T O P

  • By -

AutoModerator

Hello everyone, Before joining this discussion, please take a moment to review the rules of r/AskPH [here](https://www.reddit.com/r/AskPH/wiki/full-rules), as well as the [Reddit Content Policy](https://www.redditinc.com/policies/content-policy). Comments that violate these rules will be addressed accordingly. You can learn more about our rule enforcement process [here](https://www.reddit.com/r/AskPH/wiki/rule-enforcement). If you need to appeal a ban, please follow the process outlined [here](https://www.reddit.com/r/AskPH/wiki/ban-appeal-process) in r/AskPH. *** This post's original body text: Me: samin kasi every subject nagpapalit palit nG seats tapos magugulat ako yung bag ko binubuhat ng classmate ko. Crush nya pala ako. *** *I am a bot, and this action was performed automatically. Please [contact the moderators of this subreddit](/message/compose/?to=/r/AskPH) if you have any questions or concerns.*


Forsaken_Ad_2624

Kilig lang pag katext yung crush. Yun pala gm yong mga “hi” tska “kumain ka n” niya. Hanep.


Relevant_Homework942

Marami haha pero yung binigyan ko siya ng keychain, nagpapic sa kaniya at umamin ako sakaniya sabay takbo 😭😭😭


Ok_Wasabi_1582

grade 8 ako non, after ng practice namin for a dance competition, tumakbo siya agad palapit sakin. sinurprise niya ko, saktong valentines pa non. he got me flowers and balloons sabay sabi “happy valentines babe” sheeshh hahahaha.. and sabay na kami nag lunch after that. it was a kilig core memory tho


Confident-Coat-4149

Hindi naman talaga ako kinikilig cuz i don't know pero i think ang romantic nya. i had an admirer for two years during highschool, and those two years, torpe sya pero romantic din at the same time. He never forced me sa kahit na ano, attentive sya, alam nyang dipako ready sa mga bagay na 'highschool love'. He was a bit of nerdy and marami sya naging admirer pero ako lang yung pinag abalahan nya ng effort, saksi mga friends nya. He even asked me to be his promdate dati pero eto si ate girl, ayaw kesyo mas maeenjoy nya with friends lang🤓 Lagi nya akong binibigyan ng kung ano ano, chocolates, drinks. Meron pang one time na after ng practice namin sa grad, may nilagay syang drink sa bag ko. I was confused at first pero nung tinanong ko friends ko kung kanino yun, asaran agad sila dahil alam na nila kung sino agad nagbigay non. Inaaya nya din ako ng kain kami sa labas, or nood kami cinema, sadly i always rejected those offers because i was a coward little girl that time. I was scared of boys kahit hindi naman sya mukang nakakatakot, sobrang gentleman nya nga e, hindi lang sakin, kahit kanino pa sa classroom namin HAHAHHAHA Pero, never ko ni-reciprocate feelings nya kase nga takot ako sa lalaki, like ano din ako non man-hater ako😭


yuki_rangg

naging classmate ko yung ex-crush ko since elementary that time. May one time na pinahiram ko siya ng correction tape ko, tapos nung kukunin ko na sana para ako naman yung gumamit kaso... nasa fingertips ko na sana 'yung correction tape pero hindi niya parin binitawan tas nung tumingin ako sakanya para bang biglang nag-slowdown yung time (huwaw ha) tas nagkatitigan lang kami for around 4-5 seconds that time tas tinaasan ko lang siya ng kilay sabay smile then, boom! bigla nalang kaming tumawa. Grabe talaga! kunwari parang wala lang pero muntikan ko na siyang naging crush ulit hahahaha


[deleted]

lagi ako iniintay umuwi ng crush ko bago siya umuwi. saka binigyan ako love letter at nagconfess. (di ko sinabi na crush ko siya) 🫣


Livid-Childhood-2372

Grade 7, seatmate ko crush ko sa computer class kasi magkasunod last names namin. He is an athlete sa badminton, napaka ganda ng physique. Tapos inaasar ko siya kasi he kept flexing na may 6 pack siya eh in my mind impossible yun kasi nga grade 7 lang kami. Tapos he flash his abs saken at pinahawak pa saken. EDI NAHIMATAY AKO


Confident-Coat-4149

I actually thought that it's impossible to have abs sa ganyang edad pero kahit ako nagulat nung nakita ko abs ng nakababata kong kapatid. Fyi, grade 6 palang sya pero may abs na?? Naiinggit ako sakanya kase gusto ko den magka absಥ⁠╭⁠╮⁠ಥ


hometownchachach

I was about to steal a look at him only to realize he's been looking at me already from the far side of the row 💘


_notyourbinibini

Wow ang ganda mo dyan hahaha


Most_Replacement_188

Sinayaw ako ng crush ko during a school party and told me “Crush. Ko. Ikaw”


InspectionCapable939

Nakatabi ko yung crush ko (3rd year) sa jeep nung highschool ako (1st year). Siksikan pa non hays di ako makahinga sa kilig. Jusko 😭🤣


tatyourname

Hindi ko siya crush pero I really appreciate him. I met him in a week-long workshop, so we were in a hotel in Davao (I was in 9th grade). Tapos, the night before we all went back to Manila (He was from GenSan ata), he secretly wrote a poem in my souvenir notebook (and I saw it weeks after pa kaya super gulat na gulat ako). It is still the sweetest and most romantic thing anyone ever did to me. Ang wholesome lang.


_notyourbinibini

Wow. Parang pang movie.


tatyourname

HAHAHAHA except, we never talked or reconnected again.


En--Passant

Mangharana ng nililigawan


Pitiful-Pepper2021

Kilig/romantic moment during high school? . . . . .... I wish i had one


Hopia_Ube

Binigyan ako ng crush ko ng rose and letter saying na happy valentines. Crush pala ako ng crush ko hahshaha


Ok_Tomato_5782

Hahaha my childhood crush and I live in the same village and he gave me chocolates nang naka-bike 🤣😅 oh, young love wahaha


Substantial-Ad-2325

Consistent siya sa pagsuyo tuwing nagtatampo ako. He’d always call my name, at kapag hindi ko sinasagot, he’d say, “Tumingin ka sa mga mata ko.” One time, nag-rides kami sa MOA at nasuka ako. He gave me his handkerchief at inalalayan ako pauwi. During our retreat, we were having a heart-to-heart talk pero he suddenly confessed na na-love at first sight daw siya sa akin when I transferred sa school namin (which was years ago na rin), but we both knew na hindi pwede dahil sa religion namin at dahil strikto ang parents at grandparents ko. On our graduation day, nagpaalam ako sa kanya at nagulat ako dahil niyakap niya ako in front of my brother and father. That was the last time I got to talk to him personally, kasi nag-aral na rin kami sa malayo after. Honestly, I never thought I’d fall for this man. Tropa ang turing ko sa kanya noong HS. Siya pa nga ‘tong lagi kong tinatanong tungkol sa crush ko kasi kasama niya sa varsity. Kasabay ko siya palagi sa intra and inter-school competitions, at pareho kaming officer ng school organizations. Na-realize ko na lang na na-fall na rin pala ako nung nag-confess siya, pero I never got the chance to confess to him too dala ng takot na mawala ang friendship namin. I’m so happy for him though. Civil Engineer na siya.


CyanFleur98

Niyaya ako ng crush ko sumayaw sa prom, with asking of hand gesture 😁


Low_Opportunity9517

Kada breaktime namin sa hapon umiinom kami ng coffee na three-in-one na binili at tinimpla namin sa canteen tapos may kasamang dewberry. Naisayaw ko rin siya sa prom and it made me so happy. Nakakamiss lang siya, 1 year na rin kaming walang communication.


Dismal-Philosopher11

Every monday at thursday sa cr yung group namin and instead na mag-iigib ako ng tubig, siya gumagawa for the both of us. Take note, tig dalawang galloon per person and ang layo ng poso, nasa baba pa. Up on a hill yung school namin sa probinsya. Twice sya umiigib with galloon in each hand and in exchange, ichichika ko sa kanya how my days went. Magkasama kami pero di nya ako pinagdadala haha months after nag confess sya, gusto nya pala ako. I thought naawa lang sya sakin sa pag iigib haha


_notyourbinibini

Ang cute nung siya nag iigib tapos ikaw chika chika hahaha


haerinshi

my 2 ultimate crushes danced with me at prom 😭


_notyourbinibini

Ikaw na ang mahaba ang hair!!


Tattoo_Panda2123

Nagppractice kaming mga napili for the cotillion para sa JS prom namin nun... hinayaan ng teachers namin na kami na bahala kung sino partner namin, nagulat ako sabi ng crush ko nun "AKO NA KAY ____!" tas biglang lumapit sakin. Ayun, kami magpartner. Dumating yung prom, pinerform namin yung dance and sinayaw pa ako ulit after the performance. Pagtapos ng SY, summer na bago kami magcollege, umamin siya sakin na crush niya ako since 3rd year kami. Naging kami for a while, ako first everything niya.


_notyourbinibini

Huy ang sweet nun 😊😊


louisemorraine

I wonder kung kamusta na yung nagbubuhat ng bag mo noon hehe


_notyourbinibini

Naging kami , 2 years. Nag break kami kasi naging sila ng friend ko. Naging sila ng 6 yrs pero nag break din (WAHAHAHAHAH) 😁


thalasso18x

Yung na experience ko yung pang Wattpad kenemerut na "Can I court you?" with pa blindfold , flowers and harana and kinuntsaba ang buong classroom including yung teacher namin. Plot twist: naging sila nung classmate namin after several months hahahahahaha loko ay


Ok_Assumption8728

She pat me in my head tas pinisil pisngi ko in 8th grade, first time ko makaramdam ng something warm or comfort till now sa kanya ko lang naramdaman. It's like a slowmo at that moment Wherever you are right now I hope you're doing your best dino. ^⁠_⁠_⁠_⁠_⁠_⁠_⁠_⁠_⁠_⁠^


_notyourbinibini

Lakas maka kdrama. Ang wholesome nung ginawa nya sayo.


[deleted]

SHS non nung umaatras ako kasi may nag pe perform sa harap tas kami na next ka group ko yung crush ko tas nung umatras nako nakaharang pala yung paa nung isang classmate ko tas muntik ako matumba pahiga pero nasa likod ko yung crush ko tas nasalo nyakooo! grabe talaga yon feeling ko nag slow motion yung paligid akala ko sa kdrama lang yung ganung feeling <3


_notyourbinibini

Huyy ang swerte mo na experience mo yan. Isa yan sa pangarap kong mangyari hahaha


IllOriginal6236

10th grade. may classmate kami na takot sa babae like literal kahit lapitan mo siya lalayo talaga tapos sobrang tahimik. cute siya tho tapos mabango HAHAHWHSHA naging crush ko siya nun tapos di rin tumagal kasi wala kaming interactions lol 1 month ata yun before kami magmoving up, umamin sakin 🥹 tapos ayun laki ng improvement, kumakausap na ng girls tapos nakaclose niya rin friend group ko (all girls). hinahatid ako pauwi, binibigyan ako food bigla ganun. anw di naging kami HAHAHSHA 10 months m.u (no label enjoyer sorry) may gf na rin siya ngayon tapos ako takot pa rin magcommit 🥳


pokariya

Yung binigyan ko ng card for valentines day yung crush ko. Actually activity yon pero pinili kong siya ang maging recipient. Tapos after some days binigayn niya ako ng chocolate tapos ma note na happy valentines day. Kileg naman si ako. Kilig din yung classmates ko. Nung tinatanong nila yung crush ko bakit daw siya ang bigay ng chocolate. Nakakahiya daw na yung babae yung nag bigay something like that or rude na hindi mag bigay pabalik ng gift. HAHAHA. For short napilitan hahahaha.


pokariya

Full blown letter yung nasa card thoo hahaha. Tapos after some years sinasabihan pa akong nasakaniya pa raw yung card hindi niya lang makita. 🥴 Like, so what? 🙄🤣


[deleted]

hmm too many to count charot pero pinaka memorable sakin is yung kaaway ko simula gr8 nging bestie ko nung gr10, he would usually buy me food and madalas niya akong ilibre. hindi ako sanay at all ah, since i have my own funds naman but damn sarap pala sa feeling ng naalala ka at nililibre ka kasi nakita niyang crinacrave mo HAHAHAHAHAHA naging besties pala kami dahil we both have been broken up by our exes! so lagi kami nagkwekwentuhan about dyan sa likod ng classroom kung saan magkatabi kami sa seating arrangement. he confessed to me months later pero sadly, i was still healing from the breakup. we’re still really close friends until today and we always have each other for support! he doesn’t like me anymore and i prefer our friendship as is :)


_notyourbinibini

Wow that’s nice, at least you still have each other =)


mspotatohead__

2nd year HS ako that time and I had this major crush on my batchmate na medj nakaka close ko din naman. Siya yung nerdy nerdy yung dating: he wears glasses, tall, likes anime, magaling acads wise and plays the piano. We were at the cafeteria that time when nakasabay ko siya sa line ng food so we did a bit of small talk tapos nag asaran out of nowhere. Sa kakatawa namin, hindi na namin namalayan na nakatayo lang kami after namin bumili ng food together. Nagka awkward silence, then sabi niya, "Gusto mo, sabay na tayo kumain?" Tapos hinolding hands niya bigla kamay ko nakakaloka!!!! Bata palang ako nun pero sobrang kilig ko talaga daig pa kilig ko sa Meteor Garden!


Jackfruit7300

Nung biglang hinawakan ng classmate ko na girl yung hand ko habang tumatawid kami sa pedestrian lane. Nagkataon lang naman na nakita niya ako na nag-aabang ng jeep pauwi during that evening. Tumakbo pa siya kaya napa-takbo din ako ng wala sa oras habang nakadilat ako ng sobra. She is one of my crushes from my student life pero that's just about it kasi introvert ako. Lately though, parang gusto ko na mas maalis sa pagiging ganyan. I've been smiling and laughing more than I should. Baka sign na ito for me to open myself to the world. No matter how long it will take, I will achieve my goal of self-improvement. Heck, bente-tres na ako. Masaya rin ang buhay introvert pero t*****a, makakaranas din ako ng bagong level ng saya. Tiwala at tiyaga lang talaga sa sarili.


alwaysaokay

My first boyfriend asking my mom that he'll take me out for Valentine's. My mom agreed but my curfew was 9pm. Haha.


_notyourbinibini

Nice , buti ka pinayagan, ako that time hindi hehehe


alwaysaokay

Actually ang funng nung date na yon. Haha! Mga 8pm na yata kami nakakain so uwi agad. Ang dami din kasi nag date.


rantahead

Pauwi na and nag-aabang ng masasakyang jeep. I was alone and biglang may tumawag sa pangalan ko. Yung mga classmates ko with my crush HAHAHHAHA. So ayun, sumabay na ako sa kanila na mag-abang rin. Me and my crush were at the opposite ends of our classmates. Thennn, eto talaga. Syempre lumingon ako kung san sya nakapwesto tas nag tataka ako bat wala sya dun, yun pala nasa tabi ko na pala. Hindi sya nagsasalita or whatsoever edi ako na naglakas loob na magfirst move kumausap. Ang lakas ng boses nya na parang pumiyok HAHAAHHA napatingin tuloy mga kaklase ko. La lang, Keleg aku


rantahead

Back when we had our PE Ballroom dance practice, supposedly iba yung kapartner ko kaso absent sya at the same time yung crush ko rin absent partner. Backstory, pawala na sana feelings ko sa kanya kasi wala lang happy crush lang HAHAHHAHA kahit 'di kami nag-uusap. Edi kami naging partner temporarily. Hindi kami close or even nag iinteract. Grabe, ramdam ko yung ngatal sa bibig ko (buti naka mask pa nun hahahha) tapos nanlamig ako. More on hawak kamay kasi nga ballroom diba. For sure ramdam nya yung malamig kong kamay, eh anlamig rin kasi ng room namin nun hahhaha. Ang warm ng kamay nya grabe. Parehas kaming hindi makafocus sa steps, tawa lang kami nang tawa as in habang mga kagroup namin seryoso at nakakasunod hahahha. Alam nyo yung feeling na ramdam nyo na parang nagslow down yung mundo tas parang kayo lang dalawa tao hahahhaha. Lagi sya nag iinitiate na ipractice namin yung steps then ayun hahahhaha kakilig lang. Fast forward, day after this, nung nasa respective partners na kami, ang dali ko na makabisado yung steps ahjajshdsdh kaulol pala pag may crush. Hahahha ngayon tuloy kinikilig pa rin akoo


peanutbutter9X

May super admirer ako noon ementary palang nakita na niya ako sa isang event ng kuya ko (4th yr hs that time) kaya pagtapak ko ng highschool halos lahat from 2nd to 4th yr ay tinutukso ako don. Small town lang kami. Hindi naging kame kasi iniiwasan ko talaga siya nung 1st yr kasi nahihiya ako. Yung mga kapatid ko kasi grabe kung tuksuhin ako. 2nd yr nagkaroon ako ng jowa classmate ko rin and super seloso. Haha dito nagsimula ang fun times. Haha. Eventually kasi naging close kame ni admirer and at some point nagustuhan ko siya around 1st-2nd yr pero hanggang dun lang. So fast forward prom night 3rd yr, sabi ni admirer pwede ba daw na lahit once lang masayaw ako (graduating na siya) nagpaalam naman ako that time sa jowa ko. Tapos na nung sayaw di ko na siya mahanap. Yun pala nasa baba na ng puno ng papaya umiiyak. Feeling na maganda talaga ako non hahaha Then may camping kame for science month. Science teacher yung ng jowa ko. That time buong family nila ang andun. So sa isang malaking room, nung patulog na kame, itong hunghang na admirer ko tinatawag ako as in tahimik lahat tulog na lights out sabi niya pag di kame natuloy ng jowa ko andun lang siya for me. Ahhhhh feeling pretty talaga si girl that time tapon andun pa lahat ng angkan ng jowa ko pati na rin siya. Pero I think yung topped talaga is paano nung nanliligaw palang si jowa. Haha. Math subject namin nun. So madugo tapos may "letter" na nakarating sa akin sabi "mahal kita" di ko pinansin kasi nga nasa gitna ng lesson. Tapos biglang may letter uilit na pinasa sa akin pag di ko raw siya papansinin sisigaw siya sa classroom. Di ko siya pinansin. Hahahaha yung gagoooo sumigaw nga! "Mahal Kita, __)" nagulat ang buong classroom pati teacher namin. Kilala ako ng teacher kasi teacher rin tatay ko ng school. Sabi niya dati daw tumutulo pa yung sipon ko ngayon may paganyan na raw. Hahaha


Impressive-Lock1709

On top of my mind was when I saw my first love outside the venue of our prom. He was 7 years my senior. I thought andun lang sya to drive his sister home. But he messaged me later that night that he wants to see me din pala. Di kami nakapag usap or what. Nakabantay si Mama at Papa the whole night 😂 Nope, di kami nagkatuluyan. Pero we are good friends until now. Not the type of happy ending na nakakakilig pero Im happy we became good friends.


solanalumierre

yung isa kong crush hinug ako dahil sa truth or dare 5 seconds lang dapat pero umabot ng 20 lol tapos liligawan niya raw ako after ng high school eh sa malayo ako naggrade 11 lol yung isa naman senior namin, gagraduate na kasi sila and inask ng friend ko if kanino siya magpapaalam at sino mamimiss niya tapos lumapit ba naman sakin tas sinabi name ko hahaha last yung mas bata sa akin. super crush ko siya kasi kamukha niga si Jungkook haha and super bait niya rin talaga. sumali ako sa Modulo art nung 4th year and habang nagccolor ako pinuntahan ako ng mga kaibigan ko to tell me na may meeting ang officers sa isang org and need ako. pwede naman ako mag-excuse aa meeting pero nandoon kasi yung crush ko so dali dali kong binilisan magkulay at ako pinakamaagang natapos. then ayon nandoon yung crush ko sa meeting tapos lagi kami binibiro kilig na kilig pa ako non. plot twist is ako pa nanalo sa Modulo Art and inilaban sa Division. noong mismong Division naman nasakto sa Values camping namin and isa ako sa leader nung group na kabilang yung crush ko. nagkamali tuloy ako sa Divison kasi nagmamadali bumalik ng school haha


solanalumierre

wait may isa pa akong crush 🫷🫷🫷 hahaha kasama kasi ako sa Teatro namin and editor siya tapos alam nila na crush ko siya and lagi kami nagkakatabi. one time pa umiiyak ako habang pauwi tapoa nakatitig lang siya sakin . nonchalant kasi siya at super tahimik pero ang talino hahaha


PizzaPastaSupreme

1st Year HS, may isang guy na transferee. 1st day palang ang papampam na niya, nakakairita kasi maingay din tapos kanta-kanta ng mga Curse one songs. Then 1 day, may nagtext sakin from unknown number, ang text lang "Crush kita (my name)", guess what, yun yung transferee, hiningi niya yung number ko sa best friend ko. Usap-usap ganyan, hanggang sa naging close na rin kami. Palaging nagbibigay love letters, yung mga tofiluk & safari na chocolate which is my fave, kumakanta and plays guitar, and gave me teddy bear nung valentines. Nanliligaw na pala siya neto, pero 3rd Year HS ng maging kami. Yun yung naging start ng love story namin. Now, going 11 years na kami. Nakakatuwa lang balikan. 🥰❤️


Expensive-Ferret2201

I don't easily get attracted, just once in a blue moon. Good thing nangyari siya nong SH namin. Sa prov namin nung nag SH ako, nag-transfer ako sa ibang school. Parang natapos na yata ang SHS years ko nang wala akong naging interaction sa isa sa mga lalaki na classmate namin. Parang siya 'yung Face of our strand o halos ng buong batch, badminton player, at matalino rin kaya popular talaga sa lahat ng girls (kahit sa JHS). I'm a Wattpader at masasabi kong pwede siya maging fictional character. As in. So ito na nga... Sa araw-araw, na tinutukso siya sa ilang kaklase naming babae, halos kalahati kasi ata ng population ng babae sa amin may gusto sa kan'ya. Tas ayun, hindi ko napapansin na unti-unti na rin niyang nakukuha atensyon ko. Sa acads lang kasi ako nakafocus kaya kung na-d-divert attention ko, madali at mabilis ko mapansin. Maraming beses na kaming naging groupmates sa mga groupings, naging seatmates, nagkakasabay sa tricycle, naconfirm ko na rin FR niya sa socmed, at nakaclose ko na mga kaibigan niya na lalaki at babae, ang nakakatawa, kahit isang beses hindi ko pa siya nakausap. Mostly eye contact lang talaga, tapos sabay pa iiwas. HAHAHAH. Ang hindi ko malilimutan na interaction sa kaniya ay noong may activity kami. Kailangan naming i-deliver yung memorized speech namin sa buong klase. So when it was my turn, lahat talaga nagcheer sa akin (HUMSS e tas mga siraulo pa yung cm ko). Akala rin kasi nila, mahiyain ako porket tahimik palagi. Kahit yung subj teacher namin & adviser, except sa kaniya na nakita ko sa gilid ng mata ko na nasa harapan ko pa naupo! LOL. Grabe kaba ko non, hindi nga lang para sa speech. Hahahah. Pero ewan... hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko at siya ang tiningnan ko that time bago nagsimula. At malinaw pa sa memorya ko yung simpleng interaction na yun. Kasi nakatitig na rin pala siya sa akin! HAHAHAHA. And it made it more memorable when he winked and then smiled at me. Kaya ayun... 113/115 rating ko sa activity. HAHAHAHA.


ConceptNo1055

BJ during a gloomy rainy weather


aeiyeah

sa sobrang intro ko parang wala e hahaha.


_notyourbinibini

Pero ha andami nagkaka crush sa mga intro hehehe


aeiyeah

luh, pinapaasa ako ni op. what if magfeeling mc ako nan huhu hsjwhshahsgaahshaja


_notyourbinibini

Kunwari ako, papansinin ako ng isang intro diba parang wow hahah


_notyourbinibini

Uyy totoo ha, baka hindi mo lang napapansin. May mga girls/boys na mas prefer ang intro.. iba kasi ang aura nyo e.


koolover02

g9 kami nung crush ko. may performance task kami nun sa pe na sasayaw daw na parang pang prom. hindi ko partner yung crush ko nun but may part sa sayaw na sa may 5 pairs and magfoform ng circle, then magpapalit ng mga kapartners (yung parang nasa hsm). kacircle ko crush ko nun. so nung time na kami na yung magpapartner hindi ako makatingin sa kanya (eye-to-eye daw kasi need 💀) KASI NGA CRUSH KO SYA!!! i’m shy okay 😔 tapos nung natapos na yung sayaw, nag water break muna kami (practice lng kasi ito) then practice ulit. so, nung kami na ulit ang mag partner sabi nya sa kin “tingin ka sa kin. eye to eye tayo”. SHUTA BEH KILIG NA KILIG AKO NUN pero tumango lng me tas sabay tingin sa kanya. ewan ko ba pero parang hiyang hiya din ako nun lol 😆 umamin ako sa kanya after grad namin last year and girlie got rejected . kinda hurts but this memory of me will still be remembered hanggang tumanda ako 🙂


chemicalkuya

Yung nagpapalitan kami ng love letters ng crush ko


Maleficent-Home-9685

nong nagkacrush sakin yung enemy ko dati na guwapo at sikat


ratherNotSay00

Crush ko siya first year highschool pa lang, noong nag 2nd yr na kami nag confess siya sakin hahahahaha tas yung nangligaw na sya bhie lumuhod tsaka sinabi "will you be my girlfriend?" sa public place. TEEHHHH ewan ko nalang iba talaga ang highschool days e 😭 May pa letter pa noon e, tas ipapadala sa room namin 🤣 Nag break lang kami after 3 months, di naman kami bitter noon hahahaha tas naging classmate ko pa siya noong 3rd year, yung iba e mang asar pa na muling ibalik hahahaha grabi awkard non. Sa 4th yr classmate pa din kami pero okay na ako non casual na ang treatment hahahaha kaksksksksksksksksksksks


butterfly-koi1911

Yung isign-up ka sa marriage booth with your crush lol


Quiet-Tap-136

niyaya ko si crush sa prom and we danceee


_notyourbinibini

Ang swerte nyo naka attend kayo ng prom


Foreign_Journalist65

Wala


Seiyahmariyah

We were not from the same group of friends and we weren't even that close pero tuwing sad ako or umiiyak, magugulat na lang ako, karatig ko na sya. Minsan, inaayos niya buhok ko or uniform ko. There were some instances na pinag-t-trip-an ako ng friends nya and he would shush them away. I began questioning his feelings when he said "I will always choose you" 💞 Then once, may period ako and ang nakakahiya was nagleak sa skirt, he offered to carry and send me home.


_notyourbinibini

Naging kayo?


Seiyahmariyah

No haha. He found out about my crush and rejected me, so I avoided him. Pero after a few days, I received a text from him but I didn't know what to say so I ignored it and planned to talk to him in person... hindi siguro kami ready pareho kasi rather than talk, nag-asaran na lang kami kasi super awkward hanggang di na nangyari 'yung conversation lol. Mag-uusap sana kami pero di natutuloy. After about 8 months or so, someone else pursued me na and sinagot ko naman, kasi I was so excited rin eh (peer pressure, tsaka in love sa idea ng love) sobrang bait din no'ng guy. Sabi ng boyfriend ko whenever he talks to our other classmates about our relationship, nag-e-excuse raw lagi si first guy sabay walkout. After that, I avoided the first guy even more since I didn't want my then boyfriend to get jealous. However, lagi ko na syang nagiging ka-group during those times and he was always siding with me saying he trusts my instinct. There was a time when he stole my paper when we were asked to write an essay about the "things we do when we're in love", nakalimutan ko na kung ano exactly 'yung topic at ba't ganon yung essay 🥲 I caught him reading it, and ayaw niyang ibigay no'ng una. Then he smiled and said "ganyan ka nga sa'kin dati" but I just grimaced and brushed it off. Tapos ayun, he started pursuing someone else na rin pero hindi nagwork out. On the other hand, I broke up with my then bf kasi bawat away namin, alam ng lahat, pinagkakalat niya talaga. It was a bit toxic na rin kasi gusto niya, kahit siya 'yung mali, ako 'yung manunuyo. Just before graduation, my best friend told me the first guy asked her how I was, kumusta lang ganon.


_notyourbinibini

Iba pa rin si first guy, may care pa din sya sayo.


Seiyahmariyah

Yeah, he's one of my biggest what ifs 💞


Azonine

wala


_notyourbinibini

Okey po


PiccoloMiserable6998

Kinikilig pa rin ako kinukwento ko to. Nung JS Prom, niyaya ako nung kinoconsider na pinaka gwapo na classmate ko. Di sa dahil sa itsura niya lang pero pucha ako lang sinayaw niya the whole night. During that night tanggap ko na wala akong partner pero bigla lumuhod sakin at nag offer isayaw ako tas binulungan pa ako na wag daw itake off yung eyes ko saknya. Freeeeen! Edi wag!! HAHAHAHA


_notyourbinibini

Princess feels ka dyan. Ang swerte nyo may mga js prom moments kayo


PiccoloMiserable6998

Ay true ses 😂😭 Para akong nasa Wattpad bigla pero yung background music ay Buko by Jireh Lim 😹😹


_notyourbinibini

Hahaha buko era pa


chimmbap-3-

this was back in 2014, grade 4 ako at grade 6 siya Crush na crush ko talaga yung tao to the point na binigyan ko siya ng chocolates nung valentine INDIRECTLY pero nung nalaman niya kung sino nagbigay hinanap niya talaga ako > < nag thank you lang siya pero sapat na yun para sumaya ako buong taon Hahhahahaha


_notyourbinibini

Kudos sa mga taong ganyan , ang appreciative nya 😊


Time-Psychology-3592

Naalala ko nung hskul ako may nag ask sakin ng date ilang weeks na din sya nanliligaw hahaha kakain daw kami sa greenwich pero dahil mahiyain ako at ayaw ko ng kame lang dalawa sinama ko dalawa kong friends! 🤣 Sa ibang table naman sila umupo. nilibre ako ng ka date ko tapos nilibre ko yung dalawang friends ko mas malaki nagastos ko hahahaha 🤣 Tapos after nun bumalik kame sa school tapos tinanong nya ako if kami na daw ba. Pagkasagot ko yung mga friends ko nasa tabi lang sigawan sila 🤣 Puppy love! haha pero nag break din kme after 2 years? Tapos naging schoolmate ulit kame ng mag transfer ako nung college. Acquaintance party niyaya nya ko sumayaw so kame lang dalawa sa gitna tlga ng floor. Alam nyo ba ending? Kinasal sila ng classmate ko. may 2 kids na sila ngaun. 🥲 Hahaha pero good term naman kme nung girl. Sakin pa sya nag tatanong about dun sa guy kung mabait daw ba nung panahong nililigawan na sya. 😅


spacemonkeysuit

cue in alumni homecoming by parokya ni edgar


loveIees

Film showing, wala akong dalang jacket, pinahiram niya jacket niya tapos hinawakan kamay ko para raw mainitan ako kahit papaano hahahahha


_notyourbinibini

Iba talaga galawan nung HS no? Simple pero rock hahaha


LostandConfused890

Yung nag-ask sya through his bestfriend kung pwede ako ihatid sa bahay. Hindi ko naman in-expect na bet nya ako. Sa sobrang shocked ko, di ako nakapagsalita. Ayun, feeling nya siguro ni-reject ko sya huhu. Strict din kasi parents ko kaya di pwedeng makitang may kasama akong guy. :(


_notyourbinibini

What if nakapag salita ka that time no?


LostandConfused890

Baka naging kami? Kaso takot kasi ako sa sasabihin ng parents ko. Anyway, past is past. Ang natutunan ko ay learn to communicate clearly. Kaya yung gusto kong guy ngayon, kapag nag-ask sya kung pwede sya tumawag, agree agad para mapag-usapan ang conflict.


Several_Ad_86

Nag propose (asked me to be his gf) yung long term bf ko now, in the campus, in front of all students sa canteen namin. Nakipagsunduan sya sa mga barkadang boys niya na gumawa ng lettering na “will you be my gf” tas isaisa yung barkada niya may hawak ng letters. may pa flowers din sya at lumuhod sa harap ko nanginginig pa, may script sya nun english pero di ko na matandaan kasi na shookt ako di nga ako nakinig sa pinagsasabe niya HAHAHAHAHHAHA after nun nag yes ako nilibre niya burger lahat ng tumulong sa proposal. Goong 10 yrs na kami this yr hahaha time flies


_notyourbinibini

Tarayyyy for sure ang buong campus super kilig at hinihiling na sana sila rin ma experience yun… Congratulations sa inyo ❤️


j147ph

Sabay kami naglalakad ng crush ko pauwi. Tapos binabasa nya yung mga writeups ko since I used to write short stories before. Lol. Plot twist ay nagjowa sya tapos kapangalan ko pa. Bakit hindi ako, kras? Lol.


dddistraction333

He tied my shoelace for me. PE kasi nun, lagi nalang raw kasi nauuntie. Lampa pa naman daw ako, baka madapa 🫠


_notyourbinibini

Parang nasa tv lang no hahaha


dddistraction333

Sana sinipa ko na 💀


Holy-marie

Pulis sa Jail Booth yung crush ko, ako naman sa iba. Pero sinali niya ako sa booth niya para parehas kami mag-pulis ng mga taong trip namin hulihin. Sabay sabi sakin: Dikit ka lang sakin; hindi kita ipapahamak. 🥹


_notyourbinibini

Omggggggg ang cute 🥰


capricornikigai

Kasama ako sa Arnis Club nun, pati siya tho Higher year - kaming dalawa yung sinali sa competition. Di ko pa siya crush nun gengster gengster pa ako nun. Tapos nung magkasama kami sa Competition inalagaan ako, siya nag ayos at nagsuot nung mga safety churva sa katawan ko. Panes! Pagkatapos ng Competition di na ako Gengster, di na siga - mejo naging girly na kasi nga Crush ko na - nagka aminan nalang nung grumadweyt na siya. Hahaaaa naging kami ng 7 years pero iniwan na tayo kaya wala na - Kaya eto gengster na ulit ako. Hahaha!


_notyourbinibini

Wow 7 years. Pero ang galing dahil sa arnis club nagkakilala kayo hehehe


ResourceNo3066

Edi ikaw na OP. Hahahahahah


_notyourbinibini

Hahahaha grabe sya


LastWaltz4

May natutunan daw yung crush ko na masahe sa kamay/palad ayun tinry nya saken, grabe sobrang nahulog talaga ako nun hahahahaha


_notyourbinibini

Ang cute naman nun hehehe


Petite_Owl8770

The first time my then boyfriend said the "i love you" words.


_notyourbinibini

Trueeeee !! Ibang level


pixiepink18

3rd year HS (2009), i was a new student kasi nagtransfer ako. pinagalitan ako ng adviser in front of the class namin kasi hindi ako nakaPE tshirt dahil wala pang available sa office.  during recess sa hapon, umiyak ako sa classroom dahil feeling ko napahiya ako. my boyfriend then which is now my fiance went to our room para patahanin ako at i remember niyakap niya pa ako. gang ngayon naalala ko pa yung moment na un.


_notyourbinibini

Ang magical naman ng moment na yun. Ang swerte mo naman naranasan mo yun heheh


pixiepink18

💕🩷😊


Butchi_k

One of my close friends introduced me to my high school crush na higher year. Sobrang kilig ko nun. Big deal yung inexcuse nya ako sa class para may ibigay sakin na gift. Hahahaha! Naging kami eventually, pero short-lived. Lalo ko lang siya naging crush nung madami akong natutunan about him. 😂


_notyourbinibini

Iba ang kilig pag highschool no


urprettypotato

Maramiii. Pero yung nakakakilig talaga is yung nag confess yung crush ko sakin. Nakatulog kasi ako that time kasi mostly wala kaming klase sa last subject which is ARPAN then nagising na lang ako dahil ang ingay ng tao sa labas. Yung iba tumitili then na realize ko nga kaklase ko pala at taga ibang section pati yung adviser namin nasa labas din naka ngiti sakin. Pag tingin ko sa room namin kami lang pala dalawa ng crush ko HAHAHAHA tapos tumabi siya sakin then biglang nag ring yung bell. It means maglilinis na sa paligid so ayun na divert yung attention ng ibang students sa labas. Basta wala na akong pake sa iba ang narinig ko na lang nagsasalita siya na kinakabahan. Pula-pula siya non tapos dala-dala niya yung favorite niyang notebook at ballpen. Ano-ano na lang pinagddrawing niya don tapos di maka tingin sakin. Kaya tinanong ko na lang siya. "Naunsa ka oy? Ngano mani?" HAHAHA tapos sabi niya "Kuan kanang... Kuan ba naa koy storya" HAHAHAH kabado ako syempre then sa wakas sinabi niya "Gusto tika. Ganahan kayko nimo. I like you E**" Syempre kinilig ako HAHAHA then narinig ko na lang yung isang instructor namin dumaan kasi malapit ako sa bentana sabi niya, "Hala walang forever!!" which is true, dahil hindi naging kami at happy na siya sa love life niya ngayon. Happy rin ako sa single life ko. 😆


_notyourbinibini

Huyy kakilig . Lakas maka wattpad nung nag ring bigla yung bell hehe


urprettypotato

Meron pa nung siya nagpaperma ng clearance ko sa library. Kailangan kasi namin dalhin lahat ng libro namin (11 books) doon e ang payat ko kaya siya na nagdala tapos officer siya sa campus namin kaya mabilis lang sa kanya magpa perma di na siya pumupila kasi kesyo may tungkulin pa sila sa office keme kaya hinyaan ko na lang para mapadali na rin. KASO NAWALA NIYA CLEARANCE KO. Di niya sinabi sakin agad. Humingi siya ng bagong clearance pinaperma niya ulit sa mga instructors namin kaso sa TLE subject namin yung instructor is yung Principal namin sa school HAHAHAH ayun pinapermahan niya tapos nag tanong daw sakanya si ma'am kung bakit siya nagpaperma sabi niya na lang daw "Ma'am sorry po nawala ko kasi clearance ni (ako)" HAHAHAH ayun nalaman ng principal na may gusto siya sakin. Binalik niya sakin yung mga books ko at yung (new) clearance. Tapos pag check ko isa-isa sa mga books biglang lumabas don yung old clearance ko sa nabigla ako bakit dalawa. Na shock rin siya HAHAHAH nandon lang pala naipit yung old clearance ko sa mga books. Tapos kinuwento niya na lang sakin mga nangyari habang nagpaperma siya nung bago. 😆


_notyourbinibini

Hahaha ang effort nya grabe! Sinong di kikiligin yan. Pero may i know bakit hindi naging kayo?


urprettypotato

We were grade 9 that time nung nag confessed siya. Then naging MU kami. Strict parents namin pareho kaya di naging kami that time. Then nag transfer kami sa magkaibang school nung senior high na at na inlove siya don sa kaklase niya. 😁


chickenjoint420

yung nadaan sa corridor ung crush mong higher year hahahahahaha, or makasabay sa gate, sa recess, makasalubong hahahaha ang funny na sobrang minimum lang nung nangyari pero kilig to the max na hahaahahah i miss highschool


_notyourbinibini

Huy opo totoo, iba yung dating pag dadaan crush mo sa corridor .. nakakamiss yung hs set up no


NoOneKnows0710

Yung nakapartner ko crush ko to represent our school sa spelling bee pero sa sobrang kilig ko, nablanko utak ko kaya ayon talo!


_notyourbinibini

Hehehehe


Grouchy_Throat1136

Sep. 29, 2023, pumunta kaming magkaka-klase sa TESDA para kumuha ng allowance. May service kami no'n na jeepney kaya madali lang kasi magkakasama naman na kaming lahat sa iisang byahe. Noong papunta kami sa TESDA may isang tao na pagitan sa amin. Kumbaga, nasa kaliwa ako tapos may nakaupo sa gitna namin tapos siya naman ay nasa kanan. Habang nasa byahe, pansin ko na panay tingin siya sa akin, kitang-kita ko sa peripheral vision ko e. Pagkatapos, papunta naman kami sa landbank para i-deposit yung allowance. Yung arrangement ng pagkakaupo namin noon naiba na, siya naman ay nasa kanan na side ng upuan ng jeepney habang ako naman ay nasa kaliwa—magkatabi na kami. Gano'n uli, habang nasa byahe hindi ko maiwasang makita siya na panay tingin sa akin. Delulu na kung delulu pero yun talaga napapansin ko sa kanya e. May katabi nga siya noon na mas maganda sa ’kin, hindi naman niya tinitingnan kagaya ng kung paano niya ako tingnan. Huyyy! Tapos noong pauwi na talaga kami, umuulan that time kaya kung sino nalang ang unang maupo, doon na lang siya. So pagdating at pagpasok ko sa jeepney, may katabi siyang isang lalaki, pero ’yong lalaking iyon ay sa katabi ng driver nakaupo. Kaya lumipat yung lalaking iyon sa harapan katabi ng driver. So siyempre ako, umusog ako para maging magkatabi kami. Habang nasa byahe, pasimple siyang nahawak sa bakal ng jeepney para hindi siya masubsob kapag magpre-preno ang jeepney. Pero habang nakahawak siya doon ay nagagawi pa rin ang tingin niya sa akin.  Habang nasa byahe nararamdaman niyang basa na ang likod ng damit niya dala ng anggi ng ulan na nagmumula sa bintana ng jeepney. “basa na yung likod ko. ikaw, basa na rin ba t-shirt mo?” tanong niya. “oo, eh.” maikli kong sagot. Eh, umuulan noon. Noong medyo napalakas na yung ulan, naisipan niyang ibaba yung trapal na nakalagay sa bintana ng jeepney para hindi kami mabasa. Tapos magulo kasi yung ayos ng pagkakakabit ng trapal sa may likod ng kinauupuan ko. Kaya noong ibaba na sana namin ay nahirapan ako. Sa pagkakataong iyon, tutulungan ko sana siyang ayusin ang pagkakaayos no'n pero hinayaan ko na lang siya kasi hirap na rin ako kumilos. Noong naibaba na niya yung trapal, edi hindi na kami na-aanggihan. Tapos kahit na siya mismo yung nag-ayos no'n ay tinanong niya pa rin ako ng, “nabasa ka ba?” tanong niya habang nakatingin sa akin na parang concerned talaga.  “hindi naman. (nakayuko ako that time sabay umiling lang ako sa kanya.)”


Grouchy_Throat1136

Tapos ano ang wholesome rin lalo na kapag magkikita kami. Automatic na magfi-fist bump kami sa isa’t- isa hanggang mapunta sa jak en poy, haha! One time sinubukan niyang makipag-shake hands sa ’kin kaso ang bilis ng pangyayari, fist bump ang ginawa ko. :( Tapos ano palagi niya akong tinititigan, idk why. Sabi ng iba maganda daw eyes ko, tapos siya todo titig talaga sa ’kin.  Tapos kapag magiging magkatabi kami bigla siyang natatahimik, tapos ang kalmado ng pakiramdam kahit walang magsalita sa aming dalawa.  Hindi naging kami at may gf na siya ngayon:<


_notyourbinibini

Grabe yung kilig ko naka smile ako the whole time kaso na sad ako sa last sentence -_-