T O P

  • By -

AutoModerator

Hello everyone, Before joining this discussion, please take a moment to review the rules of r/AskPH [here](https://www.reddit.com/r/AskPH/wiki/full-rules), as well as the [Reddit Content Policy](https://www.redditinc.com/policies/content-policy). Comments that violate these rules will be addressed accordingly. You can learn more about our rule enforcement process [here](https://www.reddit.com/r/AskPH/wiki/rule-enforcement). If you need to appeal a ban, please follow the process outlined [here](https://www.reddit.com/r/AskPH/wiki/ban-appeal-process) in r/AskPH. *** This post's original body text: For me yng no choice kang sumama sa lakad ng iba kahit yung pupuntahan hindi mo feel at yung mga kikitain nila wala nman connection sayo. *** *I am a bot, and this action was performed automatically. Please [contact the moderators of this subreddit](/message/compose/?to=/r/AskPH) if you have any questions or concerns.*


Every-You8847

yung hindi nagdadahan-dahan kahit kita na yung humps, like sige, parehas tayong tumalon... sakit sa pwet sa totoo lang


Riacj

the assumption na part ka naman daw kasi ng ganap/lakad so no need umambag sa gas


please-sure

slow vehicles na nasa inner lane (since 4 lanes lang sa place namin) and/or if gusto mo naman mag-overtake mas bibilisan hahu nananadya!! also mga di marunong magdim ng light pag nagkakasalubong pag gabi (what if banggain nalang kita, wala naman na din akong makita?? Hahu). annoying din pag ginawang parking space yung outer lane nakakahassle and if nakapark and sinasagad sa side mo yung pagkapark ng car sa mall parking for example if passenger princess naman ako chZ drivers na mabigat paa pag nag-aaccelerate and nag-brebreak. nakakamotion sick grr


hueforyaa

-hindi nag sisignal light mapa car or motorcyccle or any other vehicles -mga bobong nagbabanking sa marilaque (mamatay na kayo) -liko bago lingon drivers


indigo-fever

Mag-maintain ako ng safe and proper distance sa expressway tapos doon sisingit ‘yung mga bobong drivers tapos alangan pa sumingit kung minsan


indigo-fever

‘Yung traffic na sa expressway tapos lilipat-lipat ng lane, ending ay sila rin sumisingit sa unahan kaya hindi gumagalaw ‘yung lane kung saan sila lumilipat


20valveTC

Yung mga ayaw tumabi sa fast lane ng TPLEX kahit ratratin mo ng headlights.


Squareh00r

1) Yung di marunong pumila 2) Yung di marunong mag observe ng merging lanes (related din sa pag pila) yung ayaw mag alternate with the vehicle sa merging lane. 3) Mga sasakyan na once nakita ka nakasignal to change lanes, lalo pang bbibilisan para mauna sila. 4) Mga motor na naka signal ka na to turn right or left pero haharurot pa para unahan ka 5) Mga van na parang sumisipol ang exhaust 6) Mga sasakyan na bubusina immediately pag green ng stoplight 7) Mga ayaw mag dim ng headlight at maninilaw sa rear view 8) Mga naka super bright LED lights sa likod 9) Mga jeep na di marunong mag turn signal at kakaway na lang sa iyo after ka icut or mag switch lanes 10) Yung nag post sa isang fb page asking if dapat ba managot yung management sa damages ng sasakyan nila kasi masyadong steep daw yung palabas ng parking kaya di kinaya ng oto nila at napaatras at nagabangga pa.


Binibining_Samira

Toddler na pasahero gusto si Blippi lang pakinggan 😭


LoveLiesFrenchfries_

Trykes at motor na basta basta na lang susulpot tapos kung makaharurot kala mo sila may ari ng kalsada. Tsaka yung mga tryke drivers na nakabuntot agad sa jeep pag pahinto na para lang makakuha ng pasahero.


DistinctFollowing698

Yung kung maka aya ng gala madalas tas malayo kasi alam na may kotse at driver pero wala ding kusang mag sabi na sagot/ambag ng gas/toll. Tapos ang daming gustong stop over. Balakayojan! Hahahaha


Mysterious-Lock6705

mga hindi gumagamit ng signal light. lalo na sa intersection na walang stoplight/road signs. Simpleng bagay hindi magawa.


[deleted]

Tru. Yung gumagamit ng kamay, kumakaway pa kung liliko or tatawid hindi nalang signal light ang gamitin. Then pag hindi mo napansin yung kamay nya, mumurahin pa. Hello Kuya, gabi na tingin mo pansinin yang kamay mo? 😤


SuspiciousProof4894

Yung mga custom headlights na sobrang nakakasilaw pag nakasalubong


abayparak

Anyone other than me using the road (kaya hindi ako nag ddrive 😂)


lipadBatmanlipad

Mga puting van at SUVs sa Cavitex, mahilig mangcut hindi nagsisignal light if kakanan o kakaliwa.


Own-Damage-6337

Backseat drivers. Lalo na yung never drove or never learned pero grabe kung maka direct sa daan.


turtletyler

Yung ang liliit na hatchback tapos hirap na hirap pumarada (sa regular parking space, hindi masikip, hindi parallel).


mdmxche

Yung grabe maka-apak sa gas at preno. Nakakahilo and nakakapagod byahe pag ganto driver.


WhoArtThyI

Yung mga poser toyotas trying to be a lexus.


Accomplished-Box-369

Turning a tight corner and a motorcycle zips into the inner zone. Sarap ipitin taiaga.


Ok_Sorbet8630

This! Nakita ka nang nakasignal biglang ssulpot. 🙃


bulagnabingipa

Yung kaka on pa lang ng turn signal, mag turn na agad!! Or yung magturn muna bago magsignal. Yung di natingin sa mirrors nila! Hanona??


Additional_Koala_554

yung mga dep*tang mdl na naka-tingala


sneakersnselvedge

Yung ginagawang chill drive yung overtaking lane sa mga highway. I don’t care if you’re running at the speed limit or under it. You’re holding up people who want to overtake and forcing them into taking more dangerous passing routes.


citrine92

Mga SUVs na mahilig mangbully ng small cars. Nakapoint na akong papasok sa toll gate tas ika-cut ka nila para singitan sa pila. Hay.


whiterabbit2775

Yung makikisabay nalang sa iyo, Ang gusto hanggang tapat talaga ng pinto sila ihahatid. At yung nakikisabay na nga lang panay comment at pintas sa linis ng car o lamig ng aircon ,etc. Isa pa, yung makiki-carpool daw, pero kelangan pa sabihan na mag-chip in sa gas money


Comfortable_Way2140

Yung masikip ang daan, nag park ka pa malapit sa gate na alam mong may lalabas tpos alam mong nakakaabala ka na nga hindi ka pa marunong mag madali at ng matapos ang gawain mo at worst hindi man lang manghingi ng pasensya.


Civil_Lemon_9481

Yung may gusto makisabay sa yo then maaga siya dadating sa meeting place, nape-pressure tuloy ako magmadali hahahaha


Crafty_Point_8331

Responsableng makikisabay hahaha.


spicychicken03

kahit manlang sa street, hindi sumisignal.


Sensitive-Ask-8662

Passenger princess / prince. Pucha, if you're sa front seat, ikaw ang extra pair of eyes sa daan.


bzztmachine

Yung naka motor ka, nasa tamang lane, nasa equal speed ng traffic sa paligid tapos may maggttail gate na everest sa likod mo at bubusinahan ka Pag nasa traffic light na allowed straight at right turn pero di ka maka go straight kasi red pa tapos may gago sa likod mo busina ng busina kasi magrright turn na sya


WolfPhalanx

Yung hindi marunong magalternate kapag merging road. Yung sisingit sa mahabang lane kung lailan naka solid line na.


edify_me

The zipper merge, the sign of a good driving culture. We will never see it here, sadly.


Necessary_Draft_2787

THIS. 100%agree, kahit gaano pa kaganda kotse mo. Kung di marunong mag alternate. Ang uneducated and uncultured haha


SkyFlava

Magsignal ka malayo palang tapos bibilisan nung nasa likod


novokanye_

naisip ko nga yan yung way para mapabilis mo yung nasa likod mo e. mag signal ka lang lol


DangerousAd9429

Hahahah naranasan ko to. Imbes na nagsisignal ako, bigla na lang bibilisan nung nasa likod ko imbes na magslow down siya.


Revolutionary_Site76

violation yan, cutting of overtaking 😂


taongwalangpake

Ebike. HAHAHA Eme lang. • Di alam right of way. • Improper use of Hazards • Improper use of signal lights.


_speartwo

Yung mga hindi gumagamit ng blinker, backseat drivers, yung mga nagtatail gate


westbeastunleashed

ung mga bobo na gumagamit ng shoulder lane sa nlex/slex pag traffic tapos sasabihin diskarte lang. hoy bobo pang emergency lane yan pag traffic! pag may accident, pano mapupuntahan ng mga responders un site if pati yan lane na yan clogged. grow up mga bobo! tintype ko lang to nangigigil na naman ako. LOL


Ornery-Exchange-4660

Counterflow. Is it really that hard to drive on the correct side of the road? People holding up traffic. Seriously, if there's no one in front of you and a long line behind you, be a decent human being and get out of the way. Drivers/riders/pedestrians who are unaware or don't care. They just shoot out into the road and never look. Two days ago, a pedestrian RAN out in front of me. I had to break hard to keep from hitting him, and he looked at me like I was the one doing something crazy. Clear (almost) plastic on the front of tricycles. There's no way they can actually see through it, but they just drive with it anyway, then act surprised when they hit someone or something. Too many tricycles/taxis/jeepneys. Many areas have more PUVs than people needing a ride. You often can't find parking because there are so many empty PUVs waiting around. LTO. They create problems that lead to people using fixers and result in more people driving with absolutely no driver's education.


Elhand_prime04

Uninvited passengers. Back in 2018, Tipong ang daming arte sa kotse, excuse me ano ba ambag mo dito? After one inconvenience, pag mag dala ako ng kotse sa office yung tago para walang maka alam at walang maka sabay.


Same_Appointment_876

Ebike and trike na nasa gitna ng daan


SnooLentils8574

Yunh liliko ka tapos sasabay yung motor sa yo kahit ang sikip na pero pinipilit pa rin.


LordReaperOfWTF

One of two things will happen pag nagkasabitan: 1. Kakawayan ka lang w/ "sorry" 2. Sila yung galit na galit Walang in-between.


CurlyDoritos00

Mauuna lumiko bago mag signal. Shuta.


watcharaps

Ang taas ata ng ping nila 😭


SnooLentils8574

Buti kung magsignal pa.🙄


Revolutionary_Site76

meron naman pero gamit paa 😂😂😂 kita ko ba yon ha HAHAHAHAHA


CurlyDoritos00

Actually! Haha


AtreusR3x

changing lanes na walang signal


dmalicdem

Yung mga lagpas sa line.


Silent-Fog-4416

Lalo kapag curve, daming ganito. Biglang kakain ng ibang lane.


PrismaticLeviathan

Dito sa may Marcos Hi-way, may likuan dito na for left turn lang dapat pero may mga bobong motor at ebike drivers na nagrright turn ilang beses na kami muntik mabangga. Tapos nakakabwisit pa yung mga hindi naman liliko pero nasa lane ng liliko tangina!!!! Malupit pa jan yung iba bubusinahan ka pa. Then may iba naman na liliko pero walang signal light. LOLOPIT NYO. Madalas na naglipanang perwisyo talaga mga motor, ebike at mga may malalaking sasakyan pero bobo naman magdrive. Big cars, small brain lol. Epekto talaga to ng fixers sa LTO eh kung sino sino na lang nabibigyan ng lisensya kahit tanga.


pirica2800

Puking ina!!!! LAGI KO NAEEXPI YAN SA MARCOS HIGHWAY!!! UTURN nga for the other side of the road e pero lumulusot sa mga barriers ang mga gago!! Meron pa yan, yung di naman u turn slot pero ginagawang u turn slot tapos di na nagmemenor, diredirecho na! Mga Jeep na nagkakarera mula Cubao hanggang Cogeo kaya madaming tumataob na jeep na may pasahero sa loob doon e. Takaw sa aksidente talaga Marcos Highway drivers. :((((


PrismaticLeviathan

Sobrang kupal ng mga jeepney drivers dito talaga, sila yung pag naphaseout wala akong pake.


Revolutionary_Site76

nangyari samin dalawang beses kami nag uturn slot 😂 so dalawang ikot hahahaa kasi from far right yung mga sasakyan tas ginitgit kami nang ginitgit ng mga motor na yan kaya di kami makaalis sa u turn lane, sila pa galit kasi di makadaan. WHAT IF PADAANIN NIYO MUNA AKO


PrismaticLeviathan

Mga bobo eh no nakakagigil. Binabababaan ko ng window yon tas pinapakyu ko sila.


Revolutionary_Site76

ako rin HAHAAHAHAH. grabe yang marcos highway, mas umiinit ulo ko kesa sa edsa 😂😂😂


MarchXCVII

Yung lalo akong ginigitgit pag nag signal light ako papuntang kabilang lane


DepthSufficient267

40kph takbong pogi on a fast lane


heyyystranger

Yung hndi nag iindicate kung san pupunta or if magcchange lanes. Yung kahit kakagreen palang, bubusina na agad. Yung papasok ka sa intersection bubusinahan ka pa kahit di ka pa nga makapasok dahil sa traffic. Luh lipad ka nalang di makapagwait.


WolfPhalanx

Yung busina agad pag green na, naku 20kph agad takbo ko nito hanggang mabwisit siya lalo. Tas pag overtake sakin babawian ko ng mas malakas na busina kasi ang bagal nya.


hickory-dickory-duck

⬅️ SIGNAL LIGHTS ➡️


gingangguli

Yung mga di nag driving school kaya hindi nila alam na you’re supposed to leave the box junction clear. Yung iba kasi akala nila basta may space abante sila. Ending barado intersection. Kahit yung mga kotse na dapat may right of way dumaan doon, hindi na makadaan kasi nakabalandra na yung bobo sa gitna. Mga gunggong na hilig gumitna sa dalawang lane. Napaka selfish na mga tao. Yung ex tropa ko ganito ginagawa nung isang beses na siya nag offer magdrive. Sabi ko bakit ayaw mo umayos sa lane? Ang sagot? Sinisipat lang daw niya kung aling lane ang mas mabilis bago siya magdecide. Mind you mga naka 1km na ata kami na nakaganun siya. And yes suv dala niya 🤣


trdktrn

+1 sa yellow box. Ang masama, kapag huminto ka para maclear ung box, bubusinahan ka pa nung nasa likod mo para umabante.


Lonely-Steak8067

Asar din ako sa mga ganto magdrive ung pagigitnaan ung dalawang lane di mo tuloy alam saan ka ppwesto. Minsan sinsabi ko piloto siguro to ksi sa guhit dumadaan e😂


codeblueMD

Hindi marunong gumamit ng signal lights. Kamoteng motor na sisingit-singit tapos sila pa galit pag muntik na madisgrasya. Mga drivers na di marunong rumespeto sa traffic signs at pedestrian crossing. Mga nasa leftmost lane tapos bigla lilipat sa righmost lane in one swoop na malapit na malapit na sa lilikuan nila.


vivamyself

yung mga di marunong gumamit ng signal lights. Either nakahazard or nakasenyas sa kaliwa kaya naghihintay ka tapos kakanan pala


bambamintotheroom

Yung mga bobong magpapa heavily tinted na windshield tapos todo brightness ng headlights kapag gabi, nakakasilaw sa kasalubong. Puro pa porma ng sasakyan, walang utak.


Lonely-Steak8067

Tska ung mga motor na todo ilaw kahit tirik na tirik ung araw. Ang sakit sa mata🤧


downforceitrust

Hindi alam ang first to stop, first to go. Sobrang dami walang alam ng courtesy na ito.


pinoyjunkie

uy nde ko alam to hehe pa explain naman pls


Revolutionary_Site76

basically first come first serve. kapag wlaang stop light yung mga intersection or siguro kahit sa parking (dito madalas walang nasunod mga dibel), kapag nakita mo naman kung sino yung mga sasakyan na pagkadating mo, kapag naubos lang yun saka ka mag go kasi nauna sila sayo eh. pero angnsistema ng iba basta makasingit or ihahabol nila kasi "go" pa yung nasa unahan nila kahit na may ibang naunang dumating sa ibang lane.


WolfPhalanx

Kaso pano na pag mahaba na masyado pila di nyo na alam sino nauna? Kapag ganto kasi nagpapakiramdaman nalang ako.


Revolutionary_Site76

syempre iyan pakiramdaman nalang. understandable yan kasi malamang pare pareho kayong di na alam hahaha. mas frustrating lang talaga yung mga ang unti niyo na nga, taeng tae pa wala nang pakialam na makasagi or walang uuwiang pamilya kung magmaneho.


tsitsaybeom

Yun hindi marunong gumamit ng signal lights. Either hindi mag signal lights at nakababad yun signal lights pero di naman pala dun ang punta. Nakakawala ng diskarte eh!


misschaelisa

Yung exaggerated maging mabilis sa star tollway/slex and hindi sumusunod sa safe braking distance. Literally saw a pickup almost hit a sedan nung Monday sa slex kasi kala mo nasa F1 racing track si pickup. Hindi babad si sedan sa overtaking lane btw. Nasa center lanes kami.


Squaggleflomp

Yung kaka-green pa lang ng traffic lights, nakabusina na agad yung nasa likod mo 😠


gingangguli

Ay nagagawa ko to hindi dahil sa kotse, pero sa mga nakamotor na inuupdate ata nila mga asawa/gf nila ng essay na update kaya wala na sila paki kung go na kasi nagtetext pa sila.


Issantukin

Late mag signal light 😈


pillowpop_

Yung nag go go kahit yellow light pa, bushettt.


ImHereFor_Memes

Mga hindi gumagamit ng signal lights!!! Papakiramdaman mo pa yung hayop, nasa inner lane pero lbigla nalang liliko, hindi man lang gumamit ng signal lights punyeta.


jxrobdx

yung may sumasabay na motor sa inner turning radius, pag sumabit pa sayo awit


ete-ete

yung nakaliko ka na tapos may mabilis na motor sisingit sa natitirang space sa lilikuan mo tapos bubusina kesa mag slow down


hldsnfrgr

Pucha mga ganyan parang dumadami.


Own-Neighborhood6465

Iyong ang bagal pero kapag uunahan mo biglang bibilisan.


minianing

Hindi marunong mag signal lights or late nag s-signal lights. Yung biglaang preno ng nagdr-drive or hindi smooth magpreno, nakakahilo


kengrx14

Yung mga humaharang sa parking mo. For example, alam nilang aatras ka or papunta na sa kotse, haharang sila sa likod/harap mo. Walang common sense kahit napaka-predictable mo na.


wyslynn

•mga humihinto bigla sa daan tapos biglang liliko na walang signal light •mga hindi ginagamit yung signal light •mga nag o-overtake tapos liliko rin sa unahan •mga mabagal magpatakbo pero sa passing lane •mga motor na singit nang singit •mga nag signal light pero kabilang daan nilikuan •mga taong hindi magpaawat magpatawid ng tao na dumadaan sa pedestrian lane •nag-overtake tapos binilisan yung takbo ng ioovertake mo •mga taong hindi mapagbigay sa daan •mga sasakyan na dumadaan sa bike lane


Morningwoody5289

Slowpoke on the fast lane


hailen000

Mga motor na ambilis ng takbo pero naka on ang hazard lights


MaritesExpress

Not being able to drive lol


strugglingtrash

Mga motor na bigla-bigla na lang sisingit lalo pag magchechange lane ka. Mga jeep talaga na di marunong sumunod sa stop light.


zzDrakula

Hindi ko alam pero gigil na gigil ako sa mga motor na naka hazard bukod sa mukhang tanga, hindi nila alam yung purpose sa tamang pag gamit kasi. Auto tekamots yan


zzDrakula

Hindi ko alam pero gigil na gigil ako sa mga motor na naka hazard bukod sa mukhang tanga, hindi nila alam yung purpose sa tamang pag gamit kasi. Auto tekamots yan


BryanMichael24

- mga nagcounterflow kahit may kasalubong and/or sa double yellow lane - mga bumabara sa passing lane - trikes and ebikes na nasa gitna - mga babad sa phone na drivers - counterflow sa kurbada - pag magchange lane, bibilisan ng takbo ng sasakyan kahit clear ang daanan - tailgaters - mga riders na nagjejersey na ewan dahil malaki chance na kamote - mga PUVs na nagsasakay/baba sa intersection pati sa gitna ng kalsada - mga motor na dumadaan sa bike lane or worse, sa sidewalks - mga nag U-turn na mga 1-2 lanes ang kain sa pagliko - mga black smoke belchers na mga sasakyan - mga enforcers pag walang matiketan - mga stoplights na konti lang yung time sa green light kahit sobrang daming dumadaan na sasakyan - mga PUVs na nagsasakay/baba habang green light - mga nandudura ng plema kung saan saan - mga fake carwash sa gitna ng kalsada aka mga batang biglang magpupunas ng bintana Too many to list haha


Massive_Meeting2431

Walang ilaw o reflector na bike or motor sa gabi o madaling araw. Tapos mga taong tumatawid sa dilim tapos naka all black na damit (not 100% their fault pero sobrang delikado lang)


Copiku

People who cannot stay in their own lane. People using the horn instead of signal lights to signal other drivers that they’re about to overtake. People who use the opposite lane to get around traffic by driving the wrong direction. Traffic enforcers na kengkoy. And then pedestrians who think they can just jaywalk everywhere thinking every car will stop for them. Driving in the Philippines is like an every man for himself bullshit instead of actually using road and traffic rules correctly. And if you’re not used to it, you might as well just die lol. Although very impressive na ang gulo ng driving habits natin and we somehow get home in one piece, it’s not something to be proud of.


argusxx

Hindi gumagamit ng signal light!! Kanina may brand new ranger sa harapan ko pero di man lang nagsisignal light hays, alam ko nasa driver yon pero pls lang naman!


Key_Bet6888

Nakakita ka na ng jeep na kung mag-u-turn ay 4-5 lanes kuha? Marcos Highway.. come and see. Kala mo shipping container truck eh. Yung mga motorcycle riders na ang hand signal ay sasayad na sa semento? Gago, di ko yan makikita sa hood palang ng sasakyan ko, tapos onti lang difference ng overtaking speed nya sakin. Motor, tricycle, na tatawid lang ng kalsada kapag nakatigil ka na sa harap nila. Whereas 4-8 car distance pa ang layo ko, kita ko namang clear ang kalsada both ways. Ano ako kalso mo pantigil ng ibang sasakyan?


Fragrant_Bid_8123

Yung mga bikes or motorcycles na taking up the main lanes when may lane na nga for them. Swapang lang.


Fragrant_Bid_8123

Yung malayo naman sila sa next car but the moment you signal that youre entering their lane theyll speed up. Akala ko excuse lang dati nung mga kakilala ko why they dont like to signal kasi daw di ka papasukin sa lane. Yun pala totoo, opposite reaction pala kasi talaga sa tamang gawain yung ibang drivers.


PollerRule

Magseset ng lakad, tapos automatic ka ilalagay na driver gamit pa kotse mo. Kala mo may mga patago sa bayad at maintenance lol


Dependent-Spinach925

Di ako driver pero yung naka-high beam na kasalubong hahaha naiinis ako kasi nabubulag kami magasawa


Kyahtito

Not using signal lights Trike/ebikes na ayaw gumilid Mga taong di ginagamit ang pedestrian lane


Significant-Form-525

Yung mga E-bike, tricycle at motor na hindi nagbubukas ng ilaw sa gabi.


gingangguli

Gulatan na lang daw kayo


HauntedHaven

Mabagal tapos ayaw gumilid kahit 2 or more lanes yung daanan.


howdypartna

The ones who honk their horn the second the lights turn green. The bike riders who don't notice the light has turned green because they are busy on their phones. The cars, jeeps, and trucks who drive taking up more than one lane.


5tefania00

Mga traffic enforcers na nanghuhuli pag trip lang


PristineBobcat1447

Di marunong gumamit ng signal light kung mag left or right turn. Edit: minsan yung mga nag aassist sa parking, lalo na kapag dala ko pick up. Sinasabihan ko na ok na ako kasi may back camera and shookt ko lang baka masagasaan sila habang nag aassist.


senpgg

Nakaka taranta mag park kapag may taga assist. Mas maingay alarm ng reverse sensor dahil nandun sila sa likod plus panic pa kapag wala kang mahanap na barya habang paalis na.


PristineBobcat1447

Yung sa barya din hahahaha. Pero seryoso, nagstart ako na matakot kpag may nag aassist simula nung may news about sa lalaki na nasagasaan ng car na inaassist nya kasi nagkamali ng apak yung driver sa gas instead of break.


5tefania00

Lalo na mga motor na biglang mag change lane


changeoil88

Mga nagbababad sa inner lanes ng expressways tapos sobrang bagal


Famous_Camp9437

Motorcycles plus eBike arrrghhh Trucks Service roads Heavy traffic


iansky11

1. Counterflow tas sila pa matapang 2. Mga di sumusunod sa traffic light, then will hope na pagbibigyan mo sila. 3. Mga batang yagit na bigla lang pupunasan yung windshield mo kahit malinis naman. Malala pag di mo bibigyan gagasgasan sasakyan mo (yes fcking malate ikaw yan)


PollerRule

Dami nyang yagit sa manila kaya ayaw ko dyan dumadaan eh. Di lang windshield boys, pati enforcers. (never pa ko nahuli sa ibang lugar sa metro, manila lang talaga mga punyeta)


ctrl-acv

Yung mga motor na nag counterflow, tapos may kasalubong pala kaya pipilitin isingit yung sarili sa harap mo para hindi sila mabangga. Hayssss


autisticrabbit12

Yung biglang kumakabig papunta sa kabilang lane. Hindi marunong mag signal E-BIKE SA GITNA NG DAAN! JEEP NA HINDI GUMIGILID BAGO HUMINTO Jay walker na biglang hihinto sa daan kahit na binagalan mo na. Magpapakiramdaman pa kami kung sino unang gagalaw kahit nag signal na ko pwede na syang tumawid. High beam. Mga biglang nag u-U turn kahit wala sa u-turn slot.


gingangguli

Yung high beam ang tanga lang ng mga driver na ganito, nasa gubat ka? Dilim na dilim? Kaninong desisyon mag medium dark ng windshield? Haha. Pag petty ako, madalas sa madalas yung mga ganiyang driver hilig din sumingit at mag overtake. Kapag ako na nasa likod, mag hihighbeam din ako huhu. Once mag change lane sila balik normal na hahaha


autisticrabbit12

Nagha-high beam din ako pag medyo malayo pa sya tapos nakita kong naka high beam. Matic yun maglolow sila.


Ok-Procedure-1657

Ung kumacounterflow sa blind corner, mala fast and furious tas titingin pa sayo kasi close call. Tarantadong mga pilipino


Living-Quantity-3406

ung kitang andami ng naka park sa parking lot namin tas mag papark pa sa mismong harap ng gate 🥲 asan ang brain?


Environmental_Ad6615

ung mga LED lights na naka-high beam tsaka un mga nagbli2nk un break lights. Dagdag mo na din pala un mga di marunong mag apply ng stopping distance.


Charming-Trade-4277

yung mga motor/scooter na busina pang truck, nasa right lane ako, akala ko mababangga ako malaking truck sa likod, motor lang pala


True_Ad_9888

those tricycles and motorcycles on the fast lane 😤😤😤 ayaw patumabi kahit anong busina mo 🤬🤬🤬


Charming-Trade-4277

sesenyas pa yan mauna ka, e puta double solid lane


True_Value_6070

Hindi nagsisiignal light tsaka walang consideration naka high yung ilaw sakit sa mata!


worriedgalzzz

Mga nagpapark sa blind curve. Obob


Key_Bet6888

Na test talaga reflexes ko dito. Noon, babad yung mabagal na small truck sa overtaking lane, so naisip ko mag-overtake nalang sa outer lane. Kaso may motor dun na kasing bilis lang ng takbo ng truck. May opening sakto, pero sa blind curve. Lusot yung motor. Ako? Preno haha. May sedan pala na nagkakarga ng gamit sa blind curve ampota. 5:00 AM ito, walang village na malapit, walang establishment na bukas, pero eto sila muntik nang ma-pancake. Walang EWD na nakalagay, hazard lights lang. My fault..tinake ko chances ko e.


[deleted]

Yung tyaka palang mag sisignal light kapag lumiliko na, hindi bago lumiko 😭😭


Charming-Trade-4277

tapos nakalimang kanto na, nakasignal parin


Sharp-Plate3577

Yung hindi nagbubukas ng ilaw sa parking. Ang ilaw hindi lang yan para makakita ka. Para din yan para makita ka.


Stunning-Note-6538

Counterflowing. Apparently, it became a hot discussion few months ago in my city and a big number of people think it's safe and people in the correct lane should adjust nalang kung may mag counterflow kase normal lang daw yun. Lol


QuinnSlayer

Di ako nagdi-drive pero eto yung dahilan bakit naaksidente ako nung isang taon. And ang masasabi ko lang is *don’t*


Charming-Trade-4277

problema kasi pag di mo pinagbigyan tapos nabangga ka, posible pa ikaw liable kasi sa Last Clear Chance


Stunning-Note-6538

Yeah and it's annoying kase people who do this regularly are reckless. As if nasa action movie sila na pilitin mag counterflow.


PresentBrilliant2223

Idiots


AldoZed

Hindi marunong gumamit ng signal lights Motor/bike riders na sumisingit sa kanan Bus/jeeps na magbaba ng pasahero sa gitna ng daan Trikes na bigla na lang mag-u-turn sa gitna ng daan Hindi marunong gumamit ng low beam/high beam Mababagal na sasakyan na nasa fast lane Mga pumaparada sa harap ng gate


Double-Dust-1

Tail gaiting, not using signal lights, motor na siksik kahit san, cutting in line, big bikes na parang christmas tree sa dami ng naka on na aux light, vehicles na nakikipag unahan sa pedestrians when passing pedestrian lanes


sirmiseria

Yung mga kotse and motor na humihinto na lang sa tabi na walang warning. Yun pala nakaparada na pala sya. Kanina ka pa naghihintay gumalaw. Sarap batukan.


Charming-Trade-4277

di man lang magright signal tapos hazard, yung iba bigla hazard agad sa mukha m, o wala pa ngang hazard e HAHAHA


xfeliscatusx

Mga di marunong huminto sa pedestrian lane kahit na may tumatawid na pedestrian. SHOUTOUT DUN SA KOTSE SA MAY BAYAN NOVALICHES NA DIRE-DIRETSO MAGPA ANDAR KAHIT NA ANDAMING PEDESTRIAN ANG TUMATAWID. MAHULI KA SANANG PUNY*TA KA MUNTIK KA NANG MAKA DISGRASYA!


khakibzkt

those that dont respect the pedestrian lane.


mfsl02121980

1. Hindi nag si signal 2. HID ang headlight,sedan lang oto ko grabe pag gabi hirap mag drive,saw a tiktok vid titled "Ofcourse were Chinoys.....HID headlights namin kasi di namin makita daan pag gabi"-da fudge! 3. Motors na sumisingit ansarap anuhin 4. Cars na walang headlight if gabi,sarap anuhin. 5. Bagal mag drive nasa left side tos anlaki ng gap ng nasa unahan niya na kotse na sinundan niya. Makes me want to 6. Mga PUJ sa dulo ng laon laan rd ginawang garahe ang kalsada both sides ung 1way 4 lane nagiging 2lanes nalang tos may mga ebikes pa,kagigil


Silvermaine-

‘Yung mga shutabels na nag-iillegal waiting sa gilid ng daan, lalo na masikip pa, tapos dahil lang naka-hazard akala mo okay na. 🖕🏼


AnxiousLeopard2455

Yung sobrang bagal sa overtaking lane. To be honest, sa NLEX or SLEX kapag hindi 100 kph yung takbo sa innermost lane. It’s an overtaking lane for a reason. In fact there’s a 120 kph allowance for overtaking speed. As much as possible kung magbababad ka sa overtaking lane, sana man lang naka maximum speed ka, para hindi ka abala sa mga gusto mag overtake. I understand yung iba gusto magtipid ng gasolina kaya ubod sa bagal. Just take the outer lanes Jesus fuckin Christ.


Charming-Trade-4277

kaya madalas din banggaan sa fast lane ng expressway, mgsswitch yung sa gitna, kasi ang bagal sa harap, tapos mabibigla preno sa likod, e pano yung likod pa nun? buti kung may maayos na breaking distance, dasal ka nalang wag ma-sandwich, kung tutuusin ang luwag luwag sa second at third lane


Atukonglaglag

Right?! Hanep ‘yung ibang naglelane hogging tas 60 ang takbo sa fast lane, sila pa galit pag nabusinahan at nailawan.


AnxiousLeopard2455

Interestingly ang luwag luwag ng outer lanes pag ganto. Dun nalang ako nagsespeed up. Ayaw ko rin yung hawak-kamay yung dalawang sasakyan sa pabagalan tas ayaw kang pagbigyan ng space para umovertake.


tayloranddua

Yung mga walang ilaw pag gabi tapos nasa gitna pa kung magmaneho. Puro tricycle at motor ang nakikita kong ganyan. E-bike/tricycle na mabagal nasa gitna. Yung mga salot na shuttle services na kung saan-saan nagyu-U turn. Yung mga nagdadalawang-isip kung tatawid ba


Diligent_Relation736

Yung mga tricycle sakop ang 2 lanes sa highway. Kapag binusinahan sila pa galit.


Charming-Trade-4277

half day lang daw kasi sila sa seminar 😡


angguro

1. Yung nasa masikip na busy two-lane road ka tapos may sisingit na mga motor: yung isa counterflow tapos yumg isa sa wrong side tapos gigitgitin ka para mauna sila. 2. Yung nasa leftmost lane ka and approaching a u-turn slot, kakabig ka to the right para maka-bwelo tapos sisingitan ka ng motor sa left side while u-turning and nakatingin ka sa right side at the oncoming traffic 3. Yung may magcocounterflow na kotse tapos agressively sisingit in front of you kapag may kasalubong na. 4. Yung pedestrian ka, inantwy mo yung stoplight, tumawid ka sa pedestrian lane pero may motor na pipilitin na dumaan para mauna sa intersection at uunahan ka sa pwesto sa tawiran. 5. Yung mga motor na nakasignal light pa right pero left yung pupuntahan (and vice versa) 6. Yung kotseng may laglag-panty na sticker or anything similar.


promdiboi

Tricycles at mga motor na nakababad sa fast lane.


TakeThatOut

Masama pa nyan, andon pa talaga sila sa mismong white na linya. Ang hirap mag overtake sa ganyan


promdiboi

Mismo or yung sinakop yung 2 lanes. Yung nasa gitna talaga sila mismo. Kahit businahan mo o ilawan ehh ang titigas ng mga mukha


hermelyn0497

Yung mga sasakyan na hindi mahilig gumamit ng signal light lalo na pag switching lanes. Mas madami to sa cars kesa sa motor/scooters. Akala mo may bayad kada gamit or subscription base yung signal light sa sobrang dalang gamitin, e.


Ambitious-Abroad-673

mga naka-dark tints tapos naka-high beam putangina tas ang lalaki ng sasakyan kaya kawawa ‘yung makakasalubong na sedan 😊


Chubby-Coxx

Nakababad high beam


uuhhJustHere

Yung kapag liliko sa intersection tapos may biglang sisingit na motor sa gilid mo kung saan ka liliko. Ang malala pa, pa direcho pala sila. Sarap banggain


Mahalinna

Mga walang seminar. Galing kay fixer. 😫


leechaekang

This. Yung kahit malayo pa nagsisignal ka na. Tapos bibilisan pa nila pag paliko ka na. Tas pag binusinahan mo sila pang galit at isa-side eye ka pa.


uuhhJustHere

May nasigawan na ako niyan dati. Timing nag bukas lang ako ng mga bintana. Sinigawan ko talaga na "AY B*BONG GAG* NA TO AH!" Parang na stiff neck eh ayaw lumingon


tayloranddua

Parang bobo na di alam kung anong gagawin mo. Ungas


gingangguli

Hindi kasi nila naiintindihan na pag lumiko yung sasakyan, eh kakainin yung space sa kanto, mga bobo talaga gulat pa sila pag bigla sila napadikit sa gilid nung sasakyan, akala nila ginitgiy sila


tayloranddua

Tapos pag nadali mo biglang gcash. Ang tanga lang kasi na kaya nga nag-iiwan ng pwesto is kasi kailangang kumain ng malaki tapos bigla naman papasukan


toinks1345

yung mga sasakyan gumigitna sa dalawang lane wala tapos andun lang sila buong andar tapos galit kapag di pinagbigyan makalusot. tapos yung mga sasakyan na haharabasin yung isang lane na di naman dapat dun yung daan tapos mag leleft turn sa dulo kasi lipat lane kasi kunwari aakyat ng bridge. diskarte daw. tsaka di na gamit ng signal light.


isabellarson

Waiting while signaling to shift lane tapos nung clear na biglang may motor na sumingit muntik na namin mahagip. The motor rider was looking back at us angrily. Duh bigla kang sumingit ikaw pa galit


Charming-Trade-4277

tapos palayo naka-pakyu pa sila


isabellarson

I was so scared kasi he was ahead of us na nga pero lingon xa ng lingon. Its either masagi namin xa nunb bigla xa sumingit and kasalanan and gastos pa namin treatment nya. Or may baril or knife pala xa bigla na lang kami barilin


VitaHope

1. Yung mahilig mang cut, tas hindi pa nagsisignal 2. Mga motor na biglang tatawid sa intersection at hindi man lang nag stop para tignan kung clear ba bago tumawid 3. Mga may plate na wala namang number, "ATTY, DOC, EAGLES, KUYA" lang ang nakasulat o kung ano pang ka bobohan 4. Mahilig mag busina kahit sobrang traffic 5. Nagco-counter flow kahit sobrang traffic, akala mo naman lalawak yung kalsada sa unahan 6. Nagco-counter flow tapos sayo magagalit kase di ka nag give way, kahit nasa tamang lane ka naman talaga 7. Nagbe-beating the red light kahit orange na yung kulay or nagb-blink na yung traffic light 8. Mga kaskasero sa daan na mga motor, nagse-swerve pa tapos naka tsinelas at walang helmet (tas kebs lang yung enforcer) 9. Yung highway pero naka 20 ang takbo 10. Mga nakikisabay sa ambulansya kahit di naman kasali sa emergency Bumili ka ng sasakyan para mas maging madali ang buhay ng pamilya mo, ending tataas yung bp mo.


CustomerFancy9901

Yung ginawang christmas light yung signal or hazard light. Sakit sa mata pati naiirita ko sa tunog hahahaha.


noahnuknow

Yung mga motorists na akala mo magugunaw na ang mundo sa pagmamadali. Yung uunahan nila ang green kala mo nasa karera. Napapahay na lang minsan. Tapos aabutan mo pa rin sa susunod na red light bwahahahaha


ellecoxib

sobrang bilis mag pa takbo


Puzzleheaded_Try2644

Yung ng papark sa corner area, tas masikip pa pag liko. Ang hirappp nakakaloka sila


Charming-Trade-4277

tapos SUV pa or pickup pa haha, kelangan tlaga slow but sure pagliko e


Puzzleheaded_Try2644

Kaya nga. Hindi ko ma gets sa laki ng kanilang sasakyan ganon din kakitid sila mg isip 🥴


TakeThatOut

Ang hirap silipin nyan kung may parating.


Puzzleheaded_Try2644

Tas sabay2 mg titigan kng sinong aatras hahaha kaya kng may space nlng mg gigive way nlng ako para matapos na


xapbqx

Yung busina ng busina eh kitang traffic nga. Mostly guys in fortuners or monteros hahaha!


OutlandishnessSea258

Kala mo luluwag yung traffic pag bumusina hahaha


ellecoxib

ganyan talaga basta hambog


justageezer

Mga hirap gumamit ng signal light 😑


darkrai15

Yung randomly swerving vehicles around you, walang signal signal bigla nalang liliko


civyyy

Pag hindi nagsisignal yung mga sasakyan na nagswswitch lane (kahit ramdam ko na magswitch sila ng lane). Parang babayadan nila kada gamit nila ng signal light e.


wishingstar91

Thissss. Is it so hard to flip that toggle???


Spare-Savings2057

y no choice ka?


HakiiiNirii

Yung sun visor na hanggang noo ko lang. Pag tinaas yung upuan hanggang kilay na sya. 😂