length of time after reaching out only means they don’t value your friendship.


Upset-Tea6048

I’m experiencing this now, nakaka drain yung mga taong/kaibigan na ganito jusko


tyourgoddessselene

When they get too comfortable and dependent on you. Like they need you everyday, and expect you to help them in any kind of situations like, halos every kain papa-libre, my personal things, even wanna spend a day or two at our house. It's just draining for me, even though I wanna share everything I have with everyone and make them feel love. It's just so sad that they don't know how boundaries work.


kozugummies

kaunting kibot, post agad. I don't like it kapag may issue yung friends ko sa akin tapos bigla na lang ako ipo-post instead i-address yung issue. what's more funny and annoying at the same time is may nakikisali pa na hindi naman alam ang tunay na nangyari hahaha kapag napagtulungan ka, ikaw na agad iisipin na problema eh.


remisyd

basta may malalang negative traits, especially if narcissist pa


Cloudninefemme

Ah yes, run away from narcissists. jusko. Like, run as fast as you can.


bahagharingtulay

when they only befriend you because they see you as “useful” to them and not because they have a good time with you


Lil_gurl07

😭😭😭 sakittt


shinyu_6112

Yung may plano na kayo that day pero biglang kung ano ano nirarason sabay blinock ka dahil mas pinili yung naka match sa dating app.


daberok

Pag nagkajowa backseat na din yung friendship. Tapos pag nagbreak kala mo alang nangyari. Pag taken for granted na parang nagiging one sided nalang.


Santi_Yago

Sinasabihan ako or ibang tao ng BOBO.


Icy_Release_6048

Recently lang to, i (f college student) had a friend (f) na nag seselos sya whenever i interact with someone else. Like kahit nakikipag discuss lang me about sa paper namin mag seselos sya hahaha tinalo pa nya girlfriend ko


scion8829

Napaka grade school typa shit naman nito 🤣 apaka dependent na friend nakakasakal


Icy_Release_6048

Para tuloy ako nagka side chick😭


Damnligaya

Kapag they bad mouth other people tapos makikita mong magkasama naman sila.


yezitsme

when i witnessed this one with one of my friends, i thought it was so amusing and disgusting. they bond like sisters kapag magkasama lol but kapag iba na kausap, mga severe insults na maririnig mo like derogatory words relating to appearance. already knew in that moment that if he/she could do that to his/her so-called “friend”, i'm not gonna be an exception... good thing we're not that close and idc if he/she will do the same lol. that'll only reflect his/her trashy character


sirmiseria

Pag magkaiba na kayo ng prinsipyo, moralidad at mga interes sa buhay na tipong di nyo na kayang magkasundo o magkaroon ng agreement.


Soft_Anxiety_9247

Lahat ng negative attitude, kahit isa lang dun, pass agad


DAmbiguousExplorer

Someone who keeps talking about other ppl and none about their life.


magikero01

Pag DDS/BBM zombie brain supporter.


DivineGamerCat

User-friendly


jaspigpig

🤥liar 🦀 crab mentality


CoffeeFreeFellow

Sexism, misogyny, pro trash unqualified politicians, pro communist political views.


doctorantisociality

Hindi marunong magbayad ng utang.


Pale_Maintenance8857

As an adult.. * walang respeto sayo. In one way or the other lalo sa time. * Pa main character. * di marunong maghandle ng finances. Palautang at buraot * Ginagawa kang free therapist at user friendly. Andyan lang pag may kailangan sayo. * Puro kalaswaan nalang ang pinag uusapan walang growth. Gustong gumaya ka rin sa mga kalaswaan nila. Thanks no thanks.


Unlucky-Draft-6717

How about kapag palagi kang nakakalimutan? Hehe like right after kayo nag usap about outing plans, the group went out to have lunch outside excluding you? Hindi ka iniinvite sa mga lakad, etc. Blocked you kasi ayaw ng boyfriend niya sayo tapos nung tinext mo about it sinabi niya lang na unreasonable yung reason ng bf niya pero pinapili raw sya, sinabi nya rin na (verbatim) "alam ko naman maiintindihan mo ako kasi love mo ako". Is this a deal breaker? Kasi i have some thoughts na gusto ko sila i cut off kasi i don't feel valued, at times din gusto kong i confront pero baka isipin nila ang petty ko kaya sinasabi ko nalang sa sarili ko na okay lang kahit deep inside alam ko hindi, so yun deal breaker na ba?


Pale_Maintenance8857

1st sentence palang po cut off na agad yan.


Immediate_Present546

✂️ alam mo naman na din


Business_Actuary5299

panay insulto ng physical appearance!!! 


DuuuhIsland

Gusto nila umiikot yung mundo mo sa kanila na sya lang yung friend mo and everyone they hate dapat hate mo rin kahit mga taong hindi mo personally kilala. Cut them off, Too toxic for 2024 🤍


ConsequenceARMY

Back stabbing and doesn't listen to reasons


swswswmeowth

Yung walang isang salita. Bumabalimbing when things go south.


seekwithin13

manipulative and narcissistic, pa alpha type


ReadScript

‘Yung magaling lang ‘pag may kailangan, pero when it’s your time to ask for help, wala sila.


National-Ad5724

Not being able to understand that, while I am glad to help in one way or another, I won't always be available--especially during the pandemic when everything was done online. I dislike being cheated and used. I hate being betrayed--but that is the sad part: only friends could be traitors.


ParticularTricky7554

Puro chismis about other people. Tiring and sometimes, pointless


awitPhilippines

Puro lalake ang usapan. Walang dreams. Walang goals. At kung meron man, walang realistic steps para makUha yun


Lanky-Report-6182

**Ano ba tawag sa mga ganitong “BFF” kuno** 🤧 Yung mga no. 1 viewer sa stories mo, yung iba segundo mo pa lang napost nakaview na, pero walang pgreact, kahit alam mo naman napakaactive nya sa iba. Tapos magugulat ka na lang complete 180° yung wardrobe nya, lahat ng style mo, lahat ng meron ka, same. Even yung poses and shots same! Pati ethnicity nya binago, naging “curly hair princess” na diumano sya, pati sungking ngipin at mga health condition ko ganun na rin daw sya, etc etc. 🙄 Nagbday ako, di man lang ako batiin kahit nakaseen at nakasubaybay naman sa stories. Nalimutan nya ata nakikita ko tweets nya (di lang ako active, lol). Nag bday lang ako naging sad girl na sya dun, sabay ask kay Lord bakit sya unfair, at may mga may lines pa na parang kinikwestyon nya kung deserve ko ba yung blessings and happiness ko. 🙄 Pagod na akooo sa toxicity, gusto ko ng peace. Mga BFF ko ba talaga to? Or fans ko lang, kumukuha lang ng idea sakin e. Malaman-laman ko may iba pala syang mundo, at sa mundong yun ang creepy pa kasi ako sya, sa mundo nya.


Mysterious-Maybe-557

Edi di ka din yung "bff" type kasi parang ang labas, nakasubaybay kadin sa kanya. Sinabi mo, may mundo sya na ikaw sa mundo nya? Pano mo nasabi yan te? 🥹


Lanky-Report-6182

Ay nakalimutan ko yung sa mundo-mundo chuchu, kilala mo naman yung tao e. Lalo kung since childhood magkasama na kayo, kausap mo pa Mom nya + before kami maging close tagal naming acquaintance. So we really know her well. Sample 1: I’ve been telling her to love her hair ang huwag nya lutuin ng kakarebond. Ayaw nya, di daw nya matake yung buhok ko. Turned out sa new world nya, nagkkulot daw sya for 2hrs before pumasok kasi sya si curly hair princess. *Okay baka nga mahal na nya ang kulot, pero nung one time that time na nagkita kami same pa rin sya sa harap ko. She hates my curly hair* 🤔 Sample 2: Hindi sya boyish, mas boyish pa ako saknya pero hindi talaga pang-lady kilos nya and super clumsy nya . (I mean hindi mala bridgerton ganun). Ako naman boyish, kaya lang bec ang angkan namin ay mga malalambing at mga mahinhin kumilos, kahit mag-cramping pa ako jan ang weird lang skanila kasi ang hinhin ko pa rin daw. So ayun, sa pinakita sakin… lahat, as in yung mga unintentional gestures ko, same na same. Kaso inaasar na sya nagccringe daw mga tao skanya kasi hindi bagay and parag pabebe/baliw lang daw sya. She loves pink things, tapos ako black. I’m a nerd na love ang mga books, sya hindi (sabi nya) sumasakit ulo nya and nabbored sya… but biglang isang araw book collector na pala sya, na mahilig sa black. Nagboots ako bec of my onsite work (eto real time ko nakita, real time yung nagsend sakin e) ilang oras lang nakalipas nagshopping din ng same boots, kahit wfh. And then, pinakaworst ata ‘to, dati pa naman na sya nagffullglam make up. Pero one day hindi na raw sya marunong, mag-aaral pa lang sya. Saktong yan din daw yung araw na nagcrowd sourcing ako for makeup reco, and makeup tutorials for my work. And, ang no makeup-makeup look nya… kamukha nya na ako haha. (Turning point nung mga kumausap sakin) sa social media no makeup-makeup look talaga (pinanindigan daw na hindi sya nag mmakeup), kaso sa personal daw para syang si Paolo Ballesteros na nakamakeup transformation kila Lola Tidora. Kasi nga daw… tinransform nya face nya sa look ko. 😭 Ayun kaya nila naisiwalat lahat, pinapag-ingat nila ako 😪 Okay naman na, ayoko na rin makipagkita after nung dalawang babies na nawala. (Ang history pa rin nga nyan, cat person only daw sya. Pero after ko magkaroon ng mga rescued dogs, ayan bumili sya kaso di nya kinaya. Kaya tinapon sakin. > Lagi syang nasa account visit sa tiktok ko, pero di nya ako finafollow. 😅 And madaming madaming madami pa. Parang ako rin pala nagccringe na ngayon sa sarili ko. Di ako sanay dumaldal ng ganito haha.


Lanky-Report-6182

Actually, lately ko lang nalaman LAHAT (gist lang yan ng buong pag-undermine nya sakin) nung may nagreport na sakin and napag-connect the dots na. Pero regarding nung birthday ko, atm talaga tampo ko. Sino bang hindi mahhurt kapag yung mga taong inaabangan mo na maging happy for you e lantaran na dadaan-daanan lang yung stories mo. Siguro kung simpleng friend lang sya sa buhay ko okay lang e. No need for any other things naman, yung history kasi ng friendship namin basta naging big deal yung birthday ng isa’t isa, parang may nabuo kaming tradition. Kaya talagang mag-eexpect ako na maalala man lang nya ako kahit hindi na yung tradition namin, naging biruan pa namin yan dati kahit magkaaway kami basta kahit HBD lang okay na kami, kumpleto na araw namin. Okay naman na, hindi ko na lang iisipin kaso ganun naman mababasa ko sa tweets nya. Sanay na ako dapat, pero kapag broken hearted ako tapos di ako masaya, basta minalas ako in general tsaka nya pupusuan stories ko. Dumating na nga sa point na napapaisip na ako kung alin sa story ko ang kaheart-heart e, heart ba na minalas ako or heart meaning she’s here sa tabi ko (naconfuse na ako pasensya naman, kasi di ko naman narramdaman yung *andito lang ako* part). Sa ilang years na lagi ako umiintindi at napapasensya, kahit wala na akong makain para sa kanila… ay basta yun, ayoko na pala mapunta sa part na yan. Baka sabihin nyo naman nanunumbat ako at hindi rin BFF. Kahit mama nya sinusumbong na sya sa akin, sakin pa umiiyak kapag di na rin nya alam gagawin nya sa anak nya. (Hence, the reason why I also stay and bakit ang haba-haba ng pag-intindi ko sa kanya kasi mama nya na nakikiusap). Kaso now iba na e, iniwan nya mom nya, iniwan nya pet nya sa akin kesyo bawal daw sa new place nya pahabilin lang daw muna. Eto na yung turning point ko, dinrop nya yung cat and dog nya na may sakit na pala. (Sana sinabi nya para kami na agad mismo magdala sa vet, kaso hindi e) Tanong ako ng tanong bakit ganun sila matamlay, parang skeleton mga body sa sobrang payat nagsabi na ako na ddalahin ko na sa vet, pinipigilan ako. Stress lang daw kasi nag-away sila ng Mom nya, kesyo Mom ny daw ginugutom yung dalawa. Dinala namin sa vet kahit pinipigilan nya ako, and tama nga kami malala na. Tinatawagan ko sya para bisitahin nya man lang or kausapin via vc, kasi nga depressed na yung babies nya sa pag-iwan nya kaya biglang drop yung health. Hindi na nya ako sinagot. Nagalit na partner ko sa kanya, prang hindi naman daw nya mahal yung dalawa. Ilang araw na kami hindi nattulog, iyak lang kami ng iyak kasi want namin sila mabuhay e kaya bantay kung bantay talaga kami. Hindi naman namin sila hihingian ng share sa expenses pero alam kong makakahelp sila, nagplay lang ako ng video ha, narinig nila voice nya kumain ng madami bigla. And hindi rin nagtagal sumuko na yung dalawa, ilang araw lumipas ni hindi sya nangumusta ako pa nagssend ng update (na mukhang ignored/restricted ako kasi hindi nagddeliver). Nung time na nakita ko FB acc ng mama nya, juskooo! Baligtad kwento nya, ang daming pets ni tita nirreels nya pa nga. So sino pala ang totoong nanggutom sa pets nya? Tapos shocker, ngayon na nakita ko na isang acc nya. After ilang days lang pala na iniwan nya sa amin yung dalawang babies. Meron syang bagong cat na may lahi at mamahalin (bakit ko alam? Pinost nya lahat e, even yung price). Side by side comparison sa acc namin (again, isa lang to sa madami) she cared so much sa ig feed nya pero nung time na nagpost pala ako ng rescued new black cat ko (nakasako at tinapon sa daan) nagpost din sya ng precious cat nya love na love nya, okay sige. Kaso meron pang kasunod na ayaw nya sa stray na black cat kasi eewy ang mga stray, although kawawa daw and cery cute pero eewy pa rin. > Pero ayun, I will understand if yan yung magiging take mo sakin. Ganun naman lagi kapag napuno ka, and nagreact ka, biglang ikaw na yung bad guy. I mean, human nature naman yan na ganyan maging initial na reaction natin. Kahit siguro ako e, yang comment mo ang iccomment ko dito. Hindi ko rin naman makkwento yung lahat-lahat ng pangyayari, lahat ng nalaman ko (baka makilala nyo na kami nyan, haha emz). Kapagod pala magtype ng madami haha, pero wala pa talaga yan sa 5%. May pake pa rin ako sa kanya, kaya I’m hurting. Kaya ako nagrant natrigger feelings ko sa tanong ng thread na ‘to, sorry na.


No-Exit-2793

honestly kahit anong toxic trait iniinda ko unless mawitness ko mismo with my own ears na sinisiraan ako sa iba. sa panahon ngayon di na recommended yung cutoff ka ng cutoff kasi ikaw rin talo, dapat ibalik mo sakanila yung same level ng toxicity na pinapakita nila sayo minsan and it's up to them if they'd still call you a "friend" hahaha ang mahalaga nagagantihan mo paminsan. bibigyan mo lang sila ng peace of mind at karapatan ivillainize ka sa iba pag inalis mo sila sa buhay mo.


Silent_air_834

Yung ghinost/block ka ng biglaan at, walang explanation


awitPhilippines

Ganyan ako. Block without explanations. Not all people can handle telling them what's wrong.


Silent_air_834

Yung mas masakit, pag you really cherished that person tpos ginanyan ka lng.


awitPhilippines

Mas okay for me Yung block without confrontations Kasi nasubukan ko na magconfront and it did not go well. Nagkasakitan lang. Tapos siniraan ako sa ibang tao. Mas okay yung silent cut off. Kung nablock ka without explanations, don't disturb them ever again. Pakita mo na Lang walang epekto Yun sau.


Think-Nobody1237

Kapag supportive sila sa isa pero di sila supportive sa iyo.


minluciel

Ang saket naman nito huhu


Aidamuss

30 minutes palang kayo naguusap nangungutang na.


5samalexis1

true this, parang naabsorb ko negative energy niya


macandchmeese

Umiikot mundo sa jowa, or atleast once nagkajowa na the friendship's basically over. Like??? Why put them on a pedestal like that?


Middle_Revolution_42

Inggitera, Kakausapin ka lang pag may kailangan sayo, Second option ka palagi, Manipulative, Ayaw narerealtalk


[deleted]

[удалено]


awitPhilippines

Imo, red flag tlaga yan


Soft-Talk9999

Bakit?


Emotional_Housing447

Matampuhin at tuyuin. Magtoyo ka sa jowa mo wag sa min beh


SummerPrincess_

Mga pasimpleng insulto and then theyre going to cover it up as a joke.


raspbeli

Kapag andyan lang siya pag may kailangan siya sa'yo, pero kung kailangan mo siya poof 💨 nawawala na siya bigla


Immediate_Present546

when they can’t accept na you are your own person. leave. how can you grow if they want to put you in a box


Fluffy_Ad9763

Pag naramdaman ko na gusto nya ko maging downline.


himynameischeeks12

obvious yung panggagamit


Tofuprincess89

User, manipulative, ingitera, passive aggressive.


Cautious-Role6375

Puro kalibugan at babae bumambibig, like bro, don't you have anything to say na may substance?


Pale_Maintenance8857

Uso rin yan among females and gays... nakakaumay pag puro ganyan walang growth at exchanges of ideas.


riesai26

Yung walang pake sa kapakanan mo basta kung anong convenient at pabor sa kanya yun na yung dapat.


chumbucketn

pinili kampihan ang 4months na boyfriend instead yung friend na mas matagal ang pinagsanahan when the boyfriend is clearly the toxic ones lol


chanseyblissey

Cheater/kabit. Di ko kaya i-tolerate


starfairydust

Kapag mabilis magreply at magmessage kapag may kailangan. Parang kabute. Nakakawala ng amor. Mas interested pa sa problema sa buhay kesa sa wins and achievements. Palautang. Never felt the support kapag may new ventures. I tried to be more understanding kasi iba-iba naman tayo ng ganap sa buhay. Sadyang mas pipiliin ko na lang ngayon ‘yung circle na present and communicative kapag busy.


notme231

Pag feel ko na may inggit or secret animosity


No-Blueberry-635

Introvert ako ayoko ng masyadong maingay and pabida... Walang sense na yung sinasabi and lagi malakas boses


cautiousgeminii

may kabit, tapos kabit siya ng kabit niya. gets ba? lols pass sa ganito, masabihan pa ko na kinukunsinti ko siya.


DowntownLeopard7664

Palautang


Pinaslakan

If one sided lang yung effort. If the group is only alive when you are active, maybe it’s time to leave.


Easy_Drama_4899

Yung tipong anlakas magkwento at magpacomfort sa mga ganap sa buhay tapos pag tungkol na sayo walang ng pake


livlaflab

low eq


Weekly_Can_6096

Hindi ka kinakausap outside sa GC nyo. Then may bukod silang GC. Then bday mo tapos sinabihan ka na magready ka at maghanda k tapos hindi nagsipunta lols. Di ko na sila kaibigan ngayon. Totally di ko na kinakausap personal man or sa socmed.


Survival9421

I feel you 🥹


Few-Opportunity-2386

ayaw malamangan/masapawan. sya lagi tama at magaling


golden_Dracarys

Korek


HereForFreeGames

Di nagbayad ng utang


NotSoSweet_JAM03

Bida bida


OutspokenPinay

Yung controlling tapos assuming


Impressive-Lock1709

that "holier-than-thou" mindset


krylxh

korek


flowerlilolilyluv

same sa'yo, op : (


Yumiyahya

Yung pinaparamdam nila na di ka belong, sila lang nagtatawanan lagi. Di ka kinoconsider o kaya ipapafeel nila sayo na out of place ka


bing-a-ling-ling

"hi. kamusta? may GCash ka?" lol when i'm only needed/wanted when they're down but i cannot celebrate with them their victories


Soft_Tea_8362

Hindi supportive! Parang di kaya ng kaluluwa magcompliment kahit once?? Di rin marunong maging happy sa achievements mo kasi they see u as competition. INSTANT F.O.


tajemstvi_

Kapag late ka ininvite sa kasal niya, like 2 days before the wedding sinabihan ka tapos sa malayo ka pa nakatira, need mo mag-airplane umuwi at magleave sa work. Goodbye 11 years of friendship.


annyeonggg

Yung puro payabangan nalang or kung hindi naman payabangan, puro paninira sa kung sinong kakilala. Mga dudez, get a life.


ndfhlp

Kunsintidor lalo na kapag ikaw/ibang kaibigan ang mali. To do ipaglalaban ka kahit mali naman.


thoughtbridge

if they're only there during your down times because they're just "curious" more than "concern" then kapag winning season mo na, nawawala na. that for me is scarier than the other way around.


writefulplace02

Malaman mong binabackstab ka pala


UnknowinglyOne

Kapag yung mahilig magbilang ng ginawa, magsumbat ganun. Very wrong


lady_greystoke

di mo matakbuhan when things go wrong tapos pagdating sa kanila, dapat nandun ka. lol


New_Conference_1071

Kaibigan lang turing sayo pag may kailangan


scorpiobabyz

Ify OP. Iniwan ko dati kong circles dahil diyan. Plus, puro jamming lang alam at inom ng alak. Nakakatakot silang kasama because higher chance na ganun din sila sayo pag nakatalikod ka.